Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

17 Enero 2019

Tagalog Christian Variety Show | Ang mga "Mabuting" Layunin ng Pastor

Tagalog Christian Variety Show | Ang mga "Mabuting" Layunin ng Pastor


  Si Yang Xiangming ay isang manggagawa sa isang denominasyon, at nang matiyak niya na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, ginagabayan na niya ang ilan niyang kapatid na bumaling sa Makapangyarihang Diyos. Dahil dito, naligalig ang kanyang pastor, kaya ginagamit ng pastor niya ang katayuan at pera upang tuksuhin siya, at ginagamit din ang kasal ng anak niya upang pagbantaan si Yang Xiangming na talikuran ang tunay na daan. Sa pagharap sa mga "mabuting" intensyon ng kanyang pastor, ano kaya ang kanyang gagawin sa huli? Sa kritikal na sandaling ito kung kailan natin sasalubungin ang pagdating ng Panginoon, bakit pinipigilan ng pastor na iyon ang mga mananampalataya sa pagsusuri sa tunay na daan? Matutulungan kayo ng maikling dulang "Ang Mga 'Mabuting' Intensyon ng Pastor" na maunawaan ang katotohanan ng ganitong sitwasyon.

16 Enero 2019

2. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nagbalik na Jesus.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

  Nagkatawang-tao ang Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, na ang tawag ng mga kababayan sa Hong Kong at Taiwan ay panloob-na-lupain. Nang dumating ang Diyos mula sa itaas tungo sa lupa, walang sinuman sa langit at lupa ang nakaalam tungkol dito, sapagka’t ito ang tunay na kahulugan ng pagbabalik ng Diyos sa isang lingid na paraan. Mahabang panahon na Siyang gumagawa at namumuhay sa katawang-tao, datapwa’t walang sinuman ang nakaalam nito. Hanggang sa araw na ito, walang sinuman ang nakakakilala rito.

15 Enero 2019

1. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nag-iisang Totoong Diyos na Namumuno sa Lahat ng Mga Bagay.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

  Hindi alam ng sangkatauhan kung sino ang Kataas-taasan sa lahat ng mga bagay sa sansinukob, mas lalong hindi niya alam ang simula at hinaharap ng sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay namumuhay lamang, nang sapilitan, sa gitna ng batas na ito. Walang maaaring makatakas dito at walang maaaring makapagbago rito, sapagka’t sa gitna ng lahat ng bagay at sa mga kalangitan ay mayroon lamang Isa na mula sa kawalang-hanggan tungo sa kawalang-hanggan na siyang nagtataglay ng paghahari sa lahat ng mga bagay.

13 Enero 2019

Tagalog Christian Music Video | "Ang Disposisyon ng Diyos Ay Mataas at Dakila"


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang Disposisyon ng Diyos Ay Mataas at Dakila

I
Galit ang Diyos dahil ang mga bagay na di matuwid
ay nandito upang guluhin ang sangkatauhan,
at ang kadiliman at kasamaa'y umiiral,
gaya ng mga bagay na nagtataboy sa katotohanan,
at may mga bagay na laban sa kabutihan.
Ang poot N'ya ang simbolo
ng wakas ng lahat ng masasamang bagay,
at higit pa ang simbolo ng Kanyang kabanalan,
ang simbolo ng Kanyang kabanalan.

Tagalog Christian Movie Trailer | "Lumabas Sa Biblia" | Interpreting the Mysteries About the Bible

Tagalog Christian Movie Trailer | "Lumabas Sa Biblia" | Interpreting the Mysteries About the Bible

  Si Wang Yue ay pastor sa isang bahay-iglesia sa China. Buong puso’t kaluluwa siyang nangaral at namuno sa iglesia para sa Panginoon. Pero nang mas lalong nawalan ng mga tao ang kanyang iglesia, lubha siyang nabalisa pero wala siyang nagawa tungkol doon. Habang nagdurusa at nalilito, sinuwerte siyang tanggapin ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos.

12 Enero 2019

Ang Inaasahan ng Diyos sa Sangkatauhan ay Hindi Kailanman Nagbago



Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang Inaasahan ng Diyos sa Sangkatauhan
ay Hindi Kailanman Nagbago

I
Mula nang nilikha Niya ang tao sa simula,
naghangad ang Diyos ng ‘sang grupo,
‘sang grupo ng mga mananagumpay,
‘sang grupo na lalakad kasama Niya at kayang umintindi,
umunawa, makaalam ng Kanyang disposisyon.
‘Di alintana kung gaano pa Siya katagal maghintay,
‘di alintana kung gaano kahirap ang daang haharapin,
gaano man kalayo ang mga hinahangad Niyang layunin,
‘di nagbago o sumuko ang Diyos sa mga inaasahan Niya sa tao.
Itong hiling ng Diyos ay ‘di nagbago kailanman.
Itong hiling ng Diyos ay nananatiling pareho.
Itong hiling ng Diyos ay ‘di nagbago kailanman.
Itong hiling ng Diyos,
itong hiling ng Diyos ay ‘di kukupas kailanman.

01 Setyembre 2018

Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw (Unang bahagi)



    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang kabuuang gawain sa loob ng 6,000 taon ay unti-unting nagbago kasabay ng panahon. Ang mga pagbabago sa gawaing ito ay naganap ayon sa kalagayan ng buong mundo. Ang gawaing pamamahala ng Diyos ay nagbago lang nang unti-unti ayon sa pagsulong ng sangkatauhan sa kabuuan; hindi pa ito binalak sa simula ng paglikha......Ang lahat ng Kanyang gawain ay ang pinaka-aktwal na gawain. Isinasagawa Niya ang Kanyang gawain ayon sa pagsulong ng panahon, at isinasagawa Niya ang karamihan sa Kanyang pinaka-aktwal na gawain ayon sa mga pagbabago ng mga bagay. Para sa Kanya, ang pagsasagawa ng gawain ay tulad ng pangangasiwa ng gamot sa isang sakit; Siya’y nagmamasid habang ginagawa ang Kanyang gawain; Siya ay gumagawa ayon sa mga nasubaybayan Niya. Sa bawat yugto ng Kanyang gawain, Siya ay may kakayahang magpahayag ng Kanyang sapat na karunungan at magpahayag ng Kanyang sapat na kasanayan; ibinubunyag Niya ang Kanyang sapat na karunungan at sapat na awtoridad ayon sa gawain ng bukod-tanging kapanahunan na iyon at hinahayaan ang alinman sa mga tao na Kanyang ibinalik sa mga kapanahunang iyon na makita ang Kanyang buong disposisyon. Tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao at isinasagawa ang gawain na kailangan Niyang gawin ayon sa mga kailangang isagawa sa bawat kapanahunan; tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao ayon sa antas kung saan sila ay ginawang tiwali ni Satanas."

Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal

31 Agosto 2018

Latest Tagalog Christian Music Video | "Sa Pagkatakot Lang sa Diyos na Malalayuan ang Kasamaan"


I
Ang disposisyon ng Diyos ay kamahalan at poot.
'Di Siya tupa na kakatayin lang ng kahit sino.
Hindi Siya manika, pinaglaruan ng kahit sino.
Ni 'di S'ya hangin, inuutusan lang ng tao.
Kung naniniwala ka sa pag-iral ng Diyos,
dapat puso mo'y may takot sa Kanya.
Alam mo dapat ang diwa ng Diyos ay 'di naaagrabyado.
Ang paglabag ay marahil dulot ng salita,
kaisipan, kaalaman o masamang gawain.
Maaaring dulot ito ng isang malumanay na kilos
na katanggap-tanggap ng moralidad.
Pero pag ginalit mo ang Diyos,
nawala mo na ang pagkakataong maligtas,
at ang mga huling araw mo'y malapit nang dumating.
Ito'y talagang nakakatakot.

28 Agosto 2018

Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nanghuhula Na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob



    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nguni’t ito ay mula sa Israel na Aking nilisan at mula roon na Ako ay dumating sa Silangan. Kung kailan lamang na ang liwanag ng Silangan ay marahang nagiging kulay puti saka ang kadiliman sa buong daigdig ay magsisimulang maging liwanag, at doon lamang matutuklasan ng tao na matagal na akong lumisan sa Israel at muling bumabangon sa Silangan. Yamang minsan na Akong nakábábâ sa Israel at sa dakong huli ay nilisan ito, hindi na Ako maipapanganak sa Israel, dahil ang Aking gawain ay pumapatnubay sa buong sansinukob, at ang higit pa, ang kidlat ay tuwirang kumikislap mula Silangan hanggang Kanluran. Sa kadahilanang ito nakábábâ Ako sa Silangan at dinala ang Canaan sa mga tao ng Silangan. Hinahangad ko na dalhin ang mga tao mula sa buong daigdig tungo sa lupain ng Canaan, kaya’t ipinagpapatuloy kong ilabas ang Aking mga pagbigkas sa lupain ng Canaan upang pigilan ang buong sansinukob. Sa panahong ito, walang liwanag sa buong daigdig maliban sa Canaan, at lahat ng tao ay nasa panganib ng gutom at lamig. Ibinigay Ko ang Aking kaluwalhatian sa Israel at pagkatapos ay inalis iyon, at pagkatapos ay dinala ang mga Israelita patungo sa Silangan, at ang buong sangkatauhan patungo sa Silangan. Nadálá Ko silang lahat sa liwanag upang sila ay muling makaisa nito, at makasama nito, at hindi na muling mangailangan pang maghanap para dito."

Rekomendasyon:Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

26 Agosto 2018

Tagalog Christian Music Video | "Ang Panloob na Kahulugan ng Gawain ng Paglupig"


I
Ang panloob na kahulugan ng paglupig ng tao
ay ang bumalik sa Maylalang.
Ito'y para sa tao na talikuran si Satanas
at lubos na pagbalik sa Diyos.
Ito ang kumpletong kaligtasan ng tao.
Paglupig ay ang huling labanan.
Ito ang huling yugto ng matagumpay na plano ng Diyos.
Kung wala ito, walang taong maliligtas,
walang tagumpay na nakukuha laban kay Satanas,
walang taong pumapasok sa isang mabuting hantungan.
Sangkatauhan ay naghihirap sa impluwensiya ni Satanas.
Kaya ang pagkatalo ni Satanas ay dapat mauna
para madala ang kaligtasan ng tao.
Lahat ng mga gawain ng Diyos ay para sa kapakanan ng tao.

25 Agosto 2018

Tagalog Christian Gospel Video | "Ang Iglesiang Three-Self Ang Aking Payong"


    Isang araw, nadakip ng Komunistang pamahalaan ng China ang maraming Kristiyano ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos mula sa isang partikular na lokasyon sa kalaliman ng gabi. Ang bagay na ito ay nagdulot ng kaguluhan sa lokal na lugar. Nagpasimula ito ng mga talakayan sa pagitan ng mga miyembro ng Iglesia ng Three-Self. Ilang tao ang naniwala na ang Kidlat sa Silanganan ay nagdusa sa malupit na pagsupil at pag-uusig ng Komunistang pamahalaan ng China. Napakamapanganib na maniwala sa Kidlat ng Silanganan, at pinakaligtas na maniwala sa Iglesia ng Three-Self. Hindi sila magdurusa ng paghihirap at magagawa nilang pumasok sa kaharian ng langit. Naniwala ang ibang mga tao na ang Kidlat ng Silanganan ang siyang tunay na daan, ngunit masyadong mabagsik ang kinakaharap nitong pag-uusig at aresto. Kung maniniwala sila, inisip nila na mas mabuting maniwala nang palihim. Sa sandaling matutumba ang Komunistang pamahalaan ng China, malaya na silang maniniwala sa Makapangyarihang Diyos. Inimbestigahan ng ilang tao ang Kidlat ng Silanganan ngunit naniwala sila na ikinakalat ng Kidlat ng Silanganan ang ebanghelyo at sumasaksi sa Panginoon nang walang pagsasaalang-alang sa buhay o kamatayan at na sila ay pinupuri ng Diyos. Inisip nila na ang mga taong nagtatago sa loob ng Iglesia ng Three-Self ay mga taong duwag na inaanod sa buhay nang walang layunin at na hindi sila karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit. … Pagkatapos ng mainit na talakayang ito, nalaman ba ng lahat kung anong uri ng mga tao ang pinupuri ng Panginoon at kung ang mga natatakot ba ay makakapasok sa kaharian ng langit?

24 Agosto 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Sampung Administratibong Kautusan na Dapat Sundin ng mga Piniling Tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian

    1. Ang tao ay hindi dapat palakihin ang kanyang sarili, ni ipagmalaki ang kanyang sarili. Dapat niyang sambahin at dakilain ang Diyos.

    2. Dapat mong gawin ang anumang bagay na kapaki-pakinabang sa gawain ng Diyos, at walang nakasasama sa mga interes ng gawain ng Diyos. Dapat mong ipagtanggol ang pangalan ng Diyos, patotoo ng Diyos, at gawain ng Diyos.

23 Agosto 2018

Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | "Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao" (Ikalawang bahagi)



    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung ano ang ipinahahayag ng tao ay kung ano ang kanyang nakikita, nararanasan, at kayang maguni-guni. Kahit na ito ay mga turo o mga paniwala, lahat ng mga ito ay kayang abutin ng pag-iisip ng tao. Gaano man kalaki ang gawain ng tao, hindi ito lalampas sa sakop ng karanasan ng tao, kung ano ang nakikita ng tao, o kung ano ang maaaring maguni-guni o maisip ng tao. Kung ano ang ipinahahayag ng Diyos ay kung ano ang Diyos Mismo, at ito ay hindi kayang abutin ng tao, ibig sabihin, lampas sa pag-iisip ng tao."

22 Agosto 2018

Sino ang Aking Panginoon - Nasa Biblia ba ang Lahat ng Gawain at Mga Salita ng Diyos?


    Naniniwala ang kabuuan ng relihiyosong mundo na ang gawain at mga salita ng Diyos ay nasa Biblia lahat, at sa pagbubukod ng Biblia, walang mga salitang binanggit ang Diyos at Kanyang gawain. Samakatuwid, hangga't kayo ay tapat sa Biblia, sisiguruhin nito na kayo ay makakapasok sa kaharian ng langit. Sumasang-ayon ba ang mga ideyang ito sa katunayan ng gawain ng Diyos? Mayroon bang mga salita ng Diyos sa labas ng Biblia? Ano ba talaga iyon na maggagabay sa tao upang makapasok sa kaharian ng langit? Iyon ba ay ang panghawakan ang Biblia, o ang pagsunod sa mga yapak ng Kordero? Ibubunyag sa inyo ng clip na ito ang lahat ng sagot!

21 Agosto 2018

Tagalog Christian Songs | "Kalooban ng D'yos Nabuksan na sa Lahat" (Tagalog Dubbed)


I
Mula sa paglikha sa tao,
ang pagiging D'yos, kalooban N'ya, pag-aari't disposisyon
nabuksan na sa bawa't isa't bukas sa lahat.
Di kailanman sinadya ng D'yos na itago diwa N'ya,
ni ang kanyang disposisyon o kalooban.
Talagang di pansin ng sangkatauhan
ang mga gawa ng Diyos, at ang Kanyang kalooban,
kaya ang pang-unawa ng tao sa D'yos ay kaawa-awang mahina,
ang pang-unawa ng tao sa D'yos ay kaawa-awang mahina.
Mula sa paglikha sa tao,
ang pagiging D'yos, kalooban N'ya, pag-aari't disposisyon
nabuksan na sa bawa't isa't bukas sa lahat.

The Best Tagalog Christian Music HD | "Ang Resulta ng Pagkakakilala sa Diyos" (Tagalog Dubbed)



I
Isang araw, madarama mong ang Maylalang ay 'di palaisipan,
S'ya ay di itinago, 'di tinakpan ang mukha sa iyo;
S'ya ay 'di naging malayo sa iyo;
Di na S'ya ang 'yong hangad araw at gabi
ngunit 'di maabot ng damdamin mo.
S'yang tunay mong tagapagbantay sa iyong tabi,
buhay mo'y tinustustusan, at hawak ang 'yong kapalaran.
S'ya'y wala sa malayong abot-tanaw, at 'di nakatago sa ulap.
S'ya'y sa tabi mo, naghahari sa lahat sa'yo.
Siya ay 'yong lahat at 'yong nag-iisa.

20 Agosto 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos

    Bawa’t isa ay nakadarama na ang pamamahala ng Diyos ay kakaiba, dahil sa palagay ng tao ang pamamahala ng Diyos ay ganap na walang kaugnayan sa tao. Palagay nila ang pamamahalang ito ay gawain lamang ng Diyos nang mag-isa, ay sariling tungkulin ng Diyos, at sa gayon ang sangkatauhan ay walang malasakit sa pamamahala ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang kaligtasan ng sangkatauhan ay naging malabo at hindi malinaw, at ngayon ay walang iba kundi walang-lamang retorika. Kahit na sumusunod ang tao sa Diyos upang maligtas at makapasok sa magandang patutunguhan, ang tao ay walang pag-aalala para sa kung paano isinasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain. Ang tao ay walang pagpapahalaga sa kung ano ang mga plano ng Diyos na gawin at sa bahaging dapat niyang gampanan upang maligtas. Gaano kalunus-lunos iyan! Ang pagliligtas ng tao ay hindi maihihiwalay sa pamamahala ng Diyos, mas lalong hindi ito maaaring ihiwalay mula sa plano ng Diyos. Gayunman hindi iniisip ng tao ang pamamahala ng Diyos, at sa gayon ay mas lalong lumalayo sa Diyos. Dahil dito, ang dumadaming bilang ng mga tao ay nagiging mga tagasunod ng Diyos na hindi alam ang mga bagay na mayroong malapit na kaugnayan sa pagliligtas ng tao tulad ng kung ano ang paglikha, kung ano ang paniniwala sa Diyos, kung paano sumamba sa Diyos, at iba pa. Sa puntong ito, kung gayon, kailangan nating magkaroon ng pagtalakay tungkol sa pamamahala ng Diyos, upang malinaw na malaman ng bawat tagasunod. ang kahalagahan ng pagsunod sa Diyos at paniniwala sa Kanya. Makakaya rin nilang pumili ng landas na dapat nilang lakaran nang mas tumpak, sa halip ng pagsunod lamang sa Diyos upang makakuha ng mga biyaya, o maiwasan ang sakuna, o maging matagumpay.

19 Agosto 2018

Mga Sumusunod Lang sa mga Yapak ng Diyos ang Makakatahak sa Landas ng Buhay na Walang Hanggan

Maraming taong sumasampalataya sa Panginoon ang naniniwala na: Dahil ang Biblia ay isang talaan ng salita ng Diyos at patotoo ng tao at makapagbibigay ng malaking katatagan sa tao, ang pagbabasa ng Biblia ay dapat magbigay sa atin ng buhay na walang hanggan.

17 Agosto 2018

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Dumating na ang Milenyong Kaharian" (Tagalog Dubbed)



    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "ang pagdating ng Milenyong Kaharian sa lupa ay ang pagdating ng mga salita ng Diyos sa lupa. Ang paglusong ng Bagong Herusalem mula sa langit ay ang pagdating ng mga salita ng Diyos na mamumuhay kasama ng tao, na gagabay sa bawat pagkilos ng tao, at lahat ng kanyang buong kaloob-loobang mga pag-iisip. Ito rin ang katotohanan na ang Diyos ay nagsasakatuparan, at ang kahanga-hangang tanawin ng Milenyong Kaharian. Ito ang planong itinakda ng Diyos: Ang Kanyang mga salita ay iiral sa lupa nang isang libong taon, at ipapahayag ng mga ito ang lahat ng Kanyang mga gawa, at kukumpleto sa lahat ng Kanyang gawa sa lupa, pagkatapos ng yugtong ito ang sangkatauhan ay sasapit sa kanilang katapusan."

16 Agosto 2018

Latest Christian Full Movie 2018 "Sino Siya na Nagbalik" Lord Jesus Has Come Again (Tagalog Dubbed)



    Si Kim Yeongrok ay isang masipag na pastor sa relihiyosong komunidad ng Korea. Dahil uhaw sa katotohanan, buong kasabikan niyang inantabayanan ang pangalawang pagdating ng Panginoong Jesus. Isang araw noong 2013, nabasa niya ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa Chosun Ilbo. Ang mga salitang ito, na puno ng kapangyarihan, ay nagkaroon ng agarang epekto sa kanya, at talagang naantig siya. Upang makatiyak na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, ang Tagapagligtas na matagal niyang hinintay, sinimulan niyang hanapin at siyasatin ang gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos. … Habang isa-isa niyang nalulutas ang bawat pagdududa sa kanyang puso, talagang napakasaya ni Kim Yeongrok kaya sinimulan niyang magpatirapa: ang Makapangyarihang Diyos ang pangalawang pagdating ng Panginoong Jesus sa mga huling araw. Tahimik siyang dumating sa atin at matagal nang ginagawa ang paghatol simula sa bahay ng Diyos!

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.