Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

01 Marso 2019

Ang Gawain ng Paghatol ng Diyos ng mga Huling Araw ay Gumagawa ng Isang Grupo ng mga Mananagumpay

Ang gawain ng paghatol, ang pwedeng makapagpabago sa isa na maging mananagumpay. Nagkatawang-tao ang Makapangyarihang Diyos at lihim na dumating sa Chinakung saan Niya ginagawa ang paghatol simula sa tahanan ng Diyos. Inihayag Niya ang lahat ng katotohanang kayang magligtas sa sangkatauhan. Hinuhusgahan Niya, ang kalikasan ng taong laban sa Diyos, at ang pagkatiwali nila. Isinisiwalat Niya ang disposisyon ng Diyos na 'di pumapayag sa pagkakasala, ang kapangyarihan at karunungan NiyaMatapos maranasan ang paghatol at pagkastigo, at mga pagpipino ng Kanyang salita, nalalaman natin ang kapangitan pati ang katotohanan ng malalim na pagsira ni Satanas sa ating pagkatao. Mapagmataas, makasarili, ambisyoso, mapanghusga sa kapwaMadamot tayo baluktot at mapanlinlang. Puno tayo ng imahinasyon tungkol sa Kanya, at pinagtataksilan natin ang Diyos anumang oras. Tayo ang mga inapo ni Satanas, ang mga langkay na sumasalungat sa Diyos.Hindi tayo karapat-dapat na makamit ang pagliligtas ng Diyos at mabuhay kasama Niya. Kasabay nito, nadama natin na ang Kanyang salita ang katotohanan, Tayo'y nanininiwala nang buong puso. Mas lalong nating mapagtatanto, na hindi madudungisan ang Kanyang kabanalan, at hindi masasaktan ang disposisyon Niya.Ipinapahiwatig sa atin ang tunay na paggalang sa Diyos, upang masunod natin Siya at mamuhay sa Kanyang mga salita.Sa panahon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, Nagdadala tayo ng iba't ibang patotoo sa pagdaig sa masamang impluwensya ni Satanas.Lalo na't may mga nagpatotoo sa gitna ng malupit na pag-uusig ng CCP.Ang mga patotoong ito ang mga bunga ng gawain ng paghatolng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Humubog ang Diyos ng grupo ng mananagumpay sa Mainland China. Ito ang katotohanan.

mula sa iskrip ng pelikulang Nanganganib na Pagdala

Noong Kapanahunan ng Biyaya, inakala ng mga tao na "Kung magdadala lang tayo ng isang kopya ng Biblia at tatanggapin natin ang pagtubos ng Panginoong Jesus, lubos tayong malilinis." Totoo bang nalinis sila? Hindi talaga. Napatawad lang sila sa kanilang mga kasalanan; hindi pa nalilinis ang pagsuway at pagsalungat sa kaibuturan ng kanilang mga kaluluwa, at ang kanilang likas na kademonyohan. Ang gawain noong Kapanahunan ng Biyaya ay walang iba kundi ang gawain ng pagtubos, wala itong epekto sa pagliligtas sa mga tao o pagpeperpekto sa kanila, kaya nga isinagawa ng Diyos ang gawain ng mga huling araw, ginawa Niya ang gawain ng paghatol at pagkastigo. Ito lang ang gawaing makapagliligtas sa mga tao at makagagawa sa kanilang perpekto. Kung hindi natin naranasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, naririto kaya tayo ngayon? Nakaupo kaya tayo rito ngayon? Kung hindi sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, karamihan sa atin siguro ay nasa iba’t ibang relihiyon pa, o naglilibot sa mundo ng mga walang pananalig. Hindi ba? Kaya naman, ang paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw ang nagdala sa atin sa ngayon at nagbigay sa atin ng suwerteng mabuhay sa harapan ng Diyos ngayon, para gampanan ang ating tungkulin sa bahay ng Diyos, at makapanindigan. Lalo na sa mga huling araw, sa harap ng pagpapahirap ng malaking pulang dragon, ang halimaw na iyon, walang sinuman sa piniling bayan ng Diyos ang makapananaig kung wala ang gawain ng Diyos, matagal na siguro silang nilamon at pinatay ng malaking pulang dragon. Pero ang Diyos na ating pinaniniwalaan ang talagang makapangyarihang Diyos na namumuno sa lahat ng bagay, at nagpapakilos sa bawat tao at bagay para magawang perpekto ang Kanyang mga piling tao, na malinaw nating nakikita sa ating mga karanasan. Kaya nga sa China, sa bansang ito na pinamumunuan ng malaking pulang dragon, sa madilim at nakakatakot na kapaligirang ito, maaaring magkaisa ang puso at mga pagsisikap ng mga piling tao ng Diyos, na hindi natitinag habang sinusunod nila ang Diyos. Hindi ba ito ang epekto ng gawain ng Diyos? Masasabi na ngayon, ang mga piling tao ng Diyos ay nagkakaisa ang puso at malaking pananampalataya. Mas malaki ang pananampalataya ng bawat isa sa kanila kaysa rati, ipinauubaya nila ang kanilang buhay sa mga kamay ng Diyos, umaasa sila sa awa ng Diyios at sumusunod sa Kanya hanggang wakas, at karamiha’y sumusunod sa Diyos na may matigas na puso, hindi iniisip ang sarili nilang buhay! Ang gayong mga tao ay malinaw na mga mananagumpay na ginawa ng Diyos sa mga huling araw, na tumupad sa propesiya sa Aklat ng Pahayag tungkol sa 144,000 matagumpay na mga batang lalaki. Ang 144,000 matagumpay na mga batang lalaki ang bumubuo sa grupong ito. Hindi ba ito ang dakilang kapangyarihan ng Diyos? Sa mga mata ng malaking pulang dragon, napatay na ang grupong ito, nawala na sila, wala na sila—pero ang totoo’y lihim silang nagtatago, hindi nakikita, mas malakas kaysa rati, at ginugugol ang kanilang sarili para sa Diyos, at tapat sila sa Diyos—na hindi madalumat ng malaking pulang dragon. Noong araw, isa sa pinakamalalaking "himala" sa mundo ang natuklasan sa China nang mahukay ang hukbo ni Emperor Qin Shihuang sa ilalim ng lupa. Tinawag itong "ikawalong kataka-takang bagay sa mundo." Ano itong kanyang lihim na hukbo? Walang iba kundi putik at mga inukit na kahoy. Mga patay na tao sila, at tinawag silang isang himala. Ngayon, nagawa nang ganap ang mga piling tao ng Diyos, sila ay totoo, mga buhay na nilalang, sila ay tunay na patotoo, sila ay nagawa nang perpekto ng Diyos. Ang Chinese Communist Party, sabi nga ng malaking pulang dragon, ay yari sa bakal—pero tayo ay yari sa brilyante. Ngayon, nagawa nang ganap ang mga piling tao ng Diyos at nagtamo na ng buhay. Ano ang bumubuo sa buhay na ito? Binubuo ito ng mga salita ng Diyos. Lahat ng katotohanang ipinahayag sa mga salita ng Diyos ay naging ating pananampalataya, ating pagmamahal, ating realidad—kaya nga sa mga huling araw, sa wakas ay nakagawa na ng isang grupo ng mga tao ang Diyos, ginawa na Niyang perpekto ang isang grupo ng mga tao na kaisa Niya sa puso’t isipan.

mula sa "Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Salita ng Diyos na ‘Ang Pagkilala sa Diyos ang Daan sa Pagkatakot sa Diyos at Pag-iwas sa Masama’ (II)" sa Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Pagpasok sa Buhay (X)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.