Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na jesus. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na jesus. Ipakita ang lahat ng mga post

16 Hulyo 2019

Tagalog Christian Movie | Revealing the Mystery of God's Name | "Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?!"


Tagalog Christian Movie | Revealing the Mystery of God's Name | "Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?!" (Tagalog Dubbed)


Ang pangalan niya ay Wang Hua, at siya ay mangangaral sa isang bahay iglesia sa Katimugang Tsina. Matapos siyang maniwala sa Panginoon, natuklasan niya sa Biblia na Jehova ang tawag sa Diyos sa Lumang Tipan, at tinawag na Jesus sa Bagong Tipan. Bakit may iba’t ibang pangalan ang Diyos? Talagang nalito si Wang Hua tungkol dito. Sinikap niyang hanapin ang sagot sa Biblia, pero nabigong maunawaan ang hiwaga….

14 Pebrero 2019

Tagalog church songs|Ang Ugat Kung Bakit Nilabanan ng mga Fariseo si Jesus



I
Nais n'yo bang malaman
kung bakit nilabanan ng mga Fariseo si Jesus?
Nais n'yo bang malaman kung ano ang diwa nila?
Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesias,
naniniwala lamang sa Kanyang pagdating,
di-hanap ang katotohanan ng buhay.

25 Enero 2019

2. Bakit Tinatawag ang Diyos sa Iba’t-ibang Pangalan sa Iba’t-ibang Kapanahunan?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
  Sa bawat kapanahunan, gumagawa ang Diyos ng bagong gawain at tinatawag ng bagong pangalan; paano Siya makakagawa ng parehong gawain sa iba’t ibang kapanahunan? Paano Siya makakakapit sa luma? Ang pangalan ni Jesus ay kinuha para sa kapakanan ng gawain ng pagtubos, kaya tatawagin pa rin ba Siya sa parehong pangalan kapag bumalik Siya sa mga huling araw? Gagawin pa rin ba Niya ang gawain ng pagtubos? Bakit si Jehova at si Jesus ay iisa, gayunman tinatawag Sila sa magkaibang mga pangalan sa magkaibang mga kapanahunan? Hindi ba sa dahilang ang mga kapanahunan ng Kanilang gawain ay magkaiba?

17 Enero 2019

Tagalog Christian Variety Show | Ang mga "Mabuting" Layunin ng Pastor

Tagalog Christian Variety Show | Ang mga "Mabuting" Layunin ng Pastor


  Si Yang Xiangming ay isang manggagawa sa isang denominasyon, at nang matiyak niya na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, ginagabayan na niya ang ilan niyang kapatid na bumaling sa Makapangyarihang Diyos. Dahil dito, naligalig ang kanyang pastor, kaya ginagamit ng pastor niya ang katayuan at pera upang tuksuhin siya, at ginagamit din ang kasal ng anak niya upang pagbantaan si Yang Xiangming na talikuran ang tunay na daan. Sa pagharap sa mga "mabuting" intensyon ng kanyang pastor, ano kaya ang kanyang gagawin sa huli? Sa kritikal na sandaling ito kung kailan natin sasalubungin ang pagdating ng Panginoon, bakit pinipigilan ng pastor na iyon ang mga mananampalataya sa pagsusuri sa tunay na daan? Matutulungan kayo ng maikling dulang "Ang Mga 'Mabuting' Intensyon ng Pastor" na maunawaan ang katotohanan ng ganitong sitwasyon.

16 Enero 2019

2. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nagbalik na Jesus.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

  Nagkatawang-tao ang Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, na ang tawag ng mga kababayan sa Hong Kong at Taiwan ay panloob-na-lupain. Nang dumating ang Diyos mula sa itaas tungo sa lupa, walang sinuman sa langit at lupa ang nakaalam tungkol dito, sapagka’t ito ang tunay na kahulugan ng pagbabalik ng Diyos sa isang lingid na paraan. Mahabang panahon na Siyang gumagawa at namumuhay sa katawang-tao, datapwa’t walang sinuman ang nakaalam nito. Hanggang sa araw na ito, walang sinuman ang nakakakilala rito.

15 Enero 2019

1. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nag-iisang Totoong Diyos na Namumuno sa Lahat ng Mga Bagay.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

  Hindi alam ng sangkatauhan kung sino ang Kataas-taasan sa lahat ng mga bagay sa sansinukob, mas lalong hindi niya alam ang simula at hinaharap ng sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay namumuhay lamang, nang sapilitan, sa gitna ng batas na ito. Walang maaaring makatakas dito at walang maaaring makapagbago rito, sapagka’t sa gitna ng lahat ng bagay at sa mga kalangitan ay mayroon lamang Isa na mula sa kawalang-hanggan tungo sa kawalang-hanggan na siyang nagtataglay ng paghahari sa lahat ng mga bagay.

13 Enero 2019

Tagalog Christian Movie Trailer | "Lumabas Sa Biblia" | Interpreting the Mysteries About the Bible

Tagalog Christian Movie Trailer | "Lumabas Sa Biblia" | Interpreting the Mysteries About the Bible

  Si Wang Yue ay pastor sa isang bahay-iglesia sa China. Buong puso’t kaluluwa siyang nangaral at namuno sa iglesia para sa Panginoon. Pero nang mas lalong nawalan ng mga tao ang kanyang iglesia, lubha siyang nabalisa pero wala siyang nagawa tungkol doon. Habang nagdurusa at nalilito, sinuwerte siyang tanggapin ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos.

22 Nobyembre 2018

Kaugnay sa Pangalan ng Diyos|Ang pangalan ng Diyos ay maaaring magbago, pero ang Kanyang tunay na diwa ay hindi magbabago kailanman.


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Mayroong mga nagsasabi na ang Diyos ay di-mababago. Tama iyon, ngunit ito ay tumutukoy sa di-nababagong sangkap at disposisyon ng Diyos. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na ang Kanyang sangkap ay nagbago; sa madaling sabi, ang Diyos ay mananatiling Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, matatapos ba Niya ang Kanyang anim na libong taong plano sa pamamahala? Ang alam mo lamang ay hindi magpakailanman nagbabago ang Diyos, ngunit alam mo ba na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma?

12 Oktubre 2018

Paano Nakilala ni Pedro si Hesus


Noong panahong si Pedro ay kasama ni Hesus, nakita niya ang maraming kaibig-ibig na katangian ni Hesus, maraming aspeto na karapat-dapat na tularan, at marami na nakapagtustos sa kanya. Bagaman nakita ni Pedro ang pagiging Diyos kay Hesus sa maraming paraan, at nakita ang maraming kaibig-ibig na mga katangian, sa simula hindi niya kilala si Hesus. Sinimulang sundan ni Pedro si Hesus noong siya ay 20 taong gulang, at nagpatuloy siya sa loob ng anim na taon. Sa panahong iyan, hindi niya kailanman nakilala si Hesus, nguni’t handang sundan Siya dahil lamang sa paghanga sa Kanya.

01 Oktubre 2018

Salita ng Diyos-Paano Nakilala ni Pedro si Jesus


Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | "Paano Nakilala ni Pedro si Jesus" (Tagalog Dubbed)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa loob ng panahong sinundan niya si Jesus, pinagmasdan at isinapuso ni Pedro ang lahat ng bagay tungkol sa Kanyang buhay: Ang Kanyang mga kilos, mga salita, mga galaw, at mga pagpapahayag. Natamo niya ang isang malalim na pagkaunawa na si Jesus ay hindi katulad ng mga karaniwang tao. Bagaman ang Kanyang itsura ay lubhang karaniwan, lipos Siya ng pag-ibig, malasakit, at pagpapaubaya sa tao. Lahat ng bagay na ginawa o sinabi Niya ay malaking tulong sa iba, at sa Kanyang tabi nakita at natuto ng mga bagay-bagay si Pedro na kailanman hindi pa niya nakita o nakamtan noong una.

27 Setyembre 2018

Paano Nagkakatotoo ang mga Propesiya tungkol sa Pagbalik ng Panginoong Jesus?


Tagalog Christian Movie Clips | Napakagandang Tinig | "Paano Nagkakatotoo ang mga Propesiya tungkol sa Pagbalik ng Panginoong Jesus?"


Maraming tao sa mga relihiyon ang sumusunod sa propesiya na bababa ang Panginoon na nakasakay sa ulap at hinihintay nilang dumating Siya sa gayong paraan para dalhin sila sa kaharian ng langit, pero nakaligtaan nila ang mga propesiya ng Panginoon na paparito Siya nang lihim: "Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw" (Pahayag 16:15). "Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). Kaya paano natupad ang mga propesiyang ito tungkol sa pagbalik ng Panginoon? At paano tayo dapat maging matatalinong birhen na sumasalubong sa pagbalik ng Panginoon?


Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus

30 Agosto 2018

Clip ng Pelikulang Sino ang Aking Panginoon - Muling Pinasigla Ang Isang Napabayaang Iglesia

    

    Matapos itakwil ng mga kapatiran sa isang pulungan ng iglesia ni Elder Liu Zhizhong ang mga kadena ng Biblia, binasa nila online ang tungkol sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, sila ay binusog ng nabubuhay na tubig ng buhay, at nagawa nilang ibalik ang kanilang orihinal na pananampalataya at pagmamahal at kumpirmahin sa kanilang mga puso na ang Makapangyarihang Diyos ay ang ikalawang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Nang makita itong nangyari ni Elder Liu Zhizhong, nagawa ba niyang ibaba ang Biblia at hinangad na siyasatin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw? Mangyaring panoorin ang maikling video na ito!


19 Agosto 2018

Mga Sumusunod Lang sa mga Yapak ng Diyos ang Makakatahak sa Landas ng Buhay na Walang Hanggan

Maraming taong sumasampalataya sa Panginoon ang naniniwala na: Dahil ang Biblia ay isang talaan ng salita ng Diyos at patotoo ng tao at makapagbibigay ng malaking katatagan sa tao, ang pagbabasa ng Biblia ay dapat magbigay sa atin ng buhay na walang hanggan.

16 Agosto 2018

Latest Christian Full Movie 2018 "Sino Siya na Nagbalik" Lord Jesus Has Come Again (Tagalog Dubbed)



    Si Kim Yeongrok ay isang masipag na pastor sa relihiyosong komunidad ng Korea. Dahil uhaw sa katotohanan, buong kasabikan niyang inantabayanan ang pangalawang pagdating ng Panginoong Jesus. Isang araw noong 2013, nabasa niya ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa Chosun Ilbo. Ang mga salitang ito, na puno ng kapangyarihan, ay nagkaroon ng agarang epekto sa kanya, at talagang naantig siya. Upang makatiyak na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, ang Tagapagligtas na matagal niyang hinintay, sinimulan niyang hanapin at siyasatin ang gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos. … Habang isa-isa niyang nalulutas ang bawat pagdududa sa kanyang puso, talagang napakasaya ni Kim Yeongrok kaya sinimulan niyang magpatirapa: ang Makapangyarihang Diyos ang pangalawang pagdating ng Panginoong Jesus sa mga huling araw. Tahimik siyang dumating sa atin at matagal nang ginagawa ang paghatol simula sa bahay ng Diyos!

14 Agosto 2018

Tagalog Christian Movie Clips | Pananabik "Saan ang Lugar na Naihanda ng Panginoon para sa Atin?"


    Dalawang libong taon na ang nakararaan, ipinangako ng Panginoong Jesus, "Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’s maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon" (Juan 14:2-3). Maraming naniniwala na nagbalik sa langit ang Panginoon, kaya siguradong naghanda Siya ng lugar para sa atin sa langit. Naaayon ba ang pagkaunawang ito sa mga salita ng Panginoon? Anong mga hiwaga ang nakapaloob sa pangakong ito?

03 Agosto 2018

Paano Nakilala ni Pedro si Jesus


  Noong panahong si Pedro ay kasama ni Jesus, nakita niya ang maraming kaibig-ibig na katangian ni Jesus, maraming aspeto na karapat-dapat na tularan, at marami na nakapagtustos sa kanya. Bagaman nakita ni Pedro ang pagiging Diyos kay Jesus sa maraming paraan, at nakita ang maraming kaibig-ibig na mga katangian, sa simula hindi niya kilala si Jesus. Sinimulang sundan ni Pedro si Jesus noong siya ay 20 taong gulang, at nagpatuloy siya sa loob ng anim na taon. Sa panahong iyan, hindi niya kailanman nakilala si Jesus, nguni’t handang sundan Siya dahil lamang sa paghanga sa Kanya. Noong unang tinawag siya ni Jesus sa baybayin ng Dagat ng Galilea, itinanong Niya: “Simon, anak ni Jonas, susundan mo ba Ako?” Sinabi ni Pedro: “Dapat kong sundan siya na ipinadala ng Amang nasa langit. Dapat kong kilalanin siya na pinili ng Banal na Espiritu. Susundan Kita.” Sa panahong ito, narinig ni Pedro na sinabi ang hinggil sa isang lalaki na nagngangalang Jesus, ang pinakadakila sa mga propeta, ang minamahal na Anak ng Diyos, at si Pedro ay walang tigil na umaasang matagpuan Siya, umaasa ng pagkakataon na makita Siya (dahil iyan ang paraan noon kung paano siya ginabayan ng Banal na Espiritu). Bagaman hindi pa niya kailanman nakita Siya at narinig lamang ang mga sabi-sabi tungkol sa Kanya, unti-unting lumago ang pananabik at paghanga kay Jesus sa kanyang puso, at madalas niyang pinanabikan na isang araw ay makita si Jesus. At paano tinawag ni Jesus si Pedro? Narinig din Niya nang mabanggit ang tungkol sa isang lalaki na tinatawag na Pedro, at hindi ito sa paraan na tinagubilinan Siya ng Banal na Espiritu: “Pumunta Ka sa Dagat ng Galilea, kung saan may isang tinatawag na Simon, anak ni Jonas.” Narinig ni Jesus ang isa na nagsabing mayroong isa na tinatawag na Simon, anak ni Jonas, at na narinig ng mga tao ang kanyang pangangaral, na ipinangaral niya rin ang mabuting balita tungkol sa kaharian ng langit, at lahat ng mga taong nakarinig sa kanya ay naantig na lumuha. Pagkatapos marinig ito, sinundan ni Jesus ang taong iyan, at nagtungo sa Dagat ng Galilea; noong tinanggap ni Pedro ang tawag ni Jesus, sinundan niya Siya.

29 Hulyo 2018

Tagalog Christian Music Video | "Dalawang Libong Taon ng Pananabik" | Meet With the Lord


I
Na ang Diyos ay nagkatawang-tao
niyayanig ang relihiyosong mundo,
nagugulong pangrelihiyong kaayusan,
at ginigising lahat ng kaluluwang
nananabik sa pagpapakita ng Diyos.
Sinong 'di namamangha dito? 
Sino ang hindi nasasabik na makita ang Diyos?
Ilang taon ang ginugol ng Diyos sa piling ng tao,
ngunit 'di ito namalayan ng tao.
Ngayon, ang Diyos Mismong nagpakita
para muling ibalik ang dati Niyang pagmamahal sa tao.

24 Hulyo 2018

2. Ano ang Pagkakatawang-tao? Ano ang Sangkap ng Pagkakatawang-tao?

.❋..❋..❋.
  Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
  “At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).
  “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6).
Salita ng Diyos, Kaharian, Landas, Jesus,  Biblia

“Sinabi sa kaniya ni JesusMalaon nang panahong ako’y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama? Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo’y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa. Magsisampalataya kayo sa akin na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin: o kungdi kaya’y magsisampalataya kayo sa akin dahil sa mga gawa rin” (Juan 14:9-11).
  “Ako at ang Ama ay iisa” (Juan 10:30).

18 Hulyo 2018

Tagalog Christian Movie Clips 2018 | Pananabik | "Sino ang Unang Madadala Pagdating ng Panginoon?"



    Marami sa mga nananalig sa Panginoon ang naniniwala na basta’t sila ay nagsasakripisyo, nagpapakahirap, at nagsusumikap, siguradong mauuna silang madala. Pero may batayan ba ito sa mga salita ng Panginoon? Sabi ng Panginoong Jesus, "Datapuwa’t maraming mga una na mangahuhuli; at mga huli na mangauuna" (Mateo 19:30). "Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig" (Juan 10:27). Malinaw na ang nagpapasiya kung mara-rapture ang isang tao o hindi ay kung naririnig nila ang tinig ng Panginoon. Yaong mga nakarinig muna sa Kanyang tinig at tumanggap sa Kanyang pagpapakita at gawain ay matatalinong dalaga, at sila ang unang mara-rapture.

17 Hulyo 2018

Kristianong Awitin | Dapat Kayong Maging Isang Tao Na Tumatanggap ng Katotohanan


 I
Piliin ang inyong sariling landas,
huwag tanggihan ang katotohanan
o lapastanganin ang Banal na Espiritu.
Huwag maging mangmang, huwag maging mapagmataas.
Sundin ang patnubay ng Banal na Espiritu.
Ang pagbabalik ni Jesus ay isang malaking kaligtasan
para sa lahat ng may kakayahang tanggapin ang katotohanan.
Ang pagbabalik ni Jesus ay isang pagkondena
para sa mga walang kakayahang tanggapin ang katotohanan.


Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.