Salita ng Buhay | "Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" (Ikalawang Bahagi)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa bawa’t pagkakataon ng gawain ng Diyos ay naroon ang mga pangitain na kailangang malaman ng tao, mga pangitain na sinusundan ng mga angkop na kinakailangan ng Diyos sa tao. Kung wala ang mga pangitaing ito bilang saligan, hindi kayang magsagawa ng tao, o makakayang lubos na sumunod sa Diyos. Kung hindi kilala ng tao ang Diyos at hindi nauunawaan ang Kanyang kalooban, lahat ng ginagawa ng tao ay walang kabuluhan, at walang kakayahang sang-ayunan ng Diyos.
Kahit gaano kasagana ang mga kaloob sa tao, hindi pa rin siya maihihiwalay mula sa gawain at sa patnubay ng Diyos. Kahit gaano kabuti o karami ang mga pagkilos ng tao, hindi pa rin mapapalitan ng mga ito ang gawain ng Diyos. Kaya, hindi maihihiwalay ang pagsasagawa ng tao mula sa mga pangitain kahit ano pa man ang mga kalagayan. Ang mga hindi tumatanggap sa mga bagong pangitain ay walang bagong pagsasagawa. Ang kanilang pagsasagawa ay walang kaugnayan sa katotohanan dahil sila ay sumusunod sa mga doktrina at nananatili sa walang-buhay na batas; wala silang mga bagong pangitain kahit kailan, at bilang kinalabasan, wala silang isinasagawa sa bagong kapanahunan. Naiwala nila ang mga pangitain, at dahil dito, naiwala rin nila ang gawain ng Banal na Espiritu, at naiwala ang katotohanan."

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at talagang hindi nilikha ng sinumang tao. Sa kasalukuyan, ang mga salita, pelikula ng ebanghelyo, himno ng papuri, at iba pa ay kumalat sa buong mundo sa pamamagitan ng network. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita natin na nagpakita ang Diyos!
Espesyal na pahayag: Ginawa ang video production na ito bilang isang proyektong hindi pangkalakal ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Hindi maaaring ipamahagi ang video na ito bilang pangkalakal sa anumang ikatlong partido, at umaasa kaming ibabahagi at ikakalat ito ng lahat nang walang bayad. Kapag ipinamahagi ninyo ito, mangyaring tandaan ang pinagmulan. Nang walang pahintulot ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, walang organisasyon, panlipunang grupo, o indibidwal ang maaaring pakialaman o katawanan nang mali ang mga nilalaman ng video na ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento