Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

12 Agosto 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Ikawalong Pagbigkas

 
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Makapangyarihang Diyos



    Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Ikawalong Pagbigkas


  Kapag nasa rurok na ang Aking kapahayagan at ang Aking paghatol ay malapit na sa katapusan, ito na ang magiging oras kung saan ang lahat ng Aking mga tao ay malalantad at magiging ganap. Ang Aking mga yabag ay lumilibot sa lahat ng sulok ng mundo ng sansinukob dahil sa walang katapusang paghahanap sa mga naghahangad ng Aking sariling puso at naaayon sa Aking paggamit. Sino ang maaaring tumayo at makikipagtulungan sa Akin? Ang pag-ibig ng tao sa Akin ay napakakulang at ang pananampalataya niya sa Akin ay hamak na maliit. Kung ang sidhi ng Aking mga salita ay hindi nakatuon sa mga kahinaan ng tao, siya ay magyayabang at magsasalita nang labis, mag-aastang relihiyosong lider, at lilikha ng matatayog na kuro-kuro, na para bang alam niya ang lahat at marunong sa lahat ng bagay sa mundo. Sino pa ang maglalakas-loob na magyabang sa gitna ng mga tapat sa Akin noon, at sa ngayon ay naninindigan sa Aking harapan? Sino ang hindi lantarang nagagalak sa kanilang sariling hinaharap? Nang hindi Ko tuwirang inilantad, ang tao ay walang lugar na napagtaguan, at nagdusa sa kahihiyan. Gaano kalala pa ito kung magsasalita Ako sa ibang paraan? Ang mga tao ay lalong makararamdam ng pagkakautang, sila ay maniniwala na walang makagagamot sa kanila, at ang lahat ay lalong magagapos ng kanilang pagsasawalang-kibo. Kapag ang tao ay nawalan ng pag-asa, ang pagpugay sa kaharian ay pormal ng umalingawngaw, kaya ito ay “ang oras kung kailan ang pitong beses na pinaigting na Espiritu ay nagsisimulang kumilos,” tulad ng sinabi ng tao; sa madaling salita, ang buhay ng kaharian ay opisyal na nagsimula sa daigdig, at iyon ay, nang ang Aking pagka-Diyos ay lumabas upang kumilos nang tuluyan (nang hindi kailangang iproseso ng utak). Ang lahat ng tao ay naging abala na maihahalintulad sa mga bubuyog; para bang muli silang nabuhay, na parang nagising sila mula sa isang panaginip, at pagkagising na pagkagising nila ay namangha sila nang makita ang kanilang sarili sa ganoong kalagayan. Noong nakaraan, marami Akong sinabi tungkol sa pagtatayo ng iglesia, inilahad Ko ang maraming hiwaga, at nang nasa rurok na ang pagtatayo ng iglesia, ito ay biglang nagwakas. Ang pagtatayo ng kaharian, gayon man, ay iba. Tanging kapag ang digmaan sa kahariang espirituwal ay nasa huling yugto, saka Ko sisimulang muli ang daigdig. Ito ay para sabihin na, tanging kapag malapit nang tumalikod and tao saka Ko lang pormal na sisimulan ang pagbangon ng Aking bagong gawain. Ang kaibahan sa pagtatayo ng kaharian at pagtatayo ng iglesia ay ganito, sa pagtatayo ng iglesia, Ako ay gumawa sa sangkatauhang pinamamahalaan ng pagka-Diyos. Tuwiran Kong pinakitunguhan ang lumang kalikasan ng tao, tuwirang inilantad ang pansariling kapangitan ng tao, at inihayag ang kakanyahan ng tao. Ang resulta, natutunan ng tao ang sarili niya sa ganitong paraan, at kaya ay napaniwala sa puso sa pamamagitan ng salita. Sa pagtatayo ng kaharian, Ako ay kumilos nang tuwiran sa Aking pagka-Diyos, at pinapahintulutan ang lahat ng tao na malaman kung anong mayroon Ako at sino Ako batay sa kaalaman ng Aking mga salita, at sa huli, pinapahintulutan silang makamit ang kaalaman tungkol sa Akin na nasa katawang-tao. Kaya ito ay magbibigay ng wakas sa paghahangad ng sangkatauhan sa isang malabong Diyos, at ito ay nagbibigay-katapusan sa lugar ng “Diyos ng langit” sa puso ng tao, na ibig sabihin ay, ito ay nagpapahintulot sa tao na malaman ang Aking mga gawa sa Aking katawang-tao, at winawakasan nito ang Aking panahon sa daigdig.


  Ang pagtatatag ng kaharian ay tuwirang nakatuon sa kahariang espirituwal. Sa madaling salita, ang digmaan sa kahariang espirituwal ay ginawang tuwirang payak sa lahat ng Aking mga tao, at sa pamamagitan nito, makikita na ang lahat ng tao ay laging nagdidigmaan, hindi lamang sa iglesia, ngunit lalong-lalo na sa Kapanahunan ng Kaharian at kahit na ang tao ay nasa laman, ang kahariang espirituwal ay tuwirang lantad, at ang tao ay nakikibahagi sa buhay sa kaharian ng espiritu. Kaya, kapag nagsimula kayong maging matapat, kayo dapat ay maghanda nang wasto para sa susunod na bahagi ng Aking gawain. Kailangan ninyong isuko ang kabuuan ng inyong puso, at saka lamang ninyo magagawang bigyang-lugod ang Aking puso. Wala Akong pakialam kung anuman ang dating ginawa ng tao sa iglesia; ngayon, ito ay nasa kaharian. Sa Aking plano, si Satanas ay laging nakasunod sa bawat hakbang, at, bilang kalaban ng Aking karunungan, ay laging sumusubok maghanap ng mga daan at paraan upang masira ang Aking orihinal na plano. Ngunit susuko ba Ako sa mapanlinlang na pamamaraan? Ang lahat ng sa langit at ng sa lupa ay naglilingkod sa Akin—ang mapanlinlang na pamamaraan ba ni Satanas ay may pagkakaiba? Ito mismo ang pinagsangahan ng Aking karunungan, at ito mismo ang kamangha-mangha sa Aking mga gawa, at ito ang alituntunin kung saan ang Aking buong plano sa pamamahala ay isinasakatuparan. Sa panahon ng pagtatayo ng kaharian, hindi Ko pa rin iniiwasan ang mapanlinlang na pamamaraan ni Satanas, ngunit patuloy pa rin sa gawain na dapat Kong gawin. Sa lahat ng bagay sa sanlibutan, napili Ko ang mga gawa ni Satanas bilang Aking kasalungat. Hindi Ko ba ito karunungan? Hindi ba ito mismo ang kamangha-mangha tungkol sa Aking gawa? Sa panahon ng pagpasok sa Kapanahunan ng kaharian, matinding pagbabago ang magaganap sa langit at sa lupa, at sila ay magdiriwang at magagalak. Kayo ba ay naiiba? Sino ang hindi nakararamdam ng sintamis ng pulot sa kanilang puso? Sino ang hindi sumasabog sa kagalakan sa kanilang puso? Sino ang hindi napapasayaw sa tuwa? Sino ang hindi makasambit ng salitang papuri?

  Sa lahat ng Aking binigkas at sinabi sa itaas, kuha ba ninyo ang layunin at pinagmulan ng Aking pagbikas, o hindi? Kung hindi Ko itinanong ito, karamihan sa mga tao ay maniniwala na Ako ay madaldal lamang, at hindi matutukoy ang pinanggalingan ng Aking mga salita. Kung pagninilay-nilayan ninyo ito nang mabuti, malalaman ninyo ang kahalagahan ng Aking mga salita. Basahin mo itong mabuti: Alin dito ang walang pakinabang sa iyo? Alin sa mga ito ang hindi makabubuti sa pag-unlad mo sa buhay? Alin sa mga ito ang hindi nagsasabi ng katotohanan ng kahariang espirituwal? Karamihan sa mga tao ay naniniwala na walang tugma o katuwiran sa Aking mga salita, na kulang sila sa paliwanag at interpretasyon. Ang Akin bang mga salita ay talagang lubhang hindi maunawaan at hindi maarok? Tunay bang ibinibigay ninyo nang buo ang inyong sarili sa Aking mga salita? Tunay bang tinatanggap ninyo ang Aking mga salita? Hindi ba ninyo ito itinuturing na mga laruan? Hindi ba ninyo ito ginagamit bilang damit para takpan ang pangit ninyong hitsura? Dito sa malawak na mundo, sino ang siya mismo ay nasuri Ko na? Sino mismo ang nakarinig sa mga salita ng Aking Espiritu? Napakaraming tao ang naghahagilap sa kadiliman, napakarami ang nagdarasal sa gitna ng kahirapan, napakarami ang naghihintay nang may pag-asa habang nagugutom at nilalamig, napakarami ang nakatali kay Satanas, ngunit napakarami rin ang hindi alam kung saan babaling, napakarami ang nagtaksil sa Akin sa gitna ng kasiyahan, napakarami ang walang utang na loob, at napakarami ang tapat sa mapanlinlang na pamamaraan ni Satanas. Sino sa inyo si Job? Sino si Pedro? Bakit Ko paulit-ulit na binabanggit si Job? At bakit ko tinutukoy si Pedro nang maraming beses? Naunawaan ba ninyo kahit minsan ang Aking mga inaasahan para sa inyo? Dapat ninyong mas gugulan ng oras ang pagbubulay-bulay ng ganoong bagay.

  Si Pedro ay tapat sa Akin nang maraming taon, ngunit hindi siya nagreklamo ni nagkaroon ng pagtutol sa kanyang puso, at kahit si Job ay hindi maitatapat sa kanya. Maging sa buong mga kapanahunan ang mga banal ay lahat hindi nakaabot sa kanya. Hindi lang niya pinagpursigihan ang kaalaman tungkol sa Akin, ngunit kinilala din Ako sa panahon na isinasakatuparan ni Satanas ang kanyang mapanlinlang na pamamaraan. Ito ang nagdala sa maraming taong serbisyo na sunod sa sarili Kong puso, at bunga nito, hindi siya napagsamantalahan ni Satanas kailanman. Si Pedro ay humugot ng pananampalataya kay Job, ngunit malinaw niyang napagtanto ang kanyang mga pagkukulang. Kahit na si Job ay may matinding pananampalataya, kulang ang kanyang nalalaman sa mga bagay tungkol sa kahariang espirituwal, at marami siyang sinabing mga salita na hindi tugma sa katotohanan; ito ay nagpapakita na ang kanyang kaalaman ay mababaw pa at hindi pa maaaring maging perpekto. At si Pedro naman ay laging naghahanap para sa paglago ng pakiramdam sa espiritu at laging nakatuon ang pagmasid sa kalakaran ng kaharian ng espiritu. Bunga nito, hindi lamang niya natiyak ang bagay na Aking kahilingan, kundi naintindihan din kahit kaunti ang mga mapanlinlang na pamamaraan ni Satanas, kaya’t ang kanyang kaalaman ay higit sa kahit kanino sa paglipas ng panahon.

  Mula sa mga karanasan ni Pedro, hindi mahirap makita na kung gugustuhin ng tao na makilala Ako, siya ay dapat magtuon nang maingat na pagsasaalang-alang sa espiritu. Hindi Ko hinihingi na magtalaga ka ng malaking bahagi para sa Akin sa paraang panlabas; pumapangalawa lamang ito. Kung hindi mo Ako kilala, kung gayon ang lahat ng pananampalataya, pag-ibig at katapatan na iyong sinabi ay isa lamang ilusyon, ito ay mga bula lang, at tiyak na ikaw ay maghahambog nang labis sa harap Ko, ngunit hindi kilala ang sarili niya, at kaya mabibitag ka na naman ni Satanas at hindi ka makakawala sa ganang sarili; ikaw ay magiging anak ng kapahamakan, at magiging kasangkapan sa pagkawasak. Ngunit kung ikaw ay nanlalamig at walang pakialam tungo sa Aking mga salita, ay walang dudang tutol ka sa Akin. Ito ay totoo, at mabuting tumingin sa pamamagitan ng pasukan patungo sa kahariang espirituwal sa marami at iba’t-ibang espiritu na kinastigo Ko. Sino sa kanila ang walang kibo, at walang pakialam, at walang pagtanggap sa Aking mga salita? Sino sa kanila ang hindi mapangutya sa Aking mga salita? Sino sa kanila ang hindi sumubok na unawain ang Aking mga salita? Sino sa kanila ang hindi gumamit ng Aking mga salita bilang pananggalang na sandata na ginamit para ingatan ang kanilang sarili? Hindi nila pinagpursigihan ang kaalaman tungkol sa Akin, sa pamamagitan ng Aking mga salita, ngunit ginawa lamang nila itong bagay para paglaruan. At dahil dito, hindi ba sila direktang sumalungat sa Akin? Sino-sino ang Aking mga salita? Sino ang Aking Espiritu? Napakaraming beses Ko nang iminungkahi ang ganitong mga salita sa inyo, ngunit ang mga nakikita ba ninyo kahit minsan ay naging mas matayog at malinaw? Totoo ba kahit minsan ang inyong mga karanasan? Pinapaalalahanan Ko kayong muli: Kung hindi ninyo alam ang Aking mga salita, huwag ninyo silang tanggapin, at huwag ninyo silang isagawa, at siguradong kayo ay makakatanggap ng Aking pagkastigo! Kayo ay siguradong magiging biktima ni Satanas!

Pebrero 29, 1992


Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Ang pinagmulan: Ang Ikawalong Pagbigkas

Rekomendasyon:Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.