Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tanong at Sagot ng Ebanghelyo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tanong at Sagot ng Ebanghelyo. Ipakita ang lahat ng mga post

13 Pebrero 2020

Kung hindi namin tatanggapin ang gawa ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, talaga bang hindi kami makakapasok sa kaharian ng langit?


Sagot: Talagang napakadali lang no’ng ipaliwanag. Ang mga naniwala sa Panginoon sa loob ng maraming taon ay maaaring nabasa na ang mga salitang ito: “Sapagka’t ang kaharian ng langit ay tulad sa isang tao na puno ng sangbahayan, na lumabas pagkaumagang-umaga, upang umupa ng manggagawa sa kaniyang ubasan.

19 Enero 2020

Paano magpapakita at gagawa ang Panginoon kapag Siya ay bumalik?



Paano magpapakita at gagawa ang Panginoon kapag Siya ay bumalik?


Kaugnay na mga Talata sa Biblia:

“Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25).

“Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6).

24 Hulyo 2019

Tanong 8: Simula nang manalig tayo sa Panginoon, naibigay na natin ang lahat para sairin ang ating lakas at nagsumikap tayo para sa Panginoon, at sumailalim na tayo sa pagpapahirap at kapighatian. Nabilanggo pa tayo para sa Kanya at mas gusto pa nating mamatay kaysa ikaila ang pangalan ng Panginoon o pagtaksilan Siya. Palagay ko ito ang pagsasagawa ng kalooban ng Diyos. Sa pagdurusa para sa Panginoon at pagpapatotoo magkakamit tayo ng kabanalan, at magiging marapat na makita ang Panginoon. Basta’t patuloy natin itong ginagawa, pagbalik Niya ay dadalhin tayo sa kaharian ng langit.


Sagot: Ang pagsusumikap para sa Panginoon ay paggawa ng kalooban ng Diyos—ito ay isang kuru-kuro ng halos lahat ng tao sa iba’t ibang relihiyon. Sa tingin ng mga tao, medyo tama iyan, pero naaayon ba iyan sa katotohanan, at alinsunod sa kalooban ng Panginoon? Tingnan muna natin ang isang katotohanan. Nang maglakbay ang mga Fariseong Judio sa lupa at karagatan para mangaral at gawin ang Kanyang gawain, sa tingin ng ibang mga tao mukha silang kagalang-galang at relihiyoso. Kaya bakit sila hinatulan at isinumpa ng Panginoong Jesus, na nagsabing “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw”? Nakikita ng Diyos ang puso ng mga tao! Kahit nagsumikap ang mga Fariseo, nagsasagawa lang sila ng ritwal at nagpapaliwanag ng kaalaman at teorya mula sa Biblia. Ni hindi nila ipinamuhay ang salita ng Diyos, at hindi sinunod ang Kanyang mga utos.

08 Hulyo 2019

Tanong 7: Ngayo’y nananalig tayo sa Panginoong Jesus; nagsasakripisyong ipalaganap ang pangalan ng Panginoon, at tinatalikuran natin ang iba pa. ginagawa natin ang kalooban Ama sa langit. Ibig sabihi’y nagawa na tayong banal. Pagdating ng Panginoon, talagang dadalhin Niya tayo sa kaharian sa langit!


Sagot: Tungkol sa kung sino ang makakapasok sa kaharian ng langit: Sabi ng Panginoong Jesus, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). Malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus sa atin na ang mga gumagawa lang ng kalooban ng Ama sa langit ang makakapasok sa kaharian ng langit. Mga kapatid, kahit nagsasakripisyo ang mga tao na ipalaganap ang pangalan ng Panginoon, na tinatalikuran ang iba pa, hindi natin maikakaila na madalas din silang magkasala. Ang katotohanan na nagkakasala sila ay nangangahulugan na kampon sila ni Satanas at marumi at tiwali pa rin.

22 Hunyo 2019

Tanong 6: Talikuran natin ang iba pa, ipangaral ang ebanghelyo ng Panginoon, at patnubayan ang iglesia. Ganitong pagsusumikap ang paraan para maisagawa ang kalooban ng Ama sa langit. May mali ba sa ginagawa nating ito?


Sagot: Hindi komo ipinapangaral n’yo ang ebanghelyo ng Panginoon at nagsisikap kayo para sa Kanya ay ginagawa n’yo na ang kalooban ng Ama sa langit. Para magawa talaga ang kalooban ng Ama sa langit, kailangang sundin ng tao ang daan ng Panginoon at ang Kanyang mga utos. Kailangan gawin ng tao ang kanyang tungkulin ayon sa hinihiling ng Panginoon. Tulad ng sabi ng Panginoong Jesus, “Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili” (Mateo 22:37-39).

07 Mayo 2019

Pakilala sa Tinig ng Diyos|Tanong 4: Binanggit ng Panginoong Jesus ang mga misteryo ng kaharian ng langit sa mga disipulo, at bilang nagbalik na Panginoong Jesus, naghayag na rin ba ng maraming misteryo ang Makapangyarihang Diyos? Maaari n’yo bang ibahagi sa amin ang ilan sa mga misteryong inihayag ng Makapangyarihang Diyos? Malaking tulong iyon sa amin sa pagtukoy sa tinig ng Diyos.

Sagot: Tuwing nagkakatawang tao ang Diyos, marami Siyang inihahayag na katotohanan at misteryo sa atin. Walang duda ‘yan. Nagkakatawang tao ang Diyos para iligtas ang sangkatauhan, kaya nga, natural Siyang nagpapahayag ng maraming katotohanan, at naghahayag ng maraming misteryo. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Panginoong Jesus, ang Diyos na nagkatawang-tao ay naghayag ng maraming misteryo habang nangangaral at ginagawa ang Kanyang gawain,

04 Mayo 2019

Tanong 1: Namatay sa krus ang Panginoong Jesus para sa atin. Tinubos niya tayo sa mga kasalanan at pinatawad ang ating mga sala, ginawa Niya ito para iligtas tayo at ipinagkaloob sa atin na makapasok sa kaharian ng langit. Kahit patuloy tayong nagkakasala at kailangan pa tayong linisin, pinatawad ng Panginoon ang lahat ng kasalanan natin at ginawa tayong karapat-dapat sa pamamagitan ng ating pananampalataya. Akala ko hangga’t isinasakripisyo natin ang lahat para makagawa para sa Panginoon, hangga’t payag tayong magtiis ng paghihirap at magbigay ng kabayaran, papayagan tayong makapasok sa kaharian ng langit. Akala ko ‘yon ang pinangako sa atin ng Panginoon. Gano’n pa man, ilan sa mga kapatid natin ang kumukwestyon ngayon sa paniniwalang ‘yon. Sabi nila kahit daw nagsikap tayo para sa Panginoon, madalas pa rin tayong magkasala at ikinukumpisal ang mga kasalanan natin, kaya hindi pa rin tayo nalilinis. Inihayag nila na banal ang Panginoon, kaya hindi Siya maaaring makita ng mga taong hindi banal. Ang tanong ko ay: Tayong mga isinakripisyo ang lahat para sa Panginoon, talaga bang madadala tayo sa kaharian ng langit? Talagang hindi pa natin alam ang sagot sa tanong na ‘yon, kaya gusto naming kausapin niyo kami tungkol do’n.

Sagot: Ang iniisip ng lahat ng mga sumasampalataya sa Panginoon: Tinubos tayo ng Panginoong Jesus nang mamatay Siya sa krus, kaya pinatawad na tayo sa lahat ng kasalanan. Hindi na tayo nakikita ng Panginoon bilang mga makasalanan. Naging matuwid na tayo sa pamamagitan ng ating pananalig.

03 Abril 2019

27 Marso 2019

Tanong 2: Hindi pa natin nasisiguro kung nasa lupa o nasa langit ang kaharian ng Diyos. Maraming beses nang nagsalita ang Panginoong Jesus ng “malapit na ang kaharian ng langit” at “Dumarating ang kaharian ng langit.” Kung “kaharian ng langit,” ibig sabihin nasa langit ‘yon. Pa’no ‘yon napunta sa lupa?


Sagot: Kailangang maging malinaw sa ‘ting lahat na ang “langit” ay laging tumutukoy sa Diyos. Ang “kaharian ng langit” ay malinaw na tumutukoy sa kaharian ng Diyos. Inihahayag din sa Pahayag, “ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao,” “Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo.

21 Marso 2019

Tanong 1: Ang pangako ng Panginoon ay darating Siyang muli upang dalhin tayo sa kaharian ng langit, pero nagpapatotoo ka na nagkatawang-tao na ang Panginoon para gawin ang paghatol sa mga huling araw. Malinaw ang mga propesiya ng Biblia na ang Panginoon ay bababa nang may kapangyarihan at malaking kaluwalhatian sa mga ulap. Medyo kaiba ito sa pinatotohanan mo, na ang Panginoon ay nagkatawang-tao na at lihim na bumaba sa mga tao.


Sagot: Sinasabi mo na nangako ang Panginoon sa tao na Siya ay muling darating upang dalhin ang tao sa kaharian ng langit, sigurado ito, dahil matapat ang Panginoon, tutuparin Niya ang Kanyang mga pangako. Pero kailangan muna nating linawin na ang muling pagdating ng Panginoon sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao sa mga huling araw para sa gawain ng paghatol ay may direktang kaugnayan sa kung paano tayo dadalhin sa kaharian ng langit.

13 Marso 2019

Ano ang tunay na mananagumpay?


Ano ba talaga ang isang mananagumpay? Anong mga katotohanan ang dapat na mayroon siya? Walang nakakaunawa dito. Mula sa ating pananaw, kung magsisikap tayo para sa Panginoon, at magiging tapat sa pangalan Niya, magiging mga mananagumpay tayo. Pero mali ang pananaw na ito. Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng Diyos sa pagiging isang mananagumpay.

28 Pebrero 2019

Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ang gumagawa ng grupo ng mga mananagumpay sa huli, sa gayo’y lubos na tinutupad ang propesiya sa Aklat ng Pahayag sa Biblia. Kaya bakit ang gawain ng paghatol ng Diyos ng mga huling araw lamang ang maaaring gumawa ng mga tunay na mananagumpay?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

"Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating" (Juan 16:12-13).

27 Pebrero 2019

Magdanas ng Pagpapahirap at Pagdurusa para Maging Tunay na Mananagumpay

Ngayon, dahil tayo ay naniniwala sa Diyos, hinahanap ang katotohanan at lumalakad sa tamang landas ng buhay, hinaharap natin ang buong galit na pang-aapi at pagpapahirap ng CCP. Ito ay isang makahulugang bagay! Ito ay dahil ginagamit ng Diyos ang rehimen ng malasatanas na CCP upang magsilbi para sa pagpeperpekto ng isang grupo ng mga mananagumpay, habang kasabay nitong ibinubunyag at inaalis ang mga hindi tapat na naniniwala sa Diyos at hindi nagmamahal sa katotohanan. Ang totoong mga mananagumpay ay yaong, habang nabubuhay sa ilalim ng awtoritarianismong rehimen ng CCP, nakakaranas ng salita ng Diyos nang may totoong pananampalataya, at sa pamamagitan ng pagdanas ng mabangis na pagsugpo at malupit na pagpapahirap ng CCP, makikitang mabuti ang totoong mga kulay ng demonyong Satanas, at pagkatapos mamumuhi kay Satanas, tatalikuran ito, at tapat na babaling sa Diyos, makakamit ang kaligtasan at magiging perpekto! Ang mga mananagumpay ay nabuo sa natatanging kapaligiran ng pagtutol laban sa Diyos at pagpapahirap sa bayan ng Diyos ng malasatanas na rehimen ng CCP. Kung wala ang marahas na kapaligirang binuo ng pang-aapi at pagpapahirap ng demonyong CCP, ang totoong mga mananagumpay ay hindi mabubuo.

26 Pebrero 2019

Sa China, ginagamit ng gawain ng Diyos ng mga huling araw ang malaking pulang dragon para makagawa ng mga mananagumpay. Bakit ang pagpapahirap at masungit na kapaligiran lamang ng malaking pulang dragon ang maaaring lumikha ng mga tunay na mananagumpay?



        Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit. Mapapalad kayo pagka kayo’y inaalimura, at kayo’y pinaguusig, at kayo’y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin” (Mateo 5:10-11).

“At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa’t hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo’y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impierno” (Mateo 10:28).

“Sapagka’t ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin ay makakasumpong niyaon” (Mateo 16:25).

“Ang mga ito’y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero” (Pahayag 7:14).


Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos:

Matapos makumpleto ni Jesus ang gawa sa Judea, inilipat ng Diyos ang Kanyang gawa sa lungsod ng Tsina at lumikha ng isa pang plano. Gumagawa Siya ng isa pang bahagi ng Kanyang gawa sa inyo, ginagawa Niya ang gawain na maging perpekto ang tao gamit ang mga salita, at gumagamit ng mga salita upang magdulot sa mga tao ng sobrang pagdurusa at gayon din makamit ang karamihan sa biyaya ng Diyos.

24 Pebrero 2019

Paano uunawain na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay?


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios” (Juan 1:1-2).

“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).

20 Pebrero 2019

Bakit sinasabi na kinukumpleto ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao?


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa'y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya” (Mga Hebreo 9:28).

“Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios” (Juan 1:1).

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.