Magmula nang magsimula akong manampalataya sa Makapangyarihang Diyos, palagi kong hinahangaan ang mga kapatid na nakakatanggap sa personal na ministeryo ni Cristo, na nakakarinig sa Kanyang mga sermon sa sarili nilang mga tainga. Sa aking puso, naisip ko kung gaano kamangha-mangha sana kung isang araw sa hinaharap ay maririnig ko ang mga sermon ni Cristo, siyempre mas lalo pang kamangha-mangha ang makita Siya. Subalit nitong mga huling araw, sa pamamagitan ng pakikinig sa Kanyang pagbabahagi, taos-puso kong naramdaman na hindi ako karapat-dapat na makita si Cristo.
Ito ay noong nailathala ang Pagbabahagi at Pangangaral Tungkol sa Pagpasok sa Buhay Aklat 1-3. Noong narinig ko ang una, pakiramdam ko ang lalaki na ginamit ng Banal na Espiritu ay mahusay na nagsalita. Noong narinig ko ang pagbabahagi ng isang kapatid na babae sa pangalawa (ito ay bago may nakapagsabi sa akin na ang mga ito ay ang pagbabahagi ni Cristo), inisip ko na ang kapatid na ito ay isa lamang na lider sa ilalim ng tao na ginamit ng Banal na Espiritu, at lalo na nang ibinahagi Niya ang tungkol sa problema kung paano tingnan ang karunungan, hindi ko narinig ang masigasig na reaksyon ng aking mga kapatid, kung kaya sigurado ako na ang hula ko ay tama, at dahil pakiramdam ko ang kapatid na ito ay hindi kasing-husay ng lalaki na ginamit ng Banal na Espiritu, hindi ako nakinig nang mabuti. Pagkatapos kong marinig ang pangatlong aklat, pagkatapos ng pagbabahagi ng lalaki na ginamit ng Banal na Espiritu, narinig kong sinabi ng parehong kapatid na babae ang, “Tungkol sa pagbabahagi ng kapatid na lalaki ngayon lang....,” at lalo akong naging sigurado na ang kapatid na babae na ito ay isang lider sa ilalim ng lalaki na ginamit ng Banal na Espiritu, dahil sa ating mundo, ang mga lider ay palaging unang nagsasalita, at tsaka magsasalita ang mga mas nakabababa sa kanila. Kaya, isinara ko ang speaker, habang iniisip, “Pakikinggan ko ito mamaya kapag may oras ako.” Sa araw na nalaman ko na ang babaeng kapatid ay si Cristo mismo, nagulat ako, at sa wakas ay seryoso akong nakinig sa bawat salita sa sermon.
Pagkatapos nito, nagsimula akong nagnilay-nilay: Bakit ko ninais na marinig mismo ang pagbabahagi ni Cristo, ngunit nang sa wakas Siya ay nakipag-usap sa amin, hindi ko ito mabatid? Sinimulan kong kainin at inumin ang mga salita ng Diyos na kaugnay ng aking sitwasyon, at nakita ko na sinabi ng Diyos, “Ang lahat ng tao ay nais na makita ang tunay na mukha ni Jesus at nagnanais na makasama Siya. Naniniwala ako na wala sa mga kapatid na lalaki o kapatid na babae ang magsasabi na hindi niya gustong makita o makasama si Jesus. Bago ninyo nakita si Jesus, iyon ay, bago niyo pa nakita ang nagkatawang-taong Diyos, magkakaroon kayo ng maraming mga saloobin, halimbawa, tungkol sa hitsura ni Jesus, ang Kanyang paraan ng pagsasalita, ang Kanyang paraan ng pamumuhay, at iba pa. Gayunman, kapag nakita niyo na Siya, ang inyong mga saloobin ay mabilis na magbabago. Bakit ganoon? Nais ninyo bang malaman? Bagaman hindi maaaring balewalain ang pag-iisip ng tao, mas hindi maaaring kunsitihin ng tao na baguhin ang sangkap ni Kristo. Isinaalang-alang ninyo si Kristo bilang isang imortal, isang pantas, ngunit walang kumikilala kay Kristo bilang isang mortal na may maka-Diyos na sangkap. Samakatuwid, marami sa mga taong nananabik nang araw at gabi