Ang Kapanahunan ng Kaharian ay, kung iisipin, naiiba mula sa nakaraan. Hindi ito kaugnay sa kung ano ang ginagawa ng tao. Sa halip, personal Kong isinasakatuparan ang Aking gawain pagkababa sa lupa—gawaing kahit ang mga tao ay hindi maaaring maisip ni makamit. Buhat nang nilikha ang sanglibutan hanggang sa kasalukuyan, ang lahat ng mga taon na ito ay palaging patungkol sa pagbuo ng iglesia, ngunit hindi kailanman nakarinig nang pagtatayo ng kaharian. Kahit na nagsasalita Ako nito sa Aking sariling bibig, mayroon bang kahit sino na may alam sa kakanyahan nito? Dati na Akong bumaba sa mundo ng mga tao at naranasan at siniyasat ang kanilang paghihirap, nguni’t hindi natugunan ang layunin ng Aking pagkakatawang-tao. Kapag umusad na ang pagtatayo ng kaharian, ang Aking pagkatawang-tao ay pormal nang magsisimula upang isagawa ang paglilingkod; iyon ay, ang Hari ng kaharian ay pormal nang kukunin ang Kanyang pinaka-kataas-taasang kapangyarihan. Mula dito ay maliwanag na ang pagdating ng kaharian sa mundo ng tao, malayo mula sa pagiging salita at mga pagpapakita lamang, ito ay isa sa aktwal na katunayan; ito ay isang aspeto ng kahulugan ng “ang katunayan ng pagsasagawa.” Ang tao ay hindi kailanman nakakita ng kahit isa sa Aking mga gawain, at hindi kailanman nakarinig ng kahit isa sa Aking mga pagbigkas. Kahit nakita niya, ano ang kanyang dapat natuklasan? At kung narinig niya Akong magsalita, ano ang dapat niyang naunawaan? Sa buong mundo, ang lahat ng sangkatauhan ay namamalagi sa loob ng Aking pag-ibig, at Aking habag, nang sa gayon ang lahat ng sangkatauhan ay nasa ilalim ng Aking paghatol, at gayon din naman sa ilalim ng Aking pagsubok. Ako ay naging maawain at mapagmahal sa sangkatauhan, kahit na ang lahat ng tao ay naging tiwali sa isang antas; iginawad Ko ang pagkastigo sa sangkatauhan, kahit na ang lahat ng tao ay yumukod sa pagpapasakop sa harap ng Aking trono. Subalit mayroon bang sinumang tao na wala sa gitna ng paghihirap at pagpipino na Aking naipadala? Gaano karaming tao ang nag-aapuhap sa kadiliman para sa liwanag, gaano karami ang mapait na nagtitiis sa kanilang pagsubok na dinaranas? Si Job ay may pananampalataya, at kahit pa, sa kabila nito, hindi ba siya naghahanap ng paraan palabas para sa kanyang sarili? Bagama’t ang Aking bayan ay maaaring tumindig nang matatag sa pagsubok, mayroon bang sinuman, na hindi ito sinasabi nang malakas, ang pinaniniwalaan ito sa kanyang puso? Hindi ba ito kundi na kanyang sinasabi ang kanyang paniniwala habang nag-aalinlangan sa kanyang puso? Walang mga tao na nanindigan sa pagsubok, ang nagbibigay ng tunay na pagsunod sa pagsubok. Hindi Ko ba tinakpan ang Aking mukha upang maiwasan ang pagtingin sa mundong ito, ang buong sangkatauhan ay mabubuwal sa ilalim ng Aking nakasusunog na titig, sapagka’t hindi Ako humiling ng anumang bagay sa sangkatauhan.
Kapag ang pagpupugay sa kaharian ay umalingawngaw—kung saan ito rin ang pag-dagundong ng pitong kulog—ang tunog ay yumayanig sa langit at lupa, inuuga ang pinakamataas na langit at nagiging sanhi ng panginginig ng masidhing damdamin ng bawat tao. Isang awit sa kaharian ang pormal na bumabangon sa bansa ng malaking pulang dragon, na nagpapatunay na Ako ang nagwasak ng bansa ng malaking pulang dragon at itinatag ang Aking kaharian. Mas mahalaga pa rito, ang kaharian Ko ay itinatatag sa lupa. Sa sandaling ito, Ako’y nagsimulang magpadala ng Aking mga anghel sa bawat isa sa mga bansa sa mundo upang maaari silang magpastol ng mga anak Ko, ng Aking bayan; ito rin ay upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga susunod na hakbang ng Aking gawain. Ngunit personal Akong pumupunta sa lugar kung saan ang dakilang pulang dragon ay namamalaging nakapulupot, upang makipaglaban dito. At kung ang lahat ng sangkatauhan ay makilala Ako mula sa loob ng katawang-tao, at magawang makita ang Aking mga gawa mula sa loob ng katawang-tao, kung gayon ang pugad ng malaking pulang dragon ay magiging abo at maglalaho nang walang bakas. Bilang mga tao ng kaharian Ko, dahil kinamumuhian ninyo sa inyong mga buto ang malaking pulang dragon, dapat ninyong bigyang kasiyahan ang Aking puso sa inyong mga kilos at sa ganitong paraan ay dulutan ng kahihiyan ang dragon. Talaga bang nararamdaman ninyo na ang malaking pulang dragon ay kasuklam-suklam? Talaga bang nararamdam ninyo na ito ang kaaway ng Hari ng kaharian? Talaga bang mayroon kayong pananampalatayang maaaring magdala ng kahanga-hangang patotoo sa Akin? Talaga bang mayroon kayong pananampalataya upang talunin ang malaking pulang dragon? Ito ang hinihingi Ko sa inyo. Ang tanging kailangan Ko para sa inyo ay magawa ninyong maabot hanggang sa hakbang na ito; makakaya niyo bang gawin ito? Mayroon ba kayong pananampalataya na maaari ninyong makuha ang mga ito? Ano ang kayang magawa ng tao? Hindi ba sa halip na Ako dapat ang gumawa nito ng Sarili Ko? Bakit sinasabi Ko na personal Akong bumababa sa lugar kung saan ang labanan ay sinasalihan? Ang gusto Ko ay ang inyong pananampalataya, hindi ang iyong mga gawain. Ang mga tao ay hindi kayang tanggapin ang Aking mga salita sa isang tuwirang paraan, ngunit magmasid lamang mula sa tabi. At naabot niyo ba ang inyong layunin sa ganitong paraan? Kayo ba ay makilala Ako sa ganitong paraan? Ang totoo, sa mga tao sa lupa, walang may kakayahang tumingin sa Akin nang tuwid sa mukha, walang sinuman ang makakatanggap ng dalisay at lantay na kahulugan ng Aking mga salita. At napasimulan Ko ang isang walang katulad na gawang inhinyera sa ibabaw ng lupa, upang makamit ang Aking layunin at itaas ang tunay na larawan ng Aking sarili sa puso ng mga tao, at sa ganitong paraan tatapusin ang panahon kung saan ang mga paniwala ang nagtataglay ng kapangyarihan sa tao.
Ngayon, hindi lamang Ako bumababa sa bansa ng malaking pulang dragon, ibinabaling Ko rin ang Aking mukha sa buong sansinukob, upang manginig ang buong pinakamataas na langit. Mayroon bang kaisa-isang lugar na hindi sumasailalim sa Aking paghatol? Mayroon bang kaisa-isang lugar na hindi umiiral sa ilalim ng mga hagupit na Ako ang naghahagis? Saanman Ako pumunta nagpakalat Ako ng lahat ng uri ng mga binhi ng sakuna. Isa ito sa mga paraan kung saan Ako ay gumagawa, at ito ay walang duda na isang gawa ng pagliligtas sa tao, at kung ano ang ipinaaabot Ko sa kanya ay isang uri pa rin ng pag-ibig. Nais Kong magkaroon ng mas maraming tao na pumupunta upang makilala Ako, upang makita Ako, at sa ganitong paraan igagalang ang Diyos na hindi nila nakita nang maraming taon ngunit, sa ngayon, ay tunay. Sa anong dahilan Ko nilikha ang mundo? Sa anong dahilan, nang ang sangkatauhan ay naging masama, hindi Ko sila tuluyang winasak? Sa anong dahilan na ang buong sangkatauhan ay nabubuhay sa ilalim ng mga hagupit? Sa anong dahilan na Ako Mismo ay nagsa-katawang-tao? Kapag Ako ay gumaganap ng Aking gawain, alam ng sangkatauhan ang lasa hindi lamang ng mapait ngunit pati rin ng matamis. Sa mga tao sa mundo, sino ang hindi nabubuhay sa loob ng Aking biyaya? Hindi ba Ako nagbigay sa mga tao ng mga materyal na pagpapala, sino ang magagawang tamasahin ang kasapatan sa mundo? Tiyak, na ang pagpapahintulot sa inyo na kunin ang inyong lugar bilang Aking bayan ay hindi lamang ang nag-iisang pagpapala, hindi ba? Ipagpalagay na kayo ay hindi Aking bayan ngunit sa halip ay mga taga-serbisyo, hindi ba kayo mabubuhay sa loob ng Aking pagpapala? Wala ni isa sa inyo ang may kakayahang arukin kung hanggang saan nanggagaling ang Aking mga salita. Ang sangkatauhan—sa halip na pahalagahan ang mga pangalan na Aking iginawad sa inyo, marami sa inyo, sa katawagang “taga-serbisyo,” ay nagtatanim ng sama ng loob sa inyong mga puso, at sa gayon marami, sa katawagang “Ang Aking bayan,” ay nagbubunga ng pag-ibig sa inyong mga puso. Huwag subukang linlangin Ako—Ang Aking mga mata ay nakikita at tumatagos sa lahat! Sino sa inyo ang tumatanggap nang maluwag sa loob, sino sa inyo ang nagbibigay ng ganap na pagsunod? Kung ang pagpupugay sa kaharian ay hindi umalingawngaw, magagawa ninyo pa rin ba na sumunod hanggang sa katapusan? Kung ano ang kakayahan ng tao sa paggawa, sa pag-iisip, gaano kalayo ang kanyang mararating—lahat ng mga ito ay naitinalaga Ko na mula noon pa.
Ang karamihan ng mga tao ay tinatanggap ang Aking nagniningas na apoy sa liwanag ng Aking mukha. Ang karamihan ng mga tao, nabigyang-inspirasyon ng Aking paghihikayat, ay pinukaw ang mga sarili upang sumulong sa pagtugis. Kapag ang mga pwersa ni Satanas ay inatake ang Aking bayan, Ako ay naroon upang sanggahin ang mga ito; kapag ang mga pakana ni Satanas ay nagdudulot ng kaguluhan sa buhay ng Aking bayan, pinalalayas Ko itong talunan, kapag naalis hindi na kailanman babalik. Sa lupa, ang lahat ng uri ng masasamang espiritu ay walang katapusang gumagala-gala naghahanap ng lugar upang magpahinga, at hindi humihinto sa paghahanap ng bangkay ng mga tao upang kainin. Ang Aking bayan! Kailangan ninyong manatili sa loob ng Aking pagmamahal at pag-iingat. Huwag kailanman kumilos nang imoral! Huwag kailanman kumilos nang walang ingat! Sa halip, ihandog mo ang iyong katapatan sa Aking tahanan, at sa pamamagitan lamang ng katapatan maaari kang maglunsad ng pagsalungat laban sa lalang ng diyablo. Kahit anong mangyari hindi ka dapat kumilos tulad nang sa nakaraan, paggawa ng isang bagay sa Aking harapan at iba naman sa Aking likuran—sa ganyang paraan ikaw ay hindi na maaabot ng pagtubos. Tiyak na nabigkas Ko na nang labis-labis ang mga salitang tulad ng mga ito, hindi ba? Talagang dahil ang lumang kalikasan ng tao ay hindi na mababago kaya paulit-ulit Ko na siyang pinaalalahanan. Huwag mababagot! Ang lahat nang sinasabi Ko ay alang-alang sa pagtiyak ng inyong kahihinatnan! Isang mabaho at maruming lugar ang tiyak na kailangan ni Satanas; kung mas lalong walang pag-asang matutubos pa, at kung mas lalo kayong napariwara, tinatanggihang magpasakop sa pagpipigil, mas higit na magtatangka sa anumang pagkakataon upang makapasok ang maruruming espiritu. Sa sandaling makarating kayo sa landas na ito, ang inyong katapatan ay magiging walang kabuluhang daldalan lamang, nang walang anumang katunayan, at ang inyong matibay na paninindigan ay kakainin ng mga maruruming espiritu, upang maging pagsuway o lalang ni Satanas, at gamitin upang gambalain ang Aking mga gawain. Dahil doon kayo ay Aking hahampasin hanggang kamatayan kailanman at saanman Ko naisin. Walang sinumang nakakaalam ng bigat ng sitwasyong ito; ipinapalagay ng lahat na ang kanilang naririnig ay walang kabuluhang usapan at hindi man lang nag-iingat kahit kaunti. Hindi Ko naaalala ang nangyari sa nakaraan. Naghihintay ka pa ring bang maging maluwag Ako sa iyo sa pamamagitan ng muling paglimot? Kahit ang sangkatauhan ay sumalungat sa Akin, hindi Ko ito panghahawakan laban sa kanya, dahil ang tayog ng tao ay masyadong kapos, at kaya hindi Ako humihingi ng mataas na pangangailangan sa kanya. Ang tanging kailangan Ko ay hindi niya dapat sayangin ang sarili, at magpasakop sa pagpipigil. Tiyak na ito ay hindi lampas sa inyong kakayahan upang matugunan ang isang kondisyon? Ang karamihan ng mga tao ay naghihintay para magbunyag Ako ng higit pang mga misteryo para sa ikasisiya ng kanilang mga mata. At kahit na, kung maunawaan mo ang lahat ng mga hiwaga ng langit, ano ang maaari mong gawin sa mga kaalamang iyan? Madadagdagan ba nito ang iyong pag-ibig para sa Akin? Mapag-aalab ba nito ang pagmamahal mo sa Akin? Hindi Ko minamaliit ang tao, at hindi rin Ako basta-basta nakararating sa isang pasya ng hurado tungkol sa kanya. Kung ang mga ito ay hindi ang aktwal na mga kalagayan ng tao, hindi Ko kailanman basta na lamang koronahan ang mga tao ng mga tatak na ito. Isipin muli ang nakaraan: Mayroon bang anumang panahon kung kailan siniraan Ko kayo? Anumang panahon kung kailan minaliit Ko kayo? Anumang panahon kung kailan tiningnan Ko kayo nang walang pagsasaalang-alang para sa inyong mga aktwal na kalagayan? Anumang panahon kung kailan ang sinabi Ko ay nabigo upang punan ang inyong puso at ang inyong bibig nang may matibay na paniniwala? Anumang panahon kung kailan Ako’y nagsalita nang hindi inuudyukan ang madamdaming mga alaala sa loob ninyo? Sino sa inyo ang nakapagbasa ng Aking mga salita nang walang takot at panginginig, nahihintakutan na pababagsakin sa napakalalim na hukay? Sino ang hindi nagtitiis ng pagsubok sa loob ng Aking mga salita? Sa loob ng Aking mga salita ay namamalagi ang awtoridad, ngunit ito ay hindi para basta na lamang hatulan ang tao; sa halip, mapag-unawa sa mga aktwal na kalagayan ng tao, Aking palaging ipinapamalas sa tao ang kahulugan na likas sa Aking mga salita. Sa punto ng katiyakan, mayroon bang kahit sino na kayang kumilala ng Aking makapangyarihang lakas sa Aking mga salita? Mayroon bang kahit sino ang maaaring makatanggap sa kanyang sarili ng pinaka-dalisay na ginto na kung saan gawa ang Aking mga salita? Gaano karaming mga salita ang Aking nasambit, ngunit mayroon ba'ng kahit sino ang nagpapahalaga sa mga ito?
Marso 3, 1992
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Ang pinagmulan: Ang Ikasampung Pagbigkas
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento