Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

05 Setyembre 2019

Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas


Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Magagawa ang lahat sa pamamagitan ng Aking mga salita; walang sinumang tao ang maaaring makibahagi, at walang taong makagagawa sa gawain na Aking tutuparin. Lilinisin Ko ang hangin sa lahat ng mga lupain at pinupuksa Ko ang lahat ng mga bakas ng mga demonyo sa lupa. Nagsimula na Ako, at uumpisahan Ko ang unang hakbang ng gawain Kong pagkastigo sa tahanan ng malaking pulang dragon. Kaya makikita na dumating na ang Aking pagkastigo sa buong sansinukob, at ang malaking pulang dragon at lahat ng mga uri ng mga karumal-dumal na espiritu ay walang kakayahang tumakas mula sa Aking pagkastigo, sapagka’t tinitignan Ko ang lahat ng mga lupain. Kapag natapos na ang gawain Ko sa lupa, iyon ay, kapag natapos na ang panahon ng paghatol, pormal Kong kakastiguhin ang malaking pulang dragon. Makikita ng Aking bayan ang matuwid Kong pagkastigo sa malaking pulang dragon, ibubuhos ang papuri dahil sa Aking pagkamatuwid, at pupurihin nila nang magpakailanman ang banal Kong pangalan dahil sa Aking pagkamatuwid. Kaya pormal ninyong gawin ang inyong tungkulin, at pormal ninyo Akong pupurihin sa buong lupain, magpakailan-kailanman!"

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Pinagmumulan:https://tl.godfootsteps.org/videos/the-twenty-eighth-utterance-word.html

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.