Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

25 Oktubre 2017

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pananaw sa Gawain ng Diyos

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pananaw sa Gawain ng Diyos

     1. Sinimulan ni Juan ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ng langit pitong taon bago ang bautismo ni Jesus. Para sa mga tao, ang mga isinagawa niyang gawain ay tila higit sa mga gawain ni Jesus, ngunit siya ay, gayunpaman, isa rin lamang propeta. Hindi siya nangusap at gumawa sa loob ng templo, ngunit sa mga bayan at nayon sa labas nito. Ito ay ginawa niya, sa katunayan, sa bayan ng mga Hudyo, lalo na ang mga mahihirap. Bihira siyang nakisalamuha sa mga taong mula sa mataas na antas ng lipunan, ipinalalaganap lang ang ebanghelyo sa mga karaniwang tao sa Judea upang maihanda ang mga karapat-dapat na mga tao para sa Panginoong Jesus, at maihanda ang mga naaangkop na lugar kung saan Siya ay maaaring gumawa. Dahil mayroong propetang katulad ni Juan upang maghanda, nakapagsimula agad ang Diyos sa Kanyang daan ng krus matapos ang pagdating Niya. Nang nagkatawang-tao ang Diyos upang isagawa ang Kanyang gawain, hindi Niya kinailangang isagawa ang pamimili ng mga tao, at hindi Niya kinailangang personal na maghanap ng mga tao o ng lugar kung saan Siya gagawa. Hindi Siya nagsagawa ng mga ganoong gawain nang Siya ay dumating; inihanda na ng isang karapat-dapat na tao ang lahat bago pa Siya dumating. … Gumawa si Juan sa loob ng pitong taon, gayon maaaring sabihin na ipinalaganap niya ang ebanghelyo sa loob ng pitong taon. Sa panahon ng kanyang gawain, hindi nagsagawa si Juan ng mga himala, dahil ang kanyang gawain ay ang ihanda ang lahat para kay Jesus. Ang lahat ng ibang mga gawain, ang gawaing isasagawa ni Jesus, ay walang kaugnayan sa kanya; hiniling lang niya sa mga tao na ipagtapat ang kanilang mga kasalanan at magsisi, at bautismuhan ang mga tao, upang sila ay maligtas. Kahit na nagsagawa siya ng mga bagong gawain, at nagbukas ng daan na hindi pa kailanman nilalakaran ng tao, inihanda rin lamang niya ang daan para kay Jesus. Siya ay propeta na nagsagawa lang ng gawain ng paghahanda, at walang kakayahan upang isagawa ang gawain ni Jesus. Hindi man si Jesus ang unang nangusap ng ebanghelyo ng kaharian ng langit, at kahit ipinagpatuloy Niya ang landas na sinimulan ni Juan, wala pa ring makagagawa ng Kanyang gawain, at ito’y higit sa gawain ni Juan. Hindi kayang ihanda ni Jesus ang sarili Niyang daan; ang Kanyang gawain ay direktang naisagawa sa ngalan ng Diyos. Kaya, gaano man kadaming taong gumawa si Juan, siya ay isa pa ring propeta at isa ring naghanda sa daan ni Jesus. Ang tatlong taong gawain ni Jesus ay hinigitan ang pitong taon na gawain ni Juan, dahil ang sangkap ng kanilang mga gawain ay hindi pareho.

mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    2. Sa panahong iyon, ang bahagi ng gawain ni Jesus ay alinsunod sa Lumang Tipan, gayundin sa mga kautusan ni Moises at sa mga salita ni Jehovah sa Kapanahunan ng Kautusan. Isinagawa ni Jesus ang lahat ng mga ito bilang bahagi ng Kanyang mga gawain. Nangaral Siya sa mga tao at tinuruan sila sa mga sinagoga, at ginamit Niya ang mga hula ng mga propeta sa Lumang Tipan upang sawayin ang mga Fariseong mayroong pagkapoot sa Kanya, at ginamit ang mga salita sa Banal na Kasulatan upang ibunyag ang kanilang pagsuway at kung gayon sila ay isumpa. Dahil kinamuhian nila ang mga ginawa ni Jesus; sa partikular, karamihan sa gawain ni Jesus ay hindi ayon sa kautusan sa Banal na Kasulatan, at, higit pa rito, ang Kanyang mga itinuro ay mas mataas kaysa sa kanilang mga sariling salita, at higit na mas mataas pa sa iyong mga hula ng mga propeta sa Banal na Kasulatan. Ang gawain ni Jesus ay para sa kapakanan ng pagtubos sa tao at ang pagpako sa krus. Kaya, hindi Niya kailangang higit pang mangusap upang malupig ang sinumang tao. Ang karamihan sa Kanyang mga itinuro sa tao ay mula sa mga salita sa Banal na Kasulatan, at kahit na ang Kanyang gawain ay hindi higit sa Banal na Kasulatan, naisagawa pa rin Niya ang gawaing pagpapapako sa krus. Ang Kanyang gawain ay hindi gawain ng salita, ni para sa kapakanan ng sangkatauhan, sa halip ito ay upang matubos ang sangkatauhan. Gumanap lang Siya bilang alay para sa kasalanan ng sangkatauhan, at hindi gumanap bilang mapagkukunan ng mga salita para sa sangkatauhan. Hindi Niya isinagawa ang gawain ng mga Gentil, na gawain ng panlulupig sa tao, ngunit isinagawa ang gawain ng pagpapapako sa krus, gawain na isinagawa sa mga naniniwala na mayroong Diyos. Kahit na ang Kanyang gawain ay naisakatuparan sa saligan ng Banal ng Kasulatan, at ginamit Niya ang mga hula ng mga matatandang propeta upang isumpa ang mga Fariseo, ito ay sapat na upang matapos ang gawain ng pagpapapako sa krus. Kung ang gawain sa ngayon ay isinasagawa pa rin sa saligan ng mga hula ng mga propeta sa Banal na Kasulatan, gayon magiging mahirap na kayo ay malupig, dahil ang Lumang Tipan ay hindi naglalaman ng mga ulat ng inyong hindi pagsunod at mga kasalanan ninyong mga taong Tsino, walang kasaysayan ng inyong mga kasalanan. At kaya, kung ang gawaing ito ay nananatili pa rin sa Biblia, hindi kayo kailanman susuko. Ang Biblia ay nagtatala lang ng kaunting kasaysayan tungkol sa mga Israelita, isang hindi kayang itakda kung kayo ay mabuti o masama, o hatulan kayo. Ipagpalagay na kayo ay hahatulan Ko ayon sa kasaysayan ng mga Israelita—Ako pa ba ay inyong susundin katulad ng inyong pagsunod ngayon? Alam niyo ba kung gaano kayo kasutil? Kung walang binitiwang mga salita sa yugtong ito, magiging imposible ang pagtapos sa gawain ng panlulupig. Dahil hindi Ako pumarito upang maipako sa krus, nararapat Akong magbitiw ng mga salita na hiwalay mula sa Biblia, upang ikaw ay malupig.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    3. Ang lahat ng naisagawa ngayon ay batay sa kasalukuyan, ngunit ito pa rin ay umaasa sa saligan ng gawain ni Jehovah sa Kapanahunan ng Kautusan, at hindi lumalabag sa saklaw na ito. Ang bantayan ang inyong mga dila, at ang hindi pangangalunya, halimbawa—hindi ba’t ito ang mga kautusan ng Lumang Tipan? Ngayon, ang mga hinihingi sa inyo ay hindi lang limitado sa Sampung Utos, ngunit ito’y mga utos at kautusan na higit na mataas kaysa sa yaong mga dati, ngunit hindi ito nangangahulugan na nabuwag yaong mga nauna, dahil ang bawat yugto ng gawain ng Diyos ay isinasagawa sa saligan ng yugto na dumating bago ito. … Kung, ngayon, ay kailangan ninyo lang na sumunod sa mga utos at manahan sa mga kautusan ng Lumang Tipan, sa parehong paraan tulad ng mga Israelita, at kung, kahit, kailangan ninyong maisaulo ang mga kautusan na ibinigay ni Jehovah, walang posibilidad na maaaring magbago na kayo. Kung kayo ay susunod lang sa yaong mga kakaunting utos o magsasaulo ng hindi mabilang na mga kautusan, ang inyong lumang kalikasan ay mananatiling nakatanim nang malalim, at walang magiging paraan upang ito ay bunutin. Kung gayon kayo ay higit pang magiging masama, at walang sinuman sa inyo ang magiging masunurin. Ibig sabihin na walang kakayahan ang ilang payak na mga utos o hindi mabilang na mga kautusan upang kayo ay tulungang malaman ang mga gawain ni Jehovah. Hindi kayo katulad ng mga Israelita: Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kautusan at pagsasaulo ng mga utos, nasaksihan nila ang mga gawain ni Jehovah, at inalay ang kanilang sa Kanya lamang, ngunit hindi ninyo ito makakamit, at ang ilang utos sa kapanahunan ng Lumang Tipan ay walang kakayahan upang kayo ay mahikayat na ibigay ang inyong mga puso, o na protektahan kayo, ito rin ay gagawin kayong pabaya, at kayo ay ibababa sa Hades. Sapagka’t ang Aking gawain ay ang gawain ng panlulupig, at nakatutok sa inyong hindi pagsunod at lumang kalikasan. Ang mga mabubuting salita ni Jehovah at ni Jesus ay malayo sa mga matinding salita ng paghatol ngayon. Kung wala ang mga matitinding salitang iyon, magiging imposible na malupig kayong mga “dalubhasa,” na hindi sumusunod sa loob ng libu-libong taon, at ang paghatol ngayon ay higit na mabigat kaysa sa mga lumang kautusan. Matagal na ang nakalipas nang mawala ang kapangyarihan sa iyo ng mga kautusan ng Lumang Tipan, at sobrang bigat ng paghatol ng kasalukuyan kaysa lumang kautusan. Ang pinaka-angkop sa inyo ay ang paghatol, at hindi ang mababaw na paghihigpit ng mga kautusan, dahil hindi kayo ang sangkatauhan katulad noong pinaka-unang panahon, sa halip ay ang sangkatauhan na naging tiwali sa loob ng libu-libong taon. Ang nararapat na makamit ng ngayon ay ayon sa tunay na katayuan ng tao, ayon sa kakayahan at talagang tayog ng tao sa kasalukuyan, at hindi kinakailangan na inyong sundin ang mga doktrina. Ito ay upang mabago ang mo ang mga lumang kalikasan, at upang maisantabi mo ang iyong mga pagkaintindi.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
     4. Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng yaong mga naniniwala sa Kanya ay napatawad; hangga’t ikaw ay naniniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay hinalinhan sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan ng pananampalataya. Ngunit sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit ni Jesus, sa halip na ang tao ay wala na sa kasalanan, na sila ay pinatawad na sa kanilang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa. … Hindi pumarito si Jesus upang gawing perpekto at makamit ang tao, kundi upang magsagawa ng isang yugto ng gawain: paglalahad ng ebanghelyo ng kaharian ng langit at ang pagtapos ng gawain ng pagpapapako sa krus—at kapag naipako na sa krus si Jesus, ang Kanyang gawain ay lubos na naisakatuparan. Ngunit sa kasalukuyang yugto—ang gawain ng panlulupig—mas maraming salita ang dapat ipahayag, mas maraming gawain ang dapat isagawa, at nararapat magkaroon ng mas maraming paraan. Kaya nararapat ding mabunyag ang mga hiwaga ng gawain ni Jesus at Jehovah, nang sa gayon ay magkaroon ang lahat ng mga tao ng pang-unawa at kalinawan sa kanilang paniniwala, dahil ito ang mga gawain ng Diyos sa mga huling araw, at ang mga huling araw ay ang konklusyon ng gawain na ito. Liliwanagin sa iyo ng yugto ng gawain na ito ang kautusan ni Jehovah at ang pagtubos ni Jesus, at ito’y pangunahin upang maunawaan mo ang buong gawain ang anim na libong taong plano sa pamamahala ng Diyos, at mapahalagahan ang lahat ng kabuluhan at sangkap nitong anim na libong taong plano sa pamamahala, at maunawaan ang layunin ng lahat ng gawaing isinagawa ni Jesus at ang mga salitang Kanyang sinabi, at gayundin ang iyong bulag na paniniwala at pagsamba sa Biblia. Lahat ng ito’y hahayaan kang makaunawa. Magagawa mong maunawaan ang mga ginawa ni Jesus, at ang gawain ng Diyos ngayon; mauunawaan mo at iyong mapagmamasdan ang lahat ng katotohanan, ang buhay, at ang daan. Sa yugto ng gawaing isinagawa ni Jesus, bakit umalis si Jesus nang hindi tinatapos ang gawain ng Diyos? Dahil ang yugto ng gawain ni Jesus ay hindi ang gawaing konklusyon. Nang Siya ay ipinako sa krus, ang mga salitang Kanyang binitawan ay natapos din; matapos ang pagpapapako Niya sa krus, ang Kanyang gawain ay nagwakas. Ang kasalukuyang yugto ay iba: Tanging pagkatapos lang mabitawan ang mga salita hanggang sa katapusan at magwakas ang buong gawain ng Diyos ay doon lang matatapos ang Kanyang gawain. Sa yugto ng gawain ni Jesus, maraming mga salita ang nanatiling hindi nahayag, o mga hindi nahayag nang buong linaw. Ngunit walang pakialam si Jesus sa Kanyang mga hindi sinabi o ginawa, dahil ang Kanyang ministeryo ay hindi ang ministeryo ng mga salita, kaya matapos Siyang ipako sa krus, Siya ay lumisan. Ang yugtong iyon ng gawain ay una sa lahat para sa kapakanan ng pagpapapako sa krus, at hindi katulad ng yugto ngayon. Ang yugto ng gawain na ito ay pangunahin para sa kapakanan ng pagtapos, pagliliwanag at ng paghahatid ng mga gawain sa isang konklusyon. Kung hindi bibitawan ang mga salita hanggang sa kahuli-hulihan, walang magiging paraan upang matapos ang gawaing ito, dahil sa yugto ng gawain na ito ang lahat ng gawain ay maihahatid sa isang katapusan at tatapusin sa pamamagitan ng mga salita. Sa panahong iyon, nagsagawa si Jesus ng mga maraming gawain na hindi nauunawaan ng tao. Siya ay tahimik na lumisan, at ngayon marami pa rin ang hindi nakauunawa sa Kanyang mga salita, mali ang kanilang mga pang-unawa ngunit sila pa rin ay naniniwala na ang mga ito ay tama, mga hindi alam na maaaring mali sila. Sa huli, ang yugto ng gawaing ito ang magdadala ng gawain ng Diyos sa isang ganap na wakas, at ihahanda ang konklusyon nito. Magagawang maunawaan at malaman ng lahat ang plano sa pamamahala ng Diyos. Ang mga pagkaintindi sa loob ng tao, ang kanyang layunin, ang kanyang maling pang-unawa, ang kanyang mga pagkaintindi sa gawain nina Jehovah at Jesus, ang kanyang pananaw ukol sa mga Hentil, at lahat ng kanyang mga paglihis at mga kamalian ay maitatama. At mauunawaan ng tao ang lahat ng tamang landas ng buhay, at ang lahat ng gawain ng Diyos, at ang buong katotohanan. Kapag nangyari iyon, ang yugto ng gawain na ito ay katapusan.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    5. Ang gawain ni Jehovah ay ang paglikha sa mundo, ito ang simula; ang yugto na ito ay ang katapusan ng gawain, at ito ang konklusyon. Sa simula, isinagawa ang gawain ng Diyos sa mga napiling tao sa Israel, at ito ang simula ng bagong panahon sa pinakabanal sa lahat ng mga lugar. Ang huling yugto ng gawain ay isinagawa sa mga pinakamarumi sa lahat ng mga bansa, upang hatulan ang mundo at ihatid ang kapanahunang ito sa isang katapusan. Sa unang yugto, ang gawain ng Diyos ay isinagawa sa pinakamaliwanag na lugar sa lahat, at ang huling yugto at isinagawa sa pinakamadilim na lugar sa lahat, at ang kadilimang ito ay mapapaalis, ibibigay ang kaliwanagan, at ang lahat ng tao ay malulupig. Kapag ang mga tao sa pinakamarumi at pinakamadilim sa lahat ng mga lugar ay nalupig, at ang buong populasyon ay kinilalang mayroong isang Diyos, na Siyang tunay na Diyos, at ang bawat isa ay lubusang nakumbinsi, gayon ang katotohanang ito ay magagamit upang maisagawa ang gawain ng panlulupig sa buong sansinukob. Ang yugtong ito ay makahulugan: Kapag natapos na ang gawain sa kapanahunang ito, ang gawain sa 6,000 taon ng pamamahala ay makakarating sa isang ganap na katapusan. Sa oras na yaong mga nasa pinakamadilim sa lahat ng lugar ay nalupig na, tiyak na ganoon din ang mangyayari sa iba’t ibang lugar. Sa gayon, tanging ang gawain ng panlulupig sa Tsina ang nagtataglay ng makabuluhang sagisag. Kinakatawan ng Tsina ang lahat ng mga puwersa ng kadiliman, at ang mga tao sa Tsina ay kumakatawan sa lahat ng nasa laman, kay Satanas, at ang mga mula sa laman at dugo. Ang mga Tsino ang siyang mga pinaka-lubos na ginawang tiwali ng malaking pulang dragon, siyang mga may masidhing pagsalungat sa Diyos, ang kanilang mga pagkatao ay masama at marumi, at kaya sila ang mga orihinal na modelo ng lahat ng ginawang tiwaling sangkatauhan. … Bakit Ko palaging sinasabi na kayo ay mga karagdagan sa Aking plano sa pamamahala? Sa mga tao sa Tsina naipakikita nang pinakabuong-buo at nabubunyag sa iba’t ibang mga anyo nito ang katiwalian, karumihan, di-pagkamatuwid, pagtutol, at ang paghihimagsik. Sa isang banda, sila ay mula sa mahinang uri, at sa kabila, ang kanilang mga buhay at pag-iisip ay paurong, at ang kanilang mga gawi, kapaligirang panlipunan, pamilya ng kapanganakan—ang lahat ay kaawa-awa at paurong. Ang kanilang mga estado, ay mababa rin. Ang gawain sa lugar na ito ay makahulugan, at matapos maisagawa ang gawaing pagsusulit sa kabuuan nito, ang Kanyang mga susunod na gawain ay magiging higit na mabuti. Kapag naisakatuparan ang yugto ng gawain na ito, gayon ang mga susunod na gawain ay matitiyak. Sa oras na matapos ang yugto ng gawain na ito, at makakamit nang lubusan ang dakilang tagumpay, at ang gawain ng panlulupig sa lahat ng dako ng buong sansinukob ay dadating sa isang ganap na katapusan. Sa katotohanan, kapag nagtagumpay ang mga gawain sa inyo, ito ay magiging katumbas ng tagumpay sa lahat ng dako ng buong sansinukob. Ito ang kahalagahan ng kung bakit ninanais Kong gawin kayong huwaran at uliran. Ang pagiging suwail, pagsalungat, karumihan, at kawalan ng katarungan…, ang lahat ay matatagpuan sa mga taong ito, at sa kanila ay kumakatawan ang pagiging suwail ng sangkatauhan—sila ay tunay ngang mahalaga. Kaya’t sila ay itinuring na halimbawa ng panlulupig, at sa oras na sila ay malupig sila ay natural na magiging mga huwaran at uliran para sa iba.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    6. Wala nang mas higit pang makabuluhan kaysa sa unang yugto sa isinasagawa sa Israel: Ang mga Israelita ang pinakabanal at pinaka-hindi tiwali sa lahat ng mga tao, kaya’t ang bukang-liwayway ng bagong panahon sa lugar na ito ay nagtaglay ng higit na kahalagahan. Maaaring sabihin na ang mga ninuno ng sangkatauhan ay nagmula sa Israel, at ang Israel ang lugar ng kapanganakan ng gawain ng Diyos. Sa simula, ang mga taong ito ang pinakabanal, at lahat sila ay sumamba kay Jehovah, at nagbunga ng pinakamagandang resulta ang mga gawain ng Diyos sa kanila. … Sila ang pinaka-hindi tiwali sa lahat ng sangkatauhan, at sa simula, sila ay nasa pag-iisip na mataas na pagtingin sa Diyos at gumagalang sa Kanya. Sinunod nila ang mga salita ni Jehovah, at patuloy na nagsilbi sa templo, at nagdamit ng mga kasuotang pang-pari at korona. Sila ang mga pinaka-unang tao na sumamba sa Diyos, at ang mga pinaka-unang pakay sa Kanyang gawain. Ang mga taong ito ay mga uliran at huwaran para sa buong sangkatauhan. Sila ay mga uliran at huwaran ng kabanalan at katuwiran. Ang mga taong katulad nina Job, Abraham, Lot, o Pedro at Timoteo—silang lahat ay mga Israelita, at ang mga pinakabanal sa mga huwaran at uliran. Ang Israel ang pinaka-unang bansa sa sangkatauhan na sumamba sa Diyos, at maraming mga tuwid na tao ang nagmula rito kaysa sa ibang lugar. Kumilos ang Diyos sa kanila upang mapamahalaan Niya nang maayos ang sangkatauhan sa lahat ng dako sa lupa sa hinaharap. Ang kanilang mga nagawa at ang kanilang katuwiran sa pagsamba nila kay Jehovah ay nakatala, upang sila ay magsilbing mga uliran at huwaran sa mga tao sa labas ng Israel sa Kapanahunan ng Biyaya; at ang kanilang mga kilos ay sumang-ayon sa ilang libong taon ng gawain, magpahanggang sa kasalukuyan.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    7. Ang pangalan ni Jesus ang nagtanda ng pagsisimula ng Kapanahunan ng Biyaya. Nang nagsimula si Jesus na gampanan ang Kanyang ministeryo, ang Banal na Espiritu ay nagsimulang magpatotoo sa pangalan ni Jesus, at ang pangalan ni Jehovah ay hindi na pinag-uusapan, at sa halip ay paunang sinimulan ng Banal na Espiritu ang bagong gawain sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Ang patotoo ng mga naniniwala sa Kanya ay inilahad para kay Hesu-Kristo, at ang gawain na kanilang isinagawa ay para rin kay Hesu-Kristo. Ang konklusyon ng Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan ay nangangahulugan na ang gawain na paunang isinagawa sa ilalim ng pangalan ni Jehovah ay matatapos na rin. Pagkatapos nito, ang pangalan ng Diyos ay hindi na Jehovah; sa halip Siya ay tinawag na Jesus, at mula rito ay sinimulan ng Banal na Espiritu ang gawain una sa lahat sa ilalim ng pangalan ni Jesus.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
     8. Kapag muling dumating si Jesus, ay nagbago na rin ang kapanahunan, gayon maaari pa rin ba Siyang tawagin na Jesus? Kilala lamang ba ang Diyos sa pangalan ni Jesus? Hindi ba Siya maaaring tawagin ng bagong pangalan sa isang bagong kapanahunan? Maaaring bang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan ang anyo ng isang tao at ang isang tanging pangalan? Sa bawat kapanahunan, gumagawa ang Diyos ng mga bagong gawain at Siya ay tinatawag sa bagong pangalan; paano Niya naisasagawa ang parehong gawain sa magkaibang kapanahunan? Paano Siya nananatili sa luma? Ang pangalan ni Jesus ay ginamit para sa gawain ng pagtubos, kaya matatawag pa rin ba Siya sa parehong pangalan kapag Siya ay bumalik sa mga huling araw? Isasagawa pa rin ba Niya ang gawain ng pagtubos? Bakit iisa lang si Jehovah at si Jesus, ngunit Sila ay tinatawag sa magkaibang pangalan sa magkaibang kapanahunan? Hindi ba dahil magkaiba ang mga kapanahunan ng Kanilang gawain? Maaaring bang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuoan ang iisang pangalan lamang? Sa paraang ito, nararapat na tawagin ang Diyos sa ibang pangalang sa ibang kapanahunan, nararapat gamitin ang pangalan upang baguhin ang kapanahunan at kumatawan sa kapanahunan, dahil walang anumang pangalan ang ganap na kakatawan sa Diyos Mismo. At ang bawat pangalan ay maaari lang kumatawan sa disposisyon ng Diyos sa isang tiyak na kapanahunan at kailangan lang upang kumatawan sa Kanyang gawain. Samakatuwid, maaaring mamili ang Diyos ng anumang pangalan na angkop sa Kanyang disposisyon upang kumatawan sa buong kapanahunan. Hindi alintana kung ito man ay kapanahunan ni Jehovah, o ang kapanahunan ni Jesus, ang bawat kapanahunan ay kinakatawan ng isang pangalan. Pagkatapos ng Kapanahunan ng Biyaya, ang huling kapanahunan ay dumating na at pumarito na si Jesus. Paanong Siya pa rin ay tinatawag na Jesus? Paano Niya nakakayang pang magkatawan sa anyo ni Jesus sa gitna ng tao? Nakalimutan mo na ba si Jesus ay isa lang imahe ng Nazareno? Nakalimutan mo na ba si Jesus ay ang Tagapagtubos lamang ng sangkatauhan? Paano Niya maisasagawa ang gawain ng panlulupig at gawing perpekto ang tao sa mga huling araw?
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    9. Sa tuwing darating ang Diyos sa lupa, babaguhin Niya ang Kanyang pangalan, ang Kanyang kasarian, ang kanyang anyo, at ang Kanyang gawain; hindi Niya inuulit ang Kanyang gawain, at lagi Siyang bago at hindi kailanman luma. Sa Kanyang pagdating noon, tinawag Siyang Jesus; maaari pa rin ba Siyang tawaging Jesus kapag bumalik Siya sa pagkakataong ito? Nang dumating Siya noon, Siya ay isang lalaki; maaari pa rin ba Siyang maging lalaki sa pagkakataong ito? Ang Kanyang gawain nang Siya ay pumarito noong Kapanahunan ng Biyaya ay maipako sa krus; kung Siya’y muling dumating, muli ba Niyang tutubusin ang sangkatauhan sa kasalanan? Ipapako pa rin ba Siya sa krus? Hindi ba’t iyon ay pag-uulit lamang ng Kanyang gawain? Hindi mo ba alam na ang Diyos ay bago at hindi kailanman luma?
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    10. Mayroong mga nagsasabi na ang Diyos ay di-mababago. Tama iyon, ngunit ito ay tumutukoy sa di-nababagong sangkap at disposisyon ng Diyos. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na ang Kanyang sangkap ay nagbago; sa madaling sabi, ang Diyos ay mananatiling Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, matatapos ba Niya ang Kanyang anim na libong taong plano sa pamamahala? Ang alam mo lamang ay hindi magpakailanman nagbabago ang Diyos, ngunit alam mo ba na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Kung hindi kailanman nagbago ang gawain ng Diyos, gayon madadala ba Niya ang sangkatauhan sa kasalukuyan? Kung hindi nagbabago ang Diyos, bakit Niya naisagawa ang gawain sa dalawang kapanahunan? Ang Kanyang gawain ay palaging umuunlad pasulong, ang Kanyang disposisyon ay unti-unting naibubunyag sa tao, at ang naibubunyag ay ang Kanyang likas na disposisyon. Sa simula, ang disposisyon ng Diyos ay nakatago mula sa mga tao, hindi Niya kailanman tuwirang ibinunyag ang Kanyang disposisyon sa tao, at walang kaalaman ang tao tungkol sa Kanya, kaya ginamit Niya ang Kanyang gawain upang unti-unting ibunyag ang Kanyang disposisyon sa tao, ngunit hindi ito nangangahulugan na ang Kanyang disposisyon ay nagbabago sa bawat kapanahunan. Hindi ito tungkol sa ang disposisyon ng Diyos ay patuloy sa pagbabago dahil ang Kanyang kalooban ay palaging nagbabago. Sa halip, dahil ang mga kapanahunan ng Kanyang gawain ay magkaiba, ang Kanyang likas na disposisyon sa kabuuan nito ay unti-unting naibunyag sa tao, nang sa gayon ay makilala Siya ng mga tao. Ngunit hindi ito patunay na sa simula ay walang tiyak na disposisyon ang Diyos at ang disposisyon Niya ay unti-unting nagbago sa paglipas ng mga kapanahunan—ang ganoong pagkaunawa ay mali. Ibinubunyag ng Diyos sa tao ang Kanyang likas, particular na disposisyon, kung ano Siya, ayon sa paglipas ng mga kapanahunan. Ang gawain sa nag-iisang kapanahunan ay hindi makapagpapaliwanag sa buong disposisyon ng Diyos. At kaya, ang mga salitang “Ang Diyos ay palaging bago at kailanman ay hindi luma” ay tumutukoy sa Kanyang gawain, at ang mga salitang “Ang Diyos ay hindi magbabago” ay tungkol sa likas na kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos. Gayunpaman, hindi mo maaaring maipaliwanag ang anim na libong taong gawain sa isang punto, o mailarawan ito sa pamamagitan ng mga di-nagbabagong mga salita lamang. Gayon ay ang kahangalan ng tao. Ang Diyos ay hindi payak katulad ng ipinapalagay ng mga tao, at ang Kanyang gawain ay hindi magtatapos sa isang kapanahunan lamang. Si Jehovah, halimbawa, ay hindi laging kakatawan sa pangalan ng Diyos; isinasagawa rin ng Diyos ang Kanyang gawain sa ilalim ng pangalan na Jesus, na isang simbolo ng kung paanong patuloy ang pag-unlad nang pasulong ng gawain ng Diyos.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    11. Ang Diyos ay mananatiling Diyos, at hindi kailanman magiging si Satanas; si Satanas ay mananatiling si Satanas, at hindi kailanman magiging Diyos. Ang karunungan ng Diyos, ang Kanyang pagiging kamangha-mangha, ang Kanyang katuwiran at Kanyang kadakilaan ay hindi kailanman magbabago. Ang Kanyang sangkap at kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay hindi kailanman magbabago. Subalit, ang Kanyang gawain, ay palaging umuunlad pasulong, laging lumalalim, dahil ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma. Sa bawat kapanahunan nagkakaroon ng bagong pangalan ang Diyos, sa bawat kapanahunan Siya’y nagsasagawa ng mga bagong gawain, at sa bawat kapanahunan ay hinahayaan Niyang makita ng bawat nilalang ang bagong Niyang kalooban at bago Niyang disposisyon. Kung hindi makikita ng mga tao ang paghahayag ng bagong disposisyon ng Diyos sa bagong kapanahunan, hindi ba nila ipapako Siya magpakailanman sa krus? At sa paggawa nito, hindi ba’t binibigyang kahulugan nila ang Diyos?
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
     12. Hindi inuulit ng Diyos ang Kanyang gawain sa bawat bagong kapanahunan. Simula nang dumating na ang mga huling araw, isasagawa Niya ang mga gawain ng mga huling araw, at ibubunyag ang Kanyang buong disposisyon sa mga huling araw. Ang mga huling araw ay nakahiwalay na kapanahunan, iyon ay kung saan sinabi ni Jesus na nararapat kayong magdusa sa mga sakuna, at sumailalim sa mga lindol, taggutom, at mga salot, na magpapakita na ito ay bagong kapanahunan at hindi na ang lumang Kapanahunan ng Biyaya. Kung, katulad ng sinasabi ng mga tao na ang Diyos ay hindi kailanman nagbabago, ang Kanyang disposisyon ay mahabagin at mapagmahal, at mahal Niya ang mga tao gaya ng Kanyang sarili, at naghahandog Siya ng kaligtasan sa bawat tao at hindi sila kailanman kinasusuklaman, gayon magagawa ba Niyang maisakatuparan ang Kanyang gawain? Nang dumating si Jesus, ipinako Siya sa krus, at inialay Niya ang Kanyang sarili para sa lahat ng makasalanan sa pamamagitan ng pag-alay ng Kanyang sarili sa harap ng altar. Naisakatuparan na Niya ang gawain ng pagtubos at naihatid na ang Kapanahunan ng Biyaya sa katapusan nito, kaya ano ang magiging layunin ng pag-uulit sa mga gawain ng kapanahunang iyon sa mga huling araw? Hindi ba’t ang paggawa ng parehong bagay ay isang uri ng pagtanggi sa gawain ni Jesus? Kung hindi isinagawa ni Jesus ang gawain ng pagpapapako sa krus kapag Siya ay nakarating sa yugtong ito, ngunit Siya ay nanatiling mahabagin at mapagmahal, makakaya ba Niyang dalhin ang kapanahunang ito sa katapusan? Makakaya bang wakasan ng mahabagin at mapagmahal na Diyos ang kapanahunan? Sa pangwakas Niyang gawain sa pagwawakas ng kapanahunan, ang disposisyon ng Diyos ay ang pagkastigo at paghatol, na ibinubunyag ang lahat ng di-matuwid, at hayagang hinahatulan ang lahat ng tao, at ginagawang perpekto ang mga tunay na nagmamahal sa Kanya. Ang ganitong disposisyon lang ang makapaghahatid sa kapanahunang ito sa isang katapusan.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    13. Dumating na ang mga huling araw. Ang lahat ng bagay ay isasaayos ayon sa uri, at hahatiin sa iba’t ibang klase ayon sa kanilang kalikasan. Ito ang oras kung kailan ibubunyag ng Diyos ang katapusan at ang hantungan ng tao. Kapag hindi sumailalim sa pagkastigo at paghatol ang tao, gayon walang paraan upang ibunyag ang pagsuway at di-pagkamatuwid ng tao. Tanging sa pamamagitan lang ng pagkastigo at paghatol maibubunyag ang katapusan ng lahat. Ipinapakita lang ng tao ang kanilang tunay na kulay kapag sila ay nakakastigo at hinahatulan. Ang kasamaan ay ibabalik sa kasamaan, ang kabutihan ay ibabalik sa kabutihan, at ang tao ay isasaayos ayon sa uri. Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol, ang katapusan ng lahat ng bagay ay maibubunyag, nang sa gayon ay maparusahan ang mga masasama at magantimpalaan ang mga mabubuti, at ang lahat ng tao ay nasa ilalim ng dominyon ng Diyos. Ang lahat ng gawain ay nangangailangan ng matuwid na pagkastigo at paghatol upang ito ay makamit. Dahil ang katiwalian ng tao ay naabot na ang rurok at ang kanyang pagsuway ay naging masyadong malala, tanging ang matuwid na disposisyon lang ng Diyos, na pangunahin ay isang pagkastigo at paghatol, at ibinunyag sa mga huling araw, ay maaaring baguhin at gawing ganap ang tao. Tanging ang disposisyong ito ang makapaglalantad ng kasamaan at gayon ay malubhang maparusahan ang lahat ng mga hindi matuwid. Samakatuwid, ang disposisyong ito ay nagtataglay ng kahalagahan ng kapanahunan, at ang pagbubunyag at pagpapakita ng Kanyang disposisyon ay para sa kapakanan ng gawain sa bawat bagong kapanahunan. Hindi ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang disposisyon nang gayon-gayon lang at nang walang kabuluhan. Kung ang katapusan ng tao ay naibunyag sa mga huling araw, naghahandog pa rin ang Diyos sa tao ng walang hanggang awa at pagmamahal, at kapag Siya ay mapagmahal pa rin sa mga tao, at hindi Niya hinahayaang sumailalim ang tao sa makatuwirang paghatol, kundi Siya’y nagpapamalas ng pagpaparaya, pagtitiis at pagpapatawad, kapag patuloy pa rin Siyang nagpapatawad sa tao anuman ang matinding kasalanang nagagawa niya, na walang makatuwirang paghatol, magwawakas ba ang lahat ng pamamahala ng Diyos? Kailan magagawang mapangunahan ng ganitong disposisyon ang sangkatauhan patungo sa tamang hantungan? Ipagpalagay, halimbawa, ang isang hukom na mapagmahal, mabuti at magiliw. Mahal niya ang mga tao sa kabila ng kanilang mga nagawang kasalanan, at siya ay mapagmahal at mapagparaya sa sinumang tao. Kailan niya makakayang abutin ang makatuwirang pasiya? Sa mga huling araw, tanging ang makatuwirang paghatol lang ang makapag-uuri sa tao at makapagdadala sa kanila sa bagong mundo. Sa paraang ito, ang buong kapanahunan ay maihahatid sa isang katapusan sa pamamagitan ng makatuwirang disposisyon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    14. Ang gawain ng Diyos sa kabuuan ng Kanyang pamamahala ay lubos na malinaw: Ang Kapanahunan ng Biyaya ay ang Kapanahunan ng Biyaya, at ang mga huling araw ay ang mga huling araw. Mayroong mga malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng bawat kapanahunan, dahil sa bawat kapanahunan nagsasagawa ang Diyos ng gawain na kakatawan sa kapanahunang iyon. Dahil ang mga gawain na nararapat isagawa sa mga huling araw ay pagsunog, paghatol, pagkastigo, poot, at pagkawasak upang matapos na ang kapanahunan. Ang mga huling araw ay tumutukoy sa pangwakas na kapanahunan. Sa pangwakas na kapanahunan, hindi ba tatapusin ng Diyos ang kapanahunan? At tanging sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol maihahatid ang kapanahunan sa isang katapusan. Ang layunin ni Jesus ay upang magpatuloy ang tao sa pag-iral, pamumuhay, at ang umiral sa mas maayos na paraan. Iniligtas Niya ang tao mula sa kasalanan nang sa gayon ay tumigil ang tao sa palagiang kasamaan at hindi na mamuhay pa sa Hades at impyerno, at sa pagligtas sa kanila mula sa Hades at impyerno, hinayaan Niyang magpatuloy na mabuhay ang tao. Ngayon, ang mga huling araw ay dumating na. Lilipulin Niya ang tao, wawasakin sila, na nangangahulugang babaligtarin Niya ang pagkamasuwayin ng tao. Sa gayon, ang mahabagin at mapagmahal na disposisyon ng Diyos ay mawawalan ng kakayahang tapusin ang kapanahunan, at walang kakayahan upang maisakatuparan ang anim na libong taong plano sa pamamahala ng Diyos. Ang bawat kapanahunan ay nagtatampok ng natatanging pagkatawan sa disposisyon ng Diyos, at ang bawat kapanahunan ay naglalaman ng mga gawain na nararapat isagawa ng Diyos. Kaya, ang mga gawain ng Diyos Mismo sa bawat panahon ay naglalaman ng pagpapahayag ng Kanyang tunay na disposisyon, at ang Kanyang pangalan at ang isinasagawa Niyang gawain ay nagbabago kasabay ng kapanahunan; ang lahat ng ito ay bago.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    15. Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang gawain ng paggabay sa sangkatauhan ay isinagawa sa ilalim ng pangalan ni Jehovah, at ang unang yugto ng gawain ay isinagawa sa lupa. Ang gawain sa yugtong ito ay upang magtatag ng mga templo at dambana, at upang gamitin ang kautusan upang gabayan ang mga tao sa Israel at gumawa sa kalagitnaan nila. Sa pamamagitan ng paggabay sa mga tao sa Israel, Siya ay nagtatag ng himpilan para sa Kanyang gawain sa lupa. Sa himpilang ito, pinalawak Niya ang Kanyang gawain lampas ng Israel, samakatuwid, mula sa Israel, pinalawak Niya ang Kanyang gawain palabas, nang sa gayon ang mga susunod na salinlahi ay unti-unting malaman na si Jehovah ay ang Diyos, at na nilikha ni Jehovah ang langit at ang lupa at ang lahat ng bagay, nilikha ang lahat ng nilalang. Ipinalaganap Niya ang Kanyang gawain sa mga tao sa Israel. Ang lupain ng Israel ang pinakaunang banal na lugar ng mga gawain ni Jehovah sa lupa, at ang mga unang gawain ng Diyos sa lupa ay sa lahat ng dako ng lupain ng Israel. Iyon ang mga gawain sa Kapanahunan ng Kautusan. Sa gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, si Jesus ang Diyos na nagligtas sa tao. Kung ano Siya at kung ano ang Kanyang taglay ay biyaya, pag-ibig, awa, pagtitiis, tiyaga, kababaang-loob, pag-aalaga, at pagpaparaya, at marami sa mga gawaing Kanyang isinagawa ay ang pagtubos sa tao. At para sa Kanyang disposisyon, ito ay isang may ang awa at pagmamahal, dahil Siya ay maawain at mapagmahal, kinailangan Niyang maipako sa krus para sa tao, nang sa gayon ay maipakita Niya na mahal ng Diyos ang tao gaya ng Kanyang sarili, sa lawak na inialay Niya ang Kanyang sarili sa Kanyang kabuuan. … Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang pangalan ng Diyos ay Jesus, na nangangahulugan na ang Diyos ay ang Diyos na nagligtas sa tao, at Siya ay isang maawain at mapagmahal na Diyos. Kasama ng tao ang Diyos. Ang Kanyang pagmamahal, ang Kanyang awa, at ang Kanyang kaligtasan ay naging kapiling ng bawat tao. Ang tao ay maaari lang magkamit ng kapayapaan at kagalakan, makatanggap ng Kanyang pagpapala, makatanggap ng Kanyang marami at malawak na biyaya, at matanggap ang Kanyang kaligtasan kung tinanggap ng tao ang Kanyang pangalan at tinanggap ang Kanyang presensiya. Sa pamamagitan ng pagkakapako ni Jesus sa krus, ang siyang mga sumunod sa Kanya ay nakatanggap ng kaligtasan at pinatawad sa kanilang mga kasalanan. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang pangalan ng Diyos ay Jesus. Sa madaling salita, ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya ay isinagawa una sa lahat sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos ay tinawag na Jesus. Gumawa Siya ng gawain na higit pa sa Lumang Tipan, at ang Kanyang gawain ay natapos sa pagpapapako sa krus, at iyon ang kabuuan ng Kanyang gawain. Samakatuwid, sa Kapanahunan ng Kautusan, Jehovah ang pangalan ng Diyos, at sa Kapanahunan ng Biyaya, ang pangalang Jesus ay kumatawan sa Diyos. Sa mga huling araw, ang Kanyang pangalan ay Diyos na Makapangyarihan sa Lahat—ang Makapangyarihan sa lahat, at ginagamit Niya ang Kanyang kapangyarihan upang gabayan ang tao, lupigin ang tao at makamit ang tao, at sa huli, wakasan ang kapanahunan. Sa bawat kapanahunan, sa bawat yugto ng Kanyang gawain, ang disposisyon ng Diyos ay kapansin-pansin.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
     16. Kung palaging pareho ang gawain sa bawat kapanahunan, at Siya ay tinatawag sa parehong pangalan, paano Siya makikilala ng tao? Ang Diyos ay nararapat tawaging Jehovah, at maliban sa Diyos na tinatawag na Jehovah, ang isang tinatawag sa anumang ibang pangalan ay hindi ang Diyos. Kung hindi, ang Diyos ay maaari lang tawaging Jesus, at ang Diyos ay hindi maaaring tawagin sa ibang mga pangalan maliban sa Jesus; maliban kay Jesus, hindi Diyos si Jehovah, at ang Diyos na Makapangyarihan sa Lahat ay hindi rin ang Diyos. Naniniwala ang tao na ang Diyos ay tunay na makapangyarihan, ngunit ang Diyos ay isang Diyos na kapiling ang tao; nararapat Siyang tawaging Jesus, dahil ang Diyos ay kapiling ang tao. Ang gawin ito ay pagsunod sa doktrina at pagkulong sa Diyos sa isang saklaw. Kaya, ang gawain na isinasagawa ng Diyos sa bawat kapanahunan, ang pangalan kung saan Siya ay tinatawag, at ang anyong Kanyang kinukuha, at ang bawat yugto ng Kanyang gawain hanggang ngayon, ay hindi sumusunod sa anumang alituntunin, at hindi sumasailalim sa anumang paghihigpit. Siya ay si Jehovah, ngunit Siya rin ay si Jesus, gayundin ang Tagapagligtas, at ang Diyos na Makapangyarihan sa Lahat. Ang Kanyang gawain ay unti-unting nagbabago, at may mga katumbas na pagbabago sa Kanyang pangalan. Walang iisang pangalan ang maaaring kumatawan sa Kanya, ngunit ang lahat ng pangalan kung saan Siya ay tinatawag ay maaaring kumatawan sa Kanya, at ang gawain na Kanyang isinasagawa sa bawat kapanahunan ay kumakatawan sa Kanyang disposisyon.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
   17. Sabihing, kapag dumating ang mga huling araw, ang Diyos na iyong pinagmamasdan ay si Jesus pa rin, Siya ay nakasakay sa puting ulap, at Siya pa rin ay nagtataglay ng anyo ni Jesus, at ang mga salitang Kanyang binibitawan ay mga salita pa rin ni Jesus: “Ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili, ikaw ay mag-ayuno at manalangin, ibigin mo ang iyong mga kaaway katulad ng iyong pagmamahal sa iyong sariling buhay, magtiis ka sa iyong kapwa, at maging mapagpaumanhin at mapagpakumbaba. Kailangan ninyong gawin ang lahat nito. Kung magkagayo’y tunay nga kayong mga alagad Ko.” Kapag ginawa mo ang lahat ng ito, maaari kang pumasok sa Aking kaharian. Hindi ba’t ito ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya? Hindi ba’t ito ang daang napag-usapan ang mga ito sa Kapanahunan ng Biyaya? Ano ang iyong nararamdaman kapag naririnig mo ang mga salitang ito? Hindi mo ba nararamdaman na ang mga ito ay gawain pa rin ni Jesus? Ito ba’y hindi pag-uulit ng Kanyang gawain? Maaari ba nitong bigyang-kasiyahan ang tao? Maaari mong maramdaman na ang gawain ng Diyos ay maaaring manatili lamang na katulad nang sa ngayon, at hindi na higit na uunlad pa. Mayroon lang Siyang dakilang kapangyarihan, walang bagong gawain na isasagawa, at narating na Niya ang Kanyang hangganan. Dalawang libong taon na ang nakalipas nang Kapanahunan ng Biyaya, at matapos ang dalawang libong taon, nangangaral pa rin Siya sa paraan na katulad sa Kapanahunan ng Biyaya, at pinagsisisi pa rin ang mga tao. Ang mga tao ay magsasabi, “Dakila lamang ang Iyong kapangyarihan, O Diyos. Naniniwala ako na Ikaw ay matalino, at gayunman ang alam Mo lamang ay mapagtimpi at mapagpakumbaba, ang alam Mo lang ay ang magmahal sa Iyong mga kaaway at walang nang iba.” Sa isip ng tao, mananatili ang Diyos magpakailanman na katulad nang sa Kapanahunan ng Biyaya, at ang tao ay patuloy na maniniwalang ang Diyos ay mahabagin at mapagmahal. Sa tingin mo ba ang gawain ng Diyos ay mananatiling laging naglalakad sa parehas na lumang lupain? Kaya, sa yugtong ito na Kanyang gawain, hindi Siya dapat ipako sa krus, at ang lahat ng inyong nakikita at nahahawakan ay hindi magiging katulad ng alinman sa inyong mga naisip at narinig.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
     18. Ang pangalang Jesus ba, “Sumama sa atin ang Diyos,” ay maaaring kumatawan sa buong disposisyon ng Diyos? Maaari ba nitong malinaw na maipaliwanag ang Diyos? Kung ang tao ay nagsasabi na ang Diyos ay maaari lang tawaging Jesus, at hindi maaaring magkaroon ng iba pang pangalan dahil hindi maaaring baguhin ng Diyos ang Kanyang disposisyon, ang mga salitang iyon ay kalapastanganan sa Diyos! Naniniwala ka bang ang pangalang Jesus, sumama sa atin ang Diyos, ay maaaring kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan? Maaaring tawagin sa iba’t ibang pangalan ang Diyos, ngunit sa mga pangalang ito, walang kahit isa ang makakayang lumagom sa lahat ng mayroon ang Diyos, walang kahit isa na maaaring lubos na kumatawan sa Diyos. At kaya maraming pangalan ang Diyos, ngunit ang mga pangalang ito ay hindi maaaring ganap na maihayag ang disposisyon ng Diyos, dahil ang disposisyon ng Diyos ay napakamasagana at lumalampas sa karunungan ng tao. … Ang isang tukoy na salita o pangalan ay walang kapangyarihan upang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan. Kaya maaari bang gumamit ng iisang permanenteng pangalan? Ang Diyos ay napakadakila at banal, kaya bakit hindi mo Siya hinahayaang magpalit ng Kanyang pangalan sa bawat bagong panahon? Sa bawat panahon na personal na isinasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, gumagamit Siya ng pangalan na naaangkop sa panahon upang lagumin ang gawain na Kanyang isinasagawa. Ginagamit Niya ang tukoy na pangalang ito, ang isang nagtataglay ng kahalagahan sa panahon, upang kumatawan sa Kanyang disposisyon sa panahong iyon. Ginagamit ng Diyos ang wika ng tao upang maipahayag ang Kanyang sariling disposisyon. … Darating ang araw na ang Diyos ay hindi na tatawaging Jehovah, Jesus, o ang Tagapagligtas—Siya ay tatawaging lamang na Manlilikha. Sa oras na iyon, ang lahat ng mga pangalan na Kanyang ginamit sa lupa ay magtatapos, dahil ang Kanyang gawain sa lupa ay matatapos na rin, pagtapos nito, hindi na Siya magkakaroon ng pangalan. Kapag ang lahat ng tao ay sumailalim sa dominyon ng Manlilikha, bakit Siya tatawagin sa labis na naaangkop ngunit hindi ganap na pangalan? Hinahanap mo pa rin ba ang pangalan ng Diyos ngayon? Tinatangka mo pa rin bang sabihin na ang Diyos ay tinatawag lang na Jehovah? Tinatangka mo pa rin bang sabihin na ang Diyos ay tinatawag lang na Jesus? Makakaya mo bang matiis ang kasalanan ng kalapastanganan sa Diyos? Nararapat mong malaman na ang Diyos sa simula ay walang pangalan. Gumamit lang Siya ng isa o dalawa, o maraming pangalan dahil mayroon Siyang gawaing kailangang isagawa at pamahalaan ang sangkatauhan. Kahit anuman ang tawag sa Kanya, hindi ba’t ito ay Kanyang pinili nang malaya? Kailangan ka ba Niya, isang nilalang, upang pagpasyahan ito? Ang pangalan kung saan tinatawag ang Diyos ay ayon sa kung ano ang nauunawaan ng tao at ang wika ng tao, ngunit ang pangalang ito ay di kayang lagumin ng tao. Maaari mo lang sabihin na mayroong Diyos sa langit, at Siya ay tinatawag na Diyos, at Siya ang Diyos Mismo na makapangyarihan, labis na matalino, labis na mataas, labis na kamangha-mangha, labis na mahiwaga, labis na makapangyarihan, at wala ka nang masasabi pang iba; iyon lang ang inyong nalalaman. Sa paraang ito, maaari bang kumatawan ang pangalan ni Jesus sa Diyos Mismo? Kapag dumating na ang mga huling araw, kahit na ang Diyos pa rin ang nagsasagawa ng mga gawain, kailangang magbago ang Kanyang pangalan, dahil ito ay panibagong panahon na.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
     19. Nang dumating si Jesus upang isagawa ang Kanyang gawain, ito ay sa ilalim ng gabay ng Banal na Espiritu; ginawa Niya ang kagustuhan ng Banal na Espiritu, at ito ay hindi ayon sa Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan o ayon sa gawain ni Jehovah. Kahit na ang gawain na isinagawa ni Jesus ay hindi para sa pagsunod sa mga kautusan ni Jehovah o ang mga tuntunin Niya, ang Kanilang pinagmulan ay pareho lang. Ang gawain na isinagawa ni Jesus ay kumatawan sa pangalan ni Jesus, at sa Kapanahunan ng Biyaya; ang gawain na isinagawa ni Jehovah, ay kumatawan kay Jehovah, at kumatawan sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang Kanilang mga gawain ay gawain ng isang Espiritu sa dalawang magkaibang panahon. Ang gawain na isinagawa ni Jesus ay maaari lang kumatawan sa Kapanahunan ng Biyaya, at ang gawain na isinagawa ni Jehovah ay maaari lang kumatawan sa Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan. Ginabayan lang ni Jehovah ang mga tao sa Israel at Ehipto, at lahat ng mga bansa sa labas ng Israel. Ang gawain ni Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya sa Bagong Tipan ay gawain ng Diyos sa ilalim ng pangalan ni Jesus habang Kanyang ginagabayan ang panahon. Kung iyong sasabihin na ang gawain ni Jesus ay batay sa gawain ni Jehovah, at hindi Siya nagsagawa ng anumang bagong gawain, at ang lahat ng Kanyang ginawa ay ayon lang sa mga salita ni Jehovah, ayon sa mga gawain ni Jehovah at mga hula ni Isaias, si Jesus ay hindi ang Diyos na naging laman. Kung isinagawa Niya ang Kanyang gawain sa paraang ito, isa Siyang apostol o isang manggagawa ng Kapanahunan ng Kautusan.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
      20. Kung katulad ito ng iyong sinasabi, gayon walang kakayahan si Jesus na magbukas ng panahon, ay hindi Siya makapagsagawa ng ibang gawain. Sa parehong paraan, ang Banal na Espiritu ay kailangan paunang isagawa ang Kanyang gawain sa pamamagitan ni Jehovah, at maliban sa pamamagitan ni Jehovah ang Banal na Espiritu ay walang kakayahang magsagawa ng anumang bagong gawain. Mali ang tao na makita ang gawain ni Jesus sa ganitong paraan. Kung naniniwala ang tao na ang gawaing isinagawa ni Jesus ay ayon sa mga salita ni Jehovah at mga hula ni Isaias, kung gayon, Si Jesus din ba ang Diyos na nagkatawang-tao, o isa ba Siyang propeta? Ayon sa pananaw na ito, wala ang Kapanahunan ng Biyaya, at hindi si Jesus ang katawang-tao ng Diyos, dahil ang gawain na Kanyang isinagawa ay hindi maaaring kumatawan sa Kapanahunan ng Biyaya at maaaring kumatawan lang sa Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan. Maaari lang magkaroon ng bagong panahon kapag nagsimula ng bagong gawain si Jesus, naglunsad ng bagong panahon, at pumasok sa gawain na isinagawa noon sa Israel, at hindi isinagawa ang Kanyang gawain ayon sa gawaing isinagawa ni Jehovah sa Israel, hindi sumunod sa luma Niyang mga tuntunin, at hindi sumunod sa anumang tuntunin, at isinagawa ang bagong gawain.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
     21. Ang Diyos Mismo ang nagsimula rin ng bagong panahon, at ang Diyos Mismo ang magtatapos sa panahong ito. Walang kakayahan ang tao na isagawa ang gawain ng pagsisimula ng isang panahon at pagwawakas ng isang panahon. Kung hindi tinapos ni Jesus ang gawain ni Jehovah, ito ay magpapatunay na Siya ay tao lang, at hindi kumakatawan sa Diyos. Ito ay tiyak dahil pumarito si Jesus at winakasan ang gawain ni Jehovah, ipinagpatuloy ang gawain ni Jehovah sa pamamagitan ng pagsisimula ng Kanyang sariling gawain, bagong gawain, ito ay nagpapatunay na ito ay bagong kapanahuan, at si Jesus ay Siya ring Diyos Mismo. Sila ay nagsagawa ng tiyak na magkaibang yugto ng gawain. Ang isang yugto ay isinagawa sa templo, at ang isa ay isinagawa sa labas ng templo. Ang isang yugto ay upang pangunahan ang buhay ng tao ayon sa kautusan, at ang isa ay upang maghandog ng alay para sa mga kasalanan. Ang dalawang yugto ng gawain na ito ay hindi maipagkakaila na magkaiba; ito ang paghahati ng bago at lumang panahon, at walang mali sa pagsabi na ang mga ito ay dalawang panahon! Ang kinaroroonan ng Kanilang mga gawain ay magkaiba, ang mga nilalaman ng Kanilang gawain ay magkaiba, at layunin ng Kanilang gawain ay magkaiba. Sa gayon, maaaring hatiin ang mga ito sa dalawang kapanahunan: ang Bago at Lumang Tipan, na ibig sabihin, ang bago at ang lumang mga kapanahunan. … Kahit na Sila ay tinatawag sa magkaibang pangalan, ang parehong yugto ng gawain ay isinagawa ng iisang Espiritu, at ang gawain ng pangalawa ay ang pagpapatuloy sa gawain ng una. Dahil magkaiba ang pangalan, at ang nilalaman ng gawain ay magkaiba, ang kapanahunan ay magkaiba rin. Nang dumating si Jehovah, iyon ang kapanahunan ni Jehovah, at nang dumating si Jesus, nagkaroon ng kapanahunan ni Jesus. At kaya, sa bawat pagkakataon na dumarating ang Diyos, Siya ay tinatawag sa iisang pangalan, kinakatawan Niya ang isang kapanahunan, at Siya ay nagbubukas ng bagong daan; at sa bawat bagong daan, Siya ay gumagamit ng bagong pangalan, na nagpapakita na ang Diyos ay laging bago at di-kailanman luma, at ang Kanyang gawain ay patuloy na umuunlad pasulong. Ang kasaysayan ay patuloy na sumusulong, at ang gawain ng Diyos ay patuloy na sumusulong. Upang marating ang katapusan ng Kanyang anim na libong taong plano sa pamamahala, nararapat itong patuloy na umunlad pasulong. Kailangan Niyang magsagawa ng bagong gawain sa bawat araw, kailangan Niyang magsagawa ng bagong gawain sa bawat taon; kailangan Niyang magbukas ng mga bagong daan, mga bagong kapanahunan, magsimula ng bago at higit na malaking mga gawain, at magdala ng mga bagong pangalan at gawain.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    22. Kung, katulad ng ipinapalagay ng mga tao, si Jesus ay darating, tinatawag pa ring Jesus sa mga huling araw, at nakasakay pa rin sa puting ulap, bumababa sa mga tao sa anyo ni Jesus, hindi ba ito isang pag-uulit ng Kanyang gawain? Mananatili ba ang Banal na Espiritu sa luma? Ang lahat ng pinaniniwalaan ng tao ay mga pagkaintindi, at ang lahat ng tinatanggap ng tao ay ayon sa literal na kahulugan, at ayon sa kanyang likhang-isip; ito ay wala sa mga prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu, at hindi umaayon sa layunin ng Diyos. Hindi ito gagawin ng Diyos; hindi hunghang at hangal ang Diyos, at ang Kanyang mga gawain ay hindi payak katulad ng inyong iniisip. Ayon sa lahat ng mga ginawa at ipinagpalagay ng tao, darating si Jesus sa isang ulap, at bababa sa inyo. Nararapat ninyo Siyang pagmasdan, at, habang Siya ay nakasakay sa puting ulap, sasabihin Niya na Siya si Jesus. Nararapat ninyo ring pagmasdan ang mga marka ng pako sa Kanyang mga kamay, at inyong malalaman na Siya si Jesus. At kayo ay muli Niyang ililigtas, at Siya ang inyong magiging makapangyarihang Diyos. Kayo ay Kanyang ililigtas, at bibigyan ng bagong pangalan, at ang bawat tao ay bibigyan Niya ng puting bato, pagkatapos nito, kayo ay pahihintulutan na makapasok sa kaharian ng langit at matanggap sa paraiso. Hindi ba’t ang mga paniniwalang ito ay mga pagkaintindi ng tao? Gumagawa ba ang Diyos ayon sa mga pagkaintinding tao o Siya’y gumagawa salungat sa mga pagkaintindi ng tao? Hindi ba’t ang lahat ng mga pagkaintindi ng tao ay nagmumula kay Satanas? Hindi ba’t ginawang tiwali ni Satanas ang lahat ng tao? Kung gumawa ang Diyos ayon sa pagkaintindi ng tao, hindi ba’t magiging kapareho lang ng Diyos si Satanas? Hindi ba’t magiging kapareho lang Niya ang mga nilalang? Dahil ang mga nilalang ngayon ay nagawang napaka-tiwali na ni Satanas, na ang tao ay naging mismong larawan ni Satanas, kung gumawa ang Diyos ayon sa mga bagay ni Satanas, hindi ba’t magiging kakampi Siya kay Satanas? Paano mauunawaan ng tao ang gawain ng Diyos? Kaya, hindi gumagawa ang Diyos ayon sa pagkaintindi ng tao, at hindi Siya gumagawa na katulad ng inyong ipinapalagay. Mayroong mga nagsasabi na sinabi ng Diyos Mismo na Siya ay darating na nasa ulap. Ito ay tunay na sinabi ng Diyos Mismo, ngunit alam mo ba na ang hiwaga ng Diyos ay hindi maaarok ng tao? Alam mo ba na ang mga salita ng Diyos ay hindi maipapaliwanag ng tao? Ikaw ba ay tiyak na napaliwanagan at naliwanagan ng Banal na Espiritu? Pinakita ba sa iyo ng Banal na Espiritu sa gayong tuwirang paraan? Ang mga ito ba ang pamamahala ng Banal na Espiritu, o ang mga ito ba’y iyong pagkaintindi? Siya ay nagsabi, “Sinabi ito ng Diyos Mismo.” Ngunit hindi natin magagamit ang ating mga sariling pagkaintindi at pag-iisip upang masukat ang mga salita ng Diyos. Para sa mga salita ni Isaias, mayroon ka bang buong pagtitiwala upang ipaliwanag ang kanyang mga salita? Pinangangahasan mo bang ipaliwanag ang kanyang mga salita? Dahil hindi ka nagkalakas-loob na ipaliwanag ang mga salita ni Isaias, bakit mo tinatangka na ipaliwanag ang mga salita ni Jesus? Sino ang mas itinataas, si Jesus o si Isaias? Dahil ang sagot ay si Jesus, bakit mo ipinaliliwanag ang mga salita ni Jesus? Sasabihin ba ng Diyos sa iyo ang Kanyang gawain nang patiuna? Walang nilalang ang maaaring makaalam, kahit na ang mga sugo ng langit, ni ang Anak ng tao, kaya paano mo malalaman? Malaki ang pagkukulang ng tao. Ang mahalaga sa inyo ngayon ay ang malaman ang tatlong yugto ng gawain.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    23. Mula sa gawain ni Jehovah hanggang sa iyong gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa iyong kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ay gawain ng isang Espiritu. Mula sa paglikha Niya sa mundo, pinamamahalaan na ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Katapusan, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang magpapasimula ng gawain at Siyang maghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito. Ang tatlong yugto ng gawain, sa magkakaibang kapanahunan at lugar, ay tiyak na isinagawa ng isang Espiritu. Ang lahat ng mga naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay sumasalungat sa Diyos. Ngayon, nararapat mong maunawaan na ang lahat ng gawain mula sa unang yugto hanggang sa ngayon ay ang gawain ng nag-iisang Diyos, gawain ng isang Espiritu, at ito ay hindi maipagkakaila.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.