Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Sa bawat panahon, ang Diyos ay magsisimula ng bagong gawain, at sa bawat panahon, magkakaroon ng bagong simula ang mga tao. Kung ang tao ay susunod lamang sa mga katotohanan na "ang Jehovah ang Diyos" at "si Jesus ang Kristo," na mga katotohanan na nagagamit lamang sa isang panahon, sa gayon ang tao ay hindi makakasabay sa gawain ng Banal na Espiritu, at mawawalan ng kakayahang magkamit ng gawain ng Banal na Espiritu. Hindi alintana kung paano gumagawa ang Diyos, ang tao ay sumusunod nang walang pag-aalinlangan, at siya ay sumusunod nang malapitan.
Sa paraang ito, paano maaalis ng Banal na Espiritu ang tao? Hindi alintana kung ano ang ginagawa ng Diyos, hangga't ang tao ay tiyak na ito ay gawain ng Banal na Espiritu, at nakikipagtulungan sa gawain ng Banal na Espiritu nang walang pag-aalinlangan, at sinusubukang matupad ang mga atas ng Diyos, paano siya maparurusahan? Hindi huminto ang gawain ng Diyos, hindi natigil ang Kanyang mga yapak, at bago pa man matupad ang Kanyang gawain ng pamamahala, Siya ay palaging maraming ginagawa, at hindi tumigil. Ngunit iba ang tao: Nagkamit lamang ng maliit na gawain ng Banal na Espiritu, itinuring niya na ito ay hindi kailanman magbabago; nagkamit lamang ng maliit na kaalaman, hindi na siya nagpatuloy sa pagsunod sa mga yapak ng bagong gawain ng Diyos; nakakita lamang ng maliit na bahagi ng gawain ng Diyos, dali-daling itinuring na niyang kahoy na imahen ang Diyos, at naniniwala na mananatili sa ganoong anyo ang Diyos sa harap niya, na ganito rin sa nakalipas at sa hinaharap; nagkamit lamang ng mababaw na kaalaman, naging mayabang ang tao at nakalimutan niya ang sarili at nagsimulang ihayag ang disposisyon at pagkatao ng Diyos na hindi talaga umiiral; at nanatili sa isang yugto ng gawain ng Banal na Espiritu, kahit anong uri ng tao ang maghayag ng bagong gawain ng Diyos, hindi ito tinatanggap ng tao. Ito ang mga taong hindi matanggap ang bagong gawain ng Banal na Espiritu; masyado silang maingat, at hindi kayang tumanggap ng mga bagong bagay. Ang mga taong iyon ay naniniwala sa Diyos ngunit tinatanggihan din Siya. Naniniwala ang tao na mali rin ang mga Israelita na "maniwala lamang sa Jehovah at hindi kay Jesus," ngunit karamihan ng mga tao ay "maniwala lamang sa Jehovah at tanggihan si Jesus" at "manabik sa pagbabalik ng Tagapagligtas, ngunit tututulan ang Tagapagligtas na nagngangalang Jesus." Hindi na nakapagtataka, na ang mga tao ay nabubuhay pa rin sa ilalim ng sakop ni Satanas matapos tanggapin ang isang yugto ng gawain ng Banal na Espiritu, at hindi pa rin nakatatanggap ng pagpapala ng Diyos. Hindi ba't ito ang bunga ng pagsuway ng tao? Ang mga Kristiyano sa buong mundo na hindi nakakasunod sa bagong gawain ng ngayon ay kumakapit pa rin sa mga paniniwala na sila ang mga mapapalad, na tutuparin ng Diyos ang kanilang mga kahilingan. Subalit hindi nila tiyak na masabi kung bakit isasama sila ng Diyos sa pangatlong langit, o kung nakatitiyak ba sila kung paano sila kukunin ni Jesus na nakasakay sa puting ulap, hindi rin nila masabi na may katiyakan kung si Jesus ay totoong darating sakay ng puting ulap sa araw na kanilang iniisip. Lahat sila ay nababahala; hindi rin nila alam kung lahat sila ay kukunin ng Diyos, ang mga maliliit na bilang ng tao mula sa iba't-ibang denominasyon. Ang gawaing isinasagawa ng Diyos ngayon, ang kasalukuyang kapanahunan, ang kalooban ng Diyos-wala silang pagkakaunawa sa mga ito, at walang ibang magawa kundi ang magbilang ng mga araw sa kanilang mga daliri. Tanging ang mga sumusunod sa mga yapak ng Kordero hanggang sa katapusan ang magkakamit ng pangwakas na pagpapala, samantalang ang mga "tusong tao," na hindi makasunod hanggang sa katapusan ngunit naniniwala pa rin na nakamtan nila ang lahat, ay walang kakayahang masaksihan ang anyo ng Diyos. Lahat sila ay naniniwala na sila ang pinakamatalinong tao sa lupa, at pinuputol nila ang patuloy na pag-unlad ng gawain ng Diyos na wala namang dahilan, at sila ay tila naniniwala na isasama sila ng Diyos sa langit, silang "mayroong lubos na katapatan sa Diyos, sumusunod sa Diyos, at tumatalima sa mga salita ng Diyos." Kahit na sila ay mayroong "lubos na katapatan" sa mga salitang sinabi ng Diyos, ang kanilang mga salita at kilos ay nakadidiri pa rin dahil kanilang tinututulan ang gawain ng Banal na Espiritu, at gumagawa ng panlilinlang at masama. Ang mga hindi sumusunod hanggang sa katapusan, ang mga hindi makakasabay sa gawain ng Banal na Espiritu, at lubos na kumakapit sa mga lumang gawain ay hindi lamang nabigo sa pagkamit ng katapatan sa Diyos, ngunit, naging isa sa mga hindi tumatalima sa Diyos, naging isa sa mga tinanggihan ng bagong panahon, at ang mga maparurusahan. Mayroon pa bang mas nakakaawa sa kanila?
mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Silang mga hindi maingat kapag kanilang nakakatagpo ang bagong gawain ng Banal na Espiritu, mabibilis ang mga bibig na magsalita, ay mabibilis humusga, na malayang hinahayaan ang kanilang likas na pakiramdam na tanggihan ang pagkamatuwid ng gawain ng Banal na Espiritu, at iniinsulto rin at nilalapastangan ito-ang mga ganoong napakawalang-galang na tao ba ay hindi mangmang sa gawain ng Banal na Espiritu? Hindi ba sila, bukod dito, ang mga mayayabang, likas na mapagmataas at hindi nagpapasakop? Kahit na dumating ang araw na ang ganoong uri ng mga tao ay tumanggap sa bagong gawain ng Banal na Espiritu, hindi pa rin sila palalampasin ng Diyos. Hindi lamang nila hinahamak ang mga taong gumagawa para sa Diyos, nilalapastangan din nila ang Diyos Mismo. Ang ganoong mga mapangahas na hangal na mga tao ay hindi patatawarin, maging sa kapanahunang ito o sa darating mang kapanahunan at sila ay walang-hanggang mamamatay sa impiyerno!
mula sa “Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Si Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng nananatili at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang landas na sa pamamagitan nito ay makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas sa pamamagitan niyao’y makikilala ng tao ang Diyos at upang masangayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, sa gayon, ikaw ay hindi kailanman makakakuha ng pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat ikaw ay kapwa sunud-sunuran at bilanggo ng kasaysayan. Silang mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga nasusulat, at nakagapos sa kasaysayan ay hindi kailanman makakamtan ang buhay, at hindi kailanman makakamtan ang walang hanggang daan ng buhay. Iyan ay dahil ang mayroon lang sila ay malabong tubig na nanatiling walang pag-unlad nang libu-libong mga taon, sa halip na ang tubig ng buhay na dumadaloy mula sa luklukan. Silang mga hindi nabigyan ng tubig ng buhay ay mananatiling bangkay magpakailanman, mga laruan ni Satanas, at mga anak ng impiyerno. Paano, gayon, nila makikita ang Diyos? Kung ikaw ay sumusubok lang na panghawakan ang nakaraan, sinusubukan lang na panatilihin ang mga bagay na walang pagbabago, at hindi sinusubukang baguhin ang nakasanayan at itapon ang kasaysayan, sa gayon hindi ka ba magiging laging salungat sa Diyos? Ang mga hakbang sa gawain ng Diyos ay malawak at makapangyarihan, tulad ng rumaragasang mga alon ng dagat at dumadagundong na mga kulog—ngunit ikaw ay nakaupo at walang imik na naghihintay ng kapahamakan, nananatili sa iyong kahangalan at walang ginagawa. Sa ganitong paraan, paano ka maituturing na nilalang na sumusunod sa mga yapak ng Kordero? Paano mo mapatutunayan na ang Diyos na kinakapitan mo ay isang Diyos na laging bago at hindi naluluma? At paano ka maihahatid ng mga salita ng mga nanilaw sa luma mong libro patawid sa panibagong panahon? Paano ka nila papatnubayan sa iyong paghahanap ng mga hakbang sa gawain ng Diyos? At paano ka nila madadala paakyat sa langit? Ang hawak mo sa iyong mga kamay ay ang mga nasusulat na magbibigay ng panandaliang ginhawa lang, hindi ang mga katotohanan na kayang magbigay ng buhay. Ang mga kasulatan na iyong nababasa ay ang mga nakakapagpayaman lang ng iyong dila, hindi mga salita ng karunungan na makatutulong sa pag-unawa mo sa buhay ng tao, lalong hindi ang mga magiging daan na maghahatid sa iyo sa pagka-perpekto. Ang pagkakaiba bang ito ay hindi nagdudulot sa iyo ng pagbubulay bulay? Hindi ba nito maipaunawa sa iyo ang mga hiwaga na sumasaloob dito? Ikaw ba ay may kakayahan na dalhin ang iyong sarili sa langit upang makipagkita sa Diyos nang ikaw lang? Kung hindi dumating ang Diyos, kaya mo bang dalhin ang sarili mo sa langit upang magalak sa kapamilyang kasiyahang kasama ang Diyos? Nananaginip ka pa rin ba ngayon? Imumungkahi ko, sa gayon, na ihinto mo ang pananaginip, at tingnan kung sino ang gumagawa ngayon, kung sino ang umaakay sa gawain ng pagliligtas sa tao sa mga huling araw. Kung hindi, hindi mo makakamtan ang katotohanan kailanman, at hindi kailanman makakamtan ang buhay.
mula sa “Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Silang mga nagnanais na makamtan ang buhay nang hindi umaasa sa katotohanan na sinambit ni Cristo ay ang mga pinaka-hibang na tao sa mundo, at silang mga hindi tumatanggap ng daan ng buhay na inihatid ni Cristo ay mga ligaw sa guniguni. At sa gayon sinasabi ko na ang mga tao na hindi tatanggap kay Cristo ng mga huling araw ay magpakailanmang kamumuhian ng Diyos. Si Cristo ay ang daanan ng tao patungo sa kaharian sa mga huling araw, na walang sinuman ang makakalampas. Walang sinuman ang gagawing perpekto ng Diyos kundi sa pamamagitan ni Cristo lang. Ikaw ay naniniwala sa Diyos, at sa gayon dapat mong tanggapin ang Kanyang mga salita at sundin ang Kanyang paraan. Hindi mo dapat isipin lang ang pagtanggap ng mga pagpapala nang hindi tumatanggap ng katotohanan, o tinatanggap ang tustos ng buhay. Si Cristo ay darating sa mga huling araw upang lahat silang mga tunay na naniniwala sa Kanya ay mabigyan ng buhay. Ang Kanyang gawain ay para sa pagtatapos ng sinaunang panahon at ang pagpasok sa bago, at ito ang landas na dapat tahakin ng lahat ng mga papasok sa bagong panahon. Kapag ikaw ay walang kakayanang magpasalamat sa Kanya, at bagkus hinatulan, sinumpa, at inusig pa Siya, kung gayon ikaw ay nakatakdang masunog magpakailanman, at hindi kailanman papasok sa kaharian ng Diyos. Para dito si Cristo Sarili Niya ay ang kapahayagan ng Banal na Espiritu, ang pagpapahayag ng Diyos, ang Nag-iisang pinagkatiwalaan ng Diyos na gampanan ang Kanyang gawain sa lupa. At gayon sinasabi ko sa iyo na kung hindi mo matatanggap ang lahat ng ginawa ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon lumalapastangan ka sa Banal na Espiritu. Ang ganti na dapat danasin ng mga lumapastangan sa Banal na Espiritu ay hindi na kailangang patunayan sa lahat. Ako ay nagsasabi rin sa iyo na kapag ikaw ay lumaban kay Cristo ng mga huling araw, at ipagkaila Siya, sa gayon walang sinuman ang may kakayanan na magpasan ng mga kahihinatnan alang-alang sa iyo. Bukod pa rito, simula sa araw na ito ikaw ay hindi magkakaroon ng isa pang pagkakataon upang makamtan ang pagsang-ayon ng Diyos; kahit na subukin mo pang tubusin ang iyong sarili, hindi mo kailanman muling makikita ang mukha ng Diyos. Sapagkat ang iyong kinakalaban ay hindi isang tao, ang iyong itinatakwil ay hindi isang mahinang nilalang, kundi si Cristo. Alam mo ba ang kahihinatnan nito? Hindi isang maliit na pagkakamali ang iyong ginawa, kundi isang karumal-dumal na krimen. At sa gayon, ipinapayo ko sa lahat na huwag ilabas ang iyong mga pangil laban sa katotohanan, o gumawa ng bulagsak na mga pamumuna, dahil ang katotohanan lang ang magdadala sa iyo ng buhay, at wala kundi ang katotohanan ang magpapahintulot na ikaw ay maipanganak muli at makita ang mukha ng Diyos.
