Sagot: Maraming mananampalataya ang nag-aakalang na hangga’t pinapanatili nila ang pangalan ng Panginoon, binabasa ang Biblia, nagdadasal at laging nagsasama-sama, nakakapagsakripisyo ng lahat ng bagay para sa Panginoon at nagsusumikap para sa Panginoon, sila ay mga tunay nang naniniwala. Akala nila na hangga’t sila’y naniniwala sa Panginoon sa ganitong paraan, maiaangat sila sa kaharian ng langit kapag Siya’y bumalik ulit. Ang paniniwala ba sa Diyos ay ganoon kadali tulad ng iniisip ng mga tao? Kung ganito maniwala ang mga tao sa Diyos, makakamit ba talaga nila ang pagtanggap ng Diyos? Iyong mga Fariseo na tinuligsa at kinondena ng Panginoong Jesus, hindi ba’t sa ganoong paraan din sila naniwala sa Diyos? Lagi silang nananalangin at nagsusumikap at naglakbay pa hanggang sa dulo ng mundo para ikalat ang ebanghelyo. Kung gayon bakit nabigong makamit ng kanilang pananalig ang pagtanggap ng Panginoon at sa halip ay natamo ang Kanyang pagkondena at mga sumpa?
Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos, "Ang puso at espiritu ng tao ay tangan ng kamay ng Diyos, at lahat ng buhay ng tao ay nakikita ng mga mata ng Diyos. Ikaw man ay naniniwala rito o hindi, anuman at lahat ng mga bagay, buhay o patay, ay magpapalipat-lipat, magbabago, manunumbalik, at maglalaho ayon sa saloobin ng Diyos. Ganito mamahala sa lahat ng bagay ang Diyos."
菜單
Bahay-Pahina
Tungkol sa amin
Makipag-ugnayan sa Amin
Mga Pagbigkas ni Cristo
Mga Patotoo
Tanong at Sagot ng Ebanghelyo
Trailers
Movie Clips
Mga Pelikula Tungkol sa Ebanghelyo
Hymn Videos
MP3
Mga Pagbasa
Pagbubunyag ng Katotohanan
Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal
Balita
Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat
APP
!doctype>
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na langit. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na langit. Ipakita ang lahat ng mga post
05 Enero 2020
Naniwala tayo sa Panginoon sa loob ng maraming taon, at pinanatili natin ang Kanyang pangalan. Lagi tayong nagbabasa ng Biblia, nananalangin at kinukumpisal ang ating mga kasalanan sa Panginoon; tayo’y mapagpakumbaba, matiyaga, mapagmahal sa iba. Lagi tayong nagkakawang-gawa, nagbibigay, at nagsasakripisyo ng lahat ng iba pang bagay para magsilbi sa Panginoon at ikinakalat ang ebanghelyo para sumaksi sa Kanya. Hindi ba natin isinasagawa ang mga salita ng Panginoon at sinusunod ang Kanyang paraan? Paano mo nasabi na hindi tayo kailanman nagkaroon ng katotohanan sa pananalig sa Panginoon o isang hindi naniniwala? Sa Biblia, sinabi ni Pablo na, “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, Natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran …” (2Timoteo 4:7-8). Samakatuwid, sa tingin ko makakamit ng ating pananalig sa Panginoon ang Kanyang papuri. Kapag dumating ang Panginoon, tiyak na dadalhin Niya tayo sa kaharian ng langit.
Sagot: Maraming mananampalataya ang nag-aakalang na hangga’t pinapanatili nila ang pangalan ng Panginoon, binabasa ang Biblia, nagdadasal at laging nagsasama-sama, nakakapagsakripisyo ng lahat ng bagay para sa Panginoon at nagsusumikap para sa Panginoon, sila ay mga tunay nang naniniwala. Akala nila na hangga’t sila’y naniniwala sa Panginoon sa ganitong paraan, maiaangat sila sa kaharian ng langit kapag Siya’y bumalik ulit. Ang paniniwala ba sa Diyos ay ganoon kadali tulad ng iniisip ng mga tao? Kung ganito maniwala ang mga tao sa Diyos, makakamit ba talaga nila ang pagtanggap ng Diyos? Iyong mga Fariseo na tinuligsa at kinondena ng Panginoong Jesus, hindi ba’t sa ganoong paraan din sila naniwala sa Diyos? Lagi silang nananalangin at nagsusumikap at naglakbay pa hanggang sa dulo ng mundo para ikalat ang ebanghelyo. Kung gayon bakit nabigong makamit ng kanilang pananalig ang pagtanggap ng Panginoon at sa halip ay natamo ang Kanyang pagkondena at mga sumpa?
02 Oktubre 2019
Tagalog Christian Movie Clips | "Ang Kaugnayan sa Pagitan ng Paghatol sa mga Huling Araw at Pagpasok sa Kaharian ng Langit"
Tagalog Christian Movie Clips | "Ang Kaugnayan sa Pagitan ng Paghatol sa mga Huling Araw at Pagpasok sa Kaharian ng Langit"
Sa mga relihiyoso, maraming naniniwala na basta’t iniingatan nila ang pangalan ng Panginoon, matibay ang pananalig nila sa pangako ng Panginoon at nagpapakahirap sila para sa Panginoon, pagbalik Niya mara-rapture sila at makakapasok sa kaharian ng langit. Makakapasok ba talaga ang isang tao sa kaharian ng langit sa pananalig sa Panginoon sa ganitong paraan? Ano ba mismo ang mangyayari sa atin kung hindi natin tatanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw? Sabi ng Makapangyarihang Diyos,
30 Setyembre 2019
Christian Movie Clips | "Ano Ba Talaga ang Kaugnayan sa Pagitan ng Pagiging Ligtas at Pagpasok sa Kaharian ng Langit?"
Christian Movie Clips | "Ano Ba Talaga ang Kaugnayan sa Pagitan ng Pagiging Ligtas at Pagpasok sa Kaharian ng Langit?"
Maraming taong naniniwala na sa pananalig sa Panginoong Jesus ay mapapatawad ang kanilang mga kasalanan, na naligtas sila ng kanilang pananampalataya, at bukod pa riyan kapag naligtas ang isang tao ay naligtas na sila magpakailanman, at kapag bumalik ang Panginoon mara-rapture sila at makakapasok sa kaharian ng langit! Pero sinabi ng Panginoong Jesus,
28 Setyembre 2019
Tagalog Christian Movie Clips | Masasakit na Alaala "Talaga bang Nauunawaan Mo si Pablo?"
Tagalog Christian Movie Clips | Masasakit na Alaala "Talaga bang Nauunawaan Mo si Pablo?"
Sa loob ng dalawang libong taon, naging huwaran si Pablo na dapat sundan ng lahat ng nananalig sa Panginoon. Pero talaga bang nauunawaan natin si Pablo? Talaga bang alam natin ang tagong katotohanan ng pagpapakahirap ni Pablo para sa Panginoon? Ano ang likas na pagkatao ni Pablo, at ano ang kanyang kakanyahan? Ipapaunawa sa atin ng maikling videong ito ang tunay na Pablo!
Christian Movie Clips | Masasakit na Alaala "Ano ang mga Pamantayan sa Pagpasok sa Kaharian ng Langit?"
Christian Movie Clips | Masasakit na Alaala "Ano ang mga Pamantayan sa Pagpasok sa Kaharian ng Langit?"
Tungkol sa klase ng tao na makakapasok sa kaharian ng langit, sinabi ng Panginoong Jesus, "kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Kaya anong klaseng tao mismo ang sumusunod sa kalooban ng Ama sa langit? Maraming taong naniniwala na yaong mga sumusunod sa halimbawa ni Pablo at nagpapakahirap para sa Panginoon ang gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit. At may ilang niniwala na yaon lamang mga nagmamahal sa Diyos nang buong puso,
01 Setyembre 2019
Tagalog Christian Movie | "Masasakit na Alaala" (Clips 1/6) Ang Kaligtasan Ba sa Pamamagitan ng Pananampalataya ang Tanging Tiket Tungo sa Kaharian ng Langit?
Tagalog Christian Movie | "Masasakit na Alaala" (Clips 1/6) Ang Kaligtasan Ba sa Pamamagitan ng Pananampalataya ang Tanging Tiket Tungo sa Kaharian ng Langit?
Anong klaseng tao ba mismo ang makakapasok sa kaharian ng langit? Naniniwala ang ilang tao na mapapatawad ang ating mga kasalanan kapag nanalig tayo sa Panginoon, na kapag naligtas tayo ay naligtas na tayo magpakailanman, at ang ganitong klase ng tao ay nara-rapture at nakakapasok sa kaharian ng langit. At mayroon pang naniniwala na, bagama’t napatawad na ang ating mga kasalanan kapag nanalig tayo sa Panginoon, madalas pa rin tayong magkasala at hindi tayo nagtatamo ng kabanalan, at dahil sinasabi sa Biblia na yaong mga hindi banal ay hindi makikita ang Panginoon,
31 Hulyo 2019
Tanong 1: Sabi sa Biblia, “Sapagka’t ang tao’y nanampalataya sa pamamagitan ng puso;at naghayag ng kaligtasan gamit ang bibig” (Roma 10:10). Naligtas na tayo ng ating pananampalataya kay Jesus. Pag naligtas na tayo, magpasawalang-hanggan na ‘yon. Pagdating ng Panginoon tiyak na makakapasok tayo sa kaharian ng langit.
Sagot: Pag naligtas na tayo, magpakailanman na ‘yon at makakapasok tayo sa kaharian ng langit, ideya at imahinasyon lang ‘yan ng tao. Ni hindi ito ayon sa mga salita ng Diyos. Hindi sinabi ng Panginoong Jesus kailanman na makakapasok ang mga tao sa kaharian ng langit kapag naligtas siya sa pamamagitan ng pananampalataya. Sabi ng Panginoong Jesus, ang mga gumagawa lang ng kalooban ng Ama sa langit ang makakapasok sa kaharian ng langit.
24 Hulyo 2019
Tanong 8: Simula nang manalig tayo sa Panginoon, naibigay na natin ang lahat para sairin ang ating lakas at nagsumikap tayo para sa Panginoon, at sumailalim na tayo sa pagpapahirap at kapighatian. Nabilanggo pa tayo para sa Kanya at mas gusto pa nating mamatay kaysa ikaila ang pangalan ng Panginoon o pagtaksilan Siya. Palagay ko ito ang pagsasagawa ng kalooban ng Diyos. Sa pagdurusa para sa Panginoon at pagpapatotoo magkakamit tayo ng kabanalan, at magiging marapat na makita ang Panginoon. Basta’t patuloy natin itong ginagawa, pagbalik Niya ay dadalhin tayo sa kaharian ng langit.
Sagot: Ang pagsusumikap para sa Panginoon ay paggawa ng kalooban ng Diyos—ito ay isang kuru-kuro ng halos lahat ng tao sa iba’t ibang relihiyon. Sa tingin ng mga tao, medyo tama iyan, pero naaayon ba iyan sa katotohanan, at alinsunod sa kalooban ng Panginoon? Tingnan muna natin ang isang katotohanan. Nang maglakbay ang mga Fariseong Judio sa lupa at karagatan para mangaral at gawin ang Kanyang gawain, sa tingin ng ibang mga tao mukha silang kagalang-galang at relihiyoso. Kaya bakit sila hinatulan at isinumpa ng Panginoong Jesus, na nagsabing “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw”? Nakikita ng Diyos ang puso ng mga tao! Kahit nagsumikap ang mga Fariseo, nagsasagawa lang sila ng ritwal at nagpapaliwanag ng kaalaman at teorya mula sa Biblia. Ni hindi nila ipinamuhay ang salita ng Diyos, at hindi sinunod ang Kanyang mga utos.
08 Hulyo 2019
Tanong 7: Ngayo’y nananalig tayo sa Panginoong Jesus; nagsasakripisyong ipalaganap ang pangalan ng Panginoon, at tinatalikuran natin ang iba pa. ginagawa natin ang kalooban Ama sa langit. Ibig sabihi’y nagawa na tayong banal. Pagdating ng Panginoon, talagang dadalhin Niya tayo sa kaharian sa langit!
Sagot: Tungkol sa kung sino ang makakapasok sa kaharian ng langit: Sabi ng Panginoong Jesus, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). Malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus sa atin na ang mga gumagawa lang ng kalooban ng Ama sa langit ang makakapasok sa kaharian ng langit. Mga kapatid, kahit nagsasakripisyo ang mga tao na ipalaganap ang pangalan ng Panginoon, na tinatalikuran ang iba pa, hindi natin maikakaila na madalas din silang magkasala. Ang katotohanan na nagkakasala sila ay nangangahulugan na kampon sila ni Satanas at marumi at tiwali pa rin.
06 Hunyo 2019
Q&A tungkol sa Ebanghelyo|Tanong 5: Sinusunod natin ang halimbawa ni Pablo at nagsusumikap tayo para sa Panginoon, sa pangangaral ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Panginoon, at pagpapastol sa mga iglesia ng Panginoon, gaya ni Pablo: “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya.” Hindi ba pagsunod ito sa kalooban ng Diyos? Ang ibig sabihin ng ganitong pamumuhay ay karapat-dapat tayong madala at makapasok sa kaharian ng langit, kaya bakit natin kailangang tanggapin ang gawain ng paghatol at pagdalisay ng Diyos sa mga huling araw bago tayo madala sa kaharian ng langit?
Sagot: Maraming nananalig sa Panginoon na sumusunod sa halimbawa ni Pablo. Ginagawa ba nila talaga ang kalooban ng Ama sa langit? Talaga bang karapat-dapat silang pumasok sa kaharian ng langit? Tingnan natin ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.
29 Mayo 2019
Tanong 4: Lahat tayo ay naniwala sa Panginoon nang maraming taon, at lagi nating sinusunod ang halimbawa ni Pablo sa ating gawain para sa Panginoon. Naging tapat tayo sa pangalan at paraan ng Panginoon, at siguradong naghihintay sa atin ang korona ng pagkamatuwid. Ngayon, kailangan lang nating magtuon sa pagsusumikap para sa Panginoon, at pagmamasid sa Kanyang pagbabalik. Sa gayon lamang tayo maaaring dalhin sa kaharian ng langit. Iyon ay dahil sinabi sa Biblia na “at ang nangaghihintay sa akin ay hindi mangapapahiya” (Isaias 49:23). Naniniwala kami sa pangako ng Panginoon: Dadalhin Niya tayo sa kaharian ng langit sa Kanyang pagbabalik. May mali ba talaga sa pagsampalataya sa ganitong paraan?
Sagot: Sa pagmamasid sa pagdating ng Panginoon, pinaniniwalaan ng karamihang tao na kailangan lang nilang magsumikap para sa Panginoon, at sundin ang halimbawa ni Pablo, para tuwirang madala sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon. Para sa kanila, mukha namang tama na mamuhay sa ganitong paraan, at walang sinuman ang hindi sumasang-ayon.
04 Mayo 2019
Tanong 1: Namatay sa krus ang Panginoong Jesus para sa atin. Tinubos niya tayo sa mga kasalanan at pinatawad ang ating mga sala, ginawa Niya ito para iligtas tayo at ipinagkaloob sa atin na makapasok sa kaharian ng langit. Kahit patuloy tayong nagkakasala at kailangan pa tayong linisin, pinatawad ng Panginoon ang lahat ng kasalanan natin at ginawa tayong karapat-dapat sa pamamagitan ng ating pananampalataya. Akala ko hangga’t isinasakripisyo natin ang lahat para makagawa para sa Panginoon, hangga’t payag tayong magtiis ng paghihirap at magbigay ng kabayaran, papayagan tayong makapasok sa kaharian ng langit. Akala ko ‘yon ang pinangako sa atin ng Panginoon. Gano’n pa man, ilan sa mga kapatid natin ang kumukwestyon ngayon sa paniniwalang ‘yon. Sabi nila kahit daw nagsikap tayo para sa Panginoon, madalas pa rin tayong magkasala at ikinukumpisal ang mga kasalanan natin, kaya hindi pa rin tayo nalilinis. Inihayag nila na banal ang Panginoon, kaya hindi Siya maaaring makita ng mga taong hindi banal. Ang tanong ko ay: Tayong mga isinakripisyo ang lahat para sa Panginoon, talaga bang madadala tayo sa kaharian ng langit? Talagang hindi pa natin alam ang sagot sa tanong na ‘yon, kaya gusto naming kausapin niyo kami tungkol do’n.
Sagot: Ang iniisip ng lahat ng mga sumasampalataya sa Panginoon: Tinubos tayo ng Panginoong Jesus nang mamatay Siya sa krus, kaya pinatawad na tayo sa lahat ng kasalanan. Hindi na tayo nakikita ng Panginoon bilang mga makasalanan. Naging matuwid na tayo sa pamamagitan ng ating pananalig.
03 Abril 2019
Q&A tungkol sa Ebanghelyo|Sabi sa Biblia, “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man” (1 Tesalonica 4:17). Paano natin ipaliliwanag ‘yon?
Sagot: Asamin natin ang pagbalik ng Panginoon batay sa mga propesiyang Siya Mismo ang nagsabi. ‘Yon ang pinaka-karaniwang paraan ng paghihintay sa pagbalik ng Panginoon. Sino ba ang talagang nagsabi niyan? Mga salita ba ‘yan ng Panginoon o mga salita ng mga tao?
27 Marso 2019
Tanong 2: Hindi pa natin nasisiguro kung nasa lupa o nasa langit ang kaharian ng Diyos. Maraming beses nang nagsalita ang Panginoong Jesus ng “malapit na ang kaharian ng langit” at “Dumarating ang kaharian ng langit.” Kung “kaharian ng langit,” ibig sabihin nasa langit ‘yon. Pa’no ‘yon napunta sa lupa?
Sagot: Kailangang maging malinaw sa ‘ting lahat na ang “langit” ay laging tumutukoy sa Diyos. Ang “kaharian ng langit” ay malinaw na tumutukoy sa kaharian ng Diyos. Inihahayag din sa Pahayag, “ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao,” “Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo.”
24 Disyembre 2018
Tagalog Dubbed Movie "Paggising Mula sa Panaginip" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven
Tagalog Dubbed Movie "Paggising Mula sa Panaginip" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven
Si Yu Fan ay kagaya lang ng maraming iba na nananalig sa Panginoong Jesus—ipinalagay niya na nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, pinatawad na Niya ang sangkatauhan sa kanilang mga kasalanan, na nagtamo na siya ng katuwiran sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya, at na basta’t isuko lang niya ang lahat at naglingkod siya nang husto sa Panginoon, pagbalik ng Panginoong Jesus tiyak na papasok siya sa kaharian ng langit. Pero nagduda ang kanyang mga kapanalig: Napatawad na tayo sa pananalig sa Panginoon at makapagsasakripisyo tayo at makapaglilingkod sa Panginoon, pero madalas tayong magkasala at nilalabanan natin ang Panginoon. Talaga bang makakapasok tayo sa kaharian ng langit sa ganitong paraan? … Matapos makausap at makadebate kalaunan ni Yu Fan ang mga saksi mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan niya ang mga hiwaga ng pagdatng ng Panginoon at pagpasok sa kaharian ng langit, at sa wakas ay nagising mula sa kanyang panaginip …
18 Nobyembre 2018
Best Christian Movie Trailer | "Masasakit na Alaala" The Repentance of a Christian
Best Christian Movie | "Masasakit na Alaala" The Repentance of a Christian (Trailer)
Si Fan Guoyi ay isang elder ng isang bahay-iglesia sa China. Sa mahigit dalawampung taon ng paglilingkod, lagi niyang ginagaya si Pablo, at nagsumikap at nagpakahirap para sa Panginoon nang may malaking kasigasigan. Bukod dito, matibay ang paniniwala niya na sa patuloy na pagsampalataya sa ganitong paraan, isinasakatuparan niya ang kalooban ng Ama sa langit, at na kapag nagbalik ang Panginoon, siguradong mara-rapture siya sa kaharian ng langit. Gayunman, nang sumapit sa kanya ang pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, kumapit siya sa kanyang mga pagkaunawa.
13 Oktubre 2018
Makakapasok ba sa Kaharian ng Langit ang mga Naligtas?
Tagalog Christian Movie Clips | Mapalad ang Mapagpakumbaba | "Makakapasok ba sa Kaharian ng Langit ang mga Naligtas?"
Sa Panahon ng Biyaya, isinagawa ng Panginoong Hesus ang gawain ng pagtubos na nagpatawad sa lahat ng ating mga kasalanan. Hangga't tinatanggap natin ang Panginoong Hesus bilang ating Tagapagligtas at ipinagdasal at ikinumpisal natin ang ating mga kasalanan sa Panginoon, mapapatawad ang ating mga kasalanan at maliligtas tayo sa pamamagitan ng ating pananampalataya. Kaya ano ba talaga ang ibig sabihin ng "naligtas na?" Maaari ba tayong madala at makapasok sa kaharian ng langit sa pamamagitan ng pananalig sa Panginoon, dumating sa ilalim ng Kanyang biyaya at maligtas?
30 Setyembre 2018
Tagalog Christian Maikling Dula "Baka Nananaginip Tayo" (Tagalog Dubbed)
Maikling Dula "Baka Nananaginip Tayo" (Tagalog Dubbed)
Isang pastor ng relihiyosong mundo na may jacket na gawa sa balat ng tupa, isang mabait at matapat na asawa, at isang tapat na Kristiyanong may pagkaunawa na nagmamahal sa katotohanan ang nagsasama-sama sa isang nakakatawang maikling dula na sumisiyasat sa tanong na, "Makakapasok ba ang isang tao sa kaharian ng langit sa pamamagitan ng pagsisikap?" Mapapaisip ang mga manonood dahil sa kabalintunaang lengguwahe at matalinong debate sa pagitan ng naniniwala at ng pastor…
02 Setyembre 2018
Pag-bigkas ng Diyos | Paano Makilala ang Diyos sa Lupa
Kayong lahat ay nagagalak na makatanggap ng gantimpala sa harap ng Diyos at maging layon ng Kanyang pabor sa Kanyang mga mata. Ito ang nais ng bawat isa pagkatapos niyang magsimulang manampalataya sa Diyos, sapagkat ang tao ay naghahangad ng mas mataas na mga bagay nang buong puso at walang sinuman ang nagnanais mapag-iwanan ng iba. Ito ang pamamaraan ng tao. Dahil dito mismo, marami sa inyo ang palaging sinusubukan na makamit ang pabor ng Diyos na nasa langit, ngunit sa katotohanan, ang inyong katapatan at kalantaran sa Diyos ay mas kaunti kaysa sa inyong katapatan at kalantaran sa sarili. Bakit Ko sinasabi ito? Sapagkat talagang hindi Ko kinikilala ang inyong katapatan sa Diyos, at higit Kong ikakaila ang pag-iral ng Diyos na umiiral sa inyong mga puso. Ibig sabihin, ang Diyos na inyong sinasamba, ang malabong Diyos na inyong hinahangaan, ay talagang hindi umiiral. Ang dahilan kung bakit nasasabi Ko ito nang may pagtatapos ay sapagkat napakalayo ninyo sa tunay na Diyos. Ang dahilan kung bakit may katapatan kayo ay palibhasa may pag-iral ng isang diyus-diyosan sa inyong mga puso, at para sa Akin. ang Diyos na ipinapalagay bilang hindi malaki ni maliit sa inyong mga mata, ang tanging ginagawa ninyo ay kilalanin Ako sa salita. Kapag sinasabi Ko ang inyong malaking agwat mula sa Diyos, ang tinutukoy Ko ay kung gaano kayo kalayo sa tunay na Diyos, samantalang ang malabong Diyos ay parang napakadaling abutin. Kapag sinabi Kong “hindi dakila,” ang tinutukoy nito ay kung paanong ang Diyos na pinanampalatayanan ninyo sa panahong ito ay mukhang tao lang na walang dakilang kakayanan; isang tao na hindi masyadong matayog. At kapag sinabi Kong “hindi maliit,” ibig sabihin nito, kahit ang taong ito ay hindi kayang tawagin ang hangin at utusan ang ulan, gayunpaman kaya Niyang tumawag sa Espiritu ng Diyos para gumawa ng gawaing makayayanig sa langit at lupa, pinananatiling lubos na nalito ang tao. Sa panlabas, kayong lahat ay tila napakamasunurin sa Cristong ito sa lupa, bagamat sa diwa, wala kayong pananampalataya sa Kanya, ni pag-ibig sa Kanya. Ang ibig Kong sabihin ay ang totoong pinanampalatayanan ninyo ay ang malabong Diyos sa inyong mga damdamin, at ang totoong minamahal ninyo ay ang Diyos na hinahangad ninyo sa gabi at sa araw, ngunit hindi nakita ng personal kailanman. At para sa Cristong ito, ang pananampalataya ninyo ay maliit na bahagdan lamang, at ang inyong pag-ibig sa Kanya ay balewala. Ang ibig sabihin ng pananampalataya ay paniniwala at pagtitiwala; ang ibig sabihin ng pag-ibig ay pagsamba at ang paghanga sa puso, na kailanma’y hindi maghihiwalay. Gayunman ang inyong pananampalataya sa at pag-ibig kay Cristo sa panahong ito ay malayong makaabot dito. Pagdating sa pananampalataya, paano kayo sumasampalataya sa Kanya? Pagdating sa pag-ibig, paano bang Siya ay minamahal ninyo? Wala talaga kayong alam sa Kanyang disposisyon, lalo nang mas kaunti pang alam sa Kanyang diwa, kaya’t paano kayo nagkaroon ng pananampalataya sa Kanya? Nasaan ang realidad ng inyong pananampalataya sa Kanya? Paano ninyo Siya minamahal? Nasaan ang realidad ng inyong pag-ibig sa Kanya?
22 Agosto 2018
Sino ang Aking Panginoon - Nasa Biblia ba ang Lahat ng Gawain at Mga Salita ng Diyos?
Naniniwala ang kabuuan ng relihiyosong mundo na ang gawain at mga salita ng Diyos ay nasa Biblia lahat, at sa pagbubukod ng Biblia, walang mga salitang binanggit ang Diyos at Kanyang gawain. Samakatuwid, hangga't kayo ay tapat sa Biblia, sisiguruhin nito na kayo ay makakapasok sa kaharian ng langit. Sumasang-ayon ba ang mga ideyang ito sa katunayan ng gawain ng Diyos? Mayroon bang mga salita ng Diyos sa labas ng Biblia? Ano ba talaga iyon na maggagabay sa tao upang makapasok sa kaharian ng langit? Iyon ba ay ang panghawakan ang Biblia, o ang pagsunod sa mga yapak ng Kordero? Ibubunyag sa inyo ng clip na ito ang lahat ng sagot!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos
Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.
-
Ang mga Patotoo ng mga Mananagumpay | 3. Ginugol ang Kabataan Nang Walang Pagsisisi Xiaowen Lungsod ng Chongqing “ Ang ‘pag-i...
-
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Tanging si Cristo ng Mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan sa Buhay na Walang Han...
-
Edukasyon ng mga Bata|Ang mga Salita ng Diyos ang Gumagabay sa Akin upang Matutunan Kung Paano Turuan ang Aking mga Anak (I) Xiaox...