Panginoong Jesus | Ano ang Pagkakatawang-tao? Ano ang Diwa ng Pagkakatawang-tao?
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ay na ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao, at Siya’y napaparito upang gumawa sa gitna ng mga tao na Kanyang nilikha sa larawan ng isang katawang-tao. Kaya, para magkatawang-tao ang Diyos, kailangan muna Siyang magkaroon ng katawan, katawang-tao na may normal na pagkatao; ito ang pinakaunang dapat munang mangyari.
Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay buhay at gumagawa sa katawang-tao, ang Diyos sa Kanyang tunay na diwa ay nagkakaroon ng katawan, nagiging isang tao. Ang Kanyang nagkatawang-taong buhay at gawain ay maaaring hatiin sa dalawang yugto. Ang una ay ang buhay na Kanyang isinasabuhay bago gampanan ang Kanyang ministeryo. Namumuhay Siya sa isang ordinaryong pantaong pamilya, sa lubos na karaniwang katauhan, sumusunod sa karaniwang mga asal at batas ng buhay ng tao, na may karaniwang mga pangangailangan ng tao (pagkain, damit, tirahan, tulugan), karaniwang mga kahinaan ng tao, at karaniwang mga damdamin ng tao. Sa ibang salita, noong unang yugto Siya ay namumuhay nang walang pagka-Diyos, nang may ganap na karaniwang katauhan, gumagawa ng lahat ng karaniwang gawain ng tao. Ang pangalawang yugto ay ang buhay na Kanyang isinasabuhay matapos simulang gampanan ang Kanyang ministeryo. Siya ay nananahan pa rin sa karaniwang katauhan na may isang karaniwang anyo ng tao, hindi nagpapakita ng panlabas na palatandaan nang higit sa karaniwan. Nguni’t Siya ay namumuhay nang dalisay para sa kapakanan ng Kanyang ministeryo, at sa panahong ito ang Kanyang karaniwang katauhan ay umiiral nang ganap sa paglilingkod sa normal na gawain ng Kanyang pagka-Diyos; sapagka’t sa panahong iyon ang Kanyang karaniwang katauhan ay gumulang na hanggang sa puntong kaya na Niyang gampanan ang Kanyang ministeryo. Kaya ang ikalawang yugto ng Kanyang buhay ay upang gampanan ang Kanyang ministeryo sa Kanyang karaniwang katauhan, ay isang buhay na parehong karaniwang katauhan at ganap na pagka-Diyos. Sa kadahilanang, sa panahon ng unang yugto ng Kanyang buhay, Siya ay nabubuhay sa ganap na karaniwang pagkatao at ang Kanyang katauhan ay hindi pa katumbas ng kabuuan ng maka-Diyos na gawain, ay hindi pa magulang; matapos lamang na ang Kanyang pagiging tao ay gumugulang, nagkakaroon ng kakayahang pasanin ang Kanyang ministeryo, maaari Niyang simulang gampanan ang Kanyang ministeryo. Dahil Siya, bilang katawang-tao, ay kailangang lumago at gumulang, ang unang yugto ng Kanyang buhay ay karaniwang pagkatao, samantalang sa pangalawang yugto, dahil ang Kanyang pagkatao ay may kakayahang isabalikat ang Kanyang gawain at gampanan ang Kanyang ministeryo, ang buhay na ipinamumuhay ng nagkatawang-taong Diyos sa panahon ng Kanyang ministeryo ay isa na parehong pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Kung mula sa sandali ng Kanyang pagsilang ay masigasig na sinimulan ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang ministeryo, na nagsasagawa ng kahima-himalang mga tanda at kababalaghan, hindi sana Siya nagkaroon ng pisikal na kakanyahan. Samakatuwid, umiiral ang Kanyang katauhan para sa kapakanan ng Kanyang pisikal na kakanyahan; hindi maaaring magkaroon ng katawan kung walang katauhan, at ang isang taong walang katauhan ay hindi isang tao. Sa ganitong paraan, ang katauhan ng katawan ng Diyos ay tunay na pagmamay-ari ng nagkatawang-taong laman ng Diyos. Ang sabihing “kapag naging tao ang Diyos Siya ay ganap na banal, hindi talaga tao,” ay isang kalapastanganan, dahil imposible itong panindigan, na lumalabag sa prinsipyo ng pagkakatawang-tao. Kahit pagkatapos Niyang simulang gampanan ang Kanyang ministeryo, ang Kanyang pagka-Diyos ay nananahan pa rin sa panlabas na balat ng tao kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain; ito ay dahil nang panahong iyon, ang Kanyang pagkatao ay para lamang pahintulutan ang Kanyang pagka-Diyos na gampanan ang gawain sa normal na katawang-tao. Kaya ang kumakatawan ng gawain ay ang pagka-Diyos na nananahan sa Kanyang katauhan. Ang Kanyang pagka-Diyos, hindi ang Kanyang pagkatao, ang nasa gawain, datapwa’t ito ay isang pagka-Diyos na nakatago sa loob ng Kanyang pagkatao; ang Kanyang gawain sa katunayan ay tinutupad sa pamamagitan ng Kanyang ganap na pagka-Diyos, hindi sa pamamagitan ng Kanyang pagkatao. Nguni’t ang tagaganap ng gawain ay ang Kanyang katawang-tao. Maaaring sabihin ng isa na Siya ay isang tao at isa ring Diyos, sapagka’t ang Diyos ay nagiging isang Diyos na namumuhay sa katawang-tao, may balat ng tao at diwa ng tao nguni’t mayroon ding diwa ng Diyos. Sapagkat Siya ay isang tao na may diwa ng Diyos, nakakataas Siya sa sinuman sa mga taong nilikha, nakakataas sa sinumang taong makakagawa ng gawain ng Diyos. Kaya nga, sa lahat ng may balat ng taong kagaya Niya, sa lahat ng nagtataglay ng katauhan, Siya lamang ang Diyos Mismo na nagkatawang-tao—lahat ng iba pa ay mga taong nilikha. Kahit lahat sila ay may katauhan, katauhan lamang ang mayroon ang mga taong nilikha, samantalang ang Diyos na nagkatawang-tao ay naiiba: Sa Kanyang katawang-tao hindi lamang Siya may katauhan kundi ang mas mahalaga ay mayroon Siyang pagka-Diyos. Ang Kanyang katauhan ay makikita sa panlabas na anyo ng Kanyang katawan at sa Kanyang pang-araw-araw na buhay, nguni’t ang Kanyang pagka-Diyos ay mahirap matalos. Dahil ang Kanyang pagka-Diyos ay naipapahayag lamang kapag Siya ay may katauhan, at hindi kahima-himalang tulad ng palagay ng mga tao, lubhang mahirap para sa mga tao na makita ito. Kahit ngayon lubos na mahirap para sa mga tao na arukin ang totoong diwa ng nagkatawang-taong Diyos. Sa katunayan, kahit pagkatapos Kong magsalita tungkol dito nang ganoon kahaba, inaasahan Ko na ito ay isa pa ring misteryo sa karamihan sa inyo. Ang isyung ito ay napakasimple: Yamang ang Diyos ay nagiging tao, ang Kanyang diwa ay kumbinasyon ng pagkatao at pagka-Diyos. Ang kumbinasyong ito ay tinatawag na Diyos Mismo, ang Diyos Mismo sa lupa.
—mula sa “Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang buhay na isinabuhay ni Jesus sa lupa ay isang karaniwang buhay ng katawang-tao. Siya ay namuhay sa karaniwang pagkatao ng Kanyang katawang-tao. Ang Kanyang awtoridad—na gawin ang gawain Niya at sambitin ang salita Niya, o pagalingin ang maysakit at magpalayas ng mga demonyo, para gawin ang ganoong di-pangkaraniwang mga bagay—ay hindi nakita, sa pinakamalaking bahagi, hanggang sa Siya ay nagsimula ng Kanyang ministeryo. Ang Kanyang buhay bago ang edad na dalawampu’t siyam, bago Niya ginampanan ang Kanyang ministeryo, ay sapat na patunay na Siya ay isa lamang karaniwang tao. Dahil dito, at dahil hindi pa Siya nakapagsimula ng Kanyang ministeryo, ang mga tao ay walang nakitang pagka-Diyos sa Kanya, walang nakitang higit sa isang normal na tao, isang karaniwang tao—tulad lang noong panahong pinaniwalaan Siya ng ilang tao bilang anak ni Jose. Ang akala ng mga tao ay anak Siya ng ordinaryong tao, walang ibang paraan para maihayag na Siya ang nagkatawang-taong Diyos; kahit na noong, sa pagdaan ng pagganap ng Kanyang ministeryo, Siya ay gumawa ng maraming milagro, karamihan sa mga tao ay nagsabi pa rin na anak Siya ni Jose, sapagka’t Siya ay ang Cristo na may panlabas na anyo ng normal na pagkatao. Ang Kanyang karaniwang pagkatao at Kanyang gawain ay parehong umiral upang tuparin ang kahalagahan ng unang pagkakatawang-tao, na nagpapatunay na ang Diyos ay ganap na naging tao, naging isang lubos na ordinaryong tao. Na Siya ay nagkaroon ng karaniwang pagkatao bago Siya nagsimula ng Kanyang gawain ay patunay na Siya ay isang ordinaryong katawang-tao; at ang Kanyang paggawa pagkatapos nito ay pagpapatunay na Siya ay isang payak na katawang-tao, sapagka’t Siya ay gumawa ng mga tanda at mga kababalaghan, nagpagaling ng maysakit at nagpalayas ng mga demonyo sa katawang-tao ng karaniwang tao. Ang dahilan na kaya Niyang gumawa ng mga milagro ay dahil ang Kanyang katawang-tao ay mayroong awtoridad ng Diyos, na ang katawang-tao kung saan ang Espiritu ng Diyos ay binihisan. Siya ay nagtaglay nitong awtoridad dahil sa Espiritu ng Diyos, at hindi ibig sabihin nito na Siya ay hindi isang katawang-tao. Ang pagpapagaling sa mga maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo ay ang gawain na kailangan Niyang gampanan sa Kanyang ministeryo, isang pagpapahayag ng Kanyang pagka-Diyos na nakatago sa Kanyang pagkatao, at kahit anong mga palatandaan ang Kanyang ipinakita o paano Niya pinatunayan ang Kanyang awtoridad, Siya pa rin ay namuhay sa karaniwang pagkatao at isa pa ring normal na katawang-tao. Hanggang dumating sa puntong Siya ay muling nabuhay pagkatapos mamatay sa krus, Siya ay nanahan sa isang normal na katawang-tao. Ang pagkakaloob ng biyaya, pagpapagaling ng maysakit, at pagpapalayas ng mga demonyo ay bahaging lahat ng Kanyang ministeryo, lahat ay gawaing ginampanan Niya sa Kanyang karaniwang katawang-tao. Bago Siya pumunta sa krus, hindi Siya kailanman umalis sa Kanyang karaniwang katawang-tao, anuman ang Kanyang ginawa. Siya ay ang Diyos Mismo, ginagawa ang sariling gawain ng Diyos, datapwa’t dahil Siya ay nagkatawang-taong Diyos, kumain Siya ng pagkain at nagsuot ng damit, nagkaroon ng karaniwang pangangailangan ng tao, nagkaroon ng karaniwang katwiran ng tao at karaniwang pag-iisip ng tao. Ang lahat ng ito ay patunay na Siya ay isang normal na tao, kung saan pinatunayan na ang nagkatawang-taong Diyos ay isang katawang-tao na may karaniwang pagkatao, hindi isang higit sa karaniwan. Ang Kanyang tungkulin ay upang kumpletuhin ang gawain ng unang pagkakatawang-tao ng Diyos, upang tuparin ang ministeryo ng unang pagkakatawang-tao. Ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ay na ang isang payak at normal na tao ay ginagawa ang gawain ng Diyos Mismo; ibig sabihin, ginagawa ng Diyos na iyon ang Kanyang banal na gawain sa pagkatao at sa gayo’y nagagapi si Satanas. Ang pagkakatawang-tao ay nangangahulugan na ang Espiritu ng Diyos ay nagiging isang katawang-tao, iyon ay, ang Diyos ay nagiging tao; ang gawain na ginagawa Niya sa katawang-tao ay ang gawain ng Espiritu, na naging tunay sa katawang-tao, ipinahayag sa pamamagitan ng katawang-tao. Walang sinuman maliban sa katawang-tao ng Diyos ang maaaring tumupad sa ministeryo ng nagkatawang-taong Diyos; iyon ay, ang nagkatawang-taong Diyos lamang, itong karaniwang katauhan—at walang sinumang iba pa—ang makakapagpahayag ng maka-Diyos na gawain.
—mula sa “Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Umiiral ang pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao para mapanatili ang normal na banal na gawain sa katawan; ang Kanyang normal na pag-iisip ng tao ay sumusuporta sa Kanyang normal na katauhan at sa lahat ng Kanyang normal na pisikal na gawain. Maaaring sabihin ng isang tao na umiiral ang Kanyang normal na pag-iisip ng tao upang suportahan ang lahat ng gawain ng Diyos sa katawan. Kung ang katawang ito ay hindi nagtaglay ng isang normal na isipan ng tao, hindi maaaring gumawa ang Diyos sa katawan, at hindi maisasakatuparan kailanman ang kailangan Niyang gawin sa katawan. Kahit ang nagkatawang-taong Diyos ay nagtataglay ng normal na isipan ng tao, ang Kanyang gawain ay hindi nahahaluan ng pantaong kaisipan; isinasabalikat Niya ang gawain sa katauhan na may normal na isipan, sa ilalim ng patiunang-kundisyon na nagtataglay Siya ng pagkatao na may isipan, hindi sa pamamagitan ng pagsasagawa ng normal na pag-iisip ng tao. Gaano man katayog ang mga kaisipan ng Kanyang katawang-tao, ang Kanyang gawain ay hindi nagdadala ng tatak ng pangangatwiran o pag-iisip. Sa madaling salita, ang Kanyang gawain ay hindi binubuo ng isipan ng Kanyang katawang-tao, kundi direktang pagpapahayag ng maka-Diyos na gawain sa Kanyang pagkatao. Ang lahat ng Kanyang gawain ay ang ministeryo na kailangan Niyang tuparin, at wala rito ang anumang inisip ng Kanyang utak. Halimbawa, ang pagpapagaling sa maysakit, ang pagpapalayas ng mga demonyo, at pagpapako sa krus ay hindi mga produkto ng Kanyang pantaong isipan, hindi matatamo ng kahit sinong tao na may pantaong isipan. Gayundin, ang mapanlupig na gawain ngayon ay ang ministeryo na dapat magawa ng nagkatawang-taong Diyos, nguni’t hindi ito ang gawain ng kagustuhan ng tao, ito ang gawain na dapat gawin ng Kanyang pagka-Diyos, gawain na walang kahit sinong tao ang may kaya. Kaya ang Diyos na nagkatawang-tao ay dapat magtaglay ng isang normal na isipan ng tao, dapat magtaglay ng karaniwang pagkatao, dahil dapat Niyang gampanan ang Kanyang gawain sa katauhan na may normal na isipan. Ito ang diwa ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, ang pinakadiwa ng Diyos na nagkatawang-tao.
—mula sa “Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Bago ginampanan ni Jesus ang gawain, Siya’y namuhay lamang sa Kanyang karaniwang pagkatao. Walang sinuman ang makakapagsabi na Siya ay Diyos, walang sinuman ang nakaalam na Siya ay nagkatawang-taong Diyos; kilala lamang Siya ng mga tao bilang isang ganap na ordinaryong tao. Ang Kanyang lubos na payak, normal na pagkatao ay patunay na ang Diyos ay nagkatawang-tao sa laman, at na ang Kapanahunan ng Biyaya ay ang kapanahunan ng paggawa ng nagkatawang-taong Diyos, hindi ang kapanahunan ng paggawa ng Espiritu. Ito ay patunay na ang Espiritu ng Diyos ay ganap na naging totoo sa katawang-tao, na sa kapanahunan ng pagkakatawang-tao ng Diyos ang Kanyang katawang-tao ay gagawa ng lahat ng gawain ng Espiritu. Ang Cristo na may normal na katauhan ay isang katawan kung saan ang Espiritu ay naging totoo, nagtataglay ng normal na katauhan, normal na diwa, at pag-iisip ng tao. Ang ibig sabihin ng “maging totoo” ay nagiging tao ang Diyos, ang Espiritu ay nagiging katawang-tao; upang palinawin ito, ito’y kapag ang Diyos Mismo ay nananahan sa isang katawang may normal na katauhan, at sa pamamagitan nito ay ipinapahayag Niya ang Kanyang banal na gawain—ito ang ibig sabihin ng maging totoo, o magkatawang-tao.
—mula sa “Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa yugto ng panahon na ang Panginoong Jesus ay gumagawa, nakikita ng mga tao na ang Diyos ay nagkaroon ng maraming pantaong mga pagpapahayag. Halimbawa, maaari Siyang sumayaw, maaari Siyang makadalo sa mga kasalan, maaari Siyang makipagniig sa mga tao, makipag-usap sa kanila, at tumalakay ng mga bagay sa kanila. Bilang karagdagan doon, ang Panginoong Jesus ay nakabuo rin ng napakaraming gawain na sumasagisag sa Kanyang pagka-Diyos, at mangyari pa ang lahat ng gawaing ito ay isang pagpapahayag at isang pagbunyag ng disposisyon ng Diyos. Sa panahong ito, nang ang pagka-Diyos ng Diyos ay napagtanto sa isang karaniwang katawang-tao na maaaring makita at mahipo ng mga tao, hindi na nila mararamdaman na Siya ay aandap-andap, na hindi nila magawang makalapit sa Kanya. Sa halip, maaari nilang subukang unawain ang kalooban ng Diyos o intindihin ang Kanyang pagka-Diyos sa pamamagitan ng bawat pagkilos, ng mga salita, at ng gawain ng Anak ng tao. Inihayag ng nagkatawang-tao na Anak ng tao ang pagka-Diyos ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang pagkatao at ipinarating ang kalooban ng Diyos sa sangkatauhan. At sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kalooban at disposisyon ng Diyos, Kanya ring ibinunyag sa mga tao ang Diyos na hindi nakikita o nahihipo sa espirituwal na dako. Ang nakita ng mga tao ay ang Diyos Mismo, nahihipo at may laman at mga buto. Kaya ang nagkatawang-tao na Anak ng tao ay gumawa ng mga bagay gaya ng sariling pagkakakilanlan ng Diyos, katayuan, larawan, disposisyon, at kung anong mayroon at kung ano Siya na kongkreto at makatao. Bagama’t ang panlabas na kaanyuan ng Anak ng tao ay mayroong ilang mga limitasyon na may kinalaman sa larawan ng Diyos, ang Kanyang diwa at ang kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay lubos na naisalarawan ang sariling pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos—mayroon lamang ilang mga pagkakaiba sa anyo ng pagpapahayag. Hindi alintana kung ito man ay ang pagkatao ng Anak ng tao o ang Kanyang pagka-Diyos, hindi natin maitatanggi na kinakatawan Niya ang sariling pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos. Sa panahong ito, gayunman, gumawa ang Diyos sa katawang-tao, nagsalita mula sa pananaw ng katawang-tao, at tumayo sa harapan ng sangkatauhan sa pagkakakilanlan at katayuan ng Anak ng tao, at ito ang nagbigay ng pagkakataon sa mga tao na masagupa at maranasan ang tunay na mga salita at gawain ng Diyos sa gitna ng sangkatauhan. Ito ay nagdulot din sa mga tao ng kaunawaan sa Kanyang pagka-Diyos at sa Kanyang kadakilaan sa gitna ng kababaang-loob, gayundin upang magkamit ng isang paunang pagkaunawa at paunang pakahulugan sa pagiging tunay at realidad ng Diyos. Bagama’t ang gawain na nakumpleto ng Panginoong Jesus, ang Kanyang mga paraan sa paggawa, at ang pananaw kung paano Siya nagsasalita ay kaiba mula sa totoong persona ng Diyos sa espirituwal na dako, ang lahat ng bagay tungkol sa Kanya ay talagang kumakatawan sa Diyos Mismo na hindi pa kailanman nakita ng mga tao—hindi ito maitatanggi! Na ang ibig sabihin, kahit na sa anumang anyo magpapakita ang Diyos, kahit na sa alinmang pananaw Siya magsasalita, o sa anumang larawan Siya haharap sa sangkatauhan, walang kinakatawan ang Diyos kundi ang Diyos Mismo. Hindi Niya maaaring katawanin ang sinumang tao—Hindi maaaring ilarawan ang sinumang tiwaling tao. Ang Diyos ay Diyos Mismo, at ito ay hindi maitatanggi.
—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Bagama’t ang kaanyuan ng Diyos na nagkatawang-tao ay eksaktong kagaya ng sa tao, natututuhan Niya ang kaalamang pantao at nagsasalita sa wika ng tao, at minsan ay ipinapahayag pa Niya ang Kanyang mga ideya sa pamamagitan ng mga pamamaraan at pagpapahayag ng sangkatauhan, ang paraan kung paano Niya nakikita ang mga tao, ang diwa ng mga bagay-bagay, at kung paano nakikita ng mga tiwaling tao ang sangkatauhan at ang diwa ng mga bagay-bagay ay lubos na hindi magkapareho. Ang Kanyang pananaw at ang taas kung saan Siya nakatindig ay isang bagay na hindi matatamo para sa isang tiwaling tao. Ito ay dahil sa ang Diyos ay katotohanan, ang katawang-tao na Kanyang isinusuot ay nagtataglay din ng diwa ng Diyos, at ang Kanyang mga saloobin at yaong inihahayag ng Kanyang pagkatao ay katotohanan din. Para sa mga tiwaling tao, ang Kanyang ipinapahayag sa katawang-tao ay mga panustos ng katotohanan, at ng buhay. Ang mga panustos na ito ay hindi lamang para sa isang tao, kundi para sa buong sangkatauhan. Para sa sinumang tiwaling tao, sa kanyang puso ay mayroon lamang mangilan-ngilang mga tao na nakakasama niya. Mayroon lamang iilang mga tao ang pinahahalagahan niya, na pinagmamalasakitan niya. Kapag ang sakuna ay tanaw na una niyang iniisip ang sarili niyang mga anak, asawa, o mga magulang, at ang isang higit na mapagkawang-gawang tao ay mag-iisip lamang ng ilan sa mga kamag-anak o isang mabuting kaibigan; nag-iisip pa ba siya ng iba? Hindi kailanman! Sapagka’t ang mga tao ay, kung tutuusin, mga tao, at makatitingin lamang sila sa lahat ng bagay mula sa pananaw at mula sa kinatatayuan ng isang tao. Gayunman, ang Diyos na nagkatawang-tao ay lubos na naiiba mula sa isang taong tiwali. Kahit gaano man kaordinaryo, gaano kanormal, gaano man kababa ang uri ng katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, o kahit pa gaano kababa ang tingin sa Kanya ng mga tao, ang Kanyang mga kaisipan at Kanyang saloobin patungkol sa sangkatauhan ay mga bagay na hindi matataglay ng sinumang tao, at walang sinumang tao ang makagagaya. Palagi Niyang pagmamasdan ang sangkatauhan mula sa pananaw ng pagka-Diyos, mula sa taas ng Kanyang posisyon bilang ang Lumikha. Palagi Niyang makikita ang sangkatauhan sa pamamagitan ng diwa at ng pag-iisip ng Diyos. Tiyak na hindi Niya nakikita ang sangkatauhan mula sa taas ng isang karaniwang tao, at mula sa pananaw ng isang taong tiwali. Kapag tinitingnan ng mga tao ang sangkatauhan, tumitingin sila gamit ang pangitain ng tao, at sila ay gumagamit ng mga bagay-bagay gaya ng kaalaman ng tao at mga patakaran at mga teorya ng tao bilang panukat. Ito ay nasa loob ng saklaw ng kung ano ang nakikita ng mga tao gamit ang kanilang mga mata; ito ay nasa loob ng saklaw ng nakakamit ng mga taong tiwali. Kapag tinitingnan ng Diyos ang sangkatauhan, tumitingin Siya gamit ang isang maka-Diyos na pangitain, at ginagamit Niya ang Kanyang diwa at kung ano ang mayroon at kung ano Siya bilang panukat. Kasama sa saklaw na ito ang mga bagay na hindi nakikita ng mga tao, at ito ay kung saan ang Diyos na nagkatawang-tao at ang mga taong tiwali ay ganap na magkaiba. Ang pagkakaibang ito ay nalalaman sa pamamagitan ng magkaibang mga diwa ng tao at ng Diyos, at itong magkaibang mga diwang ito ang nagpapaalam ng kanilang mga pagkakakilanlan at mga kinatatayuan gayundin ang pananaw at taas mula kung saan nila nakikita ang mga bagay-bagay.
—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang katawang-tao na ibinihis ng Espiritu ng Diyos ay ang sariling katawang-tao ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ay kataas-taasan; Siya ay makapangyarihan sa lahat, banal, at matuwid. Gayon din naman, ang Kanyang katawang-tao ay kataas-taasan, makapangyarihan sa lahat, banal, at matuwid. Ang katawang-tao na tulad nito ay may kakayahan lamang na gawin yaong matuwid at kapaki-pakinabang sa sangkatauhan, yaong banal, maluwalhati, at makapangyarihan, at walang kakayahang gumawa ng anumang lumalabag sa katotohanan o moralidad at katarungan, maging ng anumang bagay na nagkakanulo sa Espiritu ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ay banal, at sa gayon ang Kanyang katawang-tao ay hindi nagagawang tiwali ni Satanas; ang Kanyang katawang-taol ay may naiibang diwa kaysa sa laman ng tao. Sapagka’t ang tao, hindi ang Diyos, ang siyang ginagawang tiwali ni Satanas; hindi posibleng magawang tiwali ni Satanas ang katawang-tao ng Diyos.
—mula sa “Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinatawag na Diyos. Walang kalabisan tungkol dito, sapagka’t Siya ay may taglay ng diwa ng Diyos, at may taglay ng disposisyon ng Diyos, at may karunungan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Sila na itinuturing ang sarili nila bilang Cristo, nguni’t hindi kayang gawin ang gawain ng Diyos ay mga manlilinlang. Ang Cristo ay hindi lang ang pagpapakita ng Diyos sa lupa, kundi ang partikular na katawang-tao ring tinaglay ng Diyos habang ginagawa at tinatapos Niya ang Kanyang gawain sa tao. Ang katawang-taong ito ay hindi kayang palitan ng kahit na sinong tao lang, kundi ng isang taong sapat na makakayanan ang gawain ng Diyos sa lupa, at makapagpapahayag ng disposisyon ng Diyos, at maaaring katawanin nang husto ang Diyos, at makapagbibigay ng buhay sa tao. Sa malao’t madali, yaong mga nagpapanggap na Cristo ay babagsak na lahat, dahil kahit sinasabi nila na sila ang Cristo, wala silang taglay na diwa ng Cristo. Kaya nga sinasabi Ko na ang pagiging-tunay ng Cristo ay hindi kayang tukuyin ng tao, nguni’t ito’y sinasagot at pinagpapasiyahan ng Diyos Mismo.
—mula sa “Tanging ang Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
(Mga Piling Talata ng Salita ng Diyos)
Ang Diwa ni Cristo ay Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan
Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at ang Cristo ay ang katawang pinasukan ng Espiritu ng Diyos. Ang katawang ito ay hindi katulad ng sinumang taong may katawan. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay may kapwa normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng sinumang tao. Ang Kanyang normal na katauhan ang sumusuporta sa lahat ng Kanyang normal na mga gawain sa katawang-tao, samantalang ang Kanyang pagka-Diyos ang nagsasakatuparan ng gawain ng Diyos Mismo. Maging ito man ang Kanyang pagkatao o pagka-Diyos, kapwa itong nagpapasakop sa kalooban ng Amang nasa langit. Ang diwa ni Cristo ay ang Espiritu, iyon ay, ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang Kanyang diwa ay yaong sa Diyos Mismo; ang diwa na ito ay hindi gagambala sa Kanyang sariling gawain, at hindi Siya posibleng makagawa ng anumang bagay na nakasisira sa Kanyang sariling gawain, ni hindi rin Siya bibigkas ng anumang mga salita na sumasalungat sa Kanyang sariling kalooban. Samakatuwid, ang nagkatawang-taong Diyos ay siguradong hindi kailanman gagawa ng kahit anong gawain na nakagagambala sa Kanyang sariling pamamahala. Ito ang dapat maintindihan ng lahat ng tao. Ang diwa ng gawain ng Banal na Espiritu ay upang iligtas ang tao at ito ay para sa kapakanan ng sariling pamamahala ng Diyos. Gayundin, ang gawain ni Cristo ay upang iligtas ang tao at ito ay alang-alang sa kalooban ng Diyos. Sapagka’t ang Diyos ay nagkatawang-tao, Kanyang napapaging-tunay ang Kanyang diwa sa loob ng Kanyang katawang-tao, sa gayon ang Kanyang katawang-tao ay sapat upang isagawa ang Kanyang gawain. Samakatuwid, lahat ng gawain ng Espiritu ng Diyos ay pinapalitan ng gawain ni Cristo sa loob ng panahon ng Kanyang pagkakatawang-tao, at ang kaibuturan ng lahat ng gawain sa buong panahon ng pagkakatawang-tao ay ang gawain ni Cristo. Ito ay hindi maaaring maihalo sa gawain mula sa kahit anong ibang kapanahunan. At mula nang nagkatawang-tao ang Diyos, Siya ay gumagawa sa pagkakakilanlan ng Kanyang katawang-tao; yamang Siya ay nagkatawang-tao, tinatapos din Niya sa katawang-tao ang gawain na dapat Niyang gawin. Maging ito man ay ang Espiritu ng Diyos o ito man ay si Cristo, Sila ay kapwa Diyos Mismo, at ginagawa Niya ang gawain na dapat Niyang gawin at ginagampanan ang ministeryong dapat Niyang gampanan.
Ang diwa ng Diyos mismo ay humahawak ng awtoridad, subali’t Siya ay may kakayahang lubusang magpasakop sa awtoridad na nagmumula sa Kanya. Maging ito man ay gawain ng Espiritu o gawain ng katawang-tao, ang isa ay hindi sumasalungat sa isa. Ang Espiritu ng Diyos ay ang awtoridad sa buong sangnilikha. Ang katawang-taong may diwa ng Diyos ay nagtataglay din ng awtoridad, subali’t ang Diyos sa katawang-tao ay may kakayahang gawin ang lahat ng gawain na sumusunod sa kalooban ng Amang nasa langit. Ito ay hindi maaaring makamtan o maisipan ng kahit sinong tao. Ang Diyos Mismo ay awtoridad, subali’t ang Kanyang katawang-tao ay maaaring magpasakop sa Kanyang awtoridad. Ito ang panloob na kahulugan ng mga salitang: “Si Cristo ay sumusunod sa kalooban ng Diyos Ama.” Ang Diyos ay Espiritu at may kakayahang gawin ang gawain ng pagliligtas, tulad ng kakayahang maging tao ng Diyos. Kunsabagay, ang Diyos Mismo ang gumagawa ng Kanyang sariling gawain; hindi siya gumagambala o nakikialam, lalong hindi nagsasakatuparan ng gawaing magkasalungat, sa kadahilanang ang diwa ng gawaing ginawa ng Espiritu at ng katawang-tao ay magkatulad. Maging ito man ay ang Espiritu o ang katawang-tao, magkatulad Silang gumagawa upang matupad ang iisang kalooban at upang pamahalaan ang magkatulad na gawain. Bagaman ang Espiritu at ang katawang-tao ay may dalawang magkaibang katangian, ang Kanilang mga diwa ay magkatulad; kapwa Silang may diwa ng Diyos Mismo, at ng pagkakakilanlan ng Diyos Mismo. Ang Diyos Mismo ay walang mga elemento ng pagsuway; ang Kanyang diwa ay mabuti. Siya ang pagpapahayag ng lahat ng kagandahan at kabutihan, gayundin ng lahat ng pag-ibig. Kahit nasa katawang-tao, ang Diyos ay hindi gumagawa ng anuman na sumusuway sa Diyos Ama. Kahit na sa paggugol ng pagsasakripisyo ng Kanyang buhay, Siya ay buong-pusong papayag at walang ibang pinipili. Ang Diyos ay walang mga elemento ng pagmamagaling at pagpapahalaga sa sarili, o kahit na kapalaluan at pagmamataas; Siya ay walang elemento ng kabuktutan. Lahat ng sumusuway sa Diyos ay nanggagaling kay Satanas; si Satanas ang pinagmumulan ng lahat ng kapangitan at kasamaan. Ang dahilan kung bakit ang tao ay may mga katangian na katulad ng kay Satanas ay dahil sa ang tao ay nagawa nang tiwali at kinilusan ni Satanas. Si Cristo ay hindi pa nagawang tiwali ni Satanas, kaya Siya ay mayroon lamang mga katangian ng Diyos at wala niyaong kay Satanas. Kahit gaano kahirap ang gawain o kahina ang katawang-tao, ang Diyos, habang Siya ay nabubuhay sa katawang-tao, ay hindi kailanman gagawa ng anumang bagay na gumagambala sa gawain ng Diyos Mismo, lalo na ang pagpapabaya sa kalooban ng Diyos Ama nang dahil sa pagsuway. Mas pipiliin pa Niyang magdusa ng mga sakit ng katawang-tao kaysa salungatin ang kalooban ng Diyos Ama; ito ay kagaya ng sinabi ni Jesus sa panalangin, “Ama ko, kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma’y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo.” Ang tao ay pipili, subali’t si Cristo ay hindi. Bagaman Siya ay may pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, hinahanap pa rin Niya ang kalooban ng Diyos Ama, at tinutupad kung ano ang ipinagkakatiwala sa Kanya ng Diyos Ama, mula sa pananaw ng katawang-tao. Ito ay isang bagay na hindi kayang abutin ng tao. Yaong mga nagmumula kay Satanas ay hindi magkakaroon ng diwa mula sa Diyos, kundi tanging yaong sumusuway at lumalaban sa Diyos. Ito ay walang kakayahang lubos na sumunod sa Diyos, lalo na ang buong-loob na sumunod sa kalooban ng Diyos. Lahat ng taong wala kay Cristo ay kayang gawin yaong lumalaban sa Diyos, at wala ni isang tuwirang makagagawa ng gawaing ipinagkatiwala ng Diyos; walang kahit isa ang may kakayahang ipalagay ang pamamahala ng Diyos bilang kanilang sariling tungkulin na dapat gampanan. Ang pagpapasakop sa kalooban ng Diyos Ama ay ang diwa ni Cristo; ang pagsuway laban sa Diyos ay ang katangian ni Satanas. Ang dalawang katangiang ito ay hindi magkaayon, at kung sino man ang may mga katangian ni Satanas ay hindi matatawag na Cristo. Ang dahilan kung bakit ang tao ay walang kakayahang gawin ang gawain ng Diyos kahalili Niya ay dahil sa ang tao ay wala kahit isang diwa ng Diyos. Ang tao ay gumagawa para sa Diyos para sa pansariling kapakanan ng tao at ng kanyang mga inaasam-asam sa hinaharap, subali’t si Cristo ay gumagawa upang matupad ang kalooban ng Diyos Ama.
Ang pagkatao ni Cristo ay pinamamahalaan ng Kanyang pagka-Diyos. Bagaman Siya ay nasa katawang-tao, ang Kanyang pagkatao ay hindi lubusang katulad ng tao sa laman. Siya ay may sariling natatanging karakter, at ito rin ay pinamamahalaan ng Kanyang pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay walang kahinaan; ang kahinaan ni Cristo ay tumutukoy sa Kanyang pagkatao. Sa isang tiyak na antas, ang kahinaang ito ay pumipigil sa Kanyang pagka-Diyos, subali’t ang gayong mga hangganan ay nakapaloob sa isang tiyak na sakop at panahon, at hindi walang-hangganan. Pagdating naman sa panahon ng pagtupad ng gawain ng Kanyang pagka-Diyos, ito ay ginagawa nang hindi alintana ang Kanyang pagkatao. Ang pagkatao ni Cristo ay ganap na tuwirang pinamamahalaan ng Kanyang pagka-Diyos. Bukod sa karaniwang buhay ng Kanyang pagkatao, lahat ng iba pang pagkilos ng Kanyang pagkatao ay iniimpluwensyahan, naaapektuhan at pinapatnubayan ng Kanyang pagka-Diyos. Bagaman si Cristo ay may pagkatao, ito ay hindi nakakagambala sa gawain ng Kanyang pagka-Diyos. Ito ay tiyak na dahil sa ang pagkatao ni Cristo ay pinapatnubayan ng Kanyang pagka-Diyos; bagaman ang Kanyang pagkatao ay hindi angkop sa Kanyang kilos tungo sa iba, ito ay hindi nakakaapekto sa karaniwang gawain ng Kanyang pagka-Diyos. Kapag sinabi Ko na ang Kanyang pagkatao ay hindi nagawang tiwali, ang ibig Kong sabihin ay ang pagkatao ni Cristo ay maaaring tuwirang mapangunahan ng Kanyang pagka-Diyos, at Siya ay may mas mataas pang pandama kaysa roon sa karaniwang tao. Ang Kanyang pagkatao ay pinakanababagay sa pagiging pinangungunahan ng pagka-Diyos sa Kanyang gawain; ang Kanyang pagkatao ay pinaka-may-kakayahang magpahayag ng gawain ng pagka-Diyos, at pati na rin pinaka-may-kakayahang magpasakop sa ganoong gawain. At dahil ang Diyos ay gumagawa sa katawang-tao, Siya ay hindi kailanman nawawalan ng pagtanaw sa tungkulin na dapat ginagampanan ng tao sa laman; Siya ay may kakayahang sambahin ang Diyos sa langit na may totoong puso. Siya ay may diwa ng Diyos, at ang Kanyang pagkakakilanlan ay sa Diyos Mismo. Ito lamang ay sa dahilang Siya ay bumaba rito sa lupa at naging isang nilikhang may buhay, na may panlabas na balat ng isang nilikhang may buhay, at ngayon ay nagtaglay ng pagkatao na wala sa Kanya noong una; Siya ay may kakayahang sambahin ang Diyos sa langit. Ito ang kung ano ang Diyos Mismo at hindi mapaparisan ng tao. Ang Kanyang pagkakakilanlan ay Diyos Mismo. Ito ay mula sa pananaw ng katawang-tao na sumasamba Siya sa Diyos; samakatuwid, ang mga salitang “Si Cristo ay sumasamba sa Diyos sa langit” ay hindi isang kamalian. Ang Kanyang hinihingi sa tao ay ang kung ano Siya; Kanya nang naabot ang lahat Niyang hinihingi sa tao bago pa man ang paghingi Niya nang ganoon sa kanila. Kailanman ay hindi Siya gagawa ng mga paghingi mula sa iba samantalang Siya Mismo ay hindi ito kayang ibigay, dahil ito ang nakapaloob sa kung ano Siya. Kahit na paano Niya isinasakatuparan ang Kanyang gawain, hindi Siya kikilos sa paraan na sumusuway sa Diyos. Kahit ano pa man ang Kanyang hinihingi sa tao, walang hinihingi na sosobra doon sa kayang abutin ng tao. Ang tanging ginagawa Niya ay ang paggawa ng kalooban ng Diyos at para sa kapakanan ng Kanyang pamamahala. Ang pagka-Diyos ni Cristo ay nasa ibabaw ng lahat ng tao, samakatuwid Siya ang pinakamataas na awtoridad ng lahat ng nilalang na may buhay. Ang awtoridad na ito ay ang Kanyang pagka-Diyos, iyon ay, ang disposisyon at kung ano ang Diyos Mismo, na nakakaalam ng Kanyang pagkakakilanlan. Samakatuwid, kahit na gaano kakaraniwan ang Kanyang pagkatao, hindi maitatanggi na mayroon Siyang pagkakakilanlan ng Diyos Mismo; kahit mula sa anumang pananaw Siya nagsasalita at sa kahit anumang paraan Siya sumusunod sa kalooban ng Diyos, hindi maaaring sabihing Siya ay hindi ang Diyos Mismo. Ang mga hunghang at walang-muwang na tao ay malimit na nagtuturing sa normal na pagkatao ni Cristo na isang kamalian. Kahit sa anong paraan Niya ipinahahayag at ibinubunyag ang kabuuan ng Kanyang pagka-Diyos, ang tao ay walang kakayahang kilalanin na Siya ay si Cristo. At habang higit na ipinakikita ni Cristo ang Kanyang pagsunod at pagpapakumbaba, gayundin kagaan ang pagtuturing ng mga hunghang na tao kay Cristo. Mayroon pang iba na nilalayuan Siya at hinahamak, nguni’t inilalagay yaong mga “dakilang tao” na may palalong mga imahe sa hapag upang masamba. Ang paglaban ng tao at pagsuway sa Diyos ay nagmumula sa katunayang ang diwa ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagpapasakop sa kalooban ng Diyos, gayundin ay nagmumula sa normal na pagkatao ni Cristo; dito nakalatag ang pinagmumulan ng paglaban ng tao at pagsuway sa Diyos. Kung si Cristo ay ni walang anyo ng Kanyang pagkatao o hindi hinanap ang kalooban ng Diyos Ama mula sa pananaw ng isang nilikhang may buhay, sa halip ay nagtaglay ng isang pambihirang pagkatao, kung gayon maaaring walang magiging pagsuway sa kahit sino mang tao. Ang dahilan kung bakit ang tao ay palaging maluwag sa kalooban ang maniwala sa isang hindi nakikitang Diyos sa langit ay sapagka’t ang Diyos sa langit ay walang pagkatao at wala Siyang kahit isang katangian ng isang nilikhang may buhay. Kaya ang tao ay palaging isinasaalang-alang Siya nang may pinakadakilang pagpapahalaga, subali’t may pagtuturing ng paghamak tungo kay Cristo.
Bagaman si Cristo sa kalupaan ay may kakayahang gumawa sa ngalan ng Diyos Mismo, Siya ay hindi dumarating na may hangaring ipakita sa lahat ng tao ang Kanyang larawan sa katawang-tao. Hindi Siya dumarating upang makita Siya ng lahat ng tao; Siya ay dumarating upang pahintulutan ang tao na maakay ng Kanyang kamay, nang sa gayon ay papasok sa bagong kapanahunan. Ang katungkulan ng katawang-tao ni Cristo ay para sa gawain ng Diyos Mismo, iyon ay, para sa gawain ng Diyos sa katawang-tao, at hindi upang bigyang kakayahan ang tao na lubusang maunawaan ang diwa ng Kanyang katawang-tao. Kahit na sa anong paraan Siya gumagawa, hindi ito sumusobra sa kung hanggang saan ang kayang makamit ng katawang-tao. Kahit na sa anong paraan Siya gumagawa, ginagawa Niya ito sa katawang-tao na may normal na pagkatao, at hindi lubos na ibinubunyag sa tao ang totoong mukha ng Diyos. Bilang karagdagan, ang Kanyang gawain sa katawang-tao ay hindi kailanman lampas sa kaya ng tao o di-kayang matantiya katulad ng iniisip ng tao. Kahit na si Cristo ang kumakatawan sa Diyos Mismo sa katawang-tao at personal na isinasakatuparan ang gawain na dapat gawin ng Diyos Mismo, hindi Niya itinatanggi ang pag-iral ng Diyos sa langit, ni mainit na ipinahahayag ang Kanyang mga sariling gawa. Sa halip, Siya ay mapagkumbabang nananatiling nakatago sa loob ng Kanyang katawang-tao. Bukod kay Cristo, silang mga may kabulaanang nag-aangking sila ay si Cristo ay wala ng mga katangian Niya. Kapag ikinumpara laban sa mga mapagmataas at mapagmapuri sa sariling disposisyon niyaong mga huwad na Cristo, nagiging mas malinaw kung ano ang klase ng katawang-tao ng tunay na Cristo. Mas huwad sila, mas lalong ipinagyayabang ng gayong mga huwad na Cristo ang kanilang mga sarili, at mas may kakayahan silang gumawa ng mga palatandaan at mga kagila-gilalas na mga bagay upang linlangin ang tao. Ang mga huwad na Cristo ay walang mga katangian ng Diyos; si Cristo ay hindi nabahiran ng kahit anong katangiang mayroon ang mga huwad na Cristo. Ang Diyos ay nagkatawang-tao lamang upang tapusin ang mga gawain ng katawang-tao, hindi lamang upang pahintulutan ang lahat ng tao na makita Siya. Sa halip, hinahayaan Niya na ang Kanyang gawain ang magkumpirma ng Kanyang pagkakakilanlan, at pinahihintulutan kung ano ang Kanyang ihahayag upang patunayan ang Kanyang diwa. Ang Kanyang diwa ay hindi walang-basehan; ang Kanyang pagkakakilanlan ay hindi inagaw ng Kanyang kamay; ito ay nalalaman sa pamamagitan ng Kanyang gawain at ng Kanyang diwa. Bagaman Siya ay may diwa ng Diyos Mismo at may kakayahang gawin ang gawain ng Diyos Mismo, Siya pa rin, pagkatapos ng lahat, ay katawang-taong hindi gaya ng Espiritu. Siya ay hindi Diyos na may mga katangian ng Espiritu; Siya ay Diyos na may balat ng katawang-tao. Samakatuwid, kahit na gaano kakaraniwan at gaano Siya kahina, at kahit sa anong paraan Niya hinahanap ang kalooban ng Diyos Ama, ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi maitatanggi. Sa nagkatawang-taong Diyos ay umiiral hindi lamang ang normal na pagkatao at ang mga kahinaan nito; lalo pang umiiral ang pagiging kahanga-hanga at pagiging di-matarok ng Kanyang pagka-Diyos, pati na ang lahat ng Kanyang mga gawa sa katawang-tao. Samakatuwid, ang pagkatao at pagka-Diyos ay parehong tunay at praktikal ba umiiral sa loob ni Cristo. Ito sa pinakamababa ay hindi hungkag o higit sa kaya ng tao. Siya ay dumarating sa kalupaan na may pangunahing layunin na pagsasakatuparan ng gawain; kailangang magtaglay ng isang normal na pagkatao upang isakatuparan ang gawain sa kalupaan; kung hindi, kahit gaano kadakila ang kapangyarihan ng Kanyang pagka-Diyos, ang orihinal na katungkulan nito ay hindi maaaring mailagak sa tamang paggagamitan. Bagaman ang Kanyang pagkatao ay napakahalaga, ito ay hindi Kanyang diwa. Ang Kanyang diwa ay ang pagka-Diyos; samakatuwid, sa sandali na nagsisimula na Siyang ganapin ang Kanyang ministeryo sa kalupaan ay ang sandali na nagsisimula rin Siyang ipahayag ang kabuuan ng Kanyang pagkaDiyos. Ang Kanyang pagkatao ay para lamang mapanatili ang karaniwang buhay ng Kanyang katawang-tao upang maisakatuparan ng Kanyang pagka-Diyos ang gawain bilang karaniwang nasa katawang-tao; ang pagka-Diyos ang nagpapatnubay sa kabuuan ng Kanyang gawain. Kapag natapos na Niya ang Kanyang gawain, matutupad na rin ang Kanyang ministeryo. Ang dapat malaman ng tao ay ang kabuuan ng Kanyang gawain, at ito ay sa pamamagitan ng Kanyang gawain kaya nabibigyan Niya ng kakayahan ang tao na kilalanin Siya. Sa buong takbo ng Kanyang gawain, lubusan Niyang ipinahahayag ang kabuuan ng Kanyang pagka-Diyos, na hindi isang disposisyong nababahiran ng pagkatao, o isang kabuuan na nababahiran ng kaisipan at kilos ng tao. Kapag dumating na ang oras na ang lahat ng Kanyang ministeryo ay nakarating na sa katapusan, ganap at buo na Niyang naihayag ang disposisyon na kailangan Niyang ipahayag. Ang Kanyang gawain ay hindi iniutos ng sinumang tao; ang pagpapahayag ng Kanyang disposisyon ay masyadong malaya rin, hindi kontrolado ng isipan o pinadaraan sa pag-iisip, bagkus ay likas na ibinubunyag. Ito ay hindi maaaring makamit ng kahit sinong tao. Kahit na ang nakapalibot ay malupit o ang mga kalagayan ay hindi akma, Siya ay may kakayahang ipahayag ang Kanyang disposisyon sa tamang oras. Ang isang Cristo ay nagpapahayag ng kabuuan ni Cristo, samantala silang mga hindi ay walang disposisyon ni Cristo. Samakatuwid, kung ang lahat ay lalaban sa Kanya o may mga pagkaunawa tungkol sa Kanya, walang makatatanggi batay sa mga pagkaunawa ng tao na ang disposisyong ipinahayag ni Cristo ay yaong sa Diyos. Silang lahat na mga naghahangad kay Cristo na may totoong puso o hinahanap ang Diyos ay aamin na Siya ay si Cristo batay sa pagpapahayag ng Kanyang pagka-Diyos. Hinding-hindi nila itatanggi si Cristo batay sa kahit anong aspeto Niya na hindi umaayon sa mga pagkaunawa ng tao. Bagaman ang tao ay napakahangal, lahat ay alam talaga kung ano ang kalooban ng tao at kung ano ang nagmumula sa Diyos. Ito lamang ay sa dahilang maraming tao ang sadyang nilalabanan si Cristo dahil sa kanilang sariling mga hangarin. Kung hindi dahil dito, walang kahit isang tao ang may dahilan na itanggi ang pag-iral ni Cristo, dahil sa ang pagka-Diyos na ipinahayag ni Cristo ay totoong umiiral, at ang Kanyang gawain ay maaaring masaksihan ng ng lahat ng mata.
Ang gawain at pagpapahayag ni Cristo ang nagpapakita sa Kanyang diwa. Siya ay may kakayahang kumpletuhin nang may totoong puso yaong naipagkatiwala sa Kanya. Siya ay may kakayahang sambahin ang Diyos sa langit na may totoong puso, at taglay ang totoong puso ay hinahanap ang kalooban ng Diyos Ama. Ito ay nalalamang lahat sa pamamagitan ng Kanyang diwa. At gayundin ang Kanyang likas na pagbubunyag ay nalalaman sa pamamagitan ng Kanyang diwa; ang dahilan na ang Kanyang likas na pagbubunyag ay tinatawag na ganyan ay sapagka’t ang kanyang pagpapahayag ay hindi gaya-gaya o bunga ng pag-aaral ng tao, o resulta ng maraming taong paglilinang ng tao. Hindi Niya ito natutuhan o pinalamutihan ang Kanyang sarili nito; bagkus ito ay likas sa Kanyang kaloob-looban. Maaaring itanggi ng tao ang Kanyang gawain, Kanyang pagpapahayag, Kanyang pagkatao, at ang buong buhay ng Kanyang normal na pagkatao, subali’t walang makakatanggi na sinasamba Niya ang Diyos sa langit nang may totoong puso; walang makakatanggi na dumating Siya upang tuparin ang kalooban ng Ama na nasa langit, at walang makakatanggi sa katapatan kung paano Niya hinahanap ang Diyos Ama. Bagaman ang Kanyang imahe ay hindi kalugod-lugod sa mga pandama, ang Kanyang pagsasalita ay hindi nagtataglay ng di-pangkaraniwang paggawi, at ang Kanyang gawain ay hindi nakadudurog ng daigdig o nakayayanig sa kalangitan na tulad ng naguguni-guni ng tao, Siya talaga ay si Cristo, na nagsasakatuparan sa kalooban ng Diyos Ama nang may totoong puso, ganap na nagpapasakop sa Amang nasa langit, at masunurin hanggang kamatayan. Ito ay dahil sa ang Kanyang diwa ay ang diwa ni Cristo. Ang katotohanang ito ay mahirap paniwalaan ng tao subali’t ito ay tunay na umiiral. Sa panahong ang ministeryo ni Cristo ay ganap nang naisakatuparan, makikita na ng tao mula sa Kanyang gawain, na ang Kanyang disposisyon at Kanyang kabuuan ay kumakatawan sa disposisyon at kabuuan ng Diyos sa langit. Sa panahong yaon, ang kalahatan ng Kanyang gawain ay makapagpapatunay na Siya ay talagang ang katawang-tao na kung saan ang Salita ay nagkakatotoo, at hindi katulad niyaong laman at dugong tao. Bawat hakbang ng gawain ni Cristo sa kalupaan ay may kinakatawang kabuluhan, subali’t ang tao na nakakaranas sa tunay na gawain ng bawat hakbang ay walang kakayahang tarukin ang kabuluhan ng Kanyang gawain. Ito ay lalo na sa ilang mga hakbang ng gawain na isinakatuparan ng ikalawang nagkatawang-taong Diyos. Karamihan sa mga nakarinig o nakakita lamang sa mga salita ni Cristo subali’t hindi pa nila kailanman Siya nasilayan ay walang mga pagkaunawa tungkol sa Kanyang gawain; silang mga nakakita na kay Cristo at nakarinig sa Kanyang mga salita, gayundin ay nakaranas ng Kanyang gawain, ay nahihirapang tanggapin ang Kanyang gawain. Hindi ba ito dahil sa ang anyo at ang normal na pagkatao ni Cristo ay hindi ayon sa panlasa ng tao? Silang mga tumatanggap ng Kanyang gawain pagkatapos na mawalay si Cristo ay hindi magkakaroon ng ganoong kagipitan, sa kadahilanang tinatanggap lamang nila ang Kanyang gawain at hindi nagkakaroon ng kaugnayan sa normal na pagkatao ni Cristo. Ang tao ay walang kakayahang bitawan ang kanyang mga pagkaunawa tungkol sa Diyos at bagkus ay sinisiyasat pa Siya nang maigi; ito ay dahil sa katotohanang ang tao ay nakatingin lamang sa Kanyang anyo at walang kakayahang mabatid ang Kanyang diwa batay sa Kanyang gawain at mga salita. Kung ipinipikit ng tao ang kanyang mga mata sa anyo ni Cristo o iniiwasan ang pakikipagtalo sa pagkatao ni Cristo at nagsasalita lamang ng tungkol sa Kanyang pagka-Diyos, na kung saan ang gawain at mga salita ay hindi kayang maabot ng kahit sinong tao, kung gayon ang mga pagkaunawa ng tao ay bababa nang kalahati, hanggang sa ang lahat ng paghihirap ng tao ay malutas. Sa panahon ng gawain ng nagkatawang-taong Diyos, hindi Siya kayang tanggapin ng tao at puno ng maraming pagkaunawa tungkol sa Kanya, at ang mga pagkakataon ng paglaban at pagsuway ay pangkaraniwan. Hindi kayang pagtiisan ng tao ang pag-iral ng Diyos, magpakita ng kaluwagan sa kababaang-loob at pagiging tago ni Cristo, o patawarin ang diwa ni Cristo na sumusunod sa Amang nasa langit. Samakatuwid, Siya ay hindi maaaring manatili kasama ang tao nang walang-hanggan pagkatapos ng Kanyang gawain, dahil sa ang tao ay ayaw Siyang pahintulutang mamuhay kasama nila. Kung ang tao ay ayaw magpakita ng kaluwagan sa Kanya sa panahon ng Kanyang gawain, kung gayon paano magiging posible na pagtiisan Siya na kasama nila pagkatapos matupad Niya ang Kanyang ministeryo, at pinagmamasdan silang unti-unting nararanasan ang Kanyang mga salita? Hindi kaya maraming babagsak dahil sa Kanya? Pinahihintulutan lamang ng tao na gumawa Siya rito sa kalupaan; ito ang pinakamalawak na kaluwagan ng tao. Kung hindi dahil sa Kanyang gawain, matagal na sana Siyang itinaboy ng mga tao mula sa kalupaan, kaya’t gaano pa kaya kaunti ang ipapakita nilang kaluwagan sa sandaling natapos na ang Kanyang gawain? Kung gayon hindi ba Siya ipapapatay ng tao at pahihirapan Siya hanggang sa mamatay? Kung hindi Siya tinawag na Cristo, hindi Niya marahil makakayang gumawa sa gitna ng sangkatauhan; kung hindi Siya gumawa taglay ang pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, at sa halip ay gumawa lamang bilang isang karaniwang tao, kung gayon ang tao ay hindi palalampasin kahit isang pangungusap na mabigkas Niya, lalong hindi palalampasin ang pinakamaliit mang bahagi ng Kanyang gawain. Kaya maaari lamang Niyang dalhin ang ganitong pagkakakilanlan kasama Niya sa Kanyang gawain. Sa paraang ito, ang Kanyang gawain ay mas makapangyarihan kaysa kung hindi Niya ito ginawa, dahil ang mga tao ay handang lahat na sumunod sa nakatayo at dakilang pagkakakilanlan. Kung hindi Niya dinala ang pagkakakilanlan ng Diyos Mismo habang Siya ay gumagawa o nagpapakita bilang Diyos Mismo, kung gayon hindi man lamang Siya magkakaroon ng pagkakataong talagang makagawa. Sa kabila ng katotohanang Siya ay may diwa ng Diyos at ng pagiging Cristo, ang tao ay hindi papayapa at pahihintulutan Siyang isakatuparan nang matiwasay ang gawain kasama ang sangkatauhan. Siya ang nagdadala ng pagkakakilanlan ng Diyos Mismo sa Kanyang gawain; bagaman ang naturang gawain ay dose-dosenang beses pang makapangyarihan kaysa roon sa ginawa na walang ganoong pagkakakilanlan, ang tao pa rin ay hindi lubusang sumusunod sa Kanya, dahil ang tao ay nagpapasakop lamang sa Kanyang katayuan at hindi sa Kanyang diwa. Kung gayon, kung sakali mang isang araw si Cristo ay bababa sa Kanyang katungkulan, mapapahintulutan kaya Siya ng tao na manatiling buhay kahit isang araw man lamang? Pumapayag ang Diyos na mamuhay sa lupa kasama ang tao upang makita Niya ang mga bungang idudulot ng gawain ng Kanyang mga kamay sa susunod na mga taon. Gayunpaman, ang tao ay walang kakayahang tanggapin ang Kanyang pananatili kahit isang araw man lamang, kaya maaari lamang Siyang sumuko. Ito na talaga ang pinakamalawak na kaluwagan at biyaya ng tao na pahintulutan ang Diyos na gawin sa gitna ng tao ang gawain na dapat Niyang gawin at maisakatuparan ang Kanyang ministeryo. Bagaman silang mga personal na nalupig na Niya ay nagpapakita sa Kanya ng ganoong kagandahang-loob, sila pa rin ay nagpapahintulot lamang sa Kanya na manatili hanggang sa matapos ang Kanyang gawain at hindi kahit isang sandali pagkatapos. Kung ito man ay ganoon, paano na yaong mga hindi pa Niya nalupig? Hindi ba ang dahilan kung bakit tinatrato ng tao ang nagkatawang-taong Diyos sa ganitong paraan ay dahil sa Siya si Cristo na may balat ng karaniwang tao? Kung ang taglay lamang Niya ay ang pagka-Diyos at hindi ang normal na pagkatao, hindi ba ang mga kahirapan ng tao ay mabibigyan ng kalutasan kung gayon sa pinakamadaling paraan? Ang tao ay may poot na kumikilala sa Kanyang pagka-Diyos at hindi nagpapakita ng interes sa Kanyang balat ng karaniwang tao, kahit na ang totoo ay ang Kanyang diwa ay tiyak na yaong kay Cristo na nagpapasakop sa kalooban ng Ama na nasa langit. Sa gayon, maaari lamang Niyang putulin ang Kanyang gawain na kasama ng tao upang makibahagi sa kanilang mga kasiyahan at kalungkutan, dahil ang tao ay hindi na kaya pang pagtiisan ang Kanyang pag-iral.
—mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
——————————————————————————————————————
Ang paghihirap ang pinakamalaking biyaya ng Diyos sa atin. Bakit ko sinasabi ito? Ano ang kalooban ng Diyos sa likod ng mga paghihirap na ito?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento