Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

29 Agosto 2018

Ang tinig ng Diyos | Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa

    Batay sa mga kilos at gawa ng inyong buhay, lahat kayo ay kailangan ang araw-araw na pagdaloy ng mga salita upang tustusan at muling punan kayo, dahil kayo ay masyadong nagkukulang, at ang inyong kaalaman at kakayahan upang makatanggap ay masyadong kakaunti. Sa inyong araw-araw na pamumuhay, nakatira kayo sa isang kapaligiran at kaligiran na walang katotohanan o mabuting katinuan. Kulang kayo sa puhunan para sa pag-iral at hindi nagkaroon ng batayan na makilala Ako o ang katotohanan. Ang inyong pananampalataya ay itinayo lamang sa isang di-malinaw na pagtitiwala o sa mga ritwal ng relihiyon at kaalamang lubos na batay sa doktrina. Araw-araw Kong minamasdan ang inyong mga pagkilos at sinusuri ang inyong mga intensyon at masamang bunga. Hindi Ako kailanman nakatagpo ni isa na totoong inilagay ang kanyang puso at espiritu sa Aking altar, na hindi kailanman nalipat. Samakatuwid, hindi Ko nais na ibuhos nang walang kabuluhan ang lahat ng salita na nais Kong ihayag sa sangkatauhan. Sa Aking puso, Ako ay nagpaplano lamang na kumpletuhin ang Aking hindi natapos na gawain at dalhin ang kaligtasan sa sangkatauhan na ililigtas Ko pa lang. Gayon pa man, nais Ko para sa lahat ng sumunod sa Akin na makatanggap ng Aking kaligtasan at ang katotohanan ng Aking salita na ipinagkaloob sa tao. Umaasa Ako na isang araw, kapag isinara mo ang iyong mga mata, makikita mo ang isang lupain kung saan ang samyo ay pupuno sa hangin at ang mga balon ng buhay na tubig ay dadaloy, hindi isang walang sigla, malamig na mundo kung saan ang kadiliman ay binabalot ang kalangitan at ang mga alulong ay hindi kailanman magwawakas.

    Bawat araw, ang mga gawa at pag-iisip ng lahat ng tao ay isinasaalang-alang Niya, kasabay nito, ay naghahanda para sa kanilang sariling kinabukasan. Ito ang landas na dapat tahakin ng lahat ng mga buhay at Aking itinalaga para sa lahat. Walang makatatakas dito at walang ginawang mga eksepsyon. Hindi mabilang ang mga salitang Aking binanggit, at bukod dito’y gumawa ng napakaraming bilang ng gawain. Araw-araw, Aking pinanonood habang ang bawa’t tao ay tinutupad ang lahat ng dapat niyang gawin alinsunod sa kanyang katutubong kalikasan at kung paano ito umuusbong. Walang kamalay-malay, marami nang tumahak sa “tamang landas,” na Aking itinalaga para sa paghahayag ng lahat ng uri ng tao. Aking nailagay na ang bawat uri ng tao sa iba’t ibang mga kapaligiran, at sa kanilang lugar ang bawat isa ay naghahayag ng kanyang mga likas na katangian. Walang sinuman ang nagbibigkis sa kanila, wala ni isa mang umaakit sa kanila. Sila ay malaya sa kanilang kabuuan at lumabas na natural ang kanilang naihahayag. Mayroon lamang isang bagay na nagpapanatili sa kanila, at iyon ang Aking mga salita. Kaya nga, ilang bilang ng mga tao ang labag sa kaloobang binabasa ang Aking mga salita upang ang kanilang katapusan ay hindi maging isa nang kamatayan, ngunit hindi kailanman isinasagawa ang Aking mga salita. Sa kabilang dako, nahihirapang tiisin ng ilang tao ang mga araw na wala ang Aking mga salita para gabayan at matustusan sila, kaya natural nilang pinanghahawakan ang Aking mga salita sa lahat ng oras. Habang ang panahon ay lumilipas, saka nila natutuklasan ang lihim ng buhay ng tao, ang hantungan ng sangkatauhan, at ang halaga ng pagiging tao. Ang sangkatauhan ay hindi hihigit dito sa presensya ng Aking salita, at hinahayaan Ko lang ang mga pangyayari na matapos nang natural. Wala Akong ginagawa upang pilitin ang tao na mabuhay sa pamamagitan ng Aking mga salita bilang pundasyon ng kanilang pag-iral. Kung kaya ang mga taong hindi kailanman nagkaroon ng konsensya o kahalagahan sa kanilang pag-iral ay tahimik na inoobserbahan kung paano nangyayari ang mga bagay at pagkatapos ay mapangahas na isinasantabi ang Aking mga salita at ginagawa ang kanilang gusto. Nagsisimula silang mapagod sa katotohanan at lahat ng nagmumula sa Akin. Bukod dito, sila’y napapagod sa paninirahan sa Aking tahanan. Ang mga taong ito ay pansamantalang nanunuluyan sa loob ng Aking tahanan para sa kapakanan ng kanilang mga hantungan at upang makatakas sa kaparusahan, kahit na sila ay naglilingkod. Ngunit hindi kailanman nagbabago ang kanilang mga intensyon, maging ang kanilang mga pagkilos. Higit pa nitong hinihikayat ang kanilang pagnanais para sa mga pagpapala, para sa nag-iisang daanan sa kaharian kung saan maaari silang manatili nang walang hanggan, at maging ang daanan sa walang hanggang langit. Lalo pa nilang hinahangad na mas mapabilis ang pagdating ng Aking araw, mas lalo nilang nararamdaman na naging isang balakid ang katotohanan, isang sagabal sa kanilang daan. Hindi na sila makapaghintay na tumapak sa kaharian upang tamasahin magpakailanman ang mga biyaya ng kaharian ng langit, nang hindi nangangailangang hanapin ang katotohanan o tanggapin ang paghatol at pagkastigo, at higit sa lahat, nang hindi nangangailangang manirahang sunud-sunuran sa Aking bahay at gawin ang Aking utas. Ang mga taong ito ay pumapasok sa Aking bahay hindi upang tuparin ang isang puso na naghahanap ng katotohanan o upang gumawa nang magkakasama sa Aking pamamahala. Naglalayon lamang silang maging isa sa mga taong hindi wawasakin sa susunod na kapanahunan. Kaya ang kanilang mga puso ay hindi kailanman nakilala kung ano ang katotohanan o kung paano tanggapin ang katotohanan. Ito ang dahilan kung bakit ang mga naturang tao ay hindi kailanman isinagawa ang katotohanan o natanto ang matinding lalim ng kanilang kasamaan, at gayunpaman ay nakatira sa Aking tahanan bilang “tagapaglingkod” hanggang sa wakas. Sila ay “matiyagang” naghihintay sa pagdating ng Aking araw, at walang kapaguran kahit nalilito na silasa paraan ng Aking gawain. Hindi mahalaga kahit gaano man ang kanilang naging mga pagsisikap. at kung ano ang halaga na kanilang ibinayad, wala sa kanila ang makakakitang sila ay nagdusa para sa katotohanan o nagsakripisyo para sa Akin. Sa kanilang mga puso, hindi nila kayang hintayin na makita ang araw na wawakasan Ko ang lumang kapanahunan, at bukod pa rito, balisa nilang ninanais alamin kung gaano kadakila ang Aking kapangyarihan at awtoridad. Na kung saan hindi nila kailanman minadaling baguhin ang kanilang sarili o hinanap ang katotohanan. Mahal nila ang nakapapagod sa Akin at napapagod sa minamahal Ko. Nananabik sila sa bagay na kinapopootan Ko ngunit kasabay nito ay natatakot na mawala ang mga bagay na Aking kinasusuklaman. Nakatira sila sa masamang mundong ito ngunit hindi kailanman nasuklam dito at natatakot nang masidhi na ito ay Aking wawasakin. Ang kanilang mga layunin ay magkakasalungat: Nalulugod sila sa mundong itong Aking kinapopootan, ngunit hinahangad din na wasakin Ko sa lalong madaling panahon ang mundong ito. Sa ganitong paraan, sila ay patatawarin sa pagkawasak at gagawing mga panginoon ng mga susunod na kapanahunan bago sila malihis mula sa tunay na landas. Ito ay dahil hindi nila minamahal ang katotohanan at napapagod sa lahat ng nanggagaling sa Akin. Marahil sila ay magiging “masunuring tao” sa maikling panahon para sa kapakanan na huwag mawalan ng mga pagpapala, ngunit ang kanilang di-mapakaling pag-iisip tungo sa pagpapala at ang kanilang takot sa pagkapuksa at pagpasok sa lawa ng nagniningas na apoy ay hindi kailanman maitatago. Habang papalapit ang Aking araw, unti-unting lumalakas ang kanilang pagnanais. At mas malaki ang kalamidad, mas lalo silang walang magawa, hindi alam kung saan magsisimula upang mapasaya Ako at upang maiwasang mawalan ng mga pagpapala na matagal na nilang inaasam-asam. Kapag nag-umpisang gumawa ang Aking kamay, ang mga taong ito ay sabik gumawa ng pagkilos upang maglingkod bilang pangunang hanay. Iniisip lamang nila na lumusob sa pinakaunahang linya ng mga hukbo, sobrang takot na hindi Ko sila makita. Ginagawa at sinasabi nila ang sa palagay nila ay tama, hindi kailanman nalalaman na ang kanilang mga gawa at kilos ay hindi kailanman naugnay sa katotohanan, at basta lamang pinatitigil at ginagambala ang Aking mga plano. Bagaman gumawa sila ng malaking pagsisikap at maaaring totoo sa kanilang kalooban at layuning tiisin ang mga paghihirap, lahat ng ginagawa nila ay walang kinalaman sa Akin, dahil hindi Ko kailanman nakitang galing sa mabuting intensyon ang kanilang mga gawa, at mas lalo Ko silang hindi nakitang naglagay ng anumang bagay sa Aking altar. Ganyan ang kanilang mga gawa sa Aking harapan sa maraming mga taon.

    Sa simula, ninais Kong tustusan kayo nang higit pang mga katotohanan, ngunit habang ang inyong saloobin ay masyadong malamig at walang pakialam, kailangan Ko nang sumuko. Hindi Ko nais masayang ang Aking mga pagsisikap, ni hindi Ko rin nais makita na hawakan ng mga tao ang Aking mga salita ngunit sa lahat ng lugar ay ginagawa ang paglaban sa Akin, sinisiraan Ako, at nilalapastangan Ako. Dahil sa inyong mga saloobin at pagkatao, binibigyan Ko lamang kayo ng maliit na bahagi ng mga salitang napakahalaga sa inyo bilang Aking pagsubok sa sangkatauhan. Ngayon Ko lamang tunay na nakumpirma na ang mga desisyon at planong ginawa Ko ay ayon sa inyong kailangan, at bukod dito, nakumpirma na ang Aking saloobin sa sangkatauhan ay tama. Ang inyong maraming taon ng mga pagkilos sa Aking presensya ay nagbigay sa Akin ng sagot na hindi Ko natanggap noong una. At ang tanong sa sagot na ito ay: “Ano ang saloobin ng tao sa harap ng katotohanan at sa totoong Diyos?” Ang pagsisikap na ibinubuhos Ko sa tao ay nagpapatunay ng Aking diwa ng pagmamahal sa tao, at ang mga pagkilos at gawa ng tao sa harap ng Aking presensya ay pinatunayan din ang diwa ng tao na pagkamuhi sa katotohanan at pagsalungat sa Akin. Sa lahat ng oras Ako ay nag-aalala sa lahat ng sumunod sa Akin, ngunit walang oras na ang mga taong sumunod sa Akin ay magagawang makatanggap ng Aking salita; lubos nilang hindi matanggap kahit na anumang mga mungkahi na nanggaling sa Akin. Ito ang nagpapapalungkot sa Akin higit sa lahat. Walang sinuman ang kayang umunawa sa Akin at, higit pa rito, walang may kakayahang tanggapin Ako, kahit na ang Aking saloobin ay taimtim at ang Aking mga salita ay banayad. Ang lahat ay ginagawa ang gawain na ipinagkatiwala Ko alinsunod sa kanilang mga orihinal na intensyon; hindi nila hinahanap ang Aking mga saloobin, lalo na ang hingin ang Aking mga kahilingan. Sinasabi pa rin nilang naglilingkod sila sa Akin nang tapat, habang ang lahat ay nagrerebelde laban sa Akin. Marami ang naniniwala na ang mga katotohanan ay hindi katanggap-tanggap sa kanila o ang hindi nila kayang isagawa ay hindi mga katotohanan. Dahil sa ganitong uri ng mga tao, ang Aking mga katotohanan ay nagiging bagay na dapat tanggihan at isantabi. Kasabay nito, Ako rin pagkatapos ay naging isa na kinilala ng tao sa salita lamang bilang Diyos, ngunit itinuring na isang tagalabas na hindi ang katotohanan, daan, o ang buhay. Walang nakaaalam sa katotohanang ito: Ang Aking mga salita ay ang walang hanggang di-nagbabagong katotohanan. Ako ang panustos ng buhay para sa tao at ang tanging gabay para sa sangkatauhan. Ang kahalagahan at kahulugan ng Aking mga salita ay hindi pinagpapasyahan kung ang mga ito man ay kinikilala at tinatanggap ng sangkatauhan, ngunit sa pamamagitan ng diwa ng mga salita mismo. Kahit na wala ni isang tao sa daigdig na ito ang maaaring makatanggap ng Aking mga salita, ang halaga ng Aking mga salita at ang tulong nito sa sangkatauhan ay hindi masusukat ng sinumang tao. Samakatuwid, kapag nahaharap sa maraming tao na nagrerebelde, tumatanggi, o lubos na nilalait ang Aking mga salita, ang Aking paninindigan ay ito lamang: Hayaang Aking maging saksi ang panahon at mga katunayan at ipakita na ang Aking mga salita ay ang katotohanan, daan, at buhay. Hayaang ipakita ng mga ito na lahat ng Aking nasabi ay tama, at iyon ang dapat ipagkaloob sa tao, at, higit pa rito, ang dapat tanggapin ng tao. Hahayaan Ko ang lahat ng sumusunod sa Akin na malaman ang katunayang ito: Sa mga hindi kayang tanggapin nang lubos ang Aking mga salita, ang mga hindi kayang isagawa ang Aking mga salita, ang mga hindi makahanap ng layunin sa Aking mga salita at ang mga hindi kayang tanggapin ang kaligtasan dahil sa Aking mga salita, ay ang mga taong nahusgahan ng Aking mga salita, bukod dito, nawalan ng Aking kaligtasan, at hindi kailanman nalilihis ang Aking pamalo sa kanila.

Abril 16, 2003

Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.