Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).
“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko. Kung ako'y nangakilala ninyo ay mangakikilala ninyo ang aking Ama: buhat ngayon siya'y inyong mangakikilala, at siya'y inyong nakita” (Juan 14:6-7).
“na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin …” (Juan 14:10).
“Ako at ang Ama ay iisa” (Juan 10:30).
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Nang ang Diyos ay hindi pa naging tao, hindi masyadong naintindihan ng mga tao ang Kanyang sinabi sapagkat ito ay nanggaling sa ganap na pagka-Diyos. Ang pananaw at ang nilalaman ng Kanyang sinabi ay hindi nakikita at hindi maabot ng sangkatauhan; ito ay ipinahayag mula sa espirituwal na kaharian na hindi nakikita ng mga tao. Sapagkat ang mga tao na nabubuhay sa laman, hindi sila makadadaan sa espirituwal na kaharian. Ngunit pagkatapos naging tao ang Diyos, nagsalita Siya sa sangkatauhan mula sa pananaw ng pagiging tao, at Siya ay lumabas at dinaig ang saklaw ng espirituwal na kaharian. Maaari Niyang ipahayag ang Kanyang banal na disposisyon, kalooban, at saloobin, sa mga bagay na maiisip ng mga tao at mga bagay na kanilang nakita at nakasagupa sa kanilang mga buhay, at paggamit ng mga pamamaraan na matatanggap ng mga tao, sa isang wika na kanilang maiintindihan, at kaalaman na kanilang mauunawaan, upang tulutan ang mga tao na maintindihan at makilala ang Diyos, upang maintindihan ang Kanyang layunin at ang Kanyang mga kinakailangan na pamantayan sa loob ng saklaw ng kanilang kakayahan, sa antas na kanilang makakaya. Ito ang pamamaraan at panuntunan ng gawain ng Diyos sa pagkatao. Bagamat ang mga pamamaraan ng Diyos at ang Kanyang mga panuntunan sa paggawa sa katawang-tao ay nakakamit karamihan sa pamamagitan mismo ng pagkatao, ito ay totoong nakapagtamo ng mga resulta na hindi matatamo sa pamamagitan ng paggawa sa mismong pagka-Diyos. Ang gawain ng Diyos sa pagkatao ay higit na kongkreto, mapananaligan, at nakatuon, ang mga pamamaraan ay lalong higit na naibabagay sa pangyayari, at sa anyo ay daig ang Kapanahunan ng Kautusan.
mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Diyos ay gumagawa ng bagong gawain sa mga huling araw. Ibubunyag Niya ang mas marami sa Kanyang disposisyon, at hindi ito magiging habag at pag-ibig sa panahon ni Jesus. Yamang mayroon Siyang bagong gawain, ang bagong gawaing ito ay sasabayan ng isang bagong disposisyon. Kung ang gawaing ito ay ginawa ng Espiritu-kung ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao, at sa halip ang Espiritu ay nagsalita sa pamamagitan ng kulog para walang paraan ang tao na makipag-ugnayan sa Kanya, malalaman ba ng tao ang Kanyang disposisyon? Kung ang Espiritu lamang ang gumawa ng gawain, kung gayon ang tao ay hindi magkakaroon ng paraan na makilala ang Kanyang disposisyon. Maaari lamang makita ng mga tao ang disposisyon ng Diyos gamit ang kanilang sariling mga mata nang Siya ay nagkatawang- tao, nang ang Salita ay nagpakita sa katawang-tao, at ipinapahayag Niya ang Kanyang kabuuang disposisyon sa pamamagitan ng katawang-tao. Ang Diyos ay tunay na nabubuhay kasama ng tao. Siya ay nasasalat; tunay na maaaring makibahagi ang tao sa Kanyang disposisyon at sa kung anong mayroon at ano Siya; sa paraang ito lamang Siya tunay na makikilala ng tao.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pagdating ng Diyos sa katawang-tao ay pangunahing nagpapakita sa mga tao ng tunay na gawa ng Diyos, upang maisakatuparan ang mga walang hugis na Espiritu sa katawang-tao, at hayaan ang mga tao na makita at madama Siya. Sa ganitong paraan, ang mga nagawa Niyang sakdal ay isasabuhay Siya, ang mga ito ay makakamtan Niya, at hahangarin ang Kanyang puso. Kung ang Diyos ay nagsalita lamang sa langit, at hindi aktwal na dumating sa lupa, ang mga tao ay maaring hindi pa rin magawang kumilala sa Diyos, maari lamang silang mangaral ng mga gawa ng Diyos gamit ang walang laman na teyorya, at hindi magkakaroon ng mga tunay na salita ng Diyos. Ang Diyos ay una nang naparito sa lupa upang kumilos bilang isang huwaran at modelo para sa mga taong nakamtan ng Diyos; sa ganitong paraan lamang maaaring makilala ng mga tao ang Diyos, at mahaplos ang Diyos, at makita Siya, at doon lamang sila maaaring tunay na nakamtan ng Diyos.
mula sa “Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa loob ng saklaw ng gawain na nakumpleto ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, makikita mo ang isa pang aspeto ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos. Ito ay ipinahayag sa pamamagitan ng Kanyang katawang-tao, at ito ay naging posible para makita at pahalagahan ng mga tao sa pamamagitan ng Kanyang pagkatao. Sa Anak ng tao, nakita ng mga tao ang Diyos na nagkatawang-tao na isinabuhay ang Kanyang pagkatao, at nakita nila ang pagka-Diyos ng Diyos na inihayag sa katawang-tao. Ang dalawang uri ng paghahayag na ito ay nagbigay-daan sa mga tao na makita ang isang totoong tunay na Diyos, at nagtulot sa kanila na makabuo ng isang naiibang konsepto ng Diyos. Gayunman, sa yugto ng panahon sa pagitan ng paglikha sa mundo at sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan, iyon ay, bago ang Kapanahunan ng Biyaya, kung ano ang nakita, narinig, at naranasan ng mga tao ay ang aspeto ng pagka-Diyos ng Diyos. Ito ay ang kung ano ang ginawa at sinabi ng Diyos sa isang hindi nahihipong kaharian, at ang mga bagay na Kanyang ipinahayag mula sa Kanyang tunay na persona na hindi maaaring makita o mahipo. Kadalasan, nagagawa ng mga bagay na ito na maramdaman ng mga tao na ang Diyos ay napakadakila, at na hindi nila magawang makalapit sa Kanya. Ang impresyon na karaniwang ibinibigay ng Diyos sa mga tao ay na Siya ay aandap-andap, at nararamdaman pa ng mga tao na ang bawat isa sa Kanyang mga saloobin at mga ideya ay masyadong misteryoso at masyadong mailap na walang paraan para maabot ang mga ito, lalong hindi nagtangka na maintindihan at pahalagahan ang mga ito. Para sa mga tao, ang lahat ng mga bagay tungkol sa Diyos ay masyadong malayo—sa sobrang layo ay hindi na ito makita ng mga tao, hindi na ito mahipo. Mistula Siyang nasa kalawakan, at parang ni hindi Siya umiiral. Kaya para sa mga tao, ang pagkaunawa sa puso at isip ng Diyos o anuman sa Kanyang iniisip ay hindi maaaring makamit, at hindi pa maaabot. Kahit na gumawa ang Diyos ng ilang kongkretong gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, at nagpalabas din Siya ng ilang tiyak na mga salita at nagpahayag ng ilang tiyak na mga disposisyon upang tulutan ang mga tao na pahalagahan at makita ang ilang kaalaman ukol sa Kanya, ngunit sa katapusan, yaon ang pagpapahayag ng Diyos sa kung anong mayroon at kung ano Siya sa isang hindi nahihipong kaharian, at kung ano ang naiintindihan ng mga tao, kung ano ang nalalaman nila ay sa aspetong pagka-Diyos pa rin ng kung ano ang mayroon at kung ano Siya. Hindi magawang makamit ng mga tao ang isang kongkretong konsepto mula sa pagpapahayag na ito ng[a] kung ano ang mayroon at kung ano Siya, at ang kanilang impresyon ukol sa Diyos ay nananatili pa rin sa loob ng saklaw ng “ang isang Espiritu na mahirap malapitan, na aandap-andap.” Sapagkat ang Diyos ay hindi gumamit ng isang tiyak na bagay o isang imahe sa materyal na kaharian upang magpakita sa mga tao, hindi pa rin nila Siya magawang ipakahulugan gamit ang wika ng tao. Sa mga puso at mga isip ng mga tao, palagi nilang gustong gamitin ang kanilang sariling wika upang makapagtatag ng isang pamantayan para sa Diyos, upang gawin Siyang nahihipo at gawin Siyang tao, gaya ng gaano Siya katangkad, gaano Siya kalaki, ano ang Kanyang hitsura, ano talaga ang gusto Niya at ano ang Kanyang tiyak na personalidad. Sa totoo lang, sa Kanyang puso nalalaman ng Diyos na ganito ang iniisip ng mga tao. Napakalinaw Niya sa mga pangangailangan ng tao, at mangyari pa nalalaman din Niya kung ano ang dapat gawin, kaya ipinatupad Niya ang Kanyang gawain sa naiibang paraan sa Kapanahunan ng Biyaya. Sa ganitong paraan ay kapwa maka-Diyos at gawaing makatao. Sa yugto ng panahon na ang Panginoong Jesus ay gumagawa, nakikita ng mga tao na ang Diyos ay nagkaroon ng maraming pantaong mga pagpapahayag. Halimbawa, maaari Siyang sumayaw, maaari Siyang makadalo sa mga kasalan, maaari Siyang makipagniig sa mga tao, makipag-usap sa kanila, at tumalakay ng mga bagay sa kanila. Bilang karagdagan doon, ang Panginoong Jesus ay nakabuo rin ng napakaraming gawain na sumasagisag sa Kanyang pagka-Diyos, at mangyari pa ang lahat ng gawaing ito ay isang pagpapahayag at isang pagbunyag ng disposisyon ng Diyos. Sa panahong ito, nang ang pagka-Diyos ng Diyos ay napagtanto sa isang karaniwang katawang-tao na maaaring makita at mahipo ng mga tao, hindi na nila mararamdaman na Siya ay aandap-andap, na hindi nila magawang makalapit sa Kanya. Sa halip, maaari nilang subukang unawain ang kalooban ng Diyos o intindihin ang Kanyang pagka-Diyos sa pamamagitan ng bawat pagkilos, ang mga salita, at ang gawain ng Anak ng tao. Inihayag ng nagkatawang-tao na Anak ng tao ang pagka-Diyos ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang pagkatao at ipinarating ang kalooban ng Diyos sa sangkatauhan. At sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kalooban at disposisyon ng Diyos, Kanya ding ibinunyag sa mga tao ang Diyos na hindi nakikita o nahihipo sa espirituwal na kaharian. Ang nakita ng mga tao ay ang Diyos Mismo, nahihipo at may laman at mga buto. Kaya ang nagkatawang-tao na Anak ng tao ay gumawa ng mga bagay gaya ng sariling pagkakakilanlan ng Diyos, kalagayan, larawan, disposisyon, at kung anong mayroon at kung ano Siya na kongkreto at gawing makatao. Bagamat ang panlabas na kaanyuan ng Anak ng tao ay mayroong ilang mga limitasyon na may kinalaman sa imahe ng Diyos, ang Kanyang diwa at ang kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay lubos na naisalarawan ang sariling pagkakakilanlan at kalagayan ng Diyos—mayroon lamang ilang mga pagkakaiba sa anyo ng pagpapahayag. Hindi alintana kung ito man ay ang pagkatao ng Anak ng tao o ang Kanyang pagka-Diyos, hindi natin maitatanggi na kinakatawan Niya ang sariling pagkakakilanlan at kalagayan ng Diyos. Sa panahong ito, gayunman, gumawa ang Diyos sa katawang-tao, nagsalita mula sa pananaw ng katawang-tao, at tumayo sa harapan ng sangkatauhan sa pagkakakilanlan at kalagayan ng Anak ng tao, at ito ang nagbigay ng pagkakataon sa mga tao na masagupa at maranasan ang tunay na mga salita at gawain ng Diyos sa gitna ng sangkatauhan. Ito ay nagtulot din sa mga tao ng kaunawaan sa Kanyang pagka-Diyos at ang Kanyang kadakilaan sa gitna ng kababaang-loob, gayundin upang magkamit ng isang paunang pagkaunawa at paunang pakahulugan sa pagiging tunay at katotohanan ng Diyos. Bagamat ang gawain na nakumpleto ng Panginoong Jesus, ang Kanyang mga paraan sa paggawa, at ang pananaw kung paano Siya nagsasalita ay kaiba mula sa totoong persona ng Diyos sa espirituwal na kaharian, ang lahat ng bagay tungkol sa Kanya ay talagang kumakatawan sa Diyos Mismo na hindi pa kailanman nakita ng mga tao—hindi ito maitatanggi! Na ang ibig sabihin, kahit na sa anumang anyo magpapakita ang Diyos, kahit na sa alinmang pananaw Siya magsasalita, o sa anumang larawan Siya haharap sa sangkatauhan, walang kinakatawan ang Diyos kundi ang Diyos Mismo. Hindi Niya maaring katawanin ang sinumang tao—Hindi maaaring ilarawan ang sinumang tiwaling tao. Ang Diyos ay Diyos Mismo, at ito ay hindi maitatanggi.
mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang mga pag-aari at pag-iral ng Diyos, ang pinakadiwa ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos-lahat ay ipinakilala sa Kanyang mga salita para sa sangkatauhan. Kapag nararanasan niya ang mga salita ng Diyos, hahantong ang tao sa proseso ng pagsasagawa nila na maunawaan ang layunin sa likod ng mga salita na ipinahahayag ng Diyos, at maunawaan ang bukal at pinanggalingan ng mga salita ng Diyos, at maunawaan at mapahalagahan ang nilayong epekto ng mga salita ng Diyos. Para sa sangkatauhan, ang mga ito ay ang lahat ng mga bagay na dapat maranasan, maunawaan, at maabot ng tao upang makamit ang katotohanan at buhay, maunawaan ang mga hangarin ng Diyos, magbago sa kanyang disposisyon, at makayang magpasakop sa soberanya at mga kaayusan ng Diyos. Sa parehong pagkakataon na nararanasan, nauunawaan at naaabot ng tao ang mga bagay na ito, unti-unti niyang matatamo ang pang-unawa sa Diyos, at sa panahong ito matatamo rin niya ang iba't ibang antas ng kaalaman hinggil sa Kanya. Ang pang-unawa at kaalamang ito ay hindi lumalabas mula sa isang bagay na guni-guni o nilikha ng tao, ngunit sa halip mula sa kung ano ang pinahahalagahan, nararanasan, nararamdaman, at pinatutunayan niya sa kanyang ganang sarili. Tanging pagkatapos na mapahalagahan, maranasan, maramdaman, at mapatunayan ang mga bagay na ito na nakakamit ng kaalaman ng tao sa Diyos ang nilalaman, tanging ang kaalaman na natatamo niya sa panahong ito ay aktwal, tunay, at tumpak, at ang prosesong ito-ng pagkamit ng tunay na pang-unawa at kaalaman sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapahalaga, pagpaparanas, pagdamdam, at pagpapatunay ng Kanyang mga salita-ay walang iba kundi ang tunay na pakikipag-isa ng tao at Diyos. Sa gitna ng ganitong uri ng pakikipag-isa, ang tao ay tunay na hahantong upang mauunawaan at maiintindihan ng tao ang mga hangarin ng Diyos, tunay na hahantong upang mauunawaan at malaman ng tao ang mga pag-aari ng Diyos at pag-iral, tunay na hahantong upang mauunawaan at malaman ang pinakadiwa ng Diyos, unti-unting hahantong upang maunawaan at malaman ang disposisyon ng Diyos, darating nang may tunay na katiyakan hinggil sa, at tamang kahulugan, ng katotohanan ng dominyon ng Diyos sa lahat ng nilikha, at matamo ang makabuluhang tindig sa at kaalaman ng pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos.
mula sa “Punong Salita” sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kailangan ninyong malaman ang gawain ng Diyos. Matapos lamang ng pagsunod kay Jesus unti-unting mas nakilala ni Pedro ang gawain ng Espiritu na ginawa kay Jesus. Sinabi Niya, "Hindi sapat ang umasa sa mga karanasan ng tao upang makamit ang isang ganap na kaalaman sa Diyos; maaaring maraming mga bagong bagay mula sa gawain ng Diyos na makatutulong sa atin na kilalanin ang Diyos." Sa simula, naniwala si Pedro na si Jesus ay ipinadala ng Diyos, katulad ng isang apostol, at hindi niya nakita si Jesus bilang si Kristo. Habang tinawag si Pedro upang sumunod[b] kay Jesus, tinanong siya ni Jesus, "Simon, anak ni Jonah, susunod ka ba sa Akin?" Sinabi ni Pedro, "Ako'y dapat sumunod sa kanya na isinugo ng Ama sa langit. Dapat kong kilalanin siya na pinili ng Banal na Espiritu. Susunod ako sa Iyo." Mula sa kanyang mga salita, maaaring makita na si Pedro ay tiyak na walang pagkilala kay Jesus; nakaranas siya ng mga salita ng Diyos, at inunawa ito sa kanyang sarili, at nagdusa ng paghihirap para sa Diyos, ngunit hindi niya alam ang gawa ng Diyos. Matapos ang panahon ng karanasan, nakita ni Pedro kay Jesus ang maraming mga gawa ng Diyos, nakita ang kagandahan ng Diyos, at nakita ang karamihan ng pagka-Diyos ng Diyos kay Jesus. Kaya nakita rin niya na hindi maaaring masambit ng tao ang mga salita ni Jesus, at hindi magagawa ng tao ang gawain na ginawa ni Jesus. Sa mga salita at kilos ni Jesus, sa karagdagan, nakita ni Pedro ang karamihan ng karunungan ng Diyos, at higit pang banal na gawain. Sa kanyang mga karanasan, hindi lang niya nakilala ang kanyang sarili, datapwa't ay nakatutok din sa pagmasid sa mga kilos ni Jesus, kung saan nakatuklas siya ng maraming bagong mga bagay; ito nga, na mayroong maraming pagpapahayag ng praktikal na Diyos sa gawa na ginawa ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus, at ang mga salita ni Jesus, mga kilos, ang mga paraan kung paano Niya pinapastol ang mga simbahan at kakaiba ang gawain na natupad Niya mula sa anumang ordinaryong tao. Kaya, mula kay Jesus natuto siya ng maraming mga aral na dapat niyang malaman, at sa oras na si Jesus ay malapit ng ipako sa krus, nagkamit siya ng ilang kaalaman ni Jesus-isang kaalaman na siyang batayan ng kanyang habambuhay na katapatan kay Jesus, at ng kanyang pagpapapako ng nakatiwarik para sa kapakanan ni Jesus.
mula sa “Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Noong tinanggap ni Pedro ang tawag ni Jesus, sinundan niya Siya.
Sa panahong sinusundan niya si Jesus, napakarami niyang mga opinyon tungkol sa Kanya at palagi niyang hinahatulan Siya mula sa kanyang sariling pananaw. Bagaman mayroon siyang ilang tiyak na antas ng pang-unawa sa Espiritu, si Pedro ay hindi masyadong naliwanagan, kaya ang kanyang mga salita nang sinabi niya: "Dapat kong sundan siya na ipinadala ng Amang nasa langit. Dapat kong kilalanin siya na pinili ng Banal na Espiritu." Hindi niya naunawaan ang mga bagay na ginawa ni Jesus at walang natanggap na pagliliwanag. Pagkatapos na sundan Siya sa loob ng ilang panahon lumago ang kanyang interes sa kung ano ang ginawa at sinabi Niya, at kay Jesus Mismo. Naramdaman na niya na pumupukaw si Jesus kapwa ng pagsuyo at paggalang; nais niyang makasama Siya at manatiling katabi Niya, at ang pakikinig sa mga salita ni Jesus ang nagbigay sa kanya ng panustos at tulong. Sa loob ng panahong sinundan niya si Jesus, pinansin at isinapuso ni Pedro ang lahat ng bagay tungkol sa Kanyang buhay: Ang Kanyang mga kilos, mga salita, mga galaw, at pananalita. Natamo niya ang isang malalim na pang-unawa na si Jesus ay hindi katulad ng mga karaniwang tao. Bagaman ang Kanyang itsura ay lubhang karaniwan, lipos Siya ng pag-ibig, malasakit, at pagpapaubaya sa tao. Lahat ng bagay na ginawa o sinabi Niya ay malaking tulong sa iba, at sa Kanyang tabi nakita at natuto ng mga bagay-bagay si Pedro na kailanman hindi pa niya nakita o naranasan. Nakita niya na kahit na walang mataas na tayog ni pambihirang pagkatao si Jesus, nagtataglay Siya ng tunay na pambihira at hindi pangkaraniwang katangian. Bagaman hindi kayang ganap na maipaliwanag ito ni Pedro, nakita niya na kumilos si Jesus na naiiba sa lahat, dahil gumawa Siya ng mga bagay-bagay na malayo sa ginawa ng karaniwang tao. Mula sa panahon ng kanyang pakikipag-ugnayan kay Jesus, natanto rin ni Pedro na ang Kanyang karakter ay iba sa karaniwang tao. Palagi Siyang kumikilos nang matatag at hindi kailanman nagmamadali, hindi kailanman eksaherado ni minaliit ang isang paksa, at isagawa ang Kanyang buhay sa paraang kapwa karaniwan at kahanga-hanga. Sa pag-uusap, si Jesus ay elegante at kaaya-aya, hayag at masayahin ngunit panatag, at hindi kailanman winala ang Kanyang dangal sa pagsasagawa ng Kanyang gawain. Nakita ni Pedro si Jesus na paminsan-minsang walang imik, ngunit sa ibang pagkakataon ay walang tigil sa pagsasalita. Paminsan-minsan siya ay masaya na nagiging maliksi at buhay na buhay tulad ng isang kalapati, at paminsan-minsan nama'y napakalungkot na hindi Siya nagsasalita, na parang inang binagyo. Kung minsan Siya ay galit na galit, tulad ng isang matapang na sundalo na dadaluhong upang pumatay ng mga kaaway, at paminsan-minsan katulad ng umaatungal na leon. Paminsan-minsan tumatawa Siya; sa ibang pagkakataon nananalangin at umiiyak Siya. Hindi alintana kung paano man kumilos si Jesus, lumago ang walang hanggang pag-ibig at paggalang ni Pedro para sa Kanya. Ang pagtawa ni Jesus ang pumuno sa kanya ng kaligayahan, ang Kanyang kalungkutan ang nagsadlak sa kanya sa pighati, ang Kanyang galit ang tumakot sa kanya, habang ang Kanyang habag, pagpapatawad, at paghihigpit ang nagpangyaring mahalin niyang tunay si Jesus, na bumubuo ng totoong paggalang at pagkapanabik sa Kanya. Siyempre, unti-unting natanto lamang ni Pedro ang lahat ng ito nang namuhay siyang kasama ni Jesus sa loob ng ilang taon.
mula sa “Paano Nakilala ni Pedro si Jesus” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang kagandahan ng Diyos ay ipinahayag sa Kanyang gawa: Kapag naranasan nila ang Kanyang gawa, saka lamang matutuklasan ng tao ang Kanyang kagandahan, sa tunay na mga karanasan lamang nila maaaring pahalagahan ang kagandahan ng Diyos, at ang hindi pagsunod nito sa tunay na buhay, walang sinuman ang maaaring makatuklas ng kagandahan ng Diyos. Marami ang kaibig-ibig sa Diyos, ngunit hindi ito magagawang tuklasin ng tao nang hindi nakikipag-ugnayan sa Kanya nang aktwal. Na ang ibig sabihin, kung hindi naging tao ang Diyos, hindi magagawa ng mga tao ang aktwal na makipag-ugnayan sa Kanya, at kung hindi nila magawang aktwal na makipag-ugnayan sa Kanya, hindi rin sila makararanas ng Kanyang gawa-at pati ang kanilang pag-ibig sa Diyos ay mababahiran ng mga kasinungalingan at imahinasyon. Ang pag-ibig ng Diyos sa langit ay hindi tunay na tulad ng pag-ibig ng Diyos sa lupa, sapagka't ang pagkilala ng mga tao ng Diyos sa langit ay gawa lamang sa kanilang mga imahinasyon, sa halip na kung ano ang kanilang nakita sa kanilang sariling mga mata, at kung ano ang kanilang naging sariling karanasan. Kapag dumating ang Diyos sa lupa, magagawang pagmasdan ng mga tao ang Kanyang aktwal na mga gawa at Kanyang kagandahan, at maaari nilang makita ang lahat ng Kanyang praktikal at karaniwang disposisyon, ang lahat ng ito ay libu-libong beses na mas totoo kaysa sa pagkilala sa Diyos sa langit. Hindi alintana sa kung gaano kamahal ng sangkatauhan ang Diyos sa langit, walang kahit ano ang totoo sa pag-ibig na ito, at ito ay puno ng kuru-kuro ng tao. Gaano man kaliit ang kanilang pag-ibig para sa Diyos sa lupa, ang pag-ibig na ito ay totoo; kahit na may kaunti lamang nito, ito ay totoo pa rin. Nagpapakilala ang Diyos sa tao sa pamamagitan ng tunay na gawa, at sa pamamagitan ng kaalaman na ito nakakamit Niya ang kanilang pag-ibig. Katulad ito ni Pedro: Kung hindi siya nanirahan kasama si Jesus, naging imposible para sa kanyang sambahin si Jesus. Gayundin, ang kanyang katapatan kay Jesus ay nabuo sa kanyang pakikipag-ugnayan kay Jesus. Upang mahalin Siya ng tao, ang Diyos ay dumating sa gitna ng tao at namuhay kasama ng tao, at lahat ng Kanyang ginagawa na nakikita at nararanasan ng tao ay katotohanan ng Diyos.
mula sa “Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Para sa lahat ng mga nabubuhay sa laman, ang pagbabago ng kanilang disposisyon ay nangangailangan ng pagtaguyod ng mga layunin, at ang pagkilala sa Diyos ay nangangailangan na masaksihan ang tunay na mga gawa at ang tunay na mukha ng Diyos. Kapwa ay maaari lamang makamit sa pamamagitan ng nagkatawang-taong katawan ng Diyos, at ang kapwa ay maaari lamang matupad sa pamamagitan ng normal at tunay na katawan. Ang dahilan kung bakit mahalaga ang pagkakatawang-tao, at kung bakit dapat ito ay nasa lahat ng tiwaling sangkatauhan. Dahil ang mga tao ay hinihingang makilala ang Diyos, ang mga imahe ng malabo at hindi pangkaraniwang mga Diyos ay dapat maiwaksi mula sa kanilang mga puso, at dahil kinakailangan nilang alisin ang kanilang tiwaling disposisyon, dapat muna nilang malaman ang kanilang tiwaling disposisyon. Kung tanging tao ang gagawa sa pagwawaksi ng mga imahe ng malabong Diyos mula sa mga puso ng mga tao, kung gayon siya ay mabibigo na makamit ang tamang epekto. Ang mga imahe ng malabong Diyos sa mga puso ng mga tao ay hindi maaaring mailantad, maiwaksi, o ganap na mapaalis sa pamamagitan ng mga salita lamang. Sa paggawa nito, sa huli ay hindi pa rin posible na palayasin ang malalim na pagkabaon ng mga bagay na ito mula sa mga tao. Tanging ang praktikal na Diyos at ang tunay na larawan ng Diyos ang maaaring ipalit sa mga malabo at hindi pangkaraniwang mga bagay na ito upang pahintulutan ang mga tao na unti-unting malaman ang mga ito, at sa ganitong paraan lamang maaaring makamit ang takdang epekto. Kinikilala ng tao na ang Diyos na kanyang hinahangad ng mga nakaraang panahon ay malabo at hindi pangkaraniwan. Na ang maaaring makapagkamit ng epekto na ito ay hindi ang direktang pamumuno ng Espiritu, lalong hindi ang mga aral ng isang tiyak na indibidwal, ngunit ang nagkatawang-taong Diyos. Ang mga pagkaintindi ng tao ay inihantad kapag opisyal na ginagawa ng nagkatawang-taong Diyos ang Kanyang gawain, dahil ang pagiging normal at pagkatotoo ng nagkatawang-taong Diyos ay ang katumbalikan ng malabo at hindi pangkaraniwang Diyos sa imahinasyon ng tao. Ang orihinal na pagkaintindi ng tao ay maaari lamang ibunyag sa pamamagitan ng kanilang kaibahan sa nagkatawang-taong Diyos. Kung wala ang paghahambing sa nagkatawang-taong Diyos, ang mga pagkaintindi ng tao ay hindi mabubunyag; sa ibang salita, kung walang kaibahan sa pagkatotoo ang malalabong mga bagay ay hindi mabubunyag. Walang may kakayahan na gumamit ng mga salita upang gawin ang gawaing ito, at walang sinuman ang may kakayahang magsalita nang maliwanag sa gawaing ito gamit ang mga salita. Tanging ang Diyos Mismo ang maaaring gumawa ng Kanyang sariling gawa, at walang sinuman ang maaaring gumawa ng gawaing ito na Kanyang kahalili. Hindi mahalaga kung gaano kayaman ang wika ng tao, hindi niya kaya na magsalita nang maliwanag ang katotohanan at pagiging karaniwan ng Diyos. Maaari lamang makilala ng tao ang Diyos sa mas kapaki-pakinabang na paraan, at maaari lamang Siyang makita nang mas malinaw, kung ang Diyos ay personal na gagawa sa gitna ng tao at ganap na itatanghal ang Kanyang larawan at ang Kanyang pagka-Diyos. Ang epektong ito ay hindi maaaring makamit sa pamamagitan ng anumang maka-lamang tao. Siyempre, ang Espiritu ng Diyos ay hindi rin kayang makamit ang epekto na ito. … Samakatuwid, ang tiwaling sangkatauhan ay mas kinakailangaan ang kaligtasan ng nagkatawang-taong Diyos, at mas nangangailangan ng direktang gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Kinakailangan ng sangkatauhan ang nagkatawang-taong Diyos upang magpastol sa kanya, sumuporta sa kanya, painumin siya, magpakain sa kanya, hatulan at kastiguhin siya, at nangangailangan siya ng higit na biyaya at mas higit na pagtubos mula sa nagkatawang-taong Diyos. Tanging ang Diyos sa katawan ang maaaring pagkatiwalaan ng tao, ang pastol ng tao, ang handang sasaklolo ng tao, at lahat ng ito ay ang pangangailangan ng pagkakatawang-tao ngayon at sa mga nakaraang panahon.
Ang mga guni-guni ng tao ay, kung tutuusin, walang laman, at hindi mapapalitan ang tunay na mukha ng Diyos; ang likas na disposisyon ng Diyos, at ang gawain ng Diyos Mismo ay hindi mapapagpanggapan ng tao. Ang hindi-nakikitang Diyos sa langit at ang Kanyang mga gawain ay maaari lamang dalhin sa lupa sa pamamagitan ng Diyos na nagkatawang-tao na personal na gumagawa ng gawain Niya sa pagitan ng mga tao. Ito ang pinaka-mainam na paraan kung saan nagpapakita ang Diyos sa tao, kung saan ang tao ay nakikita ang Diyos at nalalaman ang tunay na mukha ng Diyos, at hindi ito maaaring matamo sa pamamagitan ng isang hindi nagkatawang-taong Diyos.
mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ngayon magagawa mong sambahin na ang taong ito, ngunit sa katunayan ikaw ay sumasamba sa Espiritu. Ito man lang kahit papaano ang dapat makamit ng kaalaman ng tao sa pagkatawang tao ng Diyos: ang pagkilala sa substansya ng Espiritu sa pamamagitan ng katawang-tao, ang pagkilala sa banal na gawa ng Espiritu sa katawang-tao at gawaing pantao sa katawang-tao, habang tinatanggap ang lahat ng mga salita ng Espiritu at mga pahayag sa katawang-tao, at nakikita kung paano ginagabayan ng Espiritu ng Diyos ang katawang-tao at ipinapakita ang Kanyang kapangyarihan sa katawang-tao. Na ang ibig sabihin, ang tao ay dumating upang malaman ang Espiritu sa langit sa pamamagitan ng katawang-tao; ang pagpapakita ng praktikal na Diyos Mismo sa tao ay nag-alis ng malabong pananaw ng mga tao sa Diyos; ang pagsamba sa praktikal na Diyos Mismo ay nagpataas ng kanilang pagsunod sa Diyos; at sa pamamagitan ng gawa ng Espiritu ng Diyos sa katawang-tao, at gawa ng tao sa katawang-tao, nakatatanggap ng kaliwanagan ang tao, at pagpapatnubay, at ang mga pagbabago ay nakamit sa kanyang disposisyon sa buhay. Tanging ito lamang ang aktwal na kahulugan ng pagdating ng Espiritu sa katawang-tao, at ito ay mahalaga upang ang mga tao ay maaaring makipag-ugnayan sa Diyos, umasa sa Diyos, at makamit ang pagkilala sa Diyos.
mula sa “Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinakamainam na bagay tungkol sa Kanyang gawain sa katawang-tao ay maaari Siyang mag-iwan ng tumpak na mga salita at mga pangaral, at ang Kanyang tumpak na kalooban para sa sangkatauhan patungkol sa mga taong sumusunod sa Kanya, sa gayon pagkatapos nito ang Kanyang mga tagasunod ay maaaring mas tumpak at mas konkretong maipasa ang lahat ng Kanyang mga gawain sa katawang-tao at ang Kanyang kalooban para sa buong sangkatauhan na tumatanggap sa ganitong paraan. Tanging ang gawain ng Diyos sa katawang-tao sa gitna ng mga tao ang tunay na nagsasakatuparan sa katunayan ng pagiging Diyos at ang pamumuhay kasama ng mga tao. Tanging ang gawaing ito ang magsasakatuparan sa kagustuhan ng tao na mamasdan ang mukha ng Diyos, masaksihan ang gawain ng Diyos, at marinig ang personal na salita ng Diyos. Wawakasan na ng nagkatawang-taong Diyos ang kapanahunan nang ang likod lamang ni Jehovah ang nagpakita sa sangkatauhan, at tatapusin din ang kapanahunan ng paniniwala ng sangkatauhan sa isang malabong Diyos. Sa partikular, ang gawain ng huling nagkatawang-taong Diyos ay dinadala ang lahat ng sangkatauhan sa isang kapanahunan na mas makatotohanan, mas praktikal, at mas kaaya-aya. Hindi lang Niya tatapusin ang kapanahunan ng kautusan at doktrina; mas mahalaga, ibinubunyag Niya sa sangkatauhan ang isang tunay at pangkaraniwang Diyos, na matuwid at banal, na nagbubukas ng gawain ng plano sa pamamahala at nagpapakita ng mga misteryo at hantungan ng sangkatauhan, na lumikha sa sangkatauhan at dadalhin sa katapusan ang gawaing pamamahala, at nanatiling nakatago ng libo-libong taon. Dadalhin Niya ang kapanahunan ng kalabuan sa isang ganap na katapusan, tatapusin Niya ang kapanahunan kung saan ang buong sangkatauhan ay ninais na hanapin ang mukha ng Diyos ngunit hindi nagawa, wawakasan Niya ang kapanahunan na kung saan ang buong sangkatauhan ay naglingkod kay Satanas, at aakayin ang buong sangkatauhan hanggang sa dulo ng isang ganap na bagong panahon. Ang lahat ng ito ay ang kinalabasan ng gawain ng Diyos sa katawang-tao sa halip na Espiritu ng Diyos.
mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang grupo ng mga tao na nais makamit ng Diyos na nagkatawang-tao sa kasalukuyan ay yaong sumusunod sa Kanyang kalooban. Kailangan lamang ng mga tao na sundin ang Kanyang gawain, hindi palaging pinag-aalala ang kanilang mga sarili sa mga ideya ukol sa Diyos sa langit, mabuhay sa loob ng kalabuan, o gawing mahirap ang mga bagay para sa Diyos na nasa katawang-tao. Yaong nakakasunod sa Kanya ay yaong mga walang pasubaling nakikinig sa Kanyang mga salita at sinusunod ang Kanyang mga pagsasaayos. Ni hindi papansinin ng mga taong ito kung ano talaga ang nakakatulad ng Diyos sa langit o kung anong uri ng gawain ang kasalukuyang ginagawa ng Diyos sa langit sa sangkatauhan, ngunit ibinibigay nila nang buo ang kanilang mga puso sa Diyos sa lupa at inilalagay ang kanilang buong mga pagkatao sa harap Niya. Hindi nila kailanman isinalang-alang ang kanilang sariling kaligtasan, at hindi sila kailanman gumawa ng isang pag-aalala sa pagiging normal at praktikalidad ng Diyos sa katawang-lupa. Yaong mga sumusunod sa Diyos sa katawang-lupa ay maaari Niyang gawing perpekto. Yaong mga naniniwala sa Diyos sa langit ay walang anumang makakamit. Ito ay dahil hindi ang Diyos sa langit, ngunit ang Diyos sa lupa ang nagkakaloob ng mga pangako at mga pagpapala sa mga tao. Hindi dapat palaging pinalalaki ng mga tao ang Diyos sa langit at titingnan ang Diyos sa lupa bilang pangkaraniwang tao. Ito ay hindi makatarungan. Ang Diyos sa langit ay dakila at kamangha-mangha at mayroong kahanga-hangang karunungan, ngunit ito ay hindi umiiral sa lahat. Ang Diyos sa lupa ay masyadong karaniwan at walang kabuluhan; Siya rin ay masyadong normal. Hindi Niya taglay ang isang di-pangkaraniwang pag-iisip o mga pagkilos na nakawawasak ng mundo. Siya ay gumagawa at nagsasalita lamang sa isang napaka-normal at praktikal na paraan. Samantalang hindi Siya nagsasalita sa pamamagitan ng kulog o ipinatatawag ang hangin at ang ulan, Siya talaga ang pagkakatawang-tao ng Diyos sa langit, at Siya talaga ang Diyos na namumuhay sa gitna ng mga tao. Hindi kailangang palakihin ng mga tao ang isa na nagagawa nilang maunawaan at na tumutugma sa kanilang sariling mga imahinasyon bilang Diyos, o tingnan ang Isa na hindi nila kayang tanggapin at walang pasubaling hindi kayang isipin bilang mababa. Ang lahat ng ito ay pagiging mapanghimagsik ng mga tao; ito ang lahat ng pinagmulan ng paglaban ng sangkatauhan sa Diyos.
mula sa “Ang Mga Tao na Maaaring Walang Pasubali na Masunurin Tungo sa Praktikalidad ng Diyos ay Yaong Mga Tunay na Umiibig Sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento