Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kaalaman. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kaalaman. Ipakita ang lahat ng mga post

22 Enero 2019

1. Bakit May Mga Pangalan ang Diyos, at Maari ba na ang Isang Pangalan ay Kumatawan sa Kabuuan ng Diyos?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

  Maaari bang ang pangalan ni Jesus, “Sumasaatin ang Diyos,” ay kumakatawan sa disposisyon ng Diyos sa kabuuan nito? Maaari ba nitong ganap na maipaliwanag ang Diyos? Kung sinasabi ng tao na ang Diyos ay maaari lamang matawag na Jesus at maaaring walang anumang iba pang pangalan sa dahilang hindi maaaring baguhin ng Diyos ang Kanyang disposisyon, tunay na kalapastanganan ang mga salitang ito! Naniniwala ka ba na ang pangalang Jesus, sumasaatin ang Diyos, ay maaaring mag-isang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan? Maaaring matawag ang Diyos sa maraming pangalan, ngunit sa maraming pangalang yaon, wala ni isa ang maaaring taglayin ang kabuuan ng Diyos, wala ni isa ang maaaring ganap na kumatawan sa Diyos.

06 Hulyo 2018

Ang Mga Paniwala at Imahinasyon Ay Hindi Kailanman Makakatulong na Makilala Mo ang Diyos



I
Ang kaalaman sa Diyos ay hindi nakasalalay
sa karanasan ni imahinasyon.
Ang mga ito ay hindi dapat kailanman ipataw sa Diyos.
Dahil kahit na gaano kayaman
at kanais-nais ang karanasan ng tao,
sila ay limitado, hindi sila katunayan ni katotohanan,
pagiging hindi rin tugma sa tunay na disposisyon ng Diyos,
pagiging hindi rin naaayon sa tunay na diwa ng Diyos.
Ang matuwid na disposisyon ng Diyos
ay ang Kanyang sariling tunay na diwa;
ito ay hindi idinikta ng tao,
ni katulad sa Kanyang paglikha.
Ang Diyos ay Diyos matapos ang lahat,
Siya ay hindi kailanman bahagi ng Kanyang sariling paglikha.
Kahit na Siya ay makiisa, ang Kanyang disposisyon,
ang kakanyahan ay hindi magbabago, hindi magbabago.

25 Hunyo 2018

Kristianong Awitin | Ang Diyos sa Laman Ang Gumagawa ng Panlulupig sa Buong Sangkatauhan




I
Gawain ng Diyos sa laman ay di-kagila-gilalas,
ni nababalot ng hiwaga.
Ito'y tunay at totoo, tulad ng isa at isa ay dalawa;
ito'y lantad at walang pandaraya.
Tunay ang nakikita ng tao,
gayundin ang nakamit nilang katotohanan at kaalaman.
Kapag matapos ang gawain,
kaalaman nila sa Kanya'y mapanibago,
at ang mga pagkaintindi ng tunay na naghahangad
sa Kanya'y mawawala.
Ito'y di lang epekto ng gawain Niya sa mga Intsik,
ngunit sumasalamin sa gawain Niyang paglulupig sa lahat,
sumasalamin sa gawain Niyang paglulupig sa lahat.

28 Enero 2018

Ang Pag-alam sa Layunin at Kabuluhan ng Bawa’t Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos


  3. Ang Pag-alam sa Layunin at Kabuluhan ng Bawa’t Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos


  Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


    Sa panahong ito, ang kabuluhan, layunin, at mga yugto ng gawain ni Jehova sa Israel ay upang simulan ang Kanyang gawain sa buong lupa, na, mula sa Israel bilang sentro, ay unti-unting lumaganap sa mga bansang Gentil. Ito ang prinsipyong batayan ng Kanyang mga ginagawa sa buong sansinukob—ang magtatag ng modelo at pagkatapos ay palawakin ito hanggang sa ang lahat ng tao sa sansinukob ay tumanggap ng Kanyang ebanghelyo. Ang mga unang Israelita ay mga inapo ni Noe. Ang mga taong ito ay pinagkalooban lamang ng hininga ni Jehova, at nakaunawa nang sapat upang pangalagaan ang mga pangunahing pangangailangan sa buhay, ngunit hindi nila alam kung anong uri ng Diyos si Jehova, o ang Kanyang kalooban para sa tao, lalong higit kung paano nila dapat pagpipitaganan ang Panginoon ng buong sangnilikha. Patungkol naman sa kung mayroong mga alituntunin at kautusan para sundin, at kung mayroong gawaing dapat gawin ng mga nilikhang nilalang para sa Manlilikha: Walang alam ang mga inapo ni Adan sa mga bagay na ito. Ang alam lang nila ay ang asawang lalaki ay dapat magpawis at magpagal upang tustusan ang kanyang pamilya, at na ang asawang babae ay dapat magpasakop sa kanyang asawang lalaki at magpanatili ng lahi ng mga tao na nilikha ni Jehova. Sa madaling salita, ang mga taong ito, na ang tanging mayroon lamang ay ang hininga ni Jehova at ang Kanyang buhay, ay walang alam sa kung paano sumunod sa mga kautusan ng Diyos o kung paano bigyang-kasiyahan ang Panginoon ng buong sangnilikha. Lubhang kakaunti ang kanilang naunawaan. Kaya kahit na wala namang baluktot o mapanlinlang sa kanilang mga puso at bihirang magkaroon ng pagseselos at pagtatalo sa kalagitnaan nila, gayunman wala silang kaalaman o kaunawaan kay Jehova, ang Panginoon ng buong sangnilikha. Ang alam lamang ng mga inapong ito ng tao ay kumain ng mga bagay ni Jehova, at tamasahin ang mga bagay ni Jehova, ngunit hindi nila alam paano magpitagan kay Jehova; hindi nila alam na si Jehova ang Siyang dapat nilang sambahin nang nakaluhod. Kaya paano sila matatawag na mga nilikha Niya? Kung ito ay ganito nga, ano ang mga salitang, “Si Jehova ay Panginoon ng buong sangnilikha” at “Nilikha Niya ang tao upang ang tao ay ipahayag Siya, luwalhatiin Siya, at katawanin Siya”—hindi ba kaya nasabi nang walang saysay ang mga iyon? Paanong ang mga taong walang pagpitagan kay Jehova ay maaaring maging patotoo ng Kanyang kaluwalhatian? Paano sila maaaring maging kapahayagan ng Kanyang kaluwalhatian? Ang mga salita kaya ni Jehova na “Nilikha Ko ang tao ayon sa Aking wangis” ay maging sandata sa mga kamay ni Satanas—na siyang masama? Ang mga salita kayang ito ay hindi maging tatak ng kahihiyan sa pagkalikha ni Jehova sa tao? Upang gawing ganap ang yugtong iyon ng gawain, si Jehova, pagkaraang likhain ang mga tao, ay hindi nagturo o naggabay sa kanila mula sa panahon ni Adan hanggang sa kay Noe. Sa halip, pagkaraan wasakin ng baha ang daigdig ay saka lamang Niya pormal na sinimulang gabayan ang mga Israelita, na mga inapo ni Noe at ni Adan din. Ang Kanyang gawain at mga pagbigkas sa Israel ay nagbigay sa Israel ng patnubay sa lahat ng bayan ng Israel habang sila ay namuhay sa buong lupain ng Israel, at sa ganitong paraan ipinakita sa sangkatauhan na si Jehova ay hindi lamang kayang hingahan ang tao, upang magkaroon siya ng buhay mula sa Kanya at magbangon mula sa alabok at maging nilikhang tao, kundi na Siya rin ay kayang sunugin hanggang sa maging abo ang sangkatauhan, at sumpain ang sangkatauhan, at gumamit ng Kanyang tungkod upang pamahalaan ang sangkatauhan. At, ganoon din, nakita nila na si Jehova ay maaaring pumatnubay sa buhay ng tao sa lupa, at magsalita at gumawa sa kalagitnaan ng sangkatauhan ayon sa mga oras ng araw at ng gabi. Ginawa lamang niya ang gawain upang ang Kanyang mga nilalang ay makaalam na ang tao ay nagmula sa alabok na pinulot Niya, at higit dito na ang tao ay nilikha Niya. Hindi lamang ito, kundi ang gawain na sinimulan Niya sa Israel ay upang ang ibang mga tao at mga bansa (na sa totoo lang ay hindi hiwalay sa Israel, kundi nagsanga mula sa mga Israelita, subalit nagmula pa rin kina Adan at Eba) ay makatanggap ng ebanghelyo ni Jehova mula sa Israel, upang ang lahat ng nilikhang nilalang sa sansinukob ay makapagpitagan kay Jehova at itangi Siyang dakila. Kung hindi sinimulan ni Jehovah ang Kanyang gawain sa Israel, ngunit sa halip, nang likhain na ang sangkatauhan, ay hinayaan silang mamuhay nang walang inaalala sa lupa, kaya sa ganyang kalagayan, dahil sa pisikal na kalikasan ng tao (ang ibig sabihin ng kalikasan ay hindi malalaman ng tao kailanman ang mga bagay na hindi niya nakikita, na ibig sabihin hindi niya malalaman na si Jehova ang lumikha sa sangkatauhan, at lalong hindi bakit Niya ito ginawa), hindi niya malalaman na si Jehova ang lumikha sa sangkatauhan o na Siya ang Panginoon ng buong sangnilikha. Kung nilikha ni Jehova ang tao at inilagay siya sa daigdig upang maging layon para sa Kanyang pansariling kasiyahan, at pagkatapos ay basta pinagpag ang alikabok sa kanyang mga kamay at umalis, sa halip na manatili sa kalagitnaan ng mga tao para bigyan sila ng patnubay sa loob ng ilang panahon, kung magkagayon ang lahat ng sangkatauhan ay babalik sana sa kawalan; maging ang langit at lupa at ang lahat ng hindi mabilang na mga bagay na Kanyang ginawa, at ang lahat ng sangkatauhan, ay babalik sa kawalan at higit pa ay yuyurakan ni Satanas. Sa ganitong paraan ang naisin ni Jehova na “Sa daigdig, iyon ay, sa kalagitnaan ng Kanyang nilikha, dapat Siyang may lugar na titindigan, isang banal na lugar” ay mabubuwag sana. At kaya, matapos likhain ang tao, na nagawa Niyang manatili sa kanilang kalagitnaan upang patnubayan sila sa kanilang buhay, at mangusap sa kanila mula sa kanilang kalagitnaan, lahat ng ito ay upang matupad ang Kanyang nais, at makamtan ang Kanyang plano. Ang gawain na ginawa Niya sa Israel ay nilayon lamang na isakatuparan ang plano na Kanyang inilagay sa lugar bago ang paglikha Niya ng lahat ng mga bagay, at dahil dito ang Kanyang pagkilos una sa kalagitnaan ng mga Israelita at ang Kanyang paglikha ng lahat ng mga bagay ay hindi salungat sa isa’t isa, kundi kapwa para sa kapakanan ng Kanyang pamamahala, Kanyang gawain, at Kanyang kaluwalhatian, at gayon din upang mapalalim ang kahulugan ng Kanyang paglikha sa sangkatauhan. Pinatnubayan Niya ang buhay ng mga sangkatauhan sa lupa ng dalawang libong taon pagkatapos ni Noe, na sa panahong ito ay tinuruan Niya ang sangkatauhan na unawain paano pagpipitaganan si Jehova na Panginoon ng buong sangnilikha, paano magpakaayos sa kanilang mga buhay at paano magpapatuloy sa pamumuhay, at higit sa lahat, paano kikilos bilang saksi para kay Jehova, sundin Siya, at bigyan Siya ng pagpipitagan, maging purihin Siya gamit ang musika tulad ng ginawa ni David at ng kanyang mga saserdote.

23 Disyembre 2017

Sinira Ako ng Aking mga Prinsipyo

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sinira Ako ng Aking mga Prinsipyo


Changkai    Lungsod ng Benxi, Lalawigan ng Liaoning

    Ang karaniwang pariralang “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos” ay isa na kung saan ako ay masyadong personal na pamilyar. Ang aking asawa at ako ay mga partikular na walang kamuwang-muwang na tao: Pagdating sa mga bagay na sangkot ang aming mga personal na pakinabang o kawalan, hindi kami yung tipo na nakikipagtalo at nag-aabala sa iba. Kung dapat kaming maging matiisin naging matiisin kami, kung dapat kaming maging matulungin ginawa rin namin ang aming makakaya upang maging matulungin. Bilang resulta, madalas naming matagpuan ang aming mga sarili na nagulangan at naabuso ng iba. Talagang tila sa buhay, “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos”—kung labis ang kabutihan sa iyong puso, kung masyado kang matulungin at mapagpakumbaba sa iyong mga gawain, ikaw ay nanganganib na maabuso. Ang gayong mga saloobin sa isipan, napagpasyahan ko na huwag hahayaan ang aking sarili sa lahat ng pang-aabusong ito at mamuhay pa sa pagkasiphayo: Sa mga bagay sa hinaharap at sa pakikitungo sa iba, panata ko na hindi na masyadong maging matulungin pa. Kahit matapos kong tanggapin ang gawain ng Diyos, inilapat ko pa rin ang prinsipyo na ito sa pagsasagawa ng pag-uugali ko at mga pakikipag-ugnayan sa iba.

    Sa isang punto, nakikipagtulungan ako sa isang kapatid na babae sa pagtutupad ng aming mga tungkulin. Madalas ipamukha ng kapatid na babaeng ito ang aking mga kawalang-kakayahan at mga pagkukulang; naramdaman kong sinasadya niyang hatakin ako pababa sa lahat ng paraan. Noong una’y naisip ko: Hindi madali kung nag-iisa ka nang malayo sa tahanan, subukang magtiis nang kaunti. Nang maglaon, gayunman, matapos ipakita ng kapatid na ito ang walang-humpay na mga pagbabatikos, naisip ko rin sa wakas ang pariralang “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos.” Sumagi sa isip ko na marahil napansin ng kapatid na babaeng ito na masyado akong mabait kaya naman madaling puntiryahin at napagpasyahang gawing mahirap ang mga bagay sa akin sa pamamagitan ng pamumuna maging sa maliit at walang kabuluhang mga bagay. Napagpasyahan ko na hindi ko na tatanggapin o pagtitiisan pa ang ugali niya, kaya naman inipon ko ang lahat ng pinigilang lakas ng isang palengkera na nagpupumiglas sa loob ko at pinakawalan ang isang nagngangalit na pambabatikos, at tumigil lamang nang hindi na naglakas-loob pang magsalita kahit isang salita ang kapatid na ito. Di-nagtagal, hiniling ng kapatid na ito na makipag-usap ako sa kanya at sinabing natanto niya kung paano naging labis na hindi makatao ang kanyang nasabi at ikinilos at umaasa na nawa’y mapatawad ko siya. Sinabi rin niya na pinangasiwaan ng Diyos ang sitwasyong ito at ginamit ako bilang isang paraan upang harapin siya. Nang marinig ko ito, nagalak ako na aakalain mong ako’y isang apat-na-bituin na heneral na matagumpay na nakalabas mula sa isang digmaan. Higit pa rito, nakumbinsi ako nang husto na napakarami palang pakinabang ng pariralang “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos.”

    Kamakailan lamang, habang binabasa ang “Ang 100 Kawikaan ni Satanas na Inaashan ng mga Tiwaling Tao sa Kanilang Pag-iral” na ibinigay ng iglesia, nakita ko ang isang sipi na nagsasabing: “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos.” … Ang sangkatauhan ay ginawang tiwali ni Satanas sa loob ng libu-libong taon at may mga hindi mabilang na mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas upang manipulahin ang isip ng mga tao. Dito ibubuod namin ang 100 panlilinlang na pinapahalagahan ng sangkatauhan bilang akmang mga kasabihan na magiging gabay nila habang nabubuhay. Ang mga panlilinlang na ito ay nangagkaugat na sa kaila-ilaliman ng puso ng tao; kung hindi naihanda sa mga katotohanan, ang mga tao ay lubusang walang kakayahang ilantad ang tunay na kalikasan ng mga panlilinlang na ito. Kung ang mga tao ay patuloy na kakapit pa sa mga panlilinlang ni Satanas bilang mga panuntunan at mga prinsipyo sa pamumuhay, hindi kailanman makakamit ng tiwaling sangkatauhan ang kaligtasan.” Matapos basahin ang siping ito mula sa pagbabahagi ay bigla akong natauhan, na parang kagigising lang mula sa isang mahabang panaginip: Ang pariralang “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos” ay isang panlilinlang na nilikha ni Satanas para turuan ng kanyang paniniwala at gawing tiwali ang sangkatauhan. Hinihiling ng Diyos na sa ating mga pakikipag-ugnayan sa iba na dapat tayo ay marunong tumanggap, maging matiisin, mapagparaya, at mapagpatawad. Dapat tayo ay maalalahanin, magalang at mapagmahal sa iba. Sa kabaligtaran naman, ang prinsipyo ng buhay ni Satanas, “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos,” ay mapaglalang na ginagabayan tayo palayo sa kabutihan at tungo sa kasamaan, tinuturuan tayong huwag maging masyadong mabait o mahinahon sa ating pakikitungo sa iba. Upang maprotektahan ang ating sarili, kailangan nating gawin ang "mata para sa mata, ngipin para sa ngipin," dapat matuto tayong maging matigas, mabangis at masama. Napagtanto ko na “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos” ay kumakatawan sa isang panlilinlang, na kung saan ay kabaligtaran na sumasalansang sa katotohanan—ito ay lohika ni Satanas, kabilang ito sa pagiging negatibo ni Satanas, isang lason ng malaking pulang dragon. Gumagana si Satanas sa pamamagitan ng mga mapanlinlang na "mga teoryang ito" upang manipulahin ang isip ng mga tao na magbalak laban sa isa't isa, walang awa kung pumatay, nakikibahagi sa sutil at walang katapusang kumpetisyon, hindi nagpapasakop sa sinuman hanggang sa walang matirang pagkatao sa loob nila. Sa ganitong paraan ang mga tao ay nagiging tiwali gaya ni Satanas mismo, malilibing kasama ng mga isinakripisyong bagay, at nakakamit ni Satanas ang layunin nitong gawing tiwali at lamunin nang buo ang sangkatauhan. Hindi ko maunawaan ang ilusyon at tinanggap ang “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos” bilang siyang katotohanan na dapat tanggapin at igalang. Naisip ko na hindi ako puwedeng maging masyadong mabait o matulungin, at ang pagiging matiisin o mapagparaya sa mga pakikitungo sa iba ay paraan ng mga hangal at ignorante at iiwan lamang akong mahina laban sa pandaraya at pang-aabuso. Sapagkat palagi kong pinanghahawakan ang panlilinlang na ito bilang kasabihang dapat isabuhay, nang ipamukha ng kapatid na babaeng ito ang mga pagkukulang ko upang tulungan akong kilalanin sila at magbago tungo sa ikabubuti, hindi lamang hindi ko tinanggap ang kanyang mga komento, naisip ko pa nga na tinutuya niya ako at pinupuna maging mga hindi mahalagang detalye. Bilang resulta, pinakawalan ko ang halimaw sa loob ko, kumilos gaya ng isang demonyo. Kahit na ibinaba ng kapatid ang sarili siya at hiningi ang aking kapatawaran, hindi ko pa rin natamo ang kaunawaan sa aking sarili o pakiramdam ng napahiya, ngunit sa halip ay nakaupo doon na labis na nalulugod, iniisip na sa wakas ay “tinanggap ng kapatid ang pagkatalo” dahil pinangatawanan ko ang aking kasabihang “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos.” Yamang “nanalo sa tagumpay na ito,” naramdaman na higit akong nauudyukan upang itaguyod at papurihan ang kawikaan na ito ni Satanas. Talagang kakatwa, at katawa-tawa ako! Ganap na salungat ang pagkaunawa ko sa mga bagay, napagkamalang kabutihan ang isang kasamaan, talagang hindi ako maaaring mapagkatuwiranan! Ang pangwakas na gawain ng Diyos ay upang linisin ang sangkatauhan sa lason ni Satanas, at gamitin ang katotohanan upang baguhin ang kanilang tiwaling disposisyon. Sa aking sariling kaso, gayunpaman, hindi ko hinanap ang katotohanan, o nagsikap na kilalanin ang lason ni Satanas na umiiral sa loob ko, ni hindi ko isinabuhay ang katotohanan upang baguhin ang sarili ko. Sa halip, kumapit ako sa mga panlilinlang ni Satanas at tinanggihan ang katotohanan. Kung nagpatuloy ako nang tulad noon, malamang hindi ko kailanman nasimulang maunawaan ang sarili ko. Hindi ko kailanman matatamo ang katotohanan at magagawa ang pagbabago ng aking disposisyon. Sa katapusan, kinakailangan akong puksain ng Diyos, gaya ng kapalaran ni Satanas.

    Salamat sa Diyos para sa Iyong pagliliwanag at pagpapalinaw, na pinahintulutan ako upang kilalanin na yaong kawikaan ni Satanas na “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos” ay walang anuman kundi isang panlilinlang na ginagamit ni Satanas upang manipulahin ang isip at gawing tiwali ang sangkatauhan. Ang pariralang ito ay ginagamit bilang isang dahilan at kasangkapan ng tiwaling sangkatauhan upang ituloy ang pagsusumikap laban sa isa't isa. Ang parirala ay kontradiksyon sa katotohanan, at maaari lamang gawing tiwali at sirain ang sangkatauhan. Kung nakamit ng tao ang kanyang kabuhayan mula sa lason ni Satanas, kung siya ay kumikilos ayon sa mga kawikaan ni Satanas, higit lamang siyang magiging tiwali at masama. Siya ay unti-unting hindi magiging makatao at lalo pang sumasalansang sa Diyos, hiwalay sa Diyos. Hindi niya kailanman matatanggap ang kaligtasan ng Diyos. Makapangyarihang Diyos, panata ko na ilagay ang lahat ng aking pagsisikap sa Iyong mga salita at sa aking paghahangad ng katotohanan, nang sa gayon magawa kong kilalanin ang maraming uri ng kamandag ni Satanas sa loob ko, lubusang talikuran ang mga panlilinlang ni Satanas, at hindi na kikilos ayon sa mga kawikaan ni Satanas. Panata kong hanapin ang Iyong kalooban sa lahat ng bagay, at sundin ang Iyong salita, upang ang Iyong salita ay magkaugat nang malalim sa loob ng aking puso at maging mga kawikaan kung saan ginagawa ko ang mga bagay, ang mga pamantayan ng pagsukat sa sarili ko. Hayaan akong mamuhay nang buong pagkakaisa sa Iyong salita.

Mula sa Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni Cristo

Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Rekomendasyon:Kidlat ng Silanganan

Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Ano ang Ebanghelyo ?

21 Disyembre 2017

Natatanto na Tinatahak Ko ang Landas ng mga Fariseo


Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Natatanto na Tinatahak Ko ang Landas ng mga Fariseo


Wuxin    Lungsod ng Taiyuan, Lalawigan ng Shanxi

    Ang isang bagay na palagi nating tinatalakay noon sa mga nakaraang pagbabahaginan ay ang mga landas na nilakaran nina Pedro at Pablo. Sinasabing si Pedro ay nagtuon ng pansin sa pagkilala sa kanyang sarili at sa Diyos, at isang taong kinasihan ng Diyos, samantalang si Pablo ay nagtuon lamang ng pansin sa kanyang gawain, reputasyon at katayuan, at isang taong kinasuklaman ng Diyos. Palagi akong natatakot na tahakin ang landas ni Pablo, na dahilan kung bakit karaniwan ay madalas kong binabasa ang mga salita ng Diyos tungkol sa mga karanasan ni Pedro para makita kung paano niya nakilala ang Diyos. Pagkatapos pansamantalang mamuhay nang ganito, nadama kong naging mas masunurin ako kaysa dati, ang hangarin ko para sa reputasyon at katayuan ay naging malamlam, at bahagya ko pang nakilala ang sarili ko. Sa panahong ito, naniwala ako na kahit hindi ako lubusang nasa landas ni Pedro, masasabi na naabot ko ang gilid nito, at kahit paano ibig sabihin nito hindi ako papunta sa landas ni Pablo. Gayunman, mapapahiya ako ng mga pagbubunyag ng salita ng Diyos.

20 Disyembre 2017

Ang Maranasan ang Maingat na Pag-aalaga ng Diyos para sa Kaligtasan ng Tao sa Sakuna

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Maranasan ang Maingat na Pag-aalaga ng Diyos para sa Kaligtasan ng Tao sa
Sakuna


Muling, Beijing

Agosto 16, 2012

    Noong Hulyo 21, 2012, nakita ng Beijing ang pinakamabigat na pagbagsak ng ulan sa loob ng animnapung taon. Sa malakas na buhos ng ulan na iyon nakita ko ang mga gawa ng Diyos at nakita ko kung paano Niya inililigtas ang tao.

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-siyam na Pagbigkas


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-siyam na Pagbigkas


    Noong araw na ang lahat ng bagay ay muling nabuhay, Ako ay tumungo sa tao, at nagpalipas Ako ng magagandang araw at gabi kasama siya. Dito lamang sa puntong ito na kaunti ang pakiramdam ng tao sa Aking pagiging madaling lapitan, at ang kanyang pakikipag-ugnayan sa Akin ay nagiging madalas, nakikita niya ang ilan sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako—at bilang bunga, nakakakuha siya ng kaunting pagkakakilala sa Akin. Sa lahat ng mga tao, itinataas Ko ang Aking ulo at nagmamasid, at lahat sila ay nakikita Ako. Ngunit kapag ang sakuna ay sinapit na ng mundo, agad silang nagiging balisa, at ang Aking imahe ay naglalaho sa kanilang mga puso; tinamaan ng sindak sa pagdating ng sakuna, hindi nila iniintindi ang Aking mga paghihikayat. Maraming taon nang Ako ay nagdaan sa tao, ngunit lagi siyang nananatiling walang kamalayan, at hindi Ako kailanman nakilala. Ngayon, winiwika Ko sa kanya mula sa Aking mismong bibig, at hikayatin ang lahat ng tao na humarap sa Akin para tumanggap ng mga bagay mula sa Akin, ngunit pinapanatili pa rin nila ang kanilang pagitan mula sa Akin, at kaya naman hindi nila Ako kilala. Noong ang Aking mga yapak ay papunta tungo sa mga dulo ng sansinukob, ang tao ay magsisimulang magnilay sa kanyang sarili, at ang lahat ng tao ay pupunta sa Akin at yuyuko sa Aking harapan at Ako ay sasambahin. Ito ang magiging araw ng Aking kaluwalhatian, ang Aking pagbabalik, at gayundin ang araw ng Aking pag-alis. Ngayon, Ako ay nagsimula na ng Aking gawa kasama ng buong sangkatauhan, pormal nang nagsimula, sa buong sansinukob, sa katapusan ng Aking plano sa pamamahala. Magmula sa sandaling ito at sa hinaharap, ang sinuman na hindi maingat ay may pananagutang sumailalim sa walang-awang pagkastigo sa kahit na anong sandali. Hindi dahil sa Ako ay walang puso, ngunit ito ay isang hakbang ng Aking plano sa pamamahala; lahat ay dapat sumailalim ayon sa mga hakbangin ng Aking plano, at walang sinuman ang makapagbabago nito. Kapag opisyal na akong nagsimula sa Aking gawa, ang lahat ng tao ay kikilos kagaya ng Aking kilos, gayon din ang mga tao sa buong sansinukob ay sasakupin ang kani-kanilang sarili bilang hakbang kasama Ako, mayroong “kagalakan” sa buong sansinukob, at ang tao ay Akin pang uudyukan. Ang kahihinatnan, ang malaking pulang dragon mismo ay pipilantikin sa isang estado ng diliryo at pagkalito dulot Ko, at nagsisilbing Aking gawa, at, sa kabila ng pagtanggi, ay hindi kayang sumunod sa mga sarili nitong pagnanais, na siyang iniiwan nang walang pagpipilian maliban sa magpasakop sa Aking kapangyarihan. Sa lahat ng Aking mga plano, ang malaking pulang dragon ay ang Aking kasalungat, Aking kaaway, at Akin ding alipin; dahil dito, hindi Ako kailanman nagpaluwag sa Aking “mga kautusan” ukol dito. Samakatuwid, ang huling yugto ng gawa ng Aking pagkakatawang-tao ay nakumpleto sa sarili nitong sambahayan. Sa ganitong paraan, ang malaking pulang dragon ay mas higit na kayang maglingkod sa Akin nang maayos, kung saan sa pamamagitan nito ay lulupigin Ko ito at kukumpletuhin ang Aking plano. Habang Ako ay gumagawa, ang lahat ng anghel ay papasok sa isang tiyak na digmaan kasama Ako at lulutasin ito para isakatuparan ang Aking mga hiling sa huling yugto, nang sa gayon ang mga tao sa daigdig ay susuko sa Aking harapan gaya ng mga anghel, at walang pagnanais na Ako ay tutulan, at walang ibang gagawin na paghihimagsik laban sa Akin. Ang mga ito ay mga pagbabago sa Aking gawa sa buong sansinukob.

18 Disyembre 2017

KPag-bigkas ng Diyos | Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawa ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos  | Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawa ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos


    Ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto, nangangahulugang ang gawain ng pagligtas sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto. Ang mga yugtong ito ay hindi kabilang ang gawain ng paglikha ng mundo, ngunit ang tatlong mga yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian. Ang gawain ng paglikha ng mundo ay ang gawain ng paglikha ng buong sangkatauhan. Hindi ito ang gawain ng pagligtas sa sangkatauhan, at walang kinalaman sa gawain ng pagligtas sa sangkatauhan, sapagkat noong ang mundo ay nilikha ang tao ay hindi pa natiwali ni Satanas, at gayon hindi na kailangan na isagawa ang gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan. Ang gawain ng pagligtas sa sangkatauhan ay nag-umpisa lamang noong ang tao ay naging tiwali, at gayon ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nag-umpisa lamang noong ang sangkatauhan ay naging tiwali. Sa madaling salita, ang pamamahala ng Diyos sa tao ay nag-umpisa bilang resulta ng gawain ng pagligtas sa sangkatauhan, at hindi nagmula sa gawain ng paglikha sa mundo. Maaaring walang naging gawain ng pamamahala sa sangkatauhan kung wala ang tiwaling disposisyon ng tao, at gayon ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay saklaw ang tatlong bahagi, sa halip na apat na mga yugto, o apat na panahon. Ito lamang ang wastong paraan sa pagtukoy sa pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan. Kapag ang huling panahon ay malapit nang matapos, ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay darating na sa ganap na katapusan. Ang konklusyon ng gawain ng pamamahala ay nangangahulugang ang gawain ng pagligtas sa buong sangkatauhan ay ganap nang natapos, at narating na ng sangkatauhan ang katapusan ng kanyang paglalakbay. Kung wala ang gawain ng pagligtas sa buong sangkatauhan, ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay hindi iiral, hindi rin magkakaroon ng tatlong mga yugto ng gawain. Tiyak na ito ay dahil sa kasamaan ng sangkatauhan, at dahil ang sangkatauhan ay nasa gayong madaliang nangangailangan ng kaligtasan, na winakasan ni Jehovah ang paglikha ng mundo at sinimulan ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahong iyon pa lamang nag-umpisa ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan, na nangangahulugang sa panahong iyon lamang nag-umpisa ang gawain ng pagligtas sa sangkatuahan. Ang “pamamahala sa sangkatauhan” ay hindi nangangahulugang pag-gabay sa buhay ng bagong-likhang sangkatauhan sa mundo (ibig sabihin, ang sangkatauhang hindi pa nagiging tiwali). Bagkus, ito ang kaligtasan ng sangkatauhan na natiwali ni Satanas, ibig sabihin, ito ay ang pagbabago sa tiwaling sangkatauhang ito. Ito ang kahulugan ng pamamahala sa sangkatauhan. Ang gawain ng pagligtas sa sangkatauhan ay hindi kabilang ang paglikha ng mundo, at gayon ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay hindi isinama ang gawain ng paglikha sa mundo, at kabilang lamang ang tatlong mga yugto ng gawain na hiwalay mula sa paglikha sa mundo. Upang maunwaan ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan, ito’y kailangan para malaman ang kasaysayan ng tatlong mga yugto ng gawain—ito ang dapat malaman ng lahat upang maligtas. Bilang mga nilalang ng Diyos, dapat ninyong kilalanin na ang tao ay nilikha ng Diyos, at dapat kilalanin ang pinagmulan ng katiwalian ng tao, at, bukod doon, dapat kilalanin ang paraan ng kaligtasan sa sangkatauhan. Kung nalalaman lamang ninyo kung paano kumilos nang ayon sa doktrina upang makamtan ang pabor ng Diyos, ngunit wala kayong alam tungkol sa kung paano nililigtas ng Diyos ang sangkatauhan, o ng pinanggalingan ng katiwalian ng sangkatauhan, gayon ito ang inyong kakulangan bilang isang nilalang ng Diyos. Hindi ka lamang dapat makuntento sa pagkaunawa sa mga katotohanang maaaring maisagawa, habang nagpapatuloy sa pagiging mangmang ukol sa mas malawak na sakop ng gawaing pamamahala ng Diyos—kung gayon, ikaw ay masyadong dogmatiko. Ang tatlong mga yugto ng gawain ay napapaloob sa salaysay ng Diyos sa pamamahala ng tao, ang pagdating ng ebanghelyo ng buong sansinukob, ang pinakamalaking hiwaga kabilang sa lahat ng sangkatauhan, at ito rin ang sandigan ng pagkalat ng ebanghelyo. Kung ikaw ay nakatuon lamang sa pag-unawa ng mga payak na katotohanan na may saysay sa iyong buhay, at walang alam sa mga ito, ang mga pinakamalaki sa lahat ng mga hiwaga at mga pananaw, gayon hindi ba ang iyong buhay ay tulad din ng isang sirang produkto, walang silbi kundi ang matignan lamang?

11 Disyembre 2017

Sa Wakas Namumuhay na Ako nang Kaunti na Parang Tao

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sa Wakas Namumuhay na Ako nang Kaunti na Parang Tao


Xiangwang    Sichuan Province

    Lubos kong nadarama na kinakastigo ako tuwing nakikita ko na sinasabi ng mga salita ng Diyos na: “Malupit, marahas na sangkatauhan! Ang pakikipagsabwatan at intriga, ang pagsasakitan sa isa’t-isa, ang pag-aagawan ng reputasyon at kayamanan, ang palitang pagpatay—kailan ito matatapos? Ang Diyos ay nagsalita ng daang-libong mga salita, ngunit walang isa mang tao ang natauhan. Sila ay kumikilos para sa kapakanan ng kanilang mga pamilya, at mga anak na lalaki at babae, para sa kanilang mga propesyon, pag-asa, katayuan, karangyaan, at kayamanan, para sa kanilang mga damit, para sa pagkain at sa laman—kaninong mga pagkilos ang talagang para sa kapakanan ng Diyos? Kahit sa gitna ng mga kumikilos para sa Diyos, kaunti lang ang nakakakilala sa Diyos. Ilan ang hindi kumikilos upang mapanatili ang kanilang sariling kapakanan? Ilan ang hindi nang-aapi ng iba para sa pagpapanatili ng kanilang sariling katayuan? Kaya, ang Diyos ay sapilitang hinatulan ng kamatayan nang di mabilang na beses, di-mabilang na salbaheng hukom ang humatol sa Kanya at minsan pang ipinako Siya sa krus” (“Ang Masama ay Nararapat Parusahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Iniisip ko kung bakit hindi ko hinanap ang katotohanan, kung paano sa pagganap ko sa aking tungkulin ay paulit-ulit akong nakipagkumpitensya sa aking mga katrabaho, kung paano ko pinipigil o inaayawan ang iba alang-alang sa aking reputasyon at pakinabang—kung paano ako nagdulot ng pagkawala kapwa sa buhay ko, at sa gawain ng pamilya ng Diyos. Bagama’t isinaayos ng Diyos ang maraming sitwasyon para iligtas ako, naging manhid ako at lubos kong hindi naunawaan ang layunin ng Diyos. Pero patuloy akong kinahabagan ng Diyos, iniligtas, at pagkatapos lamang ng paulit-ulit na pagkastigo at paghatol ako nagising at naunawaan ko na nais ng Diyos na iligtas tayo, na isinasantabi ang pagnanasa kong gumanda ang aking reputasyon at katayuan at magsimulang kumilos nang kaunti na parang tao.

Ano Talaga ang Totoong Pagtanggap sa Katotothanan?

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ano Talaga ang Totoong Pagtanggap sa Katotothanan?


Xiaohe    Puyang City, Henan Province

    Sa nakaraan, sa tuwing babasahin ko ang mga salita na ibinunyag ng Diyos tungkol sa kung paano hindi tinatanggap ng mga tao ang katotohanan, hindi ako naniwala na ang mga salitang ito ay naaangkop sa akin. Nasiyahan ako sa pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos at ang pagbabahagi ng salita ng Diyos, at nagawa kong tanggapin at kilalanin ang lahat ng sinabi ng Diyos bilang katotohanan—hindi alintana kahit gaano man nito tinusok ang aking puso o hindi sumunod sa aking mga paniwala. Bukod dito, gaano man karami ang mga kakulangan na ipinapamata ng aking mga kapatid, ito ay kinilala at tinanggap ko. Hindi ko sinubukang bigyang-katwiran ang aking sarili, kung kaya’t inisip ko na ako ay isang tao na siguradong tumanggap sa katotohanan. Tanging ang mga tao na sadyang mayabang at makasarili at may mga paniniwala tungkol sa salita ng Diyos, mga hindi kinikilala na ang salita ng Diyos ay ang katotohanan ay silang hindi tumatanggap sa katotohanan. Ganito ako kung mag-isip noon hanggang isang araw habang ako ay nakikinig sa “Fellowship and Preaching About Life Entry,” ganap kung naintindihan ang ibig sabihin ng pagtanggap sa katotohanan.

10 Disyembre 2017

Ang Tunay na Pagsasamahan

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos |Ang Tunay na Pagsasamahan 


Fang Li    Lungsod ng Anyang, Probinsya ng Henan
    Kamakailan, naisip ko na ako’y nakapasok sa isang maayos na pagsasamahan. Ang kasama ko at ako ay maaaring talakayin ang anumang bagay, minsan sinabi ko pa sa kanya na punahin niya ang aking mga pagkukulang, at hindi kami kailanman nag-away, kaya akala ko na nakamtan namin ang isang maayos na pagsasamahan. Ngunit habang lumalabas ang mga katotohanan, ang isang tunay na maayos na pagsasamahan ay hindi tulad ng anumang bagay na aking inakala.

04 Disyembre 2017

Milagro sa Sakuna | Video ng Ebanghelyo "Pagpalain ng Diyos"



Milagro sa Sakuna | Video ng Ebanghelyo "Pagpalain ng Diyos"


Madalas sabihin ng mga tao na "Ang mga bagyo ay namumuo nang walang babala at ang kasawian ay sumasapit sa mga tao sa magdamag." Sa panahon natin ngayon na mabilis na umuunlad ang siyensya, modernong transportasyon at materyal na yaman, dumarami ang mga sakunang nangyayari sa buong paligid natin bawat araw. Kapag binuklat natin ang pahayagan o binuksan ang TV, ang pangunahing nakikita natin ay: mga digmaan, lindol, tsunami, bagyo, sunog, baha, pagbagsak ng mga eroplano, sakuna sa minahan, kaguluhan sa lipunan, matitinding alitan, pag-atake ng mga terorista, atbp. Lahat ng nakikita natin ay mga likas na kalamidad at mga sakunang dulot ng tao. Ang mga sakunang ito ay madalas mangyari at mas tumitindi. Ang masidhing pagdami ng sakuna ay may kasamang pagdurusa, dugo, pagkabalda at kamatayan. Nangyayari ang mga kasawian sa ating paligid sa lahat ng oras, na nagbibigay-diin na maikli at marupok ang buhay. Wala tayong paraan para mahulaan kung anong klaseng mga sakuna ang mararanasan natin sa hinaharap. Bukod pa rito, hindi natin alam kung ano ang dapat nating gawin. Bilang bahagi ng sangkatauhan, ano ang dapat nating gawin upang makalaya sa mga sakunang ito? Sa programang ito, malalaman mo ang sagot. Malalaman mo ang tanging paraan para matanggap ang proteksyon ng Diyos upang makaligtas ka sa nakaambang mga sakuna.

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

28 Nobyembre 2017

Ang himno ng Salita ng Makapangyarihang Diyos | Sa Pagkakatawang-tao Lamang ng Diyos Magiging Katiwala Niya Ang Tao



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sa Pagkakatawang-tao Lamang ng Diyos Magiging Katiwala Niya Ang Tao

I

Maraming tao'ng naniniwala,
ngunit kaunti lang ang nakakaunawa sa pananampalataya sa Diyos,
paano ba sasabayan ang pintig ng Kanyang puso.
Maraming may alam sa mga salitang "Diyos" at "gawain ng Diyos,"
ngunit di Siya kilala at ang mga gawain Niya.
Kaya pananalig nila'y bulag.
Sila'y di seryoso dito dahil ito'y kakaiba.
Kaya kapos sila sa mga hinihingi ng Diyos.
Kung di mo kilala ang Diyos at gawain N'ya,
angkop ka bang gamitin N'ya?
Matutupad mo ba ang hangad ng Diyos?

Ang himno ng Salita ng Makapangyarihang Diyos | Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos

I
Maraming tao’ng naniniwala,
ngunit kaunti lang ang nakakaunawa sa pananampalataya sa Diyos,
paano ba sasabayan ang pintig ng Kanyang puso.
Maraming may alam sa mga salitang “Diyos” at “gawain ng Diyos,”
ngunit di Siya kilala at ang mga gawain Niya.
Kaya pananalig nila’y bulag.
Sila’y di seryoso dito dahil ito’y kakaiba.
Kaya kapos sila sa mga hinihingi ng Diyos.
Kung di mo kilala ang Diyos at gawain N’ya,
angkop ka bang gamitin N’ya?
Matutupad mo ba ang hangad ng Diyos?

08 Nobyembre 2017

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pangwakas na Bunga na Layong Makamit ng Gawain ng Diyos


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pangwakas na Bunga na Layong Makamit ng Gawain ng Diyos
Sa mga gawain ng Diyos,
sinumang tunay ang pagdanas
may galang at takot sa Kanya,
mas mataas kaysa paghanga.
Kastigo’t paghatol N’ya
tao’y kita disposisyon N’ya,
sa puso nila’y igalang S’ya.
Diyos ay dapat sambahin at sundin,
dahil anyo’t disposisyon Niya
kaiba sa mga nilalang,
higit sa mga nilalang.
Diyos lang marapat sambahin at pasakop.

14 Oktubre 2017

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?

Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus, Kidlat ng Silanganan, Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos, Kaharian , panginoon,


Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?



    Bilang isang tao na naniniwala sa Diyos, nararapat mong maunawaan na ngayon, sa pagtanggap ng gawain ng Diyos sa mga huling araw at ang lahat ng gawain ng plano ng Diyos sa iyo, ikaw ay talagang nakatanggap ng malaking pagpaparangal at kaligtasan mula sa Diyos. Ang lahat ng gawa ng Diyos sa buong sansinukob ay nakatutok sa kalipunang ito ng mga tao. Inilaan Niya ang lahat ng Kanyang pagsisikap para sa inyo at inihandog ang lahat para sa inyo; Kanyang tinubos at ibinigay sa inyo ang lahat ng gawain ng Espiritu sa buong sansinukob. Iyan ang dahilan kung bakit ko sinasabing, kayo ang mapalad.Higit pa rito, inilipat Niya ang Kanyang kaluwalhatian mula sa Israel, ang Kanyang piniling mga tao, sa inyo, nang sa gayon ay matupad ang layunin ng Kanyang plano na lubusang maihayag sa pamamagitan ninyong mga kalipunan ng tao. Samakatwid, kayo ang yaong makatatanggap ng pamana ng Diyos, at higit pa, ang mga tagapagmana ng kaluwalhatian ng Diyos. Marahil ay naaalala ninyo ang mga salitang ito: "Sapagkat ang aming magaang kapighatian, na panandalian lamang, ang siyang magdudulot sa amin ng lalong higit at walang hanggang kaluwalhatian." Dati, narinig ninyong lahat ang kasabihang ito, ngunit walang nakaunawa ng tunay na kahulugan ng mga salita. Ngayon, alam niyo na rin ang tunay na kahalagahan na mayroon ang mga ito. Ang mga salitang ito ang isasakatuparan ng Diyos sa mga huling araw. At ito ay mangyayari sa mga malupit na pinighati ng malaking pulang dragon sa lupa kung saan ito namamalagi. Inuusig ng malaking pulang dragon ang Diyos at ito ay kaaway ng Diyos, kaya sa lupang ito, yaong mga naniniwala sa Diyos ay isinailalim sa panghihiya at pag-uusig. Iyon ang dahilan kung bakit ang mga salitang ito ay magiging katotohanan sa inyong kalipunan ng mga tao. Habang ang gawain ay naisasakatuparan sa lugar na tumututol sa Diyos, ang lahat ng Kanyang gawain ay sinalubong ng labis na pang-aabala, at marami sa Kanyang mga salita ay hindi maisasakatuparan sa tamang panahon; kaya, ang mga tao ay pinino dahil sa mga salita ng Diyos. Ito rin ay bahagi ng paghihirap. Labis na nakakapagod para sa Diyos na isakatuparan ang Kanyang gawain sa lupain ng malaking pulang dragon, ngunit ito'y sa pamamagitan ng naturang paghihirap na gumagawa ang Diyos ng yugto ng Kanyang gawain upang ipahayag ang Kanyang karunungan at mga nakakamanghang mga gawa. Ginagamit ng Diyos ang pagkakataong ito upang gawing ganap itong kalipunan ng tao. Dahil sa pagdurusa ng tao, ang kanilang kakayahan, at lahat ng mala-satanas na disposisyon ng mga tao sa maruming lugar na ito, ginagawa ng Diyos ang gawain Niya ng pagdadalisay at paglupig nang sa gayon, mula rito, Siya ay maaaring magkamit ng kaluwalhatian at makuha ang mga tao na maging saksi sa Kanyang mga gawa. Ito ang lubos na kahulugan ng lahat ng mga sakripisyo na ginawa ng Diyos para sa kalipunan ng mga taong ito. Ibig sabihin, ang Diyos ang gumagawa ng gawain ng panlulupig sa pamamagitan lamang ng yaong mga sumasalungat sa Kanya. Samakatwid, sa paggawa nito ay maaaring maihayag ang dakilang kapangyarihan ng Diyos. Sa ibang salita, yaon lamang nasa maruming lupa ang karapat-dapat na magmana ng kaluwalhatian ng Diyos, at ito lamang ang makapagbibigay ng katanyagan sa dakilang kapangyarihan ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit ko sinasabing ang kaluwalhatian ng Diyos ay nakamit sa maruming lupa at yaong mula sa mga naninirahan doon. Ito ang kalooban ng Diyos. Ito ay katulad din sa yugto ng gawa ni Jesus; maaari lamang Siyang luwalhatiin sa kalagitnaan ng mga Fariseong umusig sa Kanya. Kung hindi dahil sa pag-uusig na iyon at ang pagkakanulo sa Kanya ni Judas, hindi sana pinagtawanan o nakaranas ng paninirang-puri si Jesus, higit dito ay ang ipako sa krus, at hindi sana Siya nagkamit ng kaluwalhatian. Kahit saan man gumawa ang Diyos sa bawat panahon at kahit saan siya gumawa ng Kanyang tungkulin sa katawang-tao, Siya ay nagkakamit ng kaluwalhatian doon at doon nagkakamit yaong mga ninanais Niyang magkamit. Ito ang plano ng gawa ng Diyos, at ito ang Kanyang pamamahala.

23 Setyembre 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos, katotohanan, buhay,

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I

  Ang ilan sa huli kong tinalakay sa mga pagsasamahan ay tungkol sa gawain ng Diyos, disposisyon ng Diyos, at Diyos Mismo. Pagkatapos mapakinggan ang mga pagtalakay sa mga pagsasamahan na ito, naramdaman ba ninyo na nagkaroon kayo ng kaunawaan at kaalaman tungkol sa disposisyon ng Diyos? Gaano katinding kaunawaan at kaalaman? Maaari niyo ba itong lagyan ng numero? Nagbigay ba sa inyo ang mga pagsasamahang ito ng mas malalim na kaunawaan sa Diyos? Maaari bang sabihing ang kaunawaang ito ay isang tunay na kaalaman sa Diyos? Maaari bang sabihin na itong kaalaman at kaunawaan sa Diyos ay isang kaalaman sa kabuuang diwa ng Diyos, at ang lahat ng mayroon at kung ano Siya? Hindi, malinaw na hindi! Ito’y dahil nagbigay lamang ang mga pagsasamahang ito ng kaunawaan sa bahagi ng disposisyon ng Diyos, at kung ano ang mayroon at kung ano Siya—hindi ang lahat ng ito, o ang kabuuan nito. Ang mga pagsasamahan ay nagpaunawa sa inyo ng bahagi sa gawaing minsa’y ginawa ng Diyos, kung saan nakita ninyo ang disposisyon ng Diyos, at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, pati na rin ang pamamaraan at pag-iisip sa likod ng lahat ng Kanyang ginawa. Ngunit isa lamang itong literal, sinabing kaunawaan sa Diyos, at, sa inyong puso, nananatili kayong hindi sigurado kung gaano karami rito ang totoo. Ano ang mga pangunahing tumutukoy sa kung mayroon bang anumang katotohanan sa kaunawaan ng mga tao sa mga naturang bagay? Natutukoy ito sa pamamagitan ng kung gaano katindi ang mga salita ng Diyos at disposisyon na tunay nilang naranasan sa panahon ng kanilang aktwal na mga karanasan, at kung gaano karami ang nakita at nalaman nila sa panahon nitong aktwal na mga karanasan. “Ang ilang mga huling pagsasamahan ay nagpaunawa sa atin ng mga bagay na ginawa ng Diyos, ang mga pag-iisip ng Diyos, at bukod diyan, ang saloobin ng Diyos tungo sa sangkatauhan at ang mga basehan ng Kanyang mga pagkilos, pati na rin ang mga prinsipyo ng Kanyang mga pagkilos. At kaya natin nauunawaan ang disposisyon ng Diyos, at nalaman ang kabuuan ng Diyos.” May nagsabi ba ng mga naturang salita? Tama ba na sabihin ito? Ito’y malinaw na hindi. At bakit ko sinabi na ito’y hindi? Ang disposisyon ng Diyos, at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ay naipahayag sa mga bagay na Kanyang ginawa at ang mga salitang Kanyang sinabi. Maaaring makita ng tao kung anong mayroon at kung ano ang Diyos sa pamamagitan ng gawain na Kanyang ginawa at ang mga salitang Kanyang sinabi, ngunit ito lang ay para sabihin na ang gawain at mga salita ay nagpapaunawa sa tao ng bahagi ng disposisyon ng Diyos, at bahagi ng kung ano ang mayroon at kung ano Siya. Kung naisin ng tao na magkaroon pa ng mas marami at malalim na kaunawaan sa Diyos, kung gayon dapat ay mas maranasan ng tao ang mga salita at gawain ng Diyos. Bagama’t ang tao ay nagkakaroon lamang ng bahagyang kaunawaan sa Diyos kapag nakararanas ng bahagi ng mga salita o gawain ng Diyos, ito bang bahagyang kaunawaang ito ay kumakatawan sa tunay na disposisyon ng Diyos? Kumakatawan ba ito sa diwa ng Diyos? Syempre ito’y kumakatawan sa tunay na disposisyon ng Diyos, at sa diwa ng Diyos, walang duda diyan. Anumang oras o lugar, o sa kung anumang paraan gawin ng Diyos ang Kanyang gawain, o sa kung anumang anyo Siya magpakita sa tao, o sa kung anong paraan Niya ipahayag ang Kanyang kalooban, ang lahat na Kanyang ibinubunyag at ipinapahayag ay kumakatawan sa Diyos Mismo, sa diwa ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya. Ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng kung ano ang mayroon at kung ano Siya, maging sa Kanyang totoong pagkakakilanlan; ito ay talagang tunay. Ngunit, ngayon, ang mga tao ay may bahagya lang na pag-unawa sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at sa pamamagitan ng kung ano ang naririnig nila sa katuruan, at kaya sa partikular na lawak, ang kaunawaang ito ay maaaring sabihing panteoryang kaalaman lamang. Sa pagtingin sa iyong aktwal na kalagayan, maaari mo lang beripikahin ang kaunawaan o kaalaman sa Diyos na iyong narinig, nakita, o nalaman at naintindihan sa iyong puso ngayon kung ang bawat isa sa inyo ay mapagdaanan ito sa iyong mga aktwal na mga karanasan, at malaman ito nang paunti-unti. Kung hindi ko tatalakayin sa pagsasamahan ang mga salitang ito sa inyo, makukuha niyo ba ang tunay na kaalaman sa Diyos sa pamamagitan lamang ng inyong mga karanasan? Para gawin iyon, sa tingin ko, ay magiging napakahirap. Iyon ay dahil kinakailangan ng mga tao na taglayin muna ang mga salita ng Diyos para malaman kung paano makaranas. Gayun pa man, marami sa mga salita ng Diyos na kinakain ng tao, ganyan ang bilang ng maaari nilang aktwal na maranasan. Nangunguna ang salita ng Diyos sa daanan, at gagabayan ang tao sa kanyang karanasan. Sa madaling salita, para sa mga nagkaroon ng ilang tunay na karanasan, ang huling ilang mga pagsasamahan ang tutulong sa kanilang makamit ang mas malalim na pag-unawa sa katotohanan, at mas makatotohanang kaalaman sa Diyos. Ngunit para sa mga wala pang anumang tunay na karanasan, o sa mga nagsisimula pa lamang sa kanilang karanasan, o nagsisimula pa lamang na mapunta sa realidad, ito ay isang malaking pagsubok.

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.