Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

26 Pebrero 2019

Sa China, ginagamit ng gawain ng Diyos ng mga huling araw ang malaking pulang dragon para makagawa ng mga mananagumpay. Bakit ang pagpapahirap at masungit na kapaligiran lamang ng malaking pulang dragon ang maaaring lumikha ng mga tunay na mananagumpay?



        Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit. Mapapalad kayo pagka kayo’y inaalimura, at kayo’y pinaguusig, at kayo’y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin” (Mateo 5:10-11).

“At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa’t hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo’y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impierno” (Mateo 10:28).

“Sapagka’t ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin ay makakasumpong niyaon” (Mateo 16:25).

“Ang mga ito’y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero” (Pahayag 7:14).


Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos:

Matapos makumpleto ni Jesus ang gawa sa Judea, inilipat ng Diyos ang Kanyang gawa sa lungsod ng Tsina at lumikha ng isa pang plano. Gumagawa Siya ng isa pang bahagi ng Kanyang gawa sa inyo, ginagawa Niya ang gawain na maging perpekto ang tao gamit ang mga salita, at gumagamit ng mga salita upang magdulot sa mga tao ng sobrang pagdurusa at gayon din makamit ang karamihan sa biyaya ng Diyos. Ang yugto ng gawa na ito ay lumikha ng grupo ng mga mananagumpay, at matapos Niyang malikha ang grupong ito ng mga mandaraig, magagawa nilang patotohanan ang Kanyang mga gawa, maisasabuhay nila ang katotohanan, at aktwal na magpasaya sa Kanya at maging tapat sa Kanya hanggang sa kamatayan, at sa ganitong paraan ang Diyos ay maluluwalhati.

mula sa “Isang Maikling Pagtalakay Tungkol sa ‘Dumating na ang Milenyong Kaharian’”

Sa maraming lugar, nahulaan ng Diyos ang pagkakamit sa isang grupo ng mga mananagumpay sa lupain ng Sinim. Nasa Silangan ng mundo kung saan nakakamit ang mga mananagumpay, kaya walang duda na ang lupain ng Sinim ay ang lugar na lunsaran ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, eksakto kung saan namamalaging nakapulupot ang malaking pulang dragon. Doon tatamuhin ng Diyos ang mga inápó ng malaking pulang dragon upang ito ay lubusang matalo at mapahiya. Nais gisingin ng Diyos ang mga matinding naghihirap na mga taong ito, upang ganap silang gisingin, at upang lumakad sila palábás ng hamog at tanggihan ang malaking pulang dragon. Nais silang gisingin ng Diyos mula sa kanilang panaginip, ipakilala sa kanila ang kakanyahan ng malaking pulang dragon, ibigay ang kanilang buong puso sa Diyos, umahon mula sa pang-aapi ng mga pwersang madilim, tumayo sa Silangan ng mundo, at maging patunay ng tagumpay ng Diyos. Pagkatapos lamang noon matatamo ng Diyos ang kaluwalhatian.

mula sa “Gawa at Pagpasok (6)”

Marahil ay naaalala ninyo ang mga salitang ito: “Sapagkat ang aming magaang kapighatian, na panandalian lamang, ang siyang magdudulot sa amin ng lalong higit at walang hanggang kaluwalhatian.” Dati, narinig ninyong lahat ang kasabihang ito, ngunit walang nakaunawa ng tunay na kahulugan ng mga salita. Ngayon, alam niyo na rin ang tunay na kahalagahan na mayroon ang mga ito. Ang mga salitang ito ang isasakatuparan ng Diyos sa mga huling araw. At ito ay mangyayari sa mga malupit na pinighati ng malaking pulang dragon sa lupa kung saan ito namamalagi. Inuusig ng malaking pulang dragon ang Diyos at ito ay kaaway ng Diyos, kaya sa lupang ito, yaong mga naniniwala sa Diyos ay isinailalim sa panghihiya at pag-uusig. Iyon ang dahilan kung bakit ang mga salitang ito ay magiging katotohanan sa inyong kalipunan ng mga tao. Habang ang gawain ay naisasakatuparan sa lugar na tumututol sa Diyos, ang lahat ng Kanyang gawain ay sinalubong ng labis na pang-aabala, at marami sa Kanyang mga salita ay hindi maisasakatuparan sa tamang panahon; kaya, ang mga tao ay pinino dahil sa mga salita ng Diyos. Ito rin ay bahagi ng paghihirap. Labis na nakakapagod para sa Diyos na isakatuparan ang Kanyang gawain sa lupain ng malaking pulang dragon, ngunit ito’y sa pamamagitan ng naturang paghihirap na gumagawa ang Diyos ng yugto ng Kanyang gawain upang ipahayag ang Kanyang karunungan at mga nakakamanghang mga gawa. Ginagamit ng Diyos ang pagkakataong ito upang gawing ganap itong kalipunan ng tao. Dahil sa pagdurusa ng tao, ang kanilang kakayahan, at lahat ng mala-satanas na disposisyon ng mga tao sa maruming lugar na ito, ginagawa ng Diyos ang gawain Niya ng pagdadalisay at paglupig nang sa gayon, mula rito, Siya ay maaaring magkamit ng kaluwalhatian at makuha ang mga tao na maging saksi sa Kanyang mga gawa. Ito ang lubos na kahulugan ng lahat ng mga sakripisyo na ginawa ng Diyos para sa kalipunan ng mga taong ito. Ibig sabihin, ang Diyos ang gumagawa ng gawain ng panlulupig sa pamamagitan lamang ng yaong mga sumasalungat sa Kanya. Samakatwid, sa paggawa nito ay maaaring maihayag ang dakilang kapangyarihan ng Diyos.

mula sa “Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?”

Ang dahilan kung bakit ang mga tanda at kababalaghan ay hindi nahayag nang lantaran ay para sa kapakanan ng pagkatago. Kaya ang Aking gawain ay maaaring hindi makita, makilala o natuklasan ng mga hindi mananampalataya. Kung sa yugtong ito ng gawain ay gagawin sa parehong paraan tulad ng kay Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi ito magiging matatag. Kaya, ang gawain na itatago sa paraang ito ay may benepisyo sa inyo at sa lahat ng gawain. Kapag ang gawain ng Diyos sa lupa ay dumating na sa katapusan, iyon ay, kapag ang lihim na gawaing ito ay natapos, ang yugtong ito ng gawain ay mahahayag. Malalaman ng lahat na may mga grupo ng mga mandaraig sa Tsina; malalaman ng lahat na nasa Tsina ang Diyos na nagkatawang-tao at dumating na sa pagtatapos ang Kanyang gawain. Doon lamang ito magliliwanag sa tao: Bakit hindi pa nagpapakita ang Tsina ng paghina o pagbagsak? Lumalabas na ang Diyos ay personal na nagsasagawa ng Kanyang gawain sa Tsina at ginawang ganap ang isang grupo ng mga tao bilang mga mandaraig.

mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (2)”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.