Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang mga Naninindigan sa Kapighatian ang mga Mananagumpay
I
Sa Kapanahunan ng Kaharian,
magagawang ganap ang sangkatauhan,
lubusang ganap sa Panahon ng Kaharian.
Kapag tapos na ang gawain ng panlulupig,
sila'y isasailalim sa pagpipino at kapighatian,
kapag tapos na ang panlulupig.
Sila na makalalampas
at tatayong patotoo sa gitna nitong kapighatian,
o, sila ang mga lubusang
magagawang ganap, at magiging mananagumpay.
II
Sa panahon ng lahat ng kapighatian,
inaasahang mapipino ang tao.
Ito ang huling yugto ng gawain ng Diyos,
ang huling panahon na mapipino ang tao
bago matapos ang gawaing pamamahala ng Diyos.
Lahat ng sumusunod dapat tanggapin ang pagsubok na ito.
Sila na makalalampas
at tatayong patotoo sa gitna nitong kapighatian,
o, sila ang mga lubusang
magagawang ganap, at magiging mananagumpay.
III
Sila na haharap sa kapighatian
walang paggabay ng Diyos o gawain ng Espiritu.
Ngunit silang nalupig, hinahangad ang Diyos, ay tatayo.
Kahit ano pa ang gawin ng Diyos,
hindi mawawala ang kanilang mga pangitain,
ngunit isasabuhay ang katotohanan, mananatiling saksi.
Sila ang yaong makakalampas.
Sila na makalalampas
at tatayong patotoo sa gitna nitong kapighatian,
o, sila ang mga lubusang
magagawang ganap, at magiging mananagumpay.
O, sila ang yaong, yaong may taglay na pagkatao,
tunay na nagmamahal sa Diyos.
Sila na makalalampas
at tatayong patotoo sa gitna nitong kapighatian,
o, sila ang mga lubusang
magagawang ganap, at magiging mananagumpay.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento