Wuzhi Siyudad ng Linyi, Lalawigan ng Shandong
Noong tagsibol ng 2006, inalisan ako ng katungkulan bilang pinuno at ipinadala pabalik sa kung saan ako nanggaling dahil labis nila akong itinuturing bilang isang “taong ‘di tumatanggi.” Sa una kong pagbabalik, bumulusok ako sa isang mapaminsalang pagdurusa at matinding paghihirap. Hindi ko kailanman naisip na matapos ang maraming taon ng pamumuno sa mga bagay-bagay ay mababalewala nang dahil sa pagiging isang “taong ‘di tumatanggi.”
Ito na ang wakas para sa akin, naisip ko, malalaman ng lahat ng pamilyar sa akin ang aking kabiguan at gagawin akong isang masamang halimbawa sa iglesia. Paano ko magagawang harapin ang iba pagkatapos ng lahat ng ito? At habang mas iniisip ko, mas lalo akong naging negatibo, hanggang sa tulayan nang mawala ang pananampalataya kong ipagpatuloy ang paghahanap ng katotohanan. Gayunpaman, kapag naiisip ko ang lahat ng mga pagpapakasakit at ang mga iginugol ko sa mga nakalipas na ilang taon, hindi ko magawang pagbitiwin ang sarili ko. Kung tuluyan kong inilagda ang sarili ko at tinanggap ang kabiguan, hindi ba’t mauuwi lang sa wala ang lahat ng pagsisikap ko? Hindi ba’t lalo lamang akong mamaliitin ng mga tao? Hindi ko hahayaan na mangyari iyon! Kailangan kong tumayo para sa sarili ko at hindi hayaan ang iba na tingnan ako nang may panghahamak. Ngayon, gaano man kahirap ko ito dapat na subukan, gaano man karaming pagkakamali ang danasin ko, kailangan kong magpakatatag—hindi ako maaaring sumuko sa kalagitnaan! Hangga’t natatandaan ko ang mga aral ng kabiguan at tumuon sa paghahanap ng katotohanan, marahil isang araw ay maaaring maging pinuno akong muli. Sa pamamagitan ng mga saloobin na ito sa isipan, naglaho ang lahat ng pagka-negatibo at kalungkutan at naramdaman ko ang panibagong lakas sa aking gawain.
Mula ng sandaling iyon at maging pasulong rin, gumugol ako ng mahahabang oras araw-araw, aktibo kong kinakain at iniinom ang salita ng Diyos upang tustusan ang sarili ko ng katotohanan habang nagninilay-nilay at gumagawa ng kaalaman sa aking nakaraang mga paglabag. Sinulat ko ang hindi mabilang na mga sanaysay na nagdedetalye ng mga karanasan ko sa buhay, gayundin ang mga sermon. Pagkaraan ng ilang sandali, nang makita kong napili ang dalawa sa aking mga sanaysay, mas nadama ko ang higit na pananampalataya sa aking gawain. Naisip ko sa sarili ko: Ipagpatuloy lang ang patatrabaho at di-magtatagal ang pangarap mo ay magiging isang katotohanan. Sa ganitong paraan, ipinagpatuloy ko ang aking gawain at nakadama ng kaginhawaan na ang kalagayan ko ay halos bumalik na sa “normal.”
Isang araw noong panahon ng espirituwal na paglilinang, naakit ako sa isang partikular na sipi ng salita ng Diyos: “Kung uunawain mo ang iyong sarili, dapat mong unawain ang tunay mong sitwasyon; ang pinakamahala-gang bagay sa pag-unawa sa iyong sariling sitwasyon ay ang magkaroon ng matibay na kaunawaan ng iyong sariling mga kaisipan at mga ideya. Sa bawat yugto ng panahon, ang mga kaisipan ng mga tao ay nakontrol ng isang pangunahing bagay; kung magagawa mong kontrolin ang pag-iisip mo, magagawa mong kontrolin ang bagay na nasa likod ng mga ito” (“Ang Mga Taong Laging May Mga Hinihingi sa Diyos ang Pinaka-hindi Makatuwiran” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Sa pag-iisip ng salita ng Diyos, bigla kong ibinalik ang katanungan sa aking sarili: Ano ang nangingibabaw sa mga saloobin ko ngayon? Ano ang nasa likod ng lahat ng mga saloobin ko? Sinimulan kong pagnilayan nang may pag-iingat ang proseso ng pag-iisip ko at, sa patnubay ng Diyos, ay napagtanto na mula nang napalitan ako, na sa mga saloobin ko’y nangibabaw ang pagnanais na “Dapat agawin ko ang dati kong reputasyon at katayuan at tumayo para sa sarili ko. Hindi maaaring hinahayaan ko lang ang iba na hamakin ako.” Ang kaisipang ito ay parang isang espirituwal na haligi, na pinahihintulutan akong magtiyaga sa pamamagitan ng pamiminsala ng sarili kong kawalan ng pag-asa at nagbigay sa akin ng lakas na tugisin ang aking adhikain. Sa pamamagitan ng saloobing ito sa isipan, nanatili akong “matatag at mapagmataas” sa ilalim nang patuloy na pamumula ng mga “insulto at panghahamak.” Sa sandaling ito, napagtanto ko na hindi naging dalisay ang mga gawain ko, puno ng pagnanais at ni katiting ay hindi naging positibo.
Sa pagbabalik-tanaw, nakikita ko na inilantad ako ng Diyos upang pahintulutan akong mag-isip-isip sa sarili ko at maunawaan ang aking sariling mala-satanas na kalikasan nang sa gayon ako’y maging mapakumbaba at tuwiran sa aking pagtugis sa katotohanan, itakwil ang kasamaan at kasalanan at tanggapin ang kaligtasan ng Diyos. Gayunpaman, sigurado ako na hindi ako nagpasalamat sa Diyos para sa Kanyang kaloob na kaligtasan, ni hindi ko kinamuhian ang sarili ko sa mga kasamaan na ginawa ko. Higit pa roon, hindi ko sinisi ang sarili ko o nakaramdam ng pagsisisi sa kabiguang mamuhay nang naaayon sa mga inaasahan ng Diyos. Sa halip, gawa ng hinihimok ng mayabang na kalikasan na “Dapat manaig ako kahit anong mangyari,” ibinuhos ang sarili ko sa pagbabalak ng pakanang ito, iniisip lamang ang araw nang muling pagbangon ko, ang pagbabasbas na muli bilang isang pinuno, at mabawi ang reputasyon na lubos kong napinsala. Sa katunayan, umaasa ako na muling itayo ang isang makademonyong imahe ng sarili ko para hangaan at sambahin ng iba. Maliwanag na, napakalaki ng mga naging ambisyon ko—talagang napakalaki na nakahanda akong sumugod ng kamao sa kamao laban sa Diyos hanggang sa dulo. Naging labis akong mapagmataas at hindi nagkaroon ni katiting na paggalang o takot sa Diyos sa puso ko. Sa paggugunita ng dati kong kalagayan, naramdaman ko ang pagtindig ng balahibo sa leeg ko. Hindi ko kailanman naisip na nagawang manahan sa isipan ko ang ganitong kabangis na ambisyon. Hindi nakakagulat na sinabi ng Diyos, “kung magagawa mong kontrolin ang pag-iisip mo, magagawa mong kontrolin ang bagay na nasa likod ng mga ito.” Totoo nga. Noon, tiningnan ko ang aking mga saloobin bilang mga panandaliang pagkaunawa at hindi kailanman binigyan ng oras na pag-aralan at unawain ang mga ito. Ngayon ko lamang naunawaan na ang paghawak sa mga saloobin ng isang tao at ang aktibong pagsusuri ng mga bagay na tinatanganan sa kaibuturan ng puso ng isang tao ay napakahalaga upang maunawaan ang panloob na kalikasan ng isang tao!
Salamat sa Diyos para sa pagliliwanag na ito, na ibinangon ako mula sa pagkakabulag. Kung hindi, marahil ay nililinlang pa rin ako ng aking sariling kasinungalingan—nagpapagewang-gewang kasama ng bulag na ambisyon patungo sa aking sariling napipintong pagbagsak. Talaga namang nakakatakot! Sa prosesong ito, napagtanto ko ring sa loob ng pagpapalit sa akin, pinoprotektahan ako ng Diyos at pinagkalooban ako ng kaligtasan. Para sa isang tao na may ganoong kayabangan at baliw na ambisyon, kung hindi ako nakaranas ng pagpapahirap ng mapaminsalang pagkastigo at paghatol ng Diyos, marahil walang pagbabago akong naging anticristo at inimbitahan ang sarili kong pagbagsak. Diyos na iniibig, panata ko na itakwil ang lahat ng maling gawain, lumayo mula sa aking pagmamataas at ambisyon at sundin ang bawat utos Mo. Puspusan kong hahanapin ang katotohanan, tutuparin ang bawat tungkulin ko at mamumuhay bilang isang tunay at totoong tao upang aliwin ang Iyong puso.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento