'Pag ang Diyos ay 'di mo batid, at likas Niya'y di mo tanto,
puso mo'y hindi magbubukas ng tunay para sa Diyos.
'Pag naintindihan mo na'ng iyong Diyos,
ang nasa puso Niya'y mauunawaan mo,
at ito'y daranasin mong lubusan ng
may buong pananampalataya.
'Pag nilasap mo ang nasa puso ng Diyos nang unti-unti,
sa bawat araw,
'pag nilasap mo ang nasa puso ng Diyos,
pagbubuksan Siya ng iyong puso.
'Pag tunay na bukas ang 'yong puso,
'pag tunay na bukas ang 'yong puso,
iyong makikitang suklam
at kahihiyang mapaglustay't makasariling hiling.
'Pag tunay na bukas ang 'yong puso,
'pag tunay na bukas ang 'yong puso.
Makikita sa puso Niya'y mundong walang-hanggan,
tungo sa kahariang walang katulad.
Sa kaharia'y walang pandaraya,
walang panlilinlang, walang kadiliman, at walang kasamaan.
Tanging kataimtiman at katapatan;
tanging pagkamatuwid at kagandahang-loob.
Siya'y pag-ibig, Siya'y mapag-aruga,
walang hanggang kahabagan.
Sa iyong buhay, saya'y nadarama,
kung buksan ang puso mo sa Diyos.
Sa dunong Niya't lakas napupuspos ang kaharian,
maging ng awtoridad Niya't pag-ibig.
Makikita mo kung anong mayroon at sino Siya,
kung ano ang nagdudulot sa Kanya ng saya,
ng hapis, ng lungkot at galit,
nariyang makita ng lahat.
'Pag binuksan ang puso mo sa Diyos
at anyayahan Siyang tumuloy.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento