Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pagkamatuwid. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pagkamatuwid. Ipakita ang lahat ng mga post

06 Agosto 2019

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Winasak ang Sodoma Dahil Nagalit ang Diyos


Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Winasak ang Sodoma Dahil Nagalit ang Diyos

Nang makita ng mga taga-Sodoma ang dalawang lingkod na ito, hindi nila itinanong kung ano ang kanilang dahilan sa pagdating, ni may isa man lang na nagtanong kung dumating ba sila upang ipahayag ang kalooban ng Diyos. Sa kabaligtaran, bumuo sila ng isang malaking pangkat ng mga tao at, kahit walang anumang paliwanag, dumating sila para dakpin ang dalawang lingkod na ito na gaya ng mga asong gubat o mababangis na mga lobo.

18 Hulyo 2019

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Mapait na Bunga ng Kayabangan



Hu Qing Lungsod ng Suzhou Lalawigan ng Anhui

Nang makita ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Gusto ninyo na mga naglilingkod bilang mga lider na laging magkaroon ng mas higit na kahusayan, na maging angat kaysa sa lahat, na makanahap ng mga bagong pamamaraan upang makita ng Diyos kung gaano ang kakayahan mo talaga. … Lagi mo gustong magpakitang-gilas; hindi ba’t ito mismo ang kapahayagan ng isang mapagmataas na kalikasan?” (“Kung Wala ang Katotohanan Madaling Saktan ang Damdamin ng Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo), Naisip ko sa sarili ko: Sino ang may sapat na tapang na sumubok makakita ng mapanlikhang bagong panlilinlang?

14 Hulyo 2019

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Katiwalian ng Sodoma: Nagpapasiklab ng Galit sa Tao, Nagdudulot ng Pagkapoot sa Diyos


Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Katiwalian ng Sodoma: Nagpapasiklab ng Galit sa Tao, Nagdudulot ng Pagkapoot sa Diyos


Una, tingnan natin ang mga talata sa kasulatan na naglalarawan sa “Pagwasak ng Diyos sa Sodoma.”

(Gen 19:1-11) At nagsidating ang dalawang anghel sa Sodoma, nang nagtatakip silim; at si Lot ay nakaupo sa pintuang-bayan ng Sodoma: at sila’y nakita ni Lot, at nagtindig upang salubungin sila; at iniyukod ang mukha sa lupa; At nagsabi, Ngayon nga mga panginoon ko, ipinamamanhik ko sa inyo na kayo’y magsiliko at magsipasok sa bahay ng inyong lingkod, at kayo’y matira sa buong magdamag, at maghugas ng inyong mga paa, at sa madaling araw ay magsipagbangon kayo at magpatuloy ng inyong paglakad. At kanilang sinabi, Hindi, kundi sa langsangan mananahan kami sa buong magdamag.

28 Hunyo 2019

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Pagwasak ng Diyos sa Sodoma



Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Pagwasak ng Diyos sa Sodoma


(Gen 18:26) At sinabi ni Jehova, Kung makasumpong ako sa Sodoma ng limampung matuwid sa loob ng lungsod, patatawarin ko ang buong lugar, alang-alang sa kanila.

(Gen 18:29) At siya’y muling nagsalita pa sa kanya, at sinabi, Marahil ay may masusumpungang apatnapu. At sinabi niya, Hindi ko gagawin.

19 Marso 2019

Tagalog Christian Songs|Pinupuno ng Gawa ng Diyos ang Malawak na Kalawakan ng Sansinukob





Tagalog Christian Songs|Pinupuno ng Gawa ng Diyos ang Malawak na Kalawakan ng Sansinukob


I
Tanaw ng Diyos ang lahat ng bagay mula sa taas,
at nangingibabaw sa lahat mula sa taas.
Kaligtasa'y ipinadala din ng Diyos sa mundo.
Nakamasid lagi ang Diyos mula sa lihim Niyang dako,
bawat kilos ng tao, sinasabi't ginagawa.

30 Disyembre 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Naihayag ng Diyos ang Kanyang Buong Disposisyon sa Tao"


Isang Himno ng mga Salita ng DiyosNaihayag ng Diyos ang Kanyang Buong Disposisyon sa Tao


I
Dakila ang mga gawa ng Espiritu ng D'yos
mula pa man sa paglalang ng mundo.
Tinapos N'ya iba't-ibang mga gawain sa iba't-ibang mga bansa,
at sa iba't-ibang mga kapanahunan.

25 Disyembre 2017

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III


Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosAng tinig ng Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III


Panimula

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Bagamat ang Panginoong Jesus ay muling nabuhay, ang Kanyang puso at ang Kanyang gawain ay hindi iniwanan ang sangkatauhan. Sinabi Niya sa mga tao sa Kanyang pagpapakita na sa anumang anyo Siya umiiral, sasamahan Niya ang mga tao, lalakad kasama nila, at sasakanila sa lahat ng oras at sa lahat ng dako. At sa lahat ng oras at sa lahat ng dako, magkakaloob Siya sa sangkatauhan at papastulin sila, tutulutan silang makita at mahipo Siya, at titiyakin na hindi na nila kailanman mararamdaman ang kawalan ng pag-asa. Gusto din ng Panginoong Jesus na malaman ng mga tao ito: Ang kanilang mga buhay sa mundong ito ay hindi nag-iisa. Ang sangkatauhan ay may pagmamalasakit ng Diyos, kasama nila ang Diyos; ang mga tao ay palaging makaaasa sa Diyos; Siya ang pamilya ng bawat isa sa Kanyang mga tagasunod. Kasama ang Diyos para sandigan, ang sangkatauhan ay hindi na magiging malungkot at mawawalan ng pag-asa, at yaong tumanggap sa Kanya bilang handog sa pagkakasala ay hindi na matatali sa kasalanan. Sa mga mata ng tao, ang mga bahaging ito ng Kanyang gawain na pinatupad ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay masyadong malilit na mga bagay, ngunit sa tingin Ko, ang bawat isang bagay ay totoong makahulugan, totoong mahalaga, at lahat sila ay totoong mahalaga at mabibigat."

11 Disyembre 2017

Pagseselos, ang Talamak na Karamdamang Espirituwal

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pagseselos, ang Talamak na Karamdamang Espirituwal 


He Jiejing    Lungsod ng Hezhou, Lalawigan ng Guangxi
    Ang isang kapatid na babae at ako ay pinagpares upang magkasamang magrebisa ng mga artikulo. Habang kami ay nagpupulong, aking natanto na hindi mahalaga maging ito man ay sa pagkanta, pagsayaw, pagtanggap ng salita ng Diyos, o pagpapahatid ng katotohanan, siya ay mas magaling sa akin sa bawa’t aspeto. Ang mga kapatid sa nag-anyayang pamilya ay lahat gusto siya at kinakausap siya. Dahil dito, ang puso ko ay medyo hindi mapalagay at naramdaman ko na parang nakatanggap ako ng malamig na pagtanggap— hanggang sa punto na naiisip ko na hanggang siya ay naroroon, walang lugar para sa akin. Sa puso ko nagsimula akong makaramdam ng pagkasawa sa kanya at ayaw nang samahan siya sa pagtutupad ng aming mga tungkulin. Inasahan ko na siya ay aalis upang ang mga kapatid ay magustuhan ako at mag-isip ng mataas tungkol sa akin.

28 Nobyembre 2017

Ang himno ng Salita ng Makapangyarihang Diyos | Sa Pagkakatawang-tao Lamang ng Diyos Magiging Katiwala Niya Ang Tao



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sa Pagkakatawang-tao Lamang ng Diyos Magiging Katiwala Niya Ang Tao

I

Maraming tao'ng naniniwala,
ngunit kaunti lang ang nakakaunawa sa pananampalataya sa Diyos,
paano ba sasabayan ang pintig ng Kanyang puso.
Maraming may alam sa mga salitang "Diyos" at "gawain ng Diyos,"
ngunit di Siya kilala at ang mga gawain Niya.
Kaya pananalig nila'y bulag.
Sila'y di seryoso dito dahil ito'y kakaiba.
Kaya kapos sila sa mga hinihingi ng Diyos.
Kung di mo kilala ang Diyos at gawain N'ya,
angkop ka bang gamitin N'ya?
Matutupad mo ba ang hangad ng Diyos?

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.