Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na landas. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na landas. Ipakita ang lahat ng mga post

26 Agosto 2018

Tagalog Christian Music Video | "Ang Panloob na Kahulugan ng Gawain ng Paglupig"


I
Ang panloob na kahulugan ng paglupig ng tao
ay ang bumalik sa Maylalang.
Ito'y para sa tao na talikuran si Satanas
at lubos na pagbalik sa Diyos.
Ito ang kumpletong kaligtasan ng tao.
Paglupig ay ang huling labanan.
Ito ang huling yugto ng matagumpay na plano ng Diyos.
Kung wala ito, walang taong maliligtas,
walang tagumpay na nakukuha laban kay Satanas,
walang taong pumapasok sa isang mabuting hantungan.
Sangkatauhan ay naghihirap sa impluwensiya ni Satanas.
Kaya ang pagkatalo ni Satanas ay dapat mauna
para madala ang kaligtasan ng tao.
Lahat ng mga gawain ng Diyos ay para sa kapakanan ng tao.

11 Agosto 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Nalulungkot ang Diyos sa Kinabukasan ng Sangkatauhan"


I
Sa malawak na mundo na nagbago
nang 'di mabilang na beses mula pa noon,
walang sinuman ang nangunguna at gumagabay sa tao,
walang sinuman kundi Siya na namamahala sa lahat.
Walang dakila na gumagawa at naghahanda
para sa kapakanan ng sangkatauhan.
Walang gagabay sa kanila tungo sa masiglang kinabukasan,
ni magpapalaya mula sa kawalang katarungan ng mundo.
Nalulungkot ang Diyos sa kinabukasan ng sangkatauhan.
Nagdadalamhati Siya sa pagbagsak nila!
Tingnan Kanyang kalungkutan 'pagkat nabibigo silang malaman
na tinatahak nila ang landas ng walang balikan.
Tao'y nagrebelde, sinaktan ang puso ng Diyos;
masamang landas ni Satanas kanilang nilalakaran.
At walang tumitigil upang malinaw na makita kung
saan pupunta ang tao sa huli.

08 Agosto 2018

Tagalog Christian Music Video | "Hinahanap Ng Diyos ang Iyong Puso at Iyong Espiritu"


I
Taong nilisan tustos-buhay mula sa Makapangyarihan
di alam ba't umiiral, nguni't takot sa kamatayan.
Walang suporta at tulong,
ngunit nag-aatubili pa ring ipikit kanilang mga mata,
sinusuong ang lahat,
inilalantad walang dangal na buhay sa mundo
sa katawang kaluluwa ay walang malay.
Buhay nang walang pag-asa't layunin.
Ang Tanging Banal lamang ang nasa alamat,
ang Tanging Banal lamang ang nasa alamat
na magliligtas sa nagdurusa
at naghahangad ng Kanyang pagdating.
Sa taong walang-malay,
paniwalang ito'y di pa matatanto hanggang ngayon.
Gayunman, tao'y hangad pa rin ito, hangad ito.

05 Agosto 2018

Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos

Langit, buhay, Jesus, Landas, Katapatan

🌳🌳🌳

  Batas ito ng langit at panuntunan ng lupa na maniwala sa Diyos at kilalanin ang Diyos, at ngayon—personal Niyang gagawin ang Kanyang gawain sa panahon na nagkatawang tao ang Diyos—isang tiyak na magandang pagkakataon upang makilala ang Diyos. Nakakamit ang pagbibigay-kasiyahan sa Diyos sa pundasyon ng pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at upang maunawaan ang kalooban ng Diyos, kinakailangan na makilala ang Diyos. Ang kaalamang ito ng Diyos ay ang pananaw na dapat magkaroon ang isang mananampalataya; ito ang batayan ng paniniwala ng tao sa Diyos. Kung walang ganitong kaalaman ang tao, sa gayon malabo ang kanyang paniniwala sa Diyos, at nasa walang laman na teorya. Kahit na ito ay kapasiyahan ng mga tao na tulad nito na sundin ang Diyos, wala silang nakamit. Ang mga aalisin ay ang lahat ng mga walang nakamit sa daloy na ito, at sila ang mga tao na gumagawa lamang nang pinaka mababa. Alinmang hakbang ng gawain ng Diyos ang iyong maranasan, dapat kang samahan ng isang makapangyarihang pananaw. Kung walang katulad ng ganitong pananaw, magiging mahirap para sa iyo na tanggapin ang bawat hakbang ng mga bagong gawain, dahil hindi kaya ng tao na ilarawan sa diwa ang mga bagong gawa ng Diyos, lampas ito sa pagkaintindi ng tao. At kaya kung walang pastol na gagabay sa tao, kung walang pastol na nagsama ng tungkol sa mga pananaw, hindi magagawa ng tao na tanggapin ang bagong gawain na ito. Kung hindi kayang tanggapin ng tao itong mga pananaw, sa gayon hindi niya matatanggap ang mga bagong gawain ng Diyos, at kung hindi kayang sundin ng tao ang bagong gawain ng Diyos, sa gayon hindi kayang intindihin ng tao ang kalooban ng Diyos, at pati ang kanyang kaalaman tungkol sa Diyos ay mawawalan ng halaga. Bago tuparin ng tao ang mga salita ng Diyos, dapat niyang malaman ang mga salita ng Diyos, iyon ay, ang maunawaan ang kalooban ng Diyos; sa ganitong paraan lamang maaaring matupad nang tiyak ang mga salita ng Diyos at ayon sa puso ng Diyos. Dapat itong taglayin ng lahat ng mga taong naghahanap ng katotohanan, at ang proseso na dapat maranasan ng lahat ng mga taong sinusubukang kilalanin ang Diyos. Ang proseso ng pagkilala ng mga salita ng Diyos ay ang proseso ng pagkilala sa Diyos, at ang proseso rin ng pag-alam ng gawain ng Diyos. At sa gayon, hindi lamang tumutukoy sa pag-alam ng pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao ang pag-alam ng mga pananaw, ngunit kabilang din ang pagkilala sa mga salita at gawa ng Diyos. Mula sa mga salita ng Diyos ang mga tao ay dumating upang maunawaan ang kalooban ng Diyos, at mula sa gawain ng Diyos dumating sila upang malaman ang disposisyon ng Diyos at katauhan ng Diyos. Ang paniniwala sa Diyos ay ang unang hakbang sa pagkilala sa Diyos. Ang proseso ng pagsulong mula sa paunang paniniwala sa Diyos tungo sa pinakamalalim na paniniwala sa Diyos ay ang proseso ng pagkilala sa Diyos, at ang proseso ng pagdama sa gawa ng Diyos. Kung ikaw ay naniniwala lamang sa Diyos alang-alang sa paniniwala sa Diyos, at hindi naniniwala sa Diyos upang makilala ang Diyos, sa gayon ay walang katotohanan sa iyong paniniwala, at hindi ito maaaring maging dalisay—at gayon ito ay walang duda. Kung, sa oras ng proseso na kung saan nadarama niya ang Diyos, unti-unting nakikilala ng tao ang Diyos, at ang kanyang disposisyon ay unti-unting magbabago, at ang kanyang paniniwala ay unti-unting magiging totoo. Sa ganitong paraan, kapag nakakamit ng tao ang tagumpay sa paniniwala sa Diyos, ganap niyang makakamit ang Diyos. Malayo ang pinagdaanan ng Diyos upang maging tao para sa ikalawang pagkakataon at personal na gawin ang Kanyang gawa upang magawa Siyang kilalanin ng tao, at upang makita Siya. Ang pagkilala sa Diyos[a] ay ang huling epekto na makakamit sa katapusan ng gawain ng Diyos; ito ang huling kinakailangan ng Diyos sa sangkatauhan. Ginagawa Niya ito para sa kapakanan ng Kanyang huling pagpapatotoo, at upang sa wakas at ganap ng makabalik ang tao sa Kanya. Magagawa lamang ng tao na mahalin ang Diyos sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos, at para ibigin ang Diyos dapat niyang makilala ang Diyos. Hindi mahalaga kung paano siya naghahanap, o kung ano ang kanyang hinahangad na makamit, dapat niyang makamit ang pagkilala sa Diyos. Tanging sa paraan lamang na ito makakapagbigay ang tao ng kasiyahan sa puso ng Diyos. Tanging sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos tunay na maniniwala ang tao sa Diyos, at tanging sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos tunay niyang igagalang at susundin ang Diyos. Hindi kailanman tunay na susunod at igagalang ang Diyos ng mga hindi nakakakilala sa Diyos. Kabilang sa pagkilala sa Diyos ang pagkilala sa disposisyon ng Diyos, pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at pagkilala sa katauhan ng Diyos. Ngunit kung ano man itong aspeto ng pagkilala sa Diyos, kinakailangan ng bawat tao na magbayad ng halaga, at kinakailangan ng kalooban na sumunod, na wala kung saan walang makasusunod hanggang sa katapusan. Sadyang salungat sa mga pagkaintindi ng tao ang gawa ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos at sadyang mahirap para sa tao na malaman ang katauhan ng Diyos, at lahat ng sinasabi at ginagawa ng Diyos ay sadyang hindi maunawaan ng tao; kung ninanais ng tao na sumunod sa Diyos, ngunit hindi nais tumupad sa Diyos, sa gayon walang makakamit ang tao. Simula nang lalangin ang sanglibutan hanggang ngayon, marami ng tinupad na mga gawain ang Diyos na hindi kayang unawain ng tao at kung saan nahirapan ang tao na tanggapin, at maraming nasabi ang Diyos na nagpapahirap sa paglunas ng mga pagkaintindi ng tao. Ngunit hindi Siya kailanman tumigil sa Kanyang gawain dahil ang tao ay maraming kahirapan; ipinagpatuloy Niya ang pagtatrabaho at pagsasalita, at kahit na maraming bilang ng mga “mandirigma” ang bumagsak sa gilid ng daan, ginagawa pa rin Niya ang Kanyang gawain, at nagpapatuloy sa pagpili ng grupo ng mga tao na nais sumunod sa Kanyang bagong gawain. Hindi Siya nahahabag sa mga bumagsak na mga “bayani,” ngunit sa halip ay pinapahalagahan ang mga taong tumanggap ng Kanyang bagong gawain at mga salita. Ngunit hanggang saan Siya gagawa sa ganitong paraan, baitang-baitang? Bakit palagi Siyang nagtatanggal at pumipili ng mga tao? Bakit palagi Niyang ginagawa ang ganitong kaparaanan? Ang makilala Siya ng mga tao ang layunin ng Kanyang gawain, at sa gayon makamit Niya. Ang prinsipyo ng Kanyang gawain ay upang gumawa sa mga kayang sumunod sa Kanyang mga gawaing ginagawa Niya ngayon, at hindi gumawa sa mga sumusunod sa Kanyang nakaraang gawain, ngunit sumasalungat sa Kanyang gawain ngayon. Ito ang tunay na dahilan kung bakit Niya inalis ang napakaraming tao.

01 Agosto 2018

Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Unang bahagi)

Espiritu, Langit, Jesus, Landas, Salita ng Diyos



  1. Sa Kapanahunan ng Biyaya, inihanda ni Juan ang daan para kay Jesus. Hindi Niya kayang gawin ang gawain ng Diyos Mismo at tinupad lamang ang katungkulan ng tao. Kahit si Juan ang tanda ng Panginoon, hindi niya maaaring katawanin ang Diyos; isa lamang siyang tao na ginamit ng Banal na Espiritu. Kasunod ng bautismo ni Jesus, “ang Banal na Espiritu ay bumaba sa Kanya tulad ng isang kalapati.” Sinimulan na Niya ang Kanyang gawain, iyon ay, sinimulan Niyang isagawa ang ministeryo ni Cristo. Iyon ang dahilan kung bakit ginampanan Niya ang katauhan ng Diyos, sapagkat Siya ay nagmula sa Diyos. Anuman ang katayuan ng Kanyang pananampalataya bago ito—marahil kung minsan ito ay mahina, o kung minsan ito ay malakas—iyon lamang ang Kanyang normal na buhay bilang tao bago Niya ginanap ang Kanyang ministeryo. Pagkatapos Siyang binautismuhan (pahiran), agad Siyang nagkaroon ng kapangyarihan at ng kaluwalhatian ng Diyos, at sa gayon ay nagsimulang ganapin ang Kanyang ministeryo. Kaya Niyang gumawa ng mga tanda at mga kababalaghan, gumawa ng mga himala, mayroon Siyang kapangyarihan at awtoridad, sapagka’t Siya ay nagtrabaho nang direkta sa ngalan ng Diyos Mismo; ginawa Niya ang gawain ng Espiritu na kahalili Niya at ipinahayag ang tinig ng Espiritu; samakatuwid Siya Mismo ang Diyos. Hindi ito mapag-aalinlanganan. Ginamit si Juan ng Banal na Espiritu. Hindi Niya maaaring katawanin ang Diyos, at hindi posible para sa kanya na kumatawan sa Diyos. Kung naisin niya na gawin ito, hindi ito papayagan ng Banal na Espiritu, sapagkat hindi niya maaaring gawin ang gawain na inilaan ng Diyos Mismo na ganapin. Marahil marami sa kanya ang kalooban ng tao, o may bagay sa kanyang lihis; hindi niya kailanman maaaring direktang katawanin ang Diyos. Kinakatawan lamang ng kanyang mga pagkakamali at kalisyaan ang sarili niya, ngunit kinakatawan ng kanyang gawain ang Banal na Espiritu. Gayon pa man, hindi mo maaaring sabihing kinakatawan ng lahat sa kanya ang Diyos. Kaya ba ng kanyang paglihis at kalisyaan na katawanin din ang Diyos? Normal sa kumakatawan ng tao na maging mali, ngunit kung nagkaroon siya ng paglihis sa pagkatawan sa Diyos, sa gayon hindi ba yan kahihiyan sa Diyos? Hindi ba yan kalapastangan laban sa Banal na Espiritu? Hindi pinapahintulutan ng Banal na Espiritu ang tao na tumayo sa lugar ng Diyos, kahit na dinadakila siya ng iba. Kung hindi siya ang Diyos, hindi niya magagawang manatiling nakatayo sa katapusan. Hindi pinapahintulutan ng Banal na Espiritu ang tao na kumatawan sa Diyos ayon sa pagnanais ng tao! Halimbawa, nagpatotoo kay Juan ang Espiritu Santo, at ibinunyag rin na siya ang maghahanda ng daan para kay Jesus, ngunit mahusay na sinukat ng Banal na Espiritu ang gawain na ginawa sa kanya. Ang maging tagahanda ng daan para kay Jesus ang tanging hiningi kay Juan, ang ihanda ang daan para sa Kanya. Ibig sabihin, itinaguyod lamang ng Banal na Espiritu ang kanyang gawa sa paghahanda ng daan at pinahintulutan lamang siya na gawin ang ganung trabaho, wala nang iba. Kinakatawan ni Juan si Elias, ang propeta na naghanda ng daan. Itinaguyod ng Banal na Espiritu ito; hangga’t ang kanyang trabaho ay ang ihanda ang daan, itinaguyod ito ng Banal na Espiritu. Subalit, kung sinabi niyang siya ay Diyos Mismo at dumating upang tapusin ang gawain ng pagtubos, dapat siyang disiplinahin ng Banal na Espiritu. Gaano man kahusay ang gawain ni Juan, at itinaguyod man ito ng Banal na Espiritu, nanatili sa loob ng mga hangganan ang kanyang trabaho. Ang kanyang trabaho sa katunayan ay totoong itinaguyod ng Banal na Espiritu, ngunit limitado sa paghahanda ng daan ang kapangyarihan na ibinigay sa kanya sa oras na iyon. Hindi niya maaaring gawin, sa anumang paraan, ang anumang iba pang gawain, dahil siya lamang ay si Juan na naghanda ng daan, at hindi si Jesus. Samakatuwid, susi ang patotoo ng Banal na Espiritu, ngunit mas mahalaga pa ang gawain na pinahintulutan ng Banal na Espiritu na gawin ng tao.

31 Hulyo 2018

Tagalog Christian Music Video | "Ang Pag-ibig ng Diyos ay 'Di Taglay ng Anumang Nilalang"

❤️❤️
I
Ang mga salita ng Diyos ay puno ng buhay,
nag-aalok sa atin ng landas na dapat nating tahakin,
ang pag-unawa sa kung ano ang katotohanan.
Nagsisimula tayo na maakit sa Kanyang mga salita;
nagsisimula tayong tumuon sa tono
at paraan ng Kanyang pagsasalita,
at maging kusa na pakinggan
ang panloob na tinig ng ordinaryong taong ito.

25 Hulyo 2018

Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa” (Ikatlong bahagi)

Jehovah, kaligtasan, Landas, pag-ibig sa Diyos, Karanasan

🍁🍁🍁🌟🍁🍁🍁


Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa” (Ikatlong bahagi)


  18. Matapos gawin ng Diyos ang dalawang yugto ng Kanyang gawain sa Israel, ang mga Israelita at ang lahat ng mga Gentil ay kapwa nagtaglay ng paniniwalang ito: Bagaman totoong nilalang ng Diyos ang lahat ng mga bagay, Siya ay pumapayag na maging Diyos ng mga Israelita lang, hindi ang Diyos ng mga Gentil. Ang mga Israelita ay naniniwala sa mga sumusunod: Ang Diyos ay Diyos lang namin, hindi ang Diyos ninyong mga Gentil, at dahil hindi ninyo iginagalang si Jehovah, si Jehovah-ang aming Diyos-ay kinasusuklaman kayo. Ang mga Judiong iyon bukod diyan ay naniniwala rito: Ang Panginoong Jesus ay ginampanan ang imahe nating mga Judio at isang Diyos na nagtataglay ng pagkakakilanlan ng mga Judio. Sa aming kalagitnaan gumagawa ang Diyos. Ang imahe ng Diyos at imahe namin ay magkatulad; ang aming imahe ay hawig sa Diyos. Ang Panginoong Jesus ay ang Hari ng mga Judio; ang mga Gentil ay hindi karapat-dapat na tumanggap ng ganoong kadakilang kaligtasan. Ang Panginoong Jesus ang alay pangkasalanan para sa aming mga Judio. Alinsunod lamang sa dalawang yugto ng gawain na ang mga Israelita at ang mga Judio ay bumuo ng ganito karaming mga paniniwala. Mapagmataas nilang inaangkin ang Diyos para sa kanila, hindi pinapayagan na ang Diyos ay ang Diyos din ng mga Gentil. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay naging isang puwang sa mga puso ng mga Gentil. Ito ay dahil ang lahat ay naniwala na hindi gusto ng Diyos na maging Diyos ng mga Gentil at ang gusto Niya ay ang mga Israelita lang-ang Kanyang piling bayan-at gusto Niya ang mga Judio, lalo na ang mga disipulong sumunod sa Kanya. Hindi ba ninyo alam na ang gawain na ginawa ni Jehova at Jesus ay para sa ikaliligtas ng buong sanglibutan? Kinikilala na ba ninyo ngayon na ang Diyos ay ang Diyos ninyong lahat na pinanganak sa labas ng Israel? Hindi ba nandito ang Diyos sa kalagitnaan ninyo ngayon? Hindi ito maaring maging isang panaginip, maari ba? Hindi ba ninyo tanggap ang realidad na ito? Hindi ninyo pinangangahasang paniwalaan ito o mag-isip tungkol dito. Kahit na paano ninyo tingnan ito, hindi ba narito ang Diyos sa gitna ninyo? Natatakot pa rin ba kayo na paniwalaan ang mga salitang ito? Simula sa araw na ito, hindi ba lahat ng mga taong nalupig at lahat ng gustong maging tagasunod ng Diyos ang piling bayan ng Diyos? Hindi ba lahat kayo, na mga tagapagsunod ngayon, ang piling bayan sa labas ng Israel? Ang inyong katayuan ba ay kapareho ng sa mga Israelita? Hindi ba ang lahat ng ito ang inyong dapat kilalanin? Hindi ba ito ang layunin ng gawa ng panlulupig sa inyo? Dahil nakikita ninyo ang Diyos, sa gayon Siya ang inyong magiging Diyos magpakailanman, mula sa umpisa magpahanggang sa hinaharap. Hindi ka Niya pababayaan hangga’t kayong lahat ay nahahandang sumunod sa Kanya at maging Kanyang tapat, masunuring mga nilalang.

24 Hulyo 2018

2. Ano ang Pagkakatawang-tao? Ano ang Sangkap ng Pagkakatawang-tao?

.❋..❋..❋.
  Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
  “At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).
  “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6).
Salita ng Diyos, Kaharian, Landas, Jesus,  Biblia

“Sinabi sa kaniya ni JesusMalaon nang panahong ako’y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama? Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo’y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa. Magsisampalataya kayo sa akin na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin: o kungdi kaya’y magsisampalataya kayo sa akin dahil sa mga gawa rin” (Juan 14:9-11).
  “Ako at ang Ama ay iisa” (Juan 10:30).

07 Hulyo 2018

Latest Tagalog Christian Movie Trailer 2018 | "Ang Sandali ng Pagbabago"



    Naniniwala ang ilang tao, dahil nakayang likhain ng Diyos ang kalangitan at ang lupa at lahat ng bagay sa isang salita, nakayang ibangon ang patay sa isang salita, makakaya ring baguhin kaagad ng Diyos ang ating imahe, gawin tayong banal, iangat tayo sa ere para salubungin ang Panginoon pagbalik Niya sa mga huling araw. Ganyan nga ba talaga para maiangat sa kaharian ng langit? Ang gawain ba ng pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw ay kasing-simple ng ating inaakala? Sabi ng Diyos, "You must realize it, and should not oversimplify matters. The work of God is unlike any ordinary work. Its marvel cannot be conceived by the mind of man, and its wisdom cannot be attained by such. God is not creating all things, and He is not destroying them. Rather, He is changing all of His creation and purifying all things that have been defiled by Satan. Therefore, God shall commence work of great magnitude, and this is the total significance of the work of God. After reading these words, do you believe that the work of God is so simple?" (The Word Appears in the Flesh). Walang sinumang makakaarok sa gawain ng Diyos at karunungan ng Diyos. Tanging ang Diyos Mismo ang makapaglalantad ng hiwaga ng kung paano madadala sa langit ang mga nananalig sa mga huling araw, kung paano gagawin ng Diyos ang gawain ng paghatol para linisin ang mga tao …. Ang maikling video na ito ay ipapakita sa iyo ang kaalaman tungkol sa tanging landas para maiangat sa kaharian ng langit pagbalik ng Panginoon!

01 Hulyo 2018

Ebangheliyong musika | Si Kristo ng Huling Mga Araw ay Naghahatid ng Landas ng Walang-Hanggang Buhay



I
Ang Diyos mismo ay buhay at katotohanan,
at ang buhay Nya't katotohanan magkaugnay.
Pag di nakamtan katotohanan N'ya, walang buhay.
Kung walang gabay at tulong ng Kanyang katotohanan,
mga titik at pangaral lamang ang sa tao'y naiwan,
tao'y naiwan sa kamatayan.
Ang buhay at katotohanan ng Diyos magkaugnay
at laging nariyan.
Kung di mo batid bukal ng katotohanan,
tustos ng buhay di nakakamtan.
Si Kristo ng mga huling araw dala'y buhay
taglay ang katotohanang nananatili't walang-hanggan.
Katotohanang dapat tahakin ng tao upang buhay ay kamtan.
Tanging daan sa pagkilala sa Diyos
at sa Kanyang pagsang-ayon.

23 Hunyo 2018

purihin ang Diyos | Mga Simbolo ng Tagumpay ng Diyos





  • I
  • Naibalik ang tao sa dati niyang anyo.
  • Tungkuli'y matutupad, lugar nila'y hawak,
  • ayos ng Diyos ay masusunod.
  • May grupo na ang Diyos na sa lupa Siya'y sasambahin.
  • Siya ay magtatayo ng kahariang sasamba sa Kanya sa lupa.
  • Siya ay magtatayo ng kahariang sasamba sa Kanya sa lupa.

20 Hunyo 2018

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tunay na Masunurin ay Tiyak na Makakamit ng Diyos



    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pagsunod sa Diyos at pagpapasakop sa gawain ng Diyos ay iisa at pareho. Yaong mga sumailalim lamang sa Diyos ngunit hindi sa gawain ng Diyos ay hindi maaaring ituring na masunurin, at tiyak na wala rin naman sa mga hindi tunay na nagpailalim at mga nagpapakitang sunud-sunuran. Yaong mga tunay na sumailalim sa Diyos ay magagawang makinabang mula sa gawain at maabot ang pang-unawa sa disposisyon at gawain ng Diyos. Ang mga ganitong tao lamang ang tunay na sumailalim sa Diyos. Ang ganitong mga tao ay magagawang magkamit ng bagong kaalaman mula sa mga bagong gawain at makararanas ng bagong mga pagbabago mula doon din. Tanging ang ganoong mga tao ang may pag-sang-ayon ng Diyos; ang ganitong uri ng tao lamang ang ginawang perpekto at sumailalim sa pagbabagong-anyo ng kanyang disposisyon. Ang mga sinang-ayunan ng Diyos ay ang mga masayang sumailalim sa Diyos, pati na rin sa Kanyang gawa at salita. Tanging ang ganitong uri ng tao ang nasa tama; tanging ang ganitong uri ng tao ang tunay na nagnanasa at naghahanap sa Diyos."

Rekomendasyon:Bakit Ba Ako Lumakad sa Landas ng mgaFariseo?

Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

14 Hunyo 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Ikalimang Pagbigkas

    Kapag ang Aking Espiritu ay nagsasalita, ipinapahayag nito ang Aking buong disposisyon. Malinaw na ba sa inyo ito? Ang pagiging malabo sa puntong ito ay katumbas ng pagtutol sa Akin nang deretsahan. Tunay ba ninyong nakikita ang kahalagahang ito? Alam ba talaga ninyo kung gaano kalaking pagsisikap, kung gaano kasigasig, ang Aking iginugol sa inyo? Talaga bang nangangahas kayong ilantad ang ginawa ninyo sa harap Ko? At mayroon pa kayong lakas ng loob na tawagin ang inyong mga sarili na mga tao Ko sa harap ng Aking mukha—wala kayong nadaramang kahihiyan, lalong walang dahilan! Di magtatagal, ang mga taong ganito ay paaalisin mula sa Aking tahanan. Huwag kang lumapit bilang matandang sundalo sa Akin, iniisip na tumayo ka para sa Aking patotoo! Isa ba itong bagay na kayang gawin ng sangkatauhan? Kung walang natitira sa iyong mga intensyon at mga layunin, sana’y matagal ka nang nagtungo sa ibang landas. Iniisip mo ba na hindi Ko alam kung gaano karami ang kayang hawakan ng puso ng tao? Simula sa oras na ito, sa lahat ng mga bagay ay kailangan mong pumasok sa katotohanan ng pagsasagawa; ang bastang pagdadaldal, katulad ng iyong nakasanayang gawin, ay hindi na uubra. Sa nakaraan, karamihan sa inyo ay nakinabang sa ilalim ng Aking bubong; ang katotohanang nakakaya ninyong tumayo nang matatag ngayon ay dahil sa bigat ng Aking mga salita. Sa palagay mo ba ang Aking mga salita ay basta na lamang sinabi nang walang kadahilanan? Imposible! Nakatingin Ako sa lahat ng mga bagay na nasa ibaba mula sa itaas, at pinapatupad ang dominyon sa lahat ng mga bagay mula sa itaas. Sa parehong paraan, ipinadala ko ang Aking kaligtasan sa lahat ng dako ng mundo. Walang sandaling hindi ako nakamasid, mula sa Aking sikretong lugar, bawat galaw ng sangkatauhan, bawat salita nila at bawat bagay na ginagawa nila. Ang sangkatauhan para sa Akin ay isang nakabukas na aklat: Nakikita ko at kilala ko ang bawat isa. Ang sikretong lugar ay ang Aking tahanan, ang pinakamataas sa langit ang kama na Aking kinahihigaan. Ang mga puwersa ni Satanas ay hindi makakaabot sa Akin, dahil Ako ay umaapaw sa kamahalan, pagkamatuwid, at paghatol. Ang hindi maisaysay na hiwaga ay naninirahan sa Aking mga salita. Kapag Ako ay nagsasalita, kayo ay nagiging parang mga ibon na inihagis sa tubig, napuspos ng pagkalito, o mga batang nagkaroon pa lamang ng sindak, tila walang muwang, dahil ang inyong espiritu ay nahulog sa pagkatuliro. Bakit Ko sinasabi na ang sikretong lugar ay ang Aking tahanan? Alam mo ba ang mas malalim na kahulugan ng Aking sinasabi? Sino sa lahat ng sangkatauhan ang mayroong kakayahang kilalanin Ako? Sino sa inyo ang mayroong kakayahang kilalanin Ako katulad ng pagkakilala mo sa sarili mong ama at ina? Habang nagpapahinga sa Aking tahanan, nagmamasid Akong mabuti: Lahat ng mga tao sa mundo ay nagmamadali, “bumabiyahe sa buong mundo” at nagsisihangos paroon at parito, lahat para sa ikabubuti ng kanilang tadhana, ng kanilang hinaharap. Ngunit ni isa ay walang lakas na mailaan para sa pagtatayo ng Aking kaharian, ni kahit katiting katulad ng lakas na ginagamit sa paghinga. Nilikha Ko ang sangkatauhan, at iniligtas Ko sila nang maraming beses sa pagdurusa, ngunit ang lahat ng mga taong ito ay mga walang utang na loob: Walang ni isa sa kanila ang magawang bilangin ang lahat ng mga pagkakataon ng Aking kaligtasan. Ilang mga taon, ilang mga siglo ang nakalipas simula nang nilikha ang mundo hanggang sa kasalukuyang panahon, at ilang mga himala ang Aking nagawa, at ilang beses ipinakita ang Aking karunungan? Pero ang tao, katulad ng isang baliw na may demensya at pamamanhid o, mas malala pa, paminsan-minsan ay parang mabangis na hayop na nag-aalsa sa kagubatan, ay walang ni katiting na balak intindihin ang Aking mga kapakanan. Maraming beses Ko nang binigyan ang tao ng senstensya ng kamatayan at hinatulang mamatay, subalit ang plano ng Aking pamamahala ay hindi mababago ng kahit na sinuman. Kung kaya ang tao ay, nasa mga kamay Ko pa rin, nagmamagilas sa lumang mga bagay na kanyang kinakapitan. Dahil sa mga hakbang ng Aking gawain, Ako ay, minsan pa, nagligtas sa inyo, kayong mga nilalang na ipinanganak sa malaking pamilya ng tiwali, sira, marumi, at sakim.

09 Hunyo 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | Mapanganib ang Landas Papunta Sa Kaharian ng Langit (Trailer)



    Si Zhong Xin ay pastor sa isang bahay-iglesia sa Chinese mainland. Matagal na siyang nananalig sa Panginoon at palaging naaaresto at pinahihirapan ng CCP. Napakatindi ng galit niya sa CCP, at matagal na niyang naliwanan na napakasama ng rehimen ng CCP na kumakalaban sa Diyos. Nitong nakaraang mga taon, nakita niya ang matinding pagtuligsa, pag-aresto at pagpapahirap ng gobyernong CCP at ng mga relihiyoso sa iglesia ng Kidlat ng Silanganan. Gayunman, ang nakita niyang di-kapani-paniwala ay na hindi lang hindi natalo ang Kidlat ng Silanganan, kundi mas lalo pa itong lumago, kaya muling nag-isip-isip si Zhong Xin: Ang Kidlat ng Silanganan ba ang pagpapakita at gawain ng Panginoon? Natuklasan din niya na lahat ng salitang ginamit ng CCP at mga relihiyoso para tuligsain ang Kidlat ng Silanganan ay mga tsismis at kasinungalingan kaya, para malaman ang katotohanan, siniyasat nila ng kanyang mga kapatid ang Kidlat ng Silanganan. Sa pakikinig sa mga paliwanag ng mga nagpapatotoo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, napagtibay ng karamihan na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, na ang mga salitang ito ang tinig ng Diyos at na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Ngunit sa harap ng malupit na panunupil at pagpapahirap ng gobyernong CCP sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, gayundin sa mabangis na pagsuway at pagtuligsa ng mga pastor at elder ng mga relihiyon, nagtaka ang ilan: Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ang tunay na daan, kaya bakit ito mabangis na sinusuway at tinutuligsa ng mga makapangyarihan sa pulitika at mga relihiyon? Sa pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at pakikinig sa mga paliwanag ng mga nagpapatotoo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nauunawaan ng mga kapatid ang tunay na dahilan ng pagsuway ng sangkatauhan sa Diyos, malinaw nilang nakikita kung bakit lubhang mapanganib ang daan patungo sa langit, at naunawaan nila ang tunay na dahilan ng pagkamuhi sa katotohanan at pagkontra sa Diyos ng napakasamang rehimen ng CCP at mga pinuno ng relihiyon. Matatag na iwinaksi ng mga taong katulad ni Zhong Xin ang mga pagbabawal at paghihigpit ng impluwensya ni Satanas, tinanggap na nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at talagang nagbalik na sila sa harap ng luklukan ng Diyos.

Rekomendasyon:Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

12 Abril 2018

Punong Salita

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Punong Salita


   Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman ang mga tao ay alam na alam ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na lahat niyaong mga hindi nakakakilala sa Diyos ay nagtataglay ng isang magulong paniniwala. Ang mga tao ay hindi seryoso sa kanilang paniniwala sa Diyos sapagka’t ang paniniwala sa Diyos ay masyadong di-kilala, masyadong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihingi ng Diyos. Sa ibang salita, kung hindi kilala ng tao ang Diyos, hindi alam ang Kanyang gawa, kung gayon hindi sila angkop para sa paggamit ng Diyos, lalong hindi nila maaaring tuparin ang ninanasa ng Diyos. Ang “paniniwala sa Diyos” ay nangangahulugang paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng pagkakaintindi sa pananampalataya sa Diyos. Bukod pa rito, ang paniniwalang mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na pananalig sa Diyos; kundi, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may malakas na pangrelihiyong mga kahulugan. Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong tiwaling disposisyon, makakatupad sa ninanasa ng Diyos at makakakilala sa Diyos. Tanging sa pamamagitan ng ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos. Datapwa’t ang mga tao ay madalas makita ang paniniwala sa Diyos bilang isang bagay na napakasimple at walang gaanong kabuluhan. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay walang kabuluhan at hindi kailanman makakatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, pagka’t sila’y tumatahak sa maling landas. Ngayon, mayroon pa ring mga naniniwala sa Diyos sa pamamagitan ng mga titik, sa mga doktrinang walang laman. Wala silang malay na ang kanilang paniniwala sa Diyos ay walang substansya at na hindi sila makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, at nananalangin pa rin sila para sa kapayapaan at sapat na biyaya mula sa Diyos. Dapat tayong huminto at tanungin ang ating mga sarili: Maaari kayang ang paniniwala sa Diyos ang tunay na pinakamadaling bagay sa lupa? Ang paniniwala ba sa Diyos ay nangangahulugan lamang ng pagtanggap ng maraming biyaya mula sa Diyos? Maaari bang ang mga tao na naniniwala sa Diyos nguni’t hindi Siya nakikilala, at naniniwala sa Diyos nguni’t tinututulan Siya, ay tunay na makakatupad sa ninanasa ng Diyos?

06 Abril 2018

Salita ng Diyos | Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao



Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao


    Gaano karami sa gawain ng tao ang gawain ng Banal na Espiritu at gaano karami ang karanasan ng tao? Kahit ngayon, masasabi na hindi pa rin nauunawaan ng mga tao ang ganitong mga tanong, ito lahat ay dahil hindi nauunawaan ng mga tao ang mga gumagawang simulain ng Banal na Espiritu. Mangyari pa, ang gawain ng tao na sinasabi Ko ay tumutukoy sa mga tao na taglay ang gawain ng Banal na Espiritu o ang mga taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Hindi Ko tinutukoy ang gawain na nagmula sa kalooban ng tao kundi sa gawain ng mga apostol, manggagawa o mga karaniwang lalaki at babae na sakop ng gawain ng Banal na Espiritu. Dito, ang gawain ng tao ay hindi tumutukoy sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao kundi sa sakop at mga simulain ng gawain ng Banal na Espiritu sa mga tao. Gayong ang mga simulaing ito ay ang mga simulain at sakop ng gawain ng Banal na Espiritu, hindi ito katulad sa mga simulain at sakop ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Ang gawain ng tao ay may sangkap at simulain ng tao, at ang gawain ng Diyos ay may sangkap at simulain ng Diyos.

30 Marso 2018

Salita ng Diyos | Tanging ang mga Nakaaalam ng Gawain ng Diyos Ngayon ang Makapaglilingkod sa Diyos

biblia, Diyos, Espiritu, landas, salita ng Diyos


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Tanging ang mga Nakaaalam ng Gawain ng Diyos Ngayon ang Makapaglilingkod sa Diyos


 
  Upang makapagpatotoo sa Diyos at mapahiya ang malaking pulang dragon, dapat mayroon kang prinsipyo at isang kondisyon: Dapat mong mahalin ang Diyos sa iyong puso, at pumasok sa mga salita ng Diyos. Kung hindi ka papasok sa mga salita ng Diyos, kung gayon wala kang paraan na pahiyain si Satanas. Sa iyong pagsulong sa buhay, itinatakwil mo ang malaking pulang dragon at lubos na ikinahihiya ito, at sa pamamagitan lamang nito talagang mapapahiya ang malaking pulang dragon. Habang higit mo pang sinasang-ayunang isagawa ang mga salita ng Diyos, lalo mong napatutunayan ang pag-ibig mo sa Kanya at ang pagkamuhi mo sa malaking pulang dragon; habang higit mo pang sinusunod ang mga salita ng Diyos, lalong napatutunayan ang pagkasabik mo sa katotohanan. Ang mga taong hindi nasasabik sa mga salita ng Diyos ay mga taong walang buhay. Ang mga gayong tao ay nasa labas ng mga salita ng Diyos, at mga kaanib sa relihiyon. Ang mga taong tunay na naniniwala sa Diyos ay may mas malalim na kaalaman sa mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom sa Kanyang mga salita. Kung 'di mo kinasasabikan ang mga salita ng Diyos, hindi ka totohanang nakakakain at nakaiinom ng Kanyang mga salita, at kapag wala kang kaalaman sa mga salita ng Diyos, wala kang paraan para magpatotoo sa Diyos o magbigay kasiyahan sa Kanya.

11 Marso 2018

Pelikulang Kristiano | Ang Sandali ng Pagbabago (2) | Ang Tanging Landas para Maiangat sa Kaharian ng Langit

Ang Sandali ng Pagbabago (2) | Ang Tanging Landas para Maiangat sa Kaharian ng LangitKidlat ng Silanganan


    Naniniwala ang ilang tao, dahil nakayang likhain ng Diyos ang kalangitan at ang lupa at lahat ng bagay sa isang salita, nakayang ibangon ang patay sa isang salita, makakaya ring baguhin kaagad ng Diyos ang ating imahe, gawin tayong banal, iangat tayo sa ere para salubungin ang Panginoon pagbalik Niya sa mga huling araw. Ganyan nga ba talaga para maiangat sa kaharian ng langit? Ang gawain ba ng pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw ay kasing-simple ng ating inaakala? Sabi ng Diyos, “Nararapat ninyong maintindihan, hindi ninyo dapat gawing payak ang mga ito. Ang gawain ng Diyos ay hindi katulad ng ibang karaniwang gawain. Ang himala nito ay hindi maiisip ng utak ng tao, at ang karunungan nito ay hindi basta lamang makakamit. Hindi nililikha ng Diyos ang lahat ng bagay, at hindi rin Niya winawasak ang mga ito. Sa halip, binabago Niya ang lahat ng Kanyang mga nilikha at dinadalisay ang lahat ng mga bagay na nadungisan ni Satanas. Kaya, nararapat na simulan ng Diyos ang mga malalaking gawain, at ito ang buong kahalagahan ng gawain ng Diyos. Matapos mabasa ang mga salitang ito, naniniwala ka ba na ang gawain ng Diyos ay payak?” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao) Walang sinumang makakaarok sa gawain ng Diyos at karunungan ng Diyos. Tanging ang Diyos Mismo ang makapaglalantad ng hiwaga ng kung paano madadala sa langit ang mga nananalig sa mga huling araw, kung paano gagawin ng Diyos ang gawain ng paghatol para linisin ang mga tao …. Ang maikling video na ito ay ipapakita sa iyo ang kaalaman tungkol sa tanging landas para maiangat sa kaharian ng langit pagbalik ng Panginoon!


Rekomendasyon:Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos







08 Marso 2018

Salita ng Diyos | Isaisip ang Kalooban ng Diyos Upang Makamit ang Pagka-perpekto

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Isaisip ang Kalooban ng Diyos Upang Makamit ang Pagka-perpekto 



    Habang higit mong isinasaisip ang kalooban ng Diyos, mas bibigat ang iyong pasanin; mas mabigat ang iyong pasanin, mas mayaman ang iyong magiging karanasan. Kapag iyong isinasaisip ang kalooban ng Diyos, ibibigay ng Diyos ang pasaning ito sa iyo, at ikaw ay liliwanagan ng Diyos sa mga bagay na ipinagkatiwala Niya sa iyo. Pagkatapos na maibigay ng Diyos sa iyo ang pasaning ito, ikaw ay magsisimulang magbigay ng pansin sa mga katotohanang may kaugnayan sa iyong pasanin kapag kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos. Kung ang pasaning ito ay may kaugnayan sa mga kondisyon ng buhay ng mga kapatid na lalaki at babae—ito ay isang pasanin na ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos, kung gayon ang iyong mga panalangin sa araw-araw ay laging magdadala ng pasaning ito. Kung ano ang ginagawa ng Diyos ay ipinagkatiwala ngayon sa iyo, ikaw ay nagnanais na isakatuparan yaong kailangang gawin ng Diyos, at ito ang ibig sabihin ng balikatin ang pasanin ng Diyos na parang sa iyo. Sa puntong ito, ang iyong pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos ay matutuon sa mga usápín sa mga aspetong ito, at iyong iisipin, paano ko ba malulutas ang mga usápíng ito? Paano ko magagawang pahintulutan ang mga kapatid na lalaki at babae na mapalaya, upang magkaroon ng kagalakan sa kanilang mga espiritu? Ikaw ay tutuon sa paglutas ng mga usápíng ito kapag kayo ay nagbabahaginan, ikaw ay tutuon sa pagkain at pag-inom ng mga salita na may kaugnayan sa mga usápíng ito kapag ikaw ay kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, ikaw ay kakain at iinom ng mga salita ng Diyos habang dinadala ang pasaning ito, at iyong mauunawaan ang mga pangangailangan ng Diyos. Sa puntong ito, higit na magiging malinaw sa iyo ang landas na daraanan. Ito ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu na dulot ng iyong pasanin, at ito ang Diyos na nagkakaloob ng Kanyang paggabay sa iyo. Bakit Ko sinasabi ito? Kung wala kang pasanin, kung gayon hindi ka nagbibigay-pansin kapag kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos; kapag ikaw ay kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos habang nagdadala ng isang pasanin, iyong mauunawaan ang kakanyahan ng mga salita ng Diyos, nakahahanap ka ng iyong daan, nakakaya mo na naisasaisip ang kalooban ng Diyos. Samakatuwid, kailangan mong hilingin sa Diyos na pagkalooban ka pa ng mas maraming pasanin sa mga panalangin mo sa Diyos, sa gayon, higit pang mga dakilang bagay ang ipagkakatiwala sa iyo ng Diyos, mas kakayanin mong makatagpo ng daan ng pagsasagawa sa hinaharap, lalo kang magiging mabisa sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, makakaya mong maunawaan ang kakanyahan ng Kanyang mga salita, at mas makakaya mong tanggapin ang pag-aantig ng Banal na Espiritu.

25 Agosto 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ikasampung Pagbigkas


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Makapangyarihang Diyos, pag-asa, pag-ibig


Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ikasampung Pagbigkas


  Ang Kapanahunan ng Kaharian ay, kung iisipin, naiiba mula sa nakaraan. Hindi ito kaugnay sa kung ano ang ginagawa ng tao. Sa halip, personal Kong isinasakatuparan ang Aking gawain pagkababa sa lupa—gawaing kahit ang mga tao ay hindi maaaring maisip ni makamit. Buhat nang nilikha ang sanglibutan hanggang sa kasalukuyan, ang lahat ng mga taon na ito ay palaging patungkol sa pagbuo ng iglesia, ngunit hindi kailanman nakarinig nang pagtatayo ng kaharian. Kahit na nagsasalita Ako nito sa Aking sariling bibig, mayroon bang kahit sino na may alam sa kakanyahan nito? Dati na Akong bumaba sa mundo ng mga tao at naranasan at siniyasat ang kanilang paghihirap, nguni’t hindi natugunan ang layunin ng Aking pagkakatawang-tao. Kapag umusad na ang pagtatayo ng kaharian, ang Aking pagkatawang-tao ay pormal nang magsisimula upang isagawa ang paglilingkod; iyon ay, ang Hari ng kaharian ay pormal nang kukunin ang Kanyang pinaka-kataas-taasang kapangyarihan. Mula dito ay maliwanag na ang pagdating ng kaharian sa mundo ng tao, malayo mula sa pagiging salita at mga pagpapakita lamang, ito ay isa sa aktwal na katunayan; ito ay isang aspeto ng kahulugan ng “ang katunayan ng pagsasagawa.” Ang tao ay hindi kailanman nakakita ng kahit isa sa Aking mga gawain, at hindi kailanman nakarinig ng kahit isa sa Aking mga pagbigkas. Kahit nakita niya, ano ang kanyang dapat natuklasan? At kung narinig niya Akong magsalita, ano ang dapat niyang naunawaan? Sa buong mundo, ang lahat ng sangkatauhan ay namamalagi sa loob ng Aking pag-ibig, at Aking habag, nang sa gayon ang lahat ng sangkatauhan ay nasa ilalim ng Aking paghatol, at gayon din naman sa ilalim ng Aking pagsubok. Ako ay naging maawain at mapagmahal sa sangkatauhan, kahit na ang lahat ng tao ay naging tiwali sa isang antas; iginawad Ko ang pagkastigo sa sangkatauhan, kahit na ang lahat ng tao ay yumukod sa pagpapasakop sa harap ng Aking trono. Subalit mayroon bang sinumang tao na wala sa gitna ng paghihirap at pagpipino na Aking naipadala? Gaano karaming tao ang nag-aapuhap sa kadiliman para sa liwanag, gaano karami ang mapait na nagtitiis sa kanilang pagsubok na dinaranas? Si Job ay may pananampalataya, at kahit pa, sa kabila nito, hindi ba siya naghahanap ng paraan palabas para sa kanyang sarili? Bagama’t ang Aking bayan ay maaaring tumindig nang matatag sa pagsubok, mayroon bang sinuman, na hindi ito sinasabi nang malakas, ang pinaniniwalaan ito sa kanyang puso? Hindi ba ito kundi na kanyang sinasabi ang kanyang paniniwala habang nag-aalinlangan sa kanyang puso? Walang mga tao na nanindigan sa pagsubok, ang nagbibigay ng tunay na pagsunod sa pagsubok. Hindi Ko ba tinakpan ang Aking mukha upang maiwasan ang pagtingin sa mundong ito, ang buong sangkatauhan ay mabubuwal sa ilalim ng Aking nakasusunog na titig, sapagka’t hindi Ako humiling ng anumang bagay sa sangkatauhan.

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.