Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

10 Nobyembre 2018

Nitong nakalipas na mga taon, namanglaw nang namanglaw ang iba’t ibang sekta at denominasyon sa iba’t ibang relihiyon, nawala ang orihinal na pananampalataya at pagmamahal ng mga tao people at lalo’t lalo silang naging negatibo at mahina. Nakikita rin namin ang panlalata ng espiritu at nadarama namin na wala kaming maipangaral at na nawala sa aming lahat ang gawain ng Banal na Espiritu. Pakisabi sa amin, bakit napakapanglaw ng lahat ng relihiyon?


Sagot:

Sa katunayan, ang kasaysayan ng pagtutol ng relihiyosong komunidad sa Diyos ay mula pa noong bandang huli ng Kapanahunan ng Kautusan. Nang nagkatawang-tao ang Diyos at ginawa ang Kanyang gawain sa unang pagkakataon noong Kapanahunan ng Biyaya, matagal na panahon nang nasakop ng mga Fariseo at mga anticristo ang relihiyosong komunidad. Naging oposisyong puwersa ito sa gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus.
Kapag ang Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw, ay nagpapakita at ginagawa ang Kanyang gawain, yaong nasa relihiyosong komunidad ay tumatayo pa rin bilang mga kalaban sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Hindi lang sila panatikong nambabatikos at nanlalapastangan laban sa Makapangyarihang Diyos, nakikipagtulungan sila sa mala-satanas na rehimen ng CCP para usigin at sugpuin ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nagawa nila ang karumal-dumal na kasalanan na muling pagpako sa Diyos sa krus! Hindi lang isinumpa ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo, ibinubunyag ang kadiliman ng relihiyosong komunidad, ngunit nang ginawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, inilantad pa rin Niya ang tunay na diwa ng mga pastor at elder: ang kanilang pagtutol sa Diyos. At saka, isinumpa Niya ang mga anticristo na muling nagpako sa Diyos sa krus. Talagang nakakapukaw ng isipan ito! Kanyang binatikos at isinumpa ang relihiyosong komunidad. Ano ang ipinapakita nito? Naintindihan sa wakas ng mga hirang ng Diyos na ang relihiyosong komunidad, ang dakilang Babilonia, ay nakatakdang bumagsak. Sa pangalan lang naniniwala sa Diyos ang relihiyosong komunidad, ngunit talagang hindi kailanman dinadakila ang Diyos o sumasaksi sa Kanya. Talagang hindi nila ipinapatupad ang Kanyang kalooban. Hindi nila maaaring dalhin ang hirang ng Diyos sa Kanyang trono. Tiyak na hindi nila maaakay sila sa tamang landas, para maintindihan nila ang katotohanan at makilala ang Diyos sa pamamagitan ng pagsasabuhay at pagdadanas sa Kanyang mga salita. Lubusang sumasalungat sa kalooban ng Diyos ang mga relihiyosong lider. Hindi nila mismo isinasabuhay ang katotohanan, ngunit nangangaral ng kaalaman sa Biblia at teolohikal na teorya para magmalaki at tingalain sila ng mga tao at sambahin sila. Inaakay nila ang mga mananampalataya sa hipokritong landas ng mga Fariseo. Sinasaktan nila at sinisira ang hirang ng Diyos. Naging kagamitan ni Satanas ang lahat ng mga relihiyosong lider, mga tunay na anticristo. Sa panahon ng tatlong yugto ng Kanyang gawain para iligtas ang sangkatauhan, dalawang beses nagkatawang-tao ang Diyos para tubusin ang sangkatauhan at iligtas ang sangkatauhan. Mga kalaban ni Cristo ang buong relihiyosong komunidad; naging katitisuran sila sa gawaing pagliligtas ng Diyos. Kanilang nasaktan ang disposisyon ng Diyos at isinumpa at pinarusahan Niya bilang resulta. Tulad ito ng sinasabi sa propesiya, “Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, at naging tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa't espiritung karumaldumal” (Pahayag 18:2). “Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, na siyang nagpainom sa lahat na bansa ng alak ng kagalitan ng kaniyang pakikiapid” (Pahayag 14:8). “Sa aba, sa aba ng dakilang bayang Babilonia, ng bayang matibay! sapagka't sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo” (Pahayag 18:10).

Tignan natin kung paano binatikos ng Makapangyarihang Diyos itong mga anticristo na panatikong tumututol sa Diyos at ang mga relihiyosong komunidad na kontrolado ng mga anticristo. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Si Cristo ay darating sa mga huling araw upang lahat silang mga tunay na naniniwala sa Kanya ay mabigyan ng buhay. ... Kapag ikaw ay walang kakayanang magpasalamat sa Kanya, at bagkus hinatulan, sinumpa, at inusig pa Siya, kung gayon ikaw ay nakatakdang masunog magpakailanman, at hindi kailanman papasok sa kaharian ng Diyos. Para dito si Cristo Sarili Niya ay ang kapahayagan ng Banal na Espiritu, ang pagpapahayag ng Diyos, ang Nag-iisang pinagkatiwalaan ng Diyos na gampanan ang Kanyang gawain sa lupa. At gayon sinasabi ko sa iyo na kung hindi mo matatanggap ang lahat ng ginawa ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon lumalapastangan ka sa Banal na Espiritu. Ang ganti na dapat danasin ng mga lumapastangan sa Banal na Espiritu ay hindi na kailangang patunayan sa lahat. … Sapagkat ang iyong kinakalaban ay hindi isang tao, ang iyong itinatakwil ay hindi isang mahinang nilalang, kundi si Cristo. Alam mo ba ang kahihinatnan nito? Hindi isang maliit na pagkakamali ang iyong ginawa, kundi isang karumal-dumal na krimen” (“Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

“Isipin kung ano ang sumunod matapos ipinako ng mga Judio si Jesus sa krus 2,000 taon na ang nakakaraan. Ang mga Judio ay pinatalsik mula sa Israel at tumakas patungo sa mga bayan sa buong mundo. Marami ang pinatay, at ang buong bansang Judio ay napasailalim sa mga wala pang katulad na pagwasak. Ipinako nila ang Diyos sa krus—gumawa ng isang kahindik-hindik na krimen—at inudyukan ang disposisyon ng Diyos. Sila ay pinagbayad sa kanilang ginawa, pinagdusahan ang masamang resulta ng kanilang mga pagkilos. Hinatulan nila ang Diyos, itinakwil ang Diyos, at sa gayon sila ay nagkaroon lamang ng isang kapalaran: na parurusahan ng Diyos. Ito ang mapait na kinahinatnan at kalamidad na dinala ng kanilang mga pinuno sa kanilang bayan at bansa” (“Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

“Pinagkakatiwalaan namin na walang bansa o kapangyarihan ang maaaring pumigil sa kung ano ang nais ng Diyos na makamit. Yaong mga sumasawata sa gawain ng Diyos, nilalabanan ang salita ng Diyos, iniistorbo at pinapahina ang plano ng Diyos sa huli ay parurusahan ng Diyos. Siya na lumalabag sa gawain ng Diyos ay ipadadala sa impiyerno; anumang bayan na susuway sa gawain ng Diyos ay pupuksain; alinmang bansa na tumayo upang tutulan ang gawain ng Diyos ay mawawala mula sa lupang ito, at ito’y titigil sa pag-iral” (“Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

“Ngunit habang ang lumang mundo ay patuloy na umiiral, itataboy Ko ito pabalik sa Aking galit sa mga bansa nito, lantarang ipapahayag ang Aking utos ng pamamahala sa buong sansinukob, at bibisitahin ng kaparusahan ang sinumang lumabag sa mga ito:

Sa oras na Ako ay tumingin sa sansinukob upang magsalita, ang buong sangkatauhan ay maririnig ang Aking tinig, at sa gayon ay makikita ang lahat na mga gawa na Aking isinaboy sa buong sansinukob. Silang mga sumasalungat sa Aking kalooban, iyon ay upang sabihin, sa mga tututol sa Akin sa mga gawa ng tao, ay babagsak sa ilalim ng Aking kaparusahan. … Ang madaming mga bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahatiin at papalitan ng Aking bansa, upang ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay mawawala magpakailanman at maging isang bansa na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak, at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, ang lahat ng mga kasama sa diyablo ay pupuksain; lahat ng sumasamba kay Satanas ay ilalapag sa Aking lumiliyab na apoy—iyon ay, maliban sa mga nasa loob ng agos, ang lahat ay magiging abo. Kapag kinastigo Ko ang maraming tao, ang mga nasa relihiyosong mundo ay, sa magkakaibang antas, babalik sa Aking kaharian, nilupig ng Aking mga gawa, dahil makikita nila ang pagdating ng ang Isang Banal na nakasakay sa puting ulap. Ang lahat ng sangkatauhan ay susunod sa kanilang sariling uri, at makatatanggap ng parusa na naiiba sa kung ano ang kanilang ginawa. Yaong mga nanindigan laban sa Akin ay malilipol; para naman sa yaong hindi Ako isinama sa kanilang gawain sa lupa, sila’y, dahil sa kung paano nila pinalaya ang kanilang mga sarili, patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at ng Aking bayan. Ipapahayag Ko ang Aking sarili sa hindi mabilang na mga tao at sa hindi mabilang na mga bansa, tumutunog mula sa Aking sariling tinig sa ibabaw ng lupa upang ipahayag ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain para sa buong sangkatauhan upang makita ng kanilang sariling mga mata” (“Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

“Masisira ang mundo! Paralisado ang Babylon! Ang mundong relihiyoso—paano ito hindi masisira ng Aking awtoridad sa lupa? Sino pa ang mangangahas na sumuway at tumutol sa Akin? Ang mga tagasulat? Lahat ng relihiyosong opisyal? Ang mga pinuno at mga awtoridad sa lupa? Ang mga anghel? Sino ang hindi makikipagdiwang sa pagiging sakdal at kaganapan ng Aking katawan? Sa mga tao, sino ang hindi kumakanta ng mga papuri sa Akin nang walang tigil, na siyang ganap na masaya? … Paanong ang mga bansa sa mundo ay hindi maglalaho? Paanong ang mga bansa sa lupa ay hindi babagsak? Paanong ang Aking mga tao ay hindi magdidiwang? Paanong hindi sila kakanta nang may kagalakan?” (“Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Katotohanan ang bawat pangungusap ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, may awtoridad at kapangyarihan ang mga ito; lubos na ipinapakita ng mga ito ang pagkamatuwid, kadakilaan, galit at hindi nasasaktang disposisyon ng Diyos. Yaong mga tumututol sa Diyos, nang-aabala o gumagambala sa gawain ng Diyos ay talagang makakatanggap ng kaparusahan at paghihiganti mula sa Diyos. Sa Kapanahunan ng Kautusan, hayagang itinanggi ng mga mamamayan ng Sodom ang Diyos at Siya'y tinutulan. Ginalit nila ang Kanyang disposisyon at sila’y winasak lahat ng Diyos; naubos sila. Noong Kapanahunan ng Biyaya, hayagang tinutulan at binatikos ng mga Judiong punong saserdote, tagasulat, at Fariseo ang Panginoong Jesus. Nakipagsabwatan sila sa gobyerno ng Roma para ipako ang Panginoong Jesus sa krus. Nakagawa sila ng mabigat na kasalanan na nag-udyok sa disposisyon ng Diyos. Ang buong bansang Judio ay napailalim sa hindi pa nangyayaring pagkawasak. Sa mga huling araw, hindi makatarungang hinahatulan, tinututulan at binabatikos ng mga relihiyosong lider ang Makapangyarihang Diyos. Nakikipagtulungan pa sila at nakikipagsabwatan sa demonyong CCP para sugpuin, arestuhin at usigin iyong mga kapatiran na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian. Matagal na panahon na silang nakagawa ng mga karumal-dumal na kasalanan na paglalapastangan laban sa Banal na Espiritu at pagpapako muli sa Diyos sa krus. Mas masahol pa ang masamang pag-uugali nila kaysa sa mga tao sa Sodom. Hindi malayong mas masahol pa ito kaysa doon sa mga Judiong Fariseo. Mga anticristo sila na inilantad ng gawain ng Diyos sa panahon ng mga huling araw. Sila ang masamang relihiyosong puwersa na tumutol sa Diyos nang mas matindi at panatiko kaysa sa iba pa sa kasaysayan! Ganap na binubuo ang relihiyosong komunidad ng mga masasamang puwersa na tumututol sa Diyos. Pugad ito ng mga demonyong anticristo. Ito'y isang matibay na tanggulan na sumusubok pumantay sa kaharian ni Cristo. Kampo sila ng mala-satanas na mga sumumpang kalaban sa Diyos na mahigpit na nagrerebelde laban sa Kanya! Hindi maaaring masaktan ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Hindi maaaring mabahiran ang kabanalan ng Diyos! Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang pagbubukang-liwayway ng isang bagong kapanahunan at ang katapusan ng luma. Ang relihiyosong komunidad na kinokontrol ng lahat ng uri ng mga demonyong anticristo gayun din ang masamang mundo ito ay malapit nang mawasak ng sakuna ng Diyos sa mga huling araw. Dumating na ang matuwid na kaparusahan ng Diyos! Tulad lang ito ng sinabi ng Makapangyarihang Diyos, “Masisira ang mundo! Paralisado ang Babylon! Ang mundong relihiyoso—paano ito hindi masisira ng Aking awtoridad sa lupa?” (“Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ang lahat nang hindi tumatanggap sa gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, kahit gaano pa nila panatilihin ang pangalan ng Panginoong Jesus sa relihiyosong komunidad, kahit gaano pa nila sundin ang Biblia, ang kaligtasan ng krus o mga relihiyosong seremonya, Kahit gaano pa sila magtrabaho, magdusa o magsakripisyo, kung hindi sila magsisisi at lalapit sa Makapangyarihang Diyos, sila'y mababaligtad at mawawasak kasama ng iba pang nasa relihiyosong komunidad. Matagal nang itinakda ito ng Diyos; walang sinuman ang makakapagbago nito! Matagal na panahon nang tinawag ng Diyos ang Kanyang hinirang sa mga propesiya sa Pahayag, “Mangagsilabas kayo sa kaniya, bayan ko, upang huwag kayong mangaramay sa kaniyang mga kasalanan, at huwag kayong magsitanggap ng kaniyang mga salot” (Pahayag 18:4).

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.