Tagalog Christian Movie 2018 | Babagsak ang Lungsod (Trailer)
Si Cheng Huize ay isang kasamahan sa trabaho sa isang bahay na iglesia sa Tsina. Maraming taon na siyang naniwala sa Panginoon, at nagsikap para sa Panginoon nang may walang-kamatayang kasigasigan. Marami siyang inaakong responsibilidad sa iglesia, at may habag siya sa kanyang mga kapatid. Habang mas lalong nagiging mapanglaw ang kanyang iglesia sa bawat araw na dumadaan, mas dumadalas ang kasamaan sa kanyang iglesia. Masigasig na iminungkahi ng pastor na dapat magtayo ng pagawaan ang iglesia, at inakay ang mga tagasunod sa landas ng kasaganaan, at inakit din sila na sumali sa Tatlong-Sariling Iglesia para makahingi sila ng tulong mula sa Komunistang gobyerno ng Tsina. Nagdulot ito ng matinding debate. Ang pastor ay ipinilit ang kanyang sariling indibidwal na mga interes at hindi nag-alintanang hatiin ang iglesia, inaakay ang mga mananampalataya sa maling landas. Si Cheng Huize at ilang iba pa ay kumapit nang husto sa landas ng Panginoon, at matinding sumalungat sa iglesia na maging pagawaan at pagsali sa Tatlong-Sariling Iglesia. Kahit na ang mga elder sa iglesia ay nagpahayag na sinasalungat nila ito, ginawa lang nila iyon para protektahan ang kanilang sariling katayuan at kabuhayan. Kahit na may mga itinatagong sikreto sa kanilang mga puso ang pastor at mga elder, nakakulong sa patuloy na alitan para sa kanilang sariling kasikatan at pakinabang, nakikipag-away dahil sa inggit, nang nakita nila na karamihan sa mga mabubuting tupa at namumunong tupa sa iglesia ay siniyasat ang Kidlat ng Silanganan at napunta isa-isa sa Makapangyarihang Diyos, nakipagtulungan sila sa Komunistang gobyerno ng Tsina at nakipaglaban para supilin ang Kidlat ng Silanganan, hinahadlangan ang mga mananampalataya para pag-aralan ang Kidlat ng Silanganan, kinukumbinsi ang mga tagasunod na iulat sila sa pulis. Naging halimbawa sila sa pamamagitan ng pag-ulat at pag-aresto sa mga kapatid na nangangaral ng ebanghelyo ng kaharian. Nakita ni Cheng Huize at ng iba na ang pastor at mga elder ay matagal na pahanon nang humiwalay sa landas ng Panginoon, at nawala na ng iglesia ang gawain ng Banal na Espiritu at sumama ito sa pagiging isang relihiyosong lugar na tulad ng Dakilang Babilonia, na isinumpa at kinastigo ng Panginoon. Dahil dito, nagpasya sila na siyasatin ang Kidlat ng Silanganan para hanapin ang pagpapakita at gawain ng Diyos. Matapos ang matitinding debate kasama ang mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, si Cheng Huize at ang iba ay sa wakas nagsimulang makita nang malinaw na ang mga lider ng relihiyosong mundo ay sumasalungat sa Diyos sa diwa, at ang dahilan kung bakit bumagsak ang relihiyosong mundo, palapit nang palapit sa araw-araw na pagkawasak nito: Ang mga pastor at elder ng relihiyosong mundo, kahit na kaya nilang ipaliwanag ang Biblia at kumapit sa Biblia nang may mataas na pagtanaw, ginagawa lang nila iyon para sa katayuan at kabuhayan. Nililito at binibitag nila ang mga tao. Hindi nila itinuturing ang Diyos nang may mataas na paggalang o sumasaksi para sa Kanya, hindi talaga nila naiintindihan ang Diyos. Sa mga huling araw, kapag ang Makapangyarihang Diyos ay nagpakita at ginawa ang Kanyang gawain, sinasalungat nila Siya nang walang kaunting pag-aalinlangan, binabatikos nila ang gawain ng Diyos, kahit sa punto kung saan nakikipagsanib sila sa Komunistang gobyerno ng Tsina para arestuhin ang mga mananampalataya. Sapat na ito para patunayan na taglay nila ang mala-satanas na kalikasan na kinapopootan ang katotohanan at kinapopootan ang Diyos. Mga modernong Fariseo sila, ginagaya ang mga malilinis na tao, mga anticristo na itinatanggi na nagkatawang-tao ang Diyos. Talagang lubusan nang naging balwarte ang relihiyosong mundo para sa mga anticristo na siyang mga kalaban ng Diyos. Tiyak na matatagpuan nila ang mga sumpa at kaparusahan ng Diyos. Sa huli, si Cheng Huize at ang iba ay nakita ang kaibahan ng diwang anticristo ng mga lider ng relihiyosong mundo, at ginabayan ang mga mananampalataya na humiwalay mula sa pagkakalito at kontrol ng mga Fariseo, para tumakas nang walang pag-aalinlangan mula sa Babilonia, ang babagsak na lungsod …
Rekomendasyon:Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento