Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pananampalataya. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pananampalataya. Ipakita ang lahat ng mga post

04 Oktubre 2019

Paano Manalangin sa Pinakaepektibong Paraan



Paano Manalangin sa Pinakaepektibong Paraan

Ni Zhi cheng

Alam ng lahat ng nakakaunawa sa Biblia na nananalig ang mga mamamayan ng Israel sa Diyos na Jehova sa loob ng maraming henerasyon. Sa tuwing malapit na silang matalo sa isang digmaan, nanalangin sila at tinulungan sila ng Diyos na talunin ang mga kaaway nila. Para makaiwas sa pagkalipol ng kanilang bansa, sinabihan ni Reyna Esther ang lahat ng Hudyo ng Susa na mag-ayuno at manalangin sa Diyos na Jehova at nagpunta siya sa hari kahit manganib ang sarili niyang buhay. Sa bandang huli, dahil sa ginawa niya, naligtas ang lahat ng Hudyo. Nang marinig si Jonah na nagpapahayag ng kalooban ng Diyos at malaman na wawasakin ng Diyos ang buong siyudad sa loob ng apatnapung araw,

02 Hunyo 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Ang Lihim na Tinanganan sa Kaibuturan ng Aking Puso



Wuzhi Siyudad ng Linyi, Lalawigan ng Shandong

Noong tagsibol ng 2006, inalisan ako ng katungkulan bilang pinuno at ipinadala pabalik sa kung saan ako nanggaling dahil labis nila akong itinuturing bilang isang “taong ‘di tumatanggi.” Sa una kong pagbabalik, bumulusok ako sa isang mapaminsalang pagdurusa at matinding paghihirap. Hindi ko kailanman naisip na matapos ang maraming taon ng pamumuno sa mga bagay-bagay ay mababalewala nang dahil sa pagiging isang “taong ‘di tumatanggi.”

17 Setyembre 2018

Ang Patotoo ng isang Cristiano-Regenerated in God’s Word

Magtagumpay, Overcomers, Patotoo, Pananampalataya,

Wang Gang    Shandong Province

I was a peasant. As my family was poor, I kept working everywhere to make money, just wanting to live a better life through my own labor. However, in real life I saw that the lawful rights and interests of a rural worker like me couldn’t be guaranteed at all. My wages were often withheld for no reason. Deceived and exploited by others again and again, I couldn’t get the payment I deserved for a year’s hard work. I felt that the world was too dark! People lived by the law of the jungle like animals and contended with and fought against each other. There was simply no place for me to live. When I was extremely distressed and depressed in my heart and lost confidence in life, a friend preached Almighty God’s end-time salvation to me. From then on, I often had meetings with the brothers and sisters, and we prayed, sang, and fellowshipped about the truth together.

02 Hulyo 2018

Mga Pagbigkas ni Cristo ng Mga Huling Araw | "Ikaw ba ay Totoong Mananampalataya sa Diyos?"



    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kayo ay humahanga at takot lamang sa di-nakikitang Diyos sa langit at walang pagsasaalang-alang sa buhay na Cristo sa lupa. Hindi ba ito rin ang inyong di-pananampalataya? Hinahangad lamang ninyo ang Diyos na gumawa sa nakaraan ngunit ayaw harapin ang Cristo ng panahong ito. Ito parati ang “pananampalatayang” humalo sa inyong mga puso na hindi nananampalataya sa Cristo ng panahong ito. Hindi Ko kayo minamaliit, sapagkat napakaraming di-pananampalataya sa inyong kaloob-looban, halos ang kabuuan ninyo ay marumi at dapat na masuri. Ang mga karumihang ito ay tanda na kayo ay walang anumang pananampalataya; ito ay marka ng inyong pagtatakwil kay Cristo at tinatatakan kayo bilang taksil kay Cristo. Ang mga ito ay mga talukbong na nagtatakip sa inyong kaalaman tungkol kay Cristo, isang hadlang sa pagkamit ninyo kay Cristo, isang balakid na pumipigil sa inyong pagiging-kaayon kay Cristo, at patunay na kayo ay hindi sinasang-ayunan ni Cristo."

16 Marso 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng DiyosSa Inyong  | Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos

   
  Bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Karamihan sa mga tao ay nalilito sa tanong na ito. Sila ay palaging may dalawang lubos na magkaibang pananaw tungkol sa praktikal na Diyos at sa Diyos na nasa  langit, nagpapakita na sila ay naniniwala sa Diyos hindi para tumalima, nguni’t para makatanggap ng ilang mga pakinabang, o para makatakas sa paghihirap ng kapahamakan. Saka lamang sila medyo tumatalima, subali’t ang kanilang pagtalima ay may kundisyon, ito ay para sa kapakanan ng kanilang mga sariling adhikain, at ipinilit sa kanila. Bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Kung ito ay para lamang sa kapakanan ng iyong mga adhikain, at iyong tadhana, mas mabuti pang huwag ka na lamang maniwala. Ang paniniwalang tulad nito ay panlilinlang-sa-sarili, paniniguro-sa-sarili, at pagpapahalaga-sa-sarili. Kung ang iyong pananampalataya ay hindi naitatag sa saligan ng pagtalima sa Diyos, sa kasukdulan ikaw ay parurusahan dahil sa iyong pagsalungat sa Diyos. Silang lahat na hindi hinahanap ang pagtalima sa Diyos sa kanilang pananampalataya ay sumasalungat sa Diyos. Hinihingi ng Diyos na hanapin ng mga tao ang katotohanan, na mauhaw sila sa mga salita ng Diyos, at kainin at inumin nila ang mga salita ng Diyos, at ito ay kanilang isagawa, upang makamit nila ang pagtalima sa Diyos. Kung ang iyong mga dahilan ay totoong ganoon, siguradong itatanghal ka ng Diyos, at tiyak na magiging mapagpala Siya tungo sa iyo. Walang sinuman ang kayang pagdudahan ito, at walang makapagbabago nito. Kung ang iyong mga adhikain ay hindi para sa kapakanan ng pagtalima sa Diyos, at mayroon kang ibang mga layunin, kung gayon ang lahat ng iyong sinasabi at ginagawa—ang iyong mga dasal sa harapan ng Diyos, at kahit ang bawa’t kilos mo—ay magiging pagsalungat sa Diyos. Maaaring ikaw ay may malumanay na pananalita at marahang pag-uugali, ang bawa’t kilos mo at pagpapahayag ay maaaring tama kung tingnan, maaaring lumilitaw ka bilang isa na tumatalima, subali’t pagdating sa iyong mga adhikain at mga pananaw tungkol sa pananampalataya sa Diyos, lahat ng iyong ginagawa ay pagsalungat sa Diyos, at masama. Ang mga taong nagpapakita na parang tumatalima gaya ng tupa, subali’t ang mga puso ay nagkakandili ng mga masasamang hangarin, ay mga lobo na nakadamit-tupa, sila ay direktang nagkakasala sa Diyos, at ang Diyos ay walang ititira kahit isa sa kanila. Ang Banal na Espiritu ang siyang magbubunyag sa bawa’t isa sa kanila, upang makita ng lahat na ang bawa’t isa sa kanila na mapagkunwari ay siguradong kamumuhian at itatakwil ng Banal na Espiritu. Huwag mag-alala: Ang Diyos ang siyang makikitungo at magpapasya sa kanila nang isa-isa.

08 Enero 2018

Salita ng Diyos | Ano ang Alam Ninyo Tungkol sa Pananampalataya?


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos  | Ano ang Alam Ninyo Tungkol sa Pananampalataya?



    Umiiral lamang sa tao ang hindi tiyak na salita ng pananampalataya, subalit hindi alam ng tao kung ano ang bumubuo sa pananampalataya, at lalo na kung bakit siya may pananampalataya. Masyadong maliit ang pang-unawa ng tao at ang tao mismo ay masyadong kulang; Siya ay may pananampalataya lamang sa Akin nang wala sa isip at walang pagkaalam. Bagaman hindi niya nalalaman kung ano ang pananampalataya o kung bakit siya may pananampalataya sa Akin, patuloy at mapilit niyang ginagawa. Ang hinihiling ko sa tao ay hindi lamang para tawagan niya Ako nang masidhi sa ganitong paraan o maniwala sa Akin sa isang paraang magulo. Sapagkat ang Aking gawain ay para sa tao upang makita niya Ako at makilala Ako, hindi para mamangha at tingnan Ako ng tao sa isang bagong liwanag dahil sa Aking gawain. Dati akong nagpamalas ng maraming tanda at himala at nagsagawa ng maraming milagro. Ang mga Israelita noong panahong iyon ay nagpakita sa Akin ng lubos na paghanga at lubhang sinamba ang Aking pambihirang kakayahang magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo. Noong panahong iyon, inakala ng mga Hudyo na ang Aking kapangyarihan sa pagpapagaling ay dalubhasa at hindi pangkaraniwan. Dahil sa Aking maraming naturang gawain, tinanaw nila Ako nang may respeto; nakaramdam sila ng malaking paghanga sa lahat ng Aking kapangyarihan. Kaya sinumang nakakita sa Aking gumawa ng mga milagro ay sinundan ako nang mabuti, kung saan napalibutan ako ng libu-libo upang panoorin akong magpagaling ng maysakit. Nagpamalas ako ng maraming tanda at himala, ngunit tinanaw lamang Ako ng tao bilang isang dalubhasang manggagamot; nagsalita rin Ako ng maraming salita ng pagtuturo sa mga tao noong panahong iyon, ngunit tinanaw lamang nila Ako bilang isang mataas na guro sa kanyang mga disipulo! Maging sa araw na ito, matapos matunghayan ng mga tao ang pangkasaysayang tala ng Aking gawain, nagpapatuloy ang kanilang interpretasyon sa Akin bilang isang magaling na doktor na nagpapagaling ng maysakit at isang guro sa mga mangmang. At tinukoy nila Ako bilang ang mahabaging Panginoong Jesucristo. Ang mga nagbibigay kahulugan sa banal na kasulatan ay maaaring nalampasan ang Aking kakayahan sa pagpapagaling, o maaaring mga disipulo na dinaig pa ang kanilang mga guro, ngunit ang mga ganoong tao na may dakilang katanyagan, na ang mga pangalan ay kilala sa buong mundo, ay tinatanaw Ako nang mababa bilang isang hamak na manggagamot! Mas higit pa sa bilang ng mga butil ng buhangin sa tabing-dagat ang Aking mga gawa, at mas lalong dakila pa kaysa sa lahat ng mga anak ni Solomon ang Aking karunungan, ngunit ang mga tao ay basta na lamang Akong pinapalagay bilang isang manggagamot na maliit ang kabuluhan at isang hindi kilalang guro ng tao! Gaano karami ang naniniwala sa Akin upang pagalingin lamang sila? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para gamitin lamang ang Aking kapangyarihan sa pagtaboy ng mga masasamang espiritu mula sa kanilang katawan? At gaano karami ang naniniwala sa Akin upang makatanggap lamang ng kapayapaan at kaligayahan mula sa Akin? Gaano karami ang naniniwala sa Akin upang hingian lamang Ako ng higit pang materyal na kayamanan, at gaano karami ang naniniwala sa Akin upang gugulin ang buhay na ito sa kaligtasan at upang maging ligtas at maayos sa mundong darating? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para maiwasan lamang ang paghihirap ng impiyerno at tumanggap ng mga pagpapala ng langit? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para lamang sa pansamantalang ginhawa ngunit hindi naghahangad na may makamit man lang sa mundong darating? Nang Ako ay naghatid ng Aking matinding galit sa tao at kinuha ang lahat ng kaligayahan at kapayapaan na dati niyang taglay, nagsimulang magduda ang tao. Nang ibinigay Ko sa tao ang paghihirap ng impiyerno at tinubos ang mga pagpapala ng langit, naging galit ang kahihiyan ng tao. Nang tinanong Ako ng tao upang pagalingin siya, ngunit hindi ko siya kinilala at nakadama ng poot para sa kanya, ang tao ay lumayo mula sa Akin at hinahangad ang paraan ng mga doktor sa pangungulam at mangbabarang. Nang inalis Ko ang lahat ng hiningi ng tao sa Akin, nangagsiwalaan ang lahat nang walang bakas. Samakatuwid, sinasabi Ko na ang tao ay may pananampalataya sa Akin sapagkat Ako’y nagbibigay ng masyadong maraming biyaya, at masyadong maraming pakinabang. Ang mga Hudyo ay naniwala sa Akin dahil sa Aking biyaya, at sumunod sa Akin saan man ako nagtungo. Ang mga ignoranteng tao na ito na may limitadong kaalaman at karanasan ay hinanap lamang ang mga tanda at himala na ipinamalas ko. Tinanaw nila Ako bilang pinuno ng tahanan ng mga Hudyo na kayang gumawa ng mga pinakamagagandang milagro. Samakatuwid, kapag pinalayas Ko ang mga demonyo mula sa mga tao, nag-uusap usap sila na may malaking kalituhan, sinasabing ako si Elijah, ako si Moses, na ako ang pinaka sinauna sa lahat ng mga propeta, na ako ang pinakamagaling sa lahat ng mga manggagamot. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing Ako ang buhay, ang daan at ang katotohanan, walang sinuman ang makaaalam ng Aking pagkatao o ng Aking pagkakakilanlan. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing ang langit ang lugar kung saan naninirahan ang Aking Ama, walang nakaalam na Ako ang Anak ng Diyos, at Diyos Mismo. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing dadalhin ko sa kaligtasan ang lahat ng sangkatauhan at tutubusin ang sangkatauhan, walang nakaalam na Ako ang Tagapagligtas ng sangkatauhan; kilala lang Ako ng tao bilang isang mabait at maawaing tao. At bukod sa Aking sarili na nagagawang ipaliwanag ang lahat ng tungkol sa Akin, walang nakakilala sa Akin, at walang naniwala na Ako ang Anak ng buhay na Diyos. Ang tao lang ang may ganitong paraan ng pananampalataya sa Akin, at nililinlang Ako sa ganitong paraan. Paanong magagawa ng tao na maging saksi sa Akin kapag taglay niya ang ganitong pananaw tungkol sa Akin?

02 Enero 2018

Anuman ang Sabihin ng Diyos ay ang Mismong Paghatol sa Tao

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Anuman ang Sabihin ng Diyos ay ang Mismong Paghatol sa Tao

Xunqiu    Lungsod ng Nanyang, Lalawigan ng Henan

    Madalas kong iniisip na hinatulan at kinastigo lang ng Diyos ang tao kapag ibinunyag Niya ang likas na katiwalian ng tao o nagpahayag ng masasakit na salita na humatol sa katapusan ng tao. Kailan lang nang isang insidente ang naghatid sa akin upang mapagtanto na kahit ang mga magiliw na salita ng Diyos ay Kanya ring paghatol at pagkastigo. Napagtanto ko na bawat salitang sinabi ng Diyos ay ang Kanyang paghatol sa tao.

Napakahalaga na Sundin ang Gawa ng Banal na Espiritu!

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang DiyosNapakahalaga na Sundin ang Gawa ng Banal na Espiritu!


Xiaowei    Lungsod ng Shanghai

    Ilang panahon na ang nakaraan, kahit na lagi akong nakakatanggap ng ilang mga inspirasyon at pakinabang kapag ang kapatid na siyang nakisama sa akin ay nagbahagi ng pagliliwanag na kanyang nakuha habang kumakain at umiinom ng salita ng Diyos, lagi rin akong nagkakaroon ng hindi maalis-alis na pakiramdam na siya’y nagyayabang. Iniisip ko sa sarili ko, “Kung sasagot ako sa kanya ngayon, hindi ko ba siya binubuyo? Sa ganoong diwa, hindi ba ako magmumukhang mas mababa sa kanya?” Bilang resulta, tumanggi ako na ilabas ang aking sariling mga pananaw sa usapan o magkomento sa anumang mga kaisipan na kanyang ibinahagi. Minsan, ang aking kapatid, ay nakakuha ng ilang mga kabatiran mula sa pagkain at pag-inom ng isang partikular na sipi ng salita ng Diyos, at nakaramdam na para bang may mali sa aming sitwasyon at tinanong ako kung payag ba akong pag-usapan kasama siya iyong sipi ng salita ng Diyos. Sa sandaling nagtanong siya, ang lahat ng mga saloobin at pakiramdam na ito ng hinanakit ay lumutang sa ibabaw: “Gusto mo lang magpatotoo sa iyong sarili, para magkaroon ng makikinig para pangaralan. Bakit ako dapat makipag-usap sa iyo?” Umabot pa ako sa punto na hindi ako dumalo ng pulong para lang hindi ko siya mapakinggan. Maya-maya, nakaramdam ako ng kabigatan sa aking puso, alam ko na may mali sa aking sitwasyon, ngunit hindi ako makapag-isip ng magandang paraan para malutas ang aking sariling panloob na sigalot. Ang tanging magagawa ko ay ituon nang todo ang aking sarili sa aking mga sariling tungkulin, kumain at uminom ng salita ng Diyos, at kumanta ng mga himno para ilihis ang aking sarili mula sa mga negatibong pakiramdam na ito. Gayun pa man, kapag kailangan kong harapin ang kasalukuyang sitwasyon, ang parehong katiwalian ay umuusbong sa aking puso—lumalala ang mga bagay, hindi bumubuti—wala akong ideya kung ano ang gagawin tungkol dito.

30 Nobyembre 2017

Ang Biblia at Diyos



Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos|Ang Biblia at Diyos


    Isang pastor si Liu Zhizhong sa isang lokal na bahay iglesia sa Tsina. Naging isa siyang mananampalataya sa mahigit 30 taon, at patuloy na pinananatili na "Ang Banal na Biblia ay kinasihan ng Diyos," "Kumakatawan sa Diyos ang Banal na Biblia, ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia, ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Diyos." Sa kanyang puso, ang Biblia ay napakahalaga. Dahil sa kanyang pagsamba at bulag na pananampalataya sa Biblia , hindi niya kailanman napag-aralan o natingnan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Hanggang sa isang araw, nang hinarangan niya ang mga mananampalataya mula sa online na pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nagkaroon siya ng pagkakataong makaharap ang mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matapos sumailalim sa mga matinding debate tungkol sa katotohanan, nagawa ba niyang makita nang malinaw sa huli ang relasyon sa pagitan ng Banal na Biblia at Diyos? Nagawa ba niyang lumayo mula sa Biblia upang maunawaan na si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay? Siya ba ay dadalhin sa harapan ng Diyos?

    Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

28 Nobyembre 2017

Ang himno ng Salita ng Makapangyarihang Diyos | Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos

I
Maraming tao’ng naniniwala,
ngunit kaunti lang ang nakakaunawa sa pananampalataya sa Diyos,
paano ba sasabayan ang pintig ng Kanyang puso.
Maraming may alam sa mga salitang “Diyos” at “gawain ng Diyos,”
ngunit di Siya kilala at ang mga gawain Niya.
Kaya pananalig nila’y bulag.
Sila’y di seryoso dito dahil ito’y kakaiba.
Kaya kapos sila sa mga hinihingi ng Diyos.
Kung di mo kilala ang Diyos at gawain N’ya,
angkop ka bang gamitin N’ya?
Matutupad mo ba ang hangad ng Diyos?

13 Nobyembre 2017

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Aklat, Pananampalataya, kaligtasan, Diyos, buhay,


Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos

  
  Bawa’t isa ay nakadarama na ang pamamahala ng Diyos ay kakaiba, dahil sa palagay ng tao ang pamamahala ng Diyos ay ganap na walang kaugnayan sa tao. Palagay nila ang pamamahalang ito ay gawain lamang ng Diyos nang mag-isa, ay sariling tungkulin ng Diyos, at sa gayon ang sangkatauhan ay walang malasakit sa pamamahala ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang kaligtasan ng sangkatauhan ay naging malabo at hindi malinaw, at ngayon ay walang iba kundi walang-lamang retorika. Kahit na sumusunod ang tao sa Diyos upang maligtas at makapasok sa magandang patutunguhan, ang tao ay walang pag-aalala para sa kung paano isinasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain. Ang tao ay walang pagpapahalaga sa kung ano ang mga plano ng Diyos na gawin at sa bahaging dapat niyang gampanan upang maligtas. Gaano kalunus-lunos iyan! Ang pagliligtas ng tao ay hindi maihihiwalay sa pamamahala ng Diyos, mas lalong hindi ito maaaring ihiwalay mula sa plano ng Diyos. Gayunman hindi iniisip ng tao ang pamamahala ng Diyos, at sa gayon ay mas lalong lumalayo sa Diyos. Dahil dito, ang dumadaming bilang ng mga tao ay nagiging mga tagasunod ng Diyos na hindi alam ang mga bagay na mayroong malapit na kaugnayan sa pagliligtas ng tao tulad ng kung ano ang paglikha, kung ano ang paniniwala sa Diyos, kung paano sumamba sa Diyos, at iba pa. Sa puntong ito, kung gayon, kailangan nating magkaroon ng pagtalakay tungkol sa pamamahala ng Diyos, upang malinaw na malaman ng bawat tagasunod. ang kahalagahan ng pagsunod sa Diyos at paniniwala sa Kanya. Makakaya rin nilang pumili ng landas na dapat nilang lakaran nang mas tumpak, sa halip ng pagsunod lamang sa Diyos upang makakuha ng mga biyaya, o maiwasan ang sakuna, o maging matagumpay.

09 Nobyembre 2017

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Dagundong ng Pitong Kulog— Nangangahula Na ang Kaharian ng Ebanghelyo ay Lalaganap sa Buong Sansinukob

Ebanghelyo, Kaharian, Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, pananampalataya, maghanap,

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Dagundong ng Pitong Kulog— Nangangahula Na ang Kaharian ng Ebanghelyo ay Lalaganap sa Buong Sansinukob

    Pinapalaganap Ko ang Aking gawa sa mga bansang Gentil. Sa buong sansinukob ay kumikislap ang Aking kaluwalhatian; ang Aking kalooban ay nasa pagpapakalat ng mga tao, lahat ay pinakikilos ng Aking kamay at isinasagawa ang kilos na Aking pinapalaganap. Magmula ngayon, pumasok Ako sa isang makabagong panahon at dadalhin ang lahat ng tao sa ibang mundo. Kapag bumalik Ako sa Aking “lupang tinubuan,” magsisimula Ako ng isa pang bahagi ng gawa na nasa orihinal Kong plano, upang ang tao ay humayo nang higit pang malaman ang tungkol sa Akin. Isinasaalang-alang Ko ang sansinukob sa kabuuan nito at nakikita na[a] ito ay isang magandang pagkakataon para sa Aking gawa, kaya’t naglalakbay Ako paroon at parito upang gawin ang Aking bagong tungkulin sa tao. Tutal naman, ito ay isang bagong panahon, at nagdudulot Ako ng bagong gawa upang dalhin ang maraming tao na bago sa panibagong panahon at upang palayasin ang marami sa mga dapat Kong alisin. Sa bayan ng malaking pulang dragon, nagsasagawa Ako ng isang yugto ng Aking gawa na hindi maarok ng tao at magdudulot sa kanila na manginig sa hangin, pagkatapos noon ay marami ang tahimik na maaanod paalis sa pag-ihip ng hangin. Ito ay ang “giikan” na nais Kong linisin; ito ay ang Aking hangad at ito rin ay Aking plano. Ito ay dahil maraming masasamang nilalang ang tahimik na lumipat habang Ako ay kumikilos, ngunit hindi Ako nagmamadali na sila ay palayasin. Bagkus, marapat Ko silang hawiin sa tamang panahon. Pagkatapos lang noon Ako ay magiging bukal ng buhay, upang ang mga tunay na nagmamahal sa Akin ay makatanggap mula sa Akin ng bunga ng puno ng igos at ang samyo ng lila. Sa lupain kung saan naninirahan nang panandalian si Satanas, ang disyerto, ay walang purong ginto, kundi buhangin lamang. Sa harap nito, nagsasagawa Ako ng nasabing yugto ng Aking gawa. Dapat mong malaman na ang Aking nakukuha ay puro, pinong ginto, at hindi buhangin. Paanong mananatili ang mga masasama sa Aking pamamahay? Paano Kong pahihintulutan ang mga soro na maging peste sa Aking paraiso? Gumagamit Ako ng lahat ng posibleng paraan upang sila ay mapaalis. Bago mabunyag ang Aking kalooban, walang sinuman ang nakakaalam kung ano ang Aking nais gawin. Gamit ang oportunidad na ito, iwinawaksi Ko ang mga masasama, at napilitan silang Ako ay iwan. Ito ang Aking ginagawa sa mga masama, ngunit mayroon pa ring araw para sa kanila na maghandog ng kanilang serbisyo para sa Akin. Ang pagnanais ng tao para sa mga pagpapala ay malabis; sa gayon ay iginagalaw ko ang Aking katawan at ipinapakita ang Aking maluwalhating mukha sa mga Gentil upang ang mga tao ay manirahan sa isang mundo nang sila lang at hatulan ang kanilang mga sarili, habang winiwika Ko ang mga salita na dapat Kong sabihin at binibigyan ang mga tao ng kanilang pangangailangan. Kapag ang mga tao ay natauhan na, matagal Ko nang naisakatuparan at naipalaganap ang Aking gawa. Pagkatapos, dapat Kong ipahayag ang Aking kalooban sa mga tao, at simulan ang pangalawang bahagi ng Aking gawa para sa tao, hinahayaan ang lahat ng tao na sundan Ako nang malapitan upang makiisa sa Aking gawa, at hinahayaan silang gawin sa abot ng kanilang makakaya ang gawain kasama Ako na marapat kong isakatuparan.

07 Nobyembre 2017

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Punong Salita

buhay, Pananampalataya, Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus, panginoon,

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Punong Salita


    Dapat muling suriin ng bawat isa sa inyo ang inyong buhay sa paniniwala sa Diyos upang tingnan kung, sa paghahangad sa Diyos, tunay na nauunawaan ninyo, tunay na naintindihan, at tunay na humantong sa pagkilala sa Diyos, kung tunay na nalalaman kung anong pag-uugali ang dinadala ng Diyos sa iba’t ibang uri ng mga taong nilalang, at kung tunay na nauunawaan ninyo kung ano ang ginagawa ng Diyos sa inyo at kung paano ipakahulugan ng Diyos ang kanyang bawat kilos. Ang Diyos na ito, na nasa tabi mo, na gumagabay sa direksiyon ng iyong pagsulong, na nagtatakda ng iyong tadhana, at nagtutustos ng iyong mga pangangailangan—gaano mo, sa panghuling pagsusuri, nauunawaan at gaano mo talagang nakikilala Siya? Alam mo ba kung ano ang ginagawa Niya sa iyo sa bawat araw? Alam mo ba ang mga saligan at layunin kung saan ibinabatay Niya ang Kanyang bawat pagkilos? Alam mo ba kung paano kang ginagabayan Niya? Alam mo ba ang mga paraan kung paano ka Niya tinutustusan? Alam mo ba ang mga pamamaraan na ginagamit Niya upang akayin ka? Alam mo ba kung ano ang ninanais Niya na makamit mula sa iyo at kung ano ang ninanais Niya na matamo sa iyo? Alam mo ba ang pag-uugali na ipinakikita Niya sa sari-saring paraan na ikinikilos mo? Alam mo ba kung ikaw ay isang taong iniibig Niya? Alam mo ba ang pinagmumulan ng Kanyang kaligayahan, galit, kalungkutan, at kagalakan, ang mga kaisipan at mga ideya na nasa likod ng mga ito, at ang Kanyang pinakadiwa? Alam mo ba, sa panghuli, kung anong uri ng Diyos ang Diyos na ito na iyong pinaniniwalaan? Ang mga tanong bang ito at iba pang mga tanong na ganito ay mga bagay na hindi mo kailanman naunawaan o naisip? Sa paghahangad ng iyong paniniwala sa Diyos, hinawi mo na ba, sa pamamagitan ng tunay na pagpapahalaga at karanasan sa mga salita ng Diyos, ang mga hindi pagkakaunawaan hinggil sa Kanya? Ikaw ba, pagkatapos tanggapin ang disiplina at pagtutuwid ng Diyos, ay dumating sa tunay na pagpapasakop at pagkalinga? Ikaw ba, sa gitna ng pagkastigo at paghatol ng Diyos, ay humantong upang malaman ang mapanghimagsik at satanikong kalikasan ng tao at nagtamo ng kakaunting pagkaunawa sa kabanalan ng Diyos? Ikaw ba, sa ilalim ng patnubay at pagliliwanag ng mga salita ng Diyos, ay nagsimulang magtaglay ng bagong pananaw sa buhay? Ikaw ba, sa gitna ng pagsubok na ipinadala ng Diyos, ay nakadama ng Kanyang kawalan ng pagpaparaya para sa mga pagkakasala ng tao pati kung ano ang kinakailangan Niya sa iyo at paano ka Niya inililigtas? Kung hindi mo nalalaman kung ano ang magkamali ng pang-unawa sa Diyos, o kung paano hawiin ang hindi pagkakaunawaan na ito, samakatwid maaaring sabihin ng sinuman na hindi ka kailanman pumasok sa tunay na pakikipag-isa sa Diyos at hindi kailanman naunawaan ang Diyos, o kahit papaano maaaring sabihin ng sinuman na hindi mo kailanman ninais na maunawaan Siya. Kung hindi mo nalalaman kung ano ang disiplina at pagtutuwid ng Diyos, samakatwid tiyak na hindi mo nalalaman ang pagpapasakop at pagkalinga, o kahit paano hindi ka kailanman tunay na nagpasakop at kumalinga para sa Diyos. Kung hindi mo kailanman naranasan ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, samakatwid tiyak na hindi mo nalalaman kung ano ang Kanyang kabanalan, at lalong hindi magiging malinaw sa iyo kung ano ang paghihimagsik ng tao. Kung hindi mo kailanman tunay na taglay ang tamang pananaw sa buhay, o tamang layunin sa buhay, ngunit ikaw ay nasa kalagayan ng pagkalito at kawalan ng pagpapasiya sa iyong landas sa hinaharap sa buhay, kahit sa punto na nag-aatubili na tumuloy pasulong, samakatwid tiyak na hindi ka kailanman tunay na nakatanggap ng pagliliwanag at patnubay ng Diyos, at maaari ring sabihin ng sinuman na ikaw ay hindi kailanman tunay na natustusan o napunang muli ng mga salita ng Diyos. Kung hindi ka pa dumaan sa pagsubok ng Diyos, samakatwid hindi na kailangang banggitin na tiyak na hindi mo nalalaman kung ano ang kawalan ng pagpaparaya ng Diyos sa mga pagsama ng loob ng tao, ni mauunawaan mo kung ano ang panghuling kinakailangan sa iyo ng Diyos, at lalong hindi kung ano, sa panghuli, ang Kanyang gawain sa pamamahala at pagliligtas ng tao. Ilang taon man na naniniwala ang isang tao sa Diyos, kung hindi siya kailanman nakaranas o nahiwatigan ng anuman sa mga salita ng Diyos, samakatwid tiyak na hindi siya lumalakad sa landas tungo sa kaligtasan, ang kanyang pananampalataya sa Diyos ay tiyak na walang tunay na nilalaman, ang kanyang kaalaman sa Diyos din ay tiyak na wala, at hindi kailangang banggitin na wala siyang ideya ng kahit na ano kung paano igalang ang Diyos.

    Ang mga pag-aari at pag-iral ng Diyos, ang pinakadiwa ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos—lahat ay ipinakilala sa Kanyang mga salita para sa sangkatauhan. Kapag nararanasan niya ang mga salita ng Diyos, hahantong ang tao sa proseso ng pagsasagawa nila na maunawaan ang layunin sa likod ng mga salita na ipinahahayag ng Diyos, at maunawaan ang bukal at pinanggalingan ng mga salita ng Diyos, at maunawaan at mapahalagahan ang nilayong epekto ng mga salita ng Diyos. Para sa sangkatauhan, ang mga ito ay ang lahat ng mga bagay na dapat maranasan, maunawaan, at maabot ng tao upang makamit ang katotohanan at buhay, maunawaan ang mga hangarin ng Diyos, magbago sa kanyang disposisyon, at makayang magpasakop sa soberanya at mga kaayusan ng Diyos. Sa parehong pagkakataon na nararanasan, nauunawaan at naaabot ng tao ang mga bagay na ito, unti-unti niyang matatamo ang pang-unawa sa Diyos, at sa panahong ito matatamo rin niya ang iba’t ibang antas ng kaalaman hinggil sa Kanya. Ang pang-unawa at kaalamang ito ay hindi lumalabas mula sa isang bagay na guni-guni o nilikha ng tao, ngunit sa halip mula sa kung ano ang pinahahalagahan, nararanasan, nararamdaman, at pinatutunayan niya sa kanyang ganang sarili. Tanging pagkatapos na mapahalagahan, maranasan, maramdaman, at mapatunayan ang mga bagay na ito na nakakamit ng kaalaman ng tao sa Diyos ang nilalaman, tanging ang kaalaman na natatamo niya sa panahong ito ay aktwal, tunay, at tumpak, at ang prosesong ito—ng pagkamit ng tunay na pang-unawa at kaalaman sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapahalaga, pagpaparanas, pagdamdam, at pagpapatunay ng Kanyang mga salita—ay walang iba kundi ang tunay na pakikipag-isa ng tao at Diyos. Sa gitna ng ganitong uri ng pakikipag-isa, ang tao ay tunay na hahantong upang mauunawaan at maiintindihan ng tao ang mga hangarin ng Diyos, tunay na hahantong upang mauunawaan at malaman ng tao ang mga pag-aari ng Diyos at pag-iral, tunay na hahantong upang mauunawaan at malaman ang pinakadiwa ng Diyos, unti-unting hahantong upang maunawaan at malaman ang disposisyon ng Diyos, darating nang may tunay na katiyakan hinggil sa, at tamang kahulugan, ng katotohanan ng dominyon ng Diyos sa lahat ng nilikha, at matamo ang makabuluhang tindig sa at kaalaman ng pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos. Sa gitna ng ganitong uri ng pakikipag-isa, binabago ng tao, nang bai-baitang, ang kanyang mga ideya hinggil sa Diyos, hindi na Siya gunigunihin mula sa kawalan, o pinaiiral ang kanyang mga hinala hinggil sa Kanya, o magkamali sa pang-unawa sa Kanya, o magbigay ng paghatol sa Kanya, o pagdudahan Siya. Bilang bunga, magkakaroon ang tao ng mas kakaunting pagtatalo sa Diyos, magkakaroon siya ng mas kakaunting mga sigalot sa Diyos, at magkakaroon ng kakaunting pagkakataon na maghihimagsik siya laban sa Diyos. Sa kabaligtaran, ang pagkalinga at pagpapasakop ng tao sa Diyos ay lalong lalago, at ang kanyang paggalang sa Diyos ay magiging mas makatotohanan pati mas malalim. Sa gitna ng ganitong uri ng pakikipag-isa, hindi lamang matatamo ng tao ang pagtatadhana ng katotohanan at bautismo ng buhay, ngunit matatamo rin niya ang tunay na kaalaman ng Diyos. Sa gitna ng ganitong uri ng pakikipag-isa, hindi lamang magbabago ang tao sa kanyang disposisyon at tumanggap ng kaligtasan, ngunit sa parehong panahon matatamo niya ang tunay na paggalang at pagsamba ng isang nilikhang nilalang tungo sa Diyos. Sa pagtataglay ng ganitong uri ng pakikipag-isa, ang pananampalataya ng tao sa Diyos ay hindi na magiging blangkong pilas ng papel, o isang pangako na inialok na pambobola lamang, o isang anyo ng bulag na paghahangad at pag-iidolo; tanging sa ganitong uri ng pakikipag-isa lalago ang buhay ng tao tungo sa kahinugan sa araw-araw, at tanging ngayon unti-unting magbabago ang kanyang disposisyon, at ang kanyang pananampalataya sa Diyos ay, bai-baitang, dadaan mula sa isang malabo at walang katiyakang paniniwala tungo sa tunay na pagpapasakop at pagkalinga, tungo sa tunay na paggalang; ang tao rin, sa kanyang paghahangad sa Diyos, ay unti-unting susulong mula sa isang pasibo tungo sa isang aktibong tindig, mula sa isang tao na pinakikilos tungo sa isang tao na gumagawa ng positibong pagkilos; tanging sa ganitong uri ng pakikipag-isa darating ang tao sa tunay na pang-unawa at pag-intindi sa Diyos, sa tunay na kaalaman sa Diyos. Dahil sa nakararami sa mga tao ang hindi kailanman pumasok sa tunay na pakikipag-isa sa Diyos, tumitigil ang kanilang kaalaman sa Diyos sa antas ng teorya, sa antas ng mga liham at doktrina. Ang ibig-sabihin, ang nakararami sa mga tao, ilang taon man na naniniwala sila sa Diyos, ay hanggang sa pagkakilala sa Diyos ang kinauukulan nasa parehong lugar pa rin kung saan sila nagsimula, napako sa saligan ng mga tradisyonal na anyo ng paggalang, kasama ang kanilang mga gayak na may maalamat na kulay at piyudal na pamahiin. Na dapat maantala ang kaalaman ng tao sa Diyos sa punto ng pagsisimula nito ay nangangahulugan na sadyang hindi ito umiiral. Bukod sa paninindigan ng tao sa katayuan at pagkakakilanlan ng Diyos, ang pananampalataya ng tao sa Diyos ay nasa kalagayan pa rin ng malabong kawalan ng katiyakan. Dahil dito, gaano kalaki na maaaring taglayin ng tao ang tunay na paggalang sa Diyos?

    Gaano man katatag ang paniniwala mo sa Kanyang pag-iral, hindi nito maaaring palitan ang lugar ng iyong kaalaman sa Diyos, ni ng iyong paggalang sa Diyos. Gaano man ang pagtamasa mo ng Kanyang mga pagpapala at Kanyang biyaya, hindi nito mapapalitan ang lugar ng iyong kaaalaman sa Diyos. Gaano ka man kahanda at kasabik na ilaan ang lahat ng iyo at gugulin ang lahat ng iyo para sa Kanyang kapakanan, hindi nito mapapalitan ang lugar ng iyong kaalaman sa Diyos. Marahil kabisadong-kabisado mo na ang mga salita na sinalita Niya o alam mo pa sila sa puso at maaaring bigkasin nang pabaligtad, pero hindi nito mapapalitan ang lugar ng iyong kaalaman sa Diyos. Gaano pa mang maaaring may hinahangad ang tao sa pagsunod sa Diyos, kung wala siya kailanman ng tunay na pakikipag-isa sa Diyos, o tunay na karanasan sa mga salita ng Diyos, samakatwid ang kanyang kaalaman sa Diyos ay hindi hihigit sa lubos na walang laman o isang walang katapusang paggalang; dahil lahat ng iyan maaaring ikaw ay “nakipagkiskisan ng mga balikat” sa Diyos sa pagdaan, o nakasalubong Siya nang harapan, ang iyong kaalaman sa Diyos ay maaari pa ring bokya, at iyong paggalang sa Diyos ay hindi hihigit sa isang walang lamang bukambibig o isang uliran.

    Itinatanghal ng maraming tao ang mga salita ng Diyos upang basahin araw-araw, kahit sa puntong isaulo ang lahat ng mga klasikong sipi doon bilang kanilang pinakaiingatang pag-aari, at dagdag pa rito ipinangangaral ang mga salita ng Diyos saan man, tinutustusan at tinutulungan ang iba sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Iniisip nila na sa paggawa nito ay ang sumaksi sa Diyos, ang sumaksi sa Kanyang mga salita, na ang paggawa nito ay ang pagsunod sa daan ng Diyos; iniisip nila na sa paggawa nito ay pagsasabuhay ng mga salita ng Diyos, na ang paggawa nito ay ang pagdadala sa Kanyang mga salita sa kanilang totoong mga buhay, na ang paggawa nito ang magpapangyari na matanggap ang pagpupuri ng Diyos, at upang mailigtas at gawing perpekto. Ngunit, kahit na ipinangangaral nila ang mga salita ng Diyos, hindi nila kailanman isinagawa ang mga salita ng Diyos sa, o sinusubukang iayon ang kanilang mga ganang sarili sa kung ano ang ibinunyag sa mga salita ng Diyos. Sa halip, ginagamit nila ang mga salita ng Diyos upang matamo ang paghanga at pagtitiwala ng iba sa pamamagitan ng panloloko, upang pumasok sa pamamahala sa ganang sarili nila, at upang lustayin at nakawin ang kaluwalhatian ng Diyos. Walang saysay silang umaasa na gagamitin ang pagkakataon na ibinigay ng pagpapalaganap ng mga salita ng Diyos upang mapagkalooban ng gawain ng Diyos at Kanyang pagpupuri. Ilang mga taon ang lumipas, ngunit hindi lamang walang kakayahan ang mga taong ito sa pagtamo ng pagpupuri ng Diyos sa proseso ng pangangaral ng mga salita ng Diyos, at hindi lamang sila walang kakayahan na tuklasin ang daang dapat nilang sundan sa proseso ng pagsaksi sa mga salita ng Diyos, at hindi lamang hindi sila nakatulong o nakatustos sa ganang sarili nila sa proseso ng pagtutustos at pagtulong sa iba sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, at hindi lamang sila walang kakayahan na kilalanin ang Diyos, o gisingin sa ganang sarili nila ang tunay na paggalang sa Diyos, sa proseso ng paggawa ng lahat ng mga bagay na ito; ngunit, sa kabaligtaran, lalong lumalim ang kanilang maling pang-unawa hinggil sa Diyos, mas lumala ang kanilang kawalan ng pagtitiwala sa Kanya, at mas wala sa katotohanan ang kanilang guni-guni hinggil sa Kanya. Tinustusan at ginabayan ng kanilang mga teorya hinggil sa mga salita ng Diyos, nagmimistulan silang ganap na handa, na parang ginagamit ang kanilang mga kasanayan nang walang kahirap-hirap, na parang nakita na nila ang layunin nila sa buhay, ang kanilang misyon, at parang nagwagi sila ng bagong buhay at nailigtas, na parang, ang mga salita ng Diyos na malutong na lumalabas sa dila sa pagbigkas, nakatamo sila ng pahintulot sa katotohanan, natarok ang mga hangarin ng Diyos, at natuklasan ang landas sa pagkilala sa Diyos, na parang, sa proseso ng pangangaral ng mga salita ng Diyos, madalas nilang hinaharap ang Diyos. Madalas din silang “natitinag” sa mga yugto ng pagpapalahaw, at madalas na ginagabayan ng “Diyos” sa mga salita ng Diyos, nagmimistulan silang walang tigil na tinatarok ang Kanyang taimtim na pagkandili at mabuting hangarin, at sa parehong panahon natarok ang pagliligtas ng Diyos sa tao at Kanyang pamamahala, humantong upang makilala ang Kanyang pinakadiwa, at naunawaan ang Kanyang matuwid na disposisyon. Batay sa saligang ito, tila mas matatag silang naniniwala sa pag-iral ng Diyos, na mas kilala ang Kanyang matayog na kalagayan, at mas malalim na nararamdaman ang Kanyang kadakilaan at transendensiya. Babad sa mababaw na kaalaman sa mga salita ng Diyos, lumilitaw na lumago ang kanilang pananampalataya, lumakas ang kanilang pagpapasiya na batahin ang pagdurusa, at lumalim ang kanilang kaalaman sa Diyos. Kakaunti ang nalalaman nila na, hanggang sa totoong maranasan nila ang mga salita ng Diyos, lumalabas ang lahat ng kanilang kaalaman sa Diyos at kanilang mga ideya hinggil sa Kanya mula sa kanilang sariling mapag-asam na guni-guni at sapantaha. Hindi makatatagal ang kanilang pananampalataya sa ilalim ng anumang uri ng pagsusuri mula sa Diyos, simpleng hindi makatatagal ang kanilang tinatawag na espirituwalidad at tayog sa ilalim ng pagsubok o pagsisiyasat ng Diyos, ang kanilang pagpapasiya ay wala kundi isang kastilyong itinayo sa buhangin, at ang kanilang tinatawag na kaalaman sa Diyos ay hindi hihigit sa kathang-isip ng kanilang guni-guni. Sa katunayan, ang mga taong ito, na, parang, nagbigay ng maraming punyagi sa mga salita ng Diyos, ay hindi kailanman natanto kung ano ang tunay na pananampalataya, kung ano ang tunay na pagpapasakop, kung ano ang tunay na pagkalinga, o kung ano ang tunay na kaalaman sa Diyos. Ginagamit nila ang teorya, guni-guni, kaalaman, kaloob, tradisyon, pamahiin, at kahit mga pagpapahalagang moral ng sangkatauhan, at ginagawa silang “kapital sa pamumuhunan” at “armas na pangmilitar” sa paniniwala sa Diyos at paghahangad sa Kanya, na ginagawa silang mga saligan ng kanilang paniniwala sa Diyos at kanilang paghahangad sa Kanya. Sa parehong panahon, ginagamit din nila ang kapital at armas na ito at ginagawa nilang anting-anting sa mahika sa pagkilala sa Diyos, sa pagharap at pakikipagtalo sa pagsisiyasat, pagsubok, pagkastigo, at paghatol ng Diyos. Sa katapusan, kung ano ang kanilang tinatamo ay wala at hindi hihigit sa mga palagay hinggil sa Diyos na babad sa relihiyosong konotasyon, sa piyudal na pamahiin, at sa lahat na romantiko, kakatwa, at matalinghaga, at ang kanilang pagkilala at pagpapakahulugan sa Diyos ay inihulma sa parehong hulmahan na katulad ng mga tao na naniniwala lamang sa Langit sa Kaitaasan, o ang Matandang Lalaki sa Kalangitan, habang ang katotohanan ng Diyos, ang Kanyang pinakadiwa, ang Kanyang disposisyon, ang Kanyang mga pag-aari at pag-iral, at iba pa--lahat na may kinalaman sa tunay na Diyos Mismo, ay mga bagay na nabigo ang kanilang kaalaman na tarukin, ay ganap na walang kabuluhan at malayong-malayo sa isa’t isa. Sa paraang ito, bagaman namumuhay sila sa ilalim ng pagtatadhana at pagpapalakas ng mga salita ng Diyos, magkagayunman hindi nila kinayang tunay na tahakin ang landas ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaaan. Ang tunay na dahilan nito ay hindi nila kailanman nakilala ang Diyos, hindi sila nagkaroon ng tunay na pakikipag-ugnayan o pakikipag-isa sa Kanya, at kaya hindi mangyayari na darating sila sa pang-unawa sa isa’t isa sa Diyos, o gisingin sa kanilang ganang sarili ang tunay na paniniwala sa, paghahangad sa, o pagsamba sa Diyos. Na dapat nilang ituring ng gayon ang mga salita ng Diyos, na dapat nilang ituring ng gayon ang Diyos—ang ganitong pananaw at pag-uugali ang humatol sa kanila na bumalik na walang mahihita mula sa kanilang mga pagsisikap, hinatulan sila na hindi kailanman sa kawalang-hanggan makakayang tumahak sa landas ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Ang layunin na kanilang nilalayon, at ang direksiyon na kanilang pupuntahan, ay nagbibigay pahiwatig na sila ay mga kaaway ng Diyos sa kawalang-hanggan, at na sa kawalang-hanggan hindi sila kailanman makatatanggap ng kaligtasan.

    Kung, sa kaso ng isang tao na sumunod sa Diyos sa maraming taon at nagtamasa ng pagtatadhana ng Kanyang mga salita sa loob ng maraming taon, ang kanyang pakahulugan sa Diyos ay, sa pinakadiwa nito, pareho ng isang tao na nagpapatirapa bilang paggalang sa harap ng mga idolo, samakatwid ipinahihiwatig nito na hindi nakamit ng taong ito ang katotohanan ng mga salita ng Diyos. Ito ay dahil talagang hindi siya nakapasok sa katotohanan ng mga salita ng Diyos, at dahil sa dahilang ito ang realidad, ang katotohanan, ang mga hangarin, at ang mga pangangailangan sa sangkatauhan, ang lahat nito likas na tinataglay ng mga salita ng Diyos, ay walang kinalaman kahit anuman sa kanya. Ibig-sabihin, gaano man kahirap na maaaring gumawa ang gayong tao sa paimbabaw na kahulugan ng mga salita ng Diyos, lahat ay walang saysay: Dahil ang hinahangad niya ay mga salita lamang, ang makukuha niya dahil sa pangangailangan ay mga salita lamang. Kung ang mga salita na ipinahayag ng Diyos ay, sa panlabas na kaanyuan, malinaw o mahirap unawain, silang lahat ay mga katotohanan na mahalagang mahalaga sa tao habang pumapasok siya sa buhay; sila ang bukal ng mga buhay na tubig na nagpapangyari sa kanya na makaligtas kapwa sa espiritu at sa katawang-tao. Nagbibigay sila ng kung ano ang kinakailangan ng tao upang manatiling buhay; ang kapaniwalaan at kredo sa pagsasagawa ng kanyang pang-araw-araw na buhay; ang landas, layunin, at direksiyon kung saan siya dadaan upang tumanggap ng kaligtasan, bawat katotohanan na dapat niyang ariin bilang isang nilikhang nilalang sa harap ng Diyos; at bawat katotohanan hinggil sa kung paano tumatalima at sumasamba ang tao sa Diyos. Sila ang mga garantiya na tumitiyak ng pagkaligtas ng tao, sila ang pang-araw-araw na tinapay ng tao, at sila rin ang matibay na suporta na nagpapangyari na maging malakas at tumindig ang tao. Sila ay mayaman sa realidad ng katotohanan ng normal na pagkatao katulad ng isinasabuhay ng nilikhang sangkatauhan, mayaman sa katotohanan kung saan kumakawala ang sangkatauhan sa katiwalian at naiiwasan ang mga silo ni Satanas, mayaman sa walang kapagurang pagtuturo, pangangaral, panghihimok, at kaaliwan na ibinibigay sa nilikhang sangkatauhan. Sila ang tanglaw na gumagabay at nagbibigay liwanag sa mga tao upang maunawaan ang lahat na positibo, ang garantiya na tumitiyak na ang mga tao ay isasabuhay at ariin ang lahat na matuwid at mabuti, ang pamantayan kung saan ang mga tao, pangyayari, at bagay ay lahat sinusukat, at ang palatandaan ng paglalayag na gumagabay sa mga tao tungo sa pagliligtas at landas ng liwanag. Tanging sa tunay na karanasan ng mga salita ng Diyos matutustusan ang tao ng katotohanan at buhay; tanging dito siya hahantong upang maunawaan kung ano ang normal na pagkatao, kung ano ang makahulugang buhay, kung ano ang isang tunay na nilikhang nilalang, kung ano ang tunay na pagsunod sa Diyos; tanging dito humahantong siya upang maunawaan kung paano dapat niyang kalingain ang Diyos, paano tuparin ang tungkulin ng isang nilikhang nilalang, at kung paano ariin ang wangis ng isang tunay na tao; tanging dito siya hahantong upang maunawaan kung ano ang kahulugan ng tunay na pananampalataya at tunay na pagsamba; tanging dito niya mauunawaan kung sino ang Namumuno sa mga langit at lupa at lahat ng mga bagay; tanging dito humahantong siya upang maunawaan ang pamamaraan kung paano namamahala, gumagabay, at naglalaan sa nilikha ang Isa na siyang Panginoon ng lahat ng nilikha; at tanging dito humahantong siya upang maunawaan at matarok ang mga pamamaraan kung paano umiiral, nahahayag at gumagawa ang Isa na siyang Panginoon ng lahat ng nilikha. … Inihiwalay mula sa tunay na karanasan ng mga salita ng Diyos, ang tao ay hindi nagtataglay ng tunay na kaalaman o kabatiran sa mga salita ng Diyos at katotohanan. Ang gayong tao ay isang lubos na namumuhay na bangkay, isang ganap na hungkag, at lahat ng kaalaman na may kaugnayan sa Maylalang ay walang kinalaman na anuman sa kanya. Sa mga mata ng Diyos, ang gayong tao ay hindi kailanman naniwala sa Kanya, ni kailanman sumunod sa Kanya, at kaya kinikilala siya ng Diyos hindi bilang Kanyang sumasampalataya ni bilang Kanyang tagasunod, lalong hindi bilang isang tunay na nilikhang nilalang.

    Ang tunay na nilikhang nilalang ay dapat makaalam kung sino ang Maylalang, para saan ang paglikha sa tao, paano isasagawa ang mga pananagutan ng isang nilikhang nilalang, at paano ang pagsamba sa Panginoon ng lahat ng nilikha, dapat maunawaan, matarok, malaman, at kumalinga sa mga hangarin, pagnanais, at pangangailangan ng Maylalang at dapat kumilos alinsunod sa paraan ng Maylalang—matakot sa Diyos at layuan ang kasamaan.
    Ano ang matakot sa Diyos? At paano ang paglayo sa kasamaan?

    Hindi nangangahulugan ang “Matakot sa Diyos” na walang katulad na pagkatakot at pagkasindak, ni upang umiwas, ni lumayo, ni pag-iidolo o pamahiin. Sa halip, ito ay paghanga, pagtatangi, pagtitiwala, pang-unawa, pagkalinga, pagtalima, paglalaan, pag-ibig pati walang pasubali at matiyagang pagsamba, pagganti, at pagsuko. Kung walang tunay na kaalaman sa Diyos, hindi magtataglay ang sangkatauhan ng tunay na paghanga, tunay na pagtitiwala, tunay na pang-unawa, tunay na pagkalinga o pagtalima, ngunit pangamba at kawalan ng kapalagayang-loob, pagdududa, maling pang-unawa, pag-iwas, at pangingilag lamang; kung walang tunay na kaalaman sa Diyos, hindi magtataglay ang sangkatauhan ng tunay na paglalaan at pagganti; kung walang tunay na kaalaman sa Diyos, hindi magtataglay ang sangkatauhan ng tunay na pagsamba at pagsuko, bulag na pag-iidolo at pamahiin lamang; kung walang tunay na kaalaman sa Diyos, hindi maaaring kumilos ang sangkatauhan alinsunod sa paraan ng Diyos, o matakot sa Diyos, o lumayo sa kasamaan. Sa kabaligtaran, bawat aktibidad at nakagawian kung saan nakikisangkot ang tao ay mapupuno ng paghihimagsik at pagsuway, kasama ang mga mapanirang pagbibintang at nakasisirang-puri na paghatol hinggil sa Kanya, at masamang asal na taliwas sa katotohanan at sa tunay na kahulugan ng mga salita ng Diyos.
    Sa pagkakaroon ng tunay na pagtitiwala sa Diyos, tunay na malalaman ng sangkatauhan kung paano sumunod sa Diyos at sumandig sa Kanya; tanging sa tunay na pagtitiwala sa at pagsandig sa Diyos ay maaaring magtaglay ang sangkatauhan ng tunay na pang-unawa at pag-intindi; kaalinsabay ng tunay na pag-intindi sa Diyos ay humahantong ang tunay na pagkalinga sa Kanya; tanging ang tunay na pagkalinga sa Diyos ay maaaring magtaglay ang sangkatauhan ng tunay na pagsunod; tanging ang tunay na pagsunod sa Diyos ay maaaring magtaglay ang sangkatauhan ng tunay na paglalaan; tanging sa tunay na paglalaan sa Diyos ay maaaring magtaglay ang sangkatauhan ng pagganti na walang pasubali at matiyaga; tanging sa tunay na pagtitiwala at pagsandig, tunay na pang-unawa at pagkalinga, tunay na pagsunod, tunay na paglalaan at pagganti, ay maaaring tunay na makilala ng sangkatauhan ang disposisyon ng Diyos at pinakadiwa, at malaman ang pagkakakilanlan ng Maylalang; tanging kapag tunay na humantong sila upang makilala ang Maylalang ay maaaring magising ang sangkatauhan sa kanilang ganang mga sarili ang tunay na pagsamba at pagsuko; tanging kapag nagtataglay sila ng tunay na pagsamba at pagsuko sa Maylalang ay makakaya ng sangkatauhan na tunay na isantabi ang kanilang mga masasamang paraan, ibig-sabihin, upang lumayo sa kasamaan.
    Ito ang bumubuo sa buong proseso ng “pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan,” at ito ang nilalaman din sa kabuuan nito ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan, pati ang landas na dapat tahakin upang humantong sa pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan.

    Ang “pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan” at pagkilala sa Diyos ay hindi maipaghihiwalay na magkaugnay sa hindi mabilang na mga sinulid, at ang pagkakaugnay sa pagitan nila ay kitang-kita. Kung nagnanais ang sinuman na matamo ang paglayo sa kasamaan, dapat munang magtaglay siya ng tunay na takot sa Diyos; kung nagnanais ang sinuman na matamo ang tunay na pagkatakot sa Diyos, dapat munang magtaglay siya ng tunay na kaalaman ng Diyos; kung nagnanais ang sinuman na matamo ang kaalaman sa Diyos, dapat muna niyang maranasan ang mga salita ng Diyos, pumasok sa reyalidad ng mga salita ng Diyos, maranasan ang pagtutuwid at disiplina ng Diyos, ang Kanyang pagkastigo at paghatol; kung nagnanais ang sinuman na maranasan ang mga salita ng Diyos, siya ay dapat humantong nang harapan sa Diyos, at humiling sa Diyos na magbigay ng mga pagkakataon na maranasan ang mga salita ng Diyos sa anyo ng lahat ng uri ng mga kapaligiran na nagsasangkot sa mga tao, pangyayari, at bagay; kung nagnanais ang sinuman na humantong nang harapan sa Diyos at bitbit ang mga salita ng Diyos, siya ay dapat munang magtaglay ng simple at tapat na puso, kahandaan na tanggapin ang katotohanan, ang kalooban na batahin ang pagdurusa, ang pagpapasiya at ang tapang na layuan ang kasamaan, at ang pangarap na maging tunay na nilikhang nilalang…. Sa paraang ito, ang pagpuntang pasulong na bai-baitang, lalo kang mapapalapit sa Diyos, ang iyong puso ay lalagong mas dalisay, at ang iyong buhay at ang halaga ng pagiging buhay, kaalinsabay ng iyong kaalaman sa Diyos, ay magiging higit kailanman makahulugan at mas magiging maliwanag. Hanggang isang araw, mararamdaman mo na ang Maylalang ay hindi na isang palaisipan, na ang Maylalang ay hindi kailanman nagtago sa iyo, na ang Maylalang ay hindi kailanman ikinubli ang Kanyang mukha sa iyo, na ang Maylalang ay hindi kailanman malayo sa iyo, na ang Maylalang ay hindi na ang Isa na walang tigil mong inaasam sa iyong mga kaisipan ngunit hindi mo maaaring abutin ng iyong mga damdamin, na Siya ay talagang at tunay na nagbabantay sa iyong kaliwa at kanan, nagtutustos ng iyong buhay, at tumatangan ng iyong tadhana. Wala Siya sa malayong abot-tanaw, ni inilihim Niya ang Kanyang Sarili sa itaas sa mga ulap. Siya mismo ay nasa iyong tabi, namamahala sa lahat ng iyo, Siya ay lahat ng bagay na tinataglay mo, at Siya ang tanging bagay na taglay mo. Pinahihintulutan ka ng gayong Diyos na ibigin Siya mula sa puso, kumapit sa Kanya, hawakan Siya, hangaan Siya, matakot na mawala Siya, at hindi na handang talikdan Siya, suwayin Siya, o iwasan Siya o ilayo Siya. Ang gusto mo lamang ay kalingain Siya, sumunod sa Kanya, gantihan ang lahat ng mga ibinibigay Niya sa iyo, at sumuko sa Kanyang dominyon. Hindi ka na tumatangging gabayan, tustusan, bantayan, at ingatan Niya, hindi na tumatanggi kung ano ang inuutos at iniaatas Niya sa iyo. Ang gusto mo lamang ay sumunod sa Kanya, lumakad na kasabay Niya sa Kanyang kaliwa o kanan, ang gusto mo ay tanggapin Siya bilang iyong nag-iisa at natatanging buhay, upang tanggapin Siya bilang iyong nag-iisa at natatanging Panginoon, nag-iisa at tanging Diyos.


Agosto 18, 2014

Mula sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon: Kidlat ng Silanganan
Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus

04 Nobyembre 2017

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal

pananampalataya, katotohanan, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus, relihiyon ,

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal
    
  Gaano karaming relihiyosong kaugalian ang sinusunod mo? Ilang beses ka na bang nagrebelde laban sa salita ng Diyos at pinili ang iyong sariling landas? Ilang beses mo na bang isinasagawa ang salita ng Diyos dahil tunay mong isinasaalang-alang ang Kanyang mga pasanin at hinahangad mong tuparin ang Kanyang nais? Unawain ang salita ng Diyos at isabuhay ito. Maging ma-prinsipiyo sa iyong mga kilos at gawa; hindi ito pagsunod sa mga patakaran o ginagawa nang labag sa kalooban para sa pagkukunwari. Bagkus, ito ay ang pagsasagawa ng katotohanan at pamumuhay sa salita ng Diyos. Tanging ang pagsasagawa na tulad nito ang nakalulugod sa Diyos. Ang anumang kaugaliang nakalulugod sa Diyos ay hindi isang patakaran kundi isang pagsasagawa ng katotohanan.

25 Oktubre 2017

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pananaw sa Gawain ng Diyos

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pananaw sa Gawain ng Diyos

     1. Sinimulan ni Juan ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ng langit pitong taon bago ang bautismo ni Jesus. Para sa mga tao, ang mga isinagawa niyang gawain ay tila higit sa mga gawain ni Jesus, ngunit siya ay, gayunpaman, isa rin lamang propeta. Hindi siya nangusap at gumawa sa loob ng templo, ngunit sa mga bayan at nayon sa labas nito. Ito ay ginawa niya, sa katunayan, sa bayan ng mga Hudyo, lalo na ang mga mahihirap. Bihira siyang nakisalamuha sa mga taong mula sa mataas na antas ng lipunan, ipinalalaganap lang ang ebanghelyo sa mga karaniwang tao sa Judea upang maihanda ang mga karapat-dapat na mga tao para sa Panginoong Jesus, at maihanda ang mga naaangkop na lugar kung saan Siya ay maaaring gumawa. Dahil mayroong propetang katulad ni Juan upang maghanda, nakapagsimula agad ang Diyos sa Kanyang daan ng krus matapos ang pagdating Niya. Nang nagkatawang-tao ang Diyos upang isagawa ang Kanyang gawain, hindi Niya kinailangang isagawa ang pamimili ng mga tao, at hindi Niya kinailangang personal na maghanap ng mga tao o ng lugar kung saan Siya gagawa. Hindi Siya nagsagawa ng mga ganoong gawain nang Siya ay dumating; inihanda na ng isang karapat-dapat na tao ang lahat bago pa Siya dumating. … Gumawa si Juan sa loob ng pitong taon, gayon maaaring sabihin na ipinalaganap niya ang ebanghelyo sa loob ng pitong taon. Sa panahon ng kanyang gawain, hindi nagsagawa si Juan ng mga himala, dahil ang kanyang gawain ay ang ihanda ang lahat para kay Jesus. Ang lahat ng ibang mga gawain, ang gawaing isasagawa ni Jesus, ay walang kaugnayan sa kanya; hiniling lang niya sa mga tao na ipagtapat ang kanilang mga kasalanan at magsisi, at bautismuhan ang mga tao, upang sila ay maligtas. Kahit na nagsagawa siya ng mga bagong gawain, at nagbukas ng daan na hindi pa kailanman nilalakaran ng tao, inihanda rin lamang niya ang daan para kay Jesus. Siya ay propeta na nagsagawa lang ng gawain ng paghahanda, at walang kakayahan upang isagawa ang gawain ni Jesus. Hindi man si Jesus ang unang nangusap ng ebanghelyo ng kaharian ng langit, at kahit ipinagpatuloy Niya ang landas na sinimulan ni Juan, wala pa ring makagagawa ng Kanyang gawain, at ito’y higit sa gawain ni Juan. Hindi kayang ihanda ni Jesus ang sarili Niyang daan; ang Kanyang gawain ay direktang naisagawa sa ngalan ng Diyos. Kaya, gaano man kadaming taong gumawa si Juan, siya ay isa pa ring propeta at isa ring naghanda sa daan ni Jesus. Ang tatlong taong gawain ni Jesus ay hinigitan ang pitong taon na gawain ni Juan, dahil ang sangkap ng kanilang mga gawain ay hindi pareho.

09 Oktubre 2017

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ano ang Relasyon sa Pagitan ng Diyos at ng Biblia?




Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ano ang Relasyon sa Pagitan ng Diyos at ng Biblia?
Sa dalawang libong taon, tayo ay naniwala sa Panginoon ayon sa Biblia, at napakarami sa atin ang naniniwalang “Ang Biblia ang kumakatawan sa Panginoon, ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia, ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Diyos.” Tama ba ang mga ideyang ito? Ano ba talaga ang ibig sabihin ng paniniwala sa Diyos? Ano ang ibig sabihin ng maniwala sa Biblia? Ano ang relasyon sa pagitan ng Biblia at Diyos? Nangangahulugan ba na ang bulag na pananampalataya at pagsamba sa Biblia ay ang paniniwala at pagsamba ninyo sa Diyos? Ibubunyag sa inyo ng video na ito ang mga sagot!

25 Setyembre 2017

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos, katotohanan, buhay,

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II
  Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos

  Ngayong narinig ninyo na ang nakaraang paksa sa pagsasamahan na tungkol sa awtoridad ng Diyos, nakatitiyak Ako na nasangkapan na kayo ng sapat na mga salita sa bagay na ito. Gaano man ang kaya ninyong tanggapin at unawain ay depende kung gaanong pagsasagawa ang ibubuhos ninyo dito. Umaasa Ako na buong sikap ninyong maaabot ang bagay na ito; huwag kayong makitungo dito nang hindi bukal sa puso kahit sa anong paraan! Ngayon, ang pagkilala ba sa awtoridad ng Diyos ay katulad ng pagkilala sa kabuuan ng Diyos? Maaaring masabi ng isang tao na ang pagkilala sa awtoridad ng Diyos ay ang simula ng pagkilala sa natatanging Diyos Mismo, at masasabi din ng iba na ang pagkilala sa awtoridad ng Diyos ay nangangahulugang nakatapak na ang isang tao sa pintuan ng pagkakilala sa diwa ng natatanging Diyos Mismo. Ang pagkilalang ito ay isang bahagi ng pag-unawa sa Diyos. Ano ang iba pang bahagi kung gayon? Ito ang paksa na nais Kong pagsamahan natin ngayon–Ang matuwid na disposisyon ng Diyos.

16 Setyembre 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Paano Makilala ang Diyos na nasa Lupa

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos, katotohanan, pananampalataya

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Paano Makilala ang Diyos na nasa Lupa
    Kayong lahat ay nagagalak na makatanggap ng gantimpala sa harap ng Diyos at makilala ng Diyos. Ito ang nais ng bawat isa pagkatapos niyang magsimulang manampalataya sa Diyos, sapagkat ang tao ay naghahangad ng mas mataas na bagay ng buong puso at wala sa kanila ang may nais mapag-iwanan ng iba. Ito ang pamamaraan ng tao. Sa ganitong katuwiran, marami sa inyo ang laging sinusubukan na makamit ang pagtangi ng Diyos na nasa langit, ngunit sa katotohanan, ang inyong katapatan at sinseridad sa Diyos ay sobrang kakaunti kumpara sa inyong katapatan at sinseridad sa sarili. Bakit Ko sinasabi ito? Sapagkat talagang hindi Ko kinikilala ang inyong katapatan sa Diyos, at lalong hindi Ko tatanggapin ang pagkakaroon ng Diyos sa loob ng inyong mga puso. Sa madaling sabi, ang Diyos na inyong sinasamba, ang malabong Diyos na inyong hinahangaan, ay talagang hindi namalagi. Ang dahilan kung bakit nasasabi Ko ito nang tiyak ay sapagkat napakalayo pa ninyo sa tunay na Diyos. Ang katapatan ninyong taglay ay galing sa pagkakaroon ng ibang diyus-diyosan sa inyong mga puso, at para sa Akin, ang Diyos na ipinapalagay bilang malaki o maliit sa inyong mga mata, kinikilala ninyo Ako sa salita lamang. Kapag nagsasalita Ako sa inyong malaking agwat mula sa Diyos, ang tinutukoy Ko ay kung gaano kayo kalayo sa tunay na Diyos, samantalang ang malabong Diyos ay parang napakadaling abutin. Kapag sinabi Kong “hindi dakila” ang tinutukoy nito ay kung paanong ang Diyos na inyong sinasampalatayanan sa kapanahunan ngayon ay mukhang tao lang na walang makapangyarihang kakayanan; isang tao na hindi masyadong matayog. At kapag sinabi Kong “hindi maliit”, ang ibig sabihin nito ay kahit ang taong ito ay hindi kayang tawagin ang hangin at utusan ang ulan, kaya Niyang tumawag sa Espiritu ng Diyos para gumawa ng gawaing makayayanig sa langit at lupa, ito ang nakatutuliro sa tao. Sa panlabas na anyo, makikita kayong napakamasunurin sa Cristong nasa lupa, bagamat sa pinakadiwa wala kayong pananampalataya sa Kanya ni pag-ibig sa Kanya. Ang ibig Kong sabihin ay ang tunay ninyong sinasampalatayanan ay ang malabong Diyos sa inyong damdamin, at ang tunay ninyong minamahal ay ang Diyos ninyong hinahangad sa gabi at sa araw, ngunit hindi nakita ng personal kailanman. At para sa Cristong ito, ang pananampalataya ninyo ay maliit na bahagi lamang, at ang inyong pag-ibig sa Kanya ay balewala. Ang ibig sabihin ng pananampalataya ay paniniwala at pagtitiwala; ang ibig sabihin ng pag-ibig ay pagsamba at ang paghanga sa puso, na kailanma’y hindi maghihiwalay. Gayunman ang inyong pananampalataya at pag-ibig kay Cristo sa panahong ito ay malayong makaabot dito. Pagdating sa pananampalataya, paano kayo sumampalataya sa Kanya? Pagdating sa pag-ibig, paano bang Siya ay minamahal ninyo? Wala kayong alam sa Kanyang disposisyon, lalong higit pa sa Kanyang sangkap, kaya’t paano kayo nagkaroon ng pananampalataya sa Kanya? Nasaan ang katotohanan ng inyong pananampalataya sa Kanya? Paano ninyo Siya minamahal? Nasaan ang inyong katotohanan sa pag-ibig sa Kanya?

05 Setyembre 2017

Sino ang Aking Panginoon - Nasa Biblia ba ang Lahat ng Gawain at Mga Salita ng Diyos?


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Sino ang Aking Panginoon - Nasa Biblia ba ang Lahat ng Gawain at Mga Salita ng Diyos?



Naniniwala ang kabuuan ng relihiyosong mundo na ang gawain at mga salita ng Diyos ay nasa Biblia lahat, at sa pagbubukod ng Biblia, walang mga salitang binanggit ang Diyos at Kanyang gawain. Samakatuwid, hangga't kayo ay tapat sa Biblia, sisiguruhin nito na kayo ay makakapasok sa kaharian ng langit. Sumasang-ayon ba ang mga ideyang ito sa katunayan ng gawain ng Diyos? Mayroon bang mga salita ng Diyos sa labas ng Biblia? Ano ba talaga iyon na maggagabay sa tao upang makapasok sa kaharian ng langit? Iyon ba ay ang panghawakan ang Biblia, o ang pagsunod sa mga yapak ng Kordero? Ibubunyag sa inyo ng clip na ito ang lahat ng sagot!

30 Agosto 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Dapat Gumawa Ka ng Sapat na Kabutihan upang Paghandaan ang Iyong Hantungan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Makapangyarihang Diyos, Pananampalataya, Kabutihan,

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Dapat Gumawa Ka ng Sapat na Kabutihan upang Paghandaan ang Iyong Hantungan

    Napakarami Kong nagawa kasama ninyo, at syempre, nakakapag-usap pati. Ngunit pakiramdam Ko na ang Aking mga salita at gawa ay hindi lubos na naabot ang layunin ng Aking gawain sa mga huling araw. Sapagkat sa mga huling araw, ang Aking mga ginawa ay hindi para sa kapakanan ng iisang tao o ilang mga tao lamang, nguni’t, upang mapatunayan ang Aking likas na disposisyon. Gayunman, sa napakaraming dahilan—marahil ang kakulangan ng oras o abalang iskedyul sa trabaho—hindi nakayanan ng mga tao na maging pamilyar sa Akin at sa Aking disposisyon kahit bahagya lamang. Kaya’t sumulong Ako sa Aking bagong plano, ang Aking huling gawain, upang ilatag ang bagong pahina nang sa gayon lahat ng nakakakita sa Akin ay mapapahampas sa kanilang dibdib at iiyak nang walang humpay sa Aking presensya. Sapagkat dadalhin Ko ang katapusan sa sansinukob at sa buong mundo, at pagkatapos noon, ihahatid Ko ang lahat ng Aking disposisyon sa sansinukob para lahat ng nakakakilala at maging ang hindi sa Akin ay “magpipista ang mga mata” at makikita ang Aking pagdating sa mga tao, maging sa lupa kung saan ang lahat ng bagay ay dumarami. Ito ang Aking plano, ang nag-iisa Kong “pangungumpisal” simula nang nilikha Ko ang sansinukob. Nais Kong bukas-loob ninyong pagmasdan ang Aking bawat galaw, sapagkat ang Aking tungkod ay muling lalapit sa sansinukob, lalapit sa lahat nang tumututol sa Akin.

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.