mula sa “Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Maraming may 'di-kasiya-siyang damdamin tungkol sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, dahil mahirap para sa tao na paniwalaan na ang Diyos ay magkakatawang-tao upang gawin ang paghatol. Gayunpaman, kailangang sabihin Ko sa iyo na kadalasan ang gawain ng Diyos ay lumalampas nang labis sa mga inaasahan ng tao at mahirap para sa mga isipan ng mga tao na tanggapin. Sapagka't ang mga tao ay mga uod lamang sa lupa, samantalang ang Diyos ay Siyang kataas-taasang Isa na pumupuno sa sansinukob; ang isipan ng tao ay katulad lamang ng isang balon ng maruming tubig na nagdudulot lamang ng mga uod, samantalang ang bawa't yugto ng gawain na pinapatnubayan ng mga kaisipan ng Diyos ay pagdadalisay ng karunungan ng Diyos. Patuloy na hinahangad ng tao na makipaglaban sa Diyos, kung saan ay sinasabi Ko na hayag na hayag kung sino ang magdurusa ng kawalan sa katapusan. Ipinapayo Ko sa inyong lahat na huwag ninyong ipalagay ang inyong mga sarili na mas mahalaga kaysa ginto. Kung kaya ng iba na tanggapin ang paghatol ng Diyos, kung gayon bakit hindi mo kaya? Gaano ka na ba kataas kaysa iba? Kung kaya ng iba na magyuko ng ulo sa harap ng katotohanan, bakit hindi mo rin magawa ang ganoon? Ang gawain ng Diyos ay mayroong hindi-mahahadlangang bilis ng pagtakbo. Hindi na Niya uuliting muli ang gawain ng paghatol para sa kapakanan ng iyong "mga katangian," at walang-hangganan mong pagsisisihan ang pagkawala ng ganoon kagandang pagkakataon. Kung hindi mo pinaniniwalaan ang Aking mga salita, kung gayon maghintay ka na lamang sa dakilang puting luklukan sa langit na magpasa ng paghatol sa iyo! Kailangang malaman mo na lahat ng mga Israelita ay tinanggihan at itinatwa si Jesus, at gayunman ang katunayan ng pagtubos ni Jesus sa sangkatauhan ay lumaganap pa rin hanggang sa mga dulo ng sansinukob. Hindi ba ito isang katunayan na matagal nang ginawa ng Diyos? Kung naghihintay ka pa rin kay Jesus na dalhin ka paakyat sa langit, kung gayon ay sinasabi ko na isa kang sutil na piraso ng tuyong kahoy.[a] Hindi kikilalanin ni Jesus ang isang huwad na tagasunod na kagaya mo na hindi tapat sa katotohanan at naghahangad lamang ng mga biyaya. Sa kabaligtaran, hindi Siya magpapakita ng awa sa pagbubulid sa iyo sa dagat-dagatang apoy upang masunog sa loob ng sampu-sampung libu-libong taon.
mula sa “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Nauunawaan mo na ba ngayon kung ano ang paghatol at ano ang katotohanan? Kung naintindihan mo na, kung gayon ay ipinapayo Ko sa iyo na magpasakop nang masunurin sa pagiging hahatulan, kung hindi, hindi ka na magkakaroon pa ng pagkakataon na mapapurihan ng Diyos o madala Niya sa Kanyang kaharian. Silang mga tumatanggap lamang ng paghatol subali't hindi kailanman maaaring madalisay, iyon ay, silang mga nagsisitakas sa gitna ng gawain ng paghatol, ay magpakailanmang kamumuhian at itatakwil ng Diyos. Ang kanilang mga kasalanan ay lalong marami, at lalong mas mabigat, kaysa roon sa mga Fariseo, sapagka't pinagtaksilan nila ang Diyos at mga rebelde laban sa Diyos. Ang gayong mga tao na ni hindi karapat-dapat magsagawa ng paglilingkod ay makatatanggap ng mas mabigat na kaparusahan, isang kaparusahan na higit pa ay walang-hanggan. Hindi patatawarin ng Diyos ang sinumang taksil na minsan ay nagpakita ng katapatan sa mga salita subali't ipinagkanulo rin Siya. Matatanggap ng gayong mga tao ang kagantihan sa pamamagitan ng kaparusahan ng espiritu, kaluluwa, at katawan. Hindi ba ito isang tiyak na pagbubunyag ng matuwid na disposisyon ng Diyos? Hindi ba ito ang layunin ng Diyos sa paghatol sa tao at pagbubunyag sa kanya? Dadalhin ng Diyos ang lahat ng gumaganap ng lahat ng uri ng masamang gawa sa panahon ng paghatol sa isang lugar na pinamumugaran ng mga masasamang espiritu, hinahayaan ang masasamang espiritung ito na sirain ang kanilang mga katawang laman ayon sa kagustuhan. Ang kanilang mga katawan ay mangangamoy-bangkay, at gayon ang nararapat na ganti sa kanila. Isinusulat ng Diyos sa kanilang mga talaang aklat ang bawat isa sa mga kasalanan nilang mga hindi-tapat at huwad na tagasunod, mga huwad na apostol, at mga huwad na manggagawa; at pagkatapos, kapag tama na ang panahon, itatapon Niya sila sa gitna ng mga maruruming espiritu, hinahayaan ang mga maruruming espiritung ito na dungisan ang kanilang buong katawan ayon sa kagustuhan, upang hindi na sila kailanman maaaring muling magkatawang-tao at hindi na kailanman muling makita ang liwanag. Yaong mga ipokrito na nagsipaglingkod minsan nguni't hindi nakapanatiling tapat hanggang katapusan ay ibinibilang ng Diyos sa mga makasalanan, nang sa gayon lumakad sila sa payo ng makasalanan at maging bahagi ng kanilang magulong karamihan; sa katapusan, wawasakin sila ng Diyos. Isinasantabi at hindi pinapansin ng Diyos yaong mga hindi kailanman naging tapat kay Cristo o nag-alay ng anumang pagsisikap, at wawasakin silang lahat sa pagbabago ng mga kapanahunan. Hindi na sila iiral sa lupa, lalong hindi makapapasok tungo sa kaharian ng Diyos. Yaong hindi kailanman naging tapat sa Diyos nguni't napilit ng kalagayan sa pakikitungo sa Kanya nang paimbabaw ay ibibilang doon sa mga taong naglingkod para sa Kanyang bayan. Maliit na bilang lamang ng gayong mga tao ang mananatiling buháy, samantalang ang karamihan ay mamamatay kasama ng mga ni hindi kwalipikadong magsagawa man lamang ng paglilingkod. Panghuli, dadalhin ng Diyos sa Kanyang kaharian lahat niyaong kapareho ng isipan ng Diyos, ang mga tao at mga anak-na-lalaki ng Diyos pati na yaong mga itinakda ng Diyos na maging mga saserdote. Ang gayon ay ang bungang nakamit ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang gawain. At para sa mga yaong hindi mapapabilang sa mga kategoryang inilatag ng Diyos, sila ay ibibilang kasama ng mga hindi sumasampalataya. At tiyak na inyong maguguni-guni kung ano ang kanilang kahihinatnan.
mula sa “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang gawain ng Diyos ay tulad ng makapangyarihang umaalimbukay na alon. Walang sinuman ang maaaring pumigil sa Kanya, at wala ni isang maaaring magpahinto sa Kanyang mga yapak. Tanging ang mga taong nakinig nang mabuti sa Kanyang mga salita, at mga taong naghahanap at nauuhaw sa Kanya, ang maaaring sumunod sa Kanyang mga yapak at tanggapin ang Kanyang pangako. Ang mga taong hindi gagawa ay isasailalim sa napakahirap na kalamidad at karapat-dapat sa kaparusahan.
mula sa “Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Masisira ang mundo! Paralisado ang Babylon! Ang mundong relihiyoso-paano ito hindi masisira ng Aking awtoridad sa lupa?
mula sa “Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mga Talababa:
a. Isang piraso ng tuyong kahoy: isang kawikaang Tsino, ibig sabihin “walang pag-asa.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento