Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos
Ang disposisyon ng tao ay dapat magbago simula sa kaniyang likas na pagkatao at hanggang sa mga pagbabago sa kaniyang pag-iisip, kalikasan, at pangkaisipang pananaw—sa pamamagitan ng mga pangunahing pagbabago. Tanging sa ganitong paraan lamang makakamtan ang mga tunay na pagbabago sa disposisyon ng tao. Ang masamang disposisyon ng tao ay nagbuhat sa pagkalason at pagyurak ni Satanas, mula sa napakalaking pinsala na idinulot ni Satanas sa kanyang pag-iisip, moralidad, pang-unawa at katinuan. Ito ay tiyak na dahil ang mga pangunahing bagay ng tao ay pinasama ni Satanas, at ganap na hindi na tulad ng orihinal na pagkakalikha ng Diyos sa kanila, na ang tao ay lumalaban sa Diyos at hindi na nauunawaan ang katotohanan. Kaya, ang mga pagbabago sa disposisyon ng tao ay dapat magsimula sa kanyang pag-iisip, pang-unawa at katinuan na siyang makapagpapabago sa kaniyang pagkakilala sa Diyos at kanyang pagkakilala sa katotohanan. Yaong mga isinilang sa pinakamalubhang pinasama sa lahat ng bayan ang mga mas lalong walang alam sa kung ano ang Diyos, o kung ano kahulugan ng paniniwala sa Diyos. Habang lalong sumasama ang mga tao, mas lalong nababawasan ang nalalaman nila sa pag-iral ng Diyos, at mas mababaw ang kanilang katinuan at pang-unawa. Ang pagsalungat at paghihimagsik ng tao laban sa Diyos ay ang kanyang kasamaan sa pamamagitan ni Satanas. Dahil siya ay pinasama na ni Satanas, ang konsensya ng tao ay naging manhid, siya ay imoral, ang kanyang mga saloobin ay sumama, at siya ay may paurong na pangkaisipang pananaw. Bago siya pinasama ni Satanas, ang tao ay likas na tumatalima sa Diyos at sinusunod ang Kanyang mga salita. Siya ay likas na may maayos na katinuan at konsensya, at normal na pagkatao. Matapos pasamain ni Satanas, ang kanyang dating katinuan, konsensya, at pagkatao ay pumurol at pinapanghina ni Satanas. Kaya, naiwala niya ang kanyang pagkamasunurin at pag-ibig sa Diyos. Ang katinuan ng tao ay naging lihis, ang kanyang disposisyon ay naging kagaya ng sa hayop, at ang kanyang paghihimagsik sa Diyos ay naging mas madalas at mas matindi. Nguni’t hindi pa rin alam o ni kinikilala ng tao ito, at basta na lang lumalaban at naghihimagsik nang walang taros. Ang pagbubunyag ng disposisyon ng tao ay ang pagpapahayag ng kanyang katinuan, pananaw at konsensya, at sapagkat ang kanyang katinuan at pananaw ay hindi batay sa katotohanan, at ang kanyang konsensya ay sukdulang pumurol, kaya ang kanyang disposisyon ay mapaghimagsik laban sa Diyos. Kung ang katinuan at pananaw ng tao ay hindi maaaring baguhin, kung gayon ang mga pagbabago sa kanyang disposisyon ay imposible, ganoon din ang kalugdan ng puso ng Diyos. Kung ang katinuan ng tao ay hindi batay sa katotohanan, hindi niya maaaring paglingkuran ang Diyos at hindi siya akmang gamitin ng Diyos. “Ang normal na katinuan” ay tumutukoy sa pagsunod at pagiging tapat sa Diyos, sa paghahangad sa Diyos, sa pagiging malinaw tungkol sa Diyos, at sa pagkakaroon ng konsensya ukol sa Diyos. Ito ay tumutukoy sa pagiging pinag-isang puso at isip patungkol sa Diyos, at hindi ang sadyang paglaban sa Diyos. Yaong mga may lihis na katinuan ay hindi ganito. Yamang ang tao ay pinasama ni Satanas, siya ay nakagawa ng mga pagkakaintindi ukol sa Diyos, at wala siyang katapatan o paghahangad ukol sa Diyos, huwag nang banggitin ang kawalang konsensya ukol sa Diyos. Sinasadya ng tao na lumaban at hatulan ang Diyos, at, bukod pa riyan, ay nagpupukol ng tuligsa kapag Siya’y nakatalikod. Malinaw na alam ng tao na Siya ay Diyos, subalit siya pa ring humahatol sa Kanya habang Siya ay nakatalikod, walang intensyon na susundin Siya, at basta na lang gumagawa ng mga walang basehang kahilingan at mga pakiusap sa Diyos. Ang gayong mga tao—mga taong may lihis na katinuan—ay walang kakayahan na malaman ang kanilang sariling kasuklam-suklam na pag-uugali o ang pagsisihan ang kanilang pagiging mapaghimagsik. Kung may kakayahan ang mga tao na makilala ang kanilang mga sarili, kung gayon ay nabawi nila nang kaunti ang kanilang katinuan; habang ang mga tao ay lalong naghihimagsik sa Diyos subalit hindi nakikilala ang kanilang mga sarili, mas lalo silang mayroong katinuan na hindi batay sa katotohanan.
Ang sanhi ng pagbubunyag ng masamang disposisyon ng tao ay walang iba kundi ang kanyang mapurol na konsensya, kanyang malisyosong kalikasan at kanyang wala sa katotohanang katinuan; kung ang konsensya at katinuan ng tao ay maibabalik sa normal, siya ay magiging akmang magamit sa harap ng Diyos. Ito ay dahil ang konsensya ng tao ay matagal nang manhid, ang katinuan ng tao kailanma’y 'di batay sa katotohanan, at lalo pang pumupurol habang ang tao ay lalo pang naghihimagsik sa Diyos, kaya nga ipinako pa niya si Jesus sa krus at hindi pinapasok ang nagkatawang-taong Diyos ng mga huling araw sa kanyang tahanan, at hinusgahan ang katawang-tao ng Diyos, at itinuturing pa ang katawang-tao ng Diyos bilang hamak at mababa. Kung ang tao ay mayroong kahit na kaunting pagkatao, hindi siya magiging malupit sa kanyang pagtrato sa katawan ng Diyos na nagkatawang-tao; kung mayroon siya kahit ng kaunting katinuan, hindi siya magiging malupit sa kanyang pagtrato sa katawan ng Diyos na nagkatawang-tao; kung mayroon siya kahit na kaunting konsensya, hindi siya magiging “mapagpasalamat” sa Diyos na nagkatawang-tao sa ganitong paraan. Ang tao ay nabubuhay sa panahon na ang Diyos ay naging katawan, nguni’t hindi niya magawang magpasalamat sa Diyos sa pagbibigay sa kanya ng ganoong kagandang pagkakataon, at sa halip ay isinumpa ang pagdating ng Diyos, o lubusang hindi pinapansin ang katotohanan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at para bang tutol siya rito at nayayamot ukol dito. Hindi alintana paano man tinatrato ng tao ang pagdating ng Diyos, ang Diyos, sa madaling sabi, ay laging nagpapatuloy sa Kaniyang gawain kahit anupaman—kahit na ang tao ay wala ni katiting na pagbati ng pagsalubong sa Kaniya, at walang taros na lang hihiling sa Kaniya. Ang disposisyon ng tao ay naging napakasama, ang kanyang katinuan ay naging napakapurol, at ang kanyang konsensya ay lubusan nang niyurakan ng masama at matagal nang tumigil bilang orihinal na konsensya ng tao. Ang tao ay hindi lang walang utang na loob sa Diyos na nagkatawang-tao sa pagkakaloob Niya ng gayong buhay at biyaya sa sangkatauhan, ngunit lalo pa ngang naghihinakit sa Diyos sa pagbibigay Niya sa kanya ng katotohanan; ito ay sapagkat ang tao ay wala ni kaunting interes sa katotohanan kaya siya ay naghihinakit sa Diyos. Ang tao ay hindi lang walang kakayahang ialay ang kanyang buhay para sa Diyos na nagkatawang-tao, ngunit nagsisikap din siyang makakuha ng mga pabor sa Kaniya, at umaangkin ng mga pakinabang na dose-dosenang beses na mas marami kaysa sa naipagkaloob ng tao sa Diyos. Ang mga tao na may gayong konsensya at katinuan ay itinuturing ang lahat ng ito bilang nakatakda, at patuloy na naniniwala na sila ay gumugol na nang napakarami sa Diyos, at ang Diyos ay nakapagbigay lamang ng kaunti sa kanila. May mga tao na nakapagbigay lang sa Akin ng isang mangkok ng tubig ngunit naglahad ng kanilang mga kamay at ang hinihinging kapalit[a] ay dalawang mangkok ng gatas, o nakapagbigay sa Akin ng isang kuwarto para sa isang gabi nguni’t nagtangkang singilin Ako ng mas maraming beses para sa bayad sa pagpapatira. Sa gayong pagkatao, at sa gayong konsensya, paano ninyo nagawang naisin pa na matamo ang buhay? Kayo ay mga kasuklam-suklam na sawing-palad! Dahil sa ganitong pagkatao at konsensya ng tao kaya ang Diyos na nagkatawang-tao ay lumilibot sa buong lupa, walang mahanap na lugar para masilungan. Yaong mga tunay na nagtataglay ng konsensya at pagkatao ay dapat sambahin at buong pusong paglingkuran ang Diyos na nagkatawang-tao hindi lamang dahil sa dami ng gawain na Kaniyang nagampanan, nguni’t kahit na wala Siyang nagampanang anupaman. Ito ang dapat na gawin niyaong may mahusay na katinuan, at ito ang tungkulin ng tao. Karamihan sa mga tao ay naghahayag pa ng mga kundisyon sa kanilang paglilingkod sa Diyos: Wala silang pakialam kung Siya man ay Diyos o isang tao, at sila’y nagsasalita lang ng kanilang sariling mga kundisyon, at ang pinagsisikapan lang ay ang pagkakamit ng kanilang sariling mga hangarin. Kapag nagluluto kayo para sa Akin, humihingi kayo ng bayad para sa tagaluto, kapag tumatakbo kayo para sa Akin, humihingi kayo ng bayad para sa pagtakbo, kapag kayo ay gumagawa para sa Akin humihingi kayo ng bayad para sa paggawa, kapag nilalabhan ninyo ang Aking mga damit humihingi kayo ng bayad para sa paglalaba, kapag nagbibigay kayo para sa iglesia humihingi kayo para sa mga pagbawi ng gastos, kapag nagsasalita kayo humihingi kayo ng bayad para sa tagapagsalita, kapag namigay kayo ng mga libro humihingi kayo ng bayad para sa pamamahagi, at kapag nagsusulat kayo humihingi kayo ng bayad para sa pagsusulat. Yaong Aking mga pinakitunguhan ay nanghihingi pa ng kabayaran mula sa Akin, samantalang yaong mga pinauwi ay nanghihingi ng bayad-pinsala para sa pagkasira ng kanilang pangalan, yaong mga hindi pa kasal ay nanghihingi ng dote, o kabayaran para sa nawala nilang kabataan, yaong mga nagsikatay ng manok ay nanghihingi ng bayad para sa tagakatay, yaong mga nangagsisiprito ay nanghihingi ng bayad para sa pagpiprito, at yaong nagsisigawa ng sopas ay nanghihingi ng kabayaran para rito, gayundin…. Ito ang inyong matayog at makapangyarihang pagkatao, at ito ang mga gawa na idinikta ng inyong mainit-init na konsensya. Nasaan ang inyong katinuan? Nasaan ang inyong pagkatao? Hayaan ninyong sabihin Ko sa inyo! Kapag nagpatuloy kayo gaya nito, titigil Ako sa paggawa sa gitna ninyo. Hindi Ako gagawa sa gitna ng kawan ng mga hayop na nakadamit-tao, hindi Ako magpapakasakit sa gayong grupo ng mga tao na ang magandang mukha ay nagtatago ng isang mabangis na puso, hindi Ako magtitiis para sa gayong kawan ng mga hayop na wala ni katiting na posibilidad sa kaligtasan. Ang araw na talikuran Ko kayo ay ang araw na kayo ay mamamatay, ito ang araw na darating sa inyo ang kadiliman, at ang araw na kayo ay pinabayaan ng liwanag! Hayaan ninyong sabihin Ko sa inyo! Hindi Ako magiging mabait sa grupo na katulad niyo, isang grupo na mas mababa pa sa mga hayop! May mga hangganan ang Aking mga salita at pagkilos, at sa ganyan ninyong pagkatao at konsensya, hindi na Ako gagawa pa, sapagka’t kayo ay sobrang walang konsensya, kayo ay nagdulot ng masyadong matinding sakit sa Akin, at lubos Kong kinayayamutan ang inyong kasuklam-suklam na pag-uugali! Ang mga taong masyadong kulang sa pagkatao at konsensya ay hindi kailanman magkakaroon ng pag-asa sa kaligtasan; Hindi Ko kailanman ililigtas ang gayong walang puso at walang utang na loob na mga tao. Pagdating ng Aking araw, ibubuhos Kong parang ulan ang Aking nakapapasong apoy hanggang sa walang hanggan sa mga anak ng pagsuway na minsan ay pumukaw sa Aking matinding galit, ipapataw Ko ang Aking walang hanggang kaparusahan sa mga hayop na iyon na minsa’y pumukol ng pagtuligsa sa Akin at pinabayaan Ako, susunugin Ko magpakailanman sa pamamagitan ng mga apoy ng Aking galit ang mga anak ng pagsuway na minsan ay nakasama Kong kumain at nakipamuhay kasama Ko nguni’t hindi naniwala sa Akin, at ininsulto at pinagtaksilan Ako. Isasailalim Ko sa Aking kaparusahan ang lahat na pumukaw ng Aking galit, ibubuhos kong parang ulan ang kabuuan ng Aking galit sa mga hayop na minsa’y nagnais gumawa kasama Ko subalit hindi sumamba o sumunod sa Akin, ang tungkod na Aking ihahataw sa tao ay babagsak sa mga hayop na dating nagpasasa sa Aking kalinga at mga misteryong Aking sinabi at nagtangkang tumanggap ng makalupang kasiyahan mula sa Akin. Hindi Ako magiging mapagpatawad sa sinumang tao na nagtatangkang kunin ang Aking posisyon; wala Akong paliligtasin sa mga nang-agaw ng pagkain at mga damit sa Akin. Sa ngayon, mananatili kayong malaya mula sa kapahamakan at patuloy ninyong lampasan ang inyong mga sarili sa mga kahilingang inilatag ninyo sa Akin. Pagdating ng araw ng pagkapoot, wala na kayong mahihiling sa Akin; at sa oras na iyon, hahayaan Ko kayong “magpakasaya” hanggang gusto ninyo, isusubsob Ko ang inyong mukha sa lupa at hindi na kayo muling makababangon! 'Di magtatagal, “pagbabayarin” Ko kayo sa pagkakautang na ito—at umaasa Ako na matiyaga kayong maghihintay sa pagdating ng araw na ito.
Nguni’t kung ang mga napakahamak na nilalang na ito ay handang iwan ang kanilang mga maluhong kaluguran sa kanilang sarili at manunumbalik sa Diyos, kung gayon ay may pag-asa pa sila sa kaligtasan; kung ang tao ay may puso na tunay na nananabik para sa Diyos, hindi siya iiwan ng Diyos. Bigo ang tao na matamo ang Diyos hindi dahil sa ang Diyos ay may emosyon, o dahil ayaw ng Diyos na makamit Siya ng tao, ngunit dahil ayaw makamit ng tao ang Diyos, at dahil hindi agarang hinahanap ng tao ang Diyos. Paano nangyari na ang isa sa mga tunay na naghahangad sa Diyos ay isusumpa ng Diyos? Paano nangyari na ang isang may mahusay na katinuan at sensitibong konsensya ay isusumpa ng Diyos? Paano nangyari na ang isang tunay na sumasamba at naglilingkod sa Diyos ay lalamunin ng mga apoy ng Kanyang poot? Paano nangyari na ang isang masayang sumusunod sa Diyos ay palalayasin sa bahay ng Diyos? Paano nangyari na ang isang hindi maaaring ibigin ang Diyos nang sapat ay mabuhay sa kaparusahan ng Diyos? Paano nangyari na ang sinuman na masaya na iwan ang lahat para sa Diyos ay walang makukuhang kahit na ano? Ayaw ng tao na matamo ang Diyos, ayaw niyang gugulin ang kanyang mga ari-arian para sa Diyos, at ayaw niyang maglaan ng magpakailanmang pagsisikap sa Diyos, at sa halip sinasabi na ang Diyos ay lumabis na, na maraming tungkol sa Diyos ang salungat sa pagkakaintindi ng tao. Sa ganitong uri ng pagkatao, kahit walang humpay ang inyong mga pagsisikap hindi pa rin ninyo matatamo ang pagsang-ayon ng Diyos, huwag nang sabihin ang katotohanan na hindi ninyo hinahangad ang Diyos. Hindi ba ninyo alam na kayo ang depektibong produkto ng sangkatauhan? Hindi ba ninyo alam na walang katauhan ang higit na mas mababa kaysa sa inyo? Hindi ba ninyo alam kung ano ang “pamitagan na titulo” ninyo? Yaong mga tunay na umiibig sa Diyos ay tinatawag kayong mga ama ng lobo, mga ina ng lobo, mga anak ng lobo, mga apo ng lobo, kayo ang lahi ng mga lobo, ang mga tao ng lobo, at kailangan ninyong malaman ang inyong pagkakakilanlan at kailanman ay huwag limutin ito. Huwag isipin na kayo ay sinumang nakatataas na tao: Kayo ang pinakakasuklam-suklam na grupo ng mga hindi-tao sa gitna ng sangkatauhan. Hindi ba ninyo alam ang alinman dito? Hindi ba ninyo alam gaanong panganib ang sinuong Ko upang gumawa sa gitna ninyo? Kung ang inyong katinuan ay maibabalik sa normal, at ang inyong konsensya ay hindi gagana nang normal, kung gayon ay hindi kayo kailanman makalalaya sa bansag na “lobo”, hindi ninyo matatakasan ang araw ng sumpa, kailanman ay 'di matatakasan ang araw ng inyong kaparusahan. Kayo ay isinilang na mababa, isang bagay na walang kabuluhan. Kayo sa inyong kalikasan ay pangkat ng mga gutom na lobo, isang tumpok ng latak at basura, at, hindi kagaya ninyo, hindi Ako gumagawa sa gitna ninyo upang makakuha ng mga pabor, ngunit dahil sa pangangailangan sa gawain. Kung kayo ay magpapatuloy sa pagiging mapaghimagsik sa ganitong paraan, kung gayon ay ititigil Ko ang Aking gawain, at hindi na gagawa ulit sa gitna ninyo, bagkus, ililipat Ko ang aking gawain sa ibang grupo na napalulugod Ako, at sa ganitong paraan ay iiwan kayo magpakailanman, sapagkat hindi Ako titingin sa mga nakikipag-alitan sa Akin. Kaya kung ganoon, nais niyo bang maging kaayon sa Akin, o makipag-alitan sa Akin?
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Mga Talababa:
a. Orihinal na isinalin bilang “kapalit ng gintong barya.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento