Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pag-ibig ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pag-ibig ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

13 Oktubre 2019

Tagalog Gospel Songs | "Dapat Mong Makilala ang Diyos sa Pamamagitan ng Kanyang Gawain"


Tagalog Gospel Songs | "Dapat Mong Makilala ang Diyos sa Pamamagitan ng Kanyang Gawain"


I
Diyos ay naging tao, 
isang karaniwang tao,
na nagdala ng gawain at atas ng Diyos.
Ibig sabihi'y binalikat N'ya ang gawai't nagdusa
na 'di matitiis ng karaniwang tao.
Kita sa hirap Niyang tapat Siya sa tao,
na siyang kabayaran,
para mailigtas Niya ang tao,
tubusin sa sala nila't tapusin ang yugtong ito.
Ibig sabihi'y tutubusin ng D'yos 
ang tao mula sa krus.

20 Setyembre 2019


mga kwento ng bibliya | Magpatawad ng Makapitumpung Pito Ang Pag-ibig ng Panginoon


1. Magpatawad ng Makapitumpung Pito

(Mateo 18:21–22) Nang magkagayo’y lumapit si Pedro at sinabi sa kaniya, Panginoon, makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya’y aking patatawarin? hanggang sa makapito? Sinabi sa kaniya ni Jesus, Hindi ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; kundi, Hanggang sa makapitongpung pito.

2. Ang Pag-ibig ng Panginoon

(Mateo 22:37–39) At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.

Sa dalawang talatang ito, ang isa ay tumutukoy sa pagpapatawad at ang isa ay tumutukoy sa pag-ibig. Ang dalawang paksang ito ay talagang nagtatampok sa gawain na gustong ipatupad ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya.

11 Setyembre 2019

mga kwento ng bibliya | Ang Talinghaga ng Nawalang Tupa


mga kwento ng bibliya | Ang Talinghaga ng Nawalang Tupa


(Mateo 18:12–14) Ano ang akala ninyo? kung ang isang tao ay may isang daang tupa, at maligaw ang isa sa mga yaon, hindi baga iiwan niya ang siyam na pu’t siyam, at pasasa kabundukan, at hahanapin ang naligaw? At kung mangyaring masumpungan niya, ay katotohanang sinasabi ko sa inyo, na magagalak ng higit dahil dito kay sa siyam na pu’t siyam na hindi nangaligaw. Gayon din na hindi nga kalooban ng inyong Amang nasa langit, na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak.

26 Hunyo 2019

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Masasakit na Mga Pagsubok Mo Malalaman Ang Kagandahan ng Diyos



Gaano mo ba kamahal ang Diyos sa kasalukuyan? At gaano ba ang iyong nalalaman ukol sa lahat ng ginawa ng Diyos sa iyo? Ito ang mga bagay ba dapat mong matutunan. Nang ang Diyos ay dumating sa lupa, ang lahat ng Kanyang ginawa sa tao at itinulot na makita ng tao ay upang ibigin Siya ng tao at makilala Siya nang tunay. Na nagagawa ng tao na magdusa para sa Diyos at nagawang makarating ng ganito kalayo ay, sa isang banda, dahil sa pag-ibig ng Diyos, at sa isa pang banda, ay dahil sa pagliligtas ng Diyos; higit sa rito, ito ay dahil sa gawain ng paghatol at pagkastigo na ipinatupad ng Diyos sa tao.

18 Mayo 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Sinong Nakakaalam ng Puso ng Diyos na Tulad ng Isang Ina?


Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Sinong Nakakaalam ng Puso ng Diyos na Tulad ng Isang Ina?


Qingxin….Lungsod ng Zhengzhou, Lalawigan ng Henan

Dati akong may tila nakakatawang pagkakaunawa tungkol sa aspeto ng katotohanan na ang “Diyos ay matuwid”. Akala ko na hangga’t may naibubunyag na katiwalian ang isang tao sa kanilang trabaho o nagkakasala na nakakasira sa gawain ng iglesia, ang taong iyon ay haharap sa paghihiganti, o mawawalan ng tungkulin, o mapapasailalim sa kaparusahan. Iyon ang pagkamatuwid ng Diyos.

06 Abril 2019

Tagalog Christian Video | "Ang Totoong Pagmamahal ng Diyos" | The Judgement of God Saved Me


Tagalog Christian Video | "Ang Totoong Pagmamahal ng Diyos" | The Judgement of God Saved Me


Upang makagawa ng sarili niyang sulok sa mundong ito, napilitan ang bida na sundin ang mga kalakaran ng mundong ito, abala at nagsisikap nang mabuti para sa katanyagan at katayuan. Napakahungkag at napakasakit ng kanyang buhay. Matapos niyang maniwala sa Makapangyarihang Diyos, natagpuan niya sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang kahulugan ng buhay ng tao at, puno ng kaligayahan, sinundan niya ang Diyos at tinupad ang kanyang mga tungkulin.

18 Marso 2019

Christian Full Movie 2018 | "Anak, Umuwi Ka Na!" | Amazing Grace of God (Tagalog Dubbed)


Christian Full Movie 2018 | "Anak, Umuwi Ka Na!" | Amazing Grace of God (Tagalog Dubbed)


Isang mag-aaral ng senior high school si Li Xinguang. Isa siyang makatwiran at matinong bata simula pa noong maliit siya. Paborito siya ng kanyang mga magulang at guro. Nang tumuntong na siya sa middle school, nahumaling siya sa mga internet computer game. Madalas siyang lumiliban sa klase upang makapunta sa internet cafe. Ginawa ng kanyang mga magulang ang lahat upang makalaya siya sa adiksyon ng internet.

05 Marso 2019

Ang mga Patotoo ng mga Mananagumpay-Magdanas ng Pagpapahirap at Pagdurusa para Maging Tunay na Mananagumpay




Ang mga Patotoo ng mga Mananagumpay-Magdanas ng Pagpapahirap at Pagdurusa para Maging Tunay na Mananagumpay

Ngayon, dahil tayo ay naniniwala sa Diyos, hinahanap ang katotohanan at lumalakad sa tamang landas ng buhay, hinaharap natin ang buong galit na pang-aapi at pagpapahirap ng CCP. Ito ay isang makahulugang bagay! Ito ay dahil ginagamit ng Diyos ang rehimen ng malasatanas na CCP upang magsilbi para sa pagpeperpekto ng isang grupo ng mga mananagumpay, habang kasabay nitong ibinubunyag at inaalis ang mga hindi tapat na naniniwala sa Diyos at hindi nagmamahal sa katotohanan. Ang totoong mga mananagumpay ay yaong, habang nabubuhay sa ilalim ng awtoritarianismong rehimen ng CCP, nakakaranas ng salita ng Diyos nang may totoong pananampalataya, at sa pamamagitan ng pagdanas ng mabangis na pagsugpo at malupit na pagpapahirap ng CCP, makikitang mabuti ang totoong mga kulay ng demonyong Satanas, at pagkatapos mamumuhi kay Satanas, tatalikuran ito, at tapat na babaling sa Diyos, makakamit ang kaligtasan at magiging perpekto! Ang mga mananagumpay ay nabuo sa natatanging kapaligiran ng pagtutol laban sa Diyos at pagpapahirap sa bayan ng Diyos ng malasatanas na rehimen ng CCP. Kung wala ang marahas na kapaligirang binuo ng pang-aapi at pagpapahirap ng demonyong CCP, ang totoong mga mananagumpay ay hindi mabubuo. Para sa mga tapat na naghahangad sa Diyos, kahit gaano pa ang gawin ng CCP na pagpapahirap o gaano karahas ang kapaligiran, susunod pa rin sila sa Diyos, gagampanan ang kanilang tungkulin, ilalagay sa panganib ang lahat para hanapin ang katotohanan, at magkaroon ng mas malalim na pananampalataya sa Diyos! Nakikita nila ang paghihigpit ng CCP sa katarungan, pagsuporta sa masama, at ang kawalang galang nito sa batas, mali at masamang reaksiyonaryong diwa. Malinaw nilang nakikita na ang CCP ay isang demonyo na nagtitiwali, nagpapahirap at sumisila sa sangkatauhan, Kung kaya lalo silang nagagalit dito, nagrerebelde laban dito, at tunay na bumabaling sa Diyos. Sa pamamagitan ng pagkakaiba na naipakita ng malasatanas na rehimen ng CCP, nalaman din nila ang pagkamatuwid at kabanalan ng Diyos, ang Kanyang kagandahan at kabutihan. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay pagmamahal at pagliligtas sa sangkatauhan! Ang pananampalataya at pagmamahal nila sa Diyos ay lalo pang lumago, at ang kanilang mga puso ay lalo pang napalapit sa Diyos. Ang mga taong ito ay tuluyan nang nakalabas sa maitim na impluwensiya ng malasatanas na rehimen ng CCP at nakayanan ang pagpapatotoo ng mga mananagumpay.

02 Marso 2019

Tagalog Christian Song | "Ang Inaasahan ng Diyos sa Sangkatauhan ay Hindi Kailanman Nagbago"




Tagalog Christian Song | "Ang Inaasahan ng Diyos sa Sangkatauhan ay Hindi Kailanman Nagbago"


I
Mula nang nilikha Niya ang tao sa simula,
naghangad ang Diyos ng 'sang grupo,
'sang grupo ng mga mananagumpay,
'sang grupo na lalakad kasama Niya at kayang umintindi,
umunawa, makaalam ng Kanyang disposisyon.
'Di alintana kung gaano pa Siya katagal maghintay,
'di alintana kung gaano kahirap ang daang haharapin,
gaano man kalayo ang mga hinahangad Niyang layunin,
'di nagbago o sumuko ang Diyos sa mga inaasahan Niya sa tao.

04 Pebrero 2019

Ang Diyos ay Naghihintay na Makakuha ng Pangkat ng mga Sumasaksi sa Kanya



Mula nang nilikha Niya ang tao sa simula,
naghangad ang Diyos ng 'sang grupo,
'sang grupo ng mga mananagumpay,
'sang grupo na lalakad kasama Niya at kayang umintindi,
umunawa, makaalam ng Kanyang disposisyon.
'Di alintana kung gaano pa Siya katagal maghintay,
'di alintana kung gaano kahirap ang daang haharapin,
gaano man kalayo ang mga hinahangad Niyang layunin,
'di nagbago o sumuko ang Diyos sa mga inaasahan Niya sa tao.

27 Agosto 2018

Tagalog Christian Praise Song | "Ang Pag-ibig ng Diyos ang Nagbubuklod Sa Atin" | God With Us



| God With Us (Tagalog Subtitles)
Kahit pinaghiwalay ng di-mabilang
na karagatan at kabundukan,
iisa tayong lahat, walang anumang hadlang sa atin,
iba't iba man tayo ng kulay at iba't iba ang ating wika.
Dahil sa tawag sa atin
ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos,
naitaas tayo sa harapan ng trono ng Diyos.

11 Agosto 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Nalulungkot ang Diyos sa Kinabukasan ng Sangkatauhan"


I
Sa malawak na mundo na nagbago
nang 'di mabilang na beses mula pa noon,
walang sinuman ang nangunguna at gumagabay sa tao,
walang sinuman kundi Siya na namamahala sa lahat.
Walang dakila na gumagawa at naghahanda
para sa kapakanan ng sangkatauhan.
Walang gagabay sa kanila tungo sa masiglang kinabukasan,
ni magpapalaya mula sa kawalang katarungan ng mundo.
Nalulungkot ang Diyos sa kinabukasan ng sangkatauhan.
Nagdadalamhati Siya sa pagbagsak nila!
Tingnan Kanyang kalungkutan 'pagkat nabibigo silang malaman
na tinatahak nila ang landas ng walang balikan.
Tao'y nagrebelde, sinaktan ang puso ng Diyos;
masamang landas ni Satanas kanilang nilalakaran.
At walang tumitigil upang malinaw na makita kung
saan pupunta ang tao sa huli.

27 Hulyo 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Diyos Lamang ang Nagmamahal sa Tao Nang Higit"


I
Ang Diyos ay nagiging katawang tao sa mga huling araw
upang iligtas ang tao dahil mahal Niya ang tao.
Hinimok ng Kanyang pag-ibig,
ginagawa Niya ang gawain ngayon.
Ito'y nasa ilalim ng pundasyon ng pag-ibig.
Ang Diyos ay nagkatawang-tao at nagdurusa sa kahihiyan
upang iligtas ang mga nabahiran at durog.
Tinitiis Niya ang gayong sakit.
Sapagkat muli at muli,
ipinakikita N'ya ang Kanyang 'di masukat na pagmamahal.
'Di nais ng Diyos na ang sinumang kaluluwa'y mawala.
Walang pakialam ang tao kung ano ang kanyang hinaharap.
'Di alam ng tao kung paano mahalin ang kanyang buhay.
Ngunit ang Diyos, oo. Siya lamang ang nagmamahal sa tao.

20 Hulyo 2018

Kasisimula Ko pa Lamang Tahakin ang Tamang Landas ng Buhay

pag-ibig ng Diyos, Karanasan, Salita ng Diyos, Ebanghelyo, iglesia

🌳🌳🍁🌳🌳🍁🌳🌳

Shi Han    Hebei Province

  Ipinanganak ako sa isang mahirap na pamilya ng magsasaka.Matino ako mula pagkabata, dahil hindi ako kailanman nakipag-away sa ibang bata at sinunod ang aking mga magulang, kaya ako ay naging isang karaniwang “mabaitna batang babae” sa mga mata ng mga matatanda. Lubhang nainggit ang ibang mga magulang sa aking mga magulang, na nagsasabi na masuwerte sila sa pagkakaroon ng mabait na anak na babae.At tulad nito, lumaki akong araw-araw na naririnig ang mga papuri ng mga taong nakapaligid sa akin.Noong ako’y nasa elementarya, namumukod-tangi ang aking akademikong rekord, at palagi akong nangunguna sa mga pagsusulit.Isang beses, nakatanggap ako ng pinakamataas na marka sa isang paligsahan sa sanaysay na ginanap sa aming bayan, na nagpanalo ng karangalan para sa aming paaralan.Hindi lamang iginawad sa akin ng punong-guro ang premyo at sertipiko, ngunit pinuri rin ako sa harap ng buong paaralan at tinawag ang mga mag-aaral upang matuto sa akin.Bigla akong naging “tanyag na tao” ng paaralan, at binansagan pa ako ng aking mga kaklase na “laging matagumpay na heneral.”Ang mga papuri mula sa aking mga guro, ang pagkainggit ng aking mga kaklase, at ang pagkahaling ng aking mga magulang ay nagbigay sa akin ng pakiramdam nakahihigit sa aking puso, at talagang nasiyahan ako sa pakiramdam na hinahangaan ng lahat. Ayon dito, walang pag-aalinlangan na naniwala ako na ang pinakadakilang kagalakan sa buhay ay ang paghanga ng iba, at na ang pakiramdam na kaligayahan ay nagmula sa papuri ng iba. Lihim kong sinabi sa aking sarili: Gaano man kahirap at nakakapagod ito, dapat akong maging isang taong tanyag at may katayuan, at hindi kailanman hahamakin ng iba.Simula noon, naging patnubay sa buhay ko ang mga salawikain tulad ng “Ang ligaw na gansa ay nag-iiwan ng tinig; ang tao ay nag-iiwan ng reputasyon,” at “Habang nabubuhay, maging tao ng mga tao; patay, maging kaluluwa ng mga kaluluwa” ay naging mga kasabihan ko sa buhay.

11 Hunyo 2018

Salita ng Diyos | Ang Ikalawang Pagbigkas

    Kasunod ng pagsasakatuparan ng bagong pamamaraan, magkakaroon ng mga bagong hakbang sa Aking gawain. Gaya ng sa kaharian, gagawin Ko nang tuwiran ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng pagkaDiyos, nangunguna sa bawa’t hakbang sa daan, eksakto hanggang sa kaliit-liitang detalye, at walang-pasubaling walang anumang halong mga pantaong-hangarin. Binabalangkas ng sumusunod ang mga paraan ng aktwal na pagsasagawa: Sapagka’t sa pamamagitan ng paghihirap at pagpipino kaya nakamit nila ang titulong “mga tao,” at bilang sila ang mga tao ng Aking kaharian, dapat Ko silang papanagutin ng mahihigpit na mga pangangailangan, na mas mataas kaysa mga pamamaraan ng Aking gawain para sa sinusundang mga henerasyon. Hindi lamang ito ang realidad ng mga salita, kundi higit pang mahalaga ito ang realidad ng pagsasagawa, at ito muna ang dapat na makamit. Sa lahat ng mga salita at mga gawa, dapat nilang matugunan ang mga pamantayang kinakailangan sa mga tao ng kaharian, at sinumang mga manlalabag ay agad na maaalis, upang maiwasang dumating ang kahihiyan sa Aking pangalan. Gayunpaman, yaong walang-alam na hindi nakakakita nang malinaw, at hindi nakakaunawa ay eksepsiyon. Sa pagtatayo ng Aking kaharian, bigyan ng pansin ang pagkain at pag-inom ng mga salitang Aking binibigkas, unawain ang Aking karunungan, at suportahan sa pamamagitan ng Aking gawain. Sinumang nagpapahalaga sa mga salita ng isang aklat na hindi sa Akin ay walang-pasubaling hindi Ko ninanais; ito ay isang patutot na palaban sa Akin. Bilang isang apostol, ang isa ay hindi dapat na tumigil sa tahanan nang napakatagal. Kung hindi ito magagawa, Aking iwawaksi at hindi na siya gagamitin. Hindi Ko siya pinipilit. Yamang ang mga apostol ay hindi tumitigil sa tahanan nang matagal, ito ay sa pamamagitan ng paggugol ng mahahabang mga panahon sa iglesia na sila ay napapagtibay. Sa bawa’t dalawang kapulungan ng mga iglesia, ang mga apostol ay dapat na makibahagi nang minsan sa pinakamadalang. Kaya, ang pagtitipon ng mga kamanggagawa ay dapat na maging palagian (ang pagtitipon ng mga kamanggagawa ay kinabibilangan ng: mga pagtitipon ng lahat ng mga apostol, mga pagtitipon ng lahat ng mga manggagawa ng iglesia, at lahat ng mga pagtitipon para sa mga banal na may malinaw na pananaw). Sa pinakamadalang ang ilan sa inyo ay dapat na dumalo sa bawa’t pagtitipon, at ang mga apostol ay magbigay-pansin lamang sa pagbabantay sa mga iglesia. Ang mga kinakailangan na dati-rating hiningi sa mga banal ay naging mas malalim. Para sa mga yaon na nakagawa ng mga paglabag bago Ako sumaksi sa Aking pangalan, sanhi sa kanilang pag-aalay sa Akin, gagamitin Ko pa rin sila sa sandaling nasubukan Ko sila. Gayunpaman, para sa mga yaon na muling gumawa ng paglabag pagkatapos ng Aking patotoo at desididong magpanibagong simula, ang ganoong mga tao ay mananatili lamang sa loob ng iglesia. Hindi pa rin sila dapat maging pabáyâ at walang-pakialam, kundi sa halip dapat maging higit na napipigilan kaysa mga iba. Para naman sa mga yaon na hindi inaayos ang kanilang mga asal matapos ang Aking pagbigkas, agad silang tatalikdan ng Aking Espiritu, at ang iglesia ay magkakaroon ng karapatan na isakatuparan ang Aking paghatol, at paaalisin sila sa iglesia. Ito ay walang-pasubali, at hindi na magkakaroon ng dagdag na puwang para sa pagsasaalang-alang. Kung ang isa ay himatayin sa paglilitis, iyan ay, umaalis siya, walang sinumang dapat pumansin sa taong iyon, upang maiwasang subukan Ako at hinahayaan si Satanas na pumasok sa iglesia sa kabaliwan. Ito ang Aking paghatol sa kanya. Sinuman ang gumagawa ng di-pagkamatuwid at kumikilos batay sa kanilang mga pandama ay hindi rin ibibilang sa Aking mga tao, hindi lamang ang isa na tumalikod. Isa pang tungkulin ng mga apostol ay tumuon sa pagpapalaganap ng mabuting balita. Sabihin pa, maaari ding gawin ng mga banal ang gawaing ito, nguni’t dapat silang maging marunong sa paggawa nito, at dapat na umiwas sa pagsisimula ng gulo. Ang nasa itaas ang kasalukuyang mga daan ng pagsasagawa. Bilang isa ring paalala, dapat kayong magbigay-pansin sa paggagawa ng inyong mga pangangaral na mas malalim, upang ang lahat ay makapasok sa realidad ng Aking mga salita. Dapat ninyong matamang sundin ang Aking mga salita, at gawin ito upang ang lahat ng mga tao ay maunawaan ang mga iyon nang malinaw, at hindi alanganin. Ito ang pinakamahalaga. Yaong mga nasa gitna ng Aking mga tao na nagkakandili ng mga kaisipan ng pagkakanulo ay dapat na mapaalis, at hindi dapat pahintulutang manatili nang matagal sa Aking bahay, kung hindi ay magdadala sila ng panlalait sa Aking pangalan.

Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ika-21 ng Pebrero, 1992

Rekomendasyon:Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?


Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan



Ang Pag-ibig ng Diyos ay ang Pinakatunay

31 Mayo 2018

Cristianong Musikang | Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao

Biyaya, buhay, Iglesia, pag-ibig ng Diyos, Biblia



I
Ang Pag-ibig ng Diyos sa tao
Nakakamangha at kahanga-hanga
Unang naipakita sa Biblia
Sa istorya ni Adan at Eba
Nakaka-antig at madamdamin
Ang Pag-ibig ng Diyos sa tao

05 Pebrero 2018

Tagalog na Cristianong Papuring Kanta | Panalangin ng Bayan ng Diyos | Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos


Tagalog na Cristianong Papuring Kanta | Panalangin ng Bayan ng Diyos | Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos | Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos




Bayan ng Diyos itinanyag sa Kanyang trono,
puno ng dalangin sa puso.
Pinagpapala ng Diyos lahat ng nagbabalik-loob sa Kanya;
sila'y buhay sa liwanag.
Hilingin sa Banal na Espiritu na salita ng Diyos liwanagin
nang lubos nating malaman ang kalooban ng Diyos.
Nawa'y buong baya'y mahalin ang salita ng Diyos
at sikaping kilalanin ang Diyos.
Nawa'y bigyan tayo ng Diyos ng higit na biyaya,
nang ating disposisyo'y mabago.
Nawa'y gawin tayong perpekto
upang lubos na isa sa Kanya sa puso't isipan.
Nawa'y disiplinahin tayo ng Diyos
upang tungkulin sa Kanya'y ating matugunan.
Nawa'y bawat araw gabayan tayo ng Banal na Espiritu
sa pangangaral at pagsaksi sa Diyos araw-araw.

22 Disyembre 2017

Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos | Sa Pamilya ng Diyos Tayo ay Nagkikita

 

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang DiyosSa Pamilya ng Diyos Tayo ay Nagkikita

 

Panimula

Nagmamahal sa isa't-isa, tayo ay pamilya.
Ahh ... ahh ... ahh ...
Sa pamilya ng Diyos tayo ay nagkikita;
isang pagtitipon ng mga nagmamahal sa Diyos.
Na walang kinikilingan; malapit na samasama,
ang tamis at saya sa puso'y umaapaw.
Pagsisisi sala'y iniwan natin kahapon;
ngayon tayo'y nagkakaintindihan, namumuhay sa pag-ibig ng Diyos.

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.