Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

08 Abril 2019

Kahulugan ng Buhay|Ang mga Salita ng Diyos ang Gumagabay sa Akin upang Matutunan Kung Paano Turuan ang Aking mga Anak (II)

Kahulugan ng Buhay|Ang mga Salita ng Diyos ang Gumagabay sa Akin upang Matutunan Kung Paano Turuan ang Aking mga Anak (II)

Xiaoxue, Malaysia

Isang araw pagtapos ng hapunan, tinuruan ko ang panganay kong lalaki na magbasa ng Tsino—mga simpleng salita lang, “Langit, lupa, tao, at, lupa, tatay, nanay....” Tinuruan ko siya nang ilang beses, ngunit hindi pa rin niya maisulat ang mga ito. Isusulat niya ang unang salita tapos makakalimutan niya ang susunod. Nagalit ako, kinuha ang ruler sa lamesa at ilang beses ko siyang pinagpapalo. Sumigaw ako: “Napakabobo mo naman! Ni hindi mo kayang matutunan ang mga simpleng salitang ito!” Napalo ang aking anak hanggang sa umiyak siya, “waah, waah” at patakbong tumakas patungo sa gilid ng kuwarto. Pinagalitan ko siya, “Lumapit ka rito at magsulat ka ulit!” Hindi lumapit ang anak ko, kaya hinablot ko siya at hinila pabalik sa upuan. Pagkakita ko sa kamay ng aking anak na namumula sa pagkapalo at namamaga dahil sa kagagawan ko, nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Umiyak ako at pumunta sa aking kuwarto at nagdasal sa Diyos: “Diyos ko, Kapag nabibigo ako ng anak ko, hindi ko makontrol ang galit ko. Hindi ko gustong tratuhin ang aking mga anak nang ganito. Diyos ko, nawa ay tulungan Mo ako.” Pagkatapos kong magdasal, unti-unti akong kumalma.

Kinalaunan, tinuruan ko siya tulad nang dati, ngunit hindi pa rin siya natuto. Naalala ko ang pagdarasal ko sa Diyos at hindi na ako nagalit muli. Kasabay nito, nagsimula rin akong magnilay-nilay sa sarili ko. Bakit hindi ko mapigil ang aking sarili kapag nabibigo akong pasiyahin ng aking anak? Sa pagninilay ko rito, naalala ko ang talata na ito mula sa mga salita ng Diyos: “Sa sandaling magkaroon na ng estado ang isang tao, madalas ay nahihirapan na siyang kontrolin ang kanyang damdamin, kaya masisiyahan siyang samantalahin ang mga pangyayari upang ipahayag ang kanyang kawalang-kasiyahan at ilabas ang kanyang mga damdamin; madalas siyang sumisiklab sa matinding galit kahit walang malinaw na dahilan, upang ibunyag lamang ang kanyang abilidad at malaman ng ibang tao na ang kanyang katayuan at pagkakakilanlan ay iba roon sa mga ordinaryong tao. Siyempre, ang mga tiwaling tao na walang anumang katayuan ay malimit ding mawalan ng kontrol. Ang kanilang galit ay kadalasang dulot ng pinsala sa kanilang indibiduwal na mga benepisyo. Upang mapangalagaan ang kanilang sariling katayuan at dignidad, madalas ilabas ng tiwaling sangkatauhan ang kanilang mga damdamin at ibunyag ang kanilang mayabang na kalikasan” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “May ilang nagsasanay ng pagpigil sa kanilang galit, samantalang ang iba ay mas mapusok at sumisiklab sa labis na galit sa tuwing nais nila nang walang kahit katiting na pagpipigil. Sa madaling salita, ang galit ng tao ay nagmumula sa kanyang tiwaling disposisyon. Ano man ang layunin nito, mula ito sa laman at sa kalikasan; wala itong kinalaman sa katarungan o kawalang-katarungan sapagka’t walang anuman sa kalikasan at diwa ng tao ang umaayon sa katotohanan” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa pamamagitan ng mga ipinahayag ng mga salita ng Diyos, naintindihan ko na ako ay labis na pinasama ni Satanas at masyadong naging hambog at mapagmataas, palaging pinipigilan at pinipilit ang aking mga anak sa aking pagkakakilanlan at estado bilang kanilang ina at sa sandaling hindi nila matugunan ang aking mga hinihingi at mga pamantayan, hindi ko napipigilan ang aking sarili na magalit at pagsabihan at pisikal na parusahan sila. Sa katunayan ay wala akong ibang dahilan. Ang dahilan ba kaya nagalit ako sa aking anak ay dahil sa siya ang nakakuha ng pinakamababang marka sa lahat ng mga bata noong kumuha siya ng entrance test sa paaralan? Nahiya ako sa harap ng ibang mga tao. “Ang mahigpit na pagtrato ko sa aking anak at pambabalewala sa kanyang mga nararamdaman ngayon ay ganap na hindi nakabubuti sa kanya ni makakatulong na mapabilis ang pagbuti ng kanyang akademikong pagganap, sa halip ay upang mapagbigyan ko ang aking sariling kayabangan at pagnanais ng katayuan. Masyado akong makasarili at kasuklam-kasuklam! Dahil sa aking kayabangan, makasarili at masamang disposisyon kaya hindi ko masunod ang Diyos at palaging gusto kong tumakas mula sa kasanayan at mga pagsasaayos ng Diyos at nais kong ayusin ang lahat para sa aking mga anak batay sa aking kakayahan at sa huli ay saktan ko ang aking sarili at mga anak.” Nang maisip ko ito, nagalit ako sa aking sarili at ninais kong tapusin ang aking pamumuhay sa masamang disposisyon ni Satanas at ang magpalinlang sa kanya. Kaya nanalangin ako sa Diyos at hininging pangalagaan ng Diyos ang aking puso, gabayan ako sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at maghanda ng marami pang pagkakataon upang baguhin at linisin ako. Kasunod nito, hindi na ako nanghihingi ng labis mula sa aking anak. Sa halip, matiyaga ko siyang tinuruan at ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang maging ina. Unti-unti, hindi na ako nag-aalala na hindi matuto ang aking mga anak, at mas naging panatag ako at masaya. Noong tiningnan kong muli ang aking mga anak, napagtanto ko kung gaano sila kaganda at kasigla, at napagtanto ko kung gaanong hindi naging patas para sa aking mga anak kapag iginigiit kong mamuhay sila ayon sa aking mga paraan at lumaki batay sa pamantayang larawan sa aking isipan.

Nagulat na lamang ako pagkatapos nito nang simulang magbago ang aking mga anak. Dati ay wala silang anumang konsentrasyon sa pag-aaral at hindi makaupo nang maayos kapag gumagawa ng takdang aralin, lupaypay sa lamesa at nagnanais maglaro matapos lamang magsulat ng kakaunting salita. Ngayon ay nakakatagal na silang umupo at nagagawa na nila ang kanilang takdang aralin nang masigasig. Sa nakalipas na mga ilang araw, hindi pa natutunan ng aking pinakamatandang anak ang mga salitang Tsino na itinuro ko sa kanya nang maraming beses, ngunit ngayon ay naalaala niya na ang mga ito pagkatapos na sabihin ko ang mga ito nang isa o dalawang beses at kaya na niyang magbasa ng apat o limang karakter na magkakasama. Ikinagulat ko talaga ito; nang mas hindi inaasahan, kung dati ay madalas mag-away ang aking mga anak kapag magkasama sila, ngayon bigla silang naging mabait at hindi na nagtatalo. Kusang ibinigay ng aking panganay ang mga paborito niyang gamit sa kanyang nakababatang kapatid. Nang makita ng asawa ko ang pagbabagong ito ng aming mga anak, sa pagkamangha ay tinanong niya ako kung paano ko tinuruan ang aming mga anak at kung bakit bigla silang tumalino at tumino. Paano ko ito naituro sa kanila? Ito ay isang kahanga-hangang gawa ng Diyos!

Matapos maranasan ito, kinalma ko ang aking sarili at nagnilay sa mga dati kong pamamaraan ng pagtuturo sa aking mga anak. Palagi ko dating tinuturuan at kinokontrol ang aking mga anak mula sa posisyon ko bilang ina, para makinig sila at kumilos tulad nang sinasabi ko. Inakala ko na ito ang paraan upang turuan sila. Sa katunayan, nang tinuruan ko sa ganitong paraan ang aking mga anak, hindi lang sa sila ay nabigo, kundi mas naging mapangahas pa sila. Ngunit noong itinakwil ko ang aking laman at itinigil kong mamuhay sa pamamagitan ng makasarili, hambog, at mala-satanas na disposisyon at pumayag na sumunod sa kapamahalaan at mga pagsasaayos ng Diyos, ipagkatiwala ang aking mga anak sa Diyos at tupdin ang aking katungkulan at mga pananagutan bilang isang ina, mas naging masunurin at matino ang aking mga anak. Nauunawaan ko na ngayon na tanging ang Diyos lamang ang may awtoridad at kapangyarihan at tanging mga salita lamang ng Diyos ang makapagpapabago sa tao at makagagawang maisabuhay natin ang wangis ng totoong mga tao. Kaya dadakilain ko ang Diyos at hahayaan ang Diyos na gamitin ang kanyang kapangyarihan sa aming tahanan. Tulad nang sinasabi sa mga pagbabahagi at mga sermon: “Kung dadalhin mo ang Diyos sa iyong totoong buhay, unahin mo Siyang dalhin sa iyong buhay sa tahanan. Sa iyong tahanan, kung may mga taong nagmamando sa iyong pamilya, dapat mo silang tanggalin sa kanilang mga puwesto. Dapat mong iwaksi ang lahat ng mga diyus-diyusan, gawin ang mga salita ng Diyos na panginoon ng iyong tahanan, at pahintulutang mamuno si Cristo. Ang mag-asawa, mag-ama, mag-ina—dapat nilang basahin at pag-usapan ang mga salita ng Diyos. Kung mayroong anumang mga problema o hindi pagkakasundo, ang mga ito ay maaaring malutas sa pamamagitan ng panalangin, pagbabasa ng mga salita ng Diyos, at pagpapahayag ng katotohanan. Huwag gawin tulad ng iyong nakasanayan, nakikinig sa isang tao. Hindi dapat kumilos ang mga tao dahil sa ito ang sinasabi ng ibang tao, dapat nilang luwalhatiin si Cristo, at hayaang ang mga salita ni Cristo na manguna sa kanilang pamilya, pahintulutan ang mga salita ng Diyos na mangasiwa sa kanilang tahanan. Hindi ba ito pagdadala ng mga salita ng Diyos sa iyong tunay na buhay? (mula sa pagbabahagi sa itaas).

Kaya, sinabi ko sa aking mga anak: “Magmula ngayon, hindi na magagalit si nanay nang wala sa katuwiran o papaluin ka ulit. Kung gumagawa ka ng mali, matiyaga kang pagsasabihan ni nanay at kung si nanay ang nagkamali, manghihingi ng paumanhin sa iyo si nanay. Sama-sama nating pag-aralan ang mga salita ng Diyos at sabay tayong lumago sa mga salita ng Diyos at huwag tayo gumawa ng mga bagay na hindi gusto ng Diyos, ayos ba ‘yon?” Masayang sumagot ang aking mga anak: “Ayos!” Pagkaraan nito, sinanay ko nang huwag gamitin ang aking posisyon bilang ina upang gipitin sila. Kung nahaharap kami sa ilang mga usapin, kinikilala namin na ang Diyos ang pinakadakila at hinahayaan ang Diyos na gamitin ang Kanyang kapangyarihang kumilos sa aming tahanan. Minsan nagsalita ako sa kanila nang malakas at sinabi nila sa akin: “Nanay, hindi ka mamahalin ng Diyos kung ganyan ka.” Kapag may ginawa silang mali, ipaliliwanag ko rin sa kanila ang dahilan at sasabihin kung paano tayo gustong kumilos ng Diyos at sa bawat pagkakataon ay nakikinig sila nang husto. Unti-unti, ang aking relasyon sa aking mga anak ay lalong naging mas malapit. Madalas ko silang binabasahan ng mga salita ng Diyos at at nakikinig sa mga himno ng salita ng Diyos kasama nila. Kung dati ay nanonood sila ng “Robot” sa iPad pagkauwi galing sa paaralan ngayon madalas nilang sabihin sa akin: “Nanay, saglit lang kaming manonood ng iPad, pero hindi kami manonood ng ayaw mo. Pwede po ba kaming manood ng mga video ng himno ng mga salita ng Diyos?” Pagkatapos ay tahimik silang manonood, minsan ay kaya nilang manood nang mahigit isang oras.

Maraming salamat sa Makapangyarihang Diyos sa pagpapabago ng aking buhay pati ng aking mga anak gamit ang Kanyang mga salita! Noong nakaraan, ako ay walang alam at hangal at dinidisiplina ang aking mga anak batay sa sarili kong mapagmataas na kalikasan. Hindi ko alam kung paano ko dadalhin ang aking mga anak sa Diyos at bilang resulta habang lalo ko silang dinidisiplina, mas naging suwail sila. Nauunawaan ko na ngayon na ang mga salita lamang ng Diyos ang makapagpapabago sa atin at makagagawang maisabuhay natin ang wangis ng tunay na mga tao. Mula ngayon, pag-aaralan kong parangalan ang mga salita ng Diyos at aakayin ang aking mga anak na maniwala at sumunod sa Diyos. Lahat ng kaluwalhatian ay pagmamay-ari ng Makapangyarihang Diyos!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.