Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Pagbigkas ni Cristo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Pagbigkas ni Cristo. Ipakita ang lahat ng mga post

28 Hulyo 2020

(I) Mga Salita tungkol sa Awtoridad ng Diyos



1. Mula nang sinimulan Niya ang paglikha sa lahat ng bagay, nagsimulang mahayag ang kapangyarihan ng Diyos, at nagsimulang mabunyag, dahil gumamit ang Diyos ng mga salita para likhain ang lahat ng bagay.

14 Hulyo 2020

Ang Masama ay Dapat Parusahan


Tingnan ninyo ang inyong sarili upang makita kung isinasagawa ninyo ang pagkamatuwid sa lahat ng inyong ginagawa, at kung minamasdan ng Diyos ang lahat ng pagkilos ninyo: Ito ang prinsipyo na ginagamit ng mga naniniwala sa Diyos sa paggawa ng kanilang mga gawain.

29 Hunyo 2020

Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan



Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at tapat na mga Kristiyano, pananagutan at obligasyon nating lahat na ialay ang ating isipan at katawan para sa katuparan ng tagubilin ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral salamat sa kapangyarihan ng Diyos. Kung ang mga isipan at katawan natin ay hindi para sa tagubilin ng Diyos at hindi para sa matuwid na dahilan ng sangkatauhan, sa gayon ang ating mga kaluluwa’y hindi magiging karapat-dapat sa mga taong naging martir para sa tagubilin ng Diyos, mas hindi karapat-dapat sa Diyos, na naglaan sa atin ng lahat ng bagay.

13 Hunyo 2020

Mga Klasikong Salita tungkol sa Biblia


1. Sa maraming taon, ang mga kinaugaliang paraan ng paniniwala ng mga tao (ng Kristiyanismo, ang isa sa tatlong pangunahing relihiyon ng mundo) ay ang basahin ang Biblia; ang paglihis mula sa Biblia ay hindi paniniwala sa Panginoon, ang paglihis mula sa Biblia ay paglihis sa pananampalataya, at hidwang paniniwala, at kahit na basahin pa ng mga tao ang ibang mga libro, ang pundasyon ng mga librong ito ay dapat ang pagpapaliwanag sa Bibilia.

07 Mayo 2020

Ang Kabuluhan ng Gawain ng mga Salita ng Diyos

Ang Kabuluhan ng Gawain ng mga Salita ng Diyos


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan.

04 Mayo 2020

Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat


Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat


Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw.

10 Abril 2020

Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap”

Pagbabalik ng Panginoong Jesus | Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap”

Sa loob ng ilang libong mga taon, pinananabikan na ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Pinananabikan na ng tao na mapagmasdan si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, nang personal, sa gitna niyaong mga nanabik na at naghangad sa Kanya sa loob ng libu-libong mga taon. Hinangad na ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makasama ng mga tao, iyon ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. At umaasa ang tao na muli Niyang isasakatuparan ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya sa gitna ng mga Judio, magiging mahabagin at mapagmahal sa tao, patatawarin ang mga kasalanan ng tao, papasanin ang mga kasalanan ng tao, at papasanin na pati lahat ng mga paglabag ng tao, at palalayain ang tao mula sa kasalanan. Pinananabikan nila na si Jesus na Tagapagligtas ay maging katulad ng dati—isang Tagapagligtas na kaibig-ibig, magiliw at kagalang-galang, na hindi kailanman napopoot sa tao, at hindi kailanman nanunumbat sa tao. Ang Tagapagligtas na ito ay nagpapatawad at nagpapasan ng lahat ng mga kasalanan ng tao, at namamatay pang muli sa krus para sa tao. Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga banal na naligtas salamat sa Kanyang pangalan, ay desperadong nangungulila sa Kanya at hinihintay Siya. Lahat niyaong mga naligtas sa pamamagitan ng biyaya ni Jesucristo sa Kapanahunan ng Biyaya ay nananabik sa masayang araw na yaon sa mga huling araw, kung kailan si Jesus na Tagapagligtas ay dumarating sa isang puting ulap at nagpapakita sa gitna ng tao. Mangyari pa, ito rin ang sama-samang inaasam ng lahat niyaong mga tumatanggap sa pangalan ni Jesus na Tagapagligtas ngayon. Sa buong sansinukob, lahat niyaong mga nakakaalam tungkol sa pagliligtas ni Jesus na Tagapagligtas ay desperado nang nananabik para sa biglaang pagdating ni Jesucristo, upang tuparin ang mga salita ni Jesus noong nasa lupa: “Babalik Ako tulad ng Aking paglisan.” Ang tao ay naniniwala na, kasunod ng pagkakapako sa krus at pagkabuhay na mag-uli, si Jesus ay bumalik sa langit sa ibabaw ng isang puting ulap, at naupo sa Kanyang luklukan sa kanan ng Kataas-taasan. Iniisip ng tao na kahalintulad nito, si Jesus ay bababang muli sakay ng isang puting ulap (ang ulap na ito ay tumutukoy sa ulap na sinakyan ni Jesus nang bumalik Siya sa langit), sa gitna niyaong mga desperado nang nananabik sa Kanya sa loob ng libong mga taon, at na tataglayin Niya ang larawan at pananamit ng mga Judio. Matapos ang pagpapakita sa tao, magkakaloob Siya ng pagkain sa kanila, at magsasanhi ng pagbukal ng tubig na nagbibigay-buhay para sa kanila, at mamumuhay kasama ng tao, puspos ng biyaya at pagmamahal, buhay at tunay. At iba pa. Datapwa’t hindi ito ginawa ni Jesus na Tagapagligtas; ginawa Niya ang kabaligtaran ng inisip ng tao. Hindi Siya dumating sa gitna niyaong mga naghangad sa Kanyang pagbabalik, at hindi nagpakita sa lahat ng tao habang nakasakay sa puting ulap. Siya ay nakarating na, subali’t hindi Siya kilala ng tao, at nananatiling walang alam tungkol sa Kanyang pagdating. Ang tao ay walang layon na naghihintay lamang sa Kanya, hindi-nakakamalay na nakababa na Siya sakay sa isang “puting ulap” (ang ulap na ang Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, at Kanyang buong disposisyon at lahat ng kung ano Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mananagumpay na Kanyang gagawin sa mga huling araw. Hindi ito alam ng tao: Bagaman ang banal na Tagapagligtas na si Jesus ay puno ng pagkagiliw at pagmamahal sa tao, paano Siya makakagawa sa mga “templo” na pinamamahayan ng karumihan at di-malinis na mga espiritu? Bagaman naghihintay na ang tao sa Kanyang pagdating, paano Siya makakapagpakita sa mga yaon na kumakain ng laman ng mga di-matuwid, umiinom ng dugo ng di-matuwid, nagsusuot ng mga damit ng di-matuwid, na naniniwala sa Kanya nguni’t hindi Siya kilala, at patuloy na nangingikil sa Kanya? Ang alam lamang ng tao ay na si Jesus na Tagapagligtas ay puno ng pagmamahal at habag, at ang handog para sa kasalanan na puspos ng pagtubos. Nguni’t ang tao ay walang ideya na Siya rin ay ang Diyos Mismo, na nag-uumapaw sa pagkamakatuwiran, kamahalan, matinding galit, at paghatol, at may angking awtoridad at puno ng dangal. At sa gayon bagaman ang tao ay masugid na naghahangad at nananabik para sa pagbabalik ng Manunubos, at kahit ang Langit ay naaantig sa mga dalangin ng tao, si Jesus na Tagapagligtas ay hindi nagpapakita sa mga yaon na naniniwala sa Kanya nguni’t hindi Siya nakikilala.

“Jehova” ang pangalan na Aking ginamit sa kapanahunan ng Aking gawain sa Israel, at ito ay nangangahulugang ang Diyos ng mga Israelita (ang hinirang na bayan ng Diyos) na maaaring maawa sa tao, sumpain ang tao, at gumabay sa buhay ng tao. Nangangahulugan ito na ang Diyos na may angking dakilang kapangyarihan at puspos ng karunungan. Ang “Jesus” ay Emmanuel, at ito’y nangangahulugang ang handog para sa kasalanan na puspos ng pagmamahal, puspos ng habag, at tumutubos sa tao. Ginawa Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, at kinakatawan ang Kapanahunan ng Biyaya, at maaari lamang katawanin ang isang bahagi ng plano ng pamamahala. Na ang ibig sabihin, tanging si Jehova ang Diyos ng hinirang na bayan ng Israel, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, ang Diyos ni Jacob, ang Diyos ni Moises, at ang Diyos ng lahat ng tao ng Israel. At sa gayon sa kasalukuyang kapanahunan, lahat ng Israelita maliban sa tribo ni Juda ay sumasamba kay Jehova. Nag-aalay sila sa Kanya ng mga hain sa altar, at naglilingkod sa Kanya na suot ang mga mahahabang damit ng mga pari sa templo. Ang inaasahan nila ay ang pagpapakitang muli ni Jehova. Tanging si Jesus ang Manunubos ng sangkatauhan. Siya ang handog para sa kasalanan na tumubos sa sangkatauhan mula sa kasalanan. Na ang ibig sabihin, ang pangalan ni Jesus ay nanggaling sa Kapanahunan ng Biyaya, at umiral dahil sa gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang pangalan ni Jesus ay umiral upang hayaan ang mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya na muling maisilang at maligtas, at isang tanging pangalan para sa pagtubos ng buong sangkatauhan. At sa gayon ang pangalan ni Jesus ay kumakatawan sa gawain ng pagtubos, at tumutukoy sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang pangalang Jehova ay isang tanging pangalan para sa mga tao sa Israel na namuhay sa ilalim ng kautusan. Sa bawa’t kapanahunan at bawa’t yugto ng gawain, ang Aking pangalan ay hindi walang-basehan, subali’t may taglay na kumakatawang kabuluhan: Bawa’t pangalan ay kumakatawan sa isang kapanahunan. Ang “Jehova” ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan, at ito ay pamimitagan para sa Diyos na sinasamba ng bayan ng Israel. Ang “Jesus” ang kumakatawan sa Kapanahunan ng Biyaya, at ito ang pangalan ng Diyos ng lahat niyaong natubos noong Kapanahunan ng Biyaya. Kung pinananabikan pa rin ng tao ang pagdating ni Jesus na Tagapagligtas sa panahon ng mga huling araw, at umaasa pa rin na Siya ay darating sa larawan na Kanyang tinaglay sa Judea, samakatwid ang buong anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ay titigil sa Kapanahunan ng Pagtubos, at hindi na makakayang sumulong pa. Ang mga huling araw, bukod diyan, kailanman ay hindi na darating, at ang kapanahunan ay hindi na matatapos kailanman. Iyon ay dahil si Jesus na Tagapagligtas ay para lamang sa pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan. Ginamit Ko ang pangalang Jesus para sa kapakanan ng lahat ng makasalanan sa Kapanahunan ng Biyaya, at hindi ito ang pangalan na kung saan sa pamamagitan nito ay Aking dadalhin ang buong sangkatauhan sa katapusan. Bagaman ang Jehova, Jesus, at ang Mesiyas ay kumakatawang lahat sa Aking Espiritu, ang mga pangalang ito ay tumutukoy lamang sa iba’t ibang mga kapanahunan sa Aking plano ng pamamahala, at hindi kumakatawan sa Akin sa Aking kabuuan. Ang mga pangalan na siyang itinatawag sa Akin ng mga tao sa lupa ay hindi nakakapagpaliwanag nang malinaw ng Aking buong disposisyon at ng lahat-lahat ng kung ano Ako. Ang mga iyon ay iba’t ibang mga pangalan lamang na katawagan sa Akin sa iba’t ibang kapanahunan. At sa gayon, kapag ang panghuling kapanahunan—ang kapanahunan ng mga huling araw—ay dumarating, ang Aking pangalan ay magbabagong muli. Hindi Ako tatawaging Jehova, o Jesus, lalo nang hindi Mesiyas, kundi tatawagin Akong ang Makapangyarihang Diyos Mismo, at sa ilalim ng pangalang ito wawakasan Ko ang buong kapanahunan. Minsan na Akong nakilala bilang Jehova. Ako ay tinawag ding ang Mesiyas, at minsan na Akong tinawag ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas sapagka’t minahal at iginalang nila Ako. Subali’t ngayon hindi na Ako ang Jehova o Jesus na nakilala ng mga tao sa nakalipas na mga panahon—Ako ang Diyos na nagbalik na sa mga huling araw, ang Diyos na magdadala sa kapanahunan sa katapusan. Ako ang Diyos Mismo na tumatayo sa mga dulo ng mundo, puno ng Aking buong disposisyon, at puspos ng awtoridad, karangalan at kaluwalhatian. Kailanman ay hindi nakipag-ugnayan sa Akin ang mga tao, kailanma’y hindi Ako nakilala, at palaging walang-alam tungkol sa Aking disposisyon. Mula sa pagkalikha ng mundo hanggang ngayon, wala ni isang tao ang nakakita na sa Akin. Ito ang Diyos na nagpapakita sa tao sa mga huling araw nguni’t nakatago sa gitna ng tao. Siya ay naninirahan kasama ng tao, tunay at totoo, tulad ng nagniningas na araw at naglalagablab na apoy, puspos ng kapangyarihan at nag-uumapaw sa awtoridad. Walang isa mang tao o bagay na hindi mahahatulan ng Aking mga salita, at walang isa mang tao o bagay na hindi padadalisayin sa pamamagitan ng pagliliyab ng apoy. Sa huli, ang lahat ng bansa ay mapapagpala dahil sa Aking mga salita, at madudurog din nang pira-piraso dahil sa Aking mga salita. Sa ganitong paraan, makikita ng lahat ng tao sa mga huling araw na Ako ang Tagapagligtas na bumalik, Ako ang Makapangyarihang Diyos na lumulupig sa buong sangkatauhan, at para sa tao Ako ay minsang ang handog para sa kasalanan, subali’t sa mga huling araw Ako rin ay nagiging mga ningas ng araw na tumutupok sa lahat ng bagay, gayundin ay ang Araw ng pagkamatuwid na nagbubunyag ng lahat ng bagay. Ganoon ang Aking gawain ng mga huling araw. Ginamit Ko ang pangalang ito at angkin Ko ang disposisyong ito upang maaaring makita ng lahat ng tao na Ako ay isang matuwid na Diyos, at Ako ay ang nagliliyab na araw, at ang nagniningas na apoy. Ito ay gayon upang ang lahat ay maaaring sumamba sa Akin, ang tanging tunay na Diyos, at sa gayon maaaring makita nila ang Aking tunay na mukha: Ako ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, at hindi rin Ako basta ang Manunubos—Ako ang Diyos ng lahat ng nilikha sa buong kalangitan at lupa at karagatan.

Kapag ang Tagapagligtas ay dumarating sa panahon ng mga huling araw, kung Siya ay tinatawag pa ring Jesus, at muling isinilang sa Judea, at ginawa ang Kanyang gawain sa Judea, samakatwid ito ay magpapatunay na nilikha Ko lamang ang bayang Israel at tinubos lamang ang bayang Israel, at na wala Akong kinalaman sa mga Gentil. Hindi kaya ito sasalungat sa Aking mga salita na “Ako ang Panginoon na lumikha ng mga kalangitan at lupa at lahat ng bagay”? Umalis Ako sa Judea at ginagawa ang Aking gawain sa gitna ng mga Gentil sapagka’t hindi lamang Ako ang Diyos ng bayang Israel, kundi ang Diyos ng lahat ng nilikha. Nagpapakita Ako sa gitna ng mga Gentil sa panahon ng mga huling araw dahil hindi lamang Ako si Jehova, ang Diyos ng bayan ng Israel, kundi, bukod diyan, dahil Ako ang Maylalang ng lahat ng Aking mga pinili sa gitna ng mga Gentil. Hindi Ko lamang nilikha ang Israel, Egipto, at Lebanon, kundi nilikha Ko rin ang mga bansang Gentil sa ibayo ng Israel. At dahil dito, Ako ang Panginoon ng lahat ng nilikha. Ginamit Ko lamang ang Israel bilang panimulang punto para sa Aking gawain, kinasangkapan ang Judea at Galilea bilang matibay na mga tanggulan ng Aking gawain ng pagtubos, at ginagamit ang mga bansang Gentil bilang base na mula kung saan Aking dadalhin ang buong kapanahunan sa katapusan. Ginawa Ko ang dalawang yugto ng gawain sa Israel (ang dalawang yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan at ng Kapanahunan ng Biyaya), at naisasakatuparan Ko na ang dalawang karagdagang yugto ng gawain (ang Kapanahunan ng Biyaya at ang Kapanahunan ng Kaharian) sa buong mga lupain sa ibayo ng Israel. Sa gitna ng mga bansang Gentil, gagawin Ko ang gawaing panlulupig at sa gayon winawakasan ang kapanahunan. Kung palagi Akong tinatawag ng tao na Jesucristo, nguni’t hindi nalalaman na nasimulan Ko na ang isang bagong kapanahunan sa mga huling araw at nakapagsimula na sa bagong gawain, at kung palaging gumugulo sa alaala ng tao ang paghihintay sa pagdating ni Jesus na Tagapagligtas, kung gayon tatawagin Ko ang mga ganitong tao bilang silang mga hindi naniniwala sa Akin. Sila ay mga taong hindi nakakakilala sa Akin, at ang kanilang paniniwala sa Akin ay isang pagkukunwari. Masasaksihan kaya ng mga taong ganoon ang pagdating ni Jesus na Tagapagligtas mula sa langit? Ang kanilang hinihintay ay hindi ang Aking pagdating, kundi ang pagdating ng Hari ng mga Judio. Hindi nila pinananabikan ang Aking paglipol sa maruming lumang mundong ito, bagkus ay nananabik sa ikalawang pagdating ni Jesus, kung kailan sila ay matutubos; inaasahan nila si Jesus na muling tutubusin ang buong sangkatauhan mula rito sa nadungisan at di-matuwid na lupain. Paanong ang mga ganoong tao ay magiging yaong tumatapos ng Aking gawain sa mga huling araw? Ang mga pagnanasa ng tao ay walang kakayahan na kamtin ang Aking mga inaasam o tuparin ang Aking gawain, pagka’t hinahangaan o pinapahalagahan lamang ng tao ang gawaing nagawa Ko na dati, at walang ideya na Ako ang Diyos Mismo na palaging bago at hindi kailanman luma. Alam lamang ng tao na Ako si Jehova, at Jesus, at walang hiwatig na Ako ang Huli, ang Siyang magdadala sa sangkatauhan sa katapusan. Lahat nang pinananabikan at nalalaman ng tao ay mula sa kanyang sariling pagkaintindi, at tanging yaon na nakikita niya ng kanyang sariling mga mata. Hindi ito ayon sa gawaing ginagawa Ko, kundi hindi-kaisa nito. Kung ang Aking gawain ay pinatakbo ayon sa mga ideya ng tao, kailan naman kaya ito matatapos? Kailan kaya makakapasok ang sangkatauhan sa kapahingahan? At paano Ako makakapasok sa ikapitong araw, ang Araw ng Pamamahinga? Gumagawa Ako ayon sa Aking plano, ayon sa Aking mithiin, at hindi ayon sa intensyon ng tao.

--------------------------------
Ang Sundan ang mga Yapak ni Jesus ay naglalaan ng pinakahuling balita tungkol sa Ikalawang Pagparito ni Jesus, at nagbabahagi ng iba't ibang sanggunian tulad ng Mga Patotoo, Mga Debosyonal, Mga Videong Kristiyano, Mga Music Video na Kristiyano at iba pa.

11 Marso 2020

Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob


Kidlat ng Silanganan | Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob

Pinalalaganap Ko ang Aking gawain sa gitna ng mga bansang Gentil. Ang Aking kaluwalhatian ay kumikislap sa buong sansinukob; ang Aking kalooban ay nakapaloob sa mga taong nakakalat dito at doon, lahat pinakikilos ng Aking kamay at inilalatag ang mga tungkulin na Aking naiatas na.

16 Pebrero 2020

Ano ang Pagkakatawang-tao? Ano ang Diwa ng Pagkakatawang-tao?

Panginoong Jesus | Ano ang Pagkakatawang-tao? Ano ang Diwa ng Pagkakatawang-tao?


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ay na ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao, at Siya’y napaparito upang gumawa sa gitna ng mga tao na Kanyang nilikha sa larawan ng isang katawang-tao. Kaya, para magkatawang-tao ang Diyos, kailangan muna Siyang magkaroon ng katawan, katawang-tao na may normal na pagkatao; ito ang pinakaunang dapat munang mangyari.

26 Enero 2020

I. Ang mga Katotohanan Tungkol sa Pagkakatawang-tao ng Diyos



1. Ipinropesiya ng Panginoong Jesus Mismo na magkakatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw at magpapakita bilang Anak ng tao para gumawa


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40).

At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:37).

05 Setyembre 2019

Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas


Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Magagawa ang lahat sa pamamagitan ng Aking mga salita; walang sinumang tao ang maaaring makibahagi, at walang taong makagagawa sa gawain na Aking tutuparin. Lilinisin Ko ang hangin sa lahat ng mga lupain at pinupuksa Ko ang lahat ng mga bakas ng mga demonyo sa lupa. Nagsimula na Ako, at uumpisahan Ko ang unang hakbang ng gawain Kong pagkastigo sa tahanan ng malaking pulang dragon. Kaya makikita na dumating na ang Aking pagkastigo sa buong sansinukob,

28 Agosto 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Paunang Salita


Mga Pagbigkas ni Cristo | Paunang Salita


Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman alam na alam ng mga tao ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na lahat niyaong mga hindi nakakakilala sa Diyos ay nagtataglay ng isang magulong paniniwala.

22 Agosto 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Nakarating na ang Milenyong Kaharian

Nakita na ba ninyo kung anong gawain ang tutuparin ng Diyos sa grupong ito ng mga tao? Sinabi ng Diyos, kahit na sa Milenyong Kaharian ay dapat sundin pa rin ng mga tao ang Kanyang mga pagbigkas at tuluy-tuloy, at sa hinaharap ang mga pagbigkas ng Diyos ay direkta pang gagabay sa buhay ng tao sa mabuting lupain ng Canaan. Noong si Moises ay nasa kagubatan, direktang nagtagubilin at nagsalita sa kanya ang Diyos.

10 Agosto 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Ang Mga Utos ng Bagong Kapanahunan


Nasabihan na kayo na sangkapan ang inyong sarili ng salita ng Diyos, na hindi alintana kung ano ang inaayos para sa inyo, ang lahat ay binabalangkas ng sariling kamay ng Diyos, at hindi na kailangan ang inyong masigasig na pananalangin at pagmamakaawa—walang silbi ang mga ito. Subali’t sa mga tuntunin ng kasalukuyang kalagayan, ang mga praktikal na suliraning inyong kinakaharap ay di-maubos maiisip para sa inyo.

06 Agosto 2019

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Winasak ang Sodoma Dahil Nagalit ang Diyos


Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Winasak ang Sodoma Dahil Nagalit ang Diyos

Nang makita ng mga taga-Sodoma ang dalawang lingkod na ito, hindi nila itinanong kung ano ang kanilang dahilan sa pagdating, ni may isa man lang na nagtanong kung dumating ba sila upang ipahayag ang kalooban ng Diyos. Sa kabaligtaran, bumuo sila ng isang malaking pangkat ng mga tao at, kahit walang anumang paliwanag, dumating sila para dakpin ang dalawang lingkod na ito na gaya ng mga asong gubat o mababangis na mga lobo.

14 Hulyo 2019

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Katiwalian ng Sodoma: Nagpapasiklab ng Galit sa Tao, Nagdudulot ng Pagkapoot sa Diyos


Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Katiwalian ng Sodoma: Nagpapasiklab ng Galit sa Tao, Nagdudulot ng Pagkapoot sa Diyos


Una, tingnan natin ang mga talata sa kasulatan na naglalarawan sa “Pagwasak ng Diyos sa Sodoma.”

(Gen 19:1-11) At nagsidating ang dalawang anghel sa Sodoma, nang nagtatakip silim; at si Lot ay nakaupo sa pintuang-bayan ng Sodoma: at sila’y nakita ni Lot, at nagtindig upang salubungin sila; at iniyukod ang mukha sa lupa; At nagsabi, Ngayon nga mga panginoon ko, ipinamamanhik ko sa inyo na kayo’y magsiliko at magsipasok sa bahay ng inyong lingkod, at kayo’y matira sa buong magdamag, at maghugas ng inyong mga paa, at sa madaling araw ay magsipagbangon kayo at magpatuloy ng inyong paglakad. At kanilang sinabi, Hindi, kundi sa langsangan mananahan kami sa buong magdamag.

12 Hulyo 2019

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Nakarating na ang Milenyong Kaharian

Nakita na ba ninyo kung anong gawain ang tutuparin ng Diyos sa grupong ito ng mga tao? Sinabi ng Diyos, kahit na sa Milenyong Kaharian ay dapat sundin pa rin ng mga tao ang Kanyang mga pagbigkas at tuluy-tuloy, at sa hinaharap ang mga pagbigkas ng Diyos ay direkta pang gagabay sa buhay ng tao sa mabuting lupain ng Canaan. Noong si Moises ay nasa kagubatan, direktang nagtagubilin at nagsalita sa kanya ang Diyos. Mula sa kalangitan nagpadala ang Diyos ng pagkain, tubig, at manna upang tamasahin ng mga tao, at ito ay ganito pa rin ngayon: Personal na nagpadala na ang Diyos ng mga bagay na kakainin at iinumin para tamasahin ng mga tao, at personal Siyang nagpadala na ng mga sumpa upang kastiguhin ang mga tao.

10 Hulyo 2019

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | "Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan" (Unang Bahagi)


salita ng Diyos | "Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan" (Unang Bahagi) 


Ang pagpasok sa kapahingahan ay hindi nangangahulugan na ang lahat ng mga bagay ay titigil sa paggalaw, o na ang lahat ng bagay ay titigil sa pag-unlad, ni nangangahulugan ito na ang Diyos ay titigil sa paggawa o ang tao ay titigil na mabuhay. Ang tanda ng pagpasok sa kapahingahan ay ganito: Si Satanas ay nawasak na; yaong mga masasamang tao na sumapi kay Satanas sa masama nitong gawain ay naparusahan at napawi na; lahat ng mga puwersang laban sa Diyos ay tumigil sa pag-iral. Ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan ay nangangahulugan na hindi na Niya isasakatuparan ang Kanyang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan.

26 Hunyo 2019

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Masasakit na Mga Pagsubok Mo Malalaman Ang Kagandahan ng Diyos



Gaano mo ba kamahal ang Diyos sa kasalukuyan? At gaano ba ang iyong nalalaman ukol sa lahat ng ginawa ng Diyos sa iyo? Ito ang mga bagay ba dapat mong matutunan. Nang ang Diyos ay dumating sa lupa, ang lahat ng Kanyang ginawa sa tao at itinulot na makita ng tao ay upang ibigin Siya ng tao at makilala Siya nang tunay. Na nagagawa ng tao na magdusa para sa Diyos at nagawang makarating ng ganito kalayo ay, sa isang banda, dahil sa pag-ibig ng Diyos, at sa isa pang banda, ay dahil sa pagliligtas ng Diyos; higit sa rito, ito ay dahil sa gawain ng paghatol at pagkastigo na ipinatupad ng Diyos sa tao.

10 Hunyo 2019

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Yaong Mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino



Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos |  Yaong Mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino


Kung naniniwala ka sa Diyos, kailangang sundin mo ang Diyos, isagawa ang katotohanan, at tuparin lahat ng iyong mga tungkulin. Bukod diyan, kailangan mong maintindihan ang mga bagay na dapat mong maranasan. Kung ang nararanasan mo lamang ay pagiging pinakikitunguhan, pagiging dinidisiplina at paghatol, kung kaya mo lamang magpakasaya sa Diyos, nguni’t hindi mo nararamdaman kapag dinidisiplina ka ng Diyos o pinakikitunguhan ka, hindi ito katanggap-tanggap. Marahil sa pagkakataong ito ng pagpipino, makapaninindigan ka.

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.