Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Magtagumpay. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Magtagumpay. Ipakita ang lahat ng mga post

26 Oktubre 2019

Ang mga Patotoo ng mga Mananagumpay | 3. Ginugol ang Kabataan Nang Walang Pagsisisi


Ang mga Patotoo ng mga Mananagumpay | 3. Ginugol ang Kabataan Nang Walang Pagsisisi


Xiaowen Lungsod ng Chongqing

Ang ‘pag-ibig’ ay tumutukoy sa isang damdamin na dalisay at walang kapintasan, kung saan ginagamit mo ang iyong puso upang magmahal, makaramdam, at maging maalalahanin. Sa pag-ibig walang mga kundisyon, walang mga balakid, at walang agwat. Sa pag-ibig walang paghihinala, walang pandaraya, at walang katusuhan. Sa pag-ibig walang agwat at walang karumihan” (“Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis” sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Itong himno ng salita ng Diyos ay minsang tinulungan akong malampasan ang sakit ng matagal at hindi matapos-tapos na buhay sa kulungan na tumagal ng 7 taon at 4 na buwan. Kahit pa ipinagkait sa akin ng gobyerno ng CCP ang pinakamagagandang taon ng aking kabataan, nakuha ko ang pinakamahalaga at tunay na katotohanan mula sa Makapangyarihang Diyos at samakatuwid wala akong mga reklamo o pagsisisi.

13 Marso 2019

Ano ang tunay na mananagumpay?


Ano ba talaga ang isang mananagumpay? Anong mga katotohanan ang dapat na mayroon siya? Walang nakakaunawa dito. Mula sa ating pananaw, kung magsisikap tayo para sa Panginoon, at magiging tapat sa pangalan Niya, magiging mga mananagumpay tayo. Pero mali ang pananaw na ito. Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng Diyos sa pagiging isang mananagumpay.

05 Marso 2019

Ang mga Patotoo ng mga Mananagumpay-Magdanas ng Pagpapahirap at Pagdurusa para Maging Tunay na Mananagumpay




Ang mga Patotoo ng mga Mananagumpay-Magdanas ng Pagpapahirap at Pagdurusa para Maging Tunay na Mananagumpay

Ngayon, dahil tayo ay naniniwala sa Diyos, hinahanap ang katotohanan at lumalakad sa tamang landas ng buhay, hinaharap natin ang buong galit na pang-aapi at pagpapahirap ng CCP. Ito ay isang makahulugang bagay! Ito ay dahil ginagamit ng Diyos ang rehimen ng malasatanas na CCP upang magsilbi para sa pagpeperpekto ng isang grupo ng mga mananagumpay, habang kasabay nitong ibinubunyag at inaalis ang mga hindi tapat na naniniwala sa Diyos at hindi nagmamahal sa katotohanan. Ang totoong mga mananagumpay ay yaong, habang nabubuhay sa ilalim ng awtoritarianismong rehimen ng CCP, nakakaranas ng salita ng Diyos nang may totoong pananampalataya, at sa pamamagitan ng pagdanas ng mabangis na pagsugpo at malupit na pagpapahirap ng CCP, makikitang mabuti ang totoong mga kulay ng demonyong Satanas, at pagkatapos mamumuhi kay Satanas, tatalikuran ito, at tapat na babaling sa Diyos, makakamit ang kaligtasan at magiging perpekto! Ang mga mananagumpay ay nabuo sa natatanging kapaligiran ng pagtutol laban sa Diyos at pagpapahirap sa bayan ng Diyos ng malasatanas na rehimen ng CCP. Kung wala ang marahas na kapaligirang binuo ng pang-aapi at pagpapahirap ng demonyong CCP, ang totoong mga mananagumpay ay hindi mabubuo. Para sa mga tapat na naghahangad sa Diyos, kahit gaano pa ang gawin ng CCP na pagpapahirap o gaano karahas ang kapaligiran, susunod pa rin sila sa Diyos, gagampanan ang kanilang tungkulin, ilalagay sa panganib ang lahat para hanapin ang katotohanan, at magkaroon ng mas malalim na pananampalataya sa Diyos! Nakikita nila ang paghihigpit ng CCP sa katarungan, pagsuporta sa masama, at ang kawalang galang nito sa batas, mali at masamang reaksiyonaryong diwa. Malinaw nilang nakikita na ang CCP ay isang demonyo na nagtitiwali, nagpapahirap at sumisila sa sangkatauhan, Kung kaya lalo silang nagagalit dito, nagrerebelde laban dito, at tunay na bumabaling sa Diyos. Sa pamamagitan ng pagkakaiba na naipakita ng malasatanas na rehimen ng CCP, nalaman din nila ang pagkamatuwid at kabanalan ng Diyos, ang Kanyang kagandahan at kabutihan. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay pagmamahal at pagliligtas sa sangkatauhan! Ang pananampalataya at pagmamahal nila sa Diyos ay lalo pang lumago, at ang kanilang mga puso ay lalo pang napalapit sa Diyos. Ang mga taong ito ay tuluyan nang nakalabas sa maitim na impluwensiya ng malasatanas na rehimen ng CCP at nakayanan ang pagpapatotoo ng mga mananagumpay.

26 Pebrero 2019

Sa China, ginagamit ng gawain ng Diyos ng mga huling araw ang malaking pulang dragon para makagawa ng mga mananagumpay. Bakit ang pagpapahirap at masungit na kapaligiran lamang ng malaking pulang dragon ang maaaring lumikha ng mga tunay na mananagumpay?



        Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit. Mapapalad kayo pagka kayo’y inaalimura, at kayo’y pinaguusig, at kayo’y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin” (Mateo 5:10-11).

“At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa’t hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo’y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impierno” (Mateo 10:28).

“Sapagka’t ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin ay makakasumpong niyaon” (Mateo 16:25).

“Ang mga ito’y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero” (Pahayag 7:14).


Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos:

Matapos makumpleto ni Jesus ang gawa sa Judea, inilipat ng Diyos ang Kanyang gawa sa lungsod ng Tsina at lumikha ng isa pang plano. Gumagawa Siya ng isa pang bahagi ng Kanyang gawa sa inyo, ginagawa Niya ang gawain na maging perpekto ang tao gamit ang mga salita, at gumagamit ng mga salita upang magdulot sa mga tao ng sobrang pagdurusa at gayon din makamit ang karamihan sa biyaya ng Diyos.

23 Disyembre 2018

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay|Pagsira Ng Mga Tanikala


Zhenxi Zhengzhou City, Henan Province
Sampung taon na ang nakararaan, dahil sa aking pagiging palalo, hindi ko kailanman lubos na nasunod ang mga pag-aayos ng iglesia. Susunod ako kapag naibigan ko, at kapag hindi naman, mamimili ako kung susundin ko o hindi. Humantong ito sa malalang paglabag sa mga kaayusan sa gawain sa pagtupad ko ng aking tungkulin. Ginawa ko ang sarili kong kagustuhan at nilabag ko ang kalooban ng Diyos, kaya ako ay pinauwi.

17 Setyembre 2018

Ang Patotoo ng isang Cristiano-Regenerated in God’s Word

Magtagumpay, Overcomers, Patotoo, Pananampalataya,

Wang Gang    Shandong Province

I was a peasant. As my family was poor, I kept working everywhere to make money, just wanting to live a better life through my own labor. However, in real life I saw that the lawful rights and interests of a rural worker like me couldn’t be guaranteed at all. My wages were often withheld for no reason. Deceived and exploited by others again and again, I couldn’t get the payment I deserved for a year’s hard work. I felt that the world was too dark! People lived by the law of the jungle like animals and contended with and fought against each other. There was simply no place for me to live. When I was extremely distressed and depressed in my heart and lost confidence in life, a friend preached Almighty God’s end-time salvation to me. From then on, I often had meetings with the brothers and sisters, and we prayed, sang, and fellowshipped about the truth together.

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.