Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

23 Hulyo 2020

Ang Kaharian ni Cristo ay Mainit na Tahanan




Kaharian ni Cristo'y aking mainit na tahanan,

para ito sa buong bayan ng Diyos.

Naglalakad at nagsasalita si Cristo sa iglesia

at nabubuhay kasama ng bayan ng Diyos.

Narito ang paghatol at pagkastigo ng Diyos,

gayundin ang gawa ng Banal na Espiritu.

Nagdidilig, tumutustos at gumagabay sa'tin mga salita ng Diyos,

at lumalago buhay natin.

Ito ang kahariang pinamumunuan ni Cristo,

ito'y patas at makatarungang mundo.

Kaharian ni Cristo'y mainit kong tahanan,

napakahalaga nito sa bayan ng Diyos.

Naghahari salita ng Diyos sa iglesia,

tayo'y kumikilos ayon sa totoo

at Cristo'y pinagbubunyi sa'ting puso.

Wala nang paglalaban o intriga,

hindi na kailangan ang pagtatanggol o takot.

Himlayan ng kaluluwa ng tao si Cristo,

di na kailangang gumala-gala pa ako.

Ito ang kaharian ng Diyos inaasam ng mga tao,

ito ang payapang tahanan ng sangkatauhan.

Kaharian ni Cristo'y aking mainit na tahanan,

para ito sa buong bayan ng Diyos.

Dito nararanasan ko ang paghatol at mga pagsubok ng Diyos,

at ang aking masamang disposisyon ay dinalisay at binago.

Ang aking mga kasiyahan at pagtawa,

ang kuwento ng aking paglago ay narito,

narito rin ang aking mga tahimik na salita sa Diyos.

Ang mga hindi malilimutan kong alaala ay narito,

isang talaan ng halagang binabayaran ng Diyos.

Lahat dito'y inaantig ako,

di maihahayag ng mga salita taimtim na katapatan.

Cristo ng mga huling araw, mahal Ko, pinaka-kaibig-ibig,

Binigyan Mo ako ng mainit na tahanang ito.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

————————————

Makinig sa mga Tagalog Christian Song upang makahanap ng paraan kung paano tayo mananalangin sa Diyos upang pakinggan ng Diyos. Lumapit tayo sa Diyos!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.