Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos |Ang Tunay na Pagsasamahan
Fang Li Lungsod ng Anyang, Probinsya ng Henan
Kamakailan, naisip ko na ako’y nakapasok sa isang maayos na pagsasamahan. Ang kasama ko at ako ay maaaring talakayin ang anumang bagay, minsan sinabi ko pa sa kanya na punahin niya ang aking mga pagkukulang, at hindi kami kailanman nag-away, kaya akala ko na nakamtan namin ang isang maayos na pagsasamahan. Ngunit habang lumalabas ang mga katotohanan, ang isang tunay na maayos na pagsasamahan ay hindi tulad ng anumang bagay na aking inakala.
Isang araw sa pulong, pinuna ng aking kasama ang ilan sa aking mga kakulangan sa harapan ng nakakataas sa amin, sinasabi na ako’y arogante, hindi tumatanggap ng katotohanan, mapagkontrol, mapagmataas…. Nagpagalit sa akin nang todo ang marinig siyang sinasabi iyon, at naisip ko: “Tinatanong kita kahapon kung mayroon kang anumang opinyon sa akin, sabi mo wala, ngunit ngayon, sa harapan ng nakatataas sa atin, ang dami mong sinasabi! Napakamapagpakunwari nito!” Akala ko may payapang relasyon kami ng aking kasama, ngunit napakarami niyang pananaw tungkol sa akin, na nagpapatunay na may mga hindi pagkakaunawaan pa rin sa pagitan namin at ang aming relasyon ay hindi talaga payapa. Nahaharap sa mga katotohanan, hindi ko mapigilan na tignan ulit ang aking sariling pag-uugali sa pagsasamahan: Sa mga pagtitipon, kahit na ang aking kapatid ay nagbahagi rin, kaunti lang ang kanyang sinabi, dahil ako lagi ang nagsalita sa pagpupulong at halos hindi nagbigay sa kanya ng pagkakataon na makapagsalita; sa gawain, talagang tinatalakay namin ang anumang mga problemang dumating, ngunit kapag nagkaiba ang mga opinyon namin, lagi akong naninindigan sa aking sariling mga pananaw at kinokontra ang sa kanya, at nalulutas ang mga isyu kapag huminto na lang ang aking kapatid sa pakikipagtalo; sa panlabas, walang mga pagtatalo o away sa pagitan namin, ngunit sa loob nito laging nadarama na parang may hadlang sa pagitan namin, isang bagay na humadlang sa amin para maging ganap na bukas. Iyon ay noong aking napagtanto na habang kaming dalawa ay mukhang magkasamang nagtutulungan sa pagtatrabaho, sa katunayan ako ang nagbibigay ng lahat ng mga utos, at hindi siya kailanman nagkaroon ng pagkakataon na tunay na matupad ang kanyang mga tungkulin. Akala ko ang aming relasyon ay iyong parehong komplementaryo at pantay na magkasama, ngunit sa katunayan ito ay ang sa pinuno at ang pinamumunuan. Ibinunyag sa akin ng mga katunayan na ang aking inakala bilang isang maayos na pagsasamahan ay isa lamang takda ng mga mababaw na gawain. Kaya, ano ang tunay na maayos na pagsasamahan? Tinignan ko ang mga kasagutan sa aking tanong sa salita ng Diyos, at nakita ang mga salitang ito, “Kayong mga nasa itaas na mga antas ay nakaririnig ng napakaraming katotohanan, at nauunawaan ang napakarami tungkol sa paglilingkod. Kung kayong mga tao na nakikipagtulungan upang gumawa sa mga iglesia ay hindi matututo sa bawat isa, at mag-uusap, makabawi sa mga pagkukulang ng bawat isa, mula saan kayo matututo ng mga aral? Kapag nakasasagupa kayo ng anuman, kailangan ninyong magsamahan sa isa’t-isa, upang ang inyong buhay ay makinabang. At dapat ninyong maingat na pagsamahan ang tungkol sa anumang uri ng mga bagay bago gumawa ng mga pagpapasya. Tanging sa paggawa lamang nito kayo magiging mapanagot sa iglesia at hindi sa kawalang-ingat. Pagkatapos ninyong dalawin ang lahat ng mga iglesia, kailangan ninyong magtipon-tipon at pagsamahan ang tungkol sa lahat ng mga usaping inyong natutuklasan at mga suliraning inyong nasasagupa sa gawain, at pag-isipan ang pagliliwanag at pagpapalinaw na inyong tinanggap—ito ay isang napakahalagang pagsasagawa ng paglilingkod. Kailangan ninyong magtamo ng may pagkakaisang pagtutulungan para sa layunin ng gawain ng Diyos, para sa kapakinabangan ng iglesia, at para sa nagpapatuloy na pagpapasigla sa mga kapatid. Makipagtulungan ka sa kanya at makikipagtulungan siya sa iyo, sinususugan ang isa’t-isa, darating sa isang mas mahusay na kahihinatnan ng gawain, upang magmalasakit sa kalooban ng Diyos. Tanging ito ang tunay na pakikipagtulungan, at ang gayong mga tao lamang ang mayroong tunay na pagpasok” (“Maglingkod Kagaya ng Ginawa ng Mga Israelita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Matapos maingat na tinimbang ang mga salita ng Diyos, biglang naintindihan ng aking puso. Ang tunay na pagsasamahan ay nangangahulugan na inuuna muna ng mga magkasama ang gawain sa iglesia; para sa interes ng iglesia at ang buhay ng mga kapatid, maaari silang magbahagi sa bawat isa at punan ang mga kahinaan ng bawat isa, para mas magandang mga resulta ang maaaring makamit sa kanilang gawain; wala silang pinanghahawakang hindi pagkakaunawaan o mga maling duda laban sa bawat isa at hindi nagpapanatili ng kaibahan sa katayuan. Sa pagkukumpara roon sa aking sariling pag-uugali, nakaramdam ako ng hiya at pagsisising higit pa sa mga salita. Sa pagtingin sa aking pag-uugali, napagtanto ko na hindi ko kailanman ikinonsidera ang interes ng iglesia, lagi kong inuuna ang aking sarili, namuno ako sa pamamagitan ng pagsandal sa aking sariling katayuan at mabusising inasikaso ang aking sariling reputasyon at posisyon, at natakot lang ako na baka maliitin ako ng iba o tignan ako ng mababa, at ang aking pagbabahagi sa aking mga kapatid ay hindi komplementaryo o ginagawa sa lugar na patas, kaya hindi nito kailanman nakamit ang layunin ng karaniwan, magkakasamang suporta ng pagpasok sa salita ng Diyos. Habang sa panlabas, ako at ang aking kasama ay mukhang pinag-uusapan kung paano gawin ang aming gawain, sa aking puso ay hindi ko tinatanggap ang kanyang mga ideya, at sa huli’y sinunod ko lang ang aking sariling mga ideya sa halip na ikonsidera kung ano ang pinakamabuti para sa gawain ng iglesia; kahit na minsan ay hinihiling ko sa kanya na punahin ang aking mga pagkukulang, sa halip na tanggapin ang mga ito, lagi akong nakikipagtalo, gumagawa ng mga dahilan, at nangangatwiran para sa aking sarili, na pumipigil sa kanya at gumawa sa kanyang matakot nang todo na makipag-usap sa akin nang hayagan at hindi handang ihahayag muli ang aking mga pagkukulang, na humantong sa mga hindi pagkakaunawaan sa pagitan namin at nagtanggal sa amin ng abilidad para makumpleto ang gawain ng iglesia nang may isang kalooban. Sa gitna ng aming mga kapatid, kumilos ako nang may higit na pagka-arogante at pangingibabaw, laging ipinapalagay na ako ang kanilang lider dahil ang aking higit na pag-unawa sa katotohanan ay nagpakwalipika sa akin para mamuno sa kanila. Sa kanila, lubos na nagpakita ako ng kawalan ng pagpapakumbaba o tunay na paghahangad, sa halip itinuturing ang aking sarili na dalubhasa sa katotohanan at ipinipilit na makinig sa akin ang bawat isa. … Doon ko napagtanto na ang aking pakikipagsamahan sa paglilingkod ay wala na sa diwa ng pagsasamahan, o sa mas seryosong mga kataga, ako’y nagsasagawa ng pang-aalipin at diktadura. Ang pagkilos ng ganoon bilang isang lider at kasama ay hindi naiiba sa kung papaano pinapanatili ng malaking pulang dragon ang kapit nito sa kapangyarihan! Isinasagawa ng malaking pulang dragon ang pang-aapi, ipinipilit ang pangwakas na awtoridad sa lahat ng bagay at takot na makinig sa tinig ng mga masa o mamahala sa pamamagitan ng mga politikal na prinsipyo na naiiba sa kanya. At ako, gamit ang kaunting katayuan na mayroon ako ngayon, ay gustong mamuno sa limitadong teritoryo na aking kinokontrol. Kapag isang araw ay humawak ako ng kapangyarihan, paano ako magiging iba kaysa sa malaking pulang dragon? Iniisip ang lahat ng ito, bigla akong natakot. Ang pagpapatuloy na tulad nito ay magiging lubhang mapanganib, at kapag hindi ako nagbago, matutulad ako sa katapusan ng malaking pulang dragon—pinarusahan ng Diyos.
Matapos mapagtanto ang lahat ng ito, wala na akong pinanghawakang anumang mga pananaw laban sa aking kapatid. Sa halip, nagpasalamat ako sa Diyos sa pagtulong sa akin na makilala ang aking sarili sa mga naturang sitwasyon at sa pagpapakita sa akin ng panganib sa aking sarili. Kinalaunan, nang naisama ako sa aking mga kapatid, natutunan ko na ibaba ang aking sarili, nagkaroon ng puso na ingatan ang kalooban ng Diyos at maging responsable sa aking gawain, at makinig nang higit pa sa mga opinyon ng iba, at pagkatapos ng ilang panahon, napagtanto ko na ang ganitong uri ng pagsasagawa ay hindi lang nagbigay sa akin ng mas kumpleto at ganap na kaunawaan sa katotohanan, mas pinalapit din ako nito sa aking mga kapatid at hinayaan kami na mas maging bukas sa pagbahagi. At sa pamamagitan ng ganitong mga uri ng mga bunga para ipakita, naintindihan ko sa wakas kung gaano kabuti ang paggawa ng paglilingkod nang may kasama ayon sa mga hinihingi ng Diyos!
Nagpapasalamat ako para sa pagliliwanag na ito na mula sa Diyos, na hindi lang nakatulong sa akin na maintindihan ang isang tunay na maayos na pagsasamahan, ngunit mas nakatulong pa sa akin na makita ang mga nakatagong panganib sa aking sariling paglilingkod sa aking kasama, at nagpakita sa akin na kapag ang tiwaling sangkatauhan ay nagkakaroon ng kapangyarihan, ang resulta ay pareho tulad ng sa malaking pulang dragon. Umaasa ako na maaari kong maalis ang mga lason ng malaking pulang dragon na nasa akin, makapasok sa tunay na paglilingkod na pagsasamahan, at sa wakas ay maging isang tao na naglilingkod sa Diyos na tugma sa puso ng Diyos.
Mula sa Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni Cristo
Rekomendasyon:Kidlat ng Silanganan
Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus
Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento