Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Patotoo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Patotoo. Ipakita ang lahat ng mga post

03 Hulyo 2020

Kasama Nang Muli ng Diyos



Ni Qiu Zhen, Tsina

Isang araw, tinawag ako ng nakababatang kapatid kong babae para sabihing nakabalik siya mula sa hilaga at may mahalaga siyang bagay na gustong sabihin sa akin. Hiningi niyang puntahan ko siya kaagad. May pakiramdam ako na baka may masamang nangyari, kaya agad akong nagtungo sa bahay niya. Nang makarating ako sa lugar niya at makitang nagbabasa siya ng isang libro, saka lang nawala ang pagkabalisa ko. Nakita ako ng kapatid kong pumasok, agad siyang tumayo at masayang sinabi, “Qui Zhen! Sa pagkakataong ito sa hilaga may narinig akong magandang balita: Ang Panginoong Jesus ay nagbalik na!”

20 Hunyo 2020

Pag-uwi


Ni Muyi, South Korea

Ang umaapaw na pag-ibig ng Diyos malayang ibinigay sa tao. Inosente at puro, hindi nababagabag, puno ng biyaya sa buhay. … Ng taong may konsensya at may pagkatao, may kasiyahang dala ng Kanyang biyaya” (“Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao” sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin).

19 Mayo 2020

Ibang Klase ng Pagmamahal


Ibang Klase ng Pagmamahal

Ni Chengxin, Brazil

Isang di-sinasadyang pagkakataon noong 2011 ang nagtulot sa akin na makapunta sa Brazil mula sa China. Noong kadarating ko pa lang, nalula ako sa mga sariwa at bagong karanasan at nag-usyoso ako nang husto, at nagkaroon ako ng magandang pakiramdam tungkol sa hinaharap. Ngunit pagkaraan ng ilang panahon, ang sariwa at bagong pakiramdam na ito ay napalitan kaagad ng kalungkutan at sakit dahil nasa isang malayong bansang dayuhan ako. Araw-araw ay umuuwi akong mag-isa at kumakaing mag-isa noon, nakatitig sa mga dingding sa paligid ko araw-araw na walang makausap na sinuman. Lungkot na lungkot ako, at madalas akong umiyak nang lihim.

22 Abril 2020

Ang Kaharian ng Langit ay Nalalapit Na; Paano Natin Makakamit ang Tunay na Pagsisisi?


Palatandaan ng pagbabalik ni cristo | Ang Kaharian ng Langit ay Nalalapit Na; Paano Natin Makakamit ang Tunay na Pagsisisi?

Ni Emily


Ang mundo ay napapalibutan ng mga sakuna at ang araw ng Panginoon ay nalalapit na sa atin. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17). Makikita na tanging ang mga yaong tunay na nagsisisi ang maaaring pumasok sa kaharian ng langit. Kaya, ano ang tunay na pagsisisi? Paano natin makakamit ang tunay na pagsisisi? Ang teksto na ito ay maghahayag sayo. 

23 Marso 2020

Ang Karanasan ng Isang Doktor sa Pagbabagong-anyo


Katapatan sa Salita at Gawa | Ang Karanasan ng Isang Doktor sa Pagbabagong-anyo

Liu Jing
Nang ako ay bata pa, sa tuwing dinadala ako ng aking ina sa ospital upang patingin sa isang doktor at nakita ang lahat ng mga doktor at mga nars sa kanilang puting toga na nagmamadali sa paligid, madalas kong naiisip na mukha silang mga anghel na nakaputi.

28 Pebrero 2020

Ibang Klase ng Pagmamahal

Pagmamahal ng Diyos | Ibang Klase ng Pagmamahal


Ni Chengxin, Brazil

Isang di-sinasadyang pagkakataon noong 2011 ang nagtulot sa akin na makapunta sa Brazil mula sa China. Noong kadarating ko pa lang, nalula ako sa mga sariwa at bagong karanasan at nag-usyoso ako nang husto, at nagkaroon ako ng magandang pakiramdam tungkol sa hinaharap.

19 Pebrero 2020

Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy


Mga pagsubok ng buhay | Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy


Tunay Bang Pagsunod sa Diyos ang Pagtatrabaho nang Husto, Pagsuko sa mga Bagay at Paggastos sa Diyos?
Sinabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). 

07 Pebrero 2020

Sa Wakas Naunawaan Ko Na Kung Anong Uri ng Mga Tao ang Maaaring Pumasok sa Kaharian ng Langit (II)


Ni Aixi, Malaysia

Nang sumunod na nag-online ako para sa pakikipagbahagian, tinanong ko ang aking kapatid, “Totoo na nagsasagawa tayo ng maraming mga maling hangarin habang gumagawa tayo, nagtatrabaho, at masigasig na naglalaan, na madalas tayong nagkakasala at lumalaban sa Diyos, at hindi natin ginagawa ang kalooban ng Ama.

18 Hulyo 2019

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Mapait na Bunga ng Kayabangan



Hu Qing Lungsod ng Suzhou Lalawigan ng Anhui

Nang makita ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Gusto ninyo na mga naglilingkod bilang mga lider na laging magkaroon ng mas higit na kahusayan, na maging angat kaysa sa lahat, na makanahap ng mga bagong pamamaraan upang makita ng Diyos kung gaano ang kakayahan mo talaga. … Lagi mo gustong magpakitang-gilas; hindi ba’t ito mismo ang kapahayagan ng isang mapagmataas na kalikasan?” (“Kung Wala ang Katotohanan Madaling Saktan ang Damdamin ng Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo), Naisip ko sa sarili ko: Sino ang may sapat na tapang na sumubok makakita ng mapanlikhang bagong panlilinlang?

02 Hulyo 2019

Mga Patotoo tungkol sa Paghatol sa Harapan ng Hukuman ni Cristo | Huwag Maghanap ng mga Bagong Pakana Habang Naglilingkod sa Diyos



Heyi Siyudad ng Zhuanghe, Lalawigan ng Liaoning

Kapo-promote pa lang sa akin para gampanan ang responsibilidad bilang pinuno ng iglesia. Ngunit matapos ang isang yugto ng mahirap na gawain, hindi lamang halos mawalan ng buhay ang gawain ng pag-eebanghelyo ng iglesia, ngunit ang lahat ng kapatid ko na nasa pangkat ng pag-eebanghelyo ay namumuhay sa negatibo at kahinaan. Nahaharap sa ganitong sitwasyon, hindi ko na mapigilan pa ang mga nararamdaman ko. Paano ko kaya magagawang magtrabaho para pasiglahin ang gawain ng pag-eebanghelyo?

16 Hunyo 2019

Mga Patotoo | Ang Ganitong Uri ng Paglilingkod ay Tunay na Napakasama


Ding Ning Lungsod ng Heze, Lalawigan ng Shandong

Sa nakalipas na ilang araw, inayos ng iglesia ang pagbabago sa aking trabaho. Sa pagtanggap ko ng bagong gawaing ito, naisip ko, “Kailangan kong samantalahin ang huling pagkakataong ito na magpatawag ng isang pagpupulong kasama ng aking mga kapatid, makipag-usap nang malinaw sa kanila tungkol sa mga bagay, at iwanan sila ng isang magandang impresyon.”

26 Mayo 2019

Mga Patotoo tungkol sa Paghatol sa Harapan ng Hukuman ni Cristo | Ang mga Pamantayan ng Tunay na Mabuting Tao



Moran Linyi City, Shandong Province

Mula noong bata pa ako, palagi ko nang binibigyan ng importansya ang tingin ng ibang tao sa akin at ang kanilang opinyon tungkol sa akin. Upang makakuha ako ng papuri mula sa ibang mga tao para sa lahat ng ginagawa ko, hindi ako kailanman nakipagtalo sa sinuman tuwing may lumilitaw na anumang bagay, upang maiwasang sirain ang mabuting imahe ng mga tao tungkol sa akin.

18 Mayo 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Sinong Nakakaalam ng Puso ng Diyos na Tulad ng Isang Ina?


Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Sinong Nakakaalam ng Puso ng Diyos na Tulad ng Isang Ina?


Qingxin….Lungsod ng Zhengzhou, Lalawigan ng Henan

Dati akong may tila nakakatawang pagkakaunawa tungkol sa aspeto ng katotohanan na ang “Diyos ay matuwid”. Akala ko na hangga’t may naibubunyag na katiwalian ang isang tao sa kanilang trabaho o nagkakasala na nakakasira sa gawain ng iglesia, ang taong iyon ay haharap sa paghihiganti, o mawawalan ng tungkulin, o mapapasailalim sa kaparusahan. Iyon ang pagkamatuwid ng Diyos.

10 Mayo 2019

Mga Patotoo ng Pagbabalik sa Diyos|Ang Araw na Iyon Kung Saan ang Himpapawid ay Lalong Malinaw at Maaraw

Tian Ying

Tandaan: Ang may-katha ay nalinlang at nagapos ng mga ideya ng “pananampalataya lamang” at “ang maligtas minsan ay maligtas magpakailanman” na ikinalat ng mga pastor at tumanggi na makipag-ugnayan sa kapatiran na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw.

01 Mayo 2019

Mga Patotoo ng Pagbabalik sa Diyos|Pag-alpas sa Ulap upang Makita ang Liwanag

Faith China

Isa akong karaniwang manggagawa. Noong katapusan ng Nobyembre 2013, nakita ng isa kong kasamahan sa trabaho na ako at ang aking asawa ay laging nag-iingay tungkol sa maliliit na bagay, na araw-araw ay nababalisa at namimighati kami, kaya ipinasa niya sa amin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos, natutunan namin na nilikha ng Diyos ang mga langit at lupa at lahat ng bagay, at ang buhay ng tao ay ipinagkaloob sa kanya ng Diyos.

24 Abril 2019

Pagkaunawa sa Buhay|Umuwi ang isang Pagala-galang Puso


Kahulugan ng Buhay|Umuwi ang isang Pagala-galang Puso

Novo Pilipinas

Ako ay si Novo, Ako ay isang Pilipino. Mula pagkabata ko, naniwala ako sa Diyos kasama ang aking ina. Nagsisimba ako kasama ang aking mga kapatid para makinig sa mga sermon. Kahit na naniwala ako sa Panginoon nang maraming taon, naramdaman ko na para akong isang hindi mananampalataya. Sa aking puso, pinag-iisipan ko kung paano kumita ng mas maraming pera at magkaroon ng mas magandang buhay sa buong araw.

16 Abril 2019

Mga Patotoo ng Pagbabalik sa Diyos|Sinalubong Ko ang Pagbabalik ng Panginoon

Qingxin, Myanmar

Parehong mga Kristiano ang ang aking mga magulang at mula pagkabata, nagsimula akong sumama sa kanila papunta sa iglesia upang dumalo ng mga gawain. Sa edad na labindalawa, dumalo ako ng isang engrandeng kampo pang-Kristiano sa Myanmar, at habang naroon ako, sinabi sa akin ng isang pastor: “Ang mabinyagan ang siyang tanging paraan upang iwasan ang kamatayan at makatuloy sa kaharian ng langit.” At kaya naman upang marating ang kaharian ng langit, nagdesisyon akong magpabinyag habang nasa kampo ako. Mula noong panahong iyon, naging isa akong tunay na Kristiano.

11 Marso 2019

Pagkatapos Kong Makinig Gamit Ang Aking Puso, Tinanggap Ko Ang Pagbabalik ng Panginoon


Pagkatapos Kong Makinig Gamit Ang Aking Puso, Tinanggap Ko Ang Pagbabalik ng Panginoon


Max Estados Unidos

Noong 1994, ipinanganak ako sa Estados Unidos. Parehong Tsino ang mga magulang ko. Ang nanay ko ay klasikong halimbawa ng isang matagumpay na babaeng may karera. Nakapag-iisip siya para sa sarili at napakahusay niya. Mahal na mahal ko ang nanay ko. Noong nasa Ikalawang Baitang ako, ibinalik ako ng mga magulang ko sa Tsina para mag-aral para matutunan ko ang wikang Tsino. Iyon din ang panahong nagsimula kong makilala ang Panginoong Jesus.

05 Marso 2019

Ang mga Patotoo ng mga Mananagumpay-Magdanas ng Pagpapahirap at Pagdurusa para Maging Tunay na Mananagumpay




Ang mga Patotoo ng mga Mananagumpay-Magdanas ng Pagpapahirap at Pagdurusa para Maging Tunay na Mananagumpay

Ngayon, dahil tayo ay naniniwala sa Diyos, hinahanap ang katotohanan at lumalakad sa tamang landas ng buhay, hinaharap natin ang buong galit na pang-aapi at pagpapahirap ng CCP. Ito ay isang makahulugang bagay! Ito ay dahil ginagamit ng Diyos ang rehimen ng malasatanas na CCP upang magsilbi para sa pagpeperpekto ng isang grupo ng mga mananagumpay, habang kasabay nitong ibinubunyag at inaalis ang mga hindi tapat na naniniwala sa Diyos at hindi nagmamahal sa katotohanan. Ang totoong mga mananagumpay ay yaong, habang nabubuhay sa ilalim ng awtoritarianismong rehimen ng CCP, nakakaranas ng salita ng Diyos nang may totoong pananampalataya, at sa pamamagitan ng pagdanas ng mabangis na pagsugpo at malupit na pagpapahirap ng CCP, makikitang mabuti ang totoong mga kulay ng demonyong Satanas, at pagkatapos mamumuhi kay Satanas, tatalikuran ito, at tapat na babaling sa Diyos, makakamit ang kaligtasan at magiging perpekto! Ang mga mananagumpay ay nabuo sa natatanging kapaligiran ng pagtutol laban sa Diyos at pagpapahirap sa bayan ng Diyos ng malasatanas na rehimen ng CCP. Kung wala ang marahas na kapaligirang binuo ng pang-aapi at pagpapahirap ng demonyong CCP, ang totoong mga mananagumpay ay hindi mabubuo. Para sa mga tapat na naghahangad sa Diyos, kahit gaano pa ang gawin ng CCP na pagpapahirap o gaano karahas ang kapaligiran, susunod pa rin sila sa Diyos, gagampanan ang kanilang tungkulin, ilalagay sa panganib ang lahat para hanapin ang katotohanan, at magkaroon ng mas malalim na pananampalataya sa Diyos! Nakikita nila ang paghihigpit ng CCP sa katarungan, pagsuporta sa masama, at ang kawalang galang nito sa batas, mali at masamang reaksiyonaryong diwa. Malinaw nilang nakikita na ang CCP ay isang demonyo na nagtitiwali, nagpapahirap at sumisila sa sangkatauhan, Kung kaya lalo silang nagagalit dito, nagrerebelde laban dito, at tunay na bumabaling sa Diyos. Sa pamamagitan ng pagkakaiba na naipakita ng malasatanas na rehimen ng CCP, nalaman din nila ang pagkamatuwid at kabanalan ng Diyos, ang Kanyang kagandahan at kabutihan. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay pagmamahal at pagliligtas sa sangkatauhan! Ang pananampalataya at pagmamahal nila sa Diyos ay lalo pang lumago, at ang kanilang mga puso ay lalo pang napalapit sa Diyos. Ang mga taong ito ay tuluyan nang nakalabas sa maitim na impluwensiya ng malasatanas na rehimen ng CCP at nakayanan ang pagpapatotoo ng mga mananagumpay.

22 Pebrero 2019

Mga Patotoo|Natagpuan Ko ang Tunay na Kaligayahan


Zhang Hua, Cambodia

Ipinanganak ako sa isang ordinaryong pamilya ng mga magsasaka. Kahit na hindi mayaman ang pamilya ko, mahal ng ama at ina ko ang isa’t isa at pinakitunguhan nila ako nang napakaayos. Naging lubos na masagana at pinagpala ang buhay pampamilya namin. Nang lumaki na ako, sinabi ko sa sarili ko: Dapat makatagpo ako ng isang asawa na tatratuhin ako nang maayos at dapat maitaguyod ko ang isang napakaligaya at mapalad na pamilya. Ito ang pinakamahalaga. Hindi ko hinahangad ang mga kayamanan, kailangan ko lamang magkaroon ng isang mapagmahal na relasyon sa aking asawa at isang mapayapang buhay pampamilya.

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.