Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Trailers. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Trailers. Ipakita ang lahat ng mga post

19 Hulyo 2020

Napakagandang Tinig




Isang mangangaral si Dong Jingxin sa isang bahay sambahan sa Tsina. Tatlumpung taon na siyang nananampalataya sa Panginoon, at minamahal ang katotohanan; madalas niyang binabasa ang mga salita ng Panginoon at hinihimok ng mga ito.

01 Hulyo 2020

Isang Kaligayahang Pinakahihintay


Para kumita nang sapat para mabuhay nang maayos, talagang nagpursigi si Ding Ruilin at ang kanyang asawa na makapagbukas at magpatakbo ng isang negosyo. Ngunit, dahil sa pananamantala at pang-aabuso ng gobyernong CCP, nanatili silang lubog sa utang, at wala silang nagawa kundi mangibang-bansa para magtrabaho.

16 Hunyo 2020

Seventeen? Ano Ngayon!


"Bata! Alam mo ba'ng ang Partido Komunista ay ateista at tutol sa paniniwala sa Diyos? Sa China, Ano'ng Diyos ang naroon para sa iyo para paniwalaan mo? Nasaan ba ang Diyos mo?" "Huwag mo'ng ipalagay na dahil bata ka, magiging maluwag kami sa iyo! Kung patuloy ka'ng maniniwala sa Diyos, mamatay ka agad!" Hawak ang mga de-kuryenteng pamalo, sinugod ng mga pulis ng Komunistang Tsino ang binatilyo na puno ng mga pasa.

22 Pebrero 2020

Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo: Salaysay Tungkol sa Pag-Brainwash ng Ccp (Official Trailer)


Tagalog Christian Movie | Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo: Salaysay Tungkol sa Pag-Brainwash ng Ccp (Official Trailer)


Mga Kasinungalingan ng Komunismo, isang pelikulang Kristiyano, ay isang tumpak na paglalarawan sa brainwashing na ginagamit ng gobyernong CCP laban sa mga Kristiyano. Matapos arestuhin si Zhang Mingdao at pito pang Kristiyano, gumamit ang CCP police ng malupit at walang-awang pagpapahirap sa kanila.

15 Pebrero 2019

Tagalog Dubbed Movies Trailer | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Refugee


Tagalog Dubbed Movies Trailer | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Refugee


Ang kanyang pangalan ay Zhang at siya ay isang Kristiyano na kabilang sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dahil naniniwala siya sa Diyos, siya ay palihim na minanmanan ng pamahalaan ng Komunistang Tsino at nahuli ng kanilang pulisya. Pinilit siya ng pulisya na ipagkanulo ang mga pinuno ng iglesia gayundin ang mga gugulin ng iglesia. Tinangka nilang gamiting sandata ang kanyang mga kaanak upang guluhin ang kanyang isip.

05 Pebrero 2019

Christian Movie Trailer | "Ang Sugo ng Ebanghelyo"


Tagalog Christian Movie Trailer | "Ang Sugo ng Ebanghelyo" | Bear the Cross and Preach the Gospel of Kingdom


Maraming taon nang naniwala ang Kristiyanong si Chen Yixin sa Panginoon, at naging mapalad na sumalubong sa pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw—Makapangyarihang Diyos! Naintindihan niya ang agarang kalooban ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos pati na ang misyon at tungkulin na dapat gawin ng isang nilikhang nilalang, kaya sinimulan niyang ibahagi ang ebanghelyo at sumaksi sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Habang ginagawa ito naglalakbay siya sa maraming lungsod at lalawigan at nagdurusa ng pagpigil at pagtanggi mula sa mga relihiyosong grupo nang paulit-ulit pati na rin ng pagtugis at pang-uusig ng pamahalaang CCP. Tinitiis niya ang maraming pagdurusa. Gayunpaman, sa ilalim ng pamamatnubay ng mga salita ng Diyos, nananatili siya sa kanyang misyon, hindi natatakot sa panganib, matapang na sumusulong …

29 Disyembre 2018

Tagalog Bible Movie Trailer "Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia" | Ihayag ang kuwento sa likod ng Biblia


Tagalog Bible Movie Trailer "Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia" | Ihayag ang kuwento sa likod ng Biblia


Si Feng Jiahui ay pastor sa isang bahay-iglesia sa China. Maraming taon siyang nanalig sa Panginoon at noon pa man ay naisip na niya na ang Biblia ay binigyang-inspirasyon ng Diyos, na ito ay dapat sundin ng isang tao sa kanyang pagsampalataya, ang mga salita ng Diyos ay hindi lumilitaw sa labas ng Biblia, at ang paglihis sa Biblia ay maling paniniwala. Pero nitong nakaraang mga taon ang iglesia ay naging mapanglaw at nanlamig ang pananampalataya ng mga nananalig, na naging sanhi ng kanyang malalaking pagdududa. Paano man siya magsalita tungkol sa Biblia hindi niya mapasigla ang iglesia …. Hanggang sa isang araw ay isang kapanalig, si Brother Yuan, ang nag-anyaya ng mga saksi mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at sa pamamagitan ng sunud-sunod na matitinding debate, naunawaan ni Feng Jiahui sa huli ang kuwentong nakapaloob sa Biblia at ang diwa nito. Iniba niya ang kanyang pananaw, sinunod ang mga yapak ng Kordero, at hinikayat ang ibang mga nananalig na bumaling sa Makapangyarihang Diyos.

14 Disyembre 2018

Tagalog Christian Movie Trailer | "Mula sa mga Pangil ng Kamatayan" | God Is the Rock of My Life


Tagalog Christian Movie Trailer | "Mula sa mga Pangil ng Kamatayan" | God Is the Rock of My Life


Si Liu Zhen, pitumpu't walong taong gulang, ay isang karaniwang maybahay sa probinsya. Pagkatapos manalig sa Diyos, nakadama siya ng walang katumbas na kaligayahan mula sa pagbabasa ng Kanyang mga salita at pagkanta ng mga awit ng papuri sa Diyos araw-araw, at madalas na nakikipagtipon sa mga kapatid sa pananalig para magbahagi ng katotohanan. ... Gayunpaman, walang mabuting bagay na nagtatagal. Inaresto siya at inusig ng Komunistang gobyerno ng Tsina, inilagay siya sa isang hindi makatarungang sitwasyon. Tatlong ulit siyang dinala ng mga pulis sa presinto upang tanungin, at binalaan na huwag nang manalig pa sa Diyos.

30 Nobyembre 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | Pananalig sa Diyos (Trailer)


Si Yu Congguang ay nangangaral ng ebanghelyo para sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Habang nangangaral ng ebanghelyo, tinugis siya ng Komunistang gobyerno ng Tsina. Tumakas siya sa mga kabundukan, kung saan nakatanggap siya ng tulong mula kay Zheng Xun, isang katrabaho sa lokal na bahay iglesia. Nang una silang nagkita, pakiramdam nila ay matagal na nilang kilala ang bawat isa. Dinala ni Zheng Xun si Yu Congguang sa kubo kung saan siya at ng kanyang mga katrabaho ay nagtipon.

18 Nobyembre 2018

Best Christian Movie Trailer | "Masasakit na Alaala" The Repentance of a Christian


Best Christian Movie | "Masasakit na Alaala" The Repentance of a Christian (Trailer)


Si Fan Guoyi ay isang elder ng isang bahay-iglesia sa China. Sa mahigit dalawampung taon ng paglilingkod, lagi niyang ginagaya si Pablo, at nagsumikap at nagpakahirap para sa Panginoon nang may malaking kasigasigan. Bukod dito, matibay ang paniniwala niya na sa patuloy na pagsampalataya sa ganitong paraan, isinasakatuparan niya ang kalooban ng Ama sa langit, at na kapag nagbalik ang Panginoon, siguradong mara-rapture siya sa kaharian ng langit. Gayunman, nang sumapit sa kanya ang pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, kumapit siya sa kanyang mga pagkaunawa.

07 Nobyembre 2018

Musical Documentary "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" | Patotoo Tungkol sa Kapangyarihan ng Diyos


Musical Documentary "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" | Patotoo Tungkol sa Kapangyarihan ng Diyos

Throughout the vast universe, all celestial bodies move precisely within their own orbits. Under the heavens, mountains, rivers, and lakes all have their boundaries, and all creatures live and reproduce throughout the four seasons in accordance with the laws of life…. This is all so exquisitely designed—is there a Mighty One ruling and arranging all this? Since coming into this world crying we have begun playing different roles in life.

24 Oktubre 2018

Nanganganib na Pagdala (Tagalog Dubbed Movie Trailer)


Tagalog Christian Movie | "Nanganganib na Pagdala" (Tagalog Dubbed Movie Trailer)

   Isang elder si Zhao Zhigan sa Lokal na Iglesia sa Tsina. Tulad ng maraming Kristiyano, ang kanyang pinakadakilang pag-asa bilang mananampalataya sa Panginoon ay ang madala nang buhay, masalubong ang Panginoon at mamahala kasama Siya. Noong 1999, matapos ilabas ng pinuno ng iglesia ang mensaheng, "Sa taong 2000 ang Panginoon ay darating muli, at madadala nang buhay ang Kanyang mga mananampalataya," lalo pa siyang nasabik at naging masigasig kaysa dati. Punung-puno ng pananampalataya at kumpiyansa, tiningnan niya ang hinaharap nang may pag-asa at pag-asam.... Gayunpaman, pagkatapos dumating at lumipas ng taong 2000, nabalewala ang lahat ng kanyang pag-asa. Dumating ang isang di-inaasahang krisis sa pananampalataya sa kanyang denominasyon, at hindi niya maiwasang mag-isip kung tama o mali ba ang landas na tinahak niya.

07 Oktubre 2018

Tagalog Christian Movie Trailer | Red Re-Education sa Bahay


Tagalog Christian Movie 2018 | Red Re-Education sa Bahay (Trailer)


Si Zheng Yi ay isang Kristiyano. Nang marinig niya ang tungkol sa malupit na pang-uusig ng pamahalaang CCP sa Kidlat ng Silanganan at ang pag-aresto sa mga Kristiyano noong nagtatrabaho siya sa Estados Unidos, nag-isip-isip siya, "Ang CCP ay isang partidong ateista, isang makademonyong rehimen na pinakamatinding kalaban ng Diyos. Sa kabila ng sumisiklab na pang-uusig at panunupil ng CCP, lalo pa ring naging maunlad ang Kidlat ng Silanganan. Malamang ay ito ang tunay na daan." Kaya sinuri niya ang Kidlat ng Silanganan sa website ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Natuklasan niya na ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at tinig ng Diyos.

29 Hunyo 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo! (Trailer)



    Si Lee Chungmin ay elder sa isang iglesia sa Seoul, South Korea. Sa loob ng mahigit dalawampung taon, masigasig siyang naglingkod sa Panginoon, na lubos na nakatuon sa pag-aaral ng Biblia. Sa pagsunod sa halimbawa ng mga pinuno ng kanilang relihiyon, inakala niya na ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, at na ang pagsampalataya sa Biblia ay kaparehong-kapareho ng pagsampalataya sa Panginoon. Naniwala siya na basta’t sumunod siya sa Biblia, madadala siya sa kaharian ng langit. Ang mga ideyang ito ang pumigil sa kanya na gaya ng isang pares ng mga kadena, na pumipigil sa kanya na sundan ang mga yapak ng Diyos at manalig sa Kanya. Dahil dito, hindi naisip ni Lee Chungmin kailanman na siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw …

10 Hunyo 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | "Awit ng Tagumpay" God’s Judgment in the Last Days (Trailer)




    Ang gawaing paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay umalingawngaw sa bawat sekta at grupo. Kasunod ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian, ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay tinatanggap at ipinapalaganap ng parami nang paraming mga tao, ang mga tunay na mananampalataya sa Diyos na uhaw para sa Kanyang pagpapakita ay bumabalik nang paisa-isa sa harap ng trono ng Diyos. Samantala, ang pamahalaan ng Tsina at ang mga relihiyosong pastor at elder ay walang humpay na sinusupil at inuusig ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos mula simula hanggang matapos. Ang babae na pangunahing tauhan ng pelikula, si Zheng Xinjie, ay isang miyembro ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nagpapalaganap ng ebanghelyo. Naharap niya ang magulong pang-aapi at mga pag-atake mula sa Komunistang Pamahalaan ng Tsina at mga relihiyosong lider. Kasama ang kanyang mga kapatid, umaasa sa Diyos, paano niya pagtatagumpayan itong madilim na mga puwersa ni satanas upang makanta ang isang awit ng tagumpay? ...

Rekomendasyon:Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

09 Hunyo 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | Mapanganib ang Landas Papunta Sa Kaharian ng Langit (Trailer)



    Si Zhong Xin ay pastor sa isang bahay-iglesia sa Chinese mainland. Matagal na siyang nananalig sa Panginoon at palaging naaaresto at pinahihirapan ng CCP. Napakatindi ng galit niya sa CCP, at matagal na niyang naliwanan na napakasama ng rehimen ng CCP na kumakalaban sa Diyos. Nitong nakaraang mga taon, nakita niya ang matinding pagtuligsa, pag-aresto at pagpapahirap ng gobyernong CCP at ng mga relihiyoso sa iglesia ng Kidlat ng Silanganan. Gayunman, ang nakita niyang di-kapani-paniwala ay na hindi lang hindi natalo ang Kidlat ng Silanganan, kundi mas lalo pa itong lumago, kaya muling nag-isip-isip si Zhong Xin: Ang Kidlat ng Silanganan ba ang pagpapakita at gawain ng Panginoon? Natuklasan din niya na lahat ng salitang ginamit ng CCP at mga relihiyoso para tuligsain ang Kidlat ng Silanganan ay mga tsismis at kasinungalingan kaya, para malaman ang katotohanan, siniyasat nila ng kanyang mga kapatid ang Kidlat ng Silanganan. Sa pakikinig sa mga paliwanag ng mga nagpapatotoo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, napagtibay ng karamihan na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, na ang mga salitang ito ang tinig ng Diyos at na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Ngunit sa harap ng malupit na panunupil at pagpapahirap ng gobyernong CCP sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, gayundin sa mabangis na pagsuway at pagtuligsa ng mga pastor at elder ng mga relihiyon, nagtaka ang ilan: Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ang tunay na daan, kaya bakit ito mabangis na sinusuway at tinutuligsa ng mga makapangyarihan sa pulitika at mga relihiyon? Sa pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at pakikinig sa mga paliwanag ng mga nagpapatotoo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nauunawaan ng mga kapatid ang tunay na dahilan ng pagsuway ng sangkatauhan sa Diyos, malinaw nilang nakikita kung bakit lubhang mapanganib ang daan patungo sa langit, at naunawaan nila ang tunay na dahilan ng pagkamuhi sa katotohanan at pagkontra sa Diyos ng napakasamang rehimen ng CCP at mga pinuno ng relihiyon. Matatag na iwinaksi ng mga taong katulad ni Zhong Xin ang mga pagbabawal at paghihigpit ng impluwensya ni Satanas, tinanggap na nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at talagang nagbalik na sila sa harap ng luklukan ng Diyos.

Rekomendasyon:Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

29 Abril 2018


Tagalog Christian Movie 2018 | Babagsak ang Lungsod (Trailer)


  Si Cheng Huize ay isang kasamahan sa trabaho sa isang bahay na iglesia sa Tsina. Maraming taon na siyang naniwala sa Panginoon, at nagsikap para sa Panginoon nang may walang-kamatayang kasigasigan. Marami siyang inaakong responsibilidad sa iglesia, at may habag siya sa kanyang mga kapatid. Habang mas lalong nagiging mapanglaw ang kanyang iglesia sa bawat araw na dumadaan, mas dumadalas ang kasamaan sa kanyang iglesia. Masigasig na iminungkahi ng pastor na dapat magtayo ng pagawaan ang iglesia, at inakay ang mga tagasunod sa landas ng kasaganaan, at inakit din sila na sumali sa Tatlong-Sariling Iglesia para makahingi sila ng tulong mula sa Komunistang gobyerno ng Tsina. Nagdulot ito ng matinding debate. Ang pastor ay ipinilit ang kanyang sariling indibidwal na mga interes at hindi nag-alintanang hatiin ang iglesia, inaakay ang mga mananampalataya sa maling landas. Si Cheng Huize at ilang iba pa ay kumapit nang husto sa landas ng Panginoon, at matinding sumalungat sa iglesia na maging pagawaan at pagsali sa Tatlong-Sariling Iglesia. Kahit na ang mga elder sa iglesia ay nagpahayag na sinasalungat nila ito, ginawa lang nila iyon para protektahan ang kanilang sariling katayuan at kabuhayan. Kahit na may mga itinatagong sikreto sa kanilang mga puso ang pastor at mga elder, nakakulong sa patuloy na alitan para sa kanilang sariling kasikatan at pakinabang, nakikipag-away dahil sa inggit, nang nakita nila na karamihan sa mga mabubuting tupa at namumunong tupa sa iglesia ay siniyasat ang Kidlat ng Silanganan at napunta isa-isa sa Makapangyarihang Diyos, nakipagtulungan sila sa Komunistang gobyerno ng Tsina at nakipaglaban para supilin ang Kidlat ng Silanganan, hinahadlangan ang mga mananampalataya para pag-aralan ang Kidlat ng Silanganan, kinukumbinsi ang mga tagasunod na iulat sila sa pulis. Naging halimbawa sila sa pamamagitan ng pag-ulat at pag-aresto sa mga kapatid na nangangaral ng ebanghelyo ng kaharian. Nakita ni Cheng Huize at ng iba na ang pastor at mga elder ay matagal na pahanon nang humiwalay sa landas ng Panginoon, at nawala na ng iglesia ang gawain ng Banal na Espiritu at sumama ito sa pagiging isang relihiyosong lugar na tulad ng Dakilang Babilonia, na isinumpa at kinastigo ng Panginoon. Dahil dito, nagpasya sila na siyasatin ang Kidlat ng Silanganan para hanapin ang pagpapakita at gawain ng Diyos. Matapos ang matitinding debate kasama ang mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, si Cheng Huize at ang iba ay sa wakas nagsimulang makita nang malinaw na ang mga lider ng relihiyosong mundo ay sumasalungat sa Diyos sa diwa, at ang dahilan kung bakit bumagsak ang relihiyosong mundo, palapit nang palapit sa araw-araw na pagkawasak nito: Ang mga pastor at elder ng relihiyosong mundo, kahit na kaya nilang ipaliwanag ang Biblia at kumapit sa Biblia nang may mataas na pagtanaw, ginagawa lang nila iyon para sa katayuan at kabuhayan. Nililito at binibitag nila ang mga tao. Hindi nila itinuturing ang Diyos nang may mataas na paggalang o sumasaksi para sa Kanya, hindi talaga nila naiintindihan ang Diyos. Sa mga huling araw, kapag ang Makapangyarihang Diyos ay nagpakita at ginawa ang Kanyang gawain, sinasalungat nila Siya nang walang kaunting pag-aalinlangan, binabatikos nila ang gawain ng Diyos, kahit sa punto kung saan nakikipagsanib sila sa Komunistang gobyerno ng Tsina para arestuhin ang mga mananampalataya. Sapat na ito para patunayan na taglay nila ang mala-satanas na kalikasan na kinapopootan ang katotohanan at kinapopootan ang Diyos. Mga modernong Fariseo sila, ginagaya ang mga malilinis na tao, mga anticristo na itinatanggi na nagkatawang-tao ang Diyos. Talagang lubusan nang naging balwarte ang relihiyosong mundo para sa mga anticristo na siyang mga kalaban ng Diyos. Tiyak na matatagpuan nila ang mga sumpa at kaparusahan ng Diyos. Sa huli, si Cheng Huize at ang iba ay nakita ang kaibahan ng diwang anticristo ng mga lider ng relihiyosong mundo, at ginabayan ang mga mananampalataya na humiwalay mula sa pagkakalito at kontrol ng mga Fariseo, para tumakas nang walang pag-aalinlangan mula sa Babilonia, ang babagsak na lungsod …

Rekomendasyon:Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

19 Abril 2018

Accept Judgment and Be Raptured Before God | "My Dream of the Heavenly Kingdom" (Movie Trailer)


Tagalog Christian Movie | Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit (Trailer)


    Si Song Ruiming ay pastor ng isang iglesia sa South Korea. Bilang isang tapat na alagad ng Panginoon sa loob ng maraming taon, masigla siyang sumasampalataya at naglilingkod sa Panginoon habang naghihintay na maitaas sa kaharian sa langit pagbalik ng Panginoon. Nitong nakaraang mga taon, litung-lito siya at nawawalan ng lakas kapag nakikita na wala sa iglesia ang gawain ng Banal na Espiritu at nagiging lubhang malungkot. Noon niya narinig ang tungkol sa isang sektang tinatawag na Kidlat ng Silanganan na lumalabas sa China na nagpapatotoo sa pagbalik ng Panginoong Jesus—Makapangyarihang Diyos, na gumagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan. Kaya nga nagpunta si Song Ruiming at ang mangangaral na si Cui Cheng'en sa China para pag-aralan ang Kidlat ng Silanganan, kung saan binasa nila sa wakas ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nalaman nila na lahat ng salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, ang tinig ng Diyos! Malamang na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus! Gayunman, nang pinag-aaralan na nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ibinenta sila ng mga elder ng relihiyon na nagsuplong sa kanila sa mga pulis. Inaresto ang dalawa at ipinatapon ng mga pulis ng Chinese Communist. Sa South Korea naman, nasaktan at nalito si Song Ruiming. Patuloy siyang nag-isip ng mga paraan para makontak ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Isang araw, bigla niyang natuklasan ang Korean website ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Internet, batid na lumaganap na ang Kidlat ng Silanganan sa South Korea at nagtatag ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos! Masayang-masaya at tuwang-tuwa, hinikayat ni Song Ruiming na pag-aralan ng mga kapatid sa kanyang iglesia ang tunay na daan sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matibay ang paniniwala nila na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Masaya nilang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at natagpuan nila ang landas patungo sa kaharian ng langit. Sa huli ay may pagkakataon na rin siyang tuparin ang kanyang pinapangarap na kaharian sa langit.

Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal

Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan

05 Disyembre 2017

Sino ang Aking Panginoon [trailer]




Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sino ang Aking Panginoon [Trailer]


Isang pastor si Liu Zhizhong sa isang lokal na bahay iglesia sa Tsina. Naging isa siyang mananampalataya sa mahigit 30 taon, at patuloy na pinananatili na "Ang Banal na Biblia ay kinasihan ng Diyos," "Kumakatawan sa Diyos ang Banal na Biblia, ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia, ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Diyos." Sa kanyang puso, ang Biblia ay napakahalaga. Dahil sa kanyang pagsamba at bulag na pananampalataya sa Biblia , hindi niya kailanman napag-aralan o natingnan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Hanggang sa isang araw, nang hinarangan niya ang mga mananampalataya mula sa online na pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nagkaroon siya ng pagkakataong makaharap ang mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matapos sumailalim sa mga matinding debate tungkol sa katotohanan, nagawa ba niyang makita nang malinaw sa huli ang relasyon sa pagitan ng Banal na Biblia at Diyos? Nagawa ba niyang lumayo mula sa Biblia upang maunawaan na si Cristo ay ang katotohanan, daan, at buhay? Siya ba ay dadalhin sa harapan ng Diyos?

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Rekomendasyon:Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.