Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

11 Hunyo 2018

Salita ng Diyos | Ang Ikalawang Pagbigkas

    Kasunod ng pagsasakatuparan ng bagong pamamaraan, magkakaroon ng mga bagong hakbang sa Aking gawain. Gaya ng sa kaharian, gagawin Ko nang tuwiran ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng pagkaDiyos, nangunguna sa bawa’t hakbang sa daan, eksakto hanggang sa kaliit-liitang detalye, at walang-pasubaling walang anumang halong mga pantaong-hangarin. Binabalangkas ng sumusunod ang mga paraan ng aktwal na pagsasagawa: Sapagka’t sa pamamagitan ng paghihirap at pagpipino kaya nakamit nila ang titulong “mga tao,” at bilang sila ang mga tao ng Aking kaharian, dapat Ko silang papanagutin ng mahihigpit na mga pangangailangan, na mas mataas kaysa mga pamamaraan ng Aking gawain para sa sinusundang mga henerasyon. Hindi lamang ito ang realidad ng mga salita, kundi higit pang mahalaga ito ang realidad ng pagsasagawa, at ito muna ang dapat na makamit. Sa lahat ng mga salita at mga gawa, dapat nilang matugunan ang mga pamantayang kinakailangan sa mga tao ng kaharian, at sinumang mga manlalabag ay agad na maaalis, upang maiwasang dumating ang kahihiyan sa Aking pangalan. Gayunpaman, yaong walang-alam na hindi nakakakita nang malinaw, at hindi nakakaunawa ay eksepsiyon. Sa pagtatayo ng Aking kaharian, bigyan ng pansin ang pagkain at pag-inom ng mga salitang Aking binibigkas, unawain ang Aking karunungan, at suportahan sa pamamagitan ng Aking gawain. Sinumang nagpapahalaga sa mga salita ng isang aklat na hindi sa Akin ay walang-pasubaling hindi Ko ninanais; ito ay isang patutot na palaban sa Akin. Bilang isang apostol, ang isa ay hindi dapat na tumigil sa tahanan nang napakatagal. Kung hindi ito magagawa, Aking iwawaksi at hindi na siya gagamitin. Hindi Ko siya pinipilit. Yamang ang mga apostol ay hindi tumitigil sa tahanan nang matagal, ito ay sa pamamagitan ng paggugol ng mahahabang mga panahon sa iglesia na sila ay napapagtibay. Sa bawa’t dalawang kapulungan ng mga iglesia, ang mga apostol ay dapat na makibahagi nang minsan sa pinakamadalang. Kaya, ang pagtitipon ng mga kamanggagawa ay dapat na maging palagian (ang pagtitipon ng mga kamanggagawa ay kinabibilangan ng: mga pagtitipon ng lahat ng mga apostol, mga pagtitipon ng lahat ng mga manggagawa ng iglesia, at lahat ng mga pagtitipon para sa mga banal na may malinaw na pananaw). Sa pinakamadalang ang ilan sa inyo ay dapat na dumalo sa bawa’t pagtitipon, at ang mga apostol ay magbigay-pansin lamang sa pagbabantay sa mga iglesia. Ang mga kinakailangan na dati-rating hiningi sa mga banal ay naging mas malalim. Para sa mga yaon na nakagawa ng mga paglabag bago Ako sumaksi sa Aking pangalan, sanhi sa kanilang pag-aalay sa Akin, gagamitin Ko pa rin sila sa sandaling nasubukan Ko sila. Gayunpaman, para sa mga yaon na muling gumawa ng paglabag pagkatapos ng Aking patotoo at desididong magpanibagong simula, ang ganoong mga tao ay mananatili lamang sa loob ng iglesia. Hindi pa rin sila dapat maging pabáyâ at walang-pakialam, kundi sa halip dapat maging higit na napipigilan kaysa mga iba. Para naman sa mga yaon na hindi inaayos ang kanilang mga asal matapos ang Aking pagbigkas, agad silang tatalikdan ng Aking Espiritu, at ang iglesia ay magkakaroon ng karapatan na isakatuparan ang Aking paghatol, at paaalisin sila sa iglesia. Ito ay walang-pasubali, at hindi na magkakaroon ng dagdag na puwang para sa pagsasaalang-alang. Kung ang isa ay himatayin sa paglilitis, iyan ay, umaalis siya, walang sinumang dapat pumansin sa taong iyon, upang maiwasang subukan Ako at hinahayaan si Satanas na pumasok sa iglesia sa kabaliwan. Ito ang Aking paghatol sa kanya. Sinuman ang gumagawa ng di-pagkamatuwid at kumikilos batay sa kanilang mga pandama ay hindi rin ibibilang sa Aking mga tao, hindi lamang ang isa na tumalikod. Isa pang tungkulin ng mga apostol ay tumuon sa pagpapalaganap ng mabuting balita. Sabihin pa, maaari ding gawin ng mga banal ang gawaing ito, nguni’t dapat silang maging marunong sa paggawa nito, at dapat na umiwas sa pagsisimula ng gulo. Ang nasa itaas ang kasalukuyang mga daan ng pagsasagawa. Bilang isa ring paalala, dapat kayong magbigay-pansin sa paggagawa ng inyong mga pangangaral na mas malalim, upang ang lahat ay makapasok sa realidad ng Aking mga salita. Dapat ninyong matamang sundin ang Aking mga salita, at gawin ito upang ang lahat ng mga tao ay maunawaan ang mga iyon nang malinaw, at hindi alanganin. Ito ang pinakamahalaga. Yaong mga nasa gitna ng Aking mga tao na nagkakandili ng mga kaisipan ng pagkakanulo ay dapat na mapaalis, at hindi dapat pahintulutang manatili nang matagal sa Aking bahay, kung hindi ay magdadala sila ng panlalait sa Aking pangalan.

Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ika-21 ng Pebrero, 1992

Rekomendasyon:Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?


Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan



Ang Pag-ibig ng Diyos ay ang Pinakatunay

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.