upang makita ang Diyos ay talagang kaaway ng Diyos at hindi kaayon sa Diyos. Hindi ba ito isang kamalian sa parte ng tao? Kahit ngayon, iniisip niyo pa rin na ang inyong paniniwala at katapatan ay magsisilbing karapat-dapat na makita ang mukha ni Kristo, ngunit pinapayuhan ko kayong sangkapan ang inyong sarili sa mas konkretong mga bagay! Dahil sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap, marami sa mga nakakilala kay Kristo ay nabigo; lahat sila’y ginagampanan ang papel ng mga Fariseo. Ano ang dahilan ng inyong kabiguan? Ito mismo’y dahil ipinapalagay ninyo na may isang mapagmataas, kahanga-hangang Diyos. Ngunit ang katotohanan ay ang bagay na hindi gusto ng tao. Hindi lamang di-mapagmataas si Cristo, bagkus Siya ay partikular na maliit; hindi lamang Siya isang tao ngunit isang ordinaryong tao... Kung kaya ang mga tao ay pinakitunguhan Siya bilang isang ordinaryong tao; ginagawa nila ang kagustuhan nila kapag sila ay kasama Niya…. Isinaalang-alang ninyo ang Cristong dumating na bilang isang ordinaryong tao at ang Kanyang salita ay tulad ng sa isang ordinaryong tao. Samakatuwid, hindi niyo pa natatanggap ang anumang bagay mula kay Cristo at sa halip ay inilantad nang buo ang inyong kapangitan sa liwanag” (“Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Kumpara sa mga salita ng Diyos, at pagkatapos ay naisip ko kung paano naipakita ang sarili kong tiwaling disposisyon noong sa wakas ay narinig ko ang pagbabahagi ni Cristo. Ninais kong marinig ang mga sermon at pagbabahagi ni Cristo sa sarili kong mga tainga, subalit noong marinig ko sa wakas ang pagbabahagi ni Cristo, ipinagwalang-bahala ko ito. Nakita ko si Cristo bilang isang ordinaryong mortal lamang. Ito ay dahil hindi ko naunawaan ang diwa ni Cristo, ganap na hindi ko naunawaan na si Cristo ay mapagpakumbaba at nagtatago, at nagkaroon ako ng napakaraming kaisipan at opinyon tungkol kay Cristo. Inisip ko na ang pagbabahagi ni Cristo ay malamang na limitado sa mga kapatid na kaagad na nakakaabot sa Kanya, na ang iba ay hindi pinapayagan na marinig ang Kanyang pagbabahagi sa sarili nilang mga tainga; inisip ko na ang pagbabahagi ni Cristo ay sasamahan ng publikong paghahayag ni Cristo ng Kanyang katauhan; inisip ko na ang pagbabahagi ni Cristo ay dapat mabigkas sa tinig na kakaiba at sa maraming eleganteng daloy ng mga talata, na para bang isang hindi ordinaryong tao; inisip ko na ang pagbabahagi ni Cristo ay sasamahan ng tuwang-tuwa at masigabong mga sigaw ng aking mga kapatid; at kung ito ay ang lalaking ginamit ng Banal na Espiritu at pagkatapos ay si Cristo naman na nagsasalita, na si Cristo dapat ang unang magsasalita, at ang lalaking ginamit ng Banal na Espiritu ang huling magsasalita... Nilimitahan ko ang gawain at mga salita ni Cristo sa mga hangganan ng aking imahinasyon, dahil inisip ko si Cristo sa isang partikular na paraan. Noong ang mga katibayan ay sumasalungat sa kung paano ko inisip ang mga ito, itinuring ko si Cristo bilang isang ordinaryong tao at ang mga salita ni Cristo bilang mga salita ng isang ordinaryong tao, at bagama't ang iba ay maraming nakuhang pakinabang mula sa pagbabahagi, wala akong napakinabangan, at sa halip, tuluyan kong inilantad ang aking pagiging arogante, bilib sa sarili, paghamak sa katotohanan, kalikasan na malasatanas, at nagawa kong tanggihan at tutulan si Cristo.
Sa kalaunan, nakita ko sa salita ng Diyos: “Palagi ninyong nais makita si Cristo, ngunit pinapayuhan ko kayo na huwag dakilain ang inyong sarili; maaaring makita ng lahat si Cristo, ngunit sinasabi ko na walang sinuman ang akmang makita si Cristo. Dahil ang kalikasan ng tao ay puno ng kasamaan, pagmamataas, at paghihimagsik, kapag nakita mo si Cristo, ang iyong likas na katangian ay magiging sanhi ng kapahamakan sa iyo at hahatulan ka ng kamatayan.” (“Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Hindi kayo taimtim sa pagharap sa katotohanan, lalong hindi ninyo hinahangad ang katotohanan. Kayo ay nag-aaral ngunit bulag at kampanteng naghihintay lamang. Ano ang mapapala ninyo sa pag-aaral at paghihintay nang ganito? Makukuha ba ninyo ang personal na patnubay ng Diyos? Kung hindi mo maintindihan ang mga pagbigkas ng Diyos, paano ka magiging karapat-dapat na maging mga saksi sa pagpapakita ng Diyos? … Sila lamang na makatatanggap ng katotohanan ang makaririnig sa tinig ng Diyos, at tanging mga ganoong tao lamang ang magiging karapat-dapat na makasaksi sa pagpapakita ng Diyos” (“Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang mga salita ng Diyos ang tumulong sa akin para maunawaan na hindi ko mabatid ang tinig ng Diyos dahil ako ay masyadong arogante, masyadong rebelde, at masyadong mapagmataas, masyadong madaling matukso para makinig nang mabuti at tumango bilang pagsang-ayon sa mga nasa posisyon at estado, habang minamaliit ko ang mga walang posisyon at estado, kung kaya’t kahit na sinabi nila ang katotohanan, hindi ko ito naririnig. Noong nakinig ako sa pagbabahagi, hindi ako nakatuon sa katotohanan at hindi ko hinangad na matamo ang katotohanan, sa halip, itinuon ko ang aking pag-iisip sa haka-haka at imbestigasyon. Wala akong ibinunyag maliban sa pagiging arogante at pagiging rebelde, mga pananaw at imahinasyon. Isang taong kagaya ko na arogante, rebelde at tumatanggi sa katotohanan, isang taong kagaya ko na walang pagpapakumbaba o paghahangad para sa katotohanan, paano ko posibleng maririnig at malalaman ang tinig ng Diyos? Paano ako maging karapat-dapat na makita si Cristo?
Sa pamamagitan ng pagbubunyag na iyon naunawaan ko sa wakas na kahit na gusto kong makita si Cristo, hindi ako karapat-dapat na makita si Cristo dahil napakalalim ng pagtitiwali sa akin ni Satanas, likas akong arogante at rebelde, wala akong katotohanan at walang pagmamahal sa katotohanan, hindi ko nauunawaan ang diwa ni Cristo, nanghahatol ako batay sa mga walang kabuluhang pagkiling, masyadong marami akong pananaw at mga kaisipan, at ang Diyos na pinaniniwalaan ko ay isa pa ring malabong Diyos, imahen ng isang makapangyarihan at magaling magsalitang pigura. At kapag tunay kong makita si Cristo, ang aking mga pananaw ay maaaring magka-ugat at ang aking pagiging arogante ay maaaring tumubo sa anumang oras, sa gayon sinisira ako ng likas kong pagiging rebelde. Ngayon, kinakailangan kong bigyan ang aking sarili ng katotohanan, hangarin na maunawaan ang aking tiwaling kalikasan at ang diwa ni Cristo sa mga salita ng Diyos, at maging isang tao na nakauunawa at sumasamba kay Cristo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento