Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

01 Enero 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Dsposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Unang bahagi)

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos |  Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Unang bahagi)





    Ang ilang mga pagsasamahang ito ay nagkaroon ng epekto sa bawat isang tao. Sa ngayon, sa wakas ay mararamdaman talaga ng mga tao ang tunay na pag-iral ng Diyos at ang Diyos ay totoong napakalapit sa kanila. Bagamat ang mga tao ay naniniwala sa Diyos sa maraming mga taon, hindi nila kailanman tunay na naintindihan ang Kanyang mga saloobin at mga ideya gaya nang naiintindihan nila ngayon, o tunay na naranasan ang Kanyang praktikal na mga gawa gaya nang nararanasan nila sa ngayon. Maging sa kaalaman o sa aktwal na pagsasagawa, karamihan sa mga tao ay natuto ng isang bagong bagay at nagkamit ng mas mataas na pagkaunawa, at napagtanto nila ang kanilang pagkakamali sa kanilang sariling mga paghahangad sa nakaraan, napagtanto ang kababawan ng kanilang karanasan at na masyadong marami ang hindi ayon sa kalooban ng Diyos, at naunawaan na ang pinakakulang sa tao ay ang kaalaman sa Disposisyon ng Diyos. Ang kaalamang ito sa bahagi ng mga tao ay isang uri ng madamdaming kaalaman; upang maabot ang makatwirang kaalaman ay kinakailangan ng unti-unting pagpapalalim at pagpapalakas sa pamamagitan ng kanilang mga karanasan. Bago tunay na maintindihan ng tao ang Diyos, sa pansarili maaring masabi na sila ay naniniwala sa pag-iral ng Diyos sa kanilang mga puso, ngunit wala silang tunay na pagkaunawa sa mga tiyak na katanungan kagaya ng kung anong uri ng Diyos Siya talaga, ano ang Kanyang kalooban, ano ang Kanyang disposisyon, at ano ang Kanyang tunay na saloobin tungo sa sangkatauhan. Nailalagay nito sa malaking kompromiso ang pananampalataya ng mga tao sa Diyos—ang kanilang pananampalataya ay hindi makararating sa kadalisayan o pagka-perpekto. Kahit na ikaw ay nasa harapan ng salita ng Diyos, o nadarama mo na nakaharap mo na ang Diyos sa pamamagitan ng iyong mga karanasan, hindi pa rin ito masasabing lubos mo na Siyang naiintindihan. Sapagkat hindi mo nalalaman ang mga saloobin ng Diyos, o kung ano ang Kanyang iniibig at Kanyang kinamumuhian, kung ano ang ikinagagalit Niya at kung ano ang nakagagalak sa Kanya, wala kang tunay na pagkaunawa sa Kanya. Ang iyong pananampalataya ay itinayo sa isang pundasyon ng kalabuan at kathang-isip, batay sa iyong pansariling mga kagustuhan. Ito ay malayo pa rin sa tunay na pananampalataya, at ikaw ay malayo pa rin sa pagiging isang tunay na mananampalataya. Ang mga pagpapaliwanag sa mga halimbawa mula sa mga kuwento mula sa Biblia ay nagtulot sa mga tao na malaman ang puso ng Diyos, kung ano ang Kanyang iniisip sa bawat hakbang sa Kanyang gawain at bakit Niya ginawa ang gawaing ito, ano ang Kanyang orihinal na layunin at Kanyang plano nang Kanyang gawin ito, kung paano Niya nakamit ang Kanyang mga ideya, at kung paano Niya inihanda at binuo ang Kanyang plano. Sa pamamagitan ng mga kuwentong ito, makakamit natin ang isang detalyado, tiyak na pagkaunawa sa bawat partikular na layunin ng Diyos at bawat tunay na saloobin sa panahon ng Kanyang anim na libong taon ng gawaing pamamahala, at ang Kanyang saloobin tungo sa mga tao sa magkakaibang mga pagkakataon sa magkakaibang mga panahon. Ang pagkaunawa sa kung ano ang iniisip ng Diyos, kung ano ang Kanyang saloobin, at ang disposisyon na Kanyang ibinubunyag habang hinaharap Niya ang bawat sitwasyon, ay makatutulong sa bawat tao na lalo pang mapagtanto nang mabuti ang Kanyang pag-iral, at lalo pang madama nang mabuti ang Kanyang pagiging totoo at pagiging tunay. Ang Aking layunin sa paglalahad sa mga kuwentong ito ay hindi upang maunawaan ng mga tao ang kasaysayan ng Biblia, ni hindi upang tulungan silang makabisado ang mga aklat sa Biblia o ang mga tao rito, at lalong hindi upang tulungan ang mga tao na maunawaan ang nasa likod ng kung ano ang ginawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan. Ito ay upang matulungan ang mga tao na maunawaan ang kalooban ng Diyos, ang Kanyang disposisyon, at ang bawat maliit na bahagi Niya, at makamit ang isang mas tunay at mas wastong pagkaunawa at kaalaman ukol sa Diyos. Sa ganitong paraan, magagawa ng puso ng mga tao ang, paunti-unti, maging bukas sa Diyos, mapalapit sa Diyos, at maunawaan Siya nang mas mabuti, ang Kanyang disposisyon, ang Kanyang diwa, at makilalang mabuti ang tunay na Diyos Mismo.

    Ang pagkaalam sa disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at ano Siya ay mayroong positibong epekto sa mga tao. Makatutulong ito na lalo silang magkaroon ng tiwala sa Diyos, at makatutulong na makamit nila ang tunay na pagsunod at takot sa Kanya. Sa gayon, hindi na sila magiging mga bulag na tagasunod, o basta na lamang Siya sasambahin. Hindi gusto ng Diyos ang mga hangal o yaong basta na lamang sumusunod sa karamihan, kundi isang grupo ng mga tao na mayroong malinaw na pagkaunawa sa kanilang mga puso at kaalaman sa disposisyon ng Diyos at maaaring sumaksi sa Diyos, mga tao na hindi kailanman iiwan ang Diyos dahil sa Kanyang karilagan, dahil sa kung ano ang mayroon at kung ano Siya, at dahil sa Kanyang matuwid na disposisyon. Bilang isang tagasunod ng Diyos, kung mayroon pa ring kawalan nang linaw sa iyong puso, o mayroon pa ring pag-aalinlangan at pagdududa sa tunay na pag-iral ng Diyos, ng Kanyang disposisyon, kung anong mayroon at kung ano Siya, at ang Kanyang plano na iligtas ang sangkatauhan, kung gayon ang iyong pananampalataya ay hindi makakamit ang pagpupuri ng Diyos. Hindi nanaisin ng Diyos ang ganitong uri ng tao na sumunod sa Kanya, at hindi Niya gugustuhin ang ganitong uri ng tao na humarap sa Kanya. Sapagkat ang ganitong uri ng tao ay hindi naiintindihan ang Diyos, hindi nila maibigay ang kanilang puso sa Diyos—ang kanilang mga puso ay sarado sa Kanya, kaya ang kanilang pananampalataya sa Diyos ay puspos nang karumihan. Ang kanilang pagsunod sa Diyos ay matatawag lamang na bulag. Makakamit lamang ng mga tao ang tunay na pananampalataya at maging tunay na mga tagasunod kung sila ay may isang tunay na pagkaunawa at kaalaman sa Diyos, na lumilikha ng tunay na pagsunod at takot sa Kanya. Sa ganitong paraan lamang nila maibibigay ang kanilang puso sa Diyos, upang buksan ito sa Kanya. Ito ang nais ng Diyos, sapagkat lahat ng kanilang ginagawa at iniisip ay makatatagal sa pagsubok ng Diyos, at maaring sumaksi sa Diyos. Lahat ng Aking sinasabi sa inyo na may kinalaman sa disposisyon ng Diyos, o kung anong mayroon at kung ano Siya, o ang Kanyang kalooban at ang Kanyang mga saloobin sa lahat ng Kanyang ginagawa, at mula sa alinmang pananaw, mula sa alinmang anggulo na Aking sinasabi, ang lahat ng ito ay upang tulungan kayo na maging mas tiyak ukol sa tunay na pag-iral ng Diyos, at lalong tunay na maintindihan at pahalagahan ang Kanyang pagmamahal sa sangkatauhan, at lalong tunay na maunawaan at pahalagahan ang pagmamalasakit ng Diyos para sa mga tao, at ang Kanyang dalisay na pagnanais na pamahalaan at iligtas ang sangkatauhan.


    Sa araw na ito ay una muna nating ibubuod ang mga saloobin ng Diyos, mga ideya, at ang bawat galaw buhat nang likhain ang mga tao, at upang matingnan kung anong gawain ang Kanyang isinakatuparan mula sa paglikha ng mundo hanggang sa opisyal na nagsimula ang Kapanahunan ng Biyaya. Madidiskubre natin pagkatapos kung alin sa mga saloobin at mga ideya ng Diyos ang hindi nalalaman ng tao, at mula roon ay mabibigyang-linaw natin ang pagkakasunod-sunod ng plano sa pamamahala ng Diyos, at ganap na maintindihan ang nilalaman kung saan nilikha ng Diyos ang Kanyang gawaing pamamahala, ang pinagmulan at ang proseso ng pag-unlad nito, at gayundin lubusang maintindihan kung anong mga resulta ang Kanyang nais mula sa Kanyang gawaing pamamahala—iyon ay, ang pinakasentro at ang layunin ng Kanyang gawaing pamamahala. Upang maitindihan ang mga bagay na ito kailangan nating bumalik sa isang malayo, payapa at tahimik na panahon nang wala pa ang mga tao …

    Noong ang Diyos ay bumangon mula sa Kanyang higaan, ang una Niyang iniisip ay ito: upang lumikha ng isang buhay na tao, isang tunay, na buhay na tao—yaong makakasalamuha at Kanyang madalas na makakasama. Ang taong ito ay maaaring makinig sa Kanya, at maaaring pagtiwalaan ng Diyos at maaaring makipag-usap sa kanya. Sa gayon, sa unang pagkakataon, ang Diyos ay kumuha ng isang dakot na lupa at ginamit ito upang likhain ang kauna-unahang buhay na tao na Kanyang inisip, at pagkatapos ang buhay na nilalang na ito ay binigyan Niya ng isang pangalan—Adan. Sa sandaling nakamit ng Diyos ang buhay at humihingang taong ito, ano ang Kanyang nadama? Sa unang pagkakataon, nakaramdam Siya ng kagalakan sa pagkakaroon ng isang minamahal, ng isang makakasama. Naramdaman din Niya sa unang pagkakataon ang pananagutan ng pagiging isang ama at ang pagmamalasakit na kaagapay nito. Ang buhay at humihingang taong ito ay nakapagdulot ng kasiyahan at kagalakan sa Diyos; naginhawaan Siya sa unang pagkakataon. Ito ang unang bagay na kailanman ay ginawa ng Diyos na hindi naisakatuparan gamit ang Kanyang mga saloobin o maging ng mga salita, ngunit nagawa gamit ang Kanyang sariling dalawang kamay. Kapag ang uri ng nilalang na ito—isang buhay at humihingang tao—ay tumayo sa harap ng Diyos, gawa sa laman at sa dugo, na may katawan at anyo, at nagagawang makipag-usap sa Diyos, nakaranas Siya ng isang uri ng kagalakan na hindi pa Niya nadama noong una. Tunay Niyang nadama ang Kanyang pananagutan at ang buhay na nilalang na ito hindi lamang may hatak sa kanyang puso, ngunit ang bawat kanyang maliit na galaw ay nakakaantig din sa Kanya at nagpapasigla sa Kanyang puso. Kaya kapag ang buhay na nilalang na ito ay tumatayo sa harapan ng Diyos, ito ang unang pagkakataon na inisip Niya na magkamit ng mas maraming mga tao na kagaya nito. Ito ang magkakasunod na mga pangyayari na nagsimula sa unang saloobing ito ng Diyos. Para sa Diyos, ang lahat ng mga pangyayaring ito ay nagaganap sa unang pagkakataon, ngunit sa unang mga pangyayaring ito, maging anuman ang Kanyang nadama noon—kagalakan, pananagutan, pagmamalasakit—wala Siyang mababahaginan na sinuman. Simula sa sandaling iyon, tunay na nadama ng Diyos ang isang kalumbayan at isang kalungkutan na hindi pa Niya nadama noong una. Nadama Niya na hindi matatanggap o mauunawaan ng mga tao ang Kanyang pagmamahal at pagmamalasakit, o ang Kanyang mga layunin sa mga tao, kaya nakaramdam pa rin Siya ng kalungkutan at hapdi sa Kanyang puso. Bagamat ginawa Niya ang mga bagay na ito para sa tao, walang malay ang tao ukol rito at hindi naiintindihan. Maliban sa kaligayahan, ang kagalakan at kaaliwan na idinulot ng tao sa Kanya ay mabilis na nakasama nito ang Kanyang unang mga pagkaramdam ng kalumbayan at kalungkutan. Yaon ang mga saloobin at mga damdamin ng Diyos sa panahong iyon. Habang ginagawa ng Diyos ang lahat ng mga bagay na ito, sa Kanyang puso napunta Siya mula sa kagalakan patungo sa kalumbayan at mula sa kalumbayan patungo sa pagdurusa, lahat ay may kahalong bagabag. Ang gusto Niyang gawin ay mabilis na hayaan ang taong ito, ang sangkatauhang ito na malaman kung ano ang nasa Kanyang puso at kaagad na maintindihan ang Kanyang mga saloobin. Sa gayon, sila ay magiging Kanyang mga tagasunod at maging kaayon Niya. Hindi na sila makikinig sa pagsasalita ng Diyos ngunit mananatiling walang kibo; hindi na sila magiging walang malay sa kung paano ang pagsama sa Diyos sa Kanyang gawain; sa ibabaw ng lahat, hindi na sila magiging mga taong nagwawalang-bahala sa mga kinakailangan ng Diyos. Ang unang mga bagay na ito na binuo ng Diyos ay totoong makabuluhan at nagtataglay ng malaking kahalagahan para sa Kanyang plano sa pamamahala at para sa mga tao sa araw na ito.

    Pagkatapos likhain ang lahat ng mga bagay at mga tao, ang Diyos ay hindi nagpahinga. Hindi Siya makapaghintay na ipatupad ang Kanyang pamamahala, ni hindi Siya makapaghintay na makamit ang mga taong mahal na mahal Niya sa gitna ng sangkatauhan.

    Sumunod, hindi katagalan pagkatapos likhain ng Diyos ang mga tao, nakikita natin mula sa Biblia na nagkaroon ng malaking baha sa buong daigdig. Si Noe ay nabanggit sa kasaysayan ng baha, at maaaring sabihin na si Noe ang unang tao na tumanggap sa tawag ng Diyos upang gumawa kasama Niya upang maisakatuparan ang isang tungkuling galing sa Diyos. Mangyari pa, ito rin ang unang pagkakataon na tumawag ang Diyos ng isang tao sa lupa na gumawa ng isang bagay alinsunod sa Kanyang utos. Sa sandaling natapos ni Noe ang paggawa sa arko, nagpasapit ng baha ang Diyos sa lupa sa unang pagkakataon. Nang gunawin ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng baha, iyon ang unang pagkakataon buhat nang likhain sila na nadama Niya na napagtagumpayan Siya ng galit sa mga tao; ito ang nagtulak sa Diyos upang gawin ang masakit na desisyon na wasakin ang sangkatauhan sa pamamagitan ng isang baha. Matapos mawasak ng baha ang mundo, ginawa ng Diyos ang Kanyang unang tipan sa mga tao na hindi na Niya ito kailanman muling gagawin. Ang sagisag ng tipang ito ay isang bahaghari. Ito ang unang tipan ng Diyos sa sangkatauhan, kaya ang bahaghari ang unang sagisag ng isang tipan na ibinigay ng Diyos; ang bahaghari na ito ay isang tunay, pisikal na bagay na umiiral. Ang mismong pag-iral ng bahaghari na ito ang siyang madalas na nagpapadama ng lungkot sa Diyos para sa nakaraang sangkatauhan na Kanyang nawala, at nagsisilbing isang patuloy na paalala sa Kanya kung ano ang nangyari sa kanila. … Hindi babagalan ng Diyos ang Kanyang hakbang—hindi Na Siya makapaghintay na tahakin ang susunod na hakbang sa Kanyang pamamahala. Pagkatapos, pinili ng Diyos si Abraham bilang Kanyang unang pinili para sa Kanyang gawain sa buong Israel. Ito din ang unang pagkakataon na pumili ang Diyos ng gayong kandidato. Ipinasya ng Diyos na simulan ang pagpapatupad sa Kanyang gawaing pagliligtas sa sangkatauhan sa pamamagitan ng taong ito, at upang ipagpatuloy ang Kanyang gawain sa gitna ng mga lahi ng taong ito. Makikita natin sa Biblia na ito ang ginawa ng Diyos kay Abraham. Sa gayon ay ginawa ng Diyos ang Israel na unang bayan na pinili, at sinimulan ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan sa pamamagitan ng mga taong Kanyang pinili, ang mga Israelita. At minsan pa sa unang pagkakataon, ipinagkaloob ng Diyos sa mga Israelita ang mga ipinahayag na mga patakaran at mga kautusan na dapat sundin ng sangkatauhan, at ipinaliwanag sila nang detalyado. Ito ang unang pagkakataon na pinagkalooban ng Diyos ang mga tao ng gayong katiyak, mga pamantayang patakaran kung paano sila dapat magbigay ng mga sakripisyo, kung paano sila dapat mabuhay, kung ano ang dapat nilang gawin at hindi dapat gawin, aling mga pagdiriwang at mga araw ang dapat nilang ipagdiwang, at mga panuntununag kanilang susundin sa lahat ng kanilang gagawin. Ito ang unang pagkakataon na binigyan ng Diyos ang sangkatauhan ng gayong kadetalyadong, mga pamantayang tuntunin at mga panuntunan para sa kanilang mga buhay.

Mula sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus

Rekomendasyon:Kidlat ng Silanganan

Ang Ebanghelyo ay lumalaganap

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.