Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

04 Mayo 2019

Tanong 1: Namatay sa krus ang Panginoong Jesus para sa atin. Tinubos niya tayo sa mga kasalanan at pinatawad ang ating mga sala, ginawa Niya ito para iligtas tayo at ipinagkaloob sa atin na makapasok sa kaharian ng langit. Kahit patuloy tayong nagkakasala at kailangan pa tayong linisin, pinatawad ng Panginoon ang lahat ng kasalanan natin at ginawa tayong karapat-dapat sa pamamagitan ng ating pananampalataya. Akala ko hangga’t isinasakripisyo natin ang lahat para makagawa para sa Panginoon, hangga’t payag tayong magtiis ng paghihirap at magbigay ng kabayaran, papayagan tayong makapasok sa kaharian ng langit. Akala ko ‘yon ang pinangako sa atin ng Panginoon. Gano’n pa man, ilan sa mga kapatid natin ang kumukwestyon ngayon sa paniniwalang ‘yon. Sabi nila kahit daw nagsikap tayo para sa Panginoon, madalas pa rin tayong magkasala at ikinukumpisal ang mga kasalanan natin, kaya hindi pa rin tayo nalilinis. Inihayag nila na banal ang Panginoon, kaya hindi Siya maaaring makita ng mga taong hindi banal. Ang tanong ko ay: Tayong mga isinakripisyo ang lahat para sa Panginoon, talaga bang madadala tayo sa kaharian ng langit? Talagang hindi pa natin alam ang sagot sa tanong na ‘yon, kaya gusto naming kausapin niyo kami tungkol do’n.

Sagot: Ang iniisip ng lahat ng mga sumasampalataya sa Panginoon: Tinubos tayo ng Panginoong Jesus nang mamatay Siya sa krus, kaya pinatawad na tayo sa lahat ng kasalanan. Hindi na tayo nakikita ng Panginoon bilang mga makasalanan. Naging matuwid na tayo sa pamamagitan ng ating pananalig. Basta magtitiis tayo hanggang sa huli, Pagbalik ng Panginoon, agad tayong dadalhin sa alapaap papunta sa kaharian ng langit. Bueno, ‘yon ba ang katotohanan? Nagbigay ba ang Diyos ng ano ma’ng pruweba sa Kanyang mga salita para patunayan ang pahayag na ‘yon? Kung hindi naaayon sa katotohanan ang pananaw na ito, ano ang magiging mga epekto? Dapat gamitin nating mga sumasampalataya sa Panginoon ang mga salita Niya bilang basehan para sa lahat ng bagay. Sadyang totoo ‘yon pagdating sa tanong kung paano ilalarawan ang pagbabalik ng Panginoon. Kahit ano’ng mangyari, hindi natin dapat ilarawan ang Kanyang pagbabalik ayon sa mga pagkaintindi at imahinasyon ng tao. Napakaseryoso ng epekto ng gano’ng pag-uugali para pag-aralang mabuti. Katulad ‘yon nang ipako sa krus ng mga Pariseyo ang Panginoong Jesus habang hinihintay nila ang pagdating ng Mesyas. Ano ang magiging kahihinatnan? Nakumpleto na ng Panginoong Jesus ang gawain na pagtubos sa sangkatauhan. Totoo ‘yon, pero tapos na ba ang gawain ng pagliligtas ng Diyos para sa sangkatauhan? Ibig bang sabihin no’n lahat tayong mga nananampalataya sa Panginoong Jesus ay karapat-dapat na madala sa alapaap papunta sa kaharian ng langit? Walang nakakaalam ng sagot sa tanong na ito. Minsang sinabi ng Diyos: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). “… kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t ako’y banal” (Levitico 11:45). Ayon sa mga salita ng Diyos, makakasiguro tayo na yung mga pumapasok sa kaharian ng langit ay napalaya na ang sarili sa kasalanan at nalinis na. Sila ang mga gumagawa sa nais ng Diyos, sumusunod sa Diyos, nagmamahal sa Diyos, at gumagalang sa Kanya. Dahil banal ang Diyos at ang mga pumapasok sa kaharian ng langit ay mamumuhay kasama Niya, kung hindi pa tayo nalilinis, pa’no tayo magiging karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit?! Samakatuwid, ang paniniwala nating tayong mga sumasampalataya ay pinatawad na sa kasalanan at makakapasok tayo sa kaharian ng langit ay isang lubos na maling pagkakaintindi sa nais ng Diyos. Nagmula ‘yon sa imahinasyon ng tao; pagkaintindi ‘yon ng tao. Pinatawad tayo ng Panginoong Jesus sa kasalanan; hindi ‘yon mali. Gano’n pa man, hindi sinabi ng Panginoong Jesus na lubos na tayong nalinis sa kapatawarang ‘yon at ngayon ay karapat-dapat nang pumasok sa kaharian ng langit. Walang makakatanggi sa katotohanang ‘yon. Kung gano’n, bakit iniisip ng lahat ng nananampalataya na ang mga pinatawad na ay makakapasok sa kaharian ng langit? Ano’ng ginagamit nila bilang pruweba? Paano nila pinatutunayan ang pahayag na ‘yon? Maraming taong nagsasabing ibinabase nila ang paniniwalang ‘yon sa mga salita ni Pablo at ibang mga apostol, gaya ng nasusulat sa Bibliya. Kung gano’n, tatanungin ko kayo, kinakatawan ba ng mga salita ni Pablo at ng ibang apostol ang mga salita ng Panginoong Jesus? Kinakatawan ba nila ang mga salita ng Banal na Espiritu? Maaaring nasa Bibliya ang mga salita ng tao, pero nangangahulugan ba ‘yon na mga salita ‘yon ng Diyos? May isang katotohanang malinaw nating makikita sa Bibliya: Ang mga taong pinuri ng Diyos ay kayang makinig sa Kanyang salita at sundin ang Kanyang gawa. Sila ang mga sumusunod sa Kanyang daan, ang mga karapat-dapat na magmana sa ipinangako ng Diyos. Isa itong katotohanang hindi maitatanggi nino man. Alam nating lahat na kahit pinatawad na ang mga kasalanan nating mga sumasampalataya, Hindi pa rin tayo nalilinis, nagkakasala pa rin tayo at lagi pa ring lumalaban sa Diyos. Malinaw na sinabi sa ‘tin ng Diyos: “… kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t ako’y banal” (Levitico 11:45). “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). Mula sa mga salita ng Diyos, makakasiguro tayong hindi lahat na napatawad na ang mga kasalanan ay karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit. Kailangang linisin ang mga tao; kailangang maging tagagawa sila ng nais ng Diyos bago sila makapasok sa kaharian ng langit. Isa ‘yong katotohanang hindi mababaligtad. Makikitang hindi gano’n kasimple ang pag-unawa sa nais ng Diyos gaya ng akala natin. Hindi tayo malilinis dahil lang sa pinatawad na ang ating mga kasalanan. Kailangan muna nating makakuha ng ilang reyalidad ng katotohanan at makamit ang papuri ng Diyos. Saka tayo magiging marapat na pumasok sa kaharian ng langit. Kung hindi natin mahal ang katotohanan at sa halip ay sawa na tayo ro’n o inaayawan natin ‘yon, kung mga gantimpala o korona lang ang habol natin, pero wala tayong pakialam sa nais ng Diyos, lalo na sa paggawa sa nais ng Diyos, hindi ba masama ang ginagawa natin? Pinupuri ba ng Panginoon ang ganitong uri ng tao? Kung gano’n, kagaya rin lang tayo nung mga hipokritong Pariseyo: Kahit pinatawad na tayo sa mga kasalanan, hindi pa rin tayo makakapasok sa kaharian ng langit. Hindi maitatatwa ang katotohanang ‘yon. 

Ipagpatuloy natin ang pagbabahagi. Pinatawad tayo ng Panginoong Jesus sa lahat ng mga kasalanan. Ano’ng mga “kasalanan” ang pinatawad Niya? Ano’ng klaseng mga kasalanan ang ikinukumpisal natin pagkatapos nating sumampalataya sa Panginoon? Ang tinutukoy na mga pangunahing kasalanan ay yung mga totoong kasalanan na nagkakanulo sa mga batas ng Diyos, mga utos, o mga salita. Ipinagkanulo nating mga tao ang mga batas at utos ng Diyos kaya hahatulan tayo at parurusahan ng Kanyang batas. Kaya dumating ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain ng pagtubos. Kung kaya, kailangan lang nating manalingin sa Panginoong Jesus at ikumpisal at pagsisihan ang ating mga kasalanan at patatawarin Niya tayo. Matapos ‘yon, hindi na tayo mapapailalim sa paghatol at pagpaparusa ayon sa Kanyang batas. Hindi na tayo tatratuhin ng Diyos bilang mga makasalanan. Kaya makakapagdasal na tayo nang diretso sa Diyos, makakaiyak na tayo sa Diyos at makikibahagi sa masagana niyang biyaya at katotohanan. Ito ang tunay na kahulugan ng “kaligtasan” na madalas naming sinabi sa Kapanahunan ng Biyaya. Walang kinalaman ang “kaligtasang” ito sa pagiging malinis at pagpasok sa kaharian ng langit. Masasabing dalawang magkaibang bagay ‘yon, dahil hindi sinabi ng Panginoong Jesus na lahat ng mga naligtas at pinatawad ay makakapasok sa kaharian ng langit. Basahin natin ang ilang mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng yaong mga naniniwala sa Kanya ay napatawad; hangga’t ikaw ay naniniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay hinalinhan sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan ng pananampalataya. Ngunit sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit ni Jesus, sa halip na ang tao ay wala na sa kasalanan, na sila ay pinatawad na sa kanilang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa” (“Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya. Pagkatapos ng libu-libong taon ng katiwalian ni Satanas, ang tao ay mayroon na sa kanyang kalooban ng kalikasang tumatanggi sa Diyos. Samakatuwid, nang ang tao ay natubos, walang iba ito kundi pagtubos, kung saan ang tao ay binili sa isang mataas na halaga, ngunit ang nakakalasong kalikasan sa loob ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang narungisan ay dapat na sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawain ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang karumihan at ang tiwaling bahaging nasa kanya, at magagawa niyang ganap na magbago at maging malinis. Tanging sa ganitong paraan maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng trono ng Diyos. … Kahit na ang tao ay natubos at napatawad sa kanyang mga kasalanan, ito ay itinuturing lamang bilang hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa paglabag ng tao. Gayunman, kapag ang tao ay nabubuhay sa laman at siya ay hindi pa nakakalaya sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, at walang-humpay na mailalantad ang tiwaling makademonyong disposisyon. Ito ang buhay na sinusunod ng tao, isang walang katapusang pag- ikot ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng mga tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog sa kasalanan ay magpakailanman na mabisa para sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagkat ang tao ay mayroon pa ring masamang katangian …” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Napakalinaw na nasagot ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang tanong na ‘yon. Matapos namin ‘yong marinig, naintindihan namin. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ginawa lang ng Panginoong Jesus ang kanyang gawain ng pagtubos para patawarin ang sangkatauhan sa kasalanan, na nagpatuwid sa kanila sa pamamagitan ng pananalig at nagligtas sa kanila sa pamamagitan ng pananalig. Gano’n pa man, hindi sinabi ng Panginoong Jesus na lahat ng pinatawad na sa kanyang mga kasalanan ay makakapasok sa kaharian ng langit. Dahil ‘yon sa maaaring pinatawad na tayo ng Panginoong Jesus sa lahat ng kasalanan, pero hindi niya tayo pinatawad sa ating mga satanikong katangian. Ang panloob nating kayabangan, kaswapangan, panlilinlang, kasamaan, atbp., ang ating, masasamang pag-uugali, ay nananatili pa rin. Mas malalim sa kasalanan ang mga bagay na ito. Mas mahirap itong lutasin. Kung ang mga satanikong katangian at masasamang pag-uugali, na labis kung lumaban sa Diyos, ay hindi pa nalulutas, hindi natin maiiwasang gumawa ng maraming kasalanan. Maaari tayong makagawa ng mga kasalanang mas malala pa sa paglabag sa batas, at ‘yon ang, mga napakasamang kasalanan. Bakit nagawa ng mga Pariseyo na tuligsain at labanan ang Panginoong Jesus? Pa’no nila Siya nagawang ipako sa krus? Pinatutunayan no’n na kapag ang satanikong katangian ng tao ay hindi pa nalulutas magkakasala pa rin ang tao, lalaban sa Diyos, at ipagkakanulo ang Diyos.

Sumampalataya tayo sa Panginoon sa loob ng ilang taon at naranasan natin sa sarili natin ang isang bagay, yon ay, kahit pinatawad na ang ating mga kasalanan, hindi pa rin natin natitiis ang palagiang pagkakasala. Nagsisinungaling pa rin tayo, nangdadaya, nangloloko at nakikipagtalo sa paghahangad ng magandang reputasyon at estado. Tumatakas pa nga tayo sa responsibilidad at nagbibigay ng problema sa iba para lang sa sarili natin. Kapag humaharap sa natural at gawa ng taong mga sakuna, o sa mga pagsubok at paghihirap, sinisisi at tinatraydor natin ang Diyos. Kung hindi naaayon sa sarili nating pagkaintindi ang gawain ng Diyos, itinatanggi, hinuhusgahan, at nilalabanan natin ang Diyos. Kahit sumasampalataya tayo sa pangalan ng Diyos, ginagalang at sinusunod pa rin natin ang ibang mga tao. Kung meron tayong mga posisyon, pinupuri at binibigyang patunay natin ang ating mga sarili, gaya ng mga punong ministro, eskriba, at mga Pariseyo. Umaarte tayong parang tayo ang Diyos para subukang kumbinsihin ang mga tao na igalang at hangaan tayo. Ninanakaw at kinukuha pa natin para sa aring mga sarili ang mga alay sa Diyos. Naiinggit tayo at sumusunod sa sarili nating kagustuhan at sa mga kapritso ng ating laman at damdamin. Tinatanim natin ang sarili nating mga watawat, bumubuo ng sarili nating mga grupo, at nagtatayo ng sarili nating mga kaharian. Malilinaw na katotohanan ang mga ito. Makikita nating kapag hindi pa nalulutas ang ating satanikong katangian at disposisyon, Hindi tayo magiging karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit kahit pa ilang milyong beses na pinatawad ang ating mga kasalanan. Ang katotohanang nagkakasala pa rin tayo at lumalaban sa Diyos ay nagpapakitang kasapi pa rin tayo ni Satanas, mga kalaban ng Diyos, at tiyak na hahatulan at parurusahan Niya. Gaya rin ‘yon ng nasasabi sa Bibliya: “Sapagka’t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway” (Mga Hebreo 10:26-27). Basahin pa natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang makasalanang tulad mo, na natubos pa lang, at hindi nabago, at hindi ginawang perpekto ng Diyos, susundin mo ba kung ano ang nais ng Diyos? Para sa iyo, ikaw na siyang nananahan pa rin sa iyong dating sarili, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa kaligtasan ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka nagiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, ikaw ay puno ng karumihan, kasakiman at kasamaan, ngunit ninanais mo pa rin na bumaba kasama ni Jesus—napakapalad mo naman! Nagmintis ka sa isang hakbang sa iyong paniniwala sa Diyos: Ikaw ay natubos lang, ngunit hindi nabago. Upang ikaw ay makasunod sa ninanais ng Diyos, ang Diyos ang personal na gagawa ng pagbabago at paglilinis sa’yo; kung ikaw ay tinubos lang, hindi ka magkakaroon ng kakayahang magtamo ng kabanalan. Sa paraang ito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa mga biyaya ng Diyos, dahil nakalimutan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pag-perpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang tinubos, ay walang kakayahang direktang matamo ang pamana ng Diyos” (“Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Gaya ng nakikita niyo, tinubos lang tayo ng Panginoong Jesus pero namumuhay pa rin sa ating satanikong disposisyon, palaging nagkakasala at lumalaban sa Diyos. Kailangang maranasan natin ang paghatol at paglilinis ng Diyos sa mga huling araw para makalaya sa kasalanan at makagaya sa puso ng Diyos. Saka tayo magiging karapatdapat pumasok sa langit. Sa totoo lang, minsang sinabi ng Panginoong Jesus: “Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon” (Juan 13:2-3). Bumalik ang Panginoon para maghanda ng lugar para sa atin at pagkatapos Niyang maghanda, babalik Siya para tanggapin tayo. Sa totoo lang, ang “pagtanggap” na ito ay tumutukoy sa mga plano Niya na isilang tayong muli sa mga huling araw. Pagdating ng Panginoon para gawin ang Kanyang gawain, dadalhin niya tayo sa harap ng Kanyang luklukan para hatulan, linisin, at gawing perpekto ng mga salita ng Diyos. Gagawin Niya tayong mga mananagumpay bago dumating ang mga sakuna. Ang proseso ng Kanyang pagtanggap sa atin ay siya ring paraan kung pa’no niya tayo lilinisin at gagawing perpekto. Dumating ngayon ang Panginoon sa lupa para humatol sa mga huling araw. Na-rapture na tayo sa harap ng Kanyang luklukan para makapiling Siya. Hindi ba lubos nitong tinutupad ang propesiya ng pagdating ng Panginoon para tanggapin tayo? Sa pagtatapos ng malalaking sakuna, itatatag sa lupa ang kaharian ni Cristo. Lahat ng makakaligtas sa pagdalisay ng malalaking sakuna ay magkakaro’n ng lugar sa kaharian sa langit.

Sinasabi ng ilang tao, ang mga disipulong gaya ni Pablo, silang mga naghihirap at nagsasakripisyo para sa Panginoon, hindi ba karapat-dapat silang lahat na pumasok sa kaharian sa langit? Gaya rin ‘yon ng minsang sinabi ni Pablo, “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran” (2 Timoteo 4:7-8). Iniisip ng maraming tao: Nagsikap si Pablo para sa Panginoon at nagmana ng putong ng katuwiran, kaya hangga’t nagsisikap tayo kagaya ni Pablo, mamanahin nating lahat ang putong ng katuwiran at makakapasok tayo sa kaharian ng langit, tama ba? Totoo ba ‘yan? Ang mga sinabing ito ni Pablo, batay ba ‘yon sa salita ng Diyos? Sinabi ba ng Panginoong Jesus na natanggap ni Pablo ang mga gantimpala at minana ang putong? Pinatunayan ba ng Banal na Espiritu na pumasok si Pablo sa kaharian sa langit? Hindi nasusulat sa Bibliya ang alin man sa mga ito. Gaya ng nakikita n’yo, walang ebidensya ang mga salita ni Pablo. Samakatuwid, hindi natin mapagbabatayan ang mga salita ni Pablo kung pa’no makapasok sa kaharian ng langit. Tungkol naman sa pagkakamit ng buhay na walang hanggan at pagpasok sa kaharian ng langit, malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus minsan, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:21-23). Napakalinaw ng mga salita ng Panginoong Jesus. Dapat iwan ng mga tao ang masasama nilang kasalanan, linisin at sundin ang nais ng Diyos para makapasok sa kaharian ng langit. Kung gumagawa at nagsasakripisyo sila sa pamamagitan lamang ng pagsisikap habang patuloy na nagkakasala at lumalaban sa Diyos, kung hindi nila kayang sundin ang daan ng Diyos, mga masasamang tao sila kung gano’n; tiyak na hindi sila papasok sa kaharian ng langit. Ang kaibahan naman kay Pablo, sinabi niyang ang makibaka ng mabuting pakikibaka, pagtapos sa kanyang pagtakbo, at pananatili sa pananampalataya ang magiging dahilan para magantimpalaan siya at makapasok sa kaharian ng langit. Hindi ba halatang salungat ito sa kung ano ang sinabi ng Panginoong Jesus? Ayon sa pananaw ni Pablo, hangga’t nagsisikap tayo para sa Panginoon, makakatanggap tayo ng mga gantimpala at makakapasok sa kaharian ng langit. Kung gano’n nga, yung mga Hudyong Pariseyo bang naglalakbay sa dagat at sa lupa para ikalat ang ebanghelyo habang tinutuligsa at kinakalaban ang Panginoong Jesus ay makakapasok sa kaharian ng langit? Yung mga nangangaral at nagpapalayas ng demonyo sa ngalan ng Panginoon ngunit hindi sumusunod sa daan ng Diyos, karapat-dapat din ba silang pumasok sa kaharian ng langit? Hindi ba’t katawa-tawa ang pananaw na ‘yon? Bakit hindi nagawa ng mga Pariseyo na makamit ang paghanga ng Panginoong Jesus, kahit ano man ang gawin nila? Yon ay dahil ikinakalat lang nila ang ebanghelyo at nagtitiis ng paghihirap dahil sa paghahangad ng sarili nilang kapakinabangan at mga gantimpala. Matuwid ang Diyos. Nakikita ng Diyos ang mga isip at puso ng tao. Samakatuwid, nang gawin ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, nailantad ‘yon nang lubos. Mala-panatiko nilang tinuligsa at nilabanan ang Panginoong Jesus para protektahan ang kanilang mga posisyon at kabuhayan. Mga kaaway sila ng Panginoong Jesus; ipinapako nila Siya sa krus. Ang resulta sa huli ay sinumpa at pinarusahan sila ng Diyos. Isang kilala at karaniwang katotohanan ito.

Ano’ng mangyayari sa mga relihiyoso sa mga huling araw? Marami sa mga taong ‘yon ang kagaya ng mga Hudyong Pariseyo. Kahit nagsikap sila para sa Panginoon, lahat ng ginawa nila ay dahil sa paghahangad ng mga biyaya at gantimpala; Sinusubukan nilang makamit ang korona at mga gantimpala; hindi nila isinasabuhay ang mga salita ng Panginoon o sumusunod sa Panginoon. Samakatuwid, kapag gumagawa sila at nagsasakripisyo, ginagawa nila ‘yon ayon sa kanilang sariling mga hangarin at kapritso. Pinupuri at binibigyang patunay nila ang kanilang sarili sa paghahangad sa kanilang mga posisyon at reputasyon. Bumubuo sila ng mga paksyon, nagtatatag ng sariling mga kaharian. Kahit marami sa kanila ang nakagawa na ng ilang gawain at nagtiis ng ilang paghihirap, umaasa sila sa kataasan ng kanilang ranggo, buong pagmamalaking hinihingan ang Diyos ng lugar sa kaharian ng langit. Pa’nong ang mga taong ito, lalo na ang mga pastor at elder, ay magkakamit ng paghanga ng Diyos? Kapag naharap sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, hindi lang nila ‘yon hindi tinatanggap, mala-panatiko nilang nilalabanan at tinutuligsa ang Makapangyarihang Diyos para protektahan ang sarili nilang posisyon at kabuhayan. Ipinako uli nila sa krus ang Diyos. Hinamon nila ang disposisyon ng Diyos matagal na ang nakakaraan. Hindi ba ‘yon isang katotohanan? Hindi pa rin ba natin nauunawaan? Sapat na ang mga katotohanang ito para patunayang tayong mga nagsasakripisyo at nagsisikap para sa Panginoon ay hindi nakakasigurong makakapasok sa kaharian ng langit. Tayong mga sumasampalataya sa Panginoon ngunit hindi nagsasabuhay sa Kanyang mga salita o sumusunod sa Kanyang mga utos ay hindi tinutulak ng ating pagmamahal sa Diyos o ng paghahangad na sumunod sa Kanya; naghahanap lang tayo ng mga biyaya at daan papasok sa langit. Dinadaya at ginagamit natin ang Diyos. Kahit gaano karaming gawain ang gawin natin, kahit gaano tayo maghirap, hindi natin makakamit ang papuri ng Diyos. Gaya rin ‘yon ng sinabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa isang mababaw na sulyap, tila palaging nagmamadali ang mga tao habang ginugugol ang kanilang mga sarili at gumagawa para sa Diyos, samantalang tinatantya talaga nila, sa kaloob-looban at kaibuturan ng kanilang mga puso, ang susunod na hakbang na kailangan nilang gawin upang magwagi ng mga biyaya o mamuno bilang mga hari. Masasabi natin, na habang pinakikinabangan ng puso ng tao ang Diyos, kasabay din no’n ang pagpaplano niya laban sa Diyos. Sa ganitong kalagayan, tumutugon ang sangkatauhan sa pinakamalalim na pagkasuklam at pagkamuhi ng Diyos. Hindi kinukunsinti ng pag-uugali ng Diyos ang sino mang tao na dayain o gamitin Siya” (Pambungad sa Unang Bahagi sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Sinasabi mo na ikaw ay laging nagdurusa habang sumusunod sa Diyos, na nakasunod ka sa Kanya sa anumang kalagayan, at naibahagi sa Kanya ang mabubuting mga panahon at ang masasama, nguni’t hindi mo naisabuhay ang mga salitang winika ng Diyos; ninanais mo lamang na habulin ang Diyos sa bawa’t araw, at kailanma’y hindi naisip na isabuhay ang isang buhay na makahulugan. Sinasabi mo na, sa ano mang katayuan, naniniwala ka na ang Diyos ay matuwid: Nagdusa ka para sa Kanya, gumawa para sa Kanya, at inilaan ang iyong sarili sa Kanya, at masigasig na nakagawa kahit hindi tumatanggap ng anumang pagkilala; tiyak na aalalahanin ka Niya. Totoo na ang Diyos ay matuwid, gayunman ang pagkamatuwid na ito ay walang bahid ng anumang karumihan: Wala itong taglay na pantaong kalooban, at hindi nabahiran ng laman, o pantaong pag-uugnayan. Ang lahat ng mga mapanghimagsik at kasalungat, at hindi nakaayon sa Kanyang daan, ay parurusahan; walang pinatatawad, at walang ititira!” (“Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Dapat mong malaman kung anong uri ng tao ang Aking nais; silang mga hindi dalisay ay hindi papayagang makapasok sa kaharian, silang mga hindi dalisay ay hindi pahihintulutang dungisan ang banal na lupain. Kahit na marami ka pang nagawa, at gumawa sa loob ng maraming mga taon, sa katapusan kung ikaw pa rin ay kalunos-lunos na marumi— hindi katanggap-tanggap sa batas ng Langit na nais mong pasukin ang Aking kaharian! Mula sa pundasyon ng mundo hanggang ngayon, hindi kailanman Ako nag-alok ng madaling daan sa Aking kaharian para sa mga nanunuyo ng pabor sa Akin. Ito ay isang panlangit na panuntunan, at walang sinuman ang makababali nito! … Kung ikaw ay tumitingin lamang sa mga gantimpala, at hindi sumusumpong na baguhin ang iyong sariling disposisyon, kung gayon lahat ng iyong mga pagsisikap ay magiging walang saysay— at ito ay isang katotohanang hindi na mababago!” (“Ang Tagumpay o Pagkabigo ay Depende sa Daan na Tinatahak ng Taol” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Mula sa mga salita ng Diyos, makikita nating banal Siya at matuwid. Tiyak na hindi papayagan ng Diyos ang marurumi, tiwaling tao na pumasok sa Kanyang kaharian. Ito ay pinagpasyahan ng tuwid na disposisyon ng Diyos! Samakatuwid, dapat maranasan natin ang paghatol at paglilinis ng Diyos sa mga huling araw para makamit ang katotohanan, mapalaya ang ating mga sarili mula sa ating maruming disposisyon at mapasakamay ng Diyos, mailigtas at makapasok sa kaharian ng langit. Isa ‘tong hindi mapagdududahang katotohanan.

mula sa iskrip ng pelikulang Paggising mula sa Panaginip

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.