Dahil sa Pagsasagawa ng Aking Tungkulin, Pinagkalooban Ako ng Napakalaking Kaligtasan ng Diyos
Hong Wei, Beijing
August 15, 2012
Noong Hulyo 21, 2012, isang napakalakas na ulan ang nagpasimulang bumuhos. Nang araw na iyon, nagkataong mayroon akong tungkuling gagampanan, kaya pagkatapos ng aming pagpupulong at nakita kong tumila ang ulan, nagmadali akong umuwi sakay ng aking bisikleta. Pagkarating ko lamang sa lansangang bayan saka ko natuklasang ang tubig ay rumaragasa mula sa bundok na gaya ng isang talon, at ang kalsada ay nakalubog sa umaagos na tubig ulan na anupa’t hindi na ito makita pa. Nahintakutan ako sa aking nakita, kaya sa puso ko ay walang-lubay akong nanawagan, “Diyos! Nagsusumamo ako Sa’yo na dagdagan ang aking pananampalataya at lakas ng loob. Ngayon ang panahon na ibig Mong manindigan akong saksi. Kung hahayaan Mo akong matangay ng tubig, sa gayon ay naroon din ang Iyong mabuting layunin para rito. Handa akong pasakop sa iyong pangangasiwa at pagsasaayos.” Pagkatapos kong manalanging gaya nito, napanatag ako; hindi na ako ganoon katakot, at patuloy na hinarap ang bagyo pauwi sa bahay. Sinong nakaaalam na higit pang malaking panganib ang naghihintay sa akin? Sa daan pauwi sa aking bahay ay may matarik na dalisdis. Dahil sa bagong lagay na aspalto at sa tubig ulan na umaagos mula sa dalisdis, ang dalawang preno ng bike sa unahan ay di gumagana habang palusong ako. Sa paanan ng burol na ito ay may isang kalsadang patungo sa Pambansang Ruta 108, at sa kabilang bahagi nito ay hilera ng mga puno. Sa ibayo noon ay ang agos ng ilog; kung hindi ko mapababagalan ang aking takbo, sa gayo’y wala akong mapagpipilian kundi sumalpok sa mga punong iyon, at posible pang mahulog ako sa ilog. Ang mga kahihinatnan noon…. naisip ko, Ngayon, mapapahamak ako! Habang iniisip ko ito, may kung anong lakas na nanggaling kung saan ang biglang nagpabagsak sa akin mula sa aking bisikleta. Ang bugso ng bisikleta ay tinangay ako, at nadala ako hanggang sa interseksyon sa paanan ng burol. Sa tagpong iyon, dalawang kotse ang nagkataong dumaang magkasabay sa mismong harap ko. Muntik na! Buti na lang, sa gitna ng kagipitang ito, iniligtas ako ng Diyos.
Pagkauwi ko, lalong lumakas ang ulan, at sa isang kisap-mata ang tubig ay umabot na sa ikapitong baitang ng harapan ng bahay namin. Noon ang mga linya ng kuryente ay natumba na rin, na bumasag sa mga solar panel ng kapitbahay namin. Simula ng lumaki ako, hindi pa ako nakakita ng ganoong klaseng baha. Nang makapagpalit na ako ng damit kong basang-basa at bumalik sa bakuran upang magmasid, ang tubig ay umakyat na sa ikalabintatlong baitang at papasok na sa bakuran. Agad kong isinara ang tarangkahan at nagpasimulang tipunin ang MP4 player na ginagamit ko upang makinig ng mga himno at sermon, maging ang koleksyon ko ng mga aklat ng pagbigkas ng Diyos. Ang aking ina na isa ring manananampalataya, ay tinipon din ang kanyang mga aklat, at naghanda kami sa pag-ahon sa bundok anumang sandali. Noon ay bigla naming naisip, madadala namin ang mga sarili naming mga aklat, subalit ang marami sa mga aklat ng iglesia ay nasa bahay pa rin; paano namin mabibitbit ang mga iyon? Agad ay lumuhod kami at nanalangin sa Diyos: “Diyos! Madadala namin ang aming mga aklat, ngunit marami pa rin ang mga aklat ng iglesia ang nakatambak dito upang mabitbit namin. Ayaw naming mapinsala ang ari-arian ng iglesia. Diyos, pakibantayan at ingatan mo ang mga ito. Wala na kaming magagawa pa. Gayunpaman, handa kaming magtiwala sa Iyo, at sumuko sa Iyong pangangasiwa.” Pagkatapos manalangin, nakita ko ang isa pang gawa ng Dios. Dati, ang tubig baha ay rumaragasang patungo sa amin na lubhang mapangwasak, ngunit sa pagdaan nito sa aming tahanan, bigla itong bumagal at humina ang daluyong; lalo pa itong humina na isa na lamang mahinang agos. Dahil dito, ang mga aklat ng iglesia ay hindi napinsala kahit kaunti. Nang gabing iyon ang mga kapitbahay namin sa palibot ay nagsilikas dahil ang tubig ay pumasok sa kanilang bakuran, ngunit dahil sa mapagbantay na paningin ng Diyos, nanatili kaming ligtas, at nagtamasa ng payapang gabi.
Sa gitna ng karanasang ito, nasaksihan ko ang mga kamangha-manghang gawa ng Diyos ng sarili kong mga mata. Sapagkat naligtas ang aking buhay dahil sa pag-iingat ng Diyos, hindi ko magagawang sa kaibuturan ng aking konsensya ay ipagwalang-bahala ang pagbayaran ang pag-ibig na utang ko sa Kanya. Dapat kong lalong ipalaganap ang ebanghelyo at magpatotoo sa Kanya sa gayon ay maraming tao ang makalapit sa Makapangyarihang Diyos sa lalong madaling panahon. Ang ating paghihimagsik ay nagpalitaw ng galit ng Diyos, na nagdulot sa lahat ng kasakunaan upang dumating sa atin nang pauli-ulit; ang mga ito’y mga paalala at babala ng Diyos sa atin. Pahalagahan natin ang huling oportunidad na ibinigay ng Diyos upang tuparin ang ating mga tungkulin, at bigyang-kasiyahan ang Diyos at aluin ang Kanyang puso. Gayundin, sa pagtupad ng ating tungkulin, tamuhin natin, sa lalong higit na antas, ang kaalaman ng Diyos at saksihan ang mga gawa ng Diyos.
Mula sa Sandaang mga Tanong at mga Sagot sa Pag-iimbestiga sa Tunay na Daan
Rekomendasyon:Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento