Ang Misteryo ng Kabanalan | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (4) | Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Kidlat ng Silanganan ay nagpapatotoo na ang Diyos ay nagkatawang-tao sa mga huling araw upang gawin Niya mismo ang gawain ng paghatol. Gayunman ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan ay isinagawa sa pamamagitan ng paggamit kay Moises. Kung gayon hindi ba maaaring gawin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw sa gayunding paraan, sa pamamagitan ng paggamit ng mga tao? Bakit kailangang magkatawang-tao ang Diyos at gawin Niya ito mismo? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang gawain ng paghatol ay sariling gawa ng Diyos, kaya kailangang likas na magawa ito ng Diyos Mismo; hindi ito maaaring gawin ng taong Kanyang kahalili. Sapagkat ang paghatol ay ang panlulupig sa tao sa pamamagitan ng katotohanan, hindi mapag-aalinlanganan na nagpapakita pa rin ang Diyos sa nagkatawang-taong imahe upang gawin ang gawaing ito sa mga tao"(Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento