Gaya ng sinabi ng Diyos, “Walang makatatarok sa ugat ng Aking mga salita, ni mauunawaan man nila ang layunin sa likod ng mga iyon.” Kung hindi sa pamamagitan ng paggabay ng Espiritu ng Diyos, kung hindi sa pamamagitan ng pagdating ng Kanyang mga salita, lahat ay mapapahamak sa ilalim ng Kanyang pagkastigo. Bakit ba sinusubok ng Diyos ang tao nang napakatagal? At kasingtagal ng limang buwan? Ito ang pangunahing punto ng ating pagsasamahan gayundin ang pinakapunto ng karunungan ng Diyos. Maaari nating ipalagay ang ganito: Kung hindi sa pamamagitan ng pagsubok na ito, at kung wala ang pagsalakay ng Diyos, pagpatay, at pagtibag sa tiwaling sangkatauhan, kung ang pagtatayo ng iglesia ay nagpatuloy hanggang ngayon, kung gayon ay ano ang makakamit niyan? Kaya sa unang linya ng Kanyang pagsasalita, ang Diyos ay dumidiretso sa punto at ipinaliliwanag ang ninanasang epekto ng gawain sa loob ng mga buwang ito, at ito, masakit mang sabihin, ay tumpak! Ipinakikita nito ang karunungan ng mga gawa ng Diyos sa loob ng sakop ng panahong ito: pagtuturo sa mga tao upang matutunan ang pagpapasakop at taos-pusong dedikasyon sa pamamagitan ng pagsubok, gayundin ang kung paano mas mauunawaan ang Diyos sa pamamagitan ng masakit na pagpipino. Habang mas nawawalan ng pag-asa ang mga tao, mas nakakaya nilang maunawaan ang kanilang mga sarili. At upang sabihin ang katotohanan, habang mas masakit ang pagpipinong kanilang kinakaharap, mas nakakaya nilang maunawaan ang kanilang sariling katiwalian, at habang pinagdadaanan nila ito nalalaman pa nila na sila ay hindi karapat-dapat na maging isang ‘taga-serbisyo” para sa Diyos, at ang pagganap sa ganitong uri ng serbisyo ay pinaparangalan Niya. Kaya’t sa sandaling ito ay makamit, sa sandaling nasaid ng isang tao ang kanyang sarili, binibigkas ng Diyos ang mga salita ng habag, hindi patago bagkus ay kitang-kita. Maliwanag na pagkatapos ng ilang buwan, ang bagong[a] pamamaraan ng gawain ng Diyos ay nagsisimula ngayon; ito ay malinaw upang makita ng lahat. Sa nakaraan, malimit na sinabi ng Diyos “hindi madaling makamit ang karapatang matawag na Aking bayan,” kaya habang tinutupad Niya ang mga salitang ito sa mga taong tinutukoy bilang mga taga-serbisyo, maaaring makita ng lahat na ang Diyos ay maaaring mapagkatiwalaan nang walang anumang kamalian. Lahat ng sinasabi ng Diyos ay magkakatotoo sa magkakaibang antas, at ang Kanyang mga salita ay hindi kailanman walang laman.
Kapag ang kabuuan ng tao ay gulung-gulo at lubhang-nasasaktan, ang mga salitang ito mula sa Diyos ay akmang-akma sa lahat niyaong nasusumpungan ang kanilang mga sarili na walang-pag-asa, pinanunumbalik sila. Sa layuning alisin ang lalo pang pag-aalinlangan, idinagdag rin ng Diyos na “magkagayon man na sila ay tinutukoy bilang Aking bayan, sila ay hindi sa anumang paraan sa ibaba ng Aking ‘mga anak.’” Dito ay maaaring makita na ang Diyos lamang ang makapag-iingat sa Kanyang sariling awtoridad, at kapag nasaksihan ito ng mga tao sila ay tahasang naniniwala na hindi ito isang paraan ng paggawa, kundi katotohanan. Higit sa rito, upang ang mga pangitain ng mga tao ay hindi malabo, sa Kanyang bagong pamamaraan lahat ng mga pagkakakilanlan ng mga tao ay tiyak. Mula rito, makikita ng isang tao ang karunungan ng Diyos. Sa paraang ito higit na mauunawaan ng mga tao na nakakakita ang Diyos sa kabuuan ng mga puso ng mga tao; gaya ng mga manika, lahat ng kanilang ginagawa at lahat ng kanilang iniisip ay minamanipula ng Diyos. Ito ay tiyak.
Balik sa pasimula, ang unang sinabi ng Diyos ay na ang unang hakbang ng Kanyang gawain, “ang pagdadalisay sa iglesia,” ay natapos na. “Ang katayuan ay hindi tulad noong dati, at ang Aking gawain ay nakapasok sa isang bagong panimulang punto.” Mula sa pangungusap na ito, makikita na ang gawain ng Diyos ay minsan pang nakapasok sa isang bagong panimulang punto, at pagkatapos ay kaagad Niyang tinukoy sa atin ang mga plano para sa susunod na hakbang ng Kanyang gawain—makaraan ang pagtatapos ng pagtatayo ng iglesia, ang buhay ng Kapanahunan ng Kaharian ay magsisimula. “Ito ngayon ay hindi na kapanahunan ng pagtatayo ng iglesia, kundi ang kapanahunan kung kailan ang kaharian ay matagumpay na naitayo.” Bilang karagdagan, naipahayag Niya na dahil sa ang mga tao ay nasa lupa pa rin, ang kanilang mga pagtitipon ay patuloy na tutukuyin bilang ang iglesia, at sa paraang ito ang hindi makatotohanang pagkatanto ng “kaharian” sa mga imahinasyon ng mga tao ay naiiwasan. Sunod, magkakaroon Ako ng pagbabahagi sa usapin ng mga pangitain.
Ngayon ay ang kapanahunan ng pagtatayo ng kaharian at ang katapusan ng pagtatayo ng iglesia; at gayun pa man, bakit ang lahat ng mga pagtitipon ay tinatawag pa ring ang iglesia? Noong una ang iglesia ay tinukoy bilang ang sinusundan ng kaharian; kung wala ang iglesia hindi maaaring magkaroon ng kaharian. Ang Kapanahunan ng Kaharian ay nagsisimula sa pagganap ng Diyos ng Kanyang ministeryo sa katawang-tao, at ang Kapanahunan ng Kaharian ay pinasisimulan ng Diyos na nagkatawang-tao. Ang dinadala Niya ay ang Kapanahunan ng Kaharian, hindi ang opisyal na pagbaba ng kaharian. Hindi ito mahirap na guni-gunihin; ang mga tao na sinasabi ay ang mga tao ng Kapanahunan ng Kaharian, hindi ang mga tao ng kaharian mismo. Sa gayon, may kabuluhan na ang mga pagtitipon sa lupa ay tutukuyin pa rin bilang ang iglesia. Sa nakalipas, kumilos Siya sa pamamagitan ng Kanyang normal na pagkatao, at hindi nasaksihan bilang Diyos Mismo, kaya ang Kapanahunan ng Kaharian ay hindi pa nakapagsimula sa gitna ng tao; iyan ay, gaya ng nasabi Ko, ang Aking Espiritu ay hindi pa opisyal na nagsimulang gumawa sa Aking nagkatawang-taong laman. Ngayon na ang Diyos Mismo ay nasaksihan, ang kaharian ay natanto sa gitna ng tao. Ipinakakahulugan nito na Ako ay magsisimulang gumawa sa pamamagitan ng pagka-Diyos, kaya’t yaong mga nakapagpapahalaga sa Aking mga salita at Aking mga gawa sa pagka-Diyos ay kinikilala bilang Aking bayan sa Kapanahunan ng Kaharian, kaya’t ganito kung paano ang taguring “Aking bayan” ay lumilitaw. Sa yugtong ito, Ako ay pangunahing gumagawa at nagsasalita sa pamamagitan ng Aking pagka-Diyos. Ang tao ay hindi maaring makialam, ni maari niyang guluhin ang Aking plano. Sa sandaling ang salita ng Diyos ay nakaabot sa isang tiyak na punto, ang Kanyang pangalan ay nasasaksihan, at ang Kanyang mga pagsubok sa sangkatauhan ay nagsisimula. Ito ang pinakadakilang halimbawa ng karunungan ng Diyos. Inilalagay nito ang isang matibay na pundasyon at ibinababa ang mga ugat para sa pagsisimula ng susunod na hakbang gayundin ang katapusan ng huling hakbang. Ang tao ay walang paraan upang malaman iyan; ito ang punto ng pagtatagpo ng una at ikalawang bahagi ng kapanahunan ng paghatol. Kung wala ang ilang buwan ng pagpipino ng tao, hindi Ko nakayang gumawa sa pamamagitan ng Aking pagka-Diyos. Ang mga buwang ito ng pagpipino ay nagbubukas ng daan para sa susunod na hakbang ng Aking gawain. Ang katapusan ng ilang buwang ito ng gawain ay isang tanda ng paglalim tungo sa susunod na yugto ng gawain. Kung ang isang tao ay totoong nauunawaan ang mga salita ng Diyos, matatarok nito na ginagamit Niya ang mga buwang ito upang simulan ang susunod na hakbang ng Kanyang gawain nang sa gayon ito ay maaaring maging higit na mabunga. Ang balakid ng pagpapatakbo sa loob ng[b] normal na sangkatauhan ay lumikha ng isang hadlang para sa susunod na hakbang ng Aking gawain, kaya sa pamamagitan ng mga buwang ito ng masakit na pagpipino, ang parehong panig ay napagtitibay at nakikinabang mula riyan. Ngayon lamang nagsisimulang pahalagahan ng tao ang Aking anyo ng pagtawag. Kaya’t sa pagbaling ng Kanyang panulat, nang sabihin ng Diyos na hindi na Niya tatawagin ang tao bilang “taga-serbisyo”, kundi “Kanyang bayan”, lahat sila ay nalipos ng kagalakan. Ito ang kahinaan ng tao. Nahuli ito ng Diyos.
Sa layuning lalong makumbinsi ang buong sangkatauhan at upang tukuyin ang mga dumi sa loob ng katapatan ng ilang tao, nagpatuloy pa ang Diyos upang tukuyin ang iba-ibang mga pangit na katangian ng sangkatauhan, at sa paraang ito ay natupad ang Kanyang mga salita na gaya ng sumusunod: “Ilan ang totoong nagmamahal sa Akin? Sino ang hindi kumikilos dahil sa pagsasaalang-alang sa kanilang sariling mga kinabukasan? Sino ang hindi kailanman dumaing sa panahon ng kanilang mga pagsubok?” Mula sa mga salitang ito, maaaring makita ng tao ang kanilang sariling pagkamasuwayin, pagiging-di-tapat at kawalan ng paggalang sa magulang, at sa gayon ay nakikita ang habag at pag-ibig ng Diyos na sumusunod sa lahat niyaong mga humahanap sa Kanya sa bawa’t hakbang ng daraanan. Ito ay makikita mula sa mga salitang ito: “Kapag ang isang bahagi ng tao ay nasa bingit ng pag-urong, kapag ang lahat nang umaasa sa Akin upang baguhin Ko ang Aking paraan ng pagsasalita ay nawalan ng pag-asa, Aking binibigkas ang mga salita ng pagliligtas, at dinadala silang lahat na totoong nagmamahal sa Akin pabalik sa Aking kaharian, sa harap ng Aking trono.” Dito, ang pariralang “yaong mga totoong nagmamahal sa Akin,” at ang retorikal na tanong na “Ilan ang totoong nagmamahal sa Akin?” ay hindi magkasalungat. Ito ay nagpapakita na yaong mga “totoo” ay mayroong mga dumi. Ito ay hindi tila walang nalalaman ang Diyos. Yamang nakikita ng Diyos ang kaloob-looban ng mga puso ng mga tao, ang salitang “totoo” ay ginagamit nang may pang-uuyam sa pagtukoy sa tiwaling sangkatauhan, upang higit na makita ng lahat ng tao ang kanilang pagkakautang sa Diyos, akuin ang higit na sisi, gayundin ay maunawaan ang katunayan na ang pagkainis sa kanilang mga puso ay nanggagaling lahat mula kay Satanas. Ang mga tao ay nagugulat kapag kanilang nakikita ang salitang “katapatan”. Kanilang iniisip: Ilang beses akong dumaing laban sa Langit at lupa? At ilang beses kong ninais na umalis, ngunit dahil natakot ako sa mga atas ng pangangasiwa ng Diyos nanatili ako at sumabay sa karamihan, naghihintay sa Diyos upang isaayos ito? Kung lumabas na totoong wala nang pag-asa, kung gayon ako ay unti-unti nang uurong. Ngayon tinatawag tayo ng Diyos na Kanyang mga taong tapat, kaya ibig bang sabihin nito ay talagang nakikita ng Diyos ang kabuuan ng kaloob-looban ng mga puso ng mga tao? Sa katapus-tapusan na lamang tinukoy ng Diyos ang panloob na mga katayuan ng sari-saring uri ng mga tao sa layuning maiwasan ang ganitong uri ng di-pagkaunawa. Ginawa nito ang sangkatauhan na sa una ay mapaghinala sa kanilang mga puso nguni’t masaya sa kanilang mga salita na pumasok sa isang estado ng matibay na pananalig sa puso, mga salita, at paningin. Sa ganitong paraan, ang impresyon ng salita ng Diyos sa tao ay naging mas malalim, at kaayon nito ay naging mas takót ang tao, mas gumagalang, at nakatamo ng higit na pagkaunawa sa Diyos. Sa huli, upang maibsan ang takot ng tao sa hinaharap, sinabi ng Diyos: “Subali’t yamang ang nakaraan ay ang nakaraan, at ngayon ay ang kasalukuyan, walang pangangailangan upang hangarin pa ang nakaraan, o mag-alala tungkol sa hinaharap.” Ang uring ito ng madalian, magkakaayon, subali’t maikling paraan ng pagsasalita ay mayroong mas malaking epekto, tinutulutan ang lahat ng nagbabasa ng Kanyang mga salita na makita ang liwanag minsan pa sa kanilang kawalang pag-asa, pagkatapos ay makita ang karunungan at mga gawa ng Diyos, pagkatapos ay matamo ang titulong “bayan ng Diyos,” matapos iyon ay alisin ang mga alinlangan sa kanilang mga puso, at pagkatapos ay matutunang kilalanin ang kanilang mga sarili mula sa kanilang sari-saring panloob na mga katayuan. Ang mga katayuang ito ay sunod na nagpapakita, kapwa lungkot at dalamhati, at kasayahan at galak. Nahuli ng Diyos ang isang waring-buhay na balangkas ng mga tao sa mga salitang ito. Ito ay lubhang maliwanag na halos perpekto, isang bagay na hindi kayang makamit ng tao. Totoong inilalantad nito ang mga lihim na pinakatatago sa puso ng tao. Ito ba ay isang bagay na kayang gawin ng tao?
Lalong higit pang mahalaga ay ang talata sa ibaba, kung saan tuwirang ibinubunyag ng Diyos sa tao ang Kanyang atas sa pangangasiwa. At ito ang pinakamahalagang bahagi: “Sa gitna ng mga tao, yaong mga sumasalungat sa realidad at hindi gumagawa ng mga bagay-bagay ayon sa Aking paggabay ay hindi makararating sa isang mabuting wakas, at magdadala lamang ng kaguluhan sa kanilang mga sarili. Sa lahat ng mga bagay na nagaganap sa sansinukob, walang anuman na hindi Ako ang may huling kapasyahan.” Hindi ba’t ito ang atas sa pangangasiwa ng Diyos? Ito ay nagpapakita na mayroong di-mabilang na halimbawa niyaong mga kumikilos laban sa atas na ito sa pamamahala. Lalong higit pa, ito ay nagbababala sa bawa’t isa na huwag isipin ang kanilang sariling tadhana. Kung inaasam ng isa na tumakas sa pagsasaayos ng Diyos, ang mga kasunod na mangyayari ay magiging kahindik-hindik na di-kayang maguni-guni. Sa gayon, ginagawa nito lahat niyaong dumaranas ng pagliliwanag at pagpapalinaw sa mga salitang ito na mas maunawaan ang mga atas sa pangangasiwa ng Diyos gayundin ay maunawaan na ang Kanyang kamahalan ay hindi dapat masaktan, sa pamamagitan nito ay nagiging higit na makaranasan at nananatili, luntiang gaya ng isang nilipasan-ng-panahong punò na di-natitinag sa banta ng mapait na taglamig, patuloy na nagdaragdag sa kasiglahan ng nabubuhay na luntiang kalikasan. Ang pangungusap na ito ay nagsasanhi sa karamihan ng mga tao na makaramdam na parang nagtaka sa matinding kalituhan, na parang sila ay napadako sa isang tila sanga-sangang mga daanan; ito ay dahil sa ang nilalaman ng mga salita ng Diyos ay nagbabago nang medyo mabilis, kaya siyam sa sampung tao ay pumapasok tungo sa isang dakong maraming daanan na di-malaman kung saan lalabas kapag nagtatangka silang maunawaan ang kanilang sariling mga tiwaling disposisyon. Alang-alang sa mas tuluy-tuloy na paggawa, pag-aalis ng mga pagdududa ng mga tao, at upang ang lahat ay maaring lalong maniwala sa katapatan ng Diyos, idinidiin Niya sa katapusan ng talata: “Bawa’t isa sa mga yaon na totoong nagmamahal sa Akin ay magbabalik sa harapan ng Aking trono.” Sa gayon, lahat niyaong mga sumailalim sa maraming buwan ng Kanyang gawain ay naiibsan sa kanilang kalungkutan sa isang saglit; ang kanilang mga puso, na nakaramdam na parang sila ay nakabitin sa ere, ay umuuwi na gaya ng isang bato na bumabagsak sa matigas na lupa; sila ay hindi na nag-aalala sa kanilang kapalaran, at naniniwala na ang Diyos ay hindi na magsasalita ng mga salitang walang laman. Yamang ang mga tao ay matuwid-sa-sarili, wala kahit isa na hindi naniniwalang ipinakikita nila ang pinakamataas na pag-aalay tungo sa Diyos; ito ang dahilan kung bakit idinidiin ng Diyos ang “totoong”—ito ay upang makamit ang mas malaking mga kalalabasan. Ito ay upang ihanda ang daan at ilagay ang pundasyon para sa susunod na hakbang ng Kanyang gawain.
mula sa aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos "Pakahulugan sa Unang Pagbigkas"Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao
Mga talababa:
a. Ang orihinal na teksto ay walang “bago”.
b. Ang orihinal na teksto ay walang “pagpapatakbo sa loob ng”.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento