Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

15 Abril 2018

Awit ng Pagsamba | Dalanging Tunay


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang DiyosDalanging Tunay


I
Ang dalanging tunay ay mula sa puso.
Ito ay batay sa kalooban at salita ng Diyos.
Pakiramdam mo’y napakalapit mo sa Kanya,
at tila Siya ay kaharap mo.
Ibig sabihin nito’y marami kang masasabi sa Diyos,
puso mo’y umaalab na parang araw,
ika’y napupukaw ng kariktan ng Diyos,
ang mga nakakarinig ay naluluguran.
Ang dalanging tunay ay magdadala ng kapayapaa’t kagalakan,
ang pagmamahal sa Diyos ay palakas ng palakas,
ang halaga ng pag-ibig na iyon ay madarama;
at lahat ito’y magiging patunay na dalangin mo’y tunay.

II
Ang dalanging tunay ay walang pormalidad
at di lang pagbibigkas.
Ito ay hindi panggagaya ng iba.
Sambitin mo ang nasa iyong puso at nang pukawin ka ng Diyos.
Upang maging mabisa ang mga dalangin mo,
salita ng Diyos ay dapat mong basahin.
Makikita lamang ang kaliwanagan
kung salita Niya’y batayan ng dalangin.
III
Dalanging tunay ay napapakita ng pusong
nagnanais ng nais ng Diyos,
kagustuhang ito’y mangyari, at pagkamuhi sa mga ayaw Niya.
At batay sa alam mo,
malinaw lahat ang katotohanang sinasabi ng Diyos,
may matibay na pananampalataya
at paraan upang ito’y isabuhay.
Ito lamang ang dalanging tunay.
Oo, ito lamang ang dalanging tunay.
Ang dalanging tunay ay magdadalang kapayapaa’t kagalakan,
ang pagmamahal sa Diyos ay palakas ng palakas,
ang halaga ng pag-ibig na iyon ay madarama;
at lahat ito’y magiging patunay na dalangin mo’y tunay.
Oo, ang mga dalangin mo ay tunay.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.