Nakita na ba ninyo kung anong gawain ang tutuparin ng Diyos sa grupong ito ng mga tao? Sinabi ng Diyos, kahit na sa Milenyong Kaharian ay dapat sundin pa rin ng mga tao ang Kanyang mga pagbigkas at tuluy-tuloy, at sa hinaharap ang mga pagbigkas ng Diyos ay direkta pang gagabay sa buhay ng tao sa mabuting lupain ng Canaan. Noong si Moises ay nasa kagubatan, direktang nagtagubilin at nagsalita sa kanya ang Diyos. Mula sa kalangitan nagpadala ang Diyos ng pagkain, tubig, at manna upang tamasahin ng mga tao, at ito ay ganito pa rin ngayon: Personal na nagpadala na ang Diyos ng mga bagay na kakainin at iinumin para tamasahin ng mga tao, at personal Siyang nagpadala na ng mga sumpa upang kastiguhin ang mga tao.
At kaya ang bawat hakbang ng Kanyang gawain ay personal na isinasakatuparan ng Diyos. Ngayon, nananabik ang mga tao para sa pangyayari ng mga katunayan, sinusubukan nilang makakita ng mga palatandaan at kababalaghan, at maaaring ang lahat ng mga taong ganoon ay tatalikuran, dahil ang gawain ng Diyos ay nadaragdagan nang nadaragdagan ang pagiging makatotohanan. Walang nakakaalam na ang Diyos ay nakababa na mula sa langit, lingid pa rin sa kanilang kaalaman na nagpadala na ang Diyos ng pagkain at mga inumin mula sa langit—gayunman ang Diyos ay tunay na umiiral, at ang masasayang tagpo ng Milenyong Kaharian na naguguni-guni ng mga tao ay ang mga personal na mga pagbigkas din ng Diyos. Ito ay katunayan, at ito lamang ang pamumuno kasama ng Diyos sa lupa. Ang pamumuno kasama ng Diyos sa lupa ay tumutukoy sa laman. Yaong hindi ukol sa laman ay wala sa lupa, at sa gayon ang lahat niyaong mga tumutuon sa pagpunta sa ikatlong langit ay kumikilos nang walang kabuluhan. Isang araw, kapag ang buong sansinukob ay nagbabalik sa Diyos, ang sentro ng Kanyang gawain sa buong kosmos ay susunod sa mga pagbigkas ng Diyos; saanman, may mga taong tatawag gamit ang telepono, ang ilan ay gagamit ng eroplano, ang ilan ay gagamit ng bangka patawid sa karagatan, at ang ilan ay gagamit ng mga laser upang makatanggap ng mga pagbigkas ng Diyos. Ang lahat ay magiging mapagsamba, at mapanabik, silang lahat ay mapapalapit sa Diyos, at magtitipun-tipon tungo sa Diyos, at ang lahat ay sasamba sa Diyos—at ang lahat ng ito ay magiging ang mga gawa ng Diyos. Tandaan ito! Hindi kailanman muling magsisimula ang Diyos saanmang iba pa. Tutuparin ng Diyos itong katunayan: Palalapitin Niya ang lahat ng sangkatauhan sa buong sansinukob sa Kanyang harapan, at sasambahin ang Diyos sa lupa, at ang Kanyang gawain sa ibang mga lugar ay titigil, at mapipilitan ang mga tao na hanapin ang tunay na landas. Ito ay magiging kahalintulad ni Jose: Ang lahat ay nagsilapit sa kanya para sa pagkain, at yumukod sa kanya, sapagka’t siya’y mayroong mga bagay na makakain. Upang maiwasan ang taggutom, ang mga tao ay mapipilitang hanapin ang tunay na landas. Ang buong relihiyosong pamayanan ay dumaranas ng matinding taggutom, at tanging ang Diyos ng ngayon ang Siyang bukal ng buhay na tubig, na taglay ang palaging umaagos na bukas na inilaan para sa kasiyahan ng tao, at darating ang mga tao at aasa sa Kanya. Iyon ang panahon kung kailan ang mga gawa ng Diyos ay nabubunyag, at ang Diyos ay naluluwalhati; ang lahat ng tao sa buong sansinukob ay sasamba sa hindi katangi-tanging “tao.” Hindi ba ito ang magiging araw ng kaluwalhatian ng Diyos? Isang araw, ang mga nakatatandang pastor ay magpapadala ng mga telegrama na naghahanap sa tubig mula sa bukal ng tubig na buháy. Sila ay magiging matatanda na, subali’t sila ay darating pa rin upang sumamba sa taong ito, na kanilang itinakwil. Sa kanilang mga bibig kikilalanin nila at sa kanilang mga puso sila ay magtitiwala—at hindi ba ito isang tanda at kababalaghan? Kapag nagdiriwang ang buong kaharian ay ang araw ng kaluwalhatian ng Diyos, at kung sinuman ang lumalapit sa inyo at tumatanggap sa mabuting balita ng Diyos ay pagpapalain ng Diyos, at ang mga bansang ito at ang mga taong ito ay pagpapalain at aalagaan ng Diyos. Ito ang hinaharap na direksyon: Yaong mga tumatanggap ng mga pagbigkas mula sa bibig ng Diyos ay magkakaroon ng landas na lalakaran sa lupa, at maging sila man ay mga negosyante o mga siyentipiko, o mga tagapagturo o mga tagagawa, yaong mga walang salita ng Diyos ay mahihirapan kahit na sa unang paghakbang, at sila ay mapipilitang hanapin ang tunay na landas. Ito ang ibig sabihin ng, “Sa katotohanan maaabot mo ang buong mundo; sa kawalan ng katotohanan, wala kang mararating.” Ang mga katunayan ay ganito: Gagamitin ng Diyos ang Daan (na nangangahulugang lahat ng Kanyang mga salita) upang atasan ang buong sansinukob at pamahalaan at lupigin ang sangkatauhan. Ang mga tao ay laging umaasa sa malaking pagbaling sa mga paraan ng paggawa ng Diyos. Sa payak na pananalita, sa pamamagitan ng mga salita kinukontrol ng Diyos ang mga tao, at dapat mong gawin ang Kanyang sinasabi[a]naisin man ninyo o hindi; ito ay isang obhetibong katunayan, at dapat na masunod ng lahat, at kaya, rin, ito ay hindi matitinag, at alam ng lahat.
Ang Banal na Espiritu ay nagbibigay sa mga tao ng isang pakiramdam. Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, sa kanilang mga puso sila ay matatag, at mapayapa, habang yaong mga hindi nakakamtan ang mga salita ng Diyos ay nadarama ang kahungkagan. Ganyan ang kapangyarihan ng mga salita ng Diyos—kailangang basahin ang mga iyon ng mga tao, matapos nilang basahin ang mga iyon sila ay nabubusog, at hindi sila maaari nang wala ang mga iyon. Ito ay tulad ng kapag ang mga tao ay lumalanghap ng opyo: Ito ay nagbibigay sa kanila ng lakas, at kung wala ito sila ay nakakaramdam ng kawalan ng pag-asa, at walang lakas. Ganoon ang nagiging ugali ng mga tao ngayon. Ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos ay nagbibigay sa mga tao ng lakas. Kung hindi nila binabasa ang mga iyon, sila ay walang-sigla, nguni’t matapos nilang mabasa ang mga iyon, sila ay agarang tatayo mula sa kanilang “kinararatayan”. Ito ay ang salita ng Diyos na gumagamit ng kapangyarihan sa lupa at ang pamamahala ng Diyos sa lupa. May ilang tao na nais lumisan, o napagod na sa gawain ng Diyos. Kung anuman, hindi sila maaaring umalis mula sa mga salita ng Diyos; gaano man sila kahina, dapat pa rin silang umasa sa mga salita ng Diyos upang mabuhay, at gaano man sila mapaghimagsik, hindi pa rin nila pinangangahasang iwanan ang mga salita ng Diyos. Kapag tunay na ipinapakita ng mga salita ng Diyos ang kapangyarihan ng mga ito ay kung kailan naghahari at nagpapamalas ng kapangyarihan ang Diyos, at ganito kung paano gumagawa ang Diyos. Ito, matapos ang lahat, ay ang mga paraan kung paano gumagawa ang Diyos, at walang maaaring umalis dito. Ang mga salita ng Diyos ay lalaganap sa di-mabilang na mga tahanan, ang mga ito ay malalaman ng lahat, at saka pa lamang lalaganap ang Kanyang gawain sa buong sansinukob. Na ang ibig sabihin, kung ang gawain ng Diyos ay palalaganapin sa buong sansinukob, kung gayon ang Kanyang mga salita ay dapat mapalaganap. Sa araw ng kaluwalhatian ng Diyos, ipapakita ng mga salita ng Diyos ang kanilang kapangyarihan at awtoridad. Ang bawat isa sa Kanyang mga salita mula pa noong matagal nang panahong nakalipas hanggang ngayon ay matutupad at magkakatotoo. Sa paraang ito, kaluwalhatian ang mapapasa-Diyos sa lupa—na ang ibig sabihin, ang Kanyang mga salita ay maghahari sa lupa. Lahat ng masama ay kakastiguhin ng mga salita sa bibig ng Diyos, lahat ng matuwid ay pagpapalain ng mga salita sa Kanyang bibig, at ang lahat ay itatatag at gagawing ganap ng mga salita sa Kanyang bibig. Ni hindi Siya magpapakita ng anumang palatandaan o kababalaghan; ang lahat ay matutupad ng Kanyang mga salita, at ang Kanyang mga salita ay magbubunga ng mga katunayan. Ipagdiriwang ng lahat ng nasa lupa ang mga salita ng Diyos, maging matatanda man sila o mga bata, lalaki, babae, matanda, o bata, ang lahat ng tao ay magpapasakop sa ilalim ng mga salita ng Diyos. Ang mga salita ng Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao, tinutulutan ang mga tao na makita ang mga ito sa lupa, malinaw at parang buháy. Ito ang kahulugan ng Salita na maging tao. Ang Diyos ay naparito sa lupa pangunahin upang tuparin ang katunayan na “ang Salita ay nagiging tao,” na ibig sabihin, Siya ay naparito upang ang Kanyang mga salita ay mailabas mula sa katawang-tao (hindi tulad ng sa panahon ni Moises sa Lumang Tipan, nang ang Diyos ay direktang nagsalita mula sa langit). Matapos iyon, ang bawat isa sa Kanyang mga salita ay matutupad sa Kapanahunan ng Milenyong Kaharian, ang mga iyon ay magiging mga katunayang nakikita ng mga mata ng mga tao, at makikita ang mga iyon ng mga tao gamit ang sariling mga mata nang walang kahit bahagyang pagkakaiba. Ito ang pinakamataas na kahulugan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Na ang ibig sabihin, ang gawain ng Espiritu ay natutupad sa pamamagitan ng katawang-tao, at sa pamamagitan ng mga salita. Ito ang tunay na kahulugan ng “ang Salita ay nagiging tao” at “ang pagpapakita ng Salita sa katawang-tao.” Ang Diyos lamang ang maaaring makapagsalita ng kalooban ng Espiritu, at tanging ang Diyos sa katawang-tao ang maaaring magsalita sa ngalan ng Espiritu; ang mga salita ng Diyos ay ginagawang payak sa katawang-tao ng Diyos, at ang lahat ay nagagabayan ng mga iyon. Walang sinuman ang hindi sakop, lahat sila ay umiiral sa loob ng saklaw nito. Mula lamang sa mga pagbigkas na ito makakaalam ang mga tao; yaong mga hindi nakakatamo sa paraang ito ay nananaginip nang gising kung sa tingin nila ay matatamo nila ang mga pagbigkas na ito mula sa langit. Ganoon ang awtoridad na ipinapakita sa katawang-tao ng Diyos: na nagpapapaniwala sa lahat. Kahit na ang pinaka-kapita-pitagang mga eksperto at mga relihiyosong pastor ay hindi makakapagsalita ng mga salitang ito. Sila ay dapat magpasakop sa ilalim nila, at walang makakagawa ng panibagong simula. Gagamitin ng Diyos ang mga salita upang lupigin ang sansinukob. Gagawin Niya ito hindi sa Kanyang katawang-tao, kundi sa pamamagitan ng paggamit ng mga pagbigkas mula sa bibig ng Diyos na naging tao upang lupigin ang lahat ng tao sa buong sansinukob; tanging ito lamang ang Salita na naging tao, at ito lamang ang pagpapakita ng Salita sa katawang-tao. Marahil, sa mga tao, mukhang hindi nakagawa ng maraming gawain ang Diyos—nguni’t kailangan lamang bigkasin ng Diyos ang Kanyang mga salita upang lubusang mapaniwala ang mga tao, at para sila’y lubusang humanga. Sa walang katunayan, sumisigaw at naghihiyawan ang mga tao; sa mga salita ng Diyos, sila ay nananahimik. Tiyak na matutupad ng Diyos ang katunayang ito, sapagka’t ito ang matagal nang naitatag na plano ng Diyos: ang pagtupad sa katunayan ng pagdating ng Salita sa lupa. Sa katunayan, walang pangangailangan para sa Akin na magpaliwanag—ang pagdating ng Milenyong Kaharian sa lupa ay ang pagdating ng mga salita ng Diyos sa lupa. Ang paglusong ng Bagong Jerusalem mula sa langit ay ang pagdating ng mga salita ng Diyos upang mamuhay kasama ng tao, upang sumama sa bawat pagkilos ng tao, at sa lahat ng kanyang kaloob-loobang mga iniisip. Ito rin ang katunayan na tutuparin ng Diyos, at ang kahanga-hangang tanawin ng Milenyong Kaharian. Ito ang planong itinakda ng Diyos: Ang Kanyang mga salita ay magpapakita sa lupa nang isang libong taon, at ipamamalas ng mga ito ang lahat ng Kanyang mga gawa, at tatapusin ang lahat ng Kanyang gawain sa lupa, kung saan pagkatapos nito ang yugtong ito ng sangkatauhan ay sasapit sa katapusan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento