Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

19 Oktubre 2018

Sinisiraan ng CCP ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na Isa Lang Daw Itong “Organisasyon ng Tao.” Ano ang Motibo Nila?


Zheng Weiguo(Pastor ng isang United Front Work Department ng bayan): Gusto kong pag-usapan ulit ang pananalig n'yo sa Diyos. Malinaw ba sa inyo kung sino ang bumuo ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Kalahati ng buhay ko, nagtrabaho ako para sa United Front, nag-aral ng mga relihiyon nang ilang dekada. Makatwirang sabihin na malinaw kong nauunawaan ang iba't ibang uri ng relihiyon. Mahigit dalawang dekada naming tinutukan ang pag-aaral tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ayon sa mga propaganda ng gobyerno, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng isang nagngangalang Zhao sa hilagang-silangang China. Ang lalaking ito ay mataas na saserdote ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Siya ang namumuno sa Iglesia. Sinasabi ng mga nananalig sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na siya ay isang taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Madalas silang makinig sa pangangaral ng taong ito na ginagamit ng Banal na Espiritu, at nakikinig sila sa kanya sa pangangasiwa sa iglesia. Bagama't binabasa ninyong mga nananalig sa Makapangyarihang Diyos ang salita ng Makapangyarihang Diyos, nagdarasal kayo sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos, itinuturing n'yong banal na kasulatan ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, at ibinabahagi ang salita ng Makapangyarihang Diyos sa inyong kongregasyon, ano't anuman, ang taong ito ang nagdedesisyon sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kaya natitiyak namin na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nilikha ng taong ito. Ang CCP at ang iba't ibang relihiyon ay inilalarawan ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos bilang isang organisasyon ng tao. Palagay ko totoo 'yan. Nauunawaan n'yo ba ito?

Zheng Yi (Isang Kristiyano): Pa, mahigit 20 taon nang napag-aralan ng CCP ang Iglesia ng Makapangaryihang Diyos, ibig n'yo bang sabihin 'yan ang resulta ng pag-aaral na 'yon? Kung gayo'y sabihin n'yo sa 'kin, sino ang nagtatag ng Kristiyanismo at Katolisismo? Si Pablo kaya o si Pedro ang nagtatag nito? Sino ang nagtatag ng Judaismo? Si Moises kaya? Hindi ba kalokohan 'yan? Pa, kayong mga ateista ay hindi kailanman tinanggap na mayroong Diyos, huwag nang banggitin pa ang katotohanan na nagkatawang-tao ang Diyos. Gaano man karami ang katotohanang naipahayag ni Cristo na nagkatawang-tao, gaano karami ang naisagawang gawain, at malaking kaligtasang inihatid sa sangkatauhan, hindi ba tinatanggihan n'yong lahat, pinasisinungalingan at tinutuligsa Siya? Pa, palagay n'yo ba itinatag ng tao ang Kristiyanismo at Katolisismo, kaya mga organisasyon sila ng tao? Ito ang pinakamalaking kalokohan n'yo. Kung hindi nagpakita ang Panginoong Jesus para gumawa, walang mga nananalig o magiging mga alagad ang Panginoon, at lilikha ng Kristiyanismo. Hindi ba totoo 'yan? Paano nakalikha ang mga apostol ng isang iglesia dahil lang sa kanilang sariling katalinuhan? Pa, maaari kayong sumunod sa pagtanggap ng mga tao sa pamumuno at pagpapastol nina Pedro, Juan at iba pang mga apostol at magsabi na ang Kristiyanismo ay itinatag ng mga apostol, kaya isa itong organisasyon ng tao? Pa, ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagsimula lamang sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos. Iyo'y dahil ang mga tao ay nakinig sa tinig ng Diyos mula sa maraming katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos kaya nagbalik sila sa harapan ng Diyos at umanib sa iglesia. Nang magpakita para gumawa, personal na nasaksihan ng Makapangyarihang Diyos ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu, na siyang pinuno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tulad ni Moises noong Kapanahunan ng Kautusan at ng mga apostol noong Kapanahunan ng Biyaya, siya ang taong ginagamit ng Diyos para gawin ang kanyang tungkulin na diligan, pastulan at akayin ang mga taong hinirang ng Diyos. Pa, tinatanggihan ng inyong Communist Party ang gawain ng Diyos at lahat ng katotohanang ipinahayag ng Diyos, itinatanggi pa na ang Siya na pinananaligan at sinusundan ng mga taong hinirang ng Diyos ay ang Diyos na nagkatawang-tao. Hindi ba may lihim na motibo sila? Kung hindi sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, hindi mapapasimulan ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at hindi ito iiral. Hindi maikakaila ang katotohanang 'yan. Sadyang alam ng CCP na ang mga Kristiyano ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagdarasal sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos. Ang binabasa at ibinabahagi nila sa kongregasyon ay ang salita ng Makapangyarihang Diyos. Bakit nagsasabi pa rin ng maliwanag na mga kasinungalingan ang CCP? Siya na pinananaligan ng mga taong hinirang ng Diyos ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay ang Makapangyarihang Diyos. Sinusunod ng mga taong hinirang ng Diyos ang pamumuno ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ayon sa salita ng Makapangyarihang Diyos. Yan ang totoo.

Zheng Rui (Isang Kristiyano): Pa, malilinawan n'yo ito kapag binasa ko sa inyo ang dalawang talata ng salita ng Makapangyarihang Diyos. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang gawain na ipinatutupad niyaong kinasasangkapan ng Diyos ay upang makipagtulungan sa gawain ni Cristo o ng Banal na Espiritu. Ang taong ito ay ibinangon ng Diyos sa gitna ng tao, siya ay naroon upang pangunahan ang mga hinirang ng Diyos, at siya ay ibinangon din ng Diyos upang gawin ang gawain ng pakikipagtulungan ng tao... Siya na kinakasangkapan ng Diyos, sa kabilang banda, ay yaong inihanda ng Diyos, at siyang nagtataglay ng isang partikular na kakayahan, at mayroong pagkatao. Siya ay inihanda at ginawang perpekto nang patiuna ng Banal na Espiritu, at ganap na pinangunahan ng Banal na Espiritu, at, lalo na pagdating sa kanyang gawain, siya ay tinagubilinan at inatasan ng Banal na Espiritu— bilang resulta nito walang paglihis sa landas sa pangunguna sa mga hinirang ng Diyos, sapagkat tiyak na pananagutan ng Diyos ang Kanyang sariling gawain, at ginagawa ng Diyos ang Kanyang sariling gawain sa lahat ng mga pagkakataon" (mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Pa, sa "Ang Sampung Administratibong Kautusan na Dapat Sundin ng mga Piniling Tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian," malinaw ding sinasaad ng ikapitong administratibong kautusan na: "Sa gawain at mga bagay sa simbahan, bukod sa pagsunod sa Diyos, sa lahat ng bagay dapat ninyong sundin ang mga tagubilin ng tao na ginamit ng Banal na Espiritu. Kahit na ang pinakamaliit na pagsuway ay hindi katanggap-tanggap. Dapat kayong maging ganap sa inyong pagsunod, at hindi dapat suriin ang tama o mali; kung ano ang tama o mali ay walang kinalaman sa inyo. Dapat lamang ninyong iukol ang inyong sarili sa ganap na pagsunod" (mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Zheng Rui: Pa, ang pagtanggap ng mga taong hinirang ng Diyos sa pamumuno at pagdidilig ng taong ginagamit ng Banal na Espiritu ay ipinamumuhay ang salita ng Diyos at sinusunod ang Diyos. Nang pag-aralan ng inyong CCP ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, bakit hindi nito binigyan ng oras na basahin ang salita ng Makapangyarihang Diyos? Bakit hindi nito nakita ang sampung utos sa pangangasiwa ng Makapangyarihang Diyos? Bakit hindi kayo naghanap mula sa mga taong hinirang ng Diyos ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at hinayaan silang ibahagi ang katotohanan sa inyo? Pinag-aralan n'yo lang ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos mula sa labas nang hindi binabasa ang salita ng Makapangyarihang Diyos at inuunawa ang gawain ng Diyos, paano mo mauunawaan talaga ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Zheng Yi: Pa, bakit palaging sinasabi ng gobyernong CCP na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay isang organisasyon ng tao? Bakit wala itong sinasabi tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao? Bakit hindi pa ito nagsasalita tungkol sa aklat na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao? Ang totoo, ang lubos na kinatatakutan ng CCP ay ang katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, dahil alam ng CCP sa kanilang kalooban na lahat ng nananalig sa Makapangyarihang Diyos ay tinanggap na ang Makapangyarihang Diyos matapos basahin ang aklat na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Kaya ginagambala ng CCP ang pansin ng mga tao sa pagsasabi na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay isang organisasyong nilikha ng tao para intensyonal na itago ang katotohanan ng pagpapakita ng Makapangyarihang Diyos, ng Cristo ng mga huling araw, para gumawa, kaya papansinin ng mga tao ang taong ito. Ginagawa ito ng CCP para pigilan ang mga tao sa pananalig at pagsunod sa Diyos. Ito ang tunay na layunin nito. Binabaluktot ng CCP ang mga katotohanan at iginigiit na ang iglesia kung saan nagpapakita ang Diyos para gumawa ay isang organisasyon ng tao. Ito ang katwiran ng CCP sa panunupil at pagpapahirap sa iglesia ng Diyos. Napakatuso at napakasama ng CCP! Pa, hindi ba totoo ang sinabi ko? Kailangan n'yong tumukoy sa pagitan ng mga ito. Huwag na kayong makinig sa mga tsismis ng CCP!

mula sa script ng pelikulang Red Re-Education sa Bahay

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.