Sagot: Ang pag-aaral kung pa’no ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw ay napakahalaga sa ating kakayahan na magkamit ng kaligtasan sa pamamagitan ng paghanap sa katotohanan. Gumagawa ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa pamamagitan ng paghahayag ng katotohanan para hatulan at linisin ang mga tao. Ginagawa Niya ‘yong mag-isa para iakyat ang Kanyang mga santo sa kaharian ng langit.
Gano’n pa man, maraming mga mananampalataya sa komunidad ang hindi nakakaunawa sa nais ng Diyos. Iniisip nilang babalik ang Panginoon at agad na iaakyat ang lahat ng mga santo sa kaharian ng langit. Hindi sila naniniwalang pangungunahan Niya ang gawain ng paghatol at pagkastigo dahil, kung hinatulan at kinastigo Niya ang mga tao, hindi ba’t isusumpa at parurusahan Niya na rin sila? Samakatuwid, ayaw nilang tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw; hinihintay lang nila ang Panginoon na bumaba sa alapaap at iakyat sila sa kaharian ng langit. Ang totoo, isa ‘tong lubos na hindi pagkakaunawa sa kagustuhan ng Diyos. Ginawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain ng pagtubos para ihanda ang daan para sa gawain ng paghatol sa mga huling araw. Ang huling layunin ng Diyos ay linisin at iligtas ang sangkatauhan, na magpapahintulot sa kanilang mamahinga sa kaharian ng langit. Gano’n pa man, planado ang gawain ng pagtubos ng Diyos at pagliligtas sa tao; itinutuloy ‘yon nang may mga hakbang. Hindi ‘yon nangyayari sa isang iglap lang. Nakumpleto na ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain ng pagtubos at nangakong babalik para tanggapin ang mga santo. Gano’n pa man, wala talagang nakakaalam kung pa’no kinukuha ng Diyos ang mga santo sa mga huling araw. Sa totoo lang, pagdating ng Diyos para tanggapin ang Kanyang mga santo sa mga huling araw, dinadala Niya muna sila sa Kanyang trono para hatulan sila, linisin sila at perpektuhin sila sa pagiging mga mananagumpay. Hindi ba sa gano’ng paraan inaakyat sa kaharian ng langit ang mga santo? Gano’n pa man, hindi ‘yon isang bagay na madaling maunawaan para sa mga tao. Bago sila makapunta sa harap ng trono ng Diyos, dapat muna nilang maranasan ang paghatol, pagkastigo at paglilinis. Kaya binuo ng mga tao ang mga sarili nilang pagkaintindi tungkol sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Kung gano’n, sabihin mo sa ‘kin, isang biyaya ba talaga ang pagkastigo at paghatol ng Diyos? O isa ‘yong pagsumpa at pagpaparusa? Maraming tao ang hindi nakakaunawa nito. Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng Makapangyarihang Diyos tungkol ditto.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang sinusumpa ng Diyos ay ang pagkamasuwayin ng tao, at ang Kanyang hinahatulan ay ang mga kasalanan ng tao. Bagamat nagsasalita Siya nang may kabagsikan, at wala ni katiting ng pagiging sensitibo, ibinubunyag Niya ang lahat ng nasa loob ng tao, at sa pamamagitan ng istriktong mga salitang ito ibinubunyag Niya kung ano yaong mahalaga sa loob ng tao, ngunit sa pamamagitan ng gayong paghatol, binibigyan Niya ang tao ng isang malalim na kaalaman ukol sa katuturan ng laman, at kaya ang tao ay nagpapasakop sa pagkamasunurin sa harap ng Diyos. Ang laman ng tao ay ukol sa laman, at ukol kay Satanas, ito ay masuwayin, at ang pakay ng pagkastigo ng Diyos—at kaya, upang tulutang makilala ng tao ang sarili niya, ang mga salita ng paghatol ng Diyos ay dapat sumapit sa kanya at dapat gamitin ang bawat uri ng kapinuhan; sa gayon lamang maaaring maging mabisa ang gawain ng Diyos” (“Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Masasakit na Mga Pagsubok Mo Malalaman Ang Kagandahan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
“Sa kasalukuyan hinahatulan ka ng Diyos, at kinakastigo ka, at pinarurusahan ka, ngunit talastasin na ang pagpaparusa sa iyo ay upang makilala mo ang iyong sarili. Ang paggawad ng hatol, pagsumpa, paghatol, pagkastigo—lahat ng mga ito ay upang malaman mo ang iyong sarili, nang upang ang iyong disposisyon ay magbago, at, higit sa rito, nang upang malaman mo ang iyong halaga, at makita na ang lahat ng mga pagkilos ng Diyos ay matuwid, at alinsunod sa Kanyang disposisyon at ang mga pangangailangan sa Kanyang gawain, na Siya ay gumagawa alinsunod sa Kanyang plano sa kaligtasan ng tao, at na Siya ang matuwid na Diyos na iniibig ang tao, at inililigtas ang tao, at Siyang humahatol at kumakastigo sa tao. ... Ang Diyos ay hndi dumating upang pumatay, o magwasak, ngunit para humatol, sumumpa, kumastigo, at magligtas” (“Dapat Mong Isantabi Ang Mga Pagpapala ng Kalagayan at Unawain ang Kalooban ng Diyos Para sa Kaligtasan ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
“Kayong lahat ay tumira sa isang lugar ng kasalanan at kahalayan; kayong lahat ay mahalay at makasalanang mga tao. Ngayon hindi ninyo lang nakita ang Diyos, ngunit ang mas mahalaga, tumanggap kayo ng pagparusa at paghatol, tumanggap ng ganyang pinakamalalim na kaligtasan, ito ay, tumanggap ng pinakadakilang pag-ibig ng Diyos. Ang lahat ng Kanyang ginagawa ay ang tunay na pag-ibig Niya sa inyo; wala Siyang masamang balak. Nang dahil sa inyong mga kasalanan, kayo ay hinahatulan Niya, upang kilatisin ninyo ang inyong mga sarili at tanggapin itong napakalaking kaligtasan. Lahat ng ito ay ginawa upang gawin ang tao. Mula sa umpisa hanggang sa huli, ang Diyos ay ginagawa Niya ang Kanyang buong kakayahan upang mailigtas ang tao, at tiyak na Siya ay hindi makapapayag na tuluyang masira ang tao na Kanyang nilikha ng Kanyang mga kamay. Ngayon Siya ay lumapit sa inyo upang gumawa; hindi ba ito ay mas mainam pang kaligtasan? Kung kinamuhian Niya kayo, gagawin pa ba Niya ang gawain na ganoon kalaki upang personal na pamunuan kayo? Bakit Niya kailangang magdusa? Hindi kayo kinamumuhian ng Diyos o mayroong anumang masamang balak ang Diyos sa inyo. Dapat ninyong alamin na ang pag-ibig ng Diyos ay ang pinakatunay na pag-ibig. Dahil lamang sa pagiging suwail ng tao kaya sila ay kailangang iligtas Niya sa pamamagitan ng paghatol; kung hindi, sila ay hindi maliligtas. Dahil hindi ninyo alam kung paano ang manguna sa buhay o kung paano mabuhay, at kayo ay nabubuhay sa mahalay at makasalanang lugar na ito at kayo ay mga mahalay at maruming mga diablo, wala Siyang lakas ng loob para pabayaan kayong maging mas napakasama; wala rin Siyang lakas ng loob para makita kayong nabubuhay sa maruming lugar kagaya nito, tinatapakan ni Satanas kung kailan niya gusto, o ang lakas ng loob para hayaan kayong mahulog sa Hades. Nais lang Niya na makuha itong inyong pangkat at lubusang iligtas kayo. Ito ang pangunahing layunin ng paggawa ng mapanlupig na gawa sa iyo-ito ay para lamang sa kaligtasan” (“Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, napakalinaw na Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay hindi naghahangad na isumpa mga tao; Hindi gusto ng Diyos na pumatay ng mga tao. Gusto Niyang aminin ng mga tao na lubos silang pinarumi ni Satanas. Gusto Niyang malaman nila ang kanilang katangian at katuturan: Nilalabanan nila ang Diyos at ipinagkakanulo ang Diyos. Gusto Niyang malaman nila ang Kanyang matuwid at banal na disposisyon na hindi maaaring magkamali. Hinahangad ng Kanyang gawain na gisingin ang puso at kaluluwa ng mga tao. Gusto Niyang iligtas ang sangkatauhan mula sa kanilang mga tiwaling disposisyon para magawa nilang mabuhay nang may pagkakahawig sa tunay na tao na ililigtas. Kung hindi natin mararanasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, hindi natin maaamin ang ating mga sariling satanikong pag-uugali, at hindi rin natin matitiyak ang tunay na pinagmumulan ng ating pagkakasala at paglaban sa Diyos. Bukod do’n, kung wala ang Kanyang paghatol at pagkastigo, tiyak na hindi natin mauunawaan ang matuwid na disposisyon ng Diyos; hindi mababago ang tiwali nating disposisyon. Hindi tayo magkakaro’n ng paraan para tunay na sundin at igalang ang Diyos. Sa gano’ng kaso, pa’no tayo magiging karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng Diyos? Gaya ng nakikita niyo, hinahatulan ng Diyos ang tao dahil gusto Niyang linisin at iligtas sila. Yon ang napakalaking pagmamahal ng Diyos para sa tiwaling sangkatauhan! Bueno, pa’no ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol? Maraming bagay ang sinabi ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa katotohanang ito. Basahin natin ang ilan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos:
“Nang ang Diyos ay naging katawang-tao sa panahong ito, ang Kanyang gawain ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon, pangunahing sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Gamit ito bilang pundasyon, nagdadala Siya ng mas higit na katotohanan sa tao, nagpapakita ng mas maraming mga paraan ng pagsasagawa, at sa gayon ay nakakamit ang Kanyang layunin ng panlulupig sa tao at pagliligtas sa tao mula sa kanyang masamang disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian” (Punong Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
“Sa mga huling araw, Si Cristo ay gumagamit ng sari-saring mga katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at mga gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t-ibang mga katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Lalung-lalo na, yaong mga salitang naglalantad kung papaanong tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinalita patungkol sa kung paanong ang tao ay isang pagsasakatawan ni Satanas at isang pwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang kalikasan ng tao sa pamamagitan ng ilang mga salita; inilalantad Niya, pinakikitunguhan, at pinupungusan ito nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhinan ng mga ordinaryong salita kundi ng katotohanan na hindi tinataglay ng tao kailanman. Ang ganitong uri ng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at higit pa ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagiging-mapanghimagsik. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na makatamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwaga na hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin ay matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagka’t ang diwa ng ganitong gawain ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginawa ng Diyos” (“Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
“Ang Diyos ay maraming mga pamamaraan sa pag-perpekto sa tao. Ginagamit Niya ang lahat ng paraan ng mga kapaligiran upang makitungo sa tiwaling disposisyon ng tao, at gumagamit ng iba’t-ibang mga bagay upang ilantad ang tao; sa isang pagsasaalang-alang nakikitungo Siya sa tao, sa isa pa inilalantad Niya ang tao, at sa isa pa ibinubunyag Niya ang tao, hinuhukay at ibinubunyag ang ‘mga misteryo’ sa kaibuturan ng puso ng tao, at ipinakikita sa tao ang kanyang kalikasan sa pamamagitan ng pagbubunyag sa kanyang maraming mga kalagayan. Ginagawang perpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng maraming mga pamamaraan—sa pamamagitan ng pagbubunyag, pakikitungo, pagpipino, at pagkastigo—para maunawaan ng tao na ang Diyos ay praktikal” (“Tanging Yaong Mga Nagtutuon ng Pansin sa Pagsasagawa Ang Maaaring Gawing Perpekto” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
“Ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo upang makilala Siya ng tao, at para sa kapakanan ng Kanyang patotoo. Kung wala ang Kanyang paghatol sa tiwaling disposisyon ng tao, hindi malalaman ng tao ang Kanyang matuwid na disposisyon na hindi nagpapahintulot ng kasalanan, at hindi maaaring ilipat ang kanyang mga lumang kaalaman ng Diyos patungo sa panibago. Para sa kapakanan ng Kanyang patotoo, at para sa kapakanan ng Kanyang pamamahala, isinasa-publiko Niya ang Kanyang kabuuan, na nagbibigay daan sa tao na makamit ang kaalaman ng Diyos, at baguhin ang kanyang disposisyon, at gumawa ng umuugong na patotoo sa Diyos sa pamamagitan ng pampublikong pagpapakita ng Diyos. Nakakamit ang pagbabago sa disposisyon ng tao sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng gawain ng Diyos; kung wala ang nasabing pagbabago sa disposisyon ng tao, hindi magagawang magbigay ng patotoo ng tao sa Diyos, at hindi maaaring makuha ang puso ng Diyos. Ang mga pagbabago sa katangian ng tao ay tanda na pinalaya ng tao ang kanyang sarili mula sa pagkaalipin kay Satanas, pinalaya ang kanyang sarili mula sa impluwensya ng kadiliman, tunay na naging isang modelo at halimbawa ng gawain ng Diyos, at tunay na naging isang saksi ng Diyos at isang tao na nagnanais ng puso ng Diyos” (“Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Napakapapraktikal ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Ihinahayag ng Diyos ang Kanyang mga salita at ginagawa ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw para iligtas ang sangkatauhan at gawin silang perpekto! Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos, sa wakas naunawaan natin na sa madilim at masamang mundo, ang buong sangkatauhan ay nabubuhay sa ilalim ng saklaw ni Satanas. Ang mga dinumihan ni Satanas ay wala nang ano mang bakas ng pagiging tao. Mayabang sila, tiwali at tuso, makasarili at imoral. Naiinip sila sa katotohanan at iginagalang nila ang masama. Gagawin nila ang lahat alang-alang sa sarili nilang posisyon at katanyagan. Kagaya ‘yon ng mga hayop na nag-aaway sa gitna ng kanilang mga sarili, pinapatay ang isa’t isa. Lubusan nang nawala ang kanilang pagiging tao at lohika. Kahit na sumasampalataya sila sa Diyos, tunay na iginagalang nila ang salapi, kasikatan at katayuan. Sinusunod nila ang agos ng kasamaan sa buong mundo, palaging nagkakasala, naghihimagsik at lumalaban sa Diyos. Kahit sinasakripisyo nila ang lahat at nagtitiis ng paghihirap, ginagawa lang nila ‘yon para masiyahan ang sarili nilang mga pagnanasa para makakuha ng mga biyaya. Ginagawa nila ‘yon para makakuha ng mga gantimpala at makapasok sa kaharian ng langit. Hindi nila ‘yon ginagawa para hanapin ang katotohanan o makilala o sumunod sa Diyos. Kahit sumasampalataya sila sa Diyos, puno ang mga puso nila ng sarili nilang mga pagkaintindi at imahinasyon tungkol sa Kanya. Wala talagang nakakaalam sa disposisyon ng Diyos at sa lahat ng mayro’n siya at kung ano siya, ano’ng uri ng tao ang gusto talaga ng Diyos, ano’ng uri ng tao ang kinamumuhian Niya, ano’ng mga bagay ang ginagawa ng tao para labanan ang Diyos, galitin ang Kanyang disposisyon at maging sinumpa Niya, ilan sa mga pag-iisip at pagkaintindi ng mga tao ang hindi naaayon sa katotohanan, ano’ng uri ng katwiran ang dapat na magkaro’n ang tao sa mukha ng Diyos, ang mga realidad ng mga katotohanang dapat taglayin ng tao, at iba pa. Ang tiwaling sangkatauhan ay walang nalalaman tungkol sa mga mahalagang katotohanan ng pagkilala, pagsunod at paggalang sa Diyos. Ang sangkatauhang kagaya nito na ginawang masama na hanggang sa pinaka-kaibuturan nito, kung hindi nito mararanasan ang paghatol at paglilinis ng Diyos, pa’nong hindi niyo lalabanan at ipagkakanulo ang Diyos? Sa mga huling araw, nagkakatawang-tao ang Diyos at inihahayag ang mga katotohanan para iligtas ang tao ayon sa mga pangangailangan ng tiwaling sangkatauhan. Ang matuwid at maringal na disposisyon ng Diyos na hindi maaaring libakin ay ibinunyag na sa sangkatauhan. Ang totoong ugali at katiwalian ng mga tao ay malinaw na ibinunyag, na kumukumbinsi sa tao. Naranasan na natin ang paghatol ng Diyos at pagkastigo ng Kanyang mga salita; nakita na natin ang sarili nating kayabangan, pagkamakasarili at nabubuhay tayo ayon sa sarili nating satanikong mga pilosopiya at mga panuntunan. Lahat ng ginagawa natin, ginagawa natin para sa sarili nating kasikatan at kapakinabangan. Kahit gumagawa tayo ng mga gawain at nangangaral ng mga sermon, ginagawa natin ‘yon para sa ating sariling reputasyon at estado. Patuloy nating pinupuri ang ating mga sarili, pinararangalan ang mga sarili at hinahayaan ang iba na dakilain tayo. Hindi natin ginagawa ito para dakilain ang Diyos o maging saksi sa Diyos. Kung ang gawain ng Diyos ay hindi naaayon sa sarili nating pagkaintindi, bagkus inilalarawan at hinahatulan natin ang Diyos. Mahigpit tayong lumalaban sa Diyos at hindi natin sinusunod ang Diyos. Kung ginagawa natin ang ating tungkulin, maaari pa rin tayong magpakasasa sa mga kalayawan ng laman. Patuloy nating dinadaya at nilalansi ang Diyos; hindi tayo tapat sa Diyos, at iba pa. Sa mga salita ng Diyos sa paghatol at rebelasyon, nakikita natin na labis tayong ginawang tiwali ni Satanas. Wala tayong konsensya, katwiran o dignidad ng tao. Hindi tayo nararapat na tawaging tao. Tayo ang mga ka-uri ni Satanas, ang mga kaaway ng Diyos. Nakakaramdam tayo ng hiya at pagiging hindi karapat-dapat para salubungin ang Diyos. Hindi natin mapigil na lumuhod sa harap ng Diyos at isumpa ang ating mga sarili, puno ng panghihinayang at poot sa sarili. Kapag talagang natikman na natin ang matuwid na disposisyon ng Diyos na hindi maaaring mapinsala, hindi natin mapigil na matakot sa Diyos at maunawaan na ang Diyos ay may mabuting intensyon: ang iligtas ang sangkatauhan. Hinahatulan at kinakastigo tayo ng Diyos dahil namumuhi ang Diyos sa ating mga kasalanan at relbelyon at nais Niya tayong iligtas mula sa ating satanikong disposisyon at makuha tayo. Kapag nagmamatigas tayo at sumusugal sa pagsuway at paglaban sa Diyos, kinakastigo at dinidisiplina Niya tayo. Kapag binibigay natin ang mga puso natin sa Diyos, pinakikitaan tayo ng awa ng Diyos. Hindi Niya tayo pinarurusahan sa lahat ng ginagawa natin at kung ano tayo. Pinaliliwanagan niya tayo at ginagabayan tayo at hinahayaan tayong unawain ang Kanyang kalooban. Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol ng Diyos, walang malay tayong nagtatamo ng ilang tunay na karunungan tungkol sa disposisyon ng Diyos. Hinahayaan Niyang matutunan natin na ang Kanyang disposisyon ay naglalaman ng Kanyang awa at pagmamahal. Nakita na natin ang kabanalan at kadakilaan ng Diyos. Yon ang lumikha sa ating paggalang at pagmamahal sa Diyos. Mas malinaw na nating nakikita ang sataniko nating pag-uugali at unti-unti nating nauunawaan ang ilang katotohanan. Ang kakayahan natin na kilalanin ang positibo at negatibong mga bagay ay unti-unting nadadagdagan. Ang pananaw natin sa mga bagay ay nagbabago at unti-unti tayong nagsisimulang mauhaw para sa katotohanan. Hindi na natin hinahangad na mabuhay ayon sa mga pilosopiya at batas ni Satanas, o hindi makatwirang sumubok na kumuha ng ano man mula sa Diyos. Napanumbalik ang ating kosensya at katwiran. Nagsisimula tayong maghanap at isabuhay ang katotohanan sa lahat ng bagay na ginagawa natin. Ginagawa natin ang tungkulin bilang mga nilikhang nilalang sa isang mapagkumbabang paraan at sinusunod ang kapangyarihan at disposisyon ng Diyos. Mas lalo pang nagbabago ang ating disposisyon sa buhay; nagsisimula tayong dumanas ng ilang pagkakatulad ng isang tunay na tao. Salamat Makapangyarihang Diyos! Ang kakayahan natin na magbago nang gano’n ay ang epekto ng gawain ng paghatol ng Diyos. Ngayon alam ng lahat ng mga kapatid na tumanggap sa gawa ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw na kailangan nating tanggapin at sundin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw para maligtas at maging perpekto.
mula sa iskrip ng pelikulang Paggising mula sa Panaginip
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento