Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

10 Hulyo 2019

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | "Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan" (Unang Bahagi)


salita ng Diyos | "Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan" (Unang Bahagi) 


Ang pagpasok sa kapahingahan ay hindi nangangahulugan na ang lahat ng mga bagay ay titigil sa paggalaw, o na ang lahat ng bagay ay titigil sa pag-unlad, ni nangangahulugan ito na ang Diyos ay titigil sa paggawa o ang tao ay titigil na mabuhay. Ang tanda ng pagpasok sa kapahingahan ay ganito: Si Satanas ay nawasak na; yaong mga masasamang tao na sumapi kay Satanas sa masama nitong gawain ay naparusahan at napawi na; lahat ng mga puwersang laban sa Diyos ay tumigil sa pag-iral. Ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan ay nangangahulugan na hindi na Niya isasakatuparan ang Kanyang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang pagpasok ng sangkatauhan sa kapahingahan ay nangangahulugan na ang buong sangkatauhan ay mabubuhay sa loob ng liwanag ng Diyos at sa ilalim ng Kanyang mga pagpapala; walang na ang kasamaan ni Satanas, ni mangyayari man ang anumang bagay na di-matuwid. Ang sangkatauhan ay mamumuhay nang normal sa lupa, at mamumuhay sila sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos. Kapag ang Diyos at ang tao ay magkasamang pumasok sa kapahingahan, ito ay mangangahulugan na ang sangkatauhan ay nailigtas at si Satanas ay nawasak na, na ang gawain ng Diyos sa gitna ng tao ay lubusang natapos. Hindi na magpapatuloy sa paggawa ang Diyos sa gitna ng tao, at ang tao ay hindi na mamumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas. Kaya, ang Diyos ay hindi na magiging abala, at ang tao ay hindi na magmamadali; ang Diyos at ang tao ay sabay na papasok sa kapahingahan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.