Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Himno. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Himno. Ipakita ang lahat ng mga post

02 Hulyo 2020

Tinatapos ng Diyos na Nagkatawang-tao sa mga Huling Araw ang Kanyang Pamamahala


I
Diyos ay gumagawa sa katawang-tao,
upang tao'y mas malupig Niya.
Nang una S'yang naging tao,
tinubos Niya't pinatawad sila.
Ngayon ang paglupig at pagtatamo sa kanila.

25 Pebrero 2020

Sa Pagsunod Lamang sa Gawain ng Banal na Espiritu Makasusunod Hanggang Wakas


Tagalog Christian Song | Sa Pagsunod Lamang sa Gawain ng Banal na Espiritu Makasusunod Hanggang Wakas

I
Ang gawain ng Banal na Espiritu'y araw-araw nagbabago,
mas mataas sa bawat hakbang 
nang may mas maraming pagbubunyag.
Ganito gumagawa ang Diyos 
upang maperpekto ang sangkatauhan.
Kung di makasasabay ang tao, maaaring maiwan siya.
Kung walang pusong handang sumunod,
di siya makasusunod hanggang sa wakas.

04 Hunyo 2019

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Ugat ng Pagkalaban at Pagsuway ng Tao sa Diyos"


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang Ugat ng Pagkalaban at Pagsuway ng Tao sa Diyos


I
Ang pagka-Diyos ni Cristo ay higit kaysa lahat ng tao.
S'yang pinakamataas na awtoridad sa lahat ng likhang nilalang.
Ito ang pagka-Diyos Niya, disposisyon at katauhan Niya.
Ang mga ito ang nagpapasiya tungkol sa pagkakakilanlan Niya.
Normal ang pagkatao Niya, iba't iba ang papel Niya,
at lubusan Niyang sinusunod ang Diyos,
gayunman walang duda, Diyos pa rin Siya.

02 Marso 2019

Dinala na ng Cristo ng mga Huling Araw ang Panahon ng Kaharian



 Mga Himno | "Dinala na ng Cristo ng mga Huling Araw ang Panahon ng Kaharian"


I
Nang sa mundo ng tao dumating si Jesus,
dinala N'ya panahon ng Biyaya, 
tinapos Panahon ng Kautusan.
Muli Diyos naging tao sa mga huling araw.
Dinala N'ya Panahon ng Kaharian, 
tinapos Panahon ng Biyaya.
Gumawa sa gitna ng tao si Jesus 
para sangkatauha'y tubusin,
inialay na handog sa sala ng tao ang Sarili.
Pero masamang disposisyon ng tao'y nananatili.
Lahat ng tumatangap 
sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos 
aakayin sa Panahon ng Kaharian 
at tatanggap ng Kanyang gabay.
II
Para iligtas ang tao mula 
sa masamang impluwensya ni Satanas,
hindi sapat maging handog sa sala si Jesus.
Kailangang mas dakilang gawain ang gawin ng Diyos
para maalis ang disposisyon ng tao 
na nabahiran ni Satanas.
Gumawa sa gitna ng tao si Jesus 
para sangkatauha'y tubusin,
inialay na handog sa sala ng tao ang Sarili.
Pero masamang disposisyon ng tao'y nananatili.
Lahat ng tumatangap 
sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos 
aakayin sa Panahon ng Kaharian 
at tatanggap ng Kanyang gabay.

10 Setyembre 2018

Tagalog Christian Songs-Ang Diwa ni Cristo ay ang Diyos

Mga Himno, Hymn Videos, Awit  ng Papuri, Kristianong Awitin, Cristianong Musikang,
🙏💖🍎🍏🌈🌲🌎☆🙏💖🍎🍏🌈🌲🌎☆🙏💖🍎🍏🌈🌲🌎☆🙏


I
Diyos na nagkakatawang tao'y tinatawag na Cristo,
ang Cristong makapagbibigay ng katotohana'y Diyos.
Hindi kalabisang sabihin nang gayon.
Dahil angkin N'ya ang diwa ng Diyos.
Angkin N'ya ang disposisyon ng Diyos at dunong sa gawa N'ya,
na di-maabot ng tao.
Yaong tinatawag ang sarili na Cristo
pero di magawa ang gawain ng Diyos ay mga mandaraya,
'di katagala'y babagsak lahat.

05 Setyembre 2018

Tagalog Music Video- "Ganap na Inilalagay ng Diyos ang Kanyang Pag-asa sa Tao"


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ganap na Inilalagay ng Diyos ang Kanyang Pag-asa sa Tao

I
Mula sa simula hanggang ngayon,
tanging tao lamang ang maaaring makipag-usap sa Diyos.
Iyon ay, tanging tao ang maaaring makipag-usap sa Diyos,
sa lahat ng nabubuhay na bagay at kung ano ang nilikha Niya.
Tao ay may mga tainga upang makarinig,
at mga mata upang makakita;
may mga kaisipan, at wika,
pati na ang kanyang malayang kalooban.

15 Abril 2018

Awit ng Pagsamba | Dalanging Tunay


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang DiyosDalanging Tunay


I
Ang dalanging tunay ay mula sa puso.
Ito ay batay sa kalooban at salita ng Diyos.
Pakiramdam mo’y napakalapit mo sa Kanya,
at tila Siya ay kaharap mo.
Ibig sabihin nito’y marami kang masasabi sa Diyos,
puso mo’y umaalab na parang araw,
ika’y napupukaw ng kariktan ng Diyos,
ang mga nakakarinig ay naluluguran.
Ang dalanging tunay ay magdadala ng kapayapaa’t kagalakan,
ang pagmamahal sa Diyos ay palakas ng palakas,
ang halaga ng pag-ibig na iyon ay madarama;
at lahat ito’y magiging patunay na dalangin mo’y tunay.

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.