Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

31 Disyembre 2018

Bakit Pinahihirapan ng Chinese Communist Party ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos (6/7) | "Kumawala sa Bitag"


Bakit Pinahihirapan ng Chinese Communist Party ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos (6/7) | Clip ng Pelikulang | "Kumawala sa Bitag"


Ang Chinese Communist Party ay isang napakasamang rehimen na talagang galit sa katotohanan at sa Diyos. Alam nito na nag-iisa ang Makapangyarihang Diyos sa mundo na makapagpapahayag ng katotohanan. Ang Makapangyarihang Diyos ay nasa proseo ng pagliligtas sa mga huling araw. Kung ipinalalaganap ang salita ng Makapangyarihang Diyos sa mga tao, lahat ng nagmamahal sa katotohanan ay babalik sa Kanya. Ilalantad ang Chinese Communist Party na mukhang demonyo, ang tunay na mukha nito, na galit sa katotohanan at kumakalaban sa Diyos. Sa gayo'y tatalikuran ng buong sangkatauhan ang Chinese Communist Party. Hindi na rin ito mapanghahawakan sa China. Hindi na rin nito magagawang tiwali at mabibitag ang mga mamamayan sa mundo. Kaya nga galit ang Chinese Communist Party sa Makapangyarihang Diyos at pinahihirapan nila ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.

19 Oktubre 2018

Sinisiraan ng CCP ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na Isa Lang Daw Itong “Organisasyon ng Tao.” Ano ang Motibo Nila?


Zheng Weiguo(Pastor ng isang United Front Work Department ng bayan): Gusto kong pag-usapan ulit ang pananalig n'yo sa Diyos. Malinaw ba sa inyo kung sino ang bumuo ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Kalahati ng buhay ko, nagtrabaho ako para sa United Front, nag-aral ng mga relihiyon nang ilang dekada. Makatwirang sabihin na malinaw kong nauunawaan ang iba't ibang uri ng relihiyon. Mahigit dalawang dekada naming tinutukan ang pag-aaral tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ayon sa mga propaganda ng gobyerno, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng isang nagngangalang Zhao sa hilagang-silangang China. Ang lalaking ito ay mataas na saserdote ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.

19 Abril 2018

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos


    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang lahat ng mga kilos at mga gawa ni Satanas ay nakikita sa tao. Ngayon ang lahat ng mga kilos at mga gawa ng tao ay pagpapahayag ni Satanas at samakatuwid ay hindi maaaring kumatawan sa Diyos. Ang tao ang sagisag ni Satanas, at ang disposisyon ng tao ay hindi kayang kumatawan sa disposisyon ng Diyos. Ang ilang mga tao ay may mabuting karakter; ang Diyos ay maaaring gumawa ng ilang gawain sa pamamagitan ng naturang karakter ng mga tao at ang gawain na kanilang ginagawa ay ginabayan ng Banal na Espiritu. Ngunit ang kanilang disposisyon ay hindi kayang kumatawan sa Diyos. Ang gawain ng Diyos na ginagawa Niya sa kanila ay kumikilos lamang at lumalawak sa kung ano na ang umiiral sa loob. Maging sa mga propeta o ang mga taong ginamit ng Diyos mula sa mga nakaraang panahon, walang sinuman ang maaaring direktang kumatawan sa Kanya."

05 Abril 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Panimula ng Android App

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Panimula ng Android App



   Upang tuparin ang malakas na hangarin ng mga tao mula sa iba’t ibang pinagmulan na pag-aralan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, inilabas ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang una nitong mobile app. Naglalaman ang app na ito ng mga e-book, musika at video. Kasama rito ang milyun-milyong salitang inihayag ni Cristo ng mga huling araw—ang Makapangyarihang Diyos, mga orihinal na kantang nirekord ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at higit pang mga movie at video tungkol sa ebanghelyo. Inaanyayahan namin ang lahat na nag-iimbestiga sa tunay na daan na gamitin ang app na ito.

Rekomendasyon:Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan

02 Abril 2018

Salita ng Diyos | Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao


  Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang walang materyal na katawan, kundi ang tao, na may katawan at ginawang tiwali ni Satanas. Ito ay tiyak na dahil ang laman ng tao ay naging tiwali kaya ginawa ng Diyos ang taong maka-laman na pakay ng Kanyang gawain; bukod dito, sapagka’t ang tao ay ang pakay ng katiwalian, ginawa Niya ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng mga yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang nilalang na may kamatayan, na may katawan at dugo, at ang Diyos lamang ang tanging Isa na maaaring magligtas sa tao. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay dapat maging isang katawang-tao na nagtataglay ng parehong mga katangian bilang tao upang gawin ang Kanyang gawain, upang makamit ng Kanyang gawain ang mas mahusay na mga epekto. Kailangang maging katawang-tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain dahil ang tao ay sa laman, at hindi kayang pagtagumpayan ang kasalanan o alisin ang sarili sa laman. Kahit na ang diwa at pagkakakilanlan ng Diyos na nagkatawang-tao ay malaki ang pagkakaiba mula sa diwa at pagkakakilanlan ng tao, gayon pa man ang Kanyang hitsura ay kapareho ng tao, nasa Kanya ang hitsura ng isang pangkaraniwang tao, at namumuhay ng isang karaniwang tao, at yaong mga makakakita sa Kanya ay walang makikitang pagkakaiba sa isang karaniwang tao. Ang karaniwang hitsurang ito at normal na pagkatao ay sapat para sa Kanya na gawin ang Kanyang maka-Diyos na gawain sa normal na pagkatao. Ang Kanyang katawang-tao ay nagbibigay-daan sa Kanya na gawin ang Kanyang gawain sa normal na pagkatao, at tumutulong sa Kanya na gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng tao, at ang Kanyang normal na pagkatao, bukod doon, ay tumutulong sa Kanya na isagawa ang gawain ng pagliligtas sa gitna ng tao. Kahit na ang Kanyang normal na pagkatao ay naging sanhi ng malaking kaguluhan sa gitna ng tao, ang ganoong kaguluhan ay hindi nakaapekto sa karaniwang mga bunga ng Kanyang gawain. Sa madaling salita, ang gawain ng Kanyang normal na katawang-tao ay may sukdulang pakinabang sa tao. Kahit na karamihan sa mga tao ay hindi tinatanggap ang Kanyang normal na pagkatao, ang Kanyang gawain ay maaari pa ring maging mabisa, at ang mga epekto na ito ay nakakamit salamat sa Kanyang normal na pagkatao. Ito ay walang pag-aalinlangan. Mula sa Kanyang gawain sa katawang-tao, ang tao ay makakatamo ng sampung beses o dose-dosenang beses na higit na mga bagay kaysa sa mga pagkaintindi na umiiral sa gitna ng tao tungkol sa Kanyang normal na pagkatao, at ang ganoong mga pagkaintindi sa huli ay dapat na lahat ay malulon ng Kanyang gawain. At ang epekto na nakamit ng Kanyang gawain, na ang ibig sabihin, ang kaalaman ng tao tungo sa Kanya, ay mas maraming beses kaysa ang mga pagkaintindi ng tao tungkol sa Kanya. Walang paraan upang isipin o sukatin ang gawain na ginagawa Niya sa katawang-tao, dahil ang Kanyang katawang-tao ay hindi katulad ng sinumang taong maka-laman; kahit na ang panlabas na balat ay magkapareho, ang sangkap ay hindi pareho. Ang Kanyang katawang-tao ay gumagawa ng maraming mga pagkaintindi sa gitna ng tao tungkol sa Diyos, gayon pa man ang Kanyang katawang-tao ay maaari ring payagan ang tao upang makakuha ng maraming kaalaman, at maaari ring lupigin ang sinumang tao na nagmamay-ari ng isang katulad na panlabas na balat. Dahil Siya ay hindi lamang isang tao, kundi ang Diyos na may panlabas na balat ng isang tao, at walang maaaring ganap na tarukin o makaintindi sa Kanya. Ang isang hindi nakikita at hindi mahipo na Diyos ay minamahal at tinatanggap ng lahat. Kung ang Diyos ay isa lamang Espiritu na hindi nakikita ng tao, napakadali para sa tao na maniwala sa Diyos. Ang tao ay maaaring magbigay ng walang patumangga sa kanyang imahinasyon, maaaring pumili ng kahit anong imahe na gusto niya bilang imahe ng Diyos upang malugod ang kanyang sarili at gawing masaya ang kanyang sarili. Sa ganitong paraan, maaaring gawin ng tao ang anuman na pinaka-kasiya-siya sa kanyang sariling Diyos, at na kung saan ang Diyos na ito ay pinakahanda na gawin, nang walang anumang pag-aalinlangan. Higit pa rito, ang tao ay naniniwala na walang sinuman ang mas tapat at masipag kaysa kanya sa kabanalan sa Diyos, at na ang lahat ng iba ay mga asong Gentil, at mga di-matapat sa Diyos. Maaaring sabihin na ito ang hinahangad ng mga malabo at batay sa doktrina ang paniniwala sa Diyos; ang kanilang hinahanap ay lahat ng higit na magkakapareho, na may kaunting pagkakaiba. Ito lamang dahil sa ang mga imahe ng Diyos sa kanilang mga imahinasyon ay naiiba, ngunit ang kanilang diwa ay tunay na pareho.

19 Pebrero 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang DiyosTunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos


I
Maraming tao'ng naniniwala,
ngunit kaunti lang ang nakakaunawa sa pananampalataya sa Diyos,
paano ba sasabayan ang pintig ng Kanyang puso.
Maraming may alam sa mga salitang "Diyos" at "gawain ng Diyos,"
ngunit di Siya kilala at ang mga gawain Niya.
Kaya pananalig nila'y bulag.
Sila'y di seryoso dito dahil ito'y kakaiba.
Kaya kapos sila sa mga hinihingi ng Diyos.
Kung di mo kilala ang Diyos at gawain N'ya,
angkop ka bang gamitin N'ya?
Matutupad mo ba ang hangad ng Diyos?

17 Pebrero 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Sangkatauhang Namumuhay sa Ilalim ng Awtoridad ng Diyos

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang DiyosAng Sangkatauhang Namumuhay sa Ilalim ng Awtoridad ng Diyos


I
Sangkatauhan, na namumuhay sa lahat ng bagay,
ay tiniwali at nalinlang ni Satanas,
ngunit di pa rin n'ya makakayang wala ang tubig na ginawa ng Diyos,
at ang hangin at lahat ng mga bagay na likha ng Diyos.
Ang sangkatauhan ay nabubuhay pa at nagpapalaganap
sa puwang na ito na nilikha ng Diyos.

04 Nobyembre 2017

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal

pananampalataya, katotohanan, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus, relihiyon ,

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal
    
  Gaano karaming relihiyosong kaugalian ang sinusunod mo? Ilang beses ka na bang nagrebelde laban sa salita ng Diyos at pinili ang iyong sariling landas? Ilang beses mo na bang isinasagawa ang salita ng Diyos dahil tunay mong isinasaalang-alang ang Kanyang mga pasanin at hinahangad mong tuparin ang Kanyang nais? Unawain ang salita ng Diyos at isabuhay ito. Maging ma-prinsipiyo sa iyong mga kilos at gawa; hindi ito pagsunod sa mga patakaran o ginagawa nang labag sa kalooban para sa pagkukunwari. Bagkus, ito ay ang pagsasagawa ng katotohanan at pamumuhay sa salita ng Diyos. Tanging ang pagsasagawa na tulad nito ang nakalulugod sa Diyos. Ang anumang kaugaliang nakalulugod sa Diyos ay hindi isang patakaran kundi isang pagsasagawa ng katotohanan.

29 Oktubre 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok”

 Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos,  Kidlat ng Silanganan, Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos ,

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok”

    1. Mula pa nang ang tao ay nagsimulang yumapak sa tamang landas ng buhay, nagkaroon ng maraming bagay na nananatiling hindi malinaw. Sila ay ganap pa rin ang kalabuan tungkol sa gawain ng Diyos at kung gaano karaming trabaho ang dapat nilang gawin. Ito ay dahil, sa isang banda, pagkalihis ng kanilang mga karanasan at ang mga limitasyon sa kanilang kakayahang tumanggap; sa kabila, ito ay dahil ang gawain ng Diyos ay hindi pa nadala ang mga tao sa yugtong ito. Kaya, hindi maliwanag sa lahat ang tungkol sa pinaka-espirituwal na mga bagay. Hindi lamang na hindi malinaw sa inyo ang inyong dapat pasukan; mas lalo kayong mangmang tungkol sa gawain ng Diyos. Ito ay mas higit pa kaysa sa simpleng bagay na pagkukulang sa inyo: Ito ay isang malaking kapintasan sa lahat ng kabilang sa mundo ng relihiyon. Nandito ang susi kung bakit hindi kilala ng mga tao ang Diyos, at kaya ang kapintasang ito ay isang pangkaraniwang depekto na bahagi ng lahat ng mga taong humahanap sa Kanya. Walang sinuman ang kailanman nakakilala sa Diyos, o kailanman nakakita sa Kanyang tunay na mukha. Dahil dito kaya ang gawain ng Diyos ay naging mahirap kagaya nang paglilipat ng isang bundok o pagpapatuyo ng dagat. Gaano karaming mga tao ang nagsakripisyo ng kanilang buhay para sa gawain ng Diyos; gaano karami ang napaalis nang dahil sa Kanyang gawa; gaano karami, para sa kapakanan ng Kanyang gawain, ang pinahirapan hanggang kamatayan; gaano karami, ang kanilang mga mata ay napuno ng luha ng pag-ibig para sa Diyos, namatay nang di-makatarungan; gaano karami ang nakatagpo nang malupit at di-makataong pag-uusig…? Na ang mga trahedyang ito ay dumaan lamang—hindi kaya lahat ng ito ay dahil sa kakulangan ng kaalaman ng mga tao tungkol sa Diyos? Paanong ang isang tao na hindi kilala ang Diyos ay may mukha na ihaharap sa Kanya? Paanong ang isang tao na naniniwala sa Diyos at datapwat umuusig sa Kanya ay may mukhang ihaharap sa Kanya? Hindi lamang ito mga kakulangan ng mga nasa loob ng pang-relihiyong mundo, ngunit sa halip ay parehong pangkaraniwan sa inyo at sa kanila. Naniniwala ang mga tao sa Diyos nang walang kaalaman sa Kanya; ito ang dahilan kung bakit hindi nila iginagalang ang Diyos sa kanilang mga puso, at hindi Siya kinatatakutan sa kanilang mga puso. May mga tao pa nga na, kasama ang malaking karangyaan at kalagayan, ang gumagawa ng mga gawa na kanilang naisip sa loob ng daloy na ito, at ipinagpapatuloy ang gawain ng Diyos ayon sa kanilang sariling mga pangangailangan at alibughang mga hangarin. Maraming mga tao ang kumikilos nang marahas, humahawak sa Diyos nang walang pagpapahalaga ngunit sumusunod sa kanilang sariling kalooban. Hindi ba ang mga ito ay perpektong pinakadiwa ng mga pusong sakim ng mga tao? Hindi ba nito inihahayag ang sobrang saganang elemento ng panlilinlang na mayroon ang tao?

20 Oktubre 2017

Clip ng Pelikulang Paghihintay (3)

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Paghihintay (3)

Anong uri ng tao ang dadalhin sa kaharian ng langit? Sinabi ng Panginoong Jesus, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). Ngunit naniniwala ang ilang mga tao na ang kahulugan lamang ng pagsunod sa kalooban ng makalangit na Ama ay pagiging tapat sa pangalan ng Panginoon, masigasig na pagsisilbi sa Kanya, at pagtitiis sa pagdurusa ng pagpasan sa krus, at kung gagawin natin ang mga bagay na ito, kailangan lamang nating mag-abang at maghintay para sa ikalawang pagbabalik ng Panginoon nang tulad nito upang madadala sa kaharian ng langit. Alinsunod ba ang mga ideyang ito sa mga panuntunan ng Panginoon? Ipapaalam ng clip na ito sa iyo.
Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

14 Oktubre 2017

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?

Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus, Kidlat ng Silanganan, Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos, Kaharian , panginoon,


Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?



    Bilang isang tao na naniniwala sa Diyos, nararapat mong maunawaan na ngayon, sa pagtanggap ng gawain ng Diyos sa mga huling araw at ang lahat ng gawain ng plano ng Diyos sa iyo, ikaw ay talagang nakatanggap ng malaking pagpaparangal at kaligtasan mula sa Diyos. Ang lahat ng gawa ng Diyos sa buong sansinukob ay nakatutok sa kalipunang ito ng mga tao. Inilaan Niya ang lahat ng Kanyang pagsisikap para sa inyo at inihandog ang lahat para sa inyo; Kanyang tinubos at ibinigay sa inyo ang lahat ng gawain ng Espiritu sa buong sansinukob. Iyan ang dahilan kung bakit ko sinasabing, kayo ang mapalad.Higit pa rito, inilipat Niya ang Kanyang kaluwalhatian mula sa Israel, ang Kanyang piniling mga tao, sa inyo, nang sa gayon ay matupad ang layunin ng Kanyang plano na lubusang maihayag sa pamamagitan ninyong mga kalipunan ng tao. Samakatwid, kayo ang yaong makatatanggap ng pamana ng Diyos, at higit pa, ang mga tagapagmana ng kaluwalhatian ng Diyos. Marahil ay naaalala ninyo ang mga salitang ito: "Sapagkat ang aming magaang kapighatian, na panandalian lamang, ang siyang magdudulot sa amin ng lalong higit at walang hanggang kaluwalhatian." Dati, narinig ninyong lahat ang kasabihang ito, ngunit walang nakaunawa ng tunay na kahulugan ng mga salita. Ngayon, alam niyo na rin ang tunay na kahalagahan na mayroon ang mga ito. Ang mga salitang ito ang isasakatuparan ng Diyos sa mga huling araw. At ito ay mangyayari sa mga malupit na pinighati ng malaking pulang dragon sa lupa kung saan ito namamalagi. Inuusig ng malaking pulang dragon ang Diyos at ito ay kaaway ng Diyos, kaya sa lupang ito, yaong mga naniniwala sa Diyos ay isinailalim sa panghihiya at pag-uusig. Iyon ang dahilan kung bakit ang mga salitang ito ay magiging katotohanan sa inyong kalipunan ng mga tao. Habang ang gawain ay naisasakatuparan sa lugar na tumututol sa Diyos, ang lahat ng Kanyang gawain ay sinalubong ng labis na pang-aabala, at marami sa Kanyang mga salita ay hindi maisasakatuparan sa tamang panahon; kaya, ang mga tao ay pinino dahil sa mga salita ng Diyos. Ito rin ay bahagi ng paghihirap. Labis na nakakapagod para sa Diyos na isakatuparan ang Kanyang gawain sa lupain ng malaking pulang dragon, ngunit ito'y sa pamamagitan ng naturang paghihirap na gumagawa ang Diyos ng yugto ng Kanyang gawain upang ipahayag ang Kanyang karunungan at mga nakakamanghang mga gawa. Ginagamit ng Diyos ang pagkakataong ito upang gawing ganap itong kalipunan ng tao. Dahil sa pagdurusa ng tao, ang kanilang kakayahan, at lahat ng mala-satanas na disposisyon ng mga tao sa maruming lugar na ito, ginagawa ng Diyos ang gawain Niya ng pagdadalisay at paglupig nang sa gayon, mula rito, Siya ay maaaring magkamit ng kaluwalhatian at makuha ang mga tao na maging saksi sa Kanyang mga gawa. Ito ang lubos na kahulugan ng lahat ng mga sakripisyo na ginawa ng Diyos para sa kalipunan ng mga taong ito. Ibig sabihin, ang Diyos ang gumagawa ng gawain ng panlulupig sa pamamagitan lamang ng yaong mga sumasalungat sa Kanya. Samakatwid, sa paggawa nito ay maaaring maihayag ang dakilang kapangyarihan ng Diyos. Sa ibang salita, yaon lamang nasa maruming lupa ang karapat-dapat na magmana ng kaluwalhatian ng Diyos, at ito lamang ang makapagbibigay ng katanyagan sa dakilang kapangyarihan ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit ko sinasabing ang kaluwalhatian ng Diyos ay nakamit sa maruming lupa at yaong mula sa mga naninirahan doon. Ito ang kalooban ng Diyos. Ito ay katulad din sa yugto ng gawa ni Jesus; maaari lamang Siyang luwalhatiin sa kalagitnaan ng mga Fariseong umusig sa Kanya. Kung hindi dahil sa pag-uusig na iyon at ang pagkakanulo sa Kanya ni Judas, hindi sana pinagtawanan o nakaranas ng paninirang-puri si Jesus, higit dito ay ang ipako sa krus, at hindi sana Siya nagkamit ng kaluwalhatian. Kahit saan man gumawa ang Diyos sa bawat panahon at kahit saan siya gumawa ng Kanyang tungkulin sa katawang-tao, Siya ay nagkakamit ng kaluwalhatian doon at doon nagkakamit yaong mga ninanais Niyang magkamit. Ito ang plano ng gawa ng Diyos, at ito ang Kanyang pamamahala.

12 Oktubre 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos , buhay, kaligtasan,

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao
    Mula ng sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinimulan mo nang gawin ang iyong tungkulin. Ginagampanan mo ang iyong papel ayon sa plano ng Diyos at sa pagtatalaga ng Diyos. Sinimulan mo ang paglalakbay ng buhay. Anuman ang iyong kinagisnan at anumang paglalakbay ang nasa iyong hinaharap, walang maaaring makaligtas sa pagsasaayos at pagkakaayos na inilaan ng Langit, at walang sinuman ang may kontrol ng kanilang kapalaran, sapagkat Siya lamang na namumuno sa lahat ng bagay ang may kakayahan ng naturang gawain. Mula ng araw na dumating ang pag-iral ng tao, ang Diyos ay naging matatag sa Kanyang gawain, namamahala sa sansinukob at nangangasiwa sa pagbabago at paggalaw ng lahat ng mga bagay. Tulad ng lahat ng mga bagay, tahimik at di alintanang tinatanggap ng tao ang sustansya ng matamis at ng ulan at hamog mula sa Diyos. Tulad ng lahat ng mga bagay, di alam ng tao na siya’y namumuhay sa ilalim ng pagsasaayos ng kamay ng Diyos. Ang puso at espiritu ng tao ay tangan ng kamay ng Diyos, at lahat ng buhay ng tao ay nakikita ng mga mata ng Diyos. Ikaw man ay naniniwala rito o hindi, anuman at lahat ng mga bagay, buhay o patay, ay magpapalipat-lipat, magbabago, manunumbalik, at maglalaho ayon sa saloobin ng Diyos. Ganito mamahala sa lahat ng bagay ang Diyos.

03 Oktubre 2017

Milagro sa Sakuna | Video ng Ebanghelyo “Pagpalain ng Diyos”

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Milagro sa Sakuna | Video ng Ebanghelyo “Pagpalain ng Diyos”
Madalas sabihin ng mga tao na “Ang mga bagyo ay namumuo nang walang babala at ang kasawian ay sumasapit sa mga tao sa magdamag.” Sa panahon natin ngayon na mabilis na umuunlad ang siyensya, modernong transportasyon at materyal na yaman, dumarami ang mga sakunang nangyayari sa buong paligid natin bawat araw. Kapag binuklat natin ang pahayagan o binuksan ang TV, ang pangunahing nakikita natin ay: mga digmaan, lindol, tsunami, bagyo, sunog, baha, pagbagsak ng mga eroplano, sakuna sa minahan, kaguluhan sa lipunan, matitinding alitan, pag-atake ng mga terorista, atbp. Lahat ng nakikita natin ay mga likas na kalamidad at mga sakunang dulot ng tao. Ang mga sakunang ito ay madalas mangyari at mas tumitindi. Ang masidhing pagdami ng sakuna ay may kasamang pagdurusa, dugo, pagkabalda at kamatayan. Nangyayari ang mga kasawian sa ating paligid sa lahat ng oras, na nagbibigay-diin na maikli at marupok ang buhay. Wala tayong paraan para mahulaan kung anong klaseng mga sakuna ang mararanasan natin sa hinaharap. Bukod pa rito, hindi natin alam kung ano ang dapat nating gawin. Bilang bahagi ng sangkatauhan, ano ang dapat nating gawin upang makalaya sa mga sakunang ito? Sa programang ito, malalaman mo ang sagot. Malalaman mo ang tanging paraan para matanggap ang proteksyon ng Diyos upang makaligtas ka sa nakaambang mga sakuna.

02 Oktubre 2017

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Nasa Biblia ba ang Lahat ng Gawain at Mga Salita ng Diyos?


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Nasa Biblia ba ang Lahat ng Gawain at Mga Salita ng Diyos?
Naniniwala ang kabuuan ng relihiyosong mundo na ang gawain at mga salita ng Diyos ay nasa Biblia lahat, at sa pagbubukod ng Biblia, walang mga salitang binanggit ang Diyos at Kanyang gawain. Samakatuwid, hangga’t kayo ay tapat sa Biblia, sisiguruhin nito na kayo ay makakapasok sa kaharian ng langit. Sumasang-ayon ba ang mga ideyang ito sa katunayan ng gawain ng Diyos? Mayroon bang mga salita ng Diyos sa labas ng Biblia? Ano ba talaga iyon na maggagabay sa tao upang makapasok sa kaharian ng langit? Iyon ba ay ang panghawakan ang Biblia, o ang pagsunod sa mga yapak ng Kordero? Ibubunyag sa inyo ng clip na ito ang lahat ng sagot!

30 Setyembre 2017

The Church of Almighty God Android App Introduction


The Church of Almighty God app leads you to follow the Lamb's footsteps. Investigate God's work of the last days, and you will see the appearance of God.

The Church of Almighty God Android App Introduction

The Eastern Lightning, the Church of Almighty God came into being because of the appearance and work of Almighty God—the returned Lord Jesus—Christ of the last days. The church is comprised of all those who accept Almighty God’s work of the last days and are conquered and saved by God’s word. It was entirely founded by Almighty God personally, and is also personally led and shepherded by Him, and it was by no means set up by any man. Christ is the truth, the way, and the life. God’s sheep hear God’s voice. Once you read Almighty God’s word, you will see God has appeared already. 

20 Setyembre 2017

The Church of Almighty God | Xiaozhen’s Story | Musical Drama


The Church of Almighty God | Xiaozhen’s Story | Musical Drama

Xiaozhen used to be a pure, kind-hearted Christian, who always treated her friends sincerely. However, when it was to their benefit, her former friends became her enemies. After suffering this tragedy, Xiaozhen was forced to abandon her true heart and her former principles. She began to betray her own good conscience and good spirit, and wallowed in the mire of the evil world. … As she fell from grace and walked a path of depravity, she was trampled by the world and became riddled with scars and bruises. She had reached a dead end, and at her point of despair when she had given up all hope, Almighty God’s sincere call finally awakened Xiaozhen’s heart and spirit …

19 Setyembre 2017

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

Iglesia, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Cristo, Kidlat ng Silanganan, Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos,


Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao



    Mula ng sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinimulan mo nang gawin ang iyong tungkulin. Ginagampanan mo ang iyong papel ayon sa plano ng Diyos at sa pagtatalaga ng Diyos. Sinimulan mo ang paglalakbay ng buhay. Anuman ang iyong kinagisnan at anumang paglalakbay ang nasa iyong hinaharap, walang maaaring makaligtas sa pagsasaayos at pagkakaayos na inilaan ng Langit, at walang sinuman ang may kontrol ng kanilang kapalaran, sapagkat Siya lamang na namumuno sa lahat ng bagay ang may kakayahan ng naturang gawain. Mula ng araw na dumating ang pag-iral ng tao, ang Diyos ay naging matatag sa Kanyang gawain, namamahala sa sansinukob at nangangasiwa sa pagbabago at paggalaw ng lahat ng mga bagay. Tulad ng lahat ng mga bagay, tahimik at di alintanang tinatanggap ng tao ang sustansya ng matamis at ng ulan at hamog mula sa Diyos. Tulad ng lahat ng mga bagay, di alam ng tao na siya’y namumuhay sa ilalim ng pagsasaayos ng kamay ng Diyos. Ang puso at espiritu ng tao ay tangan ng kamay ng Diyos, at lahat ng buhay ng tao ay nakikita ng mga mata ng Diyos. Ikaw man ay naniniwala rito o hindi, anuman at lahat ng mga bagay, buhay o patay, ay magpapalipat-lipat, magbabago, manunumbalik, at maglalaho ayon sa saloobin ng Diyos. Ganito mamahala sa lahat ng bagay ang Diyos.

18 Setyembre 2017

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Musical Drama “Chinese Gospel Choir 19th Performance”


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Musical Drama Chinese Gospel Choir 19th Performance
Under a starry, quiet and peaceful night sky, a group of Christians earnestly awaiting the return of the Savior sing and dance to cheerful music. When they hear the joyful news God has returned and God has uttered new words”, they are surprised and excited. They think: God has returned? He has already appeared?! With curiosity and uncertainty, one after another,they step into the journey of seeking Gods new words. In their arduous seeking, some people are questioning while others simply accept it. Some people look on without comment, while others make suggestions and search for answers in the Bible—they look but in the end it is fruitless…. Just when they become discouraged, a witness brings them a copy of the Age of Kingdom Bible, and they are deeply attracted to the words in the book. What kind of book is this really? Have they actually found the new words that God has uttered in that book? Have they welcomed the appearance of God?

16 Setyembre 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Paano Makilala ang Diyos na nasa Lupa

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos, katotohanan, pananampalataya

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Paano Makilala ang Diyos na nasa Lupa
    Kayong lahat ay nagagalak na makatanggap ng gantimpala sa harap ng Diyos at makilala ng Diyos. Ito ang nais ng bawat isa pagkatapos niyang magsimulang manampalataya sa Diyos, sapagkat ang tao ay naghahangad ng mas mataas na bagay ng buong puso at wala sa kanila ang may nais mapag-iwanan ng iba. Ito ang pamamaraan ng tao. Sa ganitong katuwiran, marami sa inyo ang laging sinusubukan na makamit ang pagtangi ng Diyos na nasa langit, ngunit sa katotohanan, ang inyong katapatan at sinseridad sa Diyos ay sobrang kakaunti kumpara sa inyong katapatan at sinseridad sa sarili. Bakit Ko sinasabi ito? Sapagkat talagang hindi Ko kinikilala ang inyong katapatan sa Diyos, at lalong hindi Ko tatanggapin ang pagkakaroon ng Diyos sa loob ng inyong mga puso. Sa madaling sabi, ang Diyos na inyong sinasamba, ang malabong Diyos na inyong hinahangaan, ay talagang hindi namalagi. Ang dahilan kung bakit nasasabi Ko ito nang tiyak ay sapagkat napakalayo pa ninyo sa tunay na Diyos. Ang katapatan ninyong taglay ay galing sa pagkakaroon ng ibang diyus-diyosan sa inyong mga puso, at para sa Akin, ang Diyos na ipinapalagay bilang malaki o maliit sa inyong mga mata, kinikilala ninyo Ako sa salita lamang. Kapag nagsasalita Ako sa inyong malaking agwat mula sa Diyos, ang tinutukoy Ko ay kung gaano kayo kalayo sa tunay na Diyos, samantalang ang malabong Diyos ay parang napakadaling abutin. Kapag sinabi Kong “hindi dakila” ang tinutukoy nito ay kung paanong ang Diyos na inyong sinasampalatayanan sa kapanahunan ngayon ay mukhang tao lang na walang makapangyarihang kakayanan; isang tao na hindi masyadong matayog. At kapag sinabi Kong “hindi maliit”, ang ibig sabihin nito ay kahit ang taong ito ay hindi kayang tawagin ang hangin at utusan ang ulan, kaya Niyang tumawag sa Espiritu ng Diyos para gumawa ng gawaing makayayanig sa langit at lupa, ito ang nakatutuliro sa tao. Sa panlabas na anyo, makikita kayong napakamasunurin sa Cristong nasa lupa, bagamat sa pinakadiwa wala kayong pananampalataya sa Kanya ni pag-ibig sa Kanya. Ang ibig Kong sabihin ay ang tunay ninyong sinasampalatayanan ay ang malabong Diyos sa inyong damdamin, at ang tunay ninyong minamahal ay ang Diyos ninyong hinahangad sa gabi at sa araw, ngunit hindi nakita ng personal kailanman. At para sa Cristong ito, ang pananampalataya ninyo ay maliit na bahagi lamang, at ang inyong pag-ibig sa Kanya ay balewala. Ang ibig sabihin ng pananampalataya ay paniniwala at pagtitiwala; ang ibig sabihin ng pag-ibig ay pagsamba at ang paghanga sa puso, na kailanma’y hindi maghihiwalay. Gayunman ang inyong pananampalataya at pag-ibig kay Cristo sa panahong ito ay malayong makaabot dito. Pagdating sa pananampalataya, paano kayo sumampalataya sa Kanya? Pagdating sa pag-ibig, paano bang Siya ay minamahal ninyo? Wala kayong alam sa Kanyang disposisyon, lalong higit pa sa Kanyang sangkap, kaya’t paano kayo nagkaroon ng pananampalataya sa Kanya? Nasaan ang katotohanan ng inyong pananampalataya sa Kanya? Paano ninyo Siya minamahal? Nasaan ang inyong katotohanan sa pag-ibig sa Kanya?

15 Setyembre 2017

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Walang Nakababatid sa Pagdating ng Diyos



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Walang Nakababatid sa Pagdating ng Diyos

Walang Nakababatid sa Pagdating ng Diyos
Walang may kamalayan sa pagdating ng Diyos,
walang sumalubong sa pagdating Niya.
Higit pa, walang may-alam sa gagawin ng Diyos.
Walang may-alam ng gagawin N’ya.
Buhay ng tao’y sadyang hindi nagbabago.
Kasama natin ang Diyos gayang karaniwang tao,
bilang pinakahamak sa lahat ng tagasunod,
bilang karaniwang mananalig.
May sarili Siyang hangarin at layunin.
May pagka-Diyos Siyang di-taglay ng tao.
Walang nakabatid ng Kanyang pagka-Diyos,
o ang kaib’hang Kanyang diwa sa tao.

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.