Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Sa Lipunan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Sa Lipunan. Ipakita ang lahat ng mga post

20 Disyembre 2019

Kristiyanong Pag-ibig: Paano Malalampasan ang Paghihiwalay


Kristiyanong Pag-ibig: Paano Malalampasan ang Paghihiwalay


Ni Shuyi, South Korea

Isang umaga noong umpisa ng tag-init, isang mabining halimuyak ang kumalat sa hangin at pumasok sa bawat sulok ang sinag ng araw. Suot ang isang bulaklaking malambot na bestida, masayang umupo si Qinyi sa istasyon ng tren, hinihintay ang pagdating ng kasunod na tren. Lumilingon, nagkataong nakita ni Qinyi sa isang video screen ang isang babae na nakikipaghiwalay sa isang lalaki dahil may ibang babae ito, pagkatapos ay tumalikod ang babae at umaalis nang umaagos ang luha sa kanyang mga pisngi. Tumitig nang husto si Qinyi sa screen. Noon din, bigla niyang naisip kung paano siya noon, noong mayroon pa siyang pananabik para sa isang magandang pag-ibig kung saan magkasama nilang tatahakin ng kanyang nobyo ang buhay, ngunit sa huli, tanging mga pilat at sugat lamang ang natanggap niya …

17 Disyembre 2019

Patotoo ng Isang Kristiyano: Paano Niya Napagtagumpayan ang Tuksong Mangalunya (Ikalawang Bahagi)



Patotoo ng Isang Kristiyano: Paano Niya Napagtagumpayan ang Tuksong Mangalunya (Ikalawang Bahagi)


Ni Xiyue, Lalawigan ng Henan

Sa mga sumunod na araw, hindi man nahulog si Jingru sa tukso ni Satanas at alam niyang hindi na sila maaaring magsama ni Wang Wei, patuloy na naglaro sa kanyang isipan ang pakikipagkita niyang iyon kay Wang Wei tulad ng isang eksena sa pelikula …

Nang muli siyang tawagan ni Wang Wei, saglit siyang hindi napakali, at sinabi niya sa kanyang sarili: “Hindi na maaring maging tayo, pero maaari pa naman tayong maging ordinaryong magkaibigan. Hangga’t alam ko ang aking mga kinikilos at hindi ako lalampas sa kung ano ang maaari kong gawin, ay ayos lang iyon.” Matapos nito ay sinagot niya ang tawag ni Wang Wei at nag-usap sila. Sa paglipas ng panahaon, madalas nang napapaisip si Jingru kung tatawagan ba siya ni Wang Wei o hindi, hanggang sa puntong nasasabik na ang kanyang puso sa kakaantay. Sa tuwing tatawag ito, palulubagin niya ang kanyang loob bago sasagutin ang telepono na parang wala lang…. Habang tumatagal, lalong dumalas ang mga tawagan sa pagitan nina Wang Wei at Jingru. Ngunit pagkatapos ng bawat tawag, si Jingru ay nababagabag at nasasaktan, at napagtanto niya na ang kanyang mga kilos ay hindi umaayon sa kalooban ng Diyos, at ang kanyang mga nararamdamang sakit at pagkabalisa ay tiyak na pagpapaalala at paninisi sa kanya ng Diyos. Kaya nagmadali siyang humarap sa Diyos at nanalangin: “Diyos ko! Alam kong hindi ako dapat nakikipag-usap kay Wang Wei ngunit hindi ko mapigilan ang puso ko. Hindi ko mapigilang pagbigyan ang sarili ko at mahulog sa kasalanan. O Diyos ko! Hindi ko gustong galitin ka ng mga kilos ko. O Diyos ko! Tulungan po Ninyo ako!”

22 Nobyembre 2019

Matapos Ang Pagtataksil ng Kanyang Asawa Sinagip Siya ng Diyos sa Dilim ng Kalungkutan



Matapos Ang Pagtataksil ng Kanyang Asawa Sinagip Siya ng Diyos sa Dilim ng Kalungkutan


Gawa ni Ouyang Mo, Probinsya ng Hubei

Mabilis na tumatakbo ang panahon. Lumaki si Hong’er mula sa isang simpleng bata sa isang kaaya-ayang dalaga, at nagising ang kanyang umuusbong na interes sa pag-ibig. Hindi siya interesado sa yaman o estado, gusto niya lang ng isang relasyon kung saan, ano mang bagyo ang kanilang pagdaanan, may pag-ibig at pagmamahalan, magtutulungan sila sa oras ng pangangailangan, at tatanda silang magkasama. Tahimik niyang hinihintay ang pagdating ng sandaling ‘yon…

Dumating ang lalake sa kanyang mundo, pinatibok ang puso niya dahil sa gwapo nitong mukha at mala-kristal nitong mata, at may nararamdaman din ang lalake para sa kanya. Simula no’n, ang tahimik at walang kulay niyang mga araw ay napuno ng liwanag. Hindi nagtagal, nagsama sila, at higit pa sa kanyang kagwapuhan, napukaw ang pagmamahal ni Hong’er dahil sa kanyang kalambingan at pagiging mapagbigay. Alam ni Hong’er na siya ang gusto niyang pagtiwalaan ng buhay niya at makasama hanggang pagtanda. Nangako rin ‘yon na paliligayahin siya habang-buhay. Gano’n pa man, tutol ang mga magulang niya dahil nagmula ang lalake sa mahirap na pamilya. Hindi ‘yon mahalaga kay Hong’er, ang mahalaga sa kanya ay mahal nila ang isa’t isa at habang-buhay silang magsasama. Sa kabila ng pagtutol ng mga magulang niya, lumayo siya at nagsama silang dalawa.

19 Nobyembre 2019

Patotoo ng Isang Kristiyano: Paano Niya Napagtagumpayan ang Tuksong Mangalunya (Unang Bahagi)


Patotoo ng Isang Kristiyano: Paano Niya Napagtagumpayan ang Tuksong Mangalunya (Unang Bahagi)


Ni Xiyue, Lalawigan ng Henan

Isang gabi, naglilinis ng kanyang bahay si Jingru.

“Kring, kring.” Nagsimulang tumunog ang telepono. Sinagot niya ito at isang kakaiba ngunit pamilyar na boses ang kanyang narinig: “Hello! Si Wang Wei ito. Nasa bahay ka!”

“Wang Wei?” Medyo nabigla si Jingru: Bakit siya napatawag ngayon makalipas ang napakaraming taon?

“Oo … nasa bahay ako. Ano’ng meron?” tanong ni Jingru sa pagkagulat.

“Antagal na nating ‘di nagkita. Gusto kitang ipasyal. Papunta na ako sa inyo at malapit na ako. Antayin mo na lang ako sa may pintuan!” sabi ni Wang Wei.

Matapos niyang ibaba ang telepono, bumilis ang tibok ng puso ni Jingru, at bumalik ang mga ala-ala niya noong mga panahon nila sa paaralan …

13 Nobyembre 2019

Buhay Kristiyano | Ang Pagsasama ng Mag-asawa ay Hindi na Usapin


Buhay Kristiyano | Ang Pagsasama ng Mag-asawa ay Hindi na Usapin


Ni Wang Ran , Singapore

Isang Magandang Pangarap

Nang siya ay wala pang asawa, si Wang Ran ay laging nanghahawak sa isang magandang pangarap—umaasa na pagkatapos maikasal, siya at ang kanyang asawa ay magkakasundo, kapwa magpapakita ng pagtitimpi, magsasama habambuhay, at sabay na tatanda. Sa panahong iyon malaki ang tiwala ni Wang Ran sa kanyang sarili; dama niya na siya ay isang tao na may mabuting ugali na nakakasundo ang iba. Ngunit hindi umayon ang realidad sa pinangarap ni Wang Ran—pagkatapos maikasal, unti-unting kinain ang kanyang pangarap ng napakaraming di-pagkakasundo na lumitaw sa pagitan nilang mag-asawa.

10 Nobyembre 2019

Tagalog Christian Movie | "Isang Kaligayahang Pinakahihintay"



Tagalog Christian Movie | "Isang Kaligayahang Pinakahihintay"


Para kumita nang sapat para mabuhay nang maayos, talagang nagpursigi si Ding Ruilin at ang kanyang asawa na makapagbukas at magpatakbo ng isang negosyo. Ngunit, dahil sa pananamantala at pang-aabuso ng gobyernong CCP, nanatili silang lubog sa utang, at wala silang nagawa kundi mangibang-bansa para magtrabaho. Para kumita ng mas malaki, nagdalawang trabaho si Ding Ruilin. Dahil sa bigat ng kanyang trabaho at pagwawalang-bahala ng mga tao sa kanyang paligid, napagtanto niya ang sakit at kawalan ng kakayahang mabuhay para kumita. Sa gitna ng kanyang pasakit at pagkalito, nakilala niya ang kaklase niya sa high school na si Lin Zhixin. Sa kanilang mga pag-uusap, nakita ni Ding Ruilin na maraming bagay nang nauunawaan si Lin Zhixin dahil sa kanyang pananampalataya sa Diyos.

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.