Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

11 Pebrero 2019

Salita ng Buhay | "Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita" (Unang bahagi)


Salita ng Buhay | "Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita" (Unang bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita mula sa iba’t-ibang pananaw, binibigyang-kakayahan ang tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at ang Kanyang karunungan at himala. Ang ganoong gawain ay ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao, at pag-aalis sa tao. Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit sa salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita."

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.