Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

06 Agosto 2019

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Winasak ang Sodoma Dahil Nagalit ang Diyos


Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Winasak ang Sodoma Dahil Nagalit ang Diyos

Nang makita ng mga taga-Sodoma ang dalawang lingkod na ito, hindi nila itinanong kung ano ang kanilang dahilan sa pagdating, ni may isa man lang na nagtanong kung dumating ba sila upang ipahayag ang kalooban ng Diyos. Sa kabaligtaran, bumuo sila ng isang malaking pangkat ng mga tao at, kahit walang anumang paliwanag, dumating sila para dakpin ang dalawang lingkod na ito na gaya ng mga asong gubat o mababangis na mga lobo. Pinagmamasdan ba ng Diyos ang mga bagay na ito habang nangyayari? Ano kaya ang iniisip ng Diyos sa Kanyang puso sa uri ng pag-uugaling ito ng tao, sa bagay na ito? Nagpasya ang Diyos na wasakin na ang lungsod na ito; hindi na Siya mag-aatubili o maghihintay pa, ni magpapakita pa ng pagtitiyaga. Dumating na ang Kanyang araw, at inihanda na Niya ang gawaing nais Niyang gawin. Kaya ang sabi sa Genesis 19:24-25, “Nang magkagayo’y nagpaulan si Jehova sa Sodoma at Gomorra ng azufre at apoy mula sa Jehova na buhat sa langit; At ginunaw niya ang mga bayang yaon, at ang buong Kapatagan at ang lahat ng nangananahan sa mga bayang yaon, at ang tumutubo sa lupang yaon.” Sinasabi ng dalawang talatang ito sa mga tao ang paraan ng pagwasak ng Diyos sa lungsod na ito; gayun din sinasabi sa mga tao kung ano ang winasak ng Diyos. Una, isinasaad sa Biblia na sinunog ng Diyos ang lungsod sa pamamagitan ng apoy, at ang lawak nito ay sapat na upang malipol ang mga tao at lahat ng nabubuhay sa lupa. Ibig sabihin, hindi lamang winasak ng apoy na nagmula sa langit ang lungsod; sinira din nito ang lahat ng mga tao at lahat ng mga nabubuhay na nilalang sa loob, na walang anumang naiwan kahit isang bakas. Pagkatapos masunog ang lungsod, sa lugar ay walang makitang buhay na mga bagay. Wala nang may buhay o anumang senyales nito. Ang lungsod ay naging kaparangan, isang lugar na walang laman at puspos ng nakabibinging katahimikan. Wala nang anumang masamang gawa na laban sa Diyos sa lugar na ito; wala nang mangyayaring patayan o pagdanak ng dugo.
Bakit nais ng Diyos na sunugin ang lungsod na ito nang lubusan? Ano ang nakikita ninyo dito? Matitiis bang panoorin ng Diyos ang mga tao at ang kalikasan, na Kanyang nilikha, na mawasak na katulad nito? Kung makakaya mong maunawaan ang galit ng Diyos na si Jehovah mula sa apoy na bumaba mula sa langit, kung gayon, hindi mahirap na makita ang antas ng Kanyang galit mula sa puntirya ng Kanyang pagwasak, gayun din sa antas ng pagkawasak sa lungsod na ito. Kapag kinasuklaman ng Diyos ang isang lungsod, ibibigay Niya dito ang Kanyang kaparusahan. Kapag nainis ang Diyos sa isang lungsod, padadalhan Niya ito ng paulit-ulit na babala ng Kanyang galit sa mga tao. Ngunit kapag nagpasya ang Diyos na wakasan na at wasakin ang isang lungsod–iyon ay kapag nasaktan na ang Kanyang galit at kamahalan–hindi na Siya magsasabi pa ng anumang mga parusa o mga babala. Sa halip, tuluyan na Niya itong wawasakin. Lubusan na Niya itong paglalahuin. Ito ang matuwid na disposisyon ng Diyos.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Nauugnay sa pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos:Katiwalian ng Sodoma: Nagpapasiklab ng Galit sa Tao, Nagdudulot ng Pagkapoot sa Diyos

